Beautiful Revolution

Sa kasaysayan ng evolutionary breakthrough ng human species, tingin ko, wala nang hihigit pa sa ‘Sining’. Mula sa kategorya ng musika, panulat, visual, pelikula, at marami pang iba na pumapasok sa lahat ng napagkakasunduang uri nito.

Daang libong taon na ng tumigil ang ebolusyon ng tao, hindi na tayo nagkaroon ng extrang mga kamay, mata sa batok, hasang sa likod ng tenga at pakpak sa balikat. Marahil, tumigil na ang ebolusyon ng tao sa pisikal na aspeto. Sapat nang alam natin sa tingin pa lang kung ano ang ligtas at delikado, ang amoy na dapat iwasan, ang tunog na may banta ng panganib, ang lasa ng makasa-sama sa katawan o ang pakiramdam ng hindi ligtas at maaaring makapag pahamak. Ang lahat ng ito ay ‘pattern’ na naka-rehistro sa utak na ipina-pasa ng magulang sa anak, at iyon marahil ang batayan sa pagpapatuloy ng sangkatauhan.

‘ Hi, ako nga pala si Leonardo Da Vinci at may apat akong kamay!’

‘ Meet Shakesphere, dalawa ang etits niya! ‘

‘ This is Bethoven and his skin pores can hear you loud and clear!’

‘ I’m Einstein and i have an extra brain in my pwet!’

‘ Peter Parker pick a pack of pickled pepper, a pack of pickled pepper Peter Parker pick, If Peter Parker pik-a-pak-op pickled fefe, why the fuckin’ pickled fefe get involve in this?’ -Eminem

***

Limang henyo sa kani-kanilang larangan. (Hindi ko na sinama yung taong kayang mag panggap na sinasapian siya ni Santo NiΓ±o, mag boses bata at kumumbinsi ng sangkaterbang believer.) Tabas sa iisang pattern ng Human DNA, at malamang, katulad din natin sila na hindi alam na ang DNA ay short for DontknowNothingAbouthatshit. Dahil kung alam mo ng hindi iginu- google ang acronym ng DNA, tangina, anung ginagawa mo sa blog ko?

***

If i could turn back time, babalik ako sa classroom ko nung Grade 6. Dun sa upuan kong uuga-uga sa sulok habang excited ako sa plano kong gulatin ang lahat ng kaklase ko sa pangarap ko sa buhay.

‘ So Duking, what do you want to be someday?’

‘ Ay wannabi an Astronaut!’

‘ Be-jezussss H. Christ! We don’t even have a space program!’

‘ Wi don hab bikos nobadi wans mi tu bi an Astronaut! Wer so apreyd tu drims!’

Ooops! Napasobra sa rewind! Dun lang sa 4th year Highschool pero dun pa rin sa upuan kong uuga-uga.

‘ So Duking, what career would you like to pursue after your graduation? ‘

‘I am planning to attend an Art School, probably take something about literature, do paintings, and sculpting and all that artsy partsy stuff, teach, like you do in my free time and be rich and famous.! ‘

Hindi yan ang buong sinabi ko.

‘Arts’

Yan lang. Hirap kayang mag-ingles.

For the first time, nakita ko ang Adviser ko na ngumiti…at eventually tumawa.

‘ Well, Congratulations…(You’re Fuck! Bwahahaha!!!) ‘

Nung uwian, pinaiwan niya ako. Tinanong niya kung yun ba talaga ang gusto ko. Sabi ko Oo. With conviction.

Nung sinurender ko sa kanya yung clearance ko bago mismo yung araw ng graduation,binigyan niya ako ng kapirasong papel. May pangalan nung Dean sa U.P. na kaklase raw niya yun ng high school. Hanapin ko raw at sabihin kong ako yung Ewoks na gustong maging Jedi. Nagkausap na raw sila. May kalakip na 300 pesos para pamasahe at pang gastos habang nag- aapply ako para sa scholarship. Mariin kong tinanggihan yung 300 kahit alam kong wala pa akong kasiguraduhan sa school na papasukan. Buti na lang, may liwanang ang buhay. Natanggap ako sa Meralco as scholar. At ang mabagsik pa, akalain mong may Arts Club pala dun? Cool.

