ANG TOTOO NA TALAGANG ALAMAT NG CHAMPURADO

 

Noong unang panahon na ang mundo at ang buhay ng tao ay inihahambing pa sa bilog at hindi sa tatsulok, may isang lugawan na hindi ko na papangalanan dahil ad-free ang blog ko at naniniwala akong masamang pagkakitaan ang pagsusulat ng walang katuturan. Ito ay pag-aari ng isang dalagang nagngangalang Pura. Kapuri-puri ang tinitindang puri lugaw ni Pura. Kapuna-puna ang kalidad nito kumpara sa ibang lugawan sa kanilang nayon. Bagamat napaka-itim ng balat at hindi naman kagandahan si Pura, marami namang humahanga sa kanyang lugaw.

‘Napakaputi ng lugaw mo,Pura!’

‘Oo nga, napakasarap himurin lalo pa nga’t mainit init ang malapot nitong sabaw!’

‘Pagkatapos kong umisa, maari bang pa-isa pa ulit ako,Pura?’

‘Hangga’t ganito kasarap ang lugaw mo, pipilahan ka namin araw-araw!’

‘Champion ang lugaw ni Pura!’

Iyan ang kadalasang bigkas ng mga hayok sa laman ng kaldero ng lugaw na suki ni Pura. Yung iba ay hindi na kumikibo at abala na lamang sa pagkain at paghigop sa maputi,malapot malinamnam at mainit-init na lugaw ni Pura.

Sa dinami-daming suki ni Pura, kakaiba sa kanilang lahat ang binatang si Ador. Si Ador ay isang pipi at anak-araw. Ang kanyang kaputian ay bulong-bulungan na dahil sa pinaglihi ito sa gatas. Bagamat umoorder ng lugaw ni Pura, hindi niya ito ginagalaw man lamang bagkus kanya itong pinag mamasdan hanggang sa may pumatak na mapuputing luha sa kanyang mga mata saka niya itutulak ang mangkok. May pagtatakang tanong sa isip  ni Pura subalit  hindi niya maibulalas kung kaya’t iniisip niyang baka iba lang ang trip ng kakaibang binata.  Kapag naisauli na niya sa kusina ang lugaw na hindi man lang nagalaw, saka niya makikita na lumalakad na palayo ang binata matapos magbayad na halatang may lungkot ang mga mata at bigat ang balikat sa paglisan. Ganito araw-araw ang nangyayari sa lugaw ni Pura na ino-order ni Ador. Pinapatakan ng mapuputing luha saka iniiwan ng walang bawas.

Lihim na umibig si Pura kay Ador dahil sa misteryong bumabalot dito sa hindi man lamang nito pagtikim sa kanyang lugaw. Naging hamon kay Pura na tuklasin kung anu ba ang mali o kulang pa sa kanyang lugaw at hindi ito tinitikman man lamang ng binatang pipi na si Ador.

Isang gabi, napagpasyahan ni Pura na isara ng maaga ang kanyang lugawan. Pinilit niyang abutin ng sandok ang ilalim ng kaldero upang haluin at alamin ang lapot nito subalit nawalan siya ng panimbang at humalo sa lugaw. Dahil sa tuloy tuloy na apoy, natunaw ang bawat himaymay ng kalamnan ni Pura at naging sanhi ito ng pag-itim ng lugaw.

Kinaumagahan, sapilitang binuksan ng kanyang mga kanayon ang lugawan ni Pura upang makakain ng paborito nilang lugaw. Hinanap nila si Pura subalit hindi nila ito matagpuan bagkus laking pagkamangha nila ng makita ang maitim na lugaw. Dahil dito, nagalit sila at pinagbintangan ang binatang pipi na si Ador.

‘Si Ador ang may kagagawan nito!’

