…and the world spins madly on…

kiss-ass no.1 : ‘duking, isa ka talagang henyo!’
duking: ‘hindi ako genious…’
kiss-ass no.1 : ‘…errr…mali spelling mo ng ‘genius’…’
duking: ‘sabi sa’yo eh…’

***

kiss-ass no.3: ‘duks, may oras ka ba para sa walang kwentang tanong?’
duking: ‘oo naman, basta walang kwentang tanong, lagi akong may walang kwentang sagot!’
kiss-ass no.3: ‘ahaha,sige sige…anu ba nauna, manok o itlog?’
duking: ‘langyah…seryoso?’
kiss-ass no.3: ‘oo, dali ano ang nauna?’
duking: ‘itlog ang nauna!’
kiss-ass no.3: ‘bat mo naman nasabi na itlog ang nauna?’
duking: ‘matagal na kaseng debate yan, in fact, lahat ng sira-ulo yan ang gustong malaman…’
kiss-ass no.3: ‘haha…so paano ngang nauna ang itlog?’
duking: ‘yun nga, pinag-karera yung itlog at manok kung sino ang unang makakasampa sa pugad…’
kiss-ass no.3: ‘eh di paniguradong mauuna yung manok…naman!’
duking: ‘oo nga kaso, nabigla ang lahat sa ‘di inaasahang resulta…’
kiss-ass no. 3: ‘baket?’
duking: ‘yung itlog kase ang nauna…’
kiss-ass no.3: ‘paano naman nangyari yon?’
duking: ‘di ko rin alam, basta ang sabi nung announcer…’egg the winner is…’
kiss-ass no. 3: ‘ahaha! joke ba yan?’
duking: ‘hinde…huwag kang tumawa!’

***

kiss-ass no.3 : wala ka bang pics sa FB?
duking: meron, yung green na sapatos na chuck
kiss-ass no.3: ibang picture?
duking: wala, nandun sa isa kong account.
kiss-ass no.3: add ko yung isa mong account.
duking: sige, eto yung e-mail, fekfek_hooooray@yahoo.com
kiss-ass no.3: (after five minutes) wala naman eh
duking: ‘ay sorry, mali pala…kulang ng ‘o’ yung hooooray!’
kiss-ass no.3: sige check ko…
kiss-ass no.3: (after five minutes ulit) ‘niloloko mo naman ako eh!’
duking: ‘hindi ah, sinabi ko ba sayo kung ilang ‘o’ yung kulang?
kiss-ass no.3: ‘ilan?’
duking: ahaha…ahahaha….ahahahahaha!
kiss-ass no.3: ‘gago!’

***

Mahina ako sa Math. Lalong lalo na sa Math na may kasamang alphabet at mga Latin sysmbols. Tumawid ako sa alambre nung college, kumain ng apoy at pansamantalang-nagbalik loob sa Kristiyanismo para pumasa lang ng Math. Kahit ngayon na ikinu-kwento ko lang ang tungkol sa Math, hindi ko maiwasang hindi samaan ng pakiramdam.

Mahina ako sa Math. Kung papaboran ako ng God of the Gamblers at ipakita niya sa panaginip ko ang lalabas sa lotto sa pamamagitan ng mathematical equation, malamang na dumerecho na lang ako sa pinakamalapit na sabungan at tumaya sa dehadong manok o di kaya ay pasyalan ang pinaka malapit na peryahan at makipagsiksikan sa Color Game.

Mahina ako sa Math. Yan ang dahilan kung bakit sa dami ng friends na naka-add sa Facebook ko, hindi ko sigurado kung ilan ba roon ang blogging friends ko, mga naging classmate, kasamahan sa trabaho at kamag-anak at imaginary friends. Basta ang alam ko lang, apat sa mga nandun ay mga naging ex ko at lahat sila, hindi ako kinakausap. Ahaha!

Mahina ako sa Math. At dahil mahina ako sa Math, hindi ako marunong mag-balance. Minsan, kumukuha ako ng sobra kaysa sa katumbas na kaya kong ibigay. Minsan naman, nasosobrahan ako sa pagbibigay na wala na halos natitira para sa akin. Pinipilit kong solusyunan ang problema gamit ang maling formula. Nakakasagot ako paminsan-minsan ng tama sa hindi ko naiintindihang tanong. Hindi ko alam ang computation ng uncertainty, ng span, at ng accuracy.

Mahina ako sa Math. Pero kahit hindi ko maarok minsan ang sagot sa value ng tanong na ‘ Y’ , nagsisinungaling lang ako kapag sinasabi kong hindi ko alam ang value ng ‘X’. Dahil kahit hindi ko alam ang computation ng uncertainty, ng span at ng accuracy, ang dami ko namang natutunan sa History.