Sumali ako sa Arts Club. Wala kaming ginawa kundi mag decorate ng stage tuwing may program. Kulangot.

Ngayon tuloy, kapag may nagtatanong sa akin kung anung course ko at sinabi kong Instrumentation and Process Control, kasing tunog ito ng ‘Astronaut’ kung kaya’t ang follow up question nila lagi, ‘Sa tingin mo Duks, virgin pa si Minnie Mouse?’

***

Regrets. I made a few. But then again, just to few to mention. I did what i had to do and saw it through without exemption. I planned each charted course, each careful step along the by-way and more, much more than this…

I did it myyyyy…

BANG!

Patay na si Frank Sinatra at marami na rin ang nagbuwis ng buhay para isabuhay ang kanyang pamosong awitin. Ganun ang dedikasyon ng tao sa ‘singing’ este ‘Sining’.

‘…ang mamatay ng dahil sa’yoooOOOOO!’

***

Ayokong maging emo sa tema ng sining. Mas lalong ayokong magsukat ng lalim para sa pakuhulugan nito. Ang totoo, naalala ko lang talaga yung teacher ko. All Souls Day kasi eh. Kung may isang tao na naniwala noon na maari akong maging taga-sunod sa yapak ng Sining, siya yun. Kahit nung isang araw lang na yun.

Pero Teacher, kung nasaan ka man, maraming salamat. Hindi man ako nakagawa ng libro, may 95 subscriber naman ako sa blog. Wala man sa museum ang mga drawing ko, nandoon naman sila sa Hall of Justice ng Panyero.net. Wala man akong diplomang maipagmamalaking tungkol sa Arts, hindi ko naman isinuko ang pangarap ko.

At ngayon, mas lalo ko siyang naintindihan.

Naroon ang himig niya sa mga sipol ng masayang Manong habang gumagawa ng sirang sapatos at payong. Ipinipinta siya sa ngiti noong bulag na pulubing narinig na naman ang kalansing ng barya sa ilalim ng kanyang bakanteng latang palimusan. Nakasabit siya sa iba’t ibang kulay ng bulaklak ng orchids na alaga ni Nanay. Nasa musika siya ng inang ipinaghehele ang sanggol na isinasayaw-sayaw sa hating-gabi. Nakalilok siya sa butuhang bisig ng Amang maghapong nagpukpok at naglagari sa construction. Iginuguhit siya sa mga pilapil na binabaybay ng grupo ng mga batang nakayapak papuntang paaralan.

Buhay ang Oblasyon. Tumatangis ang Spolarium. Nagdadalamhati ang Pieta. Humihingang bantayog ang lahat. At hindi sila maaaring ikulong lang sa kwadro, sa sulok ng museo, sa pedestal ng mga liwasan o kahit sa mga loob ng simbahan. Umaawit, tumutula at sumasayaw sila sa tanghalan ng buhay na nagpapatuloy sa bawat angat at bagsak ng telon ng araw at gabi.

At higit pa sa pagkaunawa, alam ko na kung paano siya gamitin…paminsan-minsan.

***

‘Ah…Instrumentation and Process Control sa pagawaan ng junk foods… Teka Duks, maiba ako…tingin mo ba virgin pa si Minnie Mouse?’

‘OK lang ba kung sa mas tahimik na lugar ko siya iku-kwento?’

‘Next time na lang Duks, Nakalimutan ko nga palang huling gabi na ng lamay ng Lola ko ngayon. Mangingitlog na yung alaga kong goldfish. Gusto kong masaksihan magdamag kung paano mag-evolve yung monggo hanggang maging togue. Ang boring ng buhay mo. Huwag mo na ko idamay. Bye.’

***

‘Talaga, nagsusulat ka pa rin? Katulad pa rin nung mga dati? Asan? Tingin nga!’

