kornik

Isang araw,habang bagot na bagot ako at walang ginagawa,naisipan ko na lang na pagurin ang bibig ko sa kangunguya sapagkat wala rin akong makausap ng matino.Pumunta ako sa malapit na tindahan upang bumili ng kornik. Eksakto,may dalawang piso akong nakapa sa aking bulsa.Dali-dali kong tinawid ang tindahan sa kabilang kalsada sa tapat ng bahay namin.Bumili ako ng dalawang supot ng kornik.Piso-isa,mga 25 piraso siguro ang laman ng isang supot.Bago pa ako tumawid pabalik,binuksan ko ang isa at tinaktak ang laman sa bibig ko.Tumawid ako habang nginunguya ang mga kornik.

Bubuksan ko na ang gate para pumasok ng may narinig akong sitsit sa likuran ko.

Psssst!Hoy!

Boses ng bata.Hindi ko pinansin.Tuloy ako sa pagbubukas ng gate.

Pssssst!Pengeng kornik!!!

Sino ba ang matakaw at pangahas na ‘to na gusto pa ng kornik?Nilingon ko ang tumatawag.Isang bata na pamilyar ang mukha pero ‘di ko kilala.

‘Lika,lumapit ka dito.’Utos ko sa kanya habang binubuksan na ang huling supot ng kornik na hawak ko.

‘Ilahad mo ang kamay mo at bibigyan kita’

‘Akin na lang yan lahat?’

‘Hindi pwede.Ilahad mo lang ang kamay mo!’Nakaramdam ako ng inis dahil sa kapangahasan niyang hingin ang natitirang kornik.

Lumapit at nilahad ng bata ang marumi niyang kamay sa harap ko.Unti-unti at maingat na tinaktak ko ang supot ng kornik sa kamay niya.Pa isa-isang pirasong nahulog ang butil ng kornik.

‘Tama na yan!’Binawi ko ang pagta-taktak ng kornik.

‘Sampung butil?’Tanong niya sa akin habang nakalahad pa rin ang kamay na may lamang sampung butil ng kornik.

‘Oo,hati tayo.’Tugon ko sabay talikod para tuluyang buksan ang trangkahan ng gate.Malinaw kong narinig nang nginuya niya ang kornik.’Di na ko lumingon.

Pssssst,hoy!

Boses naman ng matanda.Pucha,mukhang eto yung nabasa ko sa horoscope ko kanina sa peryodiko.Capricorn-susukatin ngayong araw ang iyong pagtitimpi.Maging maingat sa ikikilos at sasabihin sapagkat bawat gagawin ay may magiging bunga.Nilingon ko ang tumatawag.Nakaramdam ako ng takot sapagkat hindi ko kilala ang matandang mukhang ermitanyong tumawag sa akin.

‘Ano po?’Magalang kong tanong habang ‘di pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.

Unti-unting lumapit ang matanda.”Huwag kang lalapit!Huwag kang lalapit!!!”Sigaw ng utak ko.

‘Bibigyan kita ng sampung kahilingan dahil sa sampung butil ng kornik na ibinigay mo sa akin!’May kung anong kapangyarihan ang boses ng matanda na parang umaali-alingawngaw katulad ng napapanood ko sa mga pelikulang may mga ganitong eksena.Ganun pa man,may kung anong kapangyarihan ang boses nya na nagbalik ng hinahon sa takot na una kong naramdaman.

‘Talaga po?Kayo rin yung bata kanina na binigyan ko ng kornik?

May kung anong liwanag ang bumabalot sa matanda at talagang may echo
ang boses nya!

‘Oo,subalit kailangang lahat ng iyong hihilingin ay walang masamang idudulot sa iyong kapwa at lahat ng ito ay tutuparin ko ng sabay sabay kung mapapatunayan kong busilak ang puso mo ayon sa iyong mga kahilingan.’

‘Opo,mabuti po akong tao at kay tagal ko na ring hinihintay ang ganitong pagkakataon!’Tugon ko na may halong excitement sapagkat kombinsido akong totoo ang lahat ng nangyayari ngayon sa harapan ko.

