stirring the little sweetness in the bottom of my cup

kailangan ko s’yang gisingin dahil lalamig na ang tsokolate.ayoko pa sana dahil may kung anong ligaya sa puso ko na masdan siya habang natutulog at kayakap ang unan.pinilit ko s’yang bumangon.tamang-tama lang marahil ang init ng tsokolate kung kaya ininom n’ya ito habang pinagmamasdan ko s’ya.muli s’yang nahiga at natulog.wala nang laman ang tasa.napakaraming bagay ang naglalaro sa isip ko.

may mga taong tumitikim lamang upang agad na sabihing ayaw nila ang pait ng lasa ng isang tasa ng tsokolate.may magsasabing napaka-tamis ng timpla at agad aayawan.mayroong napapaso sa biglang paglapat ng labi nila sa tasa.may nagpapalamig lamang sa mainit na tasa  hanggang masayang ang lahat nang hindi man lamang napansin o natikman  ang tsokolate.mayroong naghahalo sa maingay at marahas na paraan kung kaya’t nabubungi o ‘di kaya’y nababasag ang tasa.

at may mangilan-ngilang wala talagang hilig sa tsokolate.

humiga ako sa tabi n’ya.marahan kong hinaplos ang kanyang labi.ang daming bagay ang nagbago mula nang nakilala ko s’ya.napangiti ako.naisip kong tumitining lang pala ang tamis sa ilalim ng tasa sa katagalan.siguro,hindi n’ya lang alam…she’s stirring the little sweetness in the bottom of my cup.

sana,marami pang umaga ang dumating na kasama ko s’yang uminom ng tsokolate…

sana…

162 responses to “stirring the little sweetness in the bottom of my cup

  1. kailangang gumawa ng haiku ang magbe-base tungkol sa tsokolate….hahaha!!!!

  2. hey loverboy!
    hindi ako base a…dahil nakalimutan ko na ang bilang ng pantig ng haiku. haha

  3. 3rd base!! nako naunahan ako ng sapatos at ng doggy dog

    T_T

  4. O tsokolate
    Handog sa binibini
    Ngiti sa labi

    base ako!

  5. hmmmmmm ang mahalaga… ay kung sino ang nagtimpla.. kahit anong lasa nito, mamahalin mo dahil sa kanya…

    penge po tsokolate kuya duking

  6. yehey ako ang base ang premyo ko tsokolate.

    iba-iba man ang lasa ng tsokolate ang importante gaya ng sinabi mo, napipiga niya ang sweetness na meron ka.

    very sweet, balik ako cr lang muna.

  7. anong naalala mo nung hinaplos mo ang labi niya kuya duking? ahahah nagtanong talaga ako

    mga deep parati ang mga post mo kuya.

  8. ako mahilig ako sa tsokoleyt.. wala lang nasabi kolang.. hehehe🙂

  9. wow!!! umiinlove si Duking🙂 ahahaha hang sweet naman…:-) hmmm karamihan nababasa ko ngayon puro love haaayyyy:-(

    Pongkie, ipagtimpla kagad ng mainit na tsokolate sabay haplusin ang labi baka napaso bilisan mo kumukulo na ang tubig!!!

    • pwede na ba akong fiction writer?

      whahaha!!!magandang araw,sphere!!!

      • Pwedeng pwede tol kagaling eh ahahaha kathang isip mo lng ba yan o totoong lumalablayp ka?

        hang bagal ng manok natin na si Pongkie turuan mo nga Duking ahahahaha:-)

      • Pang Precious Romance tol Duking ahahaha!!!

    • ate britney, hindi lang po sya umiinlab, nagpapayo pa..

      turo sa taas!

    • shaks bakit ako ang naging bida dito, si kuya duking ang bida dito,
      @ate britney
      kumusta naman ang Q for Cuba?
      @ham2
      bakit gising ka pa?
      @kuya duking
      wala daw siyang YM eh, tsk..tsk.. paano na yan
      @mam len
      dahil wala kang YM pwede ka bang maging MYn (baligtad na YM na nilagyan ng “n” kapag binasa _____ alam na?

      kakagaling lang galing praktis.

      • hindi rin ako ang bida rito.sila ang mga bida lagi,pong.

        silang mahihilig sa chocolates.

        wow.myn.bagsek!teka…kung walang ym…may e-mail add yan panigurado.whahaha!!!

