fancy and fast ends in fatal crash…

semplang na naman.

dahil sa pagmamadali,nasugatan ang tuhod at nabakbak ang siko.ayoko kasing maunahan sana ng ilang kasabay na marating ang lugar na kinatatayuan niya.nagbabakasakaling kung mauuna ako,baka ngumiti sa akin ang kapalaran at maisipan niyang sa akin na lang umangkas.mas magaganda kasi ang bisikleta nila,kaya tuloy nagbaka-sakali akong mapunan ng aking sipag ang kapayakan ng aking bike.

dinaanan ko ang baku-bakong daan.may mga bangin sa paligid at matatarik na akyat.binaybay ang liku-likong landas.niyamot ng salubong na hangin.na flat ang gulong.tinuya ng humahagibis na sasakyang kasabay at kasalubong.sinunog ng araw at gininaw ng ulan at nagkaligaw-ligaw.

at sumemplang na naman…

kaya ngayon,sa muli kong pagsakay sa aking munting bisikleta, hinding-hindi na ako magmamadali.pagmamasdan ko ang magagandang bukid na aking mararaanan.dadamhin ko ang habagat at amihan paayon man sila o pasalubong sa aking landas.kakawayan ang estrangherong kasabay at kasalubong.ngingitian ko ang sikat ng araw at hahayaan kong paghilumin ng ulan ang aking pagod.magiging mapili sa daraanang kalsada at pasilyo.sa bawat liko at kabig,magiging mas maingat.sa bawat pangangamba,magiging marahan.hihinto kung kailangang bawiin ang hininga.tatanggapin na na pa-flat talaga minsan ang gulong at may kahinaan din ang bawat pyesa ng bike.

at sa aking ‘di pagmamadali,napansin kong nakangiti ka at sa unang pagkakataon,hindi ako nagkakamaling ako ang nginingitian mo.

at napawing tuluyan ang lahat ng aking pagod at nasagot bigla ang matagal ko nang tanong kung bakit nga ba ako nagba-bike…

111 responses to “fancy and fast ends in fatal crash…

      • shaks! naunahan ko si jason hamster!

      • ito ang isang halimbawa ng “appreciation” sa bawat na dinadaanan, mga bundok, mga ibong lumilipad, samyo ng hangin, one step at a time kumbaga.

        ito yung madalas nating nakakaligtaan (miss-out) sa sobrang pagmamadali ay nakakaligtaan nating maganda ang buhay at ang mga tao at bagay na nakapalibot dito. kahit pa may problema di ba.

        sabi nga “haste is waste”
        take our time
        share the lessons learned

        at higit sa lahat yung naghihintay at nag-aabang ay mas nasasabik di ba.

        mabuhay ka kuya duks!

    • grabe pinakyaw na ni pong ang base. pasabit ah. este.. paangkas. lol

    • ba’t ba pakiramdam ko eh may pakontest dito na wala namang premyo?

      hahaha!!!

      jason,pong…salamat sa pagiging bwena mano.hahaha!!!

      • hahahaha yung mauna sa pila, reward na samin yon, nakaka excite kasi pag nauuna hahahahah
        πŸ˜€

  1. Parang wake up call sakin ahahaha cguro dapat nga hindi minamadali ang mga bagay bagay darating sya sa tamang panahon at cguro hihintayin ko na lng na ngitian ako ng tamang panahon at pagkakataon na yonπŸ™‚

    salamat DukingπŸ™‚

  2. Salamat sa Post mo medjo naliwanagan ako nagmamadali kc ako ngayon kaya cguro ganun sa pagmamadali ko diko napapansin ang iba pang magagandang bagay sa paligid ko…

    Cguro hihintayin ko na lng din na ngitian ako ng tamang panahon at pagkakataonπŸ™‚

    Salamat Duking!πŸ™‚

    • sa hindi malamang kadahilanan,napunta sa spam ang comment mo,anne.

      but worry no more dahil nahalukay ko ulit sya pabalik sa sirkulasyon.for whatever confusion na nararamdaman mo ngayon,you just have to slow down and think clearer.

      if this post helps you a lot to decide,i think i’m finding a better purpose why i am writing.nakakatuwa naman.

      salamat anne!

