Daster Lang Ang Costume Ng Totoong Superhero

Kulang ang lahat ng pahina ng komiks para isalaysay ang kanyang adventure. Hindi sapat ang wide-screen at 3D para isa-pelikula ang kanyang kagila-gilalas na pakikibaka. Walang action figure ang makakagaya sa maa-aksiyon niyang kilos. Bitin ang lahat ng seasons at episodes ng anumang telepantasya at teledrama sa TV para masubaybayan mo kung paano niya binabaha-bahagi ang kanyang araw at oras.

Hindi siya Ninja pero siya ang palihim na nagligpit ng iyong kwarto, walang-imik na naghugas ng pinag-kainan, walang markang iniwan ng labhan ang maruruming damit at walang-awang tumutugis sa mga lamok na umaali-aligid sa’yo kapag ikaw ay natutulog.

Hindi siya si Spiderman pero daig pa niya ang may walong kamay kung tutuusin dahil sa dami ng tungkulin na sabay-sabay niyang kayang gampanan. Wala siyang gadget na gaya ng kay Batman pero mamamangha ka sa husay niyang gumamit ng sabon at banyera, sandok at kaserola, karayom at sinulid at alam na alam niya ang kilos mo kapag nagsisimula nang mamasyal ang sikmura mo sa Gutom City.

Wala siyang x-ray vision ni Superman pero hindi mo maitatago sa kanya ang nasa iyong kalooban. Kaya niyang maging kasing bagsik ni Incredible Hulk kung may mang-aapi sa’yo. Magiging pagong si The Flash kung ikukumpara sa bilis niyang pumaroon kaagad kapag nangailangan ka ng tulong at wa-epek ang Fantastic Four sa All-in-One na gaya niya.

Flop ang Powerpuff kung ihahambing sa lambing niya at yakap. Ma-sha-shy si Shaider sa armor niyang taglay kumpara sa kayang tiisin ng balat niyang kayrupok,kaytibay. Ipagmamalaki ng X-Men na ex-member siya ng grupo kahit hindi siya mutant.

Mas maganda kay Darna, mas wonderful kay Wonder Woman at mas anghel pa sa Charlie’s Angels.

Sa lahat ng Superhero, siya lang ang nakaka-intindi na mas kapaki-pakinabang ang kapa sa likuran kung gagawing apron sa harapan. Alam din niyang mas anonymous magtago sa tawag na Ina, Inay, Nanay, Mommy, Mama at Mamita kaysa magkubli sa likod ng maskara.

Hindi niya kailangan ng kakalabaning Super Villain pero napakarami niyang pinaglalabanan.

Hindi sa batong nilulunok nang-gagaling ang kanyang kapangyarihan bagkus hinuhugot niya ang lakas mula sa buhay na iniluluwa niya mula sa kanyang sinapupunan.

Costume?

Daster lang. Dahil kahit gaano siya kalakas at katibay, kailangan rin niyang ipa-alala sa atin ang kahalagahan sa kanya ng pagmamahal at pagdamay sa sarili niyang kabiguan at tagumpay.

Mother’s Day every day. Alam nila yun. Pero once a year, binibigyan tayo ng pagkakataon na sabihin sa kanila kung gaano tayo ka-greatful na mukhang hindi nang-uuto. Hehe.

51 responses to “Daster Lang Ang Costume Ng Totoong Superhero

  1. Pa-share ulit idol ha!

  2. ang mga nanay ang totoong blockbuster sa ating mga puso kaya isang masigabong palakpakan para sa superhero ng ating buhay… si nanay!

    ang galing! panalo nanaman ang post mo, duking!πŸ™‚

  3. happy mother’s day sa ina ng pinakamabagsik na artist sa blogworld si “duking” – sikat po ang anak nyooo!!

  4. Walang basagan.

    Mahal ko ang aking nanay. Di ko nakakalimutan na isinasayaw niya ako nong bata ako, ngayong malaki na ako’t nais mamahinga sa magulong siyudad, nagigisingan ko ang kape sa aking kwarto.

    Iisa lang ang ating ina mga minamahal ko.

    Awww.

    • hindi ko akalain na may nanay ka. akala ko talaga, inassembleka lang mula sa tira tirang pyesa ng kompyuter,pramis!

      pero dahil walang basagan, sige na nga…may nanay ka at happy mothers day sa kanya.
      πŸ˜„

  5. happy mother’s day in advance sa lahat ng mga nanayπŸ™‚

    namiss ko naman bigla ang nanay ko sa post na ito kasi kung may regalo na talagang ikatutuwa niya, yun ay daster. Mareklamo siya kapag binilhan mo ng kung anu-ano pero pag ito ang niregalo mo, abot tenga na agad ang ngiti niya.

    Napakwento na yata ako..hahah Happy mother’s day sa iyong mudangπŸ™‚

    • happy mothers day din sa nanay mo madz. at least alam na alam mo ang gusto niya. yung nanay ko, kahit anong ibigay mo, parehas lang lgi ang tuwa niya.