‘Ah, eh…sa internet lang…’

‘ Dali, kwento mo sa akin habang daan…andun yung laptop ko sa bahay. Tamang tama wala akong kasama ngayon.’

Happy Holloween, Teacher.πŸ˜€

***

Commercial: Thanks kay Bb. Madz para sa napanalunan kong isang buong Library sa kanyang ‘PasaBook Project’. Mag le-leave ako ng 1 week para abangan araw-araw yung courier sa tapat ng gate namin.πŸ˜€

52 responses to “Beautiful Revolution

  1. binasa ko ng buong buo to ah! wala ako’ng masabi eh hehee. di ko rin kasi natupad ang kurso ko na gusto ko

  2. dati, nung bata pa ako, wala pang 7 y/o, pag tinatanong ako kung anong gustong maging paglaki ko, ang lagi kong sinasagot, gusto kong maging madre.

    nung nag-HS na ako, sabi ko gusto kong maging engineer. kase engineer ang papa ko, madali nya akong maipapasok sa trabaho.

    nung nagcollege ako, nabuntis ako sa edad na disi-nuwebe. pero madalas kong sinasabi, bente anyos na ako, jahe naman kase teenager akong preggy.

    sa madaling salita, isa akong frustrated engineering sister.

    pero naisip ko ngayon, mas gusto ko palang ipursige ang sarili ko sa larangan ng sining. mas nageenjoy kase ako. nandun ko nakikita ang sarili ko. pero, gusto ko paring maging engineer. so siguro gusto ko ng maging successful engineer artist. naks.

    o, wala lang.. shinare ko lang. :))

    • ah, karamihan nga yata ng blogger ay punong puno ng artistic side na dito halos lahat sa blog binubuhos. hindi ko din alam kung anung pinagkaiba kung anu ako ngayon kesa kung pinili kong maging full time aritst na tipong umattend talaga ng kursong may kinalaman dito.

      hindi naman kabiguan sigurong hindi natupad yung mga pangarap natin dati as long as in between sa kung anu tayo ngayon, nananatili pa rin yung pagmamahal natin at pagtupad. tingin ko mas ok kase walang pressure. ako kasi, i’m glad that i could earn an honest living mula sa work and in my free time, gumagawa rin ng mga bagay na gusto ko talaga.

      salamat sa pagku kwento, rose. tingin ko ang advantage ng pagiging young parent is yung napakahabang panahon at lakas at sabay na pagkakatuto ninyong mag-ina/mag-ama sa napakarami pang bagay sa buhay.

  3. …at anu namang klaseng kurso yung “Instrumentation and Process Control”?

    First time ko lang narinig hehehe.

  4. mahiig din ako sa singing ay este sining duks hahaaha. sayang dapat tinaggap mo na yung 300 pambili na rin yung nang dvd na bold. panuorin mo papaano dinali ni donald duck si minnie mouse. hahaha.

    • hahaha! sinalisihan si mickey mouse! langyah ka marvs. btw, pasok ba dun sa kategorya yung mga blogger na tingin ko hottest kahit di ko pa nakikita sa picture?

  5. nakakatuwa.. pangarap ko rin maging astronaut dati… inisip ko kasi, wala pang astronaut na babae. At saka hilig ko ang mag-aral about galaxy.. at pangarap kong makatuntong sa moon…. ehe… Pero okay na rin ang course na kinuha ko.. pede na rin.. at least related sa work.. ehe…

    naalala ko bigla ung titser ko na nagbasak sa akin sa science.. haitz..