  3. awts… kahit sumemplang, kahit gano kasakit kahit gano kalalim ang sugat, bangon pa din at gamutin ang anu mang disgrasya..

    teka pano nagalaw yung nasa taas! wow!

  4. kaya ayokong makakita ng bike, kahit mabagal, mabilis, malaki ang gulong, maliit ang gulong, mataas ang upuan…

    di ako marunong magbike hanggang ngayon. T_T

    paturo naman kuya duking

    O umangkas sakin ang mga di rin marunong magbike!! (parang wala atang aangkas…)

    • Mgtandem bike k n lng, jason. Msaya yunπŸ™‚

    • jason,namiss mo yata ang pinaka cool na bahagi ng buhay bata batuta!

      yung feeling na ikaw ang hari ng mundo dahil kaya mong magbalanse ng bike sa dalawang gulong nito at tumakbo nang tatlong beses na higit kumpara sa ibang batang nagtatakbo lang sa kanilang sariling paa.

      not too late though…pwede ka pa ring mag aral ng bike.hanap ka lang ng lugar na di matao.hehehe!

      magandang araw!

      • yun na nga.. di talaga ko marunong…

        ano yung tandem bike? yun ba yung marami katong nagbabike? nakakatkot yun diba dapat ano may collaboration ng utak? hehehe

        oo tama kuya duking.. di pa huli ang lahat..

        samahan nyo ko ni bellpeper sa luneta!

        hohohooh

      • jason yung tandem bike po yung isang bike lang na mahaba sya and madami kayo nakasakay at nagpipidal. kahit hindi ka magpidal (hehe) ok lang as long as nagpipidal yung iba. me gulangan nga tama si duking.. hahaha..

        sige sa luneta tayo. duking, dala ka side car. ipasyal natin si jason. πŸ˜€

      • wow… oo nga… pero pag tumigil ba ang isa masesemplang lahat??

        shaks.. nakaka excite naman mag luluneta!!! tapos tuturuan pa ko ng bike!!

        batang-bata lang ang dating ko pag nagkataon! hahaha

        hiya meπŸ˜€

  5. panalo na naman ang concept nito, duking..πŸ™‚

    hindi naman lahat nadadala sa pabilisan. madalas sa pagmamadali, natitisod, natatapilok. mas lalo tuloy bumabagal. mas lalo tumatagal. o kung nakarating ka man, usually hindi pala para sa yo yung napili mo. wrong choice kung baga.

    so take your time and enjoy the journey. mas maaappreciate mo in the end kasi mas nanamnam mo yung pagbyahe at pagmasid sa paligid. mag-aantay din naman sya kahit matagal kung talaga sya yung para sayo.

    tama ba yung sinasabi ko? haha. whatever!

    basta ang galeng mo!πŸ™‚

  6. Minsan kasi sa ating pagmamadali, everything would suddenly get blurry. At pagkatapos, hindi na natin nano-notice ang ilang bagay which sometimes seem trivial pero yun pala matter the most to us. Very nice reflection.

    • hi,nortehanon.

      salamat sa muling pagdalaw.mukhang naging busy ka sa mga projects mo at adventures lately.ingat ka lagi at magandang araw!

  7. Ang ganda na naman ito Duking. Hinay-hinay lang kung minsan para talagang ma-enjoy ang mga sandali sa ating buhay at sabi nga ni Miss N sa itaas…enjoy what matters most in our lives.

    and sabi nga:

    Be content with what you have;
    rejoice in the way things are.
    When you realize there is nothing lacking,
    the whole world belongs to you.
    ~Lao Tzu

    • thanks for sharing the views,sir.

      and for the quotable quote na sine-share mo lagi,always a piece of widom.

      maraming salamat at magandang araw!

  8. Bakit ka nga ba nagba-bike? Meron namang tricycle.πŸ˜‰

    • hi salve.

      we got planes and trains and cars.sadya lang kasing libre ang bike.hehehe!!!

      ano,gusto mo bang umangkas?para naman makabawi ako sa’yo?

