Minsan…

Minsan ang pag-ibig…parang Library.
Punong puno siya ng mga librong nakaayos sa pagkakasalansan pero hindi mo naman lahat kailangan. Hahangaan mo ang napakarami niyang tinipong nakasulat na karanasan mula sa iba’t ibang tao pero ang totoong naroon na maaring sa kanya lang ay yung naka-paskil na salitang ‘Silence Please’ na para bang sinasabi niya sa’yo na ngayong abot-kamay mo na ang lahat, kailangan mo nang manahimik.

Minsan ang pag-ibig…parang Simbahan.
Maaari mong ihingi ng tawad ang pagkakamaling nagawa mo sa labas kapag nasa loob ka niya. Kaya niyang ilihim gaano man kalaki o kaliit ang handa mong ibigay kapalit ng kahit anung hilingin mo sa kanya. Saka kapag naghiwalay kayo, maaalala mo ang paulit-ulit niyang sinabi na ‘Peace be with you…’ na tila ba sarkastikong tudyo sa emosyon mong di- mapapayapa na siya rin naman ang may gawa.

Minsan ang pag-ibig…parang Museum.
Punong-puno ng magagandang bagay na bubusog sa gutom mong imahinasyon, pupukaw sa atensiyon ng iyong mata at kakalabit sa iyong pandama. Saka niya sasabihing ‘Do not touch’. Abot-tanaw mo na subalit hindi mo maaaring hawakan. ‘For Sale’ sa presyong hindi mo kaya at ‘Not for Sale’ naman kahit ka may pera.

Minsan ang pag-ibig…parang Bahay-Aliwan.
Pamatay-oras lamang na paglilibangan. May bayad ang halik at himas sa bote. Hindi mahalaga kung nagsisinungaling ka o nagsasabi ka ng totoo habang nasa espiritu ka ng pagkalasing sa kanyang madilim na sulok. Patay-sindi ang diwa mong ina-aninag ang magdamag habang naghuhubad ng saplot ang isa na namang sandaling natapos. ‘Thank You, Come Again!’. Kinaumagahan, wala ka nang maalala maliban sa bakas ng lipstick sa kwelyo ng polo mo at ang karatulang nag-aanyaya na balikan mo siya ulit.

Minsan ang pag-ibig…parang Istasyon ng Bus at Tren.
Nasa pagitan lagi ng pagdating at pag-alis. Sala-salabat ang iba’t-ibang destinasyon. Kaliwa’t-kanan ang napakaraming direksiyon. Punong-puno ng paghihintay at inip na paglisan. May nag-aabang na masamang-loob sa magbubukas ng pagkakataon. May mabuting loob na tutugon sa tawag ng pagkakataon. May magkasintahang magkakawit kamay na hindi nagmamadali. May matandang mag-asawa na inaalalayan ang isa’t-isa habang walang-awang umuungos ang kamay ng orasang pinipilit nilang pigilin ang bawat sandali. May umiiyak na bata. May bumu-bungisngis na sanggol na karga ng kanyang ina. May amang nanabik na makauwi ng tahanan. Mga nagsasara at nagbubukas na pinto ng sasakyang naghahatid sa kung saan man. Subalit naroon ang paalala lagi: ‘We will not be held responsible for any damage or loss…’

At minsan…mula sa kawalan…malayo sa iniisip mong mangyayari…may isang babaeng pupukaw ng iyong atensiyon ng kanyang titig at ngiting alam na alam mong sadyang para sa’yo lamang doon sa kabilang flatform ng iisang istasyon.

At bago siya tuluyang tangayin ng paparating na tren na maghihiwalay sa inyo habang buhay…ta-tatak sa isip mo ang mga salitang alam na alam mong binigkas niya kahit hindi mo narinig batay sa hindi mo malilimutang buka ng kanyang bibig…

‘Zipper mo, nakabukas!’

43 responses to “Minsan…

    • Ang pag-ibig ay parang ganito… unahan sa pag-base sa isang blogpost. hahaha maikonek lang😀

      Walang kasiguruhan pero nagpupumilit ka pa rin. Nagbabakasali, kasi nga malay mo di ba? Ikaw ang mauna. 🙂

  1. ahahah! bleh!! zipper mo bukas!!!! taragis!!

