SSDD

Same Shit Different Day.

Wala nang mas aangkop na lugar pa para isulat ang blog post na ito kundi sa loob mismo ng kubeta. Andun yung ambiance at andun na rin yung mismong inspiration. Wala sa ilalim ng bowl, wala sa nakapalibot na tiles, wala sa loob ng septic tank kundi nakaupo mismo sa anidoro.

Ako.

Pero bago mo ako itulak at i-flush , makinig ka muna. Kunwari, may isang malaking potential energy na nakahandang maging kinetic energy anumang oras sa blog na ito. Kumpleto na.Andun na yung mass, andun na yung height at higit sa lahat, yung gravitational acceleration.

Oooops! Sobrang science.

Ganito na lang. Kunwari, may isang malaking bulto ng ebak na nakahandang malaglag anumang oras at gumawa ng higanteng bulwak sa payapang tubig sa kaibuturan ng bowl. Pasensya na, Dude. Sa kinalalagyan ko ngayon, wala na talaga akong maisip na magandang comparison sa gusto kong sabihin.

Quick math.

Meron pa siguro akong humigit kumulang sa walong daang salitang pwede kong gamitin para patunayan na hindi puro potential energy lang ang lalawit-lawit na taeng naglalaro sa isip ko para sa pakonteshit na ito ni Lio. Heto na, sa sobrang lagkit, talagang kumakapit!

Same Shit, Different Day.

Ang araw-araw na punong puno ng rules. Rules para magmukha kang tao, at pag-sinabing tao, hindi basta-basta yung kain-tae-tulog lang na tao. Ang kategorya ng taong tinutukoy ko eh yung may pakinabang. Nag-ta trabaho, tumatawid sa tamang tawiran, sumasaludo sa watawat, umiiyak sa malulungkot na pelikula, nakikisalamuha at bahagi ng buhay ng iba at may katuturan. Sa madaling salita o sms- U. Us. Ungas.

Pero may Big Butt ang ganitong sistema. Kung ang lahat ay may pattern kung paano ka lulugar sa mundong ibabaw, hindi ba’t para na rin tayong nakasalansan na mga tiles sa loob ng kubeta? Nakatanghod na walang imik sa tumataeng may pakana ng desenyo kung sino ang dapat nasa sahig, sino ang nasa ibabaw at kung minamalas, yung mga paningit lang para takpan yung mga sukat na palpak.

Nakadikit tayo sa isang sistema at kapag andun ka, kailangan yung makinis na bahagi ang nakaharap. Nangingintab. Kung ‘di man puting puti, kailangan malinis na malinis. Kahit maligo ng muriatic acid, sige lang, proud. Sama-sama, kapit-kapit. Ang bumitaw, may tae sa puwit!

Case point ang mismong kubeta kung nasaan ako. May nawawalang piraso ng tiles. Bukas-makalawa, papalitan ito. Walang maghahanap kung sino ang nag uwi o anung nangyari dun sa isang piraso. Ganun lang ka-simple ang buhay ng ta… tiles. Muntik ko pang masabing tao, buset!

Takte! Ang dami kong ka-echosang sinasabi. Disqualified na kung disqualified. Basta tandaan mo lang, Dude. Ibibili ko lahat ng lapis sa Book Sale ang gift certificate na mapapanalunan ko dito para i-donate sa Pens Of Hope ni Miss N. Yun eh kung mananalo ‘tong shit ko at hindi ako madi-dis-qualified sa haba ng sinasabi ko. Langyah. Ni hindi pa yata ako nangangalahati. Haha!

Alam ko kung nasaan yung nawawalang tiles. May hawak siyang mega phone at ang sabi n’ya: Fuck, Yeahhhh!!!! (echo…echoeee…echoeeeee….)

…sa lahat ng naghahanap ng paliwanag sa ganito at ganyan pero umaasa naman sa naka pre-set na sarili nilang dahilan na tanging tatanggapin ng kanilang katwiran!

…sa araw-araw na piliting patunayan sa lahat na tama ka pero sa isang pagkakamali mo lang, handa ka nilang ituring na ehemplo ng kabiguan!

….sa hindi nakakaunawa kung bakit kailangan mong maging iba sa sarili mong dahilan pero ituturing kang iba dahil sa nagkakaisa nilang pagu-unawaan!

…sa mga relasyon na nakaka-kalendaryo na sinusukat lagi sa araw, sa linggo sa buwan at mga taon!

…sa mga reklamo ng reklamo sa lovelife, sa sex life at sa kung anu anu pang akala mo eh may responsibilidad sa kanila ang mundong walang karekla-reklamo sa mga gaya nilang puro reklamo!

…sa mga taong akala mo ang hawak na metro ay lampas langit para sabihing kulang ka sa aral, sa tapang, sa pananampalataya, sa pagka makabayan o pati haba ng titi mong maugat-kulang.

