Monthly Archives: Oktubre 2010

The Grinch Who Stole Christmas Back

Nanaginip akong kinuha ni ‘The Grinch ’ ang pasko.
Pinatay muna niya si Santa Claus
sa pamamagitan ng sungay ni rudolf.
Binusalan ng medyas saka sinaksak sa tiyan para hindi makahiyaw.
Tapos,isa-isa niyang binigyan ng anal sex ang lahat ng Elf
at pagtapos ay tsinap-chop saka inilagay sa kahon ng mga regalo.

Hindi pa siya nakuntento.
Tinaihan niya ang lahat ng keso-de-bola at ham sa mesa.
Pina-sukahan niya sa pusa ang mga handa lalo na ang fruit salad.
Pinalitan niya ng tinga at taeng-ipin ang lahat
ng itlog na maalat sa ibabaw ng mga bibingka.
Hinaluan niya ng kulangot ang lahat ng puto-bungbong
at saka niya ginawang kamiyas ang mansanas at ubas.

Hindi pa siya nakuntento.
Hinarang niya ang armored car na naglalaman ng mga bonus
sa pribado mang sektor o sa gobyerno.
Kinuha niya ang lahat ng pera saka tinayaan ng paulit-ulit
ang lahat ng number sa lotto para walang magkamal
ng limpak limpak na pera sa pasko.
Binali din niya isa-isa ang mga candy sticks at pinadala
ang lahat ng toy soldier sa giyera sa Iraq
kasama ni little drummer boy na parang pa-pampam.

Hindi pa siya nakuntento.
Nagpalipat-lipat siya sa mga nakasabit na parol
para palitan iyon ng ulo ng mga negosyanteng nagtitinda ng laruan.
Isa-isa niyang pinundi ang mga christmas light.
Sinunog din niya ang mga christmas tree sa tabi ng mga snowman.
Ginulo rin niya araw-araw ang ang lahat ng simbang-gabi.
Pumasok siya sa gitna ng simbahan saka humiyaw
na nasa plaza si Marian Rivera at Dingdong Dantes kung kaya’t naiwan ang pari na nag-iisa.

Hindi pa siya nakuntento.
Tinambangan niya’t pinatay ang Tatlong Haring Mago.
Hinila niya ang gabay na tala pababa sa lupa saka inihian.
Pinasok niya ang lahat ng botika at nilunok lahat ng strepsils
saka binigyan ng sore throat ang lahat ng nangangaroling.
Pinagpupunit niya ang lahat ng christmas cards.
Sinunog niya ang lahat ng malls at tiangge saka ginawang basahan
ang lahat ng bagong damit na sinusuot kung pasko.

Saka niya ako pinagbalingan.
Binatak niya ako at dinala sa isang maruming kariton.
Nakita ko ang isang munting sanggol na hindi ko malaman
kung babae ba o lalaki subalit punong-puno ng sigla.
‘Iyan ba ang messiah?’usisa ko sa kanya.
‘Hindi…subalit siya ang dahilan kung bakit ko ninakaw ang pasko.’
Pero bakit?muling tanong ko.
‘Ayoko kasing hanapin niya at ng marami pang gaya niya
ang pasko sa nakasanayan mo.’