  2. Minsan ang pag-ibig…parang isang short na bukas ang zipper.

  3. Minsan ang pag-ibig ay parang si Duking.
    🙂

  4. hello, duking! 3x ako nag-click ng like button for this post, haha! isa lang ang nag-rehistro, akalain mo ‘yon? ang pagla-like pala ay parang kompanya, di pwede ang redundant, hi,hi…

    ang ganda nito – eleganteng-elegante ang kakornihan, ahaha… ba’t pumapag-ibig ng ganire? ba’t nako-kontento sa mga alaala, ahihi? labless? pambihira…🙂

    ang husay talaga ng mga sinabi mo sa itaas…😀

  5. isang mahusay na pagkukumpara ng pag-ibig sa iba’t ibang bagay. magaling! kahanga-hanga ka talaga Duking🙂

    ang pag-ibig minsan parang panty. kung hindi mo ibababa, walang mangyayari. ang pag-ibig minsan, parang pop-corn, kailangang maginit para pumutok

  6. Thank you sa lahat ng commenters! hehe!

  7. Minsan ang pag-ibig ay parang zipper…
    …bukas na pala hindi mo pa napapansin…
    😀

  8. minsan ang pagibig, naghihintay pero kapag di mo pinansin, magsasawa rin. hahanap ng iba para muling maging masaya. at pag nangyari ito, isa lang ang masasabi mo sa sarili mo.

    Anyare?

    bwahahahhhahaha!

    ang sarap ng tawa ko. naenjoy ko tong sinulat mo.😄

  9. sa totoo lang, maraming pwedeng pagkumparahan ng pag-ibig. Pwede mo syang maikumpara sa halaman.. kapag inalagaan mo, lalago at gaganda pero kapag pinabayaan mo, malalanta at matutuluyang mamatay. Pewde rin naman na ihalintulad ang pag-ibig sa lata ng coke. Oo, lata talaga. Hindi mo maeenjoy ang coke in can mo unless u make an effort na buksan un. parang pagibig nga lang, hindi mo malalasap/mararamdaman ang sarap na dulot ng pagibig kung hindi ka mag effort to make it work, and to make the relationship worth while.. andami ko ng sinabi..😐

    • AMEN, Yanah! yan naman talaga ang gusto ko sabihin. wala talagang mangyayari sa pagibig pag hindi ineffort.

      Pwede din palang alam mo nang masarap dahil tinikman mo. Pero matapos mo siyang buksan at tikman, naisip mong masyado siyang masarap at di nababagay na tikman ng isang nilalang na pang-RC cola lang ang lasang gustong marating kaya instead na inumin lahat, itatapon na lang kahit pa nga wala sa kalahati ang nababawas.

      pagkatapon, saka niya sasabihin sa sariling ok lang, nagda-diet naman kasi ako.
      😉

    • sa totoo lang, alam ko rin na maraming pwedeng pag kumparahan ang pag-ibig. for this, i just compare it to places where i’d been most of my life. ok, maliban siguro dun sa simbahan na hindi ko na ganun kadalas puntahan.

      tama ka about the coke, tama si miss kaye about the RC, it all ends up on how you want it so badly or if you ever been deserving for a refreshment of that sort. sa taong kagaya kong sanay lang sa tubig kanal, i should be thankful for anyone who would give a sip or two ng pang maharlikang inumin.

      i enjoyed it while it last. alam kong napakarami pa sa ref but i never want to be so greedy for things i don’t deserve. and going back among the people na umiinom din ng tubig kanal buong buhay nila, you would always smile and think of that sweet sip of softdrinks before you dive again sa kanal. if you ask me, it makes a difference rather than never trying.🙂