  6. πŸ™‚ ngiti na lang ako. na miss ko bigla si nanay.

  7. Mabuhay ang mga nanay!!!
    salamat sa napakagandang interpretasyon para sa mga nanayπŸ™‚

  8. happy mother’s day!πŸ™‚

  9. happy mother’s day sa nanay mo!

  10. Clap! Clap! Clap! Nice tribute sa mga ina ng tahanan, duking. Bukod sa pagtukoy mo na daster lang ang suot ng isang superhero, nahinuha ko rin dito sa post mo na wala sa costume ang pagiging superheroπŸ˜‰

    Magandang araw, Duking!

  11. Ang mababait na anak na gaya natin ay nararapat lamang na maging Grateful sa ating mga respective nanays, dahil sa kanilang dakilang pagmamahal sa atin, no matter what. yun lang. Bow.

  12. namiss ko tuloy ang aking pumanaw na ina dahil dito. malapit na ang araw ng mga nanay! ang tunay na superheroine!πŸ™‚

  13. hello, duking! ang husay naman nito…

    hindi nakakabili ng nanay sa SM. kaya, dapat everyday i-lab at i-cherish ang ating mga nanay. πŸ™‚

    • masusunod po, kamahalan. haha!

      salamat sa paalala at tagubilin. magandang araw!

      • hey, kamurahan lang ako, ‘no? ikaw ‘tong maraming bansag na superlatives, iginawad ng mga pinagpipitaganang bloggers and to use your term – well-deserved…πŸ™‚

        basta, dapat lab ang mga nanay lagi. “]

      • hoho, kamurahan lang?

        palakpak tenga na sana ako kaso, sa kababaang loob, mas bagay yatang magpasalamat. ang totoo, utang ko sa nanay ko kung bakit ako natutong magbasa at magsulat.

  14. nice..story..I like..

  15. Woah. Ang galing.. Happy Mothers day sa ermats mo Sir Duking. Sa lahat din ng ermats sa buong mundo.

    Ang mga nanay lang ang super hero na walang kahinaan.πŸ™‚

    • kahinaan nila kung makikita nila tayong bigo kaya para sa kanila, kailangan nating maging matatag.

      happy mothers day sa nanay mo,tol!

  16. Very nice…may daster din ako, pantulog. Kaya kahit working nanay ako nakarelate pa rin ako sa mga sinulat mo. Hirap talagang maging nanay. Ngayon nga nakaleave na naman ako sa trabaho dahil pinacheck up si jemjem na may asthma.😦

    Happy mothers’ day sa lahat ng mga nanay na tulad ko.πŸ™‚

    • hehe. hindi ba redundant ang salitang working mother/ nanay? kase ang maging nanay, isa nang malaking trabaho tapos sa gaya mo pang may ibang work. redundant nga, di ba?

      happy mothers day sa’yo at sa mommy mo, miss kaye. hope na gumaling na si jemjem agad.

      para sa’yo at sa lahat ng nanay ang post na ito. magandang araw!

  17. habang binabasa ko to… naisip ko lahat ng ginawa sa akin ng nanay ko… kung ilang beses niyang inayos ang buhay ko…

    ang galing-galing!

  18. Daster lang! Super pa sa SUPER HERO kasi may TLC na kasama…

    super like ko yung komento ni joyo.. parang nanay ko lang din.

    happy mothers day sa mga nanay!

  19. nice entry… pwede ko po ba link ang blog nio sa entry ko? TIA…

    happy mothers’ day sa lahat ng ina, naging ina, magiging ina, at nag-iina-inahan…πŸ˜€

  20. “The suit doesn’t make the HERO. A hero’s made in the moment by the choices that he makes.. and the reasons why he makes them. A HERO brings out the best in people.” – Clark Kent, Smallville

    Palagi mang naka daster ang ating mga nanay, wala man silang costumes, headress o maskara, walang duda na sila ay mga Superheroes. Happy mother’s day sa lahat ng mga nanay. ^^,

    • pagbati rin sa nanay mo,leah!

      itinuturing kong isang pintuan ang bawat komento at puna ng mga first time readers sa sulok na bahagi kong ito ng web. magandang araw!

  21. happy mother’s day sa mama mo at sa lahat ng nanay, mabuhay!

  22. talagang super hero ang ating mga ina…

    Happy Mother’s Day sa mga Super Moms!πŸ˜€

  23. hapi maders day sa nanay mo Duking!!!

    makabili nga ng daster..yun pala ang kulang ko!! bwahahahaha!

  24. maligayang araw ng ina sa lahat ng ating mga nanay!ajah!!!! ^^

  25. api maders day!

  26. ahahaha!! happy mothers day sa ina mu! …
    muli, happy maders day… sa ina muh! hehehehe…

  27. sa unang tingin, akala ko tungkol kay mommy D ang post na’to..πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s