mga luha ng kandilang hindi mapaparam…

nanatak na luha ay sukat ng iyong buhay
sumpa itong kaakibat ng panata mo’t saysay
ang tumindig sa karimlang pilit sinusuway
tangan ang liwanag sa iyong pagbabantay

sa kabi-kabila man na pag-ihip ng hangin
ang ningas mo’y susubukin at pilit susupilin
kumurap man at umandap ka sa aking paningin
banal ka ngang higit sa banal mong layunin

lantay na hangad mong sa landas ay tumanglaw
nang walang manlalakbay sa dilim ay maligaw
kahit pa nga pangangamba ang tuwinang kaulayaw
sa init ng layunin mo’y dagli ding nalulusaw

sa pagkaupos mo’y umiikli rin ang haba ng gabi
datapwa’t sariling luha lamang ang iyong katabi
binibilin mo lagi sa akin na may pagmamalaki
mabubuhay ka sa bawat kandilang magsisindi

(para kay lian : kaibigan, guro at inspirasyon sa panulat)

(tulang tugon sa hamon ni iyah)

38 responses to “mga luha ng kandilang hindi mapaparam…

  1. ang ganda ng tula. isa sa mga bet ko’ng mananalo

  2. Basta si duking e anu pang expected!😀 nays!

  3. ang nice naman po nito sir duking! salamat sa pagsali……dalawa ang naiisip ko habang binabasa ang tula mo..kung ano yun…ako lang nakakaalam! lels salamat uli!

    • thank you din iyah. naisip ko lang bigla sumali. natutuwa naman ako na ang daming entries. hindi ko na aalamin kung anu yung dalawang naiisip mo. haha.

  4. maganda to enlightenment…

  5. OT: danda shogun 2. eram. lol.

  6. ano pa nga ba, eh di ayawan na hahahaha
    ilaw sa buhay
    at buhay sa ilaw.
    luha ng buhay
    at buhay sa luha.
    ikaw na!

  7. grabe ire!
    napakahusay!
    may paglalagyan ito!
    goodluck ser duking!

  8. kuya duking, ayaw ko ng sumali… iboboto ko nalang ito kung botohan ang labanan… kapangalan ko pa ay inalayan ng tula… galing!

  9. Parang nakita ko na ang gif na nasa taas sa ibang post mo. Hindi ko din sure, para lang naman. Anyway hiway, eto na yata ang pinakahabang koment ko dito. Gulat ka noh?

  10. Ikaw na Duking! Ikaw na ang masustansya pagdating sa paggawa ng tula🙂

  11. Ni-recycle yong kandila, hindi nauupos yan?

    Gustong gusto ko ang huling taludtod.

  12. Galing!

  13. Awts. Frustration ko ang ganitong klase ng pagsusulat.

  14. Walang kupas….. Enough said🙂

  15. Muli ay pinahanga mo ako sa iyong walang katulad na pagluha ng iyong kandila. Galing ng mensahe nito sa amin.

  16. si lian ba eh si lian ng gnehpalle02.wordpress.com? naks! lahat na ata ng napasadahan kong blog napasama sa pakonteshit na ‘to. magpapakonteshit din ako sa susunod na buwan, ser. sana makasama ka! \m/

  17. giancarlo ♥ cinnamoroll;]

    ang ganda!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s