        @sphere…salamat for lifting up my self esteem.kala ko talaga hindi ako marunong mag sulat.

        @jason,ayoko lang palampasin yung pagkakataon na baka sakali…maging bahagi ako ng sinusulat ni pong na love story nila ni…whahaha!!!

      • hmmmm love story.. si pong at si…

        nakopo!

        ahhaha

        oi pong overnyt nga ko sa opis last time kaya gising pa ko..

        teka kuya duking sino niluluto mo sa kanan haha!

      • @kuya duking
        tingnan mo man yung site ni mam len wala din siyang e-mail add na nakalagay.

        @jasonham2
        nakita ka na ba ni ate kaye at kuya kulisap apti si chicher hinahananp ka eh.

      • kuya mizpah, subukan mo yong email na gamit nya sa pagcocoment sa blog mo….baka yon ang gamit nya…hehe, pwedeng magchat sa official email ad…

      • @kuya duking, ham2, waling anini

        natutuwa ako sa tulong niyo! yipppeee
        cge gagawin ko lahat ang mga sinabi niyo
        bibigyan ko din kayo ng pasalubong.
        yipppeee

        @mam len
        hintayin mo e-mail ko one of these days ha,
        ito ang nilalaman:
        Mam Len,
        Ang blog mo ang unang binubuksan ko pagdating sa opis,
        Ang mga post mong tagos sa puso ko ang binabasa ko
        Ang mga ngiti sa iyong labi sa mga gravatar mo
        Pwede bang…..
        nahihiya ako….
        sige na nga…

        pa-autograph naman sa picture mo, isend mo sa akin
        pong_lc@yahoo.com

        ahahahha
        maraming salamat sambablog at nakatagpo ako ng mga kaibigan sa inyo!
        yippppeeee

        mabalik tayo sa tsokolate, siguro masarap kang magtimpla ng tsokolate kuya duking kaya nakatabi mo si girl nug gabing iyon.

      • @ pong, akala ko 2 site mu eh.. ahahaha!

      • @pong, asan ang picture mo? sige i send mo! now na! LOL

      • @mam len
        ako po ang padalhan mo ng pic,
        padating na yung tsokolate



        sa amin ehehhe

        site po to ni kuya duking,
        magandang umaga po!

    • @pong,hindi ibig sabihing wala,wala na nga.check mo yung advice ni aninipotpot.effort bro…effort!hahaha!!!

      @jason,sumali ka na.tulungan natin si pong.baka bigyan tayo nyan ng pasalubong kung saka sakali.whahaha!!!

  10. inspirememore

    ang galing nyo po🙂

  11. Kuya Duking..

    inlove ka rin?? sinasabayan mo season of love ko ha..=)

    oks lang kahit ako yung ikaw sa kwento mo at kape ang tinitimpla ko tuwing umaga.. =).. ako ang tumitingin sa mga labi.. at shucks!!,, ako rin ang nagwiwish ng sana….

    ang nagmamahal,
    -takure

    • kung nasa ‘yo na ang takure,hindi mo na kailangan ng tasa ng tsokolate o nang vodka.

      himasin mo na lang yan at baka lumabas ang genie at bigyan ka ng tatlong kahilingan.

      ok lang kung puro para sa iyo ang hihilingin mo.basta lagi kang maging masaya.

      • naexcite naman ako sa genie sa takure..

        gusto ko lang naman ano.. hmm.. okay i’ll save my 3wishes para sa mas kinakailangang pagkakataon..=)

      • sige,just keep your wishes,lee mi.

        pag nagbigay yung genie ng isang bonus,baka pwedeng mag wish ka para sa akin?

        eto yung wish ko: ‘huwag sanang matupad yung mga wish n’ya!’

        whahaha!!!

      • wahahhaa.. bad ka Kuya.. di ko pa nga naisip kung ano ang wish ko sinasabotahe mo na…

      • syempre biro lang…baka nga if ever na magkaroon ako ng 3 wishes,ibigay ko pa yung dalawa para sa’yo.

        hehehe!!!ang lakas mo kaya sa akin!

      • waw.. sumayad bigla yung hair ko sa lupa at parang sasabog ulo ko.hehhee

        ganyan ako kalakas kay Kuya Duking..

        wish ko lang naman lagi . Happy tayo ever after..=)

    • manong johnny?ikaw ba yan?

      hahaha!

      so magkakaroon ka ng total na five wishes kapag yung extra kong 2,binigay ko pa.

      tas yun pa rin ang wish ko.mabalewala yung limang wishes mo.hahaha!!!