At higit sa lahat, fuck yeahhhh! dahil ako ay isang tiles na nagsasalita!!!

Same Shit, Different Day.

Minsan, kailangan mong bigyan ng sariling kahulugan ang definition ni Webster sa maraming bagay na pinagkakaisahan ng karamihan. Kahit na isuko mo ang maraming bagay. Kahit na mag mukha kang inaamag na tinapay sa sulok ng estanteng pinag haharian ng masasarap at bagong lutong tinapay. Ganun talaga ang buhay.

Basta huwag mo lang hahayaang baguhin ng ordinaryong mga pangyayari ang ekstra-ordinaryong mayroon ka sa iyong sarili.

‘Plok!’

Nalaglag din sa wakas.

***

Akdang-lahok sa pagpupugay sa kaarawan ng nagiisang walang kwentang taga-kwenta ng buladaspir at selebrasyon ng ikatlong taong anibersaryo ng blog na pag-aari ng lover boy na may titeng-maugat. Ikaw na, Lio!

Kay Lian at Jkul, dahil may mga magkakaibigang parang hindi magkakaibigan…

52 responses to “SSDD

  1. ayan maiba naman ang comment ko, AMPANGET ng post mo haha nakakadiri pa!

  2. good luck sa contest ni lio!

  3. hahahaha taeng-tae ka na talaga dito kuya duks hahaha
    ako naniniwala ako na may mga bagay na predestined, with or without me magaganap ang isang bagay na dapat maganap, nagiging mas memorable lamang ito dahil pinili kong makabahagi nun, pero magaganap ito. ang labo ko lamang di ba?
    gusto ko ring maging tiles na nagsasalita. hahahaha
    pinakagusto ko dito ay ang rules, dahil sa ayaw at sa gusto natin may mga rules ang buhay, nagkakatalo lamang if we go with the rules or against.
    ok ok ok
    tatae na ako

    • hehe. pambawi ‘to pong dahil sobrang kabaligtaran ng kwento kong to yung kwento dun sa sinundan nitong post. north at south kami nung bida dun. kaliwa at kanan. halata bang binobola kita?

      mas mabait ako sa’yo pong. tanong mo pa sa nanay ko.

      mi mless mo!

      sorry may sipon ako. haha!

  4. “huwag mo lang hahayaang baguhin ng ordinaryong mga pangyayari ang ekstra-ordinaryong mayroon ka sa iyong sarili.”

    This! Bet ko itong entry na to. Akalain mong pwede nating mai-apply ang essence ng pagtae sa buhay ng tao. Ramdam ko yung art. Kase mas nabigyan ng ibang pakahulugan. (^_________^)

    • naniniwala ako monik na lahat ng tao, may potensiyal para sa mga extraordinaryong katangian. yung iba, hindi pa lang nila natutuklasan kaya ko yan nasabi. parang superhero power haha!

      narating mo na ba yung site ni lio? sali ka rin. panigurado kong meron ka ring kwentong pang SSDD.

  5. whooH!!! hai naku kuya duking parang ayaw ko ng sumali kay ginoong lio dahil pustahan ikaw na naman ang mananalo… O sya ikw na kuya, the best ka! ehehe…

    wala bang superlike na button?🙂

    • huwag ka nga, jan lian! sumali ka na. isipin mo na lang na gift mo yun kay lio. pakita mo naman yung pagmamahal mo sa kanya. naks.

      pupustahan tayo, sige. pagnatalo ako, bigyan mo ako ng 1000 pesos GC ng NBS? hahahaha!!!

      • sasali ako dahil love ko yang si ginoong lio… chaka malay natin pagnanalo ka kasama nung mga lapis ni bb. nortehanon ung librong ibabahagi mo sakin… ehehe.

        ayoko nang umasa na mananalo ako kasi sablay ako sa mga ganyang pakontes… hihihi. para sa lumalablyf ni ginoong lio este blogsari at bday nia (ginoong lio)! kampai!!

      • si sir tarbs ang alam kong mahilig mag-share ng books. si madz din pala may pasa book pakontes madalas.

        its nice na sasali ka rin. pagkakataon mo na para maglabas ng version mo ng sariling shit. hehe!

  6. bwahahahhaha sabay-sabay yatang uminom ng pampurga ang mga bata!!!!

