Patak

Nilapitan niya ang Ford Everest. Inabangan niyang bumaba ang tinted na salamin ng bintana subalit bahagya lang ang iniwang bukas ng lalaking nagmamaneho nito na may kausap sa cellphone.

“Magandang umaga po…ah, Sir bawal po kasi ang cellphone…” Buong galang niyang bati sabay turo niya sa nakapaskil na babala sa gilid ng makinang nagka-karga ng gasolina.

Hindi siya pinansin ng lalaki sabay abot nito ng susi at kumpas sa kanyang kargahan ang sasakyan.

“Anu pong karga?” Tanong niya habang pilit inilalapit ang ulo sa gawi ng babahagyang nakabukas na salamin ng bintana. Ayaw niyang magkamali sa pandinig kaya niya ito ginawa.

“Premium, full tank” Asik ng driver sabay pagbabalik ng bibig nito sa cellphone.

Nakatutok ang mata niya sa nguso ng tangke ng sasakyan at sinisipat ang pagtaas ng kargang gasolina mula rito. Mahirap nang maapawan.

“Sakto mo na lang na One-Five!” Putol ng driver. Mabilis, lumagitik ang bitaw niya sa pagpiga ng handle. Tinuon niya ang paningin sa metro.

“Sir, Lumampas na po ng tatlong piso eh…sabi n’yo po kasi…”

“Anak naman ng…wala na nga akong barya! Tsk!” Sabay abot nito ng tatlong limang dadaaning papel. Kumapa sa bulsa sabay balik ulit sa kanya ng tingin.

“Wala talaga,eh! Sinabi ko naman sa’yong eksakto mo na lang ng One-Five.”

“Ang sabi n’yo po kasi nung una eh full tank…” Mahinahon niyang pangangatwiran.

“Mag-adapt ka. Kung gusto mong umasenso, mag-adapt ka! Nasaan na ba yung manager nyo? May diin at angas nitong tanong.

“Eh,wala pa po eh…”

“Anak naman ng…nagmamadali ako eh!” Sabay abot nito sa kanya ng bayad.

Napilitan siyang abutin muna ang inabot na pera subalit hinintay pa rin niyang dagdagan ito ng driver. Tumaas ang tinted na salamin sabay humarurot.

Napailing na lamang siya.

*******

“Papa, mamaya bili mo po ako ng krayola ha? Pudpod na po kasi yung ginagamit ko sa school eh.” Paglalambing sa kanya ng anak na nag-aaral sa kinder. Humalik ito sa kanyang pisngi at marahan niyang ibinaba sa pagkaka-karga. Bumalik ito sa maliit na mesa at ipinag patuloy ang pag-guhit.

“Inay, tuloy na po ako. May iniwan po akong beinte pesos para sa baon ni Budoy sa mesa.”

“Oh, kaaga pa ah? May natirang pagkain sa mesa…bakit hindi ka muna mag-almusal?” Tugon ng ina sa kanya.

“Hindi na po siguro. Busog pa naman ako saka binaon ko na rin yung dalawang piraso nung isda para mamaya sa tanghalian.Mahirap na ho ang mahuli sa trabaho lalo’t babago-bago pa lang ako dun.” Buong sigla niyang paliwanag.

Marahan niyang isinara ang pinto ng bahay na inuupahan saka binaybay ang eskinitang nagsisimula na muling yakapin ng sinag ng araw. Ilang linggo na rin niyang nilalakad ang halos limang bloke ng pasikot sikot na eskinita papunta sa gasolinahan sa highway na kanyang pinapasukan.

Ang daming naglalaro sa isip niya. Katulad ng ina ni Budoy na si Elsi. Yung mura nila noong pag-ibig. Yung matatayog nilang pangarap para sa isa’t-isa. Yung marurupok na pangako nung lumayo ang lahat ng pangarap na iyon. Kumbakit nga kasi parehas silang naging mapusok. Napa-iling siya lalo pa’t nabuhay na naman ang isyu ng RH Bill. Asan na kaya si Elsi. Parang elisi iyon na nagpapaikot-ikot sa isip niya. Nasaan na kaya si Elsi?