  12. ay ang sarap ng tsokolate. MILO sa akin eh. hakhak. pero mas masarap kapag malamig eh. hakhak. tapos ano may naalala lang ako dito sa poste mo. yung el filibusterismo. hakhak. may tsokolate a at tsokolate e,

    wala lang. ang cute nung babae sa taas. mahal ko na siya. wahaha.

    natawa ako sa sidebar. may pinapakuluan. akala ko ikaw. adik!

    • mahal ko din s’ya.

      whahaha!!!

      nakita mo na ba yung niluluto ko?he’s a good friend and i know na kaya n’yang magsulat bukod sa special telent niya sa pag gigitara.

      tingin pa lang…nakakatunaw na di ba?hinde?

      awww.sorry,vic!hahaha!!!

      • pero mahal niya ako. oopppsss wala ng kontra. period. susian. lunok. wag ka na!

        naks gumigitara.

        hindi na ako magkokomento basta ang alam ko niluluto mo siya. hinuhulma.

        ate salbe o si kuya vic daw baka gusto mo… yuuhoooo! pero selos si kuya duking. awts agad!

      • magaling ka mag gitara eloi?yung niluluto ko,kumbaga,master class yan pag dating sa gitara.

        nakup…kay salbehe naman nireto!whahaha!

  13. Dapat tamang tama lamang ang tamis at pait para hanap-hanapin ang ligaya at kiliting hatid ng tsokolate pare.

    Pahigop nga..hmmmmm.

    • sakto lang naman ‘di ba pre?

      subukan mong haluan ng whisky.tutal lumalamig na ang panahon.umulan kanina halos buong maghapon.at umuwi ang lahat sa office ng maaga.napangiti na lang ako….hehehe!!!

  14. Bakit kasi tsokolate ang binigay mo? Dapat kape para magising at tuluyang mabuhayan ng diwa. Ewan ko lang kung anong gawin nyo sa kama pagkatapos tumungga ng kape. Sigurado ako hindi na lang kayo matutulog. Ahahay…

    Magandang umaga Duking!😉

    • naisip ko rin yan,miss salbehe.ang problema,may hindi sila magandang relationship ng kape.kung yun ang binigay ko,malamang na baka naghilamos ako right there sa harap n’ya mismo…

      ng kape…argh!

      magandang araw!

  15. kahit hindi base.

    inlab si duking
    kaya naging makulay
    dilim ng mundo

    inlab, inlab, inlab.

    ako din gusto ko ng tsokolate, penge! gusto ko yung home-made tsokolate ng lola at nanay ko, yung giniling na peanut at cacao. sarap!

    isa pa, inlab!!!! hahahaha..🙂

    nga pala, ang ganda ng kulay ng drawing, sobra. gustong gusto ko nung kulay.🙂

  16. mythelenilesvos

    i love the drawings. haha nakakatuwa.

  17. inlab si duking..

    ako din hindi mahilig sa tsokolate…

    mas gusto ko ang kape.. pero ngayon iniiwasan ko na ..😉

    • kahit anung inumin sa umaga pag gising,masarap lagi kung may kasama kang umiinom.

      lets sit and talk a while.one moment.one…errrr GreatTaste™.

      sorry ha?competition kasi nang product namin yung…

      oo pero masarap nga yun!

  18. gumagalaw at tila nangungusap ang mata nya.

    ung kapirasong pait sa kahit anong uri ng pagkain ay may kakaibang pang-akit sa panlasa. sa una ayaw pero katagalan nagugustuhan.

    • salamat miss toni.hindi mo talaga nakakaligtaang bisitahin ang mga doodles ko.

      at syempre…ang short but true reflection mo sa mga bagay bagay na sinusulat ko.

      salamat.

  19. haizz buti nman choko diz tym hnd kape! ehehheh.
    inlab ka kuya dukz! hnd mapagkakaila! lolz

    sana nga kuya dukz!🙂

  20. db pwedeng kape? hehe…

    ang lalim n nmn nito… dko maarok… tsokolate lang ata naintindihan ko…

    • whaaaa,yhen.

      sorry,hindi ko na translate sa paraang mauunawaan mo.’di bale,one day…maiintindihan mo ang lahat kapag ginising ka n’ya para piliting uminom ng tinimpla n’yang tsokolate o kape.

      one day…soon!

