‘those raindrops are fallin’ on my head, they keep fallin…’


humuni ang maya ng pamama-alam sa mayo.

‘anung gagawin mo,maya…ngayong iiwan mo na ang mayo?’ tanong ng batang may lungkot sa tinig.

‘babalik ako sa lugar na pinupuntahan namin.hindi para sa akin ang tag-ulan….ikaw,ngayong wala na ang mayo,anung gagawin mo?’ huni ng maya.

‘hindi ako nakalilipad na gaya mo…pero kaya kong salubungin ang tag-ulan ng masaya..maiiwan lang ako dito kasama ang ala-ala ng mayo.’ tugon ng bata.

‘kung gayon,paalam na’ at tuluyang lumipad ang maya palayo sa mayo at sa bata.ito na ang hudyat ng pagtatapos ng tag-araw para sa maya.hudyat din ng pagtatapos ng masayang bakasyon para sa bata.

‘paalam,maya.pangako…hihintayin kitang muli sa mayo!’ kaway at pamama-alam ng bata sa maya.

nagdilim ang langit at nagbanta ang ulan bilang hudyat na dumating na ang hunyo.nagkumahog ang karamihan sa paglalabas ng kanilang mga kapote at payong upang iwasang mabasa ng ulan.

nagsimulang humakbang ang bata.hindi para sumilong sa kung saan kundi para bagtasin ang kalsadang nagsisimula nang harutin ng mga patak ng ulan…

142 responses to “‘those raindrops are fallin’ on my head, they keep fallin…’

  1. hindi muna seryoso:
    1. baka mahilo yung bata
    2. kung may maya at mayo, meron din bang hunya at hunyo, kasi may Julio at Julia yung Kambal ng Tadhana
    3. baka magkasipon ang bata, unang ulan iyon

    seryoso:
    sa bawat doodle mo palagi mong naka-capture ang puso at isipan ko (namin)
    waiting for the rain is quite a long time, it’s a blessing, it’s a fresh start and it promises new hope, homecoming and meeting again.

    mabuhay ka!

    • hindi muna seryoso:

      ‘mabuhay ka!’

      teka…hindi ako ang patay na si lazaruz…huwag mo kong utusang mabuhay,pong.whahaha!!!

      seryoso:

      hindi talaga ako si lazaruz…promise!

      seryosong seryoso na parang si richard reynoso:

      salamat,pong.

  2. hindi muna seryoso:

    nakangisi….

    seryoso:

    nakakahawa ang format ng koment ni pongpong.

    magkahalo:

    Sabik na ako sa tag-ulan. Sabik na akong gamitin ang bago kong payong na ‘dora the explorer’. Natuwa ako sa konsepto, pinaglihi ba si maya sa mayo? At mukhang tumakas na naman sa trabaho nya sa ToyKingdom ang batang dudel mo…haha
    …ok ‘tong bagong post mo boss! sapok!

  3. tama si pong. nahihilo ako para sa bata.

    kaakibat ng pagpatak ng ulan ay ang pagdudulot nito kasiyahan… sa nauuhaw na lupa, sa nalalantang halaman at sa natitigang na nilalang. ehem.

    basta, dapat natin iwelcome ang ulan o bagyo sa ating buhay dahil palaging may bahaghari pagkatapos nito.

    • tatlo na tayong nahihilo.dapat pala nilagyan ko ng pahinga.hehehe!

      salamat sa napakagandang comment kurahcha.sana laging maganda ang comment mo at hindi katulad ng kay vaj.hahaha!

      • walang kwenta ang comment ko. parang hindi pinagisipan. may kelangan bang isipin? susme. natatanga na anamn ako.

        yaan mo, di ko style ang panlalait ni vaj.

      • walang subtance o meron man ang comment,lagi ko pa ring sasabihing maganda para mawili ka.

        hindi ko lang talaga pwedeng kumbinsihin ang utak ko na purihin ang mga comment ni vaj.ayun…tumirada na naman ang lapastangan!