‘Subalit hihilingin mo ang lahat sa loob ng isang minuto.Pagkatapos ng isang minuto,kailangan ay nakumpleto mo na ang sampung kahilingan mo at lahat ng iyon ay aking tutuparin kung iyon ay mabuti lahat ang intensiyon at walang halong kasakiman!’Dagdag ng kanyang makapangyarihang boses.

‘Papano po kung kulang?’

‘Hindi pwede…hindi matutupad.Sampung kahilingan sa isang minuto.Isang kahilingang masama ang intensiyon,hindi matutupad ang alin man sa sampu.Kung kulang sa sampu ay hindi rin matutupad!’

‘Pero napakabilis po yata ng isang minuto para sa sampung kahilingan?’

‘Kung sadyang dalisay ang puso mo,punong-puno ito ng mabubuting bagay na pwede mong hilingin!Simula na nang oras!Humiling ka na!’Makapangyarihang tinig nang pag uutos ang tono ng kanyang boses.Pinikit ko ang aking mga mata upang hugutin ang sampung kahilingan.

‘Pagalingin po ninyo ang lahat ng batang may sakit!’Unang kahilingan ko.

‘Bigyan nyo po ng sariling lupa ang mga magsasakang walang sariling lupa at paunlarin ang buhay ng mga manggagawang pinahihirapan ng mga kapitalista!’Pangalawa kong hiling.

‘Tumigil na sana ang lahat ng digmaan sa lahat ng dako ng mundo!’Pangatlo kong hiling.

‘Maging malaya ang mga nasa piitan dahil sa mga maling bintang!’Ika-apat na hiling ko.

‘Gawin ninyong matapat ang lahat ng pinuno sa buong mundo at gampanan nila ang kanilang tungkulin ng walang sariling interes!’Ika-limang hiling ko.

‘Wala ka pang hinihingi na para sa sarili mo…may tatlumpung segundo ka pa at limang natitirang kahilingan!’Singit ng ermitanyo sa makapangyarihang tinig.Nanatili akong nakapikit.

‘Gawin nyo akong mayaman na mayaman para marami akong matulungan!’Ika-anim.

‘Gusto kong magkaroon ng kapangyarihan na makalipad para makarating sa mga lugar na di ko pa napupuntahan!’ika-pito kong hiling.

‘Gusto ko ng talento sa pagsasayaw dahil hindi ako marunong magsayaw!’Ika-walo.

‘Nais kong makasama simula ngayon habang buhay ang babaeng pinakamamahal ko kahit hindi pa kami nagkikita!’Ika-siyam ko yung hiling.

‘Oo,kilala ko sya.Siya si…teka!Apat na segundo na lang ang nalalabi at isang kahilingan na lang…’Tugon at paalala ngย  makapangyarihang tinig ng matandang ermitanyo.

Nakapikit pa rin ako.Kulang apat na segundo at isang kahilingan o hindi matutupad ang alin man sa mga nauna kong hiniling.Kailangang pakinggan ko ang laman ng puso ko at iyon ang aking hihilingin…

ISUKA MO YUNG HININGI MONG KORNIK!!!

Dinilat ko ang mga mata ko.Wala na ang matanda at wala ni isa sa sampung kahilingan ko ang nagkatotoo.

Shit!Kaya mahirap mamigay ng higit sa tatlong butil ng kornik sa isip-isip ko habang papasok ng gate.

Badtrip!

Hango sa Lumang Tipan, este, sa sinauna kong blog, nakasulat sa bato.

56 responses to “kornik

  1. sayang yung 9 wishes.. dahil lang sa 10 kornik na isusuka ni ermitanyo… LOL

    anyway, moral lesson: kapag tumutulong gawing bukal sa loob…

    nice story..๐Ÿ™‚

    • hi Aj, inspired ang kwento na ito sa tagni tagning ala-ala naming magpipinsan.

      yung isa kong pinsan dati, kada mag aaway kami nung mga bata kami, wala siyang ginawa kundi utusan kaming lahat na isuka yung kinain namin nung birthday niya.

      tawa pa rin kami ng tawa kada pinag ku kwentuhan namin yun.

