Satire sa Traffic Light

Pagtapos ng pag-ibig o kawalan nito, nang paniniwala at paninindigan, nang kadakilaan at kababawan ng pagka-makabayan, nang pagpapanggap na maalam at pagkukunwaring mangmang- naiiwan ang tanong na saan kaya tayo dadalhin ng panulat? O sa kaso ko mismo, saan kaya ako dadalhin ng pagpipilit kong magsulat (nang may kaunting katuturan, maski papaano)?

Kadalasan, hindi kailangan ng komplikadong panuntunan upang tawirin ang dito at doon ng ligtas at matagumpay. Ang tuso at hangal, mayaman o mahirap, ang sikat at hibang ay nagkaka-pantay pantay sa harap ng traffic light.

Ah, ang traffic light. Apat na kulay na lang, bahaghari na sana, kaunting taas pa, mga bituin na sana sa langit. Pero dahil sa kababaang-loob, pinili niyang maka-salamuha ang sangkatauhan at tumayo sa gitna ng mga daan upang ipangaral ang hatid niyang kaligtasan kung susundin siya ng humahangos na pulutong ng tao na maniniwala sa kanyang hatid na liwanag.

Minsan, naghihintay ka ng palatandaan kung kailan ka susulong o kailan ka hihinto, kung kailan ka dapat magdahan-dahan at palampasin ang maraming mga bagay. Itanong mo sa kaibigan o sa kung sinumang pinagkakatiwalaan mong makakatulong sa’yo at sasagutin ka nila sa magkakaibang pananaw batay sa sarili nilang karanasan at paniniwala. Ang traffic light, tumingala ka lang at sundin mo ang kanyang pahiwatig,alam mo na.

Subukan mong labagin ang traffic light. Hindi ka man maaksidente, may pulis na nag-aabang. Sa kanya ipinagkatiwala ng traffic light ang pagpaparusa at pagpapawalang sala sa sinumang lalabag. Kung makalampas ka naman at akala mo lang na nakaligtas ka na, kai-ingat ka! Posible kang magkaroon ng kanser, maging mongoloid ang anak mo, at mamatay ang alaga mong pusa. Lahat yan, dahil sa traffic light. Eh paano kung nangyari sa akin ang lahat ng ito kahit sumusunod naman ako sa traffic light? Eh, kasi nga, tao ka lang at may mga bagay na traffic light lang ang nakaka-alam!

Pero, surprise! Surprise! Binigyan tayo ng traffic light ng free will para gawin ang mga bagay ayon sa sarili nating paraan. Breaking the red light. It happens. Kahit alam nating mali, lalo pa ngat wala namang nasaksaktan. Free will din ang dahilan kung bakit umabot ka pa sa puntong ito ng kwento ko tungkol sa traffic light kahit pa nga sa likod ng isip mo, gusto mo nang humiyaw ng ‘Blasphemy!’.

Tatanungin mo ako: ‘Eh,papaano naman yung mga lugar na walang traffic light pero hindi naman kinakikitaan ng kaguluhan?’ Sasagutin kita ng ganito: ‘May mga tao kasing hindi naniniwala sa traffic light. Tingin ko, sapat na lamang sa kanila na ingatan ang sarili at ang iba pang tao na nasa paligid nila ng hindi umaasa sa existence ng traffic light o ang kawalan nito. Kung kalabisan mang sabihin, gumagawa sila ng mundong mas mapanuri at maingat, mas mapagbigay at mapag pakumbaba, mas mabuti kaysa sa mga lansangan ng buhay na umiinog ang sulong at hinto sa tatlong kulay ng traffic light.

Ang gulo ng istorya kung paano nag-simula ang traffic light. May Amerikanong umaangkin, may mga taga Europa. Hindi na mahalaga kung sino man ang umangkin, basta ang importante, inimbento ito para sa kaayusan. Isipin mo na lang ang mundo na walang traffic light? Ang gulo ‘di ba?

Kung hindi ka naniniwalang imbento lang ang traffic light, mas mahirap yatang paniwalaan na ang buong kalawakan ay ginawa lang ng traffic light.

