Sestina sa Paglipas ni Yolanda

dilim ang iniwan sa pagliliwanag
buhay na nasawi’t tahanang tinibag
tila ba bangungot sa ating pagtulog
ang nakawin lahat ng ating inibig
natangay na rin ba pati ang pag-asa?
nalibing sa lalim ng buntong-hininga.

subalit ang napugtong bawat paghinga
ay tila nagsindi ng bagong liwanag
sa lahat ng sulok, dalangi’y pag-asa
walang nakaharang ang hindi tinibag
sa agos na buting dikta ng pag-ibig
mundo ay nagmulat sa kanyang pagtulog!

kahit ang maiksing kumot sa pagtulog
binigay sa ibang kulang sa pahinga
saka tinayo ay moog ng pag-ibig
na hindi kukupas ang angking liwanag
at bawat piraso ng buhay na tibag
ay binuong muli, lakip ay pag-asa.

huwag mong bibitiwan lagi ang pag-asa
tangi mong kayakap sa iyong pagtulog
pati ang tapang mong hindi natitibag
ay pag ukulan mo ng iyong paghinga
kung ang langit ma’y nag-aagaw liwanag
ay pagpatuloy mo ang iyong pag-ibig.

sa hamon ang buhay, di man natin ibig
magapi’t malugmok,tangan ay pag-asa
tanglaw siyang gabay hanggang magliwanag
at tanod ding bantay sa ating pagtulog
saka ipanatang hangga’t humihinga
isang bayan tayong hindi patitibag!

mataas na pader, siyang dapat matibag
at magbalik landas sa ating pag-ibig
anung katuturan ng ating paghinga
kung ‘di na matanaw pag-aho’t pag-asa?
tandaan- may bathalang hindi natutulog
na tagapag-hatid sa’tin ng liwanag.

hindi matitibag ang ating pag-asa.
ang pag-ibig natin ay hindi natutulog.
ang ating paghinga’y gatong sa liwanag.

14 responses to “Sestina sa Paglipas ni Yolanda

  1. wow, sir. balik na po ba kayo sa blogosperyo?🙂

  2. welcome back, duking! namiss ka namin. ako din nagpahinga nang matagal. pero since tambay mode pa ko sa ngayon, try ko din magsulat ulit.

    kung pede nga lang uwi ako at tumulong sa tacloban eh pero hindi practical. tumulong na lang kami ditto sa sorting ng mga donations. khit pano nakatulong din for the victims.

    • bakasyon? expecting little manong or manang? hmmm. kaya siguro no? i hope i hope i hope!

      overwhelming yung pinakitang spirit local and abroad sa napakalaking tragedy ni yolanda.it brought so many learnings din sa atin sa filipinas. i know how much you would do para tumulong dahil mabait ka naman talaga.

      i did this as an exercise, kung marunong pa kong magsulat. hehe! thanks, miss che!

  3. Hindi parin ako makapaniwalang nakita ko ulit ang sapatos na color green. :))

    Si yolanda lang pala ang makakapagpabalik sayo haha

  4. sa pagtatapos ng unos, bahaghari’y muling lilitaw. Simbolo ng pag-asa, patungo sa bagong simula.

    Yun oh!… nagbabalik na si Boss Duks! yihiiiiiI!!!😀

  5. welkam bak bossing!

  6. OMG. You’re back po Sir Duks. *tears*
    “ang pag-ibig natin ay hindi natutulog” ang magmahal ng dahil sa’yo.

  7. sir duking, isa po ako sa tagahanga ng blog nyo. nagsimula akong naaliw sa mga entries nyo nang dahil sa alamat ng champorado. at ngayon binabalik balikan ko ang mga sulat nyo. nung Oktubre ko lng po natagpuan eto at sobra akong nag-eenjoy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s