  2. hahaha. Pinahirapan ka pang mag-isip ng lahilingan di rin naman pala matutupad. Bakit hindi kasama sa kahilingan mo sir Duks ang maging Boldstar? hahaha

  3. ang daming wish.. syang di natupad… pero naging mapagbigay ka pa rin naman….๐Ÿ˜€

  4. as always, maganda at nakakatuwa ang kwento heheheh

  5. kitang kita kung bakit hindi natupad ang kahilingan,,, magalling ka talaga sa mga ganitong istilo ng istorya… natuwa ako dun sa hiling…

  6. Nakakatawa na merong onting moral story. LOL!

  7. bago lahat comment muna ako na di ako makapaniwala na pampito ang comment ko rito. hehehe

  8. naku kung ang kornik ang susi para makahiling din ako. mahihirapan mangyari ngayon yon…. di ako makakain ng kornik e. hahaha

    sa lahat ng hiling mo dun ako naniniwala sa huli. yun talaga ang nilalaman ng puso mo na hindi makunat. ;))

    • mahilig ako sa kornik, mani, beans, pop nuts at kahit anung kukukutin.

      lalong lalo na sa pagitan ng mahabang kwentuhan. tinatamad ako kapag puro kwento tapos walang nginunguya.hahaha! ang takaw ko.

  9. hehehe nabasa ko nato dati pa, pero masarap basahin ulit๐Ÿ™‚

    • buti na lang, nai save ko yung ilan bago tuluyang nag sara yung friendster. everytime na binabasa ko ulit yung mga dati kong sinulat, naaawa ako sa sarili ko. mukha lang tanga lagi yung mga naiisip kong kwento.

  10. sayang ang kahilingan, nangibabaw pa din sa huli ang karamutan hehehe

    mas lalo ka sana nahirapan sir duks kung buong supot mo ibinigay.. 25 kahilingan sa loob ng isang minuto..๐Ÿ™‚

    magandang araw po sa yo

  11. ahahahahha pre na miss ko n2 n mgbsa ng mga sinusulat mo lol nkakawala ng stress lol

  12. MORAL LESSON: Huwag mamigay kung kulang pa sa iyo.

  13. Ramdam na ramdam ko ang mga nakatalang kahilingan dito sir Duks. Ewan ko ba’t nakaramdam ako ng panghihinayang. Lalo na sa first 5 na hiling. Kung sakali mang meron nito, kakabisaduhin ko na ang sampung kahilingan ko. Paprakstisin kong mapagkasya sa isang minuto. (Pero dahil hindi ako nakikipag-usap sa mga estranghero, wala akong bibigyan ng kornik, walang kahilingan lol) Pero kung maiisipan ko mang magbigay, e OK na yung tatlong piraso para hindi pressure sa isang minuto. Ang husay naman ng kwentong ‘to ser Duks. Ganda ng Twist. Pwede to pang Short Film.

    • monik.kornik
      kornik, monik

      wow, rhymes!

      mag ready ka ng mga wishes, kailangan sampu tapos matutupad lahat yun kapag nasabi mo lahat bago mawala ang shooting star na makikita mo. napaka-imposible no?

      kornik, monik
      monik, kornik.

      xD~

  14. Pag kornik ang usapan naiisip ko dito eh ung boy bawang.. kasi bentesingko piraso ang laman.. umunti na

    Sayang ang kahilingan, bakit ba palaging sa huli nagkakaron ng palpak ung kung kelan malapit ka ng makaraos..๐Ÿ™‚

    Isang magandang araw po

    • sir banjo, lahat yata ng kornik sa tindahan na testing ko na. mula sa cornbits,ding-dong,yes corn, boy bawang atbp.

      killer ako ng kornik mula dati. dati talaga, siksik yung supot niyan saka buo yung mga kernels. ngayon parang chick booster na lang na patuka sa sisiw. hahaha!

  15. Napaisip ako kung ano kaya ang mga isasama ko sa sampung kahilingan kung ako ang bigyan ng pagkakataon.

    yung unang limang hiling mo, parang sagot sa Q&A portion ng Miss U. hahaha!