***

Sa second year high Math class ko dati:

‘Class, what is a ‘fraction’?’

‘Ma’am…a fraction is a part of yourself that will never be whole again cause its either left broken or taken away by someone that you meet with an affection, or addiction, or just a pure imagination…’

‘What the fuuuuuck?!’

44 responses to “…and the world spins madly on…

  1. math ang pinakaayaw ko’ng subject ever since. accounting lang nagustuhan ko

    • sir bino, alam kong isang matinding giant math din ang accounting, ayoko ng math dahil kapag puro letters at numbers sila. gusto ko ang math kapag naging applied physics sila. yung may sino solve ka nang problem talaga na applicable sa totong buhay.

      math…gwarrk!

      sinasamaan talaga ako ng pakiramdam.haha!

  2. Naunahan ako ni Bino ah!

  3. mygawd. ang dami kong naisip at naramdaman sa mga sinulat mo na ayoko na sanang balikan. may mga tanong din ako na gusto ko sanang itanong sayo pero alam kong hindi mo sasagutin ng derecho dahil ipapalagay mong katumabas yun ng mga math problems na hinding hindi mo masasagutan. o masasagutan pero di mo alam kung tama o mali. o maaaring masagutan mo ng tama pero di mo alam kung pano mo sinagot nang tama.

    pero ang alam ko, may sagot ako sa isang kiss ass na nagtanong sayo sa taas. definitely, hindi nakipagbreak sayo ang isang tao dahil di ka magaling sa math. ang totoo… wag na lang! haha!

    tsaka tama nga siguro yung sinabi mong kumuha ka ng sobra kesa sa kaya mong ibigay dahil nga sabi mo, hindi ka magaling magbalance.πŸ˜‰ but this is just me. ang alam ko, kahit papano, natutuwa pa rin ako kasi unti unti kang nageexplain. kelangan pa ba?

    • pass na lang ako sa comment reply na ‘to miss kaye. i think i have kicked enough sand on my face for this post kahit pa nga habang isinusulat ko ‘to, gusto kong maging reader friendly siya sa nagbabasa.

      mahina ako sa math but i know how to take punches specially when i deserve it.

  4. OK lang yan. Sabi nga ni Beyonce, “I don’t know much about algebra, but I know 1+1 is 2. And it’s me, and you that’s all we’ll have when the world is through.”

  5. Nakaka-miss ang problem solving sa math, lalo na yung pabilisan sa pagkuha ng tamang sagot. Ngayon, ibang problema na ang kailangang i-solve…

    • nampucha, pabilisan pa. tandang tanda ko dati sir tarbs, kapag ako na ang natawag para mag solve ng problem sa black board, bigla akong pinagsasakluban ng mundo. tapos nagiging hopeful ako na tanungin ako ng teacher ko kung gusto ko bang gumamit ng life line.

      marami pa ring math problem ngayon pero pwedeng pwede ko nang tulugan.

  6. I actually love math.. pero sa pagkwekwento mo.. sobra akong natawa… di ko alam kung bakit…

    share lang mula sa isang friend ko, same kasi kayo halos ng definition ng fraction eh:

    “I am a fraction, and I need to find my better half”..

    have a nice day!πŸ™‚

    • hehe. isa kasing napakalaking joke ang buhay ko kapag sinukat ko gamit ang math. alam mo bang bilib na bilib ako sa mga taong parang may kakambal na scientific calculator?

      thumbs-up!

  7. joeykissass 1: Sir Duks magaling ka sa math maniwala ka. Kasi alam mo ang value ng X.
    joeykissass 2: Sir Duks marunong ka magbalanse. Kasi minsan kumukuha ka ng sobra. Minsan naman nagbibigay ka rin ng sobra.
    joeykissass 3: Ang galing ng definition mo ng fraction. Kasi either left broken or taken away by someone that you meet with an affection, or addiction, or just a pure imagination.

    Magandang umaga Sir Duking!

  8. may nagsabi sakin na ang mga lalaki daw pagdating sa emosyon hindi nito pinapakita na halos nadudurog na ang puso sa sakit, hindi madali sa kanila ang magpakita ng mga matang umiiyak na may kasamang pagkulog at pagkidlat…

    madalas nasa isang sulok parang wala lang pero meron meron, sa halos kalahati ng buhay ko halos kasamahan ko mga lalake dahil narin sa nature ng trabaho ko minsan feling ko may balls na rin ako pero hindi tlaga sukatan ang pagkakaron ng balls para maging astig, mas gusto ko sa lalaki ang nagpapakita ng kahinaan nila paminsan minsan iparamdam sa mga Eva na “Dahan dahan naman parehas parin tayo ng puso nasasaktan”

    Duking, sana naguluhan ka sa mga sinabi ko hahahaha naghalo halo kasi pakiramdam ko sa mga nabasa ko sa itaas marami sana akong gustong sabihin kaya lang saka na lang pagnagkaharap na tayo at pag nagkkaumpugan na ng mga baso mas mainam yonπŸ™‚

    P.S. ikaw na ang may apat na ex!