    • salbehe,

      bakit parang wala ng lambing ang bawat kataga mo sa kaibigan ko, mabait naman yan.

      ..
      ..
      ..
      ..

      wahahahahahah…

      kidding aside, cool kasama yang si duking. walang dull moments jan.

      ayos.

      • vic,wala akong pambayad sayo kaya manahimik ka.

        saka alam mo naman sa sindikato ‘di ba?

        kapag marami nang nalalaman…nililigpit na.

        tsk tsk!

  9. inlove! inlove! inlove! hahaha.

    hinay hinay lang para kahit flat ang gulong o masemplang man,hindi ganun kasakit. Hehe.

    Pangarap ko magka-bike ulit kaso laging kinakapos ng pera, wala lang.πŸ™‚

    good day!πŸ™‚

    • wala ba akong pasalubong,manang?

      kahit bungo lang ni mickey mouse?

      wala?!oh,no!

      hahaha!!!salamat sa comment manang.ang mura lang ng bike.isang buwan ka lang hindi magpa load,paniguradong magkakaroon ka na ng bike.

      • ako nga walang pasalubong sa sarili eh. feeling ko mas mahal pa bilihin don, to think na shopping haven daw yun. hahaha.πŸ™‚

        isang buwang pa-load? eh ang load ko isang buwan 100 lang, meron bang 100 na bike? saan? hahaha.πŸ™‚

        goodmorning.πŸ™‚

      • whahaha….umarkila ka na lang,manang.30 per hour…mga tatlong oras mahigit din yang 100 mo.hahaha!

        magandang manang!…este araw pala!

  10. minsan sa pagmamadali lalong napapatagal.kaya ang naman, mainam parin ang slow pero sureπŸ™‚

  11. “….at sa unang pagkakataon,hindi ako nagkakamaling ako ang nginingitian mo.”

    ayown yun eh!

    sabi nga ni papa jack, ‘it’s not the destination that counts..it’s the journey’πŸ˜‰

    at mas masaya ang journey na yun pag may kasabay ka. yebah!

    [so we’re okay…we’re fine…baby i’m here to stop your crying….] haha napapakanta na.

    magandang araw sa iyo Duking!πŸ˜€

    • kamusta naman ang small rants ng tutubi?hehehe!!!

      [i barely get off to tell you the truth…]

      alam na nating lahat ‘to.repost ito ng bagay na alam na natin pero lagi pa ring nalilimutan kung minsan.

      take care miss tutubi!

  12. relaks! wag kase makipagunahan.

    • hi toni.

      oh ayan,jason….pong…

      narinig nyo advice ni miss toni.huwag daw kayong mag unahan!hahaha!!!

      • ang ibig sabihin ni duking baka gusto nyo dalawin ung bago nyong kabloghay na rovic, anjan sa gilid ung tulay.

    • isa na namang magandang saloobin duking… napaisip tuloy ako na baka nagmamadali rin ako sa mga nangyayari sa buhay ko pero hindi ko na napapansin yung mga matututunan ko along the way…

      @toni – salamat sa pagendorse na bloghay ko kaya lang wala pa akong naisusunod kaya nde pa masyadong maganda… pero mamaya gagawa ako… pasyal ka ulit ha… hehehe

      • yan,vic.

        may endorser ka na.dapat may gift ka sa mga taong supportive sa bago mong libangan.token of gratitude.kailangan yun paminsan minsan.

        ok sige….tatlong san mig lights ulit.wala na kong hihinging iba.

  13. Shaks, muntik na akong makabase. Ang bagal kasi ng bisikleta ko. Si Vajee kasi sinagasaan ko pa at ginawang kalso sa daan.

    Kapag may tyaga, siguradong may naglaga.

    Mani kayo diyan. Mani.hopia manipopcorn.