  4. ang ganda naman nito… malalim.. teka try ko languyin ha.. pag malulunod na ko, sagipin mo ko, duking, ha?

    isang pamamaalam ng bata at ng ibong maya sa mainit na tag-araw ng Mayo.. parehong malungkot yung bata at yung ibon siguro pareho silang naging masaya sa tag-araw na yun. pero no choice kasi sadyang darating ang tag-ulan. pasukan na nung bata at yung ibon, hindi maka-stay kasi maulan.

    nakakalungkot naman. may aalis, may maiiwan. sana sa susunod may darating at may babalikan para masaya na pareho yung bata at yung ibon. kung hindi man, sana makahanap ng kasayahan yung ibon at yung bata, baka sakali maenjoy nya din ang tag-ulan… walang definite sa mundong ito. hindi din natin alam ang bukas. basta sana maging masaya yung bata at yung ibon. because they both deserve happiness..

    galeng naman. ayan hindi ako nalunod. me salbabida kasi akong suot eh. built-in. wahaha.

    magandang gabi sa yo, kuya dukingπŸ˜€

  5. Haring “du”!

    Nyahahah. Ayos! pati pamamaalam ng Mayo, parang me laman din. Hehehe.

    Kaya nga di ko matitingan ng matal yung batang idol si Ninoy kasi nakakahilo. hehehe…

    Pero minsan, masarap ding magpapaikot-ikot kahit na alam mong mahihilo ka. Hindi mo man alam kung saang parte ng mundo ka babagsak, at least alam mo kung bakit ka nahilo. Yun ay dahil nagpaikot-ikot ka.. nyhahahaha..

    Konek? wala. gusto ko lang pu…. wan, tu, tri, por, payb, siks… pumampito ang koment ko. bibihira ito.. nyhahahah!

    Ingat lage at GOdbless!

    P.S. nyhahaha. kala mo nakalimutan ko.. IDOL sa GIF haring “du”! idol! heheheπŸ˜‰

    • hello ChevyBok..

      base ako sa koment mo.. blehhh!!..

      welkambak pare.., sabay kiss na may halo yatang mainit init na laway.. eew!!..

      namiss ka nila.. at ako rin.. ayiihh!!

      • walang laman yan chevy.nakita ko lang na bumubulusok yung stats ko at napilitan akong gumawa ng nakakahilong doodles para naman may mga comments akong bagong pag kaka abalahang sagutin.hahaha!!!

        walang sense.buti pa comment mo,meron.

      • inggit ako dun sa wet kiss.ahaha!!!

      • @ Lee Mi Bok, ayus yun ah, maar palang bumase sa koment.. Magaya nga, nyhahaha. Adik lang din parang si Yin. hehehe. Namiss ko rin sila/ito/ang GIF/siempre at ikaw! naks!

        @ Haring “Du”, ganun ba yun. Dibale IDOL parin naman pagdating sa GIF. hehehe

  6. magandang umaga sa’yo Kuya Duks,

    tinamaan ako ng magaling!..

    may sariling wika ang maya, mayo at ang bata..
    kasabay ng ritmo ng pagpatak ng ulan.. umaayon din ang panahon sa ating pangangailangan..,
    magpapaalam sandali ang araw ngunit hindi aalis ang liwanag kahit sa tag-ulan..
    babahain ang bahaging mababaw.. ngunit lulubog sa putik at basura ang mga di nagpagaan ng sariling looban..
    lalabas ang mga ipis at daga at magkakasakit ang mga di naglinis ng imburnal
    at magsasaya ang batang inosente pa rin sa duming kumalat na sa kalikasan..
    -makaligtas kaya ang maya sa tag-ulan?

    aww,.. duguan na naman ang utak ko sa poste mo Kuya

    • its nice when you look at things na dala nang tag ulan.while i see it something na masaya,you see it as a warning para sa mga hindi naghanda para dito.

      you see beyond the things i see.ang galing mo talaga mag analyze,lee mi.i will stay in the promise na hatid ng tagulan.

      in any case,parehas tayong mababasa.sana marami ka ring dalang balabal na galing sa masayang tag araw.

  7. ay.. biglang nagbalikan ang mga memories ko nung bata at pag matatapos na ang summer, sabi pa nila ang unang patak ng ulan sa buwan ng mayo ay gamot.. hindi ko alam how and why hehe.

    pero basta tagulan na nga kasabay nyan ang balik eskwela na.. sarap maging bata, sarap ng buhay talagang may season lang hindi tayo nauubusan ng kinasasabikan, matapos man isa may bago tayonh hihintayin at aasahan…

    nasakalagitanan na tayo ng taon! woooooo!! malapit na din akong umuweeeeeeee! haha

    • oo tol bon.tama ka sa lahat ng sinabi mo.seasons changes pero lahat sila,nasa supervision ng panahong tuloy tuloy na umuusad.

      aabanagan ko ang pag uwi mo.baka sakaling maambunan ako ng pasalubong.hahaha!

