Monthly Archives: Mayo 2010

stirring the little sweetness in the bottom of my cup

kailangan ko s’yang gisingin dahil lalamig na ang tsokolate.ayoko pa sana dahil may kung anong ligaya sa puso ko na masdan siya habang natutulog at kayakap ang unan.pinilit ko s’yang bumangon.tamang-tama lang marahil ang init ng tsokolate kung kaya ininom n’ya ito habang pinagmamasdan ko s’ya.muli s’yang nahiga at natulog.wala nang laman ang tasa.napakaraming bagay ang naglalaro sa isip ko.

may mga taong tumitikim lamang upang agad na sabihing ayaw nila ang pait ng lasa ng isang tasa ng tsokolate.may magsasabing napaka-tamis ng timpla at agad aayawan.mayroong napapaso sa biglang paglapat ng labi nila sa tasa.may nagpapalamig lamang sa mainit na tasa¬† hanggang masayang ang lahat nang hindi man lamang napansin o natikman¬† ang tsokolate.mayroong naghahalo sa maingay at marahas na paraan kung kaya’t nabubungi o ‘di kaya’y nababasag ang tasa.

at may mangilan-ngilang wala talagang hilig sa tsokolate.

humiga ako sa tabi n’ya.marahan kong hinaplos ang kanyang labi.ang daming bagay ang nagbago mula nang nakilala ko s’ya.napangiti ako.naisip kong tumitining lang pala ang tamis sa ilalim ng tasa sa katagalan.siguro,hindi n’ya lang alam…she’s stirring the little sweetness in the bottom of my cup.

sana,marami pang umaga ang dumating na kasama ko s’yang uminom ng tsokolate…

sana…