Dagli nilang dinakip si Ador without the wreath of heabias corpus at saka pinaamin na kinidnap nito si Pura na naging sanhi ng pagkakasunog ng niluluto nitong lugaw. Katulad ni Ping Lacson na hindi pahuhuli ng buhay, dagling tumakas ito at nagtatakbo para alamin ang nangyari kay Pura. Sinilip niya ang kaldero ng lugaw at pumatak ang kanyang mapuputing luha dito. Ngayon, mababasa na ni Pura ang mga luhang mensahe niya para rito:

‘Pura, tang-ina lang! sa susunod naman paabot ng kutsara!!!’

Inabutan ng mga taong bayan si Ador at saka tuluyang inihulog sa kaldero ng maitim na lugaw.Humalo ito na parang gatas doon. Nagutom ang mga tao sa kanilang nayon at silang lahat ay unti-unting natuyo. Yan ang maikling bonus ng Alamat Ng Tuyo.

Lumipas ang maraming taon at nagkaroon ng tag-gutom sa katabing nayon. May mga naghahanap ng pagkain at nakita nila ang may sinding kaldero ng maitim na lugaw at ang maputing likido sa ibabaw noon. Kinain nila ito at nasiyahan kasama nang mga taong natuyo na napagkamalan nilang sidedish. Dahil sa sarap at pagkakaligtas nila sa tiyak na pagkagutom, tinawag nila itong…

BALUGAW.

Ang balugang lugaw.

Ito ang Champion na lugaw na naging katapusan ng maitim na si Pura at ng maputing si Ador.

Sa kakain ng balugaw na kalaunang tinawag na champurado,nagtae ang mga tao. Dito na papasok ang Alamat Ng Anidoro. Ang pagkakaligtas ni Aling Ani at Ni Mang Doro sa tiyak na pagbaha ng tae sa kanilang bayan.

Tae lang kung ikwento ko pa yan.


63 responses to “ANG TOTOO NA TALAGANG ALAMAT NG CHAMPURADO

  1. …at sa wakas natagpuan ko na ang makabagong lola basyang…o lolo basyong…basta master story teller ka… ang galing…para akong batang nakatunganga kanina sa harap nag computer…asar na asar yung mga kateam mate ko kasi hindi ko sila pinagpapapansin habang nagbabasa…hehehe

  2. tatlong alamat sa iisang pasada Ka Duking, hayop! ha ha…ganun pala ang alamat ng champurado at tuyo?

  3. hahaha, naaliw ako sa alamat ng champorado mo, at sa bonus na alamat ng tuyo at anidoro.😄

  4. HAHAHA!😀

    ‘Pura, tang-ina lang! sa susunod naman paabot ng kutsara!!!’

    ang galing. nakakatuwa. nakakaaliw. may bonus pa.
    husay mo talaga kuya ^^ di ako mahilig magbasa ng mahahabang posts pero pag naumpisahan ko na yung sa ‘yo, natatapos ko🙂 yiiihii ^^

  5. teka lang kapitan hook, di ako nagmumura ha, pero gusto kong magmura.
    tang-ina lang kapitan hook! mas lalo akong nalito..wahahahaha

    o cge na nga, binasa ko ulit, at ako na ang bahalang umintindi diba?..hahahaha

    • straight forward yung kwento. hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko dahil kung bibigyan mo pa ‘to o hahanapan ng kahit anung kahulugan maliban sa isang lousy na attemp kong magpatawa, mapapamura na rin siguro ako.

  6. this is really something nice to read with.. and taba ng utak mo my friend..🙂 haha more alamat..

  7. Hindi ako ‘to, pramis! Wala bang Alamat ni Haring “Du”?
    Miss ya’ll…
    Be blessed!

    Inaliw mo nanaman ako..ehe

    • Pareng Chubs!!!! Nagyon lang kita nakasalubong ah. ^^

      • @ Pareng Dahn – Uu nga, buti na lamang at nagkasalubong tayo.. Padaan daan lamang ako sa ngayon.. Merry Christmas Sa’yo Pareng Dahn! Ingat lage at Godbless!