  8. Paunang panlalait dahil alam kong hindi ako marunong magdrawing:

    1. Bansot ang poste. halos maabot na ng ulo ng bata.

    2. Kakaiba talaga ang fashion sense ng bata. Yellow, blue, green. Parang color wheel.

    3. Sana matumba sya kakaikot.

    4. Tangang bata yan, nakitang basa ang sahig takbo ng takbo.

    Sige na ako na hindi marunong mag drawing. Haha. Teka, maulan na ba? Mainit paren eh.

    • ahahahahahaha. hahahahhahaha. hahahahahhaha. walagnya ka, vajee!!!

    • tawa ako ng tawa dito sa koment mo kuya vaj!

      • @pong…huwag ka ngang tumawa jan.mawiwili yan si vaj eh.lalagasin ko yang ipin mo eh!

        oo,seryoso ko!kakasa ka?!hah?

      • @kuya duks
        sori na po,

        @ms. kuhrach
        bakit pwede kang tumawa ako hindi?
        may namamagitan ba sa inyo ni kuya duking?

      • ganun talaga pong. may special treatment. magpalit ka ng pangalan. gawin mong kuhracha. tingnan mo. hahaha.

        hello, duking! =)

      • walang kinalaman sa pangalan,pong at walang namamagitan sa amin ni kurahcha.nagkataon lang na nalulusaw agad ang galit at hinanakit sa loob ko kapag nakakakita ng babaeng naka bra lang.

        at oo pong…hindi magbabago ang respeto ko sa’yo kung ganun din ang gagawin mong suot sa gravatar mo.huwag ka nga lang papakita sa akin.hahaha!!!

      • ahahaha. yun pala yun! di pa rin ako nagsasaplot.

      • @kuya duking flower ang gravatar ni ms. kuhrach sige minsan pag-isipan ko ang suggestion mo

        wahhhhhhhhhhhhh

        @ms. kuhrach
        wag naman

      • pong,alam ko naman na galing ka na rin dun sa bahay ni kurahcha kaya alam mo na yung tinutukoy ko.nakita ko rin yung bakas ng pawis mo dun sa may sofa.pinagpawisan ka marahil ng butil butil.hahaha!

        @kurahcha…ipagpatawad mo pero hindi ako magbabago ng damdamin ko para sa mga babaing bahagya lang manamit.hahaha!!!

      • ahahaha. direchahan talaga. walang problema, duking. pag nagpalit ako ng pichur, hayaan mo, hindi ikaw ang dahilan. =)

    • tama ako kurahcha…nasasanay na si vaj babuyin ang blog ko.hahaha!

      umuulan na vaj.asang lupalop ka ba at hindi mo napapansin?

      isa lang ang masasabi nung bata pagtapos nyang magpaikot-ikot at maupo habang nagsusuka sa hilo:

      ‘kritiks…bwisit!’

      • kaya nga ako tawa ng tawa. alam mo na beforehand ang reaksyon ni vajek. hahaha. yaan na, di na cia si vajarl pag bumait cia. di ba…

      • in fairness ah observant si vaj sa drawing mo, duking. pati yung height ng poste at ng bata napansin nya..hehe

        hi, vaj.. musta na?πŸ™‚

      • @ addicted: huwag mo pansinin si vaj,kagalit natin yan.hahaha!

      • si vaj ay bad.

        bad si vaj.

        paanu na lang kung wala si vaj?puro na naman ang ganda,ang galing,ang husay,panalo at kung anu anong papuri matatanggap ko.si vaj,lagi kong hahanap hanapin si vaj….kumbaga kasi sa party…lahat ng bisita may dalang regalo,si vaj naman nagdala ng karayom at isa isang tinutusok ang mga lobo sa party.

        vaj…isa kang inspirasyon sa akin.salamat.

        hahaha!

  9. pinakagusto ko ang panahon ng tag-ulan, noong bata ako walang ulan na lumipas na hindi ako naglaro at naligo kasama ng mga kababatang mangyan, haha.

    isa na namang napakagandang paglalarawan ng nakaraang karanasan ng pagiging bata. sana nanatiling bata na lang tayo, ang saya ng buhay bata, puro laro at hindi kumplikado ang bawat minuto sa buong araw.

    PANALO na naman ang Oh my doodles mo duking. teka, asan ang green na chucks?? haha.