    • hahaha!!!dalawa na tayong may magagandang plano para kay vaj.

      kaso mukhang hindi mo yata napuruhan.nakapag comment pa sa bandang baba!next time…huwag mong basta lang i-hit and run.siguraduhin mong maririnig mong sumabog yung ulo na parang hinog na pakwang nahulog sa kamay ng tindera.

      ay…ang brutal!!!hahaha!!!!

  14. yay! di rin ako marunong magbike..

    hello kapitan hook.

    pero parang ako yan, minus the smile.

  15. Infurrnes ang ganda ng herstyle ng doodle. Pero hindi bagay ang kulay ng sapatos nya sa damit nya. Parang watawat. Hahaha.

    • vaj,nagkamali si jkul sa pagaakalang napatay ka nya nung nasagasaan kanina.isa kang pusang matinik at hindi mamatay matay!!!kaya mabuhay ka.

      ayan ka na naman eh.hindi ko na lang tinitignan yung fashion nung karakter.dagdag isipin pa yun sa akin.anu bang color combination na hindi magmumukhang bandera yung tao?itim itim at itim????hahahaha!!!!

      nagmamadali yan,pupunta ng barbershop.ang init daw kase at papakalbo na sya.

      • AHA! Kayo pala may kasalanan non! Papablatter ko kayo mga P#@^#^@( kayong mga (*#^(*&@!@(^ kayo ahetchu (*@&^@^(@*#@ TSEEEE!!

        Hahaha. Teka, para kaseng pang united nations lage pag may ganyang green. Saka parang plema naren. Lol.

  16. another nice post, as usual.

    pwedeng literal, pero mas maganda kung titingnan ang mga simbolikal na kahulugan ng iyong sinabi.

    talagang wala kang mapapala kung padalus-dalos. kelangang may sapat na pagiingat ang bawat gagawin, at sasabayan ng pagpapahalaga sa bawat bagay na makikita dahil dito mo lang mananamnam ang kagandahan ng mga bagay bagay dito sa mundo…

    sino kaya ang mapalad na babae?

    • salamat miss kaye.

      literal man kasi or symbolical,yun pa rin naman talaga yung basic na minsan,we tend to forget.ako,in particular,nagmamadali minsan going to work and miss many opportunity along the way katulad ng pagkain ng masarap na almusal.hehehe!!!

      ginawa ko lang ulit na iugnay sa romantic concept na nakagawian ko in every post.this is just another romantic fiction that i love to do.

      take care,miss kaye!

  17. β€˜di pagmamadali,napansin kong nakangiti ka at sa unang pagkakataon,hindi ako nagkakamaling ako ang nginingitian mo.’

    tagos! napangiti din ako. parang nanunuod lang ng sine. haha

  18. awww. gusto q tong post mo kuya.. bukod sa superr nakakainlab eh nkarelate aq!
    xdo aq nagmadali nuon kya nman ayun nadapa at nasugatan aq😦

    hi kuya dukz!

    • thank you kayedee.

      this is something we tend to forget minsan dahil sa pagmamadali.ok,basta alam kong naintindihan mo na yung ibig kong sabihin.

      hehehe!

  19. tayo lang duking…

    doon naman sa sugat…

    gagaling din yan…

    ang mahalaga…

    natuto ka…

  20. nanood ako ng wowowee kagabi
    sabi nung nabunot dun sa cash motto

    life is like riding a bike, for you to balance it keep on pedal(ling) or something like that.. naalala ko bigla ang post na ito.

    • napanood ko din yung wowowee.

      nabadtrip si willie kay jobert sucaldito.

      tinitira daw kasi sya.

      wawa naman.tinira ni jobert sucaldito.

      chakit nun!aww!

  21. Tama ka Kuya Doodle. Hindi minamadali ang lahat. Nakaka-inlab. Hay, sigue babagalan ko na ang pag-bike baka sakaling nadaanan ko na pala yung kangitian ko. Naalala ko tuloy yung poem na sinulat ko mga 10 years ago. Hahalungkatin ko nga sa baul.

    Magandang araw Kuya Doodle!