        @Bok – Ikaw kasi, nagka boypren ka lang, kinalimutan mo na ako! hmpf! hahaha.. nag iinarte lang.. namiss kita Bok! =p
        Merry Christmas!

        @Haring Du – Maligayang weather ng Christmas din sa’yo Mahal na Konde.. hehehe.. Namiss ko rin kayong lahat, kaya nga nagbayad ako para bumisita (pay a visit). nyahaha.. Pero me isa akong namiss na ilagay dito.. ready ka na ba haring “du”?

        Ibang klase ka talaga Idol! hanep sa GIF! kakabilig! akalain mo yun?! mahilig pala sa champs si Elvis? hahaha.. pero saludo talaga ako sa GIF mo master! ibang klase.. hanepakshit! hahaha

        Merry Christmas sa Lahat! Sana mabisita ko rin ang iba…

        Miss ko na kayo!!! =p

    • hello Bok!! potragis naman na dito kita nakita!!, san ka naglamyerda?

    • maligayang panahon ng kapaskuhan,tol chevy.

      ang dami naming naka miss sa’yo. magandang araw at salamat sa pagdaan!

  8. hayop sa sarap ang alamat ng champurado!!

    sabi ng tawa ko..ahahahahaha ahahahaha ahahaha! para lang akong tanga na tumatawa sa harap ng screen mag isa!

    salamat duking!! hapi pasko sayo!!!

  9. Ahahaha! Tae lang talaga. Pero, pwede mo ring ikwento yung alamat ng Anidoro. LOL

    Yung simula akala ko bastos… Haha! Wholesaome naman pala.🙂

  10. binasa ko post mo, yung alamat ng champorado at ito, pero bakit ganun, di ako maka-move on, na-lss ako ng isang tipak na kulangot at isang bultong tae, alamat ng inidoro, at baha ng tae. ngayon ko lang naisip, ang mga blogs pala parang mga parte lang ng bahay, me kusina, me komedor, itong sa yo, alam ko na.

  11. taragis na kwento yan! pagkahaba eh ganun lang, pansin ko parang may inspirasyon ka sa pagsulat nito.. shet, tae lang!!😛

  12. ang haba. di ko binasa. sa tingin ko, wala akong makukuhang moral story. tapos mukhang abnoy pa un nakadoodle.

    kumusta naman duking? tara, inuman na tayo! sagot mo ciempre.

    • salamat sa effort na puntahan ‘tong site. masyado akong nahiya talaga na sa kabila ng pagiging sobrang busy mo, hinintay mo pang mag load yung doodle at mag scroll down para tignan kung gaano kahaba yung post. at nakuha mo pang lalong pasayahin ako ng mag effort kang mag comment.

      kung di ko lang alam na suplada ka, baka naniwala na talaga akong may oras kang mag inom.

  13. @ Duking..!
    pahingi champurado..!
    MERI XXXMAS..!😉

  14. ei d muna me basa nito, bati muna kita ng congratz sa pagkakapanalo mo. ayeah!

    mabuhay!

  15. ay wrong sitepala erase-erase! hehehe

    hindi kaya dahil ito sa masalimuot mong pagkukuwento ng alamat ng champorado, nanisi pa raw. hehehe

  16. haha! ang kulit nito, Duking!🙂 naaliw ako sa balugaw hihihi

    hmn, ano bang meron sa salitang “t_e” at madalas ko yatang nababasa sa mga blogger ngayon? sa araw lang na ito, mga 50 beses ko yatang nabasa ang salitang yan. basa sa mga susunod na taon ay palitan na niya sa kasikatan ang salitang “jejemon” haha!

    Merry Christmas, Duking!