    Keep it up Sir Duking…πŸ˜€

    • hindi na ‘to matutupad sa ngayon, tinigil na ang spaceshuttle program na may astrounaut. magastos daw at hindi na praktikal sabi ng NASA.

      yaan mo na yung science. mas importante ang arts. arts kaya ang magpanggap na hindi maapektuhan ng kahit anung rejection katulad ng pagbagsak sa mga subjects. salamat sa pagbabasa lagi.πŸ˜€

  6. natatawa ako, siguro dahil pinagdaanan ko rin ang mga ito. Pero hardcore na nga sa akin yung maging kasapi ng arts club tapos decoration lang ng stage ang gagawin nyo. pag-aaralan nyo lang kung papaano hiwain ng cutter yung styro ng pantay na pantay. hahaha tapos pinapapamalaki ko pa noon na miyembro ako ng arts club. arts ako eh, arts :))

    Pero basta ang pangarap ko pa rin hanggang sa ngayon maliban sa pagiging pornstar ay ang pagiging superhero na ang kapangyarihan ay magmahal ng forever at tatawagin akong MagpakailanMAN.

    • haha! ayos sa pangalan ng superhero ah! ganyan nga yung ginagawa namin, nagtatabas lagi ng styro na pipinturahan tapos lalagyan ng glitters. at ganun na nga ang papel ko sa arts club.

      sir joey, congrats ulit sa bago niyong baby. ang pagiging magulang tingin ko ang katuparan ng pagiging superhero mo, walang katapusan ang responsibilidad eh- magpakailanMAN!

  7. Sining… nanghihinayang din ako dian. Nung HS ako puede daw akong mag-artista kasi magaling ako umarte sa mga school play and skit. Yung totoo, ma-arts talaga ako… maarte lang talaga.

    Seryoso, nanghihinayang ako sa sa pagguhit kasi hindi ko na itinuloy. Sa ngayon, hindi na ako nakakadrowing kapag walang kopyahan.😦

    Magandang araw Duking Pare! Pasensya na kunh bihira na ako makadalaw.πŸ™‚

    • ayos lang tol dahn. hehe! alam kong marami sa mga blogger na andito ay mga artist in their own way mapa-pagguhit, pagtula, pagsulat at pagawit at pagsayaw. although hindi tuwirang naging career path, pangita pa rin naman kahit sa likod ng kung anung pinag kaka-abalahan.

  8. ang haba…

  9. duking, patawarin mo ako pero siguro itong post mo palan na ito ang binasa ko ng buong buo. wala akong pinalampas na tuldok at comma.

    katulad mo…nangarap din ako. nangarap na makapagtapos ng kurso na may kinalaman sa sining. pero sa kabutihang palad at salamat sa mababang matrikula mula sa state u…nakapagtapos ako ng kursong agricultura.πŸ™‚

    napasama din ako sa grupo ng mga ‘arist’ nung studyante ako at tulad ng kwento mo (masyado akong nakarelate sa ‘yo) naging natadecorate din ng enytablado tuwing may programa sa aming unibersidad. oo, madalas nga nun pumapasok akong may pintura sa damit…sa siko at glitters sa mukha. habang gumagawa kase, bigla kong maaalala na may klase pala ako kayat dali-dali akong tatakbo para pumasok sa klase ko. hindi ako nahihiya noon sa ganoong itsura na pumasok sa klase. proud pa nga ako. proud na proud akong makita nila na may bakas ng sining na nakadikit sa katawan ko.
    siguro dahil ma-arts….ako. hehe

    napakaganda ng isunulat mong ito. taas kamay akoπŸ™‚ mabuhay ka kapatid na duks.

    • hehehe! isa ka rin palang buhay na patunay na walang pagkabigo kapag yung hilig talaga ang gustong paalpasin. lagi pa rin kasi nating napaglalaanan ng oras. siguro, kung hindi man natin natutunan yung teknikal na aspeto, nakikita pa rin naman natin ito araw-araw, at nabibigyan natin ng kahulugan at katuturan sa sarili nating paraan. ang masarap pa sa lahat, gaya ng sinabi ko, walang pressure. nakakapag bahagi tayo na hindi natin kailangang intindihin ang kompetisyon ng industriya nung talagang mga full time at nag invest para isabuhay at mabuhay sa ngalan ng sining.