Naputol ang pag-iisip niya ng makita ang malaking billboard ng isang sikat na artista. Nakatakip ang kamay sa dibdib. Patalastas yun ng sikat na tatak ng pantalon. Siguro, pantalon lang ang gusto nilang ibenta kaya, ayun hinubaran na si babae ng pang itaas, sa isip-isip niya. Saka niya naalala yung malalaswang pelikula noon. Na halos mayroon ding ganoong kalalaking karatula sa pwesto ngayon ng billboard.Isang sipat pa ulit saka dagling tawid sa highway papunta sa katapat na gasolinahan.

Nadatnan niyang nagbabasa ng tabloid ang panggabing ka-relyebo. Naka buyangyang ang centerfold. Starlet na may bituin lang na takip ang maseselang bahagi ng katawan. Dagli nitong itinupi ang diyaryo sabay silid sa bulsa.

Maraming may kasalanan sa nangyari sa kanila ni Elsi. Damay pati media.

*******

“Boss, eh pauwi na po ako. ” Paalam niya sa manager ng gasolinahan.

“O, sige Jake. Heto ang pay envelope mo tas pumirma ka rito.” Magkasabay na abot at turo sa kanya ng maliit na sobre at pipirmahang papel.

Dagli niyang pinirmahan ang papel saka marahang lumakad habang binubuksan ang sobre upang bilangin ang laman. One thousand eight hundred forty. Ang inaasahan niya ay humigit kumulang sa Two-Five para sa mga araw na pinag trabaho. Napahinto siya at humarap ulit sa manager.

“Boss, parang kulang ho yata?”

“Patingin nga ako” Panalubong sila ng manager sabay dungaw sa papel na kalakip ng kabuuan ng sweldo niya sa sobre.

“Ah, hinde…ibinabawas sa atin yung short sa imbentaryo, Jake. Naipaliwanag naman sa’yo yan di ba? Katulad nung nangyari kanina, sabi nung cashier. Hindi dapat ganun. Piso, beinte singko, pati ako damay diyan!”

Napailing na lamang siya at ngumiti ng pilit saka nagpasalamat.

Pwede na. Magkano na kaya ang krayola, sa isip-isip niya?”

*******

Matapos magmano ng anak na si Budoy sa kanya at pagmamano niya sa ina, agad siyang nagbihis ng pantalon upang ayain ang anak na sa labasan upang bumili ng krayola. Masigla niyang inakay ang bata saka nag-paalam sa inang abala sa pagliligpit ng sinampay dahil sa biglang pagkulimlim.

“Inay, ibibili ko lang po si Budoy ng krayola sa labasan at saka miryenda para sa ating tatlo.” Paalam niya sa ina.

” Aba, eh magdala kayo ng payong at mukhang uulan.”

“Meron na po lola!” Maliksing tugon ng kanyang anak.

“O sige, at sumilong kayo kung lumakas! Nakuuu…pagka kayo nagkasakit…”

Nagsimulang pumatak ang marahang ambon habang nagsukob silang mag-ama sa payong. Manipis subalit lumaban ang sinag ng araw na naglalagos sa makapal na ulap. Parehas silang tumingala habang tila may hinahanap sa nag-aagaw agaw na kulay ng langit mula sa asul, kulimlim at kinang ng lumulusot na sinag ng araw.

“Papa, ‘di ba pag ganito, saka lumalabas yung rainbow? ” Mausisang tanong ng anak. Kitang kita niya ang ningning sa mata ng anak na pinasidhi ng repleksiyon ng liwanag ng araw mula sa salamin ng sasakyang nagdaraan.