    • may synchronicity hanggang sa pagkalaglag ng kung anuman yun bwahahahahahhahaha

    • sir tarbs, salamat ulit.

      na realize ko na sobrang shitty nga pala nung gif. angkop na angkop lang dun sa mismong ginawa kong entry. whahaha!

      ganun nga yata, yung iba, dumudura ng kung ano anong mula sa isip nila sa papel, meron naman, tumatae lang.😀

  7. Ay.. hahahaha! Di ako maka getover sa mga batang nagka kwan. Lols.. Good luck po, Ser Duking..😀

  8. haha kadiri yung mga lumalabas sa pwet, nagiging SSDD. hahahaha! nice gif, duks.

    at sa wakas, sa hinaba haba ng mga pagmumuni-muni mo bilang taong tumatae (?) o tiles na nanonood sa mga tumatae (?), nalaglag din.

    ikampai na lang natin ang paglaglag niyan!🙂

    • thank you ulit, miss kaye.
      isa pa pala ulit ito dun sa mga post ko na talagang kwentong tae. haha!

      ah basta, at least lagi mo pa rin binabasa yung mga kwentong kababuyan ko dito. masaya na ako dun. salamat ulit.

  9. Ang shitttt nung lumalabas sa pwet..LOl

    Galing ng paghahambing..

    napatae mei…

  10. Akalain mo yun, ang pag-jebs pala ay isang napaka-meaningful na gawain hahaha! Ikaw na, duking, ikaw na ang hari ng kubeta hahaha!

    Gagawa ako ng quote para sa ‘yo: nasusukat ang lalim ng tao sa kanyang naiisip habang nasa kubeta, at sa lakas ng plok pag bumagsak ang jebs niya. Hahahaha!

    Uy, salamat sa special mention hehehe.

    • whahaha! talagang binigyan mo ako ng titulo. pero totoo talaga para sa akin na yung pag-iisa sa loob ng kubeta eh oras din para mag reflect sa maraming bagay.

      if ever na manalo talaga ako, i’ll send you the prize para sa pens of hope project mo. wish me luck!

  11. plok!at nailabas din sa wakas ang hinayupak na laman ng sikmura, haha,

  12. I smell tae.. errrrrrr.. victory (?)
    Impernes karir na karir ang drawing.. hehehe..

  13. Maganda ang moral lesson. Good luck sa patimpalak! Andami na niyong kasali.🙂

    • boss gasoline dude, sali ka rin!

      salamat po. mahilig lang akong sumali sa mga pakonteshit dahil sa challenge na magsulat ng tungkol sa kung anung theme o topic.

  14. Same Shit Different Day. Haha. Like na like. Gnyan din kc nagiging monotonous ang png araw araw kong buhay. Pero di nman ako ung reklamo nang reklamo. Isang malalim na buntung hininga lang pgdating sa bahay, ok na ulit. Ready na nman for the same shit the next day.

    Cguro nga same shit lng sya pero its how we respond to the shit that matters. Ay anu ba yan puro shit. Nbbanyo tuloy ako. Hehe:)

    • usually sa work, ganun nga yata. routines lagi.

      its how we respond to the shit that matters. haha! astig. as long as we make it to the next day, tingin ko andun pa rin yung hope ng mas masayang simula at panibagong pag-asa.

      so kamusta naman ang lumagay sa tahimik? hihi!

  15. *nods nods

    galing ng konsepto, ng analogy, ng ilang mga aspekto na sumasalamin sa takbo ng buhay..

    saludo ako sa likhang ito..

  16. Same Shit Different Day!

    shaks wala akong masabi…

    kmusta?

  17. Ang galing ng konsepto🙂

    Hmm. SSDD, Ü Minsan ang mga bagay ay sobrang routinary lalo na minsan sa trabaho. Pero nasa atin pa rin kung paano lalagyan ng anghang ang bawat bagay na ginagawa natin kahit minsan sobrang nakakaumay na.

    Sya nga pala, isa rin ako sa maraming nilalang na nakakahanap ng comfort sa kubeta. Comfort room nga eh diba😀 hehehe. Pero minsan wala akong ginagawa, uupo lang, magiisip, kakanta.

    Btw, napadaan lang po at inilagay ko po kayo sa aking links para makadalaw ako ng mas madalas🙂

    Happy weekend!

  18. hahha..parehas tau ng topic…

    mataeng usapan..lolz

    gudlak sayo.. deadlink pdin b ang site ko?

  19. Pingback: Pakonteshit Update | [Same Shit, Different Day]

  20. …yung buhay natin pakiramdam natin paulit-ulit lang, para laging may kulang… pero ang totoo, ang kulang sa atin yung maappreciate natin yung biyayang tinatae ng langit!

    …napakaganda ng mga sinabi mo, pakihanap na lang lahat ng magagandang salita sa diksyonaryo! sila na mag-eexplain kung gaano kahusay ang akda mo.😀

    \m/

    • salamat sa appreciation,joyo. lahat naman ng nagsulat, talagang nag effort para kay lio. natutuwa nga ako kase sa dami ng mga pakontes sa net, parang pwedeng salihan lahat at paniguradong laging may post. hehe!

  21. ambaho ng post mo duking.haha

    malaman!

  22. napakahalimuyak… parang tae.

  23. Mga bata pa gusto na magpatira sa puwet. haha. Kulit ng drawing amp!

  24. nomnomfest na sir duks! hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s