    • nabasa ko na yung sapatos bro.hahaha!

      ang sarap pa ring maligo sa ulan paminsan minsan.’di ko maiwasan specially kapag naka motor ako at inabot na ng ulan sa daan.hehehe!

  10. Maya, pamilyar na ibon.
    Kung makikita mong muli bata ang maya, pakisabi ibalik ang puso ni Jakuli. Hiniram niya lamang ito pero nakalimutan ‘yatang ibalik.
    Ayan tuloy, habang naliligo sa ulan si J. Kulisap, umaagos din ang mga luha ng alaala.

    Kasalanan ni Duking

    • weh? seryoso kulisap?

    • hmm.

      at Maya ba ang pangalan ng huling nangbasted sa’yo Lo?

    • hindi nga jkul?

      tinuka rin ba ng maya ang puso mo?ah,siguro nga malayang kamalayan din ang lahat.ang sarap kasing pag masdan ng maya kapag aalis na.alam mo kasing mapupunta sya sa komportableng bahagi na hindi kayang abutin ng kulog at kidlat at walang humpay na bagyo ng tag ulan.

      mag abang tayo jkul.magdala ka ng tirador,ako naman eh kulungan.hahaha!

      • Cute ang mga maya pero kapag ganitong usapan, parang gusto kong sakalin ang maya. Wahahaha.

        malayang kamalayan na may sundot ng reyalidad pare.

        Tara, manirador tayo, tas ibenta natin sa mga bata ang maya

      • pre,kulayan muna natin bago natin ibenta.madaling mauto ang mata ng mga bata kapag natubog na sa kulay ang payak na kagandahan ng mga ibong maya.

        hindi kaya may maya talagang tumuka sa puso mo,pre?

        me halong paghihiganti yung tema mo eh.hahha!!

      • Oo, iba’t ibang kulay ang gamitin natin sa pagtubog. Kawawang mga ibong maya, mabuti kung gayon, at sana ang mayang ‘iyong matirador mo pare, isoli mo lang ‘yong puso ko.

  11. hmmm, gawain kung magpaikot-ikot hanggang sa matumba pag naliligo sa ulan..ngunit sa may damuhan ko ginagawa yon…haays! nakakamiss, naligo din naman ako sa ulan last week pero iba na ang dating kaysa nung dati.

    mas masarap ang tag-ulan sa puso ng bawat bata, may pamamaalam man ngunit ang pagkasabik sa bagong panahong darating ay di kayang supilin…

    ang puso ng bata ay kelanman di pwedeng ipagpalit, simpleng bagay pwedeng mapangiti..

    hello again, kapitan hook!

    • hi tinkerbell…

      out of the blue minsan,kapag nakikita kong sumisilong yung iba sa biglang buhos ng ulan,para maiba,para maging feeling na walang paki-alam,hindi ako sumisilong.

      ayun.absent ako sa trabaho kinabukasan.hehehe!

  12. Akala ko nung una yung mayo ay nagkamaling ispeling ng maya. Naguluhan tuloy ako hanggang sa binasa ko uli. O di ba ang tanga lang? Oh right, don’t state the obvious.πŸ˜†

  13. ang ulan ay maaring kalungkutan o bagong buhay.
    batas ng buhay di maaring tag-araw ang buong panahon, at tulad ni maya kailangang handa at alam kung anong dapat gawin pag tag-ulan.

    • oo…tulad ni maya,lalayo akong kasama ang masasayang ala-ala ng tag-araw.

      salamat,toni.

      vaj,ganito ang tamang format ng pagko-comment.may sense at may realization.hahaha!

  14. I’m singing in the rain
    Just singing in the rain
    What a glorious feelin’
    I’m happy again
    I’m laughing at clouds
    So dark up above
    The sun’s in my heart
    And I’m ready for love
    Let the stormy clouds chase
    Everyone from the place
    Come on with the rain
    I’ve a smile on my face
    I walk down the lane
    With a happy refrain
    Just singin’,
    Singin’ in the rain

    **ako gusto ko ang rainy seasons minus ang baha at landslides. sobrang enjoy sa akin ang naliligo at nakikipaglaro sa mga kapatid ko sa ilalim ng ulan.

    happy rainy season, duking!πŸ™‚

    • happy rainy season din manang…

      lahat tayo kailangan ‘to.sobrang init na kasi.sabi ko nga dun sa post ni pong tungkol sa tag-init,sa sobrang init…kahit yung ice cream,mabiling mabili na sa mga eskimo.