    • kapag may genie talaga na magbibigay ng sampung kahilingan, isasama ko yung unang lima tutal may lima pa namang pwedeng hilingin na pang personal wishes.hehe!

  16. Natawa ako dun! buti na lang hindi mo binigay yung lahat ng kornik sa kanya.. mas nakaka konfyus un!!๐Ÿ˜€

  17. Naguton naman ako dahil sa kornik na ‘yan. Actually, ako ata ang batang nanghingi sa ‘yo ng kornik.๐Ÿ˜›

  18. โ€˜Gusto ko ng talento sa pagsasayaw dahil hindi ako marunong magsayaw!โ€™Ika-walo. — pwedeng pa-arbor ng kahilingan na ito? hehehehe…

    kaaliw talaga yung kwento na ito, at parang nakita ko na tong google na ito, o kamuka lang ng naidoodle mo na? hehehe. wala lang.๐Ÿ™‚

    • recycled, manang. both yung doodle at post.

      may JS prom ba kayo nung highskul? talagang di ako marunong sumayaw pero yun lang yata yung isa at natatanging pagkakataon na nagsayaw ako kahit parang niyuyugyog ko lang yung partner ko sa saliw ng got to believe in magic.hahaha!

      • ngayon lang ako magrereply tungkol sa pagsasayaw. meron kaming prom, pero wallflower lang ako nun. haha. at nung elem up to highschool yung awkward moments na kinakailangan niyong sumayaw dahil sa mga pesteng programs na yun. buti na lang hindi pa uso ang mumurahing pangvideo o picture nun, kung hindi…

        nga pala nakita ko google nilagay ko imbes na doodle. weird.

  19. salamat sa pagdalaw mo sa akin! hihihihi! di pala busilak ang pagbigay ng korniks kaya di natupad ang mga hiling! hahahhah! kuleet lang! akala ko kung ano na bakit korniks ang title!

  20. ako po ito…hahaha nagkamali lang sa akokazeh! lels

  21. gusto ko ring hilingin to manong duks – โ€˜Gusto kong magkaroon ng kapangyarihan na makalipad para makarating sa mga lugar na di ko pa napupuntahan!โ€™ika-pito kong hiling.- para hindi ko na kailangang magabang ng piso fare sa cebupacific na may mahal na surcharge!hahaha

  22. Natawa ako sa comment mo sa post ko. Meron talagang mga magiging pagbabago sa blog ko. Hindi naman ako mawawala sa blogging, pero baka bawas bawasan ko ‘yung masyadong maraming interactions sa ibang bloggers at mga adik sa Internet. Salamat sa pagdalaw.

  23. hahaha..pakshet na ermetanyong yon.

    on the spot??

    this made me smile.๐Ÿ™‚

  24. Galing. Dapat dati ko pa pala ito nadiskubre. ^_^

  25. Ayos ito Duking. Na-miss ko tuloy ang kornik.

    Salamat sa adbays mo…magiging handa na rin ako kapag hiningan ng 10 wishes. Magpraktis na rin ako ng mabilis na pagsabi.

  26. sports car – ‘yung red!

  27. Ang galing. Astig ang mga posts.. hope makagawa din ako ng kagaya ng mga gawa mo.. paano po ba?

  28. Hindi ko mami-meet ang bata na nagiging ermitanyo dahil una, hindi ako mahilig sa kornik, at pangalawa, hindi ako lumilingon sa “pssst.. hoy!” hehe๐Ÿ™‚

    Challenging ang sampung wishes sa isang minuto, akalain mong sunod-sunod na tama at may magandang intensyon ang unang syam? Yun nga lang, nabawi lang sa huli. Sayang. Wrong move!

    Tulad mo slash ng karakter sa kwentong ‘to, gusto ko rin lumipad bukod dun, gusto ko rin matutong magsayaw๐Ÿ˜€

  29. hahaha bakit kasi binawi pa ang kornik!๐Ÿ˜† sana nga may mga ganyan sa totoong buhay, may mga ermitanyong manghihingi ng pagkain na laging may magic…

    kung sa tuwing may maganda tayong gagawin sa kapwa natin, may points, siguradong walang mga bad chita sa mundo๐Ÿ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s