Monthly Archives: Marso 2010

if i tip and flip my hat…

ilusyon ang makita ka pero totoong mahika ang pagkakataon na bigla kang sumusulpot mula sa kawalan ng aking pag-iisa.napapatda tuloy ako’t nag-iisip kung itutuloy ko pa ang pagkumpas ng aking lapis dahil baka iyon ang lumilikha sa’yo.natatakot akong baka sa mariin at bigat ng bawat lapat ng talim niya sa papel,hindi na kayanin ng kaakibat na pambura na ituwid ang marka’t burahin ang maaaring maging pagkakamali ko.natatakot akong sa mga pagkakamaling iyon,makasakit ako ng damdamin ng hindi ko sinasadya…