    P.S. Ulit: raise your glass if you are wrong in all the right waysπŸ™‚

    • para sa ikauunlad ng bayan, eto na lang ang sasabihin ko.

      hanggat may mahilig sa panget at bobo, may malas pang daragdag sa apat.

      hindi umiiyak ng madalas ang lalaki kase inirereserba nila yung luha nila para sa mas malalaking pangyayari na gaya ng sunog at tagtuyot.

  9. may mas malupet akong tanong kesa sa itlog at manok:
    sino ba talaga ang nakipag-break? ikaw o siya?
    ‘yan, hindi na kelangan ng math.
    p.s.
    hindi ko alam kung nag-comment ako sa ssdd entry mo pero gusto ko lang sabihin na maraming salamat sa pagsuporta sa pakonteshit, ser duks.
    oo, may ser talaga. tanda ng paggalang…sa nakatatanda. loljoke!

  10. Naalala ko bigla yung sa TEXT MESSAGE. Sabi ng mga Bitter sa Math “Yang math na yan dapat yan ang nagsosolve ng problema natin, hindi yung tayo ang nagsosolve ng problema nya”
    Natuwa lang ako dito. Bitter din ako sa math. Sir Duking ikaw talaga yung taong inaapply ang mga bagay bagay sa buhay ng tao. Nung minsan yung “TAE” ngayon naman yung MATH. Natuwa ako dito. ;”> Lalo na sa last part. Sir Duking, WHAT IS INFINITY?πŸ˜€

    • monik, minsan pilit kong pinag dudugtong dugtong yung kaugnayan at kahulugan ng mga bagay-bagay pero parang tanga lang din na iniiwan ko na lang na hindi ko natututunan yung halaga nila.

      ngayon kung tatanungin mo ako kung ‘what is infinity’…eto ang sagot ko jan.

      ayan yung number 8 na humiga ng walang hangganan dahil napagod na sa walang katapusang kakatayo.πŸ˜€

  11. uhmm, buti nalang kilala ko kung sinu ex mo!πŸ˜€

    padaan lang duks!πŸ™‚

  12. duking. galing mo magsulat. galing mo din makipagtalastasan. simple cool rock.

  13. natawa ako duks. di ko alam kung sinu ang mga kiss-asses na yan pero natutuwa ako at di lang pala saken ikaw gago makipagchat. haha.

  14. nakakatuwang basahin ang entry mo sir… siguro nakakarelate lang ako kasi mahina din ako sa math…

    magandang araw sayo sir duks

  15. hindi ako magaling sa math pero hindi rin naman din nahuhuli sa subject na yun. above average yan. sa Filipino subject ata mababa ang grades ko nung high school hehe.

    • everytime na natatanggap ko dati yung result ng math ko, ako ang pinakamasayang tao sa mundo. minsan, kahit nakakuha ako ng 3, hindi pa rin ako makapaniwala.

  16. Math…kiking linamath!! hihihihi yan lang ang masasabi ko sa Math at impyerno din sa akin yan…pero hindi din naman ako naging artist o artist…may arte lang minsan! hihihi!

    • sabi mo dati sa akin kaya ka nasa europe para mag tour sa mga museum at mga historical site? hahaha!

      marami rami rin akong napaamin na mahina sila sa math. at least marami na tayo.

  17. Ayoko mag-comment… ayoko mag-comment :)))
    Lels Ser Duks :))

    Ikaw yung sumagot nung fraction noh? Aba eh, natawa ako. Kung kaklase mo ko nun Ser eh hinugot ko iyang green chucks mo at ibinato sa iyo!

  18. mahina din ako sa math at nagtataka ako kung bakit ito ang napili kong propesyon… at kung paano ako nakaabot sa ganito! hahahaha!

    sabi nga, ang buhay ay di puro talino… (alam mo na ang kasunod, do the math!! errrr….) hehe!

  19. favorite ko ang math subjects mula sa simpleng multiplication tables nung elementary hanggang sa mga complex differential equations nung college. hehe nang inis ba.. napadaan lang, duking, work work work ako ngayon kaya pasyal muna sa mga sites nyo. ingats lagiπŸ™‚

  20. ISA KANG ALAMAT. I’m Kiss-Ass no.7!πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s