“Minsan wala, minsan meron.’Di ko din alam anak,e. Baka ganun si Jesus sa ating lahat. Parang yung sa krayola mo ‘di ba? Ang hirap nang ipangkulay kapag napupudpod. Pero dahil love kita, kahit hindi lagi kapag gusto mo, pero kapag kaya ko naman ginagawan ko ng paraan.” Nakangiti niyang paliwanag sa anak.Ngumiti rin ito na parang naunawaan naman ang kanyang sinabi.

“Ayun tignan mo oh! May rainbow!” Itinuro niya ang magkakahalong kulay na nabuo sa basang kalsada. Sa pagkaka-alam niya, buhat iyon sa pumatak na gasolina mula sa nagdaraang sasakyan.

“Ay,oo nga! Bakit may rainbow dun, Papa?” Tanong ulit ng kanyang si Budoy.

“Hindi ko alam eh…” Yun ang isinagot niya dahil sa hindi siya sigurado sa teorya niya at isa pa, hindi rin niya alam kung paano sususugan ang paliwanag niya kung sakaling humirit ng isa pang bakit ang anak.

“Ang dami mo namang hindi alam,Papa!”

“Kaya nga anak dapat mag-aral ka para ikaw ang magpapaliwanag sa akin ng mga hindi natutunan ni Papa…” Sabay malambing niyang giik sa buhok ng anak.

“Tara na tawid tayo, Alisto ka ha?” Akay niya ang anak na hindi pa rin iniaalis ang pagkakatitig sa nakasabog na kulay sa basang kalsada.

******

“Hahaha! Oo, pare! Yun pa rin. Yung kahawig ni Marian Rivera dun sa club. Naku…maniwala ka…the best!” Masiglang masigla ang nagmamaneho ng bagong bagong Ford Everest habang patuloy na nakikipag-usap sa cellphone. Kasalukuyan niyang binabagtas ang kalsada patungo sa gasolinahan na kanyang pinakargahan kaninang umaga.

“Ah, Oo, umuwi ako ng maaga para makarami ako bago pa siyempre siya pagpasasaan sa Club…”

“Teka, kumpadre…nakita mo na ba ‘tong billboard sa kanto ng….”

KA-BLAG!

“AY! NASAGASAAN YUNG MAMA!!!”

“Ay, Diyos ko po…buti na lang naitulak pa palayo yung bata!”

“Tumawag kayo ng pulis..ambulansiya bilis”

“Hindi na yata humihinga, eh!”

“Teka pare…Putang Ina! Meron na namang tanga tangang nandamay pa! Leche naman talaga oh!”

Nanginginig ang batang si Budoy habang hinahaplos sa isang tabi ang sugatang tuhod buhat ng pagkakasubsob mula sa pagkakatulak ng ama. May yumuyugyog sa kanyang balikat subalit nakatuon ang titig niya sa sari-saring kulay na naroon sa kalsada na unti-unting ginagapangan ng sariwang dugo.Saka unti-unting nagdidilim ang lahat sa kanya…

“Papa…”

“Papa…”

*******

Maikling kwento bilang lahok sa patimpalak ni Sir Gas Dude na nagdiriwang ng ika-apat na taong selebrasyon ng kanyang Gasolinahan sa internet.

At dahil luma na ang kasabihang better late than never, eto ang bago. Kahit bopol, pwedeng humabol! Happy New Year sa lahat!

60 responses to “Patak

  1. sure win!!! ang ganda ng kwento! nakakaantig! walang mintis 🙂

  2. bakit lagi nalang may namamatay.. :-s

    • hahaha! technically…hahaha…naks sa technically, mas masidhi kasi yung emotion ng sakit na pwede mong ipahid sa kwento kapag may namamatay na karakter. saka ayon sa mga chinese, symbol yung death ng kapanganakan naman ng bagong buhay o pagsibol ng mga pagbabago.

      pero anu bang malay ko sa teknikal at chinese. gusto ko lang talaga yung may namamatay kesa nalulumpo lumpo lang o nagkaka pilay pilay. yun.hahaha!

      happy new year,rose!

