para sa lahat ng manggagawang filipino sa sulok ng mundo

ang buhay ko’t dugo’y ibinubong pawa
sa lupang sarili ngunit ng lumaya
ako’y wala kahit sandakot na lupa!
kung may tao’t bayan na naging dakila
ang ginawang hagda’y akong mangggawa
nasa lupa ako’t silay sa dambana!


91 responses to “para sa lahat ng manggagawang filipino sa sulok ng mundo

  1. saludo sa mga manggagawang pilipino, pinas o sang sulok man ng mundo!

  2. parang makabagong panday lang ah.
    kulay dugo talaga ung balabal, at karit ba ung nasa kaliwang kamay o kahugis lang.
    gamit yan ng magsasaka/magbubukid pero maaring sagisag din ng hirap o kamatayan.

  3. napakalaking TAMA ng sinabi mo kuya Duking,..
    pagkatapos ng lahat..wala ng nakaalala kay SuperWorker..

    para sa akin, ito na ang pinakamakabayan mong tala.. bukod sa naiinlove lang ako sa bawat dodo.. este Doodles mo eh mas makatas pala ang pagiging trabahador natin sa sariling lupa..

    • thank you lee mi.hindi ang pagiging makabayan ang mahalaga sa panahon ngayon,lalu pa’t napakahirap nang kilalanin ang makabayan at ang traydor sa bayan sa kasalukuyang panahon.

      ang manggagawa pa rin ang hindi kailanman magbabago ng uri.lagi’t laging bayani ng lahat ng panahon.lalo na kayong kinailangan pang lumayo para sa mga mahal sa buhay…

      kaya ingat ka lagi jan.magandang araw!

      • salamat Duking.. ingat tayo lagi kahit saan.. mapapalad pa rin ang mga batang inosente sa panahon.. ngunit nakakalungkot kapag sila naman ang magulat sa kinabukasan.. at habang tayo pa ang ngayon.. manggagawa sa kasalukuyan.. may tsansa tayong pumili ng buhay para sa mga susunod.. mangagawa sa sariling bayan o sa dayuhang lupa.. magkakapatid tayo sa iisang tibok ng malayang ambisyon.. iboto mo ako ha..=)

      • sige…pero..anu kasi eh…ah..

        hindi ako botante.hahaha!

  4. Saludo ako sa mga Pinoy Super Worker. And the bes din ang doodle mo Duking. Salamat sa pag-alala sa mga bayani ng bawat pamilya.

    • salamat din po!

      kay liit ng mga alay nating pasasalamat sa mga tunay na bayani ng bansa.lahat ng manggagawa sa industriya at bukid at sa lahat ng nagingibayong dagat para mag hanap buhay.

      ang kanilang uri ang bayani ng lahat ng panahon.

  5. Ang masasabi ko lang..

    I SO LOOOVE THE DOODLE!

    Happiness!๐Ÿ™‚

  6. magaling… magaling…

    dakila ang mga manggagawa, kasama na ako dun…

    may pakiusap lang ako, next time sana, bawasan ang rally… nata-trapik ako eh..๐Ÿ˜€

    • tiisin mo na lang tol MD…kung manggagawa ang nagra rally,malamang na kasama ang kabutihan mo sa sigaw nilang pinaglalaban.

      ngayon naman,kung nagra rally sila para lang sa kung anung pulitikal na dahilan….nampucha naman!utusan yang mga yan na mag trabaho ng sa gayon eh may ambag na rin sila bago humingi ng kung anu-ano.

  7. naalala ko si Andres Bonifacio dun sa tula niya

    “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”

    Sa lahat ng Pilipinong Manggagawa na naniniwala sa tunay na Paggawa, saludo po ako sa inyo.

    –mula sa riyadh, saudi arabia

    • oo nga.sobrang ganda ng tulang yun.yung mga ganung tula ang nag papaigting ng alab ng pusong makabayan.

      dahil din don siguro kaya sya pina salvage ni aguinaldo sa tubuhan.wawa naman.

  8. hindi ko po naintndhan! sowe nman. slow tlga aq s mga malalalim na tagalog huhu..

    gndang hapon nlang dukz! =)

    • maikli naman,papaliwanang ko na lang sayo kayedee.

      usually kase,after all the years na nagpakahirap tayo para sa iilang negosyante at kapitalista,sa dapit hapon ng buhay ng karamihang manggagagawa,sila pa rin yung laging kawawa.walang sarili man lang lupa at kasiguraduhan ng kanilang pagreretiro.

      yung iilan ang yumaman at nagsitaas ang estado ng buhay,mang gagawa ang tinapakan.

