Desiderata De Pururot

Bumuga kang mahinahon sa gitna ng kaguluhan at pagmamadali
at tandaan kung anung amoy ang maaring mayroon sa iyong kinain.

Hanggat maaari, walang tunog,
magkaroon ng mahusay na pagmamaang-maangan sa harap ng mga tao;
Sabihin ang katotohanan na hindi ikaw ang halimaw;
at pagbintangan ang iba,
kahit ang inosente at walang nalalaman,
masarap ding pag-tripan paminsan-minsan.

Iwasan ang tumpok ng magkaka-kilalang mga tao;
kabisado na nila ang kani-kanilang mga baho.

Kapag inihambing mo ang utot mo sa iba,
maaaring maging hungkag ito o sadyang kabahuan,
palaging magkakaroon ng nakalalamang o mas mababa sa laman ng iyong sikmura.
Kasiyahan ang amoy na iyong nagawa at subukan pang ulitin.
Manatiling nahuhumaling sa taglay nitong rimarim, gaano man kasagwa;
Isa itong tunay na kaginhawahan sa pabago-bagong lagay ng tiyan.

Magsagawa ng pag-iingat na mahalata na sa iyo nagmula ang kalapas-tanganan,
sapagkat puno ang daigdig ng mapagbintang.
Ngunit huwag mong hayaang pigilin ang anumang nariyang iniipit mo sa iyong loob;
at kahit saan man, may umuutot din ng pakunwari at pasimple.
Maging singaw ka. Kumakapit at nanunuot sa kasuluk-sulukan.
Huwag ring maging mahiyain kung iyo ring ibig,
dahil sa pagmumukha ng lahat ng kinamumuhian at mga bwisit,
ang ‘nakiki-amoy lang’ ay walang karapatang mag-reklamo.

Malugod mong tanggapin na may mga pagkakataon,
nangyayari may sumusulpot na basang bagay na ‘di mo maiwasan.
Lomotil™ ang sagot upang maging panang-galang sa dagok ng ganitong kapalaran.
Ngunit huwag mong ligaligin ang pala-palagay ng iyong mga kasamahan.
Maraming mga takot kapag ang usapan na ay paglilinis sa kalat ng iba.

Sa kabila ng di-kaaya-ayang pagsambulat,
maging banayad sa pagpunas.
Isa lang ang butas ng puwitan
na kahit sabitan pa ng mga buto at kanin
dampian ito na parang sina-santo.
At kahit madilaw man ang bunga o hindi
walang pag-aalinlangang lumalantad na ito ay ang kinain mong lahat.

Samakatuwid, posibleng ito’y expired na juice,
o anumang sinunggaban na dala ng iyong katakawan.
At kung saan ka man makaramdam at ika’y abutin,
sa loob man o sa labas ng bahay,
Kupkupin ang pangyayaring malaswa at ‘di nakakatuwa.

Sa kabila ng kukulo-kulo, kabagalan ng oras at banta ng pangyayaring masaklap,
Isa rin lang itong masamang panaginip.
Maging malikhain. Magsikap lalo’t kahihiyan ang nakataya.

-Duking Pururot (2011)

29 responses to “Desiderata De Pururot

  1. lol!!!! ang bantot! hahahaha! and kulit ng desiderata mo! amoy kamote! hahaha! maraming beses ko ng naramdaman yan, masaklap pa laging nasa byahe! takte! inipit ko talaga ng 2 oras mahigit! totoo pramys! nung sumabog eh laking ginhawa sa katawan, naku mamatay-matay na ako non! waaaaahhhhh

    • nyahaha! desideratang pang SSDD ‘to, iyah. big relief lagi kapag tapos ng isang matinding release. parang mga problema lang din. ayaw mo sana pero nangyayari paminsan minsan pero kahulihan, natatapos din naman. bow. thanks sa pagsi share,iyah.😀

  2. wahahahah!! relate much!!!
    kung kelan maraming tao, saka rin susulpot ang ganitong mga “insidente”!
    waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhahahahahaha

  3. wahahahaha,

    isa pa,wahahaha,

    peyborit ko po ang desiderata pero patok din ang desiderata de pururot nyo manong duks!naalala ko ung SSDD nyong post, ibang klase palang inspirasyon ang utot at tae, haha,wagas ang kinalalabasang blog post! >:)

  4. nagbabalik :))

    sarap nga ng ganito yung after ng paghihirap at matinding pagtitiis eh makakaupo ka rin sa trono at mailalabas mo lahat. HAYYYYY THIS IS LIFE!

    At agree nga po ako dun sa comment niyo kay iyah, talagang parang problema nga lang din, araw-araw may dumadating pero at the end of the day kapag nasolve mo ito, kakaiba yung pakiramdam, fulfilling🙂

    • haha! lahat halos ng bagay, mimickry at imitation ng buhay, pansin ko lang minsan. same kapag masama ang lagay ng tiyan natin, minsan, isang tableta lang pala ng maliit na gamot ang solusyon sa matinding paghihirap, then, everything seems to be brighter, kahit ang walang kwentang post na gaya nito.

  5. hahaha, nakakatawa, ang bantot ng naamoy ko.. hehehe, hindi ko inaasahan na ginawa mong katawa-tawa ang isang ito. Very creative ka talaga duking, bow!

  6. ngayon ko lang nabasa ito.. aba ay ayos sir duks..

    talaga naman, deiderata de pururot.. guking 2011🙂

    bagamat sa pamamaraang nakakatawa, magaling ang iyong pagkakagawa.. tunay ngang ikaw ay isang alagad ng sining🙂

    lahat ng tao umuutot🙂

  7. habang binabasa ko ito.. kumakain ako ng mango yogurt.. kagalingan.. ehe… ninamnam ko pa ang bawat salita.. kasaby ng pagsubo ko sa mango yogurt.. yummmy….

    Idol talga kita…😀

  8. tama sa pagkakataon na ganito kailangan lumabas ang iyong pagiging malikhain. ito ang talinong walang kasing galing sa baho. hhohoo

  9. Benta yung desiderata ni Pururot. Haha.😀 Ang witty lang.

  10. haha..cool na cool.
    naalala ko nung unang mabasa ko ang desiderata. ipina-xerox ko pa ito ng clear copy at idinikit sa may higaan ko.

    ngayon naman, parang gusto kong ipa-print sa tarpaulin ang ‘version’ mo.hehe.

    nice.

    magandang araw, kaibigan.

  11. napahumindig ako at nagtayuan ang aking balahibo. duking ako ay naligaw laang dine sa pahina mo at nagulat ako, at natuwa. aba’y paborito ko ang desiderata na meron din palang magandang salin ng kabahuan, parang naamoy ko pa.

  12. Reblogged this on sjanima and commented:
    ang ganda ng tagalog translation at sobrang ewan ang halo-halong emosyon sa isa pang translation, magaling… magaling…

  13. Bwahaha tawa much! hahahaha

  14. Bwahahaha. Tawa much. haha

  15. oh my gas. buti nalang may di maramot na nagbigay ng link nyo hehe naging masaya din ang buhay ko ser😀

    NP: bakit ngayon ka lang. lol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s