  22. syempre ayus na naman ang post. hehehe..

    huwag kasing magmadali, minsan sa kamamadali nga natin doon tayu may posibilidad na madapa, mabunggo, masugatan. Hinay hinay ang lahat para maganda at maayus ang resulta.πŸ™‚

    • salamat len sa paaaala.i got my share of falling down and getting up.

      ang pinakamahalaga,natututo tayo mula sa mga experience na ganito.then we’ll learn when to slow down and push hard on going through life.

      bakit ka nagtakip ng mukha sa avatar?sino pinagtataguan mo?

      hahaha!!!

  23. sino nga namang nageenjoy sa isang mabilisang joyride sakay ng bisikleta. sayang at nalampasan mo yung kapitbahay mong tumatawag sayo na sana’y magbabayad ng utang, sayang at sa bilis ng takbo ay hindi mo matititigan nang husto ang ngiti ng magandang tindera ng tinapay sa kantong madalas mong daanan.

    “ang nagbibisikleta ng matulin, natatae’t pawisin.”

    pakiss nga duks!

  24. (speechless) haha.
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    ok na nakarecover na! astig na naman, napakamalinghaga ng mga pangungusap! ang daming ibig sabihin..

    eto pinaka gusto ko

    nagbabakasakaling kung mauuna ako,baka ngumiti sa akin ang kapalaran at maisipan niyang sa akin na lang umangkas pwede nga naman yon, minsan kasi nadadaan ang ibang bagay sa pag agap, daig ng maagap ang masipag =) naalala ko lang literal ang pag ba bike ko nung bata pa ako, lahit nakakapagod at sobrang init sige lang pidal padin.. makasabay lang sa mga kaibigan o kaya naman minsan maunahan man lang sila sa pupuntahan.. naisip ko nga tuloy ganun pala talaga ang buhay, mahirap, mabato, minsan bako bako.. pero pag nagsikap talaga at naging determinado tayo kahit anong klase pa ang pinag daanan, pag nasilayan na ang minimithi walang kasing sarap.. bale wala ang lahat ng pagod at sakripisyo..

    yun yuuuuuun eh!

    ** halos karamihan sa nag aral magbike bago matuto naranasan talagang magalusan no..?, pero ok lang naman parte talaga yun! kaya sige lang!

    yun unnnn duks!!! astig ng entry!

    • tol bon,nahihirapan akong mag comment back sa comment mo eh.

      tingin ko kase binobola mo ko.hahaha!!!

      salamat ng marami,bro.nawa’y nakakabawas ako ng lungkot at bagot na paminsan minsan mong nararamdaman.

      at,oo!!!tuloy pa rin ang business kong underwear at ikaw pa rin ang kukunin kong model.lalupa’t nanalo ang inendorso mong kandidato.yehey!

  25. hay naku… namiss ko tulog bike ko.. kaw kasi master duking…

    naku naman… pwede angkas?

    jejeje… isa namang mahiwagang entry ni masterr duking…

    • unti unti nang nacho-choke yung mga ideas ko,miss broken.kaya habang may oras pa….tara na,byahe tayo!

      kumapit ka lang.

      magandang araw!

  26. hindi mo ba nakakasabay si Cute (Lambing) dyan sa pagba-bike mo? abala naman siya ngayon sa padya-jogging hehehe

    hmmmm dapat talaga dahan-dahan para smooth sailing ang viaje.

    mabuhay!

    • dinalaw ko si lambing.busy yata kaka-jogging.

      alikabok na lang ang bakas na iniwan nya.narinig ko pang nag ‘beep-beep’ mala-road runner.hehehe!

      magandang araw hoshi!

  27. ako din, nakakahiya mang sabihin, hindi rin marunong mag-bike kagaya ng isa jan :P… wag kayu maingay ah… sikret lang natin!

    slow and steady lang duking! haste makes waste.. and time is gold.. ikaw na bahala humukay kung ano koneksyon..hehe

    como estas, duking?

    • sakto lang,md.hehehe.

      hindi ka rin pala marunong.mahilig akong mag bike dati.yun yung foundation ko kaya naglakas loob akong mag drive ng motor.

      i just remind myself na ‘fancy and fast ends in fatal crash’ para makaiwas sa self inflicted na aksidente.