Wala ang post na ito kung hindi dahil sa traffic light. Madalas ko siyang tinitingala araw araw. Hindi ko lang alam kung tinitignan din niya ako. Hindi na yun mahalaga. Dahil sa bawat pagkakataon na umaalis ako at umuuwing ligtas sa nag-iisang anghel para sa akin, iyon na ang aking langit.

42 responses to “Satire sa Traffic Light

  1. Base! Yun lang. Bow

  2. sekon beys:-/

    hihihi

  3. gusto kong magkaron ng built in traffic light.

  4. ang galing ng metaphorical entry na ‘to! i so love it. pagkakita ko ng traffic light, vivid na tumatakbo sa isip ko yung mga scenes sa One Tree Hill na may kinalaman dyan. hehe.

    napakagandang analysis ng buhay at ng pamumuhay. ang paniniwala, ang kalayaan, ang pag-ibig, ang pag-asa. pagtigil, pagpapatuloy, pagpaparaya, paninindigan. may tamang panahon, hawak natin ito. mahusay!

    • thanks, miss nalaine.

      natutuwa akong kaisa kita sa mensahe ng post na ito. timing lang talaga ang lahat sa buhay. we risk when we rush at natututo tayo ng halaga ng paghihintay when we know when to stop.

      still, hindi ko pa rin alam kung saan ako dadalhin ng buhay pero in every turn, in every intersection, kung may traffic light, hindi masamang maghintay sa kulay niyang gabay.

  5. Akalain mo yun! Pati nanahimik na traffic light ay nagawan ng analogy?! “Kadalasan, hindi kailangan ng komplikadong panuntunan upang tawirin ang dito at doon ng ligtas at matagumpay. Ang tuso at hangal, mayaman o mahirap, ang sikat at hibang ay nagkaka-pantay pantay sa harap ng traffic light.” (pinakamaganda at pinakamagaling mong sinabi)

    Astig ka talaga. Lalo akong na-iinspire magsulat tungkol sa kahit anong bagay.
    Share ito sa iba Idol ha. Salamat.

    • sir solemn punch, salamat po sa magandang komento at papuri sa aking isinulat. kadalasan, kahit anung bagay lang ang nagiging inspirasyon ko para magsulat.

      natutuwa akong ma-inspire kayo na huwag tumigil o magkulong sa anumang kahon ng panitikan at panulat. magandang araw!

  6. galing naman! wala ako’ng masabi sa ganda ng pagkakasulat.

    • thanks, bino.

      totoo ba ang chismis na may mga maaanghang kang natatanggap na komento sa damuhan? tingin ko, it will spice up yung panulat mo lalo. keep blogging! hehe!

      sayang, di ako nanalo ng domain๐Ÿ˜ฆ

  7. bigla akong napahinto.. parang umilaw ang pula sa utak ko at stop! wag nang mag-isip..hahaha

    built-in ang traffic light pagkapanganak pa lang sa bawat isa.. kung susundin o hindi, o kaya putulin nalang ang kable ng kuryente para sa kalayaan walang pwedeng magkontesta..

    ayoko nang paulanan ka ng kung anu-anong salitang paghanga kapitan hook! sasabihin ko nalang alam mo na yon.

    • whahaha! tama, may traffic light tayo sa sarili nating katauhan. depende na lang kung madalas na naka green. ganun yata yung sa mga taong atat at hyper. hahaha!

      ang lakas mo talagang mang uto. buti na lang uto uto ako.

  8. yun nga lang, minsan anjan lang sa harapan natin ang traffic light, pero eto tayo’t nagbubulagbulagan.

    galing! napadaan lang po๐Ÿ™‚

    • lord CM, salamat sa pagdaan. matigas kasi talaga yung ulo natin minsan. siguro, dala na rin ng thrill or pagmamadali sa kung anu man ang nais nating maisakatuparan at marating.