      • ahhh.. salamat kuya dukz!

        korek ka nman jan eh! manggagawa ang nagpapakahirap at gumagawa para sa ikatatagumpay ng kompanya pero lahat ng credit napupunta sa mataas.. at ang mga mangggwa ang nananatili sa ibaba๐Ÿ˜ฆ

      • naiiwan pa rin naman sa atin yung self respect at yung pride and honor na naging bahagi tayo ng pagpapabuti ng mundo.although yun nga,minsan,parang iilan lang yung pinagsisilbihan natin.ayos lang kase kadalasan,family yung reason natin kaya tayo nag ta trabaho.

  9. Natutuwa ako pag dumadaan ako sa head ofis nmin kc krmihan sa mga nagwowork don eh Filipina “Smile pa lng nila matotomboy ka hahahah joke lng” Smile pa lng nila masasabi mo ng “You make my day” pero sa likod ng mga ngiting yon may nakatagong lungkot at pananabik na makapiling kahit saglit ang pamilyang naiwan sa Pilipinas๐Ÿ™‚

    Ako, hindi ko kayang ngumiti pag malungkot ako kaya Saludo po ako sainyo kc kaya nyong ngumiti kahit nalulungkot kau๐Ÿ™‚ mabuhay ang mga OFW!!!

    • dami talagang sad stories ang pag alis kapalit ng pangarap at pag asam ng mas magandang buhay para sa iiwang mga mahal sa buhay.ang daming ganyan dito sa wordpress,katulad mo.

      kayo kayo na rin ang magbantayan sa kapakanan ng isa’t isa.nakakatuwa na kaya pa rin nating mag alay ng ngiti sa kabila ng hirap na nararamdaman natin.kaya eto…ngingitian kita.:-)

      mag-iingat ka at laging maging masaya.

      • ๐Ÿ™‚ salamat sa ngiting pang hapee toothpaste, salamat sa ngiting pwedeng magpataob ng kaharian ng Paladino mabuhay si Prinsipe Duking!!!

        ikaw din yngat jan๐Ÿ™‚

    • prinsipe ako ng hibang na kaharian.hahaha!

      o s’ya.tayo anng bumalik sa pangangarap ng mas mabuting buhay para sa ating mga sarili.

  10. Dambana lamang ang iyong turan
    Pero lakas ay iyong tangan
    Gawa ng mabuti, sadyang laan
    Para bukas mo, ligaya’y tikman

    Tutulo muna ang pawis
    Bago ka makaalis
    Sa pagkaaliping
    Dusa at pagtangis

    Hayaan na
    Tikman na lamang ang dambana
    sa palakol at gapas na simbolo ng pag-asa

    • wow isang masterpiece.

      nagsanib na ang pwersa nina kuya kulisap at kuya duking.

    • whoooaaahhh!!!

      mahusay kapatid.sususugan ko pa ulit ang mga berso.libangin natin ang isip natin para hindi natin maramdaman ang kalam ng sikmura.

      nakangiting nag aabang ang bunso
      sa pasimano ng bintana
      habang abala ang ina sa hapunang ihahanda
      sa amang hindi na darating
      sapagkat ang andamyo ng gusaling kanyang tinatayo
      ay gumuho kasama ng pangarap niya para sa masarap sanang hapunan at halik ng anak at kabiyak.

      at para may rhyme.fuck!

      • Inilibing ng amo sa hinalong semento
        Upang sa gayo’y walang magreklamo
        Paano na ang mag-ina, na magdamag
        Tumatangis, naghihintay..umaasam
        Uuwi si Itay, anumang oras…kakatok sa pintuan
        Ang malamig na bangkay, dilat ang mata, mag-ina’y nagpatiwakal.

        Ayaw ko sanang palalain ang sitwasyon pareng duks, huwag mong sinasaling ang aking kuntil.

      • hindi ko akalain na ganung kalala ang gagawin mo pre.pero dahil nag simula nang umikot ang gulong,tignan ko kung saan hahangga ang lahat…

        ang barong barong na naiwan,nagkagutay-gutay
        kaluluwang naglilibot ang mag inang naghihintay
        sa sinumang doon ay napapadaan
        may malamig na hangin ang biglang dumaratal
        at doon sa gusali na pinaglibingan
        may daing at impit na iyak kung gabi
        yao’y kaluluwa naman ng amang nag aabang
        sa tinitikis na pag-iisa,tila ba nawiwindang!