      • wah, yan din ang frustration ko! ang mag-motor… para kasing ang astig mo tignan kapag nagmomotor ka kapag umuulan! yung tubig nahahati kapag dadaan ka.hehe
        and i’m glad we got off to tell you the truth… yun ang sunod na linya niyan eh..hehe
        sumunod sa traffic signs, yun lang ang payo ko.. at turuan niyo nga rin ako para makarelate ako.hehe

  28. Magandang gabi Duking!πŸ˜‰

  29. hmmmm. wow.
    ang galeeeeeeng ng drawing. gumagalaw.
    nakamamangha.
    haha.

    haaay.
    sorry. hindi ako maka-relate.
    hindi ako marunong mag-bike. HAHAHA.
    pero seriously, minsan ako rin, nakakalimutan kong icherish ang kung anuman kasi hindi ko napapansin or nagmamadali ako. kaya as much as possible ngayon, i try to cherish every moment, to value every opportunity and to live fully. HAHA. naks.πŸ˜€

    • animus,ka roger…magandang araw mga sir!

      a-add ko kayo sa blogroll ko.para naman maka pag blog jump ako nang hindi na patawid tawid.

      maraming salamat!

  30. good pm, padaan lang.. na platan bike ko, patambay muna.. hehehe

  31. Semplang na naman… pero wag ka itatayo na naman ang bike para ipagpatuloy ang pagpidal. KAhit ilang beses ang pag semplang, ilang beses mabako, habulin man yan ng aso, tuloy pa rin makarating lang sa paroroonan.

    Ingat ingat lang sa pagpidal, parte lang ng pagbabike ang mabako at mabato pero maganda parin ang paligid. Astig duking.

    • salamat,teetoinks.

      wala na rin akong magandang masasabi pa sa mga comment nyo.i think we all realized na masaya yung paghihinay minsan.we get to appreciate things na dating hindi natin masyadong napapansin.

      magandang araw!

  32. wow, galing naman, hehe, ngaun lang ulit ako nakadaan d2!kakamiss, hehe,

    pangarap kong matutong magbike!hehe, paangkas muna po manong duking!

  33. mas masayang magbike ng may kasama Mr. duking, mas exciting! minsan mas malayo nararating mo dalhin di ka natatakot dahil may kasama ka naman, at kung sakaling maplatan k ng gulong pwede kang umangkas sa kasama mo… πŸ˜€

    • hi jowyow!!!

      dami naman laging kasabay eh.yun nga lang…kala nila karera minsan ang pagba bike.nag uunahan at nakakalimutang tumulong sa sumesemplang.

      hehehe!!!

      magandang araw,jowyow!!!

      asan ka dun?

  34. Kuya.. namiss na kita..
    siguro naman napanaginipan mong kiss kita (sa noo yun!!=),

    hindi ako magaling mag bike., semplang talaga lagi, pero pipilitin ko pa ring makarating..

  35. hanepakshit. ito ito ito ang ikalawa sa mga poste mong nagustuhan ko. nakakaiyak. lololol. oh memories…

    naalala ko noong perstaym ko magbike, sinakyan ko agad eh mountain bike. mayabang ako eh. ayun niguguide ako ni kuya. tapos bigla niya ako nibitawan ng di ko napapansin. nung nalaman kong wala ng humahawak sa likod eh ayun bigla ako natumba nasemplang nagalusan. pero apter naman nun oks na oks na ako eh.

    marunong na ako magbike. hakhak.

    at hayun ilang beses ng natilapun dahil sa kabilisan ng pagbababike.

    kaya naman hindi ko ipagpapalit ang bike sa motor. astig ang motor pero bike pa rin ang dabest dahil environment friendly. hakhak

    natuwa talaga ako sa posteng to.

    baku baku liko liko hindi kaya paakyat ka naman ng baguio niyan… hakhak…

    may pinag-iipunan akong bike eh… yung japanese bike. hakhak.

