Monthly Archives: Pebrero 2011

Nang Chinorva ni Ares ang ma- Eclavung si Kupido…


Nanaginip akong nakatayo sa tuktok ng Mt. Olympus.
Narinig kong nagtatalo si Ares at si Kupido.
‘Pag-ibig!’
‘Digmaan!’
‘Pag-ibig!’
‘Digmaan!’
Nagpapalitan sila ng dumadagundong hiyawan.
Saka ang halakhak ni Ares ang nangibabaw sa palahaw ni Kupido…

Malinaw sa akin ng gilitan ng leeg ni Ares si Kupido at binalahibuhan ang pakpak saka minarinate sa ‘mama sita’s barbeque sauce‘. Ilang sandali pa, nakita kong tinuhog niya ito sa pwet at nilitson gamit ang apoy mula sa sarili nitong balahibo.

Sumakay siya sa kanyang karwaheng-pandigma at mabilis na pinuntahan ang lahat ng bagay na may kinalaman sa Valentines.

Nakita kong sinunog niya ang sinehan na plano sanang magpalabas ng mga romantic movies. Isa isa din niyang pinaputok ang mga lobong kulay pula na hugis puso saka nilublob sa tae ang lahat ng bulaklak. Hindi pa siya nakuntento.

Nilamutak niya ng kanyang kamay na duguan ang lahat ng chocolate, binulatlat na parang baliw ang mga lamang loob ng stuff toy saka hinipan ang mga ito sa lahat ng magkasintahang nakatakda na sanang mag-halikan. Napuno ng bahing ang paligid imbes sana matatamis na ‘i love you‘ at ‘i love you too‘. Hindi pa siya nakuntento.

Nilusong niya ang Manila Bay saka inihian ang sunset hanggang sa mamatay ang lamlam nito at saka lumipad sa buwan at tinapyas ito hanggang maging square saka pininturahan ng dilaw na animo’y higanteng si sponge bob square pants. Winakasan niya sa isang iglap ang romantic na sunset at lover’s moon. Hindi pa siya nakuntento.

Binutas niya ang lahat ng condom. Sinigurado niyang unwanted child ang lahat ng ipanganganak sa November. Pinuno din niya ng surot ang lahat ng bedsheet sa mga motel at ipinang-toothbrush sa kanyang alipunga ang lahat ng kasamang libreng toothbrush na naroon sa mga lugar na iyon. Hindi pa siya nakuntento.

Ginawa niyang first class jejemon writing ang lahat ng love letter at Valentine’s card. Pinalitan din niya ng ‘tina-tagyawat ka ba sa mani?’ ang lahat ng love quotes na pinapadala sa text at saka pinag bantaan ang lahat ng romantikong blogger na gaya nina ****, ****,at **** na ire-reroute sa ‘hate blog‘ ni **** ang lahat ng gagawa ng romantic post ngayong buwan ng Valentines. Hindi pa siya nakuntento.

Ginawa niyang ‘Apapa-um-mamaw‘ ang lahat ng love song. Binastos ang lahat ng romantikong tula sa tulong ni *** at saka ginulo ang mga JS prom sa pamamagitan ng pag-hiyaw na nalunod sa tasa ng kape si ‘Dwarfina’ at kailangan ng tulong. Naiwan ang mga babaeng hindi man lang nahimas ang mga hita sa loob ng kanilang mga gown. Sumunod naman niyang hiniyaw na kailangan ni ‘Machete’ ng taga-pahid ng baby oil sa katawan kaya’t wala nang natira kundi ang mga tomboy. Ginamit na niya ang huling baraha dahil dito- ‘Baker King’ na! tuluyan nang naiwan ang strobe lights at ang kanta ni Justin Beiber na parang gago.

Saka niya binalikan ang nilulutong si Kupido para alamin kong tender and juicy na ito.

‘Bakit mo sinira ang Valentines?’tanong ko.

‘Hindi ko sinira ang Valentines…sinira ko lang ang ilusyon mo ng Valentines!

‘Masdan mo!’ Dinala niya ako sa harap ng palangganang pinag-sahuran niya ng dugo ni Kupido. ‘Ano ang nakikita mo?’

‘Dugo! Ayoko ng dugo! Yuckkk!’

‘ Tama…dugo. Dugo ng digmaan ng sarili mong puso. Digmaan ng kahapon mo at ngayon. Digmaan ng iyong takot at pangamba. Digmaan ng ilusyon mo at reyalidad. Digmaan ng pangarap mo at kabiguan! Digmaan! Digmaan! Digmaan! Subalit kung mamasdan mong mabuti, sa paghupa ng digmaan sa loob ng puso mo, makikita mo ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.’

‘Aba oo nga, teka…eh…nakikita ko lang ay ang repleksiyon ng sarili ko?’

‘Exactly…’Di ba nga…“lernin’ tu lab yurselp isda greytes labopol!” Kapag mahal mo na ang sarili mo, mas madali nang mag mahal ng iba.’

***

Happy valentines sa lahat! Nawa’y bumukal mula sa ating mga sarili ang hindi kailanman matutuyong balon ng pag-ibig!