Monthly Archives: Disyembre 2010

ANG TOTOO NA TALAGANG ALAMAT NG CHAMPURADO

 

Noong unang panahon na ang mundo at ang buhay ng tao ay inihahambing pa sa bilog at hindi sa tatsulok, may isang lugawan na hindi ko na papangalanan dahil ad-free ang blog ko at naniniwala akong masamang pagkakitaan ang pagsusulat ng walang katuturan. Ito ay pag-aari ng isang dalagang nagngangalang Pura. Kapuri-puri ang tinitindang puri lugaw ni Pura. Kapuna-puna ang kalidad nito kumpara sa ibang lugawan sa kanilang nayon. Bagamat napaka-itim ng balat at hindi naman kagandahan si Pura, marami namang humahanga sa kanyang lugaw.

‘Napakaputi ng lugaw mo,Pura!’

‘Oo nga, napakasarap himurin lalo pa nga’t mainit init ang malapot nitong sabaw!’

‘Pagkatapos kong umisa, maari bang pa-isa pa ulit ako,Pura?’

‘Hangga’t ganito kasarap ang lugaw mo, pipilahan ka namin araw-araw!’

‘Champion ang lugaw ni Pura!’

Iyan ang kadalasang bigkas ng mga hayok sa laman ng kaldero ng lugaw na suki ni Pura. Yung iba ay hindi na kumikibo at abala na lamang sa pagkain at paghigop sa maputi,malapot malinamnam at mainit-init na lugaw ni Pura.

Sa dinami-daming suki ni Pura, kakaiba sa kanilang lahat ang binatang si Ador. Si Ador ay isang pipi at anak-araw. Ang kanyang kaputian ay bulong-bulungan na dahil sa pinaglihi ito sa gatas. Bagamat umoorder ng lugaw ni Pura, hindi niya ito ginagalaw man lamang bagkus kanya itong pinag mamasdan hanggang sa may pumatak na mapuputing luha sa kanyang mga mata saka niya itutulak ang mangkok. May pagtatakang tanong sa isip  ni Pura subalit  hindi niya maibulalas kung kaya’t iniisip niyang baka iba lang ang trip ng kakaibang binata.  Kapag naisauli na niya sa kusina ang lugaw na hindi man lang nagalaw, saka niya makikita na lumalakad na palayo ang binata matapos magbayad na halatang may lungkot ang mga mata at bigat ang balikat sa paglisan. Ganito araw-araw ang nangyayari sa lugaw ni Pura na ino-order ni Ador. Pinapatakan ng mapuputing luha saka iniiwan ng walang bawas.

Lihim na umibig si Pura kay Ador dahil sa misteryong bumabalot dito sa hindi man lamang nito pagtikim sa kanyang lugaw. Naging hamon kay Pura na tuklasin kung anu ba ang mali o kulang pa sa kanyang lugaw at hindi ito tinitikman man lamang ng binatang pipi na si Ador.

Isang gabi, napagpasyahan ni Pura na isara ng maaga ang kanyang lugawan. Pinilit niyang abutin ng sandok ang ilalim ng kaldero upang haluin at alamin ang lapot nito subalit nawalan siya ng panimbang at humalo sa lugaw. Dahil sa tuloy tuloy na apoy, natunaw ang bawat himaymay ng kalamnan ni Pura at naging sanhi ito ng pag-itim ng lugaw.

Kinaumagahan, sapilitang binuksan ng kanyang mga kanayon ang lugawan ni Pura upang makakain ng paborito nilang lugaw. Hinanap nila si Pura subalit hindi nila ito matagpuan bagkus laking pagkamangha nila ng makita ang maitim na lugaw. Dahil dito, nagalit sila at pinagbintangan ang binatang pipi na si Ador.

‘Si Ador ang may kagagawan nito!’

Dagli nilang dinakip si Ador without the wreath of heabias corpus at saka pinaamin na kinidnap nito si Pura na naging sanhi ng pagkakasunog ng niluluto nitong lugaw. Katulad ni Ping Lacson na hindi pahuhuli ng buhay, dagling tumakas ito at nagtatakbo para alamin ang nangyari kay Pura. Sinilip niya ang kaldero ng lugaw at pumatak ang kanyang mapuputing luha dito. Ngayon, mababasa na ni Pura ang mga luhang mensahe niya para rito:

‘Pura, tang-ina lang! sa susunod naman paabot ng kutsara!!!’

Inabutan ng mga taong bayan si Ador at saka tuluyang inihulog sa kaldero ng maitim na lugaw.Humalo ito na parang gatas doon. Nagutom ang mga tao sa kanilang nayon at silang lahat ay unti-unting natuyo. Yan ang maikling bonus ng Alamat Ng Tuyo.

Lumipas ang maraming taon at nagkaroon ng tag-gutom sa katabing nayon. May mga naghahanap ng pagkain at nakita nila ang may sinding kaldero ng maitim na lugaw at ang maputing likido sa ibabaw noon. Kinain nila ito at nasiyahan kasama nang mga taong natuyo na napagkamalan nilang sidedish. Dahil sa sarap at pagkakaligtas nila sa tiyak na pagkagutom, tinawag nila itong…

BALUGAW.

Ang balugang lugaw.

Ito ang Champion na lugaw na naging katapusan ng maitim na si Pura at ng maputing si Ador.

Sa kakain ng balugaw na kalaunang tinawag na champurado,nagtae ang mga tao. Dito na papasok ang Alamat Ng Anidoro. Ang pagkakaligtas ni Aling Ani at Ni Mang Doro sa tiyak na pagbaha ng tae sa kanilang bayan.

Tae lang kung ikwento ko pa yan.


Advertisements