  21. Duking.

    Iba ka.

    Yun lang.

    (goosebumps in reading this and in fairness, na intindihan ko ng todong todo. at talagang nahipo ako.)

    Yun lang. I love it. I LOOOVE the way you wrote this.

    • salamat…salamat!

      dati kase,you will always tell me na masyadong malalim.now that you understand it very well,i think natututo ka na ng katutubong wika.hahaha!!!

      magandang araw,freeboi.kamusta na ang TODD series?

      hehehe!

      • Ay oo. Tingin ko nga parang gumagaling na ako sa Tagalog. Pero tingin ko rin, di naman ito masyadong malalim kagaya ng iba. Mas simple ang mga salita. Pero shet, na antig ang puso ko. LOL. So sweet Duking. Can’t get over it. :p

  22. ang galing. kahanga-hanga. san ka ba kumukuha ng galing sa pagsusulat Kuya Duking?

    tsokolate. naalala ko ang minsang naging tanong sa’kin ng isang kaibigang lalaki. Vanilla o Chocolate? kahit hindi ko naiintindihan, sumagot ako ng Vanilla. ilang beses pa rin nyang inulit ang tanong. binaliktad. pero matigas pa rin ang sagot kong Vanilla. sabi nya sa’kin, ‘balang araw, maiisip mo na wala palang lasa ang vanilla mo at gugustuhin mo ang chocolate.’ natawa nalang kami ng mga kasama ko.

    pero ngayon, naiintindihan ko na. hindi pala natin malalasahan ang tamis hanggang hindi tayo magiging handa para tikman ito.

    handa na ako para sa tsokolate ko.🙂

    stay in love Kuya!

    • whaaaaa….thank you naleyn.

      alam mo ba na natutuwa ako everytime people here appreciate yung sinusulat ko.i usually don’t mention any name of the characters.i’m making sure na this was all the story of everyone.hindi man laging eksakto,pero posibleng nangyayari sa bawat isa.

      pero higit akong natutuwa kapag yung mga hinahangaan kong blogwriter na gaya mo at ng karamihan na andito ang nagbibigay ng appreciation sa mga sinusulat ko.

      thank you ulit,naleyn!

  23. magandang gabi…

    hanggang hindi nawawala ang tamis ng tsokolate…

    ang pag ibig na ipinadadama sa isa’t isa, ay hindi kailan man mawawala…

    • at kung mawawala naman,maiiwan yung tasa at aasang mapupunan ulit ng mainit at matamis na tsokolate ng pag ibig!

      magandang araw din,ravy!

  24. tsokolateatkendi

    ang ganda ng picture! nakakainggit naman ang labs mo ngayon, kasi napaka-sweet mo.. baka langgamin ka nyan! hehehe

  25. Late na ata comments ko. Mhina po kasi wifi dito. Pero sabi nga nila better late than absent. Hehe. I won’t miss reading your blog, duking. I won’t.

    Mkhang masarap yung tsokolate kaya si girl na antukin pilit bumangon para namnamin ang lasa nito. Kng lhat kasing sweet mo magmahal duking siguro lahat mas gugustuhin na lng ding matulog at gumising katabi ka at ang tsokolateng hinanda mo.

    Ang ganda nung mata nung girl. Nangungusap. I wish next time, if not the same girl, you’ll have someone you’ll wake up each morning with at sya nman ang mgttimpla ng kape mo. And you dnt have to wake up alone kasi kasi ktabi mo lng lagi sya to cuddle with.

    Magandang araw, duking, mula dito sa magandang bayan ng Vigan, Ilocos Sur. See, khit nasan ako, mararamdam mo pa din ako🙂

    • ‘I won’t miss reading your blog, duking. I won’t. ‘

      i would either think na hindi mo mami-miss na basahin ang blog ko or hindi mo papalampasin ang mga pagkakataon na basahin ang blog ko.anuman sa dalawa,i wish yung huli yung tinutukoy mo.hehehe.

      salamat for the wish,if i could wish,sana next time if it happens to be a different girl,sana ibang memories naman yung maidagdag nya sa buhay ko.dahil kung iinum din s’ya ng tsokolate,i can’t help but compare her sa kanya.for i know,there was something in her beyond my minds’ eye could see.

      thank you sa comment.enjoy your tour sa vigan.