      • ok lang siguro sa taong mahilig sa tubig kanal na mapangiti pag naaalala niya ang sarap ng lasa ng softdrink in can na natikman niya, pero dapat maisip din niya kung ok lang dun sa softdrink na binuksan niya, tinikman at hindi inubos kung ok lang yun. kasi ang purpose niya sa buhay ay para inumin. kapag binuksan, after some time, mawawala ang ispiritu kung hahayaang bukas. E di nasayang lang kung di iinumin at itatapon na lang pagkatapos.😦

        ansarap kaya ng coke! coke sakto!😉

      • naiinis ako sa mga taong mgaling magbukas tas hindi mag uubos.. nasarapan naman pala eh bakit hindi ubusin? hahayaan lang na masayang ng ganun? dahil sa ano?dahil sa mas sanay sa tubig kanal? grasya na yan tatanggihan mo pa ba? eh pano kung hindi ka na magkaron ng pagkakataon na makainom ulit ng coke (in can), tas maisip mo at maitanong mo sa sarili mo kung bakit sinayang mo ung coke mo nuon? tsk. ang daming sayang lang. ang daming mga masasayang(happy) na masasayang. puro panghihinayang. sayang talaga. if u let it pass, it’ll never come back.. and youll forever go wondering bakit hindi ko na lang ininom kase?

      • AMEN, Yanah! yun talaga yun! apir!

      • miss kaye. nabasa ko na yung latest post mo. hindi na lang ako nag comment kase baka maging ampalaya lang ang comment ko dahil hindi naman ako nakasama. haha!

        tama yung point niyo ni yanah. i would rest my case here. funny that i never see her whats like when she’s sad but i know when she’s happy. and that, is something that i want her to be and always. oo, tungkol ‘to sa coke in can. and yes, like sa post mo, i know shes happy.

      • hmmm…my take is that people don’t have to show to the world they are sad to elicit sympathy or appear as such. I think the bravest of people are those who can show the world they are tough even when they’re crumbling inside…mabuti na lang siguro dahil ang mga bagay na di nakikita ng isang tao ay nakikita at minamahal naman ng ibang tao.😉

        and yes, happiness can be seen even without one proclaiming it to the world.

        I rest my case.

  10. gusto ko ring gumawa ng blog post na ganito. peram ng idea ha kuya?

  11. asar,nung mahaba yung koment ko ayaw magpost.haring du ah. nang aano itong kuta mo.=p

    ***padelete na lang po nung asa taas.prisampol lang yan.hehe

  12. orihinal na komento:

    ang pag ibig parang monarchy may taga sunod,may nagdidikta.pero kapag ang pag ibig ay galing kay haring “du”. hindi lang buong kaharian ang ibibigay nia kundi maging ang bukal na pagpaparaya.

  13. LOL zipper mo bukas!

    Ang pag-ibig parang kubeta.. wala lang.. mabaho at kailangan ng tao. hehe.

  14. minsan ang pag-ibig ay isang pila sa may kanto… magsisimula ka sa dulo at maghihintay ng pagkakataon mo… tangan ang isang baldeng bakante… at kapag oras mo na… at hahawakan mo na ang pambomba ng poso para punuin ang uhaw mong balde… duon mo masasabi sa sarili: “weh? hindi naman to pag-ibig… ‘pag-igib’ to eh…”

  15. minsan ang pag-ibig.. parang FB at FS.. It’s complicated.
    Ay, wla n yatang FS ngyon. haha

  16. ang galing … isa ito sa paborito kong entry mo sir duking🙂

    wala na ko masabi tungkol sa pag-ibig nabobobo na yata ako haha

  17. ang dami daming sinabi at ikunompara ng salitang Pagibig sa bukas na zipper lng pala mauuwi ang lahat ahahaha🙂

  18. isang malaking check para sayo ser!😉

  19. Ser, magpa-plug lamang ako:

    http://essapajarillo.wordpress.com

    hahahaha! wooooh!

  20. oo nga… haizzz minsan…. bakit kasi noh nangyayari pa yang minsan na yan! ang minsan na magpakailanaman!😆

  21. sinubukan kong tingnan ng matagal yung tren, nahilo ako. hehehe.

    magandang araw, duking!🙂

  22. minsan may tama ka talaga pero madalas naaliw talaga ako sa mga drawing mo.

    minsan ang pag-ibig ay parang sementeryo…pag nilibing mo na magkakasya ka na lang sa pagtitirik ng kandila at pagtingin sa kung kailan siya ipinanganak at kailan ka niya iniwan.

  23. ang galing ng mga post mo nakakabilib parang pag-ibig na umuusbong di mo mapigilan dahil pag pinigilan mo lalong manggigigil. di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s