The Three Blind Mouse

May tatlong bulag na daga ang sabay sabay na nabuhay at sabay sabay namatay ng minsan silang gulatin ng pusa at napatalon sa nilulutong lugaw ni Pura.

Natagpuan nila ang kanilang sarili sa harap ng diyos ng mga hayop upang husgahan ang kanilang naging buhay bilang daga.

‘Sabihin ninyo sa akin ang inyong naging buhay bilang daga at gagantimpalaan ko kayo o parurusahan ayon sa inyong salaysay.’ Paunang salita ng diyos ng mga hayup sa tatlo.

‘Panginoon, ako po ay nabuhay bilang isang bulag na daga. Nangangapa po ako sa dilim buong buhay ko. Nangarap po akong makita maski man lang ang munting liwanag subalit hindi po ito nangyari hanggang sa aking kamatayan. Ito po ang dahilan kung bakit naputol ang buntot ko ng minsang maipit sa mouse trap, nalagas po ang aking balahibo ng masunog dahil hindi ko sinasadyang mapatakbo sa may apoy na kalan at tadtad po ng kalmot ng pusa ang aking buong katawan. Sa pagkakataon pong iyon, nakaramdam ako ng habag sa aking sarili at nagsimula po akong tanungin kung bakit hindi ako ipinanganak na nakakakita kagaya ng ibang daga. Nabuhay po ako ng puno ng takot kung kayat napatalon ako sa lugaw ng marinig ko ang ngiyaw ng isang mapagbirong pusa.’ Ang salaysay ng unang daga.

‘Kahabag-habag ang dinanas mo bilang bulag na daga at sinalaysay mo ng buong katapatan at walang pagkukunwari ang iyong buhay at karanasan. Marapat lamang na mabuhay kang muli bilang isang pusa!’ At masayang lumisan ang kaluluwa ng daga upang sumanib sa katawan ng isinisilang na kuting.

‘Panginoon, ako po ay nabuhay bilang isang bulag na daga. Sa kawalan po ng aking paningin, natutunan ko pong gamitin ang aking pang-amoy at pandinig upang maski papaano’y mabuhay na gaya ng isang normal na daga. Natutunan ko pong tuklasin kung saan naroroon ang pagkain gamit ang aking pang amoy at umiwas sa anumang banta ng panganib gamit ang aking pandinig. Sa gayong paraan po ako nabuhay dangan nga lamang at nasawi rin sa aking pagtatangka na sagipin ang naunang bulag na daga na tumalon sa lugaw ng gulatin ng isang pusa.’ Ang salaysay ng pangalawang daga.

‘Kapuri-puri ang karanasan mo bilang bulag na daga at sinalaysay mo ng buong katapatan at walang pagkukunwari ang iyong buhay at karanasan. Marapat lamang na mabuhay kang muli bilang isang tigre!’ At masayang lumisan ang kaluluwa ng daga upang sumanib sa katawan ng isinisilang na tigre.

‘Panginoon, ako po ay nabuhay bilang isang bulag na daga. Sa kawalan po ng aking paningin, ginamit ko po ang husay ng aking pandinig. Ito po ang dahilan kung kaya’t natuklasan ko sa pamamagitan ng ‘3D Echo Technology…(naks!) na mas mapalad sa akin ang naunang dalawang daga sapagkat isinilang man silang bulag, sila naman ay may buntot at mahahabang kamay na maaari nilang gamitin sa pagtakbo. Ako po ay isang baldado, bulag at dagang tunay na sawim-palad dahil sa aking itsura. Gayun pa man, itinuro ko po sa pangalawang daga kung paano niya gagamitin ang kanyang pandinig at pang-amoy upang mabuhay na normal na gaya ng ibang daga. Gumapang po ako para umiwas sa panganib at halos humalik sa lupa para lamang makakain.Sa gayong paraan po ako nabuhay dangan nga lamang at nasawi habang pilit inililigtas ang dalawang naunang daga. Makakaya ko po sanang iligtas ang dalawa kung hindi lang sa aking pisikal na anyong kinakaharap.’ Ang salaysay ng pangatlong daga.

‘OK…dahil isinalaysay mo ng buong katapatan at walang pagkukuwari ang iyong buhay at karanasan, marapat lamang na mabuhay kang muli bilang isang bulag na daga.’ Tugon ng panginoon subalit hindi agad lumisan ang kaluluwa ng ikatlong daga.

‘WTF?! Hindi lang ako bulag, lumpo pa ako at maiikli ang mga paa at may deformity sa katawan pero ako ang nagturo sa pangalawang daga na mabuhay na gaya ng isang normal na daga! Asan ang iyong hustisya? Asan ang iyong awa? Asan ang iyong Karunungan? At least make me a rabbit or something?!’ Ang galit na hiyaw ng kaluluwa ng daga.

‘At sino ba ang may sabi sa’yong daga kang tarantado ka?!

Isa kang Paniki, siraulong-tanga!

Hindi ko nga alam kung bakit ka nagpaka-gago kaka-gapang buong buhay mo samantalang puwede ka namang lumipad na gaya ng isang normal na paniki. Taenan ‘to, kapal ng fes. Lumayas-layas ka nga sa harapan kong buwakanang-ina ka bago pa kita gawing logo ni Batman. Bwisit!’.

68 responses to “The Three Blind Mouse

  1. Kahit choosy si paniki eh bilib pa rin ako sa kanya kasi nga (kahit sa katangahan) e nakatulong pa rin siya sa ikalawang daga. Yun nga lang nakakaawa siya kasi hindi niya nagamit ang tunay niyang kakayahan bilang paniki nung nabubuhay pa siya.

    Pakisabi wag na siyang magreklamo at sa ikalawang buhay naman niya ay magagamit na rin niya ang itinuro niya sa ikalawang daga :))

    • hahaha. oo nga. at malamang na magiging tigre na rin siya sa susunod uling buhay. yun nga lang, by that time, malamang na tao na ang bulag na pangalawang daga na naging tigre ngayon. short siya ng isang life time.

      • hahaha ok lang yun kahit hindi na siya makasabay sa pagbabagong anyo ng ikalawang daga ang mahalaga mamaximize na niya yung kakayahan niya bilang bulag na daga, o di ba?πŸ˜€

  2. Ahahahhahahaha. Ahahahhahahaha.

    Baka isinumpa lamang yong paniki ng mga itim na engkanto pero ang totoo eh, daga naman talaga siya. Sira-ulo ang diyos ng mga hayop. Hindi ba niya naisip ‘yown?
    πŸ™‚ Musta?

  3. ang kulit ng kwentong to. nice.πŸ˜€

    nakakatawa yung paniki.

  4. taragis!! hahahaha!! paniki pala ang loko! buong buhay nya akala nya daga sya wahahahh!!! astig naman ng pag iisip mo sa kwentong ito duks!!!

  5. eksakly!

    lol

    dapat siguro eh kilalanin muna ang sarili para mas maging kapaki-pakinabang indi lang sa sarili kundi pati na rin para sa ibang tao.

    kitams! galing mismo sa kwento mo… we all need someone to survive in this crazy world. bwahahahahahaha alam mo na un!πŸ˜›

    • salamat sa moral lