Sucker Punch

‘Bakit mo ako sinuntok?’ Tanung ko sa kanya habang tutop ko ang aking pangang biglang pinamanhid ng lagutok ng pagdapo ng kanyang kamao dito.

‘Hindi ka kasi nakikinig!’ Mariin niyang sagot sa akin.

‘Tama ka naman palagi,e.’

‘Kaya nga makinig ka!’

‘Mas gusto kitang pakinggan kung mali ka.’ Bumalik ako sa direksiyon ko ng tingin sa bintana habang tinatanaw ang kawalan.

‘Bakit ba ayaw mo akong tignan?’

‘Nakita na kita at alam ko kung nasaan ka kaya hayaan mo naman akong hanapin ang sarili ko…’

‘At ano naman ang gagawin mo kung nakita mo na ang sarili mo?’

‘Ano sa palagay mo?’

‘Susuntukin mo rin.’

‘Bakit ko yun gagawin?’ Natatawa kong tanong sa kanya.

‘Dahil tinakasan ka niya. Dahil kahit anung tawag mo sa kanya, hindi siya lumapit. Dahil kahit anung hanap mo sa kanya, hindi siya nagpakita. Dahil kalahati na ng buhay mo ang nasayang sa paghahanap sa kanya…’

‘Kaya nga yayakapin ko siya kapag nakita ko siya…patatawarin… hihilinging manatili siya…’

‘Hindi mo iyon kayang gawin…’

‘Gaano ka nakaka sigurado na hindi ko yun gagawin?’

‘Ikaw na rin ang nagsabi na lagi akong tama…’

‘Pero nakikinig ako sa’yo ngayon dahil alam kong mali ka.’

‘Papaano kung manatili akong tahimik at walang kibo? Mangangahulugan ba yun na nasa pagitan ako ng tama at mali?’

‘Ikaw ang sumagot…anu sa palagay mo?’

‘Naka-depende pa rin yun kung papakinggan mo ako o hindi…’

‘Tama ka!’

‘At hindi ka nakikinig…’

‘Huwag ikasama yun ng loob mo. Sa tagal na panahon nating magkakilala, alam kong tama ang lahat ng sinasabi mong ayaw ko lang pakinggan at alam kong naiintindihan kita sa lahat ng pinagsasasabi mong mali.’

‘Hindi mo ako ganun kakilala…’

‘Ang tagal na nating narito…kilala na kita.’ Napabuntong-hininga ako sabay tingin muli sa kawalan.

Mahaba ang katahimikang namagitan sa aming dalawa saka niya ito binasag.

‘Ako ang sarili mong nawawala…’

Malakas na suntok ang pinadapo ko sa kanyang nguso.

‘Lumayas ka na rito, ngayon din!’ Taboy ko sa kanya.

‘Hindi mo na ako makikita kahit kailan…’ Mabilis niya akong iniwan.

‘At sino ang may sabi sa’yong hahanapin pa kita?’

Sa kauna-unahang pagkakataon na iniwan niya akong mag-isa, hindi ako nakaramdam ng kalungkutan. Dahil alam kong babalik siya at patatawarin ako sa ginawa ko, dahil alam kong hindi niya ako matitiis kahit ayaw kong pakinggan ang lahat ng sinasabi niyang tama. Dahil alam niyang ako lang ang nakikinig sa lahat ng kanyang mali. Dahil alam kong kahit hindi ko siya ganun kakilala, kilala naman niya ako.

52 responses to “Sucker Punch

  1. di ko pa naranasan na makipagsuntukan sa sarili ko. Pero, madalas, nag tatalo din kami.

  2. Made me smile.

    Ang hirap maging praning.
    Lagi na lang ako..ako..ako🙂

    • nagbabago na talaga tong isang to, dumadami na ung english nya.
      nakakatkot.
      pangitain na ba ito?
      ayiiiii :-SS

    • Napadala ko na sa roma ang talambuhay ng mabuting gawa at adhika mo, jkul.

      Kakain ng alikabok at mamamatay sa asthma si pope John Paul at Mother Theresa sa bilis mong mapapabilang na santo ng kristiyanismo, animal.

      @ yanah… nagsasalita rin si jkul ng latin.

  3. kahit ako may ganyan eh. nakwento ko na dati sa blog ko ung tungkol sa aking “kalaro”

  4. parang connected sa nabasa ko kanina sa inbox ko. babalik ako pag naintindihan ko na..

  5. base.

    nice post.😉

  6. sa ba setting nito ‘tol?
    sa bahay lang nila o sa mental?
    walang kupas… ang lufet mo pa din!😀

  7. sinasampal ko ang sarili ko or binabatukan peroang suntukin ayoko…ayoko ng walang boxing glove. wahehehe (sasaktan mo rin lang itodo mo na)

    kung pagtatalo rin lang naman… oo may ganyan din ako. nakikipagtalo yung unawa sa intindi ko. puso sa isipan.practical at kagustuhan.

    sana hindi magkatotoo yang salamin na yan sa akin. 2 pa naman salamin ko sa kuwart. hohohoho

  8. Ang galing! Natuwa ako dito…sobra! Hehe😉

  9. hmn. parang isa sa pinakamahirap na kalaban ang sarili kasi depende din sayo kung gaganti ka sa kanya o hindi.🙂

    magandang araw!

  10. yeah! gandang post! sana magkasundo na kayo… mahirap yung mag-isa ka lang.. masmabuti yung ganung kasama mo siya… medyo nalilibang ka.. wehehehe…

    pakilala mo ko pag nagkita na kayo ah?…

    peace!

  11. hello, duking! anyare?… 🙂

  12. Dear x-ray machine…

  13. Ay, ayokong makipag-suntukan sa sarili ko kasi baka umalis siya at hindi na kami magkita pang muli. Hindi na ako mabubuo hehehe. Saka isa pa, mas malakas siyang sumuntok kesa sa akin. Panay sa dibdib ang patama niya😉

    Duking, hintayin na lang natin ang kanyang pagbabalik. Dahil sa kanyang pagbabalik ay mabubuo na rin sa wakas ang…..Johari window🙂🙂🙂

    • iniisip ko kanina kung ano yung johari window. kala ko bagong OS ng microsoft. tas naalala ko yung seven habits.

      bull in a china shop! yun nga!!!

      magandang araw miss N!

  14. nice post🙂 exchange links??

    hihihihi

    laging nangyayari sa akin yan…nagtatalo sila sa halos lahat ng bagay…sa seks lang sila nagkakasundo!! pareho ng type,hehehehe!

  15. parang fight club lang enoh😀 pero tutuo yan, marami sa atin ang ganyan lalo loner ka, madalas nag iisa at walang kaibigan

  16. twice ko binasa para maintindihan ko ng konti. haha.

  17. minsan talaga matigas ang ulo ng sarili natin, pero mas matigas ang isa pa nating sarili. haha. parang split personality lang. kidding aside, it is still nice to argue with yourself. at least we recognize our mistakes and rethink of what we have made that, in a way, changes our lives.😀

  18. natatawa ako na mg kurot sa puso.. Totoo naman! Bka lalayas ang sarili ko..

  19. hindi ko naman sinusuntok ang sarili ko, sinasampal ko lang😛

    ..at nang ako’y lumayo
    at siya’y nilisan
    namutawi ang lungkot
    na di niya mararamdaman.
    bagaman nakinig, ay walang
    paalam,
    dahil alam niyang ako’y
    babalik din naman…

    apir apir!🙂

  20. …minsan ganyan din ako, kausap ko sarili ko… nakikipaglaro sa sarili…pero minsan di kami nag-uusap kapag nag-aaway kami, ang kulit kase!

    pero sa dami ng mga nangyayari kami lang ang madalas ang magkakampi…😆

    • oo nga, joyo.

      kapag wala na tayong malapitan, saka natin nare realize na siya pa rin ang pinaka matibay at maaasahan nating kakampi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s