Mga Boss,Mula sa Ibaba…(Isang Palindrome)

Palindrome-

Ito ay isang sulatin na may magkaibang kahulugan ‘pag binasa mo sa pasulong o paatras na direksiyon.

Mga Boss, mula sa ibaba…

(isang palindrome)

MinionDown

ang pangulo
kulang kulang
anim na taon na
sa panunungkulan
kitang kita
ang pag-unlad
kakaunti lamang
ang bilang ng krimen
lalong dumami
ang nilikhang trabaho
sinamantala ng namumuhunan
ang marka at datos
sa magandang ekonomiya
hindi sang ayon
sa pag-gamit ng wangwang
mahusay at sanay
ang kinuhang gabinete,kaalyado,at kaibigan
sa daang matuwid
ang katiwalian
tuloy-tuloy
sinusupil
ang maralita’t magsasakang walang lupa ay
makikinabang din sa sistema
ang terorista ay
ang unang susugpuin sa pagpapasa ng BBL
soberenya at kalayaan
ng estado
ang laging tinutugunan
ang mga dayuhan
ay masaya sa ating bayan
lahat ng pedopilya at human trafficker
ay binabantayang mabuti upang masupil
ang mga progresibong grupo at mamamahayag
ay malayang malaya
ang mga may sala
ipinako sa krus
tayo ang
mga boss

(Basahing muli mula sa ibaba)

MinionUp

(credit sa mga patatas na may hepa para sa mga imahe)

2 responses to “Mga Boss,Mula sa Ibaba…(Isang Palindrome)

  1. una— creative ang pagkakagawa.
    pangalawa—mta ilang punto
    pangatlo–feeling ko hindi na 20/20 ang vision ko sa kulay nitong theme mo heheh (peace!)

    yeah nabuhay ulit ang doodle

  2. pangatlo–feeling ko hindi na 20/20 ang vision ko sa kulay nitong theme mo heheh (peace!)

    ^^^ ako rin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s