  3. Thanks Bro. Pa-send naman ng details dun sa contest post.

  4. sinabi na kasing bawal magcellphone pag nagdridrive yan tuloy! hmp!

  5. bakit kapag mabait ang bida, nasasawi sa ending ;(

    huhuhu…

    ang galing ng story nyu po…na-move talaga me nang bonggang bongga!!!!

  6. nakuuuu..kasali ka na naman…hmmmm ahahaha

    goodluck sir duks!

  7. Bro, kulang pa ‘yung entry mo! I need the details of your entry, pakilagay naman sa comment dito: http://ow.ly/8dG2s. Bukas na ang deadline! Sana mabasa mo agad ‘to. Hehe!

  8. naku isa na naman sa mga matitinding mandirigma sa kalakhang blogosperyo ang sumali sa pakulo ni gasdud, sana, meron talagang mga consolation prizes hihi 🙂

    napadaan lang po, happy new year!

    • Thank you,sir McRICH saka congratulations po sa nakaraang PEBA blog awards for bagging the no.1 award sa OFW division.

      Happy new year din po! Karangalan ko pong maging panauhin kayo dito sa aking blog!

      • congrats din syo duking, numero uno sa ofw supporter division 🙂

        grabe hakot award ka ha, peba at sba, teka meron pa bang iba? kung meron pa, isa pang congrats!

  9. Hai, galing, nakaka pudpud ngilong kung basahin.

  10. hay isa na namang obra maestra ito. ipanalo mo ito gasoline dude. i beg you! kundi dadanak ang dugo (joke lang siempre)

    Mabuhay Duking and Happy New Year!

  11. ang galing mo tlgang gumawa ng kwento kuya duking..

    the best…

    Go for Gold ulit :))

  12. Ang tragic naman ng ending pero mahusay ang pgkkalahad ng kwento. No doubt panalo na naman tong entry mo. Ngayon p man, congratulations, duking!

    At teka madami ako nalimutan..

    Merry Christmas! Sana masaya ang pasko mo.
    Happy New Year! Nawa’y mas maging maganda ang taon na to sayo in terms of career, health at
    Lalong lalo na.. Lovelife!! Hehe..

    At isa pa.. Happy Birthday!! Alam ko January boy ka. Wish ko lang lhat ng the best para sayo cos you truly deserve them. Thanks for the friendship. I will forever treasure it:)

    • dahil like mo sya, feeling panalo na ako. salamat sa laging nakakaantig damdaming papuri sa bawat akda. salamat sa laging pagiging nariyan para sumubaybay kahit alam kong busy ka na lagi sa pagiging manang, at salamat, sa pagiging isang mabuting kaibigan sa kabila ng dagat na pagitan, peluche!

  13. naka ng! sumali na naman ang grandslam ng mga pakonteshit. hehe. ayos ‘to; the more, the many-ier! at isa na namang tulo-uhog na kwento mula kay lolo duks *cue mmk ost here* pinuyir, ser duks! \m/

    • happy new year, bro!

      hanggat walang registration fee at hanggat walang age bracket, sasali ako basta may free time na dumura ng kung anu-anong shit. hahaha!

      again, happy new year at more power sayong makulay na buhay pag-ibig!

  14. Congrats Duking at Happy New Year!!plus congrats ulit kasi nabasa ko ang iyong pangalan sa isang malaking pakontes.

    Ang daming aral sa iyong kwento. Bigla kong naalala noong nagsisimula pa akong magtrabaho noong 1977. Naka sobre ang sweldo, linguhan, halos 72 pesos lang ang aking natatanggap. Hayyy ayos lang at malayo ang narating ng aking unang pagsisikap sa trabaho.

    God Bless!

    • thanks sir. naranasan ko rin pong tumanggap ng allowance sa pay envelope nung nag O-OJT ako.indeed, well deserve po ang magandang kapalaran sa gaya ninyong nagsumikap at nagsakripisyo para sa anumang mas mabuting buhay at kalusugan na mayroon kayo ngayon.

      happy new year at isang mapagpalayang taon ng pagsusulat at pagbabahagi!

  15. Happy new year po Duking.. ang ganda ng blog na to.. astig.. 😉

  16. Sana next time happy ending na.

    Happy new year kapitan hook!

  17. bat ang sad ng ending duking 😦
    pero ang gnda ng kwento, sumasalamin sa buhay ng mga pangkaraniwang tao. makatotohanan.

  18. di ko pa binasa Duks at ang haba…natatae pa ako! pero ikaw na..ikaw na talaga ang kumakarir sa lahat ng pakontest,hihihihi!!

  19. really nice story…kaya lng bitin ako, what happened thereafter?

  20. Naasar ako, sino namang hindi Pero hindi lang sa mama, kundi pati na rin sa mga tao, at sa sarili ko na rin.

  21. Vhaket ngaun ko lang nabasa ito???? san ba ako naglalagi.. haitz… ikaw na Sir Duks.. ikaw na….. no comment….. ayokong magkomento… hahahaba lang itong komento ko sa iyo. Kaya ngayon palang kailangan ng lagyan ng tuldok…..

    (Teka sinong nanalo sa pakontest na ito… haitz..)

  22. panalo! Namputa yang mga nagseselpon kapag nagmamaneho eh pahamak sa buhay ng may buhay. May mauulila dahil sa kapabayaan nila. Tapos yung nasagasaan pa yung may kasalanan. Dapat maging responsably ang bawat isa.

    Happy valentine’s boss!

  23. haring “du”! hehehe.. ibang klase ka talaga kapag ikaw na nag nagsulat! “i…–” di na daw pala puwede yung word na yun, puwede crush na lang? hahaha. peace.

    akshuli nabasa ko na ito sa e-mail. ni copy-paste ko pa nga eh. oha! updated parin ako kala mo.. ingat ka lage!

    kailan ko rin kaya maabot ang bahag-hari ng buhay ko, hanggang gasolinahan na lang talaga ata ako.. =)

  24. After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. 🙂

  25. akala ko ako lang ang naghibernate sa blogging.. ikaw din pala Duking.. mustasa na? bakit walang bagong blogs??? hehe.. magpaliwanag ka!…

    hope you’re ok.. 🙂

  26. ngayon lang ako nagawi dito sa tambayan mo, adre.. walang dudang tinitingala ka rin ng karamihan dahil astig ang angas mo sa pagsulat.. mapa-sanaysay, mapa-maikling kwento.. sana minsan eh magkahuntahan tayo habang kaharap ang ilang serbesa tapos may katabing mga “kamukha ni marianne rivera”.. hehehe

  27. Update na idol! 😀

  28. wooooooooooooooooist

  29. wow! ang ganda. ang sarap sumulat ng kwentong may kabuluhan. maraming salamat at naging inspired ulit ako. magandang umaga!

  30. tara, magspirit of the glass tayo, baka sakaling magparamdam si pareng duking

  31. ngayon ko lang nabasa ito.. entry pala ito dun sa contest ni sir gasul noon…

    hmmm.. mahusay ang pagkakabuo sa story.. wala na akong ibang masabi… galing!!

  32. oh shet. ngayon ko lang ito nabasa nang buo. hindi ko maalala kung sino nanalo pero dito sa gawa mo ang boto ko hehe. ang tragic…

  33. Wow, nice one. Dec 2011 pa to? Tsk! Ngayon ko lang nabasa..

  34. haha nice story. Thumbs up!

  35. Shet binasa ko uli. Pwedeng gawing indie film…

  36. Nakakainis. Bat ba ko napadpad dito sa bahay mo? Ano bang goal mo, ang magpa-iyak ng tao? Nakakainis.

    Biro lang 🙂 Ang dami kong naramdaman. Parang sabay-sabay. Parang ayokong matapos pa yung story. Ang galing!

Mag-iwan ng tugon sa Nortehanon Pindutin ito para bawiin ang tugon.