    • haha.. uu nga ano. parang dalawa yung meaning nung sinabi ko. syempre, it’s the second one. hindi ako papalya sa anumang post mo, duking. ikaw pa! malakas ka kaya sa kin. hahaha.

      next time, if it happens to be a different girl, wag mo na timplahan ng tsokolate, malay mo adik naman yun sa kape. mababadtrip lang yun pag tsokolate hinanda mo. wehehe.

      for now, namnamin mo na lang muna yung tsokolate memories ni miss antukin. lagyan mo na din ng extra joss para hindi na antukin after nun. hahaha. salbahe…

      magandang araw sa yo, duking.🙂

      • parang inuutos mo na pag ekspermentuhan ko ‘sya?

        mas salbahe ka.whahaha!!!!

        kamusta ang vigan trip?aabangan ko yung adventures mo sa pamamasyal dito mismo sa ‘pinas.magandang araw din miss addicted to blah blah blah!

      • nyahaha.. ginawa mo pa akong adik sa blah blah blah..

        opo, i’ll share my adventures. mejo mapupuno na nga yung backpack at maleta ko ng memories from here. mas lalo tuloy bumigat😀

        ingat ka jan, kuya duking🙂

  26. pa-Nth base muna… babalikan ko ito, duking… call of nature (kailangan ba sabihin ko pa dito? :D)

    • sorry, natagalan ang pagbalik. sobra kasi ang antok ko.
      grabe, iba ang dating nito sa akin ah. bittersweet.
      “ilang umaga ko pa kaya siya makakasamang uminom ng tsokolate” shaks, nakakadurog ng puso na may pagka-sweet din. haay duking.

      maiba tayo. hindi ako mahilig sa chocolate. hindi ko alam kung bakit, pero mas gusto ko yung desert na hindi chocolate. hindi naman sa ayaw ko, in fact gusto ko ang hot chocolate pero may certain time of the year gusto ko nun.

      pero ang masarap, yung mainit na hot chocolate sa gabing ubod ng lamig tapos makikipagusap ka lang sa taong mahal mo. haay!

      • salamat md.

        theres always a beautiful inspiration behind every beautiful stories.

        pag pinikit ko yung mata ko,bumabalik ulit ako dun sa umagang minamasdan ko s’ya.

        at nagiging walang katapusan ang saya ng pag-ibig.

        naks.

  27. waah! late na naman ako kuya duking….huhu

    ako! gusto ko ang kahit na anong tsokolate… mas gusto ko ang home made tsokolate….

    kuya, ano kaya ang meron sayo bakit ang galing mo?….pwedeng pahingi ng talent kahit kunti lang?…haha

    • tinkerbell,when people ask me about the inspiration na pinagkukunan ko,iniisip ko na it was everyones love story.ang daling magsulat kapag napakaraming pwedeng pag kunan ng inspiration.

      pwedeng love story mo rin ‘to.at nang lahat ng tao.

      magandang araw!!!

  28. sarap ng tsokolate..pero mas gusto ko ice- blended haha.

    walang kupas ang Oh my doodles mo pre. punong-puno ng tamis, ‘sing tamis ng tsokolate. laging PANALO🙂

    • pag kumupas ‘to pre…samahan mo kong itubog ‘to sa dye.para bumalik yung dating tingkad ng kulay.hahaha!

      anupa bang masasabi ko kundi malaking THANK YOU!

  29. ay sarap naman ng tinimpla mo. gawa ba sa tablea?
    hehehe

    pag may natira puwede mo akong bigyan. kahit di mo na timpalahin (siempre nahihiya rin naman ako nakikihingi na nga lang e hahaha) kaya ko naman na.

    pero for me masakit ang ayawan yung bagay na hinanda mo. pero okay lang ganun talaga pag may ibinigay ka hindi mo puwedeng i-conclude na magugustuhan niya iyon.

    • ang ganda nung reflection mo sa post ko hoshi.mahirap talagang pilitin ang taong ayaw.nagkakataon kasi minsan na she had a very different taste kumpara dun sa expectation mo.

      kung mangyari man yun,hayaan mo na lang lumamig yung tsokolate.at bumulong ka ng ‘sikmurain ka sana…antukin!hmp!’

      hahaha!

    • wahahaha

      well nagustuhuhan ko rin yung sagot mo na sana sikmurahan ka sana.

      baka nga sabihin ko pa, “inumin mo yun kung hindi babangasan kita” wahahahaa

      • whahaha!

        karinyo brutal ba?

        hindi naman.napaka gentleman kaya natin.eto na lang pala bubulong ko.short but sharp…’arte mo’

        hakhakhak!