      • Nagniningas na bubong ang tumapos ng tuluyan;
        Sa alaala ng pamilyang, pinagkaitan
        Naring masaklap na kinabukasan
        Sa kamay ng mga, mapang-aping lipunan

        Isinulat ng isip, may dugong tumulo
        Alaala ng kahapo’y isang pagkabigo
        Manggagawang aba, biglang sumuko
        Pamilyang nalimot, sa papel ay idibuho

        Pare, inom pa tayo..ilabas ang pulutan. Vajekjek na nilagyan naman ng luyang dilaw. Pakilabas..ahahaha

  11. MABUHAY ANG MGA PILIPINO! MABUHAY ANG MAGAGANDA AT GWAPO! HEHEHE!

  12. para sa lahat, OFW man o Hindi, para sa lahat ng manggagawang filipino.. angat ang pinoy

    ganda ng doodles ah! unlimited talaga ang kakayahan mo duking! (parang unlitxt lang!? lol!)

    yo! saludo ako sa lahat ng manggagawang pilipino!!

    rock’on!

    • bon,may nakuha na kong supplier ng garter.

      stand by sa update ng business natin pre.hahaha!

      mula rito sa perlas ng silangan,isang madagundong na pagbati sa lahat ng manggagawang pinoy sa bonistation ng disyerto!

      mabuhay kayo!

  13. salamat sa pag gunita sa manggagawang pilipino, duking. saludo ako sa yo at sa lahat ng masisipag at talentadong pilipino sa buong mundo.. kampai!!๐Ÿ™‚

  14. para sa lahat na manggagawa, cheers! at God Bless!๐Ÿ™‚

    daan lang..๐Ÿ™‚

  15. isang mapula at taas kamaong pagpupugay para sa lahat ng mga manggagawa!

    salamat kasamang duking sa isang malupet na mensaheng nagpapatunay ng pakikiisa.
    …padayon!!

    “ang uring manggagawa, hukbong mapagpalaya.”

  16. awww…short but very poignant.

    ang galing. malungkot pero totoong totoo yung sinabi mo…

  17. Let’s make unawa ating manggagawa. I don’t like to make sabi na dapat I have agad malaking sweldo. Eh di ba it’s not like that. When you start, it’s so maliit, you know, ang sweldo. Yuppies are making me so inggit naman.. dude, I’ll make sabi to myself that I will make big din.

    Dude, I better stop typing like this. It’s so masakit sa ulo.

  18. Mabuhay ang manggagawang pilipino! Sana mabuhay ang mga walang trabaho!

    • nakain ang masipag,nakain ang tamad.ganun din ang marunong at maging ang hangal.ngunit anung sarap at bakit kay linamnam?kung ang kinakain mo’y sa bisig mo nagbuhat!

      dumarami ang walang trabaho,yiN.totoo yan.pero iinog at iinog ang mundo.dahil lagi’t laging may bisig na magpapa-ikot dito.iyon ay ang manggagawa.

      mabuhay,yiN!mabuhay!

  19. Panalo! Super Pinoy! :p I like it! Pwedeng gawing superhero comix!

  20. tagatak na pawis kapalit nito’y mga ngiti
    sa ilalim ng init ng araw animo’y kinandili
    di alintana ang sandosenang dusa at pighati
    maihatid lamang sa mga minamahal ang salapi

    salaping katumbas ng pagkawalay sa ama’t ina
    sa kabiyak at mga munting anghel ng pamilya
    sa kabila nito’y sinuong ang landas ng mga banyaga
    upang maialis sila sa hikahos at gula-gulanit na dampa

    at sa pagsapit ng gabi, pangungulila… ika’y inaangkin
    naglalakbay ang isip at mga pangarap sana’y marating
    mga luha at ngiti, nagsalo sa himig ng hangin
    mula ibayong dagat sana’y hipan sa lupang nahihimbing

    (yay! salamat sa iyo Duke… nabuhayan na naman ako. Haha! I love you na ‘tol. Ayoko ko na kay Salbe… Ikaw na labs ko. Wahahaha!)