  10. maganda ang iyong likha, at talaga naman mahaba sir duks.. nakakaaliw basahin..

    talagang ang sining kahit saan at ano pa man ang ating ginagawa, laging nandoon ang kanyang presenya.. ke sadya man o hindi..

    napabilib mo ako sa pabasang mong ito sir.. tunay ngang alagad ka ng sining..

    magandang araw sayo sirπŸ™‚

    • sir banjo, salamat. tingin ko naman karamihan sa atin sa blog, lutang na lutang yung pagmamahal sa makasining nilang paraan kung paano lalapatan yung bawat entry.

      walang pag-aalinlangan ko ring sasabihin na ang mga post mo ay sumasalamin din kung paanong malayang mong naipipinta sa panulat ang imahinasyon mo. at walang duda, napaka artistic din!

  11. Nong madinig ko ang instrumentalist processing akala ko taga tuno ng guitara at piano tapos naisipa ko din parang nagpari na hindi natuloy kaya naging instrumentalist parang tawag don sa mga hindi nman pari pero pwede magbigay ng kumonyon yong hindi nman pari pero pwedeng magsabi ng “body of Christ” pero hindi naman tlga intrumentalist twag sa knila.

    yon lng nman duks! ah nga pla nasalisihan ni angry bird si mickey mouse xD

    • hahaha! marunong naman akong magtono talaga ng gitara, anne. hindi nga lang ng piano. lay minister ang tawag sa pagkaka-alam ko dun sa hindi paring nagbibigay din ng komunyon.

      ang angry birds ba na tinutukoy mong naka virgin kay minnie mouse eh angry birds talaga? as in angry, galit na galit, pulang pula?

      xD ka talaga anne. hahaha!

      • Ah hanggang sa ngayon nakahold parin talaga ang kaso sa pagkawala ng pagkababae ni Minnie Mouse kahit kasi siya hindi nya maituro ang salarin kasi masyado daw madilim at masukal yong pinagdalhan sa kanya at isa lang talaga ang natatandaan nya yong birds na galit na galit wala naman sa description ni minnie yong pulang pula duks kaya nag conclude ang ilang mananaliksik na malamang si Angry birds nga yon wala daw matulis na nguso syang natatandaan kaya mabilis na napawalang sala si donald duck. :-))

        xD na kung xD hahaha

  12. Ako din,hindi ko natupad ang gusto kong maging.Pero ok laang naman.

    At tsaka hindi din ako magaling sa sining.hahaha

    At tingin ko hindi na virgin si minnie mouse!haha

  13. ahm, ako po pangarap kong magfine arts dati kaso sabi ng ermat at erpat ko pangmayaman na kurso lang daw yun. wala daw kaming pampatayo ng art gallery

    anyhow kurimao, ung kursong kinuha ko, may onting arts din naman, manong duks. may tinatawag na the art of nursing!oha oha, hehe,

    ahm, sa ngayon, susubukan ko pa lang pong maghanap ng trabahong related sa kursong tinapos ko, pero in the future, sana magkaroon din ako ng pagkakataong maisakatuparan ang pangarap kong fine arts, ^^

    • naniniwala ako na kapag porsigido ka sa isang pangarap, nagbubukas kusa yung pagkakataon para ilagay ka niya sa kung saan dapat andun ka. kaya isang malaking goodluck! tandaan mo din aubz, kahit may mga setbacks yung daan sa pangarap mo, experience pa rin yun kaya tuloy tuloy lang.πŸ˜€

  14. high school na ako ito pa din ang pangarap ko…ang makapunta ng Japan at ang maging saleslady sa SM…lahat halos kasi ng pumupunta ng Japan pag uwi eh ang puputo at ang kikinis at kegaganda…isama mo pa ang maging saleslady ng SM,hihihi…pero ngayon tanggap ko na ke maitim ka o maputi…iisa lang sa dilim yun..ang importante may butas!

    bakit di mo tinanggap ang 300? sana ginamit mong pang motel at nagdala ng isang seksing babae at pinag aralan ang katawan nito…sining pa din db?

    miss na kita Duks..pengeng Chiz Curls!!!