  17. hello duking! babati muna ako ng maligayang pasko! :-))

  18. ang galing galing naman po at dahil jan hug po kita sa blogroll ko =))

    Merry Christmas & Happy New Year!!!
    sinubukan kong kalimutan ka pero kahit anong gawin ko diko tlga kaya
    namiss kita ng bongga =)

  19. meri krismas duking!

  20. Kuya Duks! Hong galeng galeng. dami ko tawa. haha!

    Maligayang Pasko po!🙂

  21. Hello master duking…. ahehehe… Maligayang pasko…. walang time magbasa kaya babati nlang ako sayo….

  22. hi, duking.

    naaaliw ako sa posts mo na halong kwentong komiks, halong panitikan.

    sana ay masaya ang iyong pasko at ang iyong bakasyon. happy yuletide season, bok.

    :]

  23. *Nakahalumbaba* nag-aabang sa kwentong “alamat ng anidoro”.
    Happy new year sau Duking!🙂




  24. ……syet.
    naisahog ata sa balugaw yung utak ko at wala akong maikomentong kaharutang nagpapanggap na matino. ..wait lang tol, tae muna ko.

  25. Happy New Year Duking!

  26. haha hnd talaga napanis yung lugaw after many years.

  27. @ Duking..!
    happy new year..!😉

  28. Si Pareng Elvis ba yang doodle mo na kumain ng lugaw ni Pura?

    Si Ador, dapat hinihigop man lang niya yong lugaw ni Pura o kaya hintayin niyang lumamig saka isakol ang lugaw.

    Si Ping Lacson, kumakain kaya ng lugaw ni Pura?

    Happy New year🙂

  29. Blessed 2011 Kuya Duking.
    Aabangan ko ang alamat ng Anidoro.

  30. Wala manlang bang painom diyan pare, kahit lambanog tayabas na binabaran ng pasas o kaya langka?

    Nagbibirthday ka din pala. Akalain mo ‘yown?
    🙂

  31. Kampai!!!

    HAPPY HAPPY BIRTHDAY DUKING =))

    God bless u always.

  32. ahahahaha

    tinitignan ko palang yung drawing natatawa na ako hahaha.. takte na yan tae lang talaga..

    clap clap.. ang ganda nalibang ako..

    salamat salamat napatawa mo ako…

    nga pala happy bday🙂

  33. Hindi porke’t nagbirthday, nagsusuplado.
    Suplado ka na. ‘Yan na ba ang nagagawa sayo ng pakikibaka sa kalakhang Maynila?

  34. Thank you sa lahat ng bumati….Happy new year na rin!!!

  35. hindi ko alam na beerday mo. kung alam ko lang eh di sana nilibre kita ng isang bucket. loljoke! at huli na pala ako sa kaganapan. tae talaga, pagdating sa mga kung anu-anong shit tungkol sa’yo, lage akong huli sa balita.

    sinubukan kong hanapan ng pagwawangis ang kwento mo sa kung anu-anong shit na nangyari sa’yo. baka maliwanagan na ‘ko kako. mali ako, mas lalong naging malabo ang lahat. tae lang.

    hapinuyir ser duks! \m/

  36. nagreet na kita sa FB pero babati naman ako ng belated happy berdei dito kuya duks.

    be blessed!

  37. p*ta, nagbirthday ka pala. hahaha. sumisikat habang tumatanda ah, hahaha. idol, nagpost ako ng comment s page n Sa Likod ng Notebook, sana’y saglitan mo. Nais ko sanang malaman ang iyong sagot. maraming salamat, at sana’y makita kita minsan, makapagyosi at kape session minsan. ang alamat naman ni duking ang nais kong mabasa, hahaha. hallelujah!

  38. haisss…ngayon lang ako nagbasa-basa ng mga blogs after the election fever. and im glad i found yours! thanks to Gracia…in-introduce nya sakin ang panulat ng magaling kong kaklase nung high-school thru this blogsite. i cant help myself but laugh. thanks classmate! more-more reading awaits me….😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s