    • tara…love triangle tayo.

      sino pa sasali para maging bilog na?hahaha!

      nasa ibayong dagat ka rin ba,tol?ingat lang.hayaan mong dumaloy ang mga salita’t bumuo ng tula kapag nalulumbay ka.baka kung tuluyan mong mapagdugtong-dugtong,maging tulay naman iyon para mahaplos ang puso ng mga mahal mo.

      pagpupugay sa lahat ng manggagawang filipino sa lahat ng sulok ng daigdig!

  21. haha, lutang na lutang ang utak ko… wala man lang akong maikoment na matino… haaays! busy lang.

    magaling duking.

  22. ipaglaban ang manggagawang Pinoy! Sulong Ka-Duking! hehehe

    “uno-beinti singko itaas-itaas! presyo ng langis ibababa.”

    yan ang naririnig kong ipinaglalaban ng mga welgista noon at magpahanggang sa ngayon. kalungkot lang na ganyan pa rin ang problema at mas lumalala pa.

    sabi nila, mas magaan ang sistema ng trabaho sa bansa pero doble hirap. wala na ngang trabaho o mahirap maghanap at pag nagtrabaho ka parang mababa pa ang swldo mo kaysa ginagastos mo.

    hay buti na lang karamihan sa mga manggagawang Pinoy, kahit hirap,ay umiiral ang pagmamahal at pagiging responsable.

    • malasakit ang tawag don.ganun kasi tayo.masaya sa kakarampot dahil nasanay sa wala.

      halika,sumama ka sa aking umasam ng mas magandang bukas para sa lahat ng manggagawa.baka sakaling kahabagan tayo ng langit at dumukwang ang kamay ng bathala upang hatiin ng pantay pantay ang lupa at mga biyaya.

      isang daan at dalawamput limang piso na dagdag sahod sa lahat ng manggagawa.sa ilang taon na naririnig natin ito,mas malaki pa ito sa naging inflation sa nakaraang ilang taon.kaya tayo pa rin ang patay gutom na humihingi lamang ng mumo sa bundat na kapitalistang nangagsisikain sa mesa.

      mabulunan sana sila.

  23. mabuhay ang mga pilipinong manggagawa! ang mga trabahador! lahat ng mga pumapasok sa trabaho para kumita ng pera at para mabuhay at para may MATUTUNAN.

    takte, ngayong nagtatrabaho ako ko palang napapahalagahan at natetreasure ang silbi ng Labor Day.

    Anong pangalan nung superhero mo ? hehe

    • Eh pano ung mga nagpifacebook lang at blog sa opis Oton?

      ahahaha.

      Wala akong alam diyan. Wala.

      • jkul,ayos lang din yung ganun pre.as long as may output na inaasahan mula sa atin.

        madami sa atin dito,guilty!hahaha!!!

        (huwag n’yo sana akong mapansin…)

    • parte ka na jason.at dahil nagbabayad ka na rin ng buwis,may karapatan ka nang umangil,umangal at umalma kung sa tigin mo’y nayayapakan ka.

      at awtomatik,pwede ka na ring maki mura kay gloria.hahaha!

  24. Prinsesa ng Drama

    Salamat po sa pagbisita sa bahay ko! Nice naman ng superhero mo! Sino nga pala sya? hehe.

    Mabuhay ang Pilipinong Manggagawa!๐Ÿ˜€

  25. nagustuhan ko yong pagkakadrawing. very expressive๐Ÿ™‚

    mabuhay ang manggagawang pilipino!

  26. Mabuhay ang mga bagong bayani!

  27. mabuhay ang mga bagong bayani sa makabagong henerasyon.

    ang galing ng doodles..mabuhay si duking!!!

  28. Isa kang tunay na bayani Duking! Isang ulirang manggagawang walang inasam kundi ang ang kapakanan ng sambayanang pilipino!

    heheheh.. wala lang ako masabi sa galing ng doodles mo…

    Ipagpatuloy ang nasimulan. binabati kita…

    _____________________________
    Pirma ng Magulang

    nyahahahahahah…

  29. late na naman ako!
    lagi naman eh!

    ang ganda ng drawing! parang ano lang eh superhero! hakhak!

    sino leading lady niya? si ate salbe? HAKHAK!

    mabuhay ang mga manggagawa.

    bakit walang araw ng mga estudyante?

  30. salie biocarles

    Mbuhay manga2xwang pinoy;un i kung buhay p cla mkauwi nang pinas!!!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s