    • anu yung japanese bike?

      bike ba yun ng shogun?may samurai sa likuran?may shuriken sa manubela?may ninjang nakasakay?

      glad na marunong kang mag bike eloiski…napaka enviroment friendly mo pala.s’ya…huwag kang gagamit ng cologne at hairspray.

      may cfc sila.colorfulcolors.

      teka…mali yata yung meaning ng cfc ko?!

      whahaha!!!

  36. aww. naalala ko yung blog post ko dati tungkol sa pagbibisikleta. ilang beses rin akong nahulog at pinagtawanan ng mga pinsan ko. ang takot ng mga kapatid kong lalaki habang ang kulit kulit kong nagpaikot-ikot sa patio. basta, kapag nakakakita ako ng bike, ang dami kong naaalala.

    irerepost ko nga yung blog ko tungkol dyan. hehe.πŸ™‚ namiss ko ang pagbasa ng mga blog mo Kuya Duking!

  37. gandang araw kuya dukzπŸ™‚
    la la la la la… ingtzzπŸ™‚

  38. asan si kuya duking? asan si ate greenbellpepper?

    • andito lang kami sa me luneta, jason. eto sunog na ko. kanina ka pa namin inaantay ah. si duking bumili ng samalamig. di ko na makilala pag balik eh natusta na din sa init.

      asan ka na kasi????? di ba magba-bike tayo? binyahe pa ni duking yung side car nya mula outer space ah.. hehe

      • hala nandito na ko sorry naman nakatambay po kasi ako sa plurk kanina..

        d2 na me…

        kuya duking akin na yung isang sago dalawa hawak mo eh..

        ate bell pepper game na po turuan mo na ko.. teka baket nasa outerspace pa!!

        wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

  39. duks! san ko ba pwede igarahe ‘tong pedicab ko?

    matumal pasahero e..

  40. nag iisip ako ng bagong blogpost.

    pansamantala,paki check nyo muna yung niluluto ko sa gawing itaas bandang kanan.

    pakibantayan at baka masunog.

    whahaha!!!!

    salamat sa mga comments…

  41. –it’s not just the destination, it’s the JOURNEY.

    teka lang nakita mo na ba yong kaparehas ng sapatos? parang suot nong nakabike yong chucks KO na green…

    kung meron akong isang wish, sana nga naging babae ka na lang duking! hahaha. galing mo parekoy!

  42. Skateboard na nga lang gamit ko hinarang pa ‘ko ni J.Kulisap, mag-tour of Luzon kaya tayo lahat nakabisikleta hehe.. Kung ang guhit lang ang titingnan hindi mo agad malalaman na ganun kalalim ang prinsipyo sa likod neto. Nice one duke!

    @jason
    si Bons nasa km.0 inaasar yung guard

    @bert
    looban nga mang berts!

    @eloiski
    hihiramin ko yan pag nagawi akong baguio!

    @greenbellpepper
    san ka nakabili ng samalamig? Niligaw ako ni vajj eh..

  43. gandang araw! biruin mo naunahan ka pa ni lambing. partida naka-bike ka na noon a. ako di na aasa na makakasabay ninyo. palakad-lakad lang ako e. hahaha

  44. hey, bakit ang karamihan sa bloggers ay nagko-comment pero kalimot na mag-like? napansin ko lang po. “]

    bibihira akong makabasa ng masaya-saya mong posts. karamihan ay saksakan nga ng ganda pero, hwag ka, ang lungkot – parang indie films lang, hi, hi… D

    dahil dyan, ang susunod kong topic ay tungkol sa ngiti. basahin mo. pambihira, nakabasa ka lang ng malungkot na post sa bandang amin, nag-disappearing act ka na naman, pareng duking.

    ang title talaga noon ay ang hirap mag-move on. pero siyempre, kailangan dramatic ang title para may impact, haha… sipain kita dyan kung sa ‘yo nag-impact ng todo, hahaha.

    o, sya, regards, duking. πŸ˜€

    • Hindi po sa hindi nglalike. Wala p pong “like” feature dati. This post was done almost a year ago. Else, sa dami ng fans ni duking eh cgurado me mg la like sa mgamasterpieces nya..Including me syempre:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s