    • eto ang mga comment na talaga namang sasabihin mo na ang buhay ay isang masayang karanasan. buti na lang poks, kahit sa blog nakilala kita. ikaw ang eksampol ng babaeng mas astig pa sa lalake.

      pangarap ko rin na mag-ala jack na guguhit ng hubad na babae kaso lang, istorbo ang ibang activities sa pagitan ng uhaw na lalake at hubad na babae. hahaha!

  15. napakaganda, kuya DuksπŸ˜‰
    Malayo sa interes ko sa buhay ang tinapos kong kurso pero hindi ako tumigil sa pagiging degree holder sa larangang hindi ‘ko naman gusto ^__^ Masaya ako nang mabasa ko ‘to. Sa ngayon, hindi lang si titser ang naniniwala sa ‘yo, marami kamiπŸ˜€

  16. sabi ko na may kinalaman sa arts ang tinapos mong course e, nag-iisip pa kasi ako kung medicine. kasi you give laughter… corny! wahaha

    ako grade 3 alam ko na ata kung ano ang ayaw kong maging.. maging guro at doktor. bakit? bagot na bagot ako sa kapapanood noon sa little miss philppines pag yun ang sagot ng kapwa ko bata. buhehehe

    gusto ko lang ay mag-trabaho sa video shop para makapanood ako ng libreng pelikula.ehehehe!

    • madalang na yung mga videoshops kase usong uso ang piracy haha! don’t stop living your dreams. at btw, wala talagang kinalaman sa fine arts ang course ko. galit na tayo, di me binabasa ng buo. hahahaha!

  17. hi duking! as usual, maganda nanaman ang post mo!πŸ™‚
    i’ll be back again to read the whole story..πŸ˜‰

  18. Hi Duking nabanggit na pala kita sa iba kong officemates for sure d lang 95 followers mo dadami na.

    Now lang ulit ako ngcomment though lagi lang din akong tahimik na nagbbasa ng blog mo. Ganun nga ba talga ang sining… malakas ang tama?

  19. Hmn, parang pinagtiyap ng pagkakataon. Noong isang linggo ay nakatanggap ako ng imbitasyon ng isang pangkat ng mga artist sa Maynila. Ika-20 anibersaryo nila at may exhibit sila sa Ayala Museum.

    Di pa ako decided na pumunta dahil nasa malayo ako ngayon. Pero dahil nabasa ko itong post mo, sige, pupunta ako. Bibisita ako sa art exhibit ng ilang kaibigan kong artist at tutunghay ako sa kanilang mga pangarapπŸ˜‰

    Dalaw ka rin dun, Duking. Open ang exhibit simula Nov. 22πŸ˜‰

  20. taman naman si teacher sa kanyang tinuran… ang arts naman ay hindi himala ito ay nasa puso…pinipinta ng kamay, kinakagat sa labi at puwedeng nilalako sa kalye.

    chuz happiness na ang mga followers mo sa iyong sining. naks naman!

  21. Basta noong elementarya pa lang ako, ang lagi ko sagot sa mga ganyang tanong ay maging isang Scientist.πŸ™‚

  22. Bukod sa panagarap ni sir Joey na maging pornstar at pangarap mong maging astronot, ako naman ay nangarap ng lahat ata ng klase ng panagarap sir Duks. Yung pangunahing pangarap ng mga bata, teacher, doktor, enhinyero. Lahat yun pinangarap ko. Hanggang sa nalusaw na sila sa aking listahan. Wait, para nganag naiblog ko na to sir Duks eh. ahahaha. Di ko lang makaklimutan yung sinabi mo sakin.