  9. gusto kong mabuhay sa lugar na walang traffic lights yong walang instructions na sinusunod yong malaya kang magdedecide kong kelan ka magsstop, kung kelan ka maghahanda at kung kelan ka aarya.

    at sa pagkakaalam ko color yellow tlga ung isa don sa mga traffic lights pero pag natatapat ako don tpos tinitigan ko sya orange naman xD

    • pwede naman, anne. basta maging maingat ka lang na baka mapahamak ang sarili mo, lalo pa’t makadamay ka ng ibang tao na nasanay nang sumunod sa rules at flow.

      nga pala, may pakiramdam akong malapit ka nang umuwi.XD

      • cge na nga don na nga ako sa may traffic lights ahahahahaha

        hanggang ngayon pinapakiramdaman ko pa din xD at Duking, hindi ako papayag kung hindi kita masisilayan sa aking paguwi hehehe xD

      • anne, hindi ako pwedeng surpresahin. 2 months before, kailangan ko nang alert. hahaha!

        work reason. kung ako lang, hindi rin ako papayag na dumating ka ng hindi ka man lang nakita.XD

      • ahahahaha 2 months notice tlga talo mo pa meralco xD

  10. ang traffic ng usapan dito ahhh. hehehe

    sa espanya na bawat street ata ay may traffic lights. maganda kung nagkakataon na sunod-sunod na naka-go pero pag hindi nakaka-banas ng todo.

    bahain na at traffic pa.

    mabuhay!

  11. bawal ata ako dito. kasi ang mga pwede lang magbasa dito e may utak hehehe.

    baka sabihin mo di ako nagbasa so eto masasabi ko:

    hindi naten masisisi ang ibang tao kung bakit wala silang traffic light. minsan kahit hindi nila nasilayan ito sa buhay nila o napundi lang dahil sa katotohanan ng buhay, aaminin ko minsan andun din ako sa isang intersection na walang traffic light. may mga bagay kasi na hindi naten maiintindihan kahit anong gawin naten pagdating sa buhay.

  12. Sang-ayon ako kuya Duking na magulo ang buhay pag walang traffic light ^^ Yun lang, sang-ayon lang ako. hihi ^^

    Seriously, ito yung nagpapa-alala ng limitasyon natin sa buhay. Masama kung go lang nang go xD

  13. kuya pasensya na. tanga ata talaga ako. bobo. inutil. palamunin. walang utang na loob at kumakain ng tira tira. hindi ko nagets e. ang tinitingala ko kase lage e yung… ped x’ng.๐Ÿ˜€

    • akala ko dati ang ped x’ng eh tao. eh di mas tanga pa pala ko sayo. mas bobo. mas… ahmmm ok na yun..
      teka magpapaliwanag ako!
      madalas ko alng aksi mabasa ang Peds Xng sa kung san-san na wala namang ibang mga salitang sumusuporta.. at never as in never ko pa nakita yan sa kalsada. hindi ko pa natitingala yan…. gusto ko makakita nyan , one time lang.. matitigan lang lol

  14. may mas malalim na kwento sa likod ng iyong post tol! haha ang astig mo talaga! nasundot nito ang aking kamalayan! =)

    “isipin mo na lang ang mundo na walang traffic light? Ang gulo โ€˜di ba?”

    isang napakaganda at perpektong imbensyon para maging maayos ang sangkatauhan!

  15. Magsulat lang nang magsulat. May mga nangangailangan pa rin gayon din naman na may umaayaw.

    Kamusta parekoy. Balita ko ayos ka na ah. Eh di ikaw na.

  16. Pagkatapos kong makarating sa huling talata, ang masasabi ko lang ay “Salamat sa traffic light”๐Ÿ™‚

    Pero paano kaya dito sa amin, kasi wala pang traffic light dito? hihihihihi๐Ÿ™‚

  17. na touch ako sa traffic light..๐Ÿ˜€ (promise!!!) ahahaha..๐Ÿ˜€ nakikita ka rin ng traffic light..๐Ÿ˜€ ikaw lang ang dahilan niya kung bakit siya nakatayo ngayun..๐Ÿ˜€

  18. nakakatuwa yong traffic light. Nice and unique idea…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s