  15. inspirememore

    papunta na dito ang maya samin..malapit na ang summer dito..

    ang galing mo talaga..naaalala ko yun film na singin’ in the rain..sana pwede lagyan ng background music

    • kanya kanya na lang lagay,inspirememore.

      ako sana ang ilalapat kong background music jan eh…freebird ng lynyrd skynyrd.wala lang.gusto ko lang yung riff ng gitara dun.hehehe!

  16. hala kuya dukz patigilin mo na ung bata! wawa bka hilo na! eheheh..

    bkit sa pilipinas ang sarap pag umuulan, nkaka gaan ng feeling, eh bkit d2 pag umuulan nalulungkot ako?😦

    elow kuya dukz!

    • dalhin mo kase kami jan karen para laro tau jan pag umuulan..=)

    • kase kayedee….yung ulan dito,nagpapasariwa ng mga pangarap at pag-ibig.nagpapatibay ng pagkakaibigan para sa mga kasabay na naliligo’t nagtatampisaw sa nagbabahang kalsada.nag hihilom ng mga paso at paltos na dala ng tag-araw.

      yung ulan kasi jan,naghahatid ng kung anung hapdi sa mata kung kayat umaagos ang lahat ng ala-alang kinasasabikan mo.

      babalik ka rin naman dito…katulad ng maya.

      • @lee- kung pde lang eh dukutin ko na kayo through web! ahahah.

        @duking- gnun b un kuya dukz? oo nman bblik tlga ako!πŸ˜‰ nag pm aq sayo knina d u reply? ehehe

      • nag reply ako.invisible nga lang.pag nag pm ka ulit,pakisabi naman na ikaw si kayedee.add lang kasi ako ng add sa ym kahit iba iba pangalan nyong ginagamit.sorry!

  17. Wow! umuulan na pala janπŸ™‚ ayon kay Mike Enriquez may kinikilingan at pinoprotektahan daw ngayon ang kalikasan kc sa ibang parte daw ng Pinas umuulan at sa ibang parte naman mainitπŸ™‚

    Pinakagusto ko lahat ang umuulan may kakaibang dulot na kapapayaan ahahahahaπŸ™‚

    Hi Duking, musta?

    • @sphere

      kakaiba talaga si Mike Enriquez…

    • agree ako sau ate anne.. pakiramdam ko napaka peaceful ng puso ko pag tag-ulan..

      mana talaga ako sau..nakks!!

    • bilang taga pag balita,isang personal na opinyon lang yun ni mike enriquez.at least man lang sana hiningan nya ng pahayag ang kalikasan kung totoo ang kuro-kuro niya ukol sa kaganapan.tsk-tsk!

      oo nga anne.ang kumot na makapal,malamig na higaan,ang gusot na buhok sa unan,ang namamaybay na guhit ng pumapatak na tubig sa bintana,ang mahinhing amoy ng pabango.at ang boses na magsasabing ‘tulog pa tayo…huwag na muna tayong pumasok ngayon…’

      whaaaaa!ok…iba yung naging interpretation ko.jan na kayo.

      • Ahahahaha sobra ka tlga Duking kakaiba ka nga like ” tulog pa tyo…huwag na muna tayong pumasok ngayon…’πŸ™‚

  18. hmmmm pamamaalam sa mayo, ang huling buwan ng tag-init.

    ang mga nasa labas tuwing tag-init ay mananatiling nasa labas
    sapagkat sila ay sabik sa pag patak ng ulan
    at sa lamig na nagpapatikas

    di ko pa naranasang maligo sa ulan

    T_T

    • tol jason…bat ganun…hindi ka marunong mag bike,hindi ka naligo sa ulan?kumpleto ba ang kabataan mo?hahaha!!!

      teka men…hindi pa huli ang lahat.ang susunod na buhos,samantalahin mo na.hehehe!