  30. Ang cheesy mo dukingsters. Bat nga kase nasa baba ang katamisan mo? Ano ba matamis sa baba mo na hinahalo halo ng babae mo? Hahahahahaha.

    • knock knock?

      who’s there?

      ‘Vaj’

      ‘Vaj who?’

      ‘you know i’m vaj…i’m vaj…you know it!’

      isunod kaya kita kay jacko,vaj?hahaha!!!

    • ganyan talaga, vaj. may mga taong romantically challenged. yung tipong kapag nag-express ng kahit konting affection, eh tipong magi-implode. pero that doesn’t necessarily mean na they are not capable of love/romance. parang being caught in a bad romance. ra-ra-ra-a-ah… rah-mah-ra-a-ah… gaga-oy-la-la… wanchobaromas!😀

  31. ui,ako mahilig ako sa tsokolate… sekwate nga yan dito eh.. ahaha gustong gusto ko yan..

    • enibadi?eniwan?

      sinong gustong humingi ng address ni miss jongskie at magpadala sa kanya ng box o’ tsoklets?

      ahaha!si pong miss jongskie.nag papa door to door sya ng tsokolets sa magagandang mga binibini ng wordpress!

  32. Ow, sweet mo naman! pero honestly, bilang babae…mahihiya ako kapag ako ay nagising at nakatitig pala sa akin ang BF ko. Kasi paano na lang kapag naglalaway ako? Ahh! nakakahiya! (okay, that’s girl panic) pero sa kabila ng hiya ay kikiligin pa rin ako, tapos medyo maiinis, matutuwa. Haha, ang ulo nga naman ng babae mas mahirap pang hulaan kaysa sa lagay ng panahon.

  33. marami pang darating na ‘tsokolate moments’ na makakasama mo siya… basta ba di ka magsasawang ipagtimpla siya, kahit ilang tabo pa yan.. ayayaaayy ka sweet nemen,,,….

    malabo ata paningin ko. yung girl habang iniinom yung tsokolate, parang ansama ng tingin. (di kaya may probs tong browser ko?)

    gandang eraw Duking.

  34. ayun sa browser ko nga! wahaha

    kumurap na si girl eh.😆

  35. nakakainis! ang daming comments hays~~

    ang galing ng paghalo ng tsokolate, ang daming moves nitong doodles mo!!

    sweet naman ng pagtitimpla!! iba yung naisip ko nung pinag mamasdan mo sya habang natutulog.. ayaw mong gisingin kase tinitignan mo pa sya.. basta iba naiisip ko sa part na yun hahah!!!

    anyway, as usual. ANG GANDA ule!!! obrang obra!!

    **sana wag mag taas ang presyo ng tsokolate haha!

    • salamat bro.

      hindi naman talaga marami yung comment.nagkataon lang na nagkaroon ng ligawan.hahaha!

      kinikilig na nga ako eh!hahaha!

      • @kuya bons
        stable pa naman po ang presyo ng tsokolate, ayos naman ang palitan ng dolyar, kakapadala ko palang kina nanay. kumusta naman po diyan sa kabilang disyerto?

        @kuya duking
        ahahaha
        hindi naman ligawan, getting to know lang,
        salamat, napapangiti niyo ako.

  36. matagal ko nang nabasa ang post na to, wala lang ako lakas ng loob na magcomment. hehe.

    ito ang pinaka naappreciate ko sa mga entries mo kasi naintindihan ko cia agad, hindi ko na kinailangang magpatigil-tigil sa pagbabasa para lang unawain ang mga salita mong nakakaloka sa kabulaklakan.

    oo, kelangan may explanation. =)

    basta sweet ka. napangiti mo ko.

    • dahil mahiyain ka at wala kang lakas ng loob,add kita sa blogroll.huwag ka na lang tumanggi dahil ito ay sapilitan at may halong pagbabanta kung tatanggi ka.hehe!

      magandang araw,kuhracha!

      • hehe, wala na pala ako magagawa. at least nagpaalam ka.😉

        gandang gabi, duking!

      • whahaha!

        ganun talaga.sa dahas na kinukuha ngayon ang mga bagay na gusto nating makuha.hehehe!!!

        bibisitahin ko yung blog mong makulit ng madalas.mag suot ka nga pala ng pang itaas.hindi mo alam kung kailan ako biglang darating.nyahahaha!!!!