    β€œYan ang dilemma sa makabagong panahon. may mga pangarap/plano/personal na tuntunin na alam mong gusto mo pero inere-reconsider mo dahil sa pangangailangan mo ng security at security ng mga tao sa paligid mo. kupal ako kapag sinabi kong sundin mo ang gusto ng puso mo, mag empake ka at puntahan ang lugar kung saan ka masaya, o sabihin kayang kagaguhan ang ubusin ang halos kalahating araw para pag lingkuran ang kung sino kapalit ng sweldo. sira-ulo ako kapag sinabi kong hindi kailangan ng diploma ng tao. reality check, kailangang pagdaanan lahat ang bagay na β€˜to. at the end of the day, yung taong hindi mag gi give up ng pangarap niyang personal, yung paunti unti itong binubuo, yung kayang hanapin ang kahulugan ng tunay na saya sa maliliit na tagumpay habang ginagampanan niya ang maraming bagay, siguro, wala mang eksaktong panukat ang lipunang napakaraming standard, iisipin kong ang gaya nila ang tunay na nabubuhay sa buhay.”
    β€” Duking

  23. galaing mo talaga! kaya gustong gusto ko mag hop dito no dull moment. napa creative ng iyong mind…πŸ™‚

  24. alam ko namang nanalaytay sa ugat mo ang pagka-malikhain. no surprises there. pero ser, ano ba talaga ang ginagawa sa kursong instrumentation and process control? para kasing subject matter sa chemistry. walang pahabol na tanong tungkol sa saradong kweba ni minnie mouse. :p

  25. napadaan at nagbasa.. mixed emotion..Magaling! nice to meet you

  26. parang bihira ata sa mga kakilala ko ang tinanong nung bata pa sila kung anong gusto nilang maging paglaki nila na natupad nila. o yung mga taong masasabing tama ang kursong kinuha nila nung college. dapat naman kasi may tinatawag nang career planning highschool pa lang para hindi nakakagulat kapag nasa kolehiyo ka na, or worse, nakatapos ka na at nagtatrabaho e saka mo pa lang malalaman na nagkamali ka ng kursong kinuha. tulad ko. bwahahahha!

    naniniwala din akong hindi ibig sabihing di mo nagawa yung binalak mo dati e titigil na dun ang buhay mo kasi tama yung sinabi mo na lahat yun ay nabibigyan mo ng katuparan sa mga nagagawa mo ngayon sa ibang paraan nga lang. pero nakakatuwang maisip na di mo man natupad ang ginusto mo nung una, nakikita mo pa rin sa pangaraw araw na buhay ang katuparan nito hindi lamang sa sari-saring bagay na ginagawa mo sa ngayon kundi sa pamamagitan ng mga tao at bagay bagay sa paligid mo.

    seryoso ang koment ko. bow.

    • oh, and i forgot to say that I know what DNA means without googling it. it’s deoxyribonucleic acid. maryosep di ko alam kung tama ang spelling. keri na. at for your information, bobo ako talaga sa science, aminado ako dyan. pero nung high school pinilit kong tandaan ang ibig sabihin niyan dahil alam kong balang araw, magbabasa ako ng blog post ng isang mahusay gumuhit at sumulat at itatanong niya kumbaket nagbabasa pa rin ako ng blog niya kahit na alam ko ang tunay na ibig sabihin ng DNA at sasabihin ko sa kanya na kase…wula lungs. bohahahaha!

  27. At dahil comments closed sa itaas ay dito ako magko-comment bwahahaha. Kala mo ha.

    Sino ba ang hinihintay mo, Duking? Teka, darating ba talaga siya? Kasi parang sarado na yata ang Pan Am eh hihihihi (o baka nag-reopen na siya?)

    • whahaha! di ko alam na sarado na pala ang pan-am. alam ko kasi dati kapag US carrier Pan-Am lagi. Fiction lang tapos sinarado ko muna yung comment kase nahihiya akong di masagot dahil busy sa work.

      Magandang araw saka merry christmas miss N!

  28. Duking,

    Off Topic ito! Di kasi ako makapag comment sa pinaka latest post eh. Maligayang Pasko!πŸ˜‰

    D

  29. wala pa ring bago? tsk tsk. merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms na nga lang, ser duks. tsaka pala congrats sa sba at peba! shet, grand slam ka na, ser! pa-nomo ka naman.πŸ˜„

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s