      • wahahahaha talagang kelangan mo pa idamay ang bike!!!

        kompleto naman kabataan ko kase nakapag family computer ako at nintendo nes.
        T_T

        wala kasi akong kaibigan noon
        kaya di nalabas ng bahay

  19. hahaha, ang kulit nung bata oh?!?πŸ™‚

    naalala ko tuloy yung kabataan ko, kasi mahilig akong maligo sa ulan, kapag alam nanaming uulan, hindi muna kami maliligo kasi aabangan nga naming yung ulan, kahit sobrang lakas na para bang ginigiba ng hangin ang bubong ng bahay, ang mga puno na sobrang naglalaglagan na sa lakas ng hangin, sige parin, makikipag sabayan sa lakas ng ulan ang kulitan naming habang naliligo, at kahit magalit na nag magulang dahil sa katigasan ng ulo.. hahahah..

    so nakaka miss talaga, pwede pa namang maligo kaso sa idad ko now, nakakahiya na.. hahahah

    • simple lang ang solusyon jan,len.

      kapag uulan na,yung halata mong malakas,labas ka ng bahay.kunwari bibili ka ng shampoo sa tindahan,tapos aabutan ka ng ulan.sabihin mo sa tindera. ‘hmp,umulan pa…makaligo na nga rin…maliligo na rin naman ako eh.’

      solve.kakahiya kasing sumugod sa ulan tapos ang kasabay mo mga batang isa isang naglalabasan sa mga bahay nila para maligo.hekhek!

  20. awwwww… poignant and very beautiful.πŸ™‚

    eto na nga ang tagulan, at kahit na madalas malakas na pabugsubugso, tinatanggap ko pa rin siya ng buong puso…

    ang sarap sana maligo sa ulan!

    • hi miss kaye.

      simula na nga yata ng rainy season.hindi na kasing init katulad nung nakakaraang araw.ok na rin kase eto na rin naman yung kailangan ng agriculture sector natin.sana lang,yung normal rainy season lang muna.yung mapapangiti tayo at mapapayakap ng mahigpit sa unan.

      walang pangamba.walang takot.yun na lang muna sana.

      happy rainy season!

  21. buti pa jan tapos na ang tag-init…dito simula pa lang ng tag-init.
    tag-ulan na pero sana wag nang babaha.
    ang ganda nung graphic, kaw gumawa? ang galing.

    bumibisita lang.πŸ™‚

    • thanks for dropping by,aling baby.binisita ko rin yung blog n’yo.nakaka entertain yung way nyo nang pagsusulat.

      nagkataon na ako rin po yung gumawa nung image.

      salamat!

  22. hindi ko pa totally nababasa pero nakararamdam ako ng emo..

    btw, galing mo talaga mag gif the best!

    ang maya sa mayo?

    siguro mahirap ng lumipad pagdating tag ulan -hunyo.

  23. tag-ulan na naman.
    masaya kasi marami na naamng tubig.
    wag nga lang sobra sobra kasi baka marami na naamn mapipinsala.
    problema rin lalao na kapag pasukan.
    pero nakakakilig kapag sasabihin nilang walang pasok. hakhak

    pero gusto ko ang tag-ulan kasi ang sarap matulog.

    yung maya aalis na? magkaiba ngang talaga ang maya sa agila. hakhak!

    • ang kulit mo talaga eloiski.

      sa size palang magkaiba na sila.nag ma-migrate yung maya.yung agila teritorial sila.hakhak!

      bigla akong naging eksperto sa ibon.joke lang.alam ko ganun yan.

      pasukan na nga ulit.sarap ilusong sa baha ng bagong grosby shoes.ganun ang ginagawa ko dati.paki ko lang kung magkano yung grosby.hehehe!~

  24. i love it!

    this time sa whole story sobra. galing!

    mayo-maya uulan na bata

  25. pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay

    hindi maiwasang gumawa ng hindi inaasahang bagay

    wuhoo
    tag-ulan na naman
    ihanda na ang payong at bota

    ajah!

  26. Tapos na nga ang summer and hello rainy season na rin! Sarap magkape katabi ang mahal natin while sitting together on a comfortable and lazy couch!

  27. Taragis ka Dukingsters hindi ako mahilig mamutok ng lobo! Dito na ko nagreply kase hindi ko alam sasagutin ko sa taas atsaka mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Kurach.

    *bulong kay Kurach*

    mag ingat ka dyan kay duking, pinaglihi sa snatcher yan.

    *sipol*

  28. hmmm… tapos na nga ang mayo.. tag ulan na naman.. tuition na naman.. at sandamokal na gastos sa mga project…

    hello master duking… naligaw na naman ako…

    Peace!!!