      • nyahahaha. cge po, lolo duking, magdadamit na po ako.

        nasamid ka vaj? may nakaalala sayo. number 4.

      • nasamid si vaj…o baka may kulot na buhok lang na nalunok yan…huwag ka kasing natambay sa barber shop…tsk tsk!

  37. Good Morning Pareng Duke!

    Aw… tsokolate. Kasing tamis at pait ng pag-ibig. Sana ako rin may ipagtitimpla at pagmamasdan.

    • wala ba bro?

      sayang naman.hahaha!

      yaan mo…timpla timpla ka lang.malay mo meron pala sa tabi tabing gusto ring humigop ng tinimpla mong tsokolate.

      pssstttt!!!sinong gusto ng tsokolate?enibadi?eniwan???

  38. pag hindi umubra ang tsokolate at nawawalan na ng tamis.. try something else na i offer.. maraming alternative drinks para jan. i like it when you said na sana marami pang umagang kasama mo syang umiinom ng tsokolate..

    at ako din meron akong gustong pagsabihan nyan. hehehe

    pabisita..

  39. wow, pebrero na ba ulit?
    bakit parang inlab ang lahat ng tao dito?haha

    huli man daw at magaling huli pa din

    salamat sa tsokolate
    ni manong duking
    nainitan ang sikmura kong lamigin,

    (^-^)

  40. Naalala ko rin ang tsokolateng Pinoy ang tablea(from cacao) na dun hinahalo sa tinatawag na batidor(mga antik na gamit ng Pinoy).

    At may kilig naman sa sinabi mo na:

    —“she’s stirring the little sweetness in the bottom of my cup.”

    • yan din yung ginagamit ng lola ko kapag gumagawa sya ng tsokolate.napaka espesyal para sa amin yun kase usually,ginagawa nya yon para sa noche buena tuwingpasko at naroon kaming mga apo n’ya.

      salamat ng marami sa pagdadala sa akin muli sa aking kabataan kapiling si lola.

  41. sarap ng tsokolate…

    walang masabi eh hehehe…

    ganda ng kwento… kakainlab. lab yu duking!
    😀

  42. pabili po ng kape..

    ay tsokolate po pala kuya duking

    hohohoho

  43. awwwwwwwwwww…ang sweet… mas sweet pag napapainggles ka, duking…

    sino ba siya talaga?

    ako mahilig ako sa tsokolate…pero pag sobrang init, pinapalamig ko muna ng konti kasi di ko kayang inumin ng sobrang init.

    • fiction lang miss kaye.romantic fiction lang.

      salamat sa pagbisita.may tsokolate akong niluluto sa bandang itaas.

      ay…bulalo pala yun…whahaha!

  44. Haring “Du”! Nyhahahah! Ang cheesy naman ng mga poste mo. Sabagay halos lahat naman. Isa ka talagang hinyow haring “du”! hehehe. Hmmm, sana me makasabay din ako sa paghigop ng kape isang umaga.. haaayyy..

    Maraming Salamat pala sa komento haring “du”!

    Ingat ka lage at Godbless!

    P.S. Siyempre maari bang mawala ang komento sa GIF mo.. IDOL! nyhahahah! miss you harring “du”! ehe.

  45. wow. ang sarap naman talagang humigop ng mainit na tsokolate lalo pat kasama mo ang taong mahalaga sa buhay mo.

  46. Ra ra ra-ah ah. Roma-ro ma ma

    Morning Duking!

    • anu yan vaj?

      eto na lang ang chant na gawin mo…

      abay-ga…
      gopala…
      ko-a…

      ulitin ng 3 times 3-times a day.epektib yan pang pawala ng stress.

  47. at salamat hindi binabaha ng ganito ang wordpress blog ko, kasi ang hirap hanapin ang comments ko😀

  48. Ang galin mo naman. =) mahilig ako sa pastel drawings, parang kagaya din ng itsura ng mga doodles mo.

    Pero ang taas ng level mo eh. Idol. =D

  49. ay, ang ganda ganda ng drowing. balanseng-balanse. saka, parang in water color ang background. thumbs up, duking. :]

    galing rin ng pagkasulat mo. naman, ba’t fiction? sana’y totoong may ipinaggagawa ka ng tsokoleyt na naa-appreciate ang timpla mo…

    basta, ang husay. :]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s