forgetful lucy

gusto kong haplusin ang putla ng iyong pisngi
o ‘di kaya’y pisilin hanggang silayan ng pula
habang alam kong binabagtas ng iyong isip
ang lansangan ng walang hanggang pagtataka
na itinatago mo sa sulok ng iyong tipid na ngiti
kasama ng mga ala-alang araw-araw, nabubura.

gusto kong maniwalang kilala mo pa rin ako
kahit ipinag-kakaila ako ng uminog na panahon
na nagpasukal sa buhok at guhit ng balat sa mukha
at nagligaw sa kahapon nating mapapangarap
sa kung saang abenida ng munting mga tagumpay
o samut-saring iskinita ng kabigua’t lumbay.

gusto kong dugtungan pa ang bawat sandali
at baka sakaling mahanap ko ang tamang salita
na susukol sa palihim mong mga buntong-hininga
at agam-agam sa kapalaran kung bakit nga ba
kinailangan na landas natin ay muli pang magsanga
upang bilangin lang ang kayraming ‘dapat sana…’

gusto kong sundan ka sa ating muling paghihiwalay
at lakaran ring marahan ang palad mong binabaybay
subalit alam kong kailangan mo na ika’y mapag-isa
upang paghilumin ang nanariwang sugat sa gunita
na ang kirot ay pilit ikinubli sa sulok ng iyong labi
at daplis na sumugat sa pisngi kong ‘di nakaiwas…

41 responses to “forgetful lucy

  1. ako din base na nga lng din.:-)

    xD

  2. wow para mala-51st date lang sir Duking. Ouch! Pakiramdam ko’y si adam sandler ang tumutula.

  3. Makata k n nman jan, Duking! Hehe..
    Like ko din ung movie na yan🙂

  4. hmmm title pa lang 50 first dates na, pero naiisip ko din yung sa my amnesia girl.
    Wala lang. Yung isa kasi nakalimutan talaga tas yung isa kinakalimutan lang.

  5. “But I still love her so,
    And I’ll never let her go…

    Forgetful Lucy,
    Her lips are so damn juicy,
    How about another first kiss”

    kung bakit kailangan pang muling pagtagpuin ang dalawang tao para lamang gunitain ang nakaraan at bigyang daan ang katanungang “dapat sana..” hindi ko alam. siguro dahil life is a d*ck, sometimes it f*cks the hell out of us all.

    • kurt cobain, ikaw ba yan? haha!

      pero rose, kahit minsan ganyan kalupit yung tadhana para sa mga tao, may mga araw na gaya ng naipahayag ko na hindi mo ipagpapalit sa isang ordinaryong araw lang na…errr…ordinaryo? ibig kong sabihin, weighing everything in between sa isang chance, i’ll still give it a shot just to be there.
      whaaaa! ang gulo ko mag comment!

      • ser duks pahiram ulit ng linya😀

      • it’s not that we want to erase the memory of that certain day, yun lang e yung sana hindi na muling kamutin pa ang sugat na pahilom na, para lamang sugatin itong muli.

        wala rin akong ipagpapalit sa mga oras na nagdaan na, dahil in one way or another, i felt pure contentment and undeniable happiness. pero mahirap yung nakaka-usad ka na, tapos ayan nananaman. sabi nga ng isang kaibigan, sometimes it’s the best that’s worst.

        teka nga, bat ba ang bitter ng dating ng kumento ko? hahaha!

      • na digz ko na. kung wala na rin namang magandang magiging ending ang kwento ng dalawang tao na pinaghiwalay ng kahapon, mas mabuti na rin nga kayang hindi na sila pagtagpuin pang muli ngayon?

        minsan kasi, may mga bagay na kahit ipagdasal mo sa simbahan araw-araw, hindi mangyayari. meron namang ni sa hinagap mong matupad, bigla na lang parang ninja na gugulat sa’yo. parang destiny? oo ganun. ang natitirang tanong pagtapos nun, iiyakan mo pa ba ulit yung sugat kagaya nung unang beses mo siyang iniyakan? matatakot ka pa rin ba katulad nung takot nung una mo itong maramdaman? dami kong tanong. hindi naman ako matalinong bata.

    • Ms. Rainbow Box,

      Dito yata papasok ung mas mabuting sinubukan mo kaysa naman buong buhay mong pinapaikutan ka ng walang katapusang mga “what ifs”.

      “Because this is what people do. They leap and hope to God hey can fly. Because otherwise, we just drop like a rock, wondering the whole way down, ‘why in the hell did I jump?’ ” –HITCH

      naligaw na yata ako.

  6. Pagkabasa ko pa lang ng titulo ng post, naalala ko na agad ung eksena na kinakantahan ni adam sandler si drew barrymore.

  7. yung pangalawang estropa na lang sa akin… hehehe

  8. isa kang magaling na makata sir duking..

    realate na relate ang madami..🙂

    magandang araw po🙂

  9. Ang tulang ito ay inihandog ni Sir Duking sa babaeng minahal n’ya kahapon hahahaha. Sir Duks gusto ko yung bahagi na “upang bilangin ang kayrami pang dapat sana”. May diin at tapang, kung pinapahintulutan lamang ito ng mapusok na tadhana natityak kong magkasama kayo ngayong hinarap ang pagdaloy ng buhay.

    • sir joey,nung binubuo ko sa isip ko yung gusto kong takbuhin ng tula, iniisip ko yung pakiramdam ng mga taong madalas na magtagpo para lang maghiwalay ulit. yung tipong tila may forcefield na pumipigil sa isa’t isa para magkalapit pa lalo.

      ewan ko, minsan, gusto kong maramdaman ang lahat ng bagay na pwedeng maramdaman. salamat nga pala sa magandang puna. nakakatuwa dahil mas sanay kang gumawa ng tula,e.

  10. magpaparamdam na lang ako na binasa ko kase baka sabihin mo na naman na i am punching you again, albeit well-deserved ang punches kapag nagcomment pa ako.🙂

    • ahaha! salamat miss kaye. open pa rin ang comment ko anytime para sa points of view mo kahit pa mag flying kick ka o kaya naman haymaker punches. i’ll take it, lalo na dahil i see you as an example of a good person and a good friend.

      bring it on! haha!

  11. NO, Duking. This is a beautifully written poem. Indeed, you don’t have to be a master wordsmith to create lovely work like this. All you need is honesty. ^^

  12. oi nagbabalik ang nakilala kong duking… hehehe . isang blogger na may malalim na pagmamahal na kasing lalim ng galing niya sa paggawa ng kalokohan este tula.

    ang masasabi ko lang sa iyong mensahe mo sa iyong tula… mabuti at hindi mo sinundan… baka mapagkamalan kang stalker. wahehehe

    • whahaha! oo nga’t dami ko nang kalokohang pinag gagawa dito sa blog na ‘to pero pero pero malinis ‘to pati sa kusina.

      hindi ko talaga siya susundan. anupang silbi ng pagkain ko ng fried rice madalas? haha!

  13. dapat sana…….haaaay….buntong hininga….

  14. nice! sobrang lalim ng bawat words..damang dama ko talaga oh!!! .napadaan lang po at kumowmemt ma rin! ^_^

  15. nakadagdag sa aking kalungkutan ang iyong tula.

    pero ang galing lang.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s