  29. tag-ulan na..
    sa parte ng pilipinas kung nasan ako ngaun, araw-araw umuulan.. hindi ka dapat magtatanga-tanga na lalabas ng bahay na walang dalang payong.. dahil pihadong mababasa ka..
    hindi pa man sumisilip si hunyo nag-uulan na dito…eto na.. damang-dama na talaga ang lamig… lamig na mula sa tag-ulan..
    nakakalungkot…
    nakakadepress madalas ang ulan lalo kung alam mo talaga sa sarili mo na may kahungkagan sa iyong buhay…

  30. tambay muna ako…
    kainip…
    sana umulan…

  31. hmn… umuulan… tsk…

    ayoko ng ganitong panahon…

    nahihilo ako sa ginagawang pag ikot ng bata…

    ayokong tignan yung doodle, baka kase masuka ako sa lula…

    weird…

    paalam sa mayo…

    para makasama nang muli ang hunyo…

  32. nice short story.πŸ˜‰

    may kwento ka na rin ba para sa hunyo? and ikaw may gawa sa gif? galing!! will come back to see some of your posts soon.πŸ™‚

    see ya `round.

  33. cute naman…

    naaliw ako sa pag ikot nya sa pole… hehe

  34. naks…ayos

    saktong sakto ito kase nagsisimula nang umulan.

  35. Asan na ang KAMALAYANG MALAYA?

    Bilis at magsasabong pa ako.

    Hi Duks

  36. flattopsatcurlytops

    masarap salabungin ang tag-ulan.. ang ayoko lang eh pag may baha na.. nakakabiwset.. hahahahaha

  37. aww. pasukan na. mahirap para sa’king teacher at estudyante ang pagbabyahe. pero isa pa rin ito sa paborito kong panahon.

    masarap mabasa ng ulan. minsan, nakakainis kasi biglaan. minsan pa nga bumabagyo. pero madalas, nabibigyan ako nito ng pagkakataon pagisipan ang mga bagay na hindi ko naman naiisip sa ibang panahon.

  38. Dukingsters hinahanap ko paren doodle ko.

    *sipol*

  39. flattopsatcurlytops

    @greenbellpepper: opo, sobrang favorite ko po yan.. sadyang certified sweet tooth ako.. hehehehehehe

  40. pde po pa link ako sa blog mo?πŸ™‚ http://www.simplypetitay.blogspot.com pm mo ko pag ok ka kuya ha. link din po kita sa aking blog. i like ur post.πŸ™‚ bloghopping mode ako.πŸ™‚

  41. ako di ako sanay sa panahon na maulan, sumasakit bangs koπŸ˜† pero sa pusong tigang, kailangan na rin sigurong maulanan.

  42. kuya dukz musta?:)
    npanaginipan ko my bgo daw u post, babaeng lumalangoy tpos ang linis linis ng tubig kulay light blue,bale ung drawing u eh nkikita ung ilalim ng tubig. kung mrunong lng me magdrawing ipapakita ko sayo my exact dreamπŸ™‚ ehehe.. kya paggcng q kinuha q agd cp q para ichek kung my post u bago!ahahaha.

    nga pla sori nlimutan q sbhn n aq c kayedee nung nag pm aq! sowe namn! ahahah

  43. hmn… di ko alam iku-comment ko dito. LOL

    Magandang araw Duke Pare!

  44. Galing pa rin… Iba ka talaga Duking! Painom ka na!
    nyahahahaha!!!

  45. Magandang umaga kuya duking!

  46. Kuya Duking.. kamusta ka na?

    mejo tagal ko ng dumadaan dito sa bahay mo wala pa ring tao.. pero nakabukas naman..

    ingat ka lagi kung asan ka man ha..

    miss lang kita..

  47. Makikiraan… Duke, ni-download ko na yung Pencil. Kaso kailangan pala talaga nung tablet…😦

    Magandang araw ‘tol!πŸ˜€

  48. Isunod na isalang si Duking! wala pa ring postπŸ™‚

    Morning!

  49. Asan ka Dukingsters?

  50. nag shutdown ang art dept ni kuya duking.. binaha siguro sa nakaraang tag ulan..

    kuya.. langoy langoy pa.. makakarating ka na dito..

    dami na nakakamiss sa’yo..πŸ˜‰

  51. bakit dto ayaw uli umulan? kaalinsangan sa gabi… haaay!

  52. Bumalik ako dito.. last year pa nung huli ko itong nabisita.. Tiningnan ko kung napagod na ba siya sa kakaikot niya.. Hindi pa rin pala.. hehe.. Makapangyarihan talaga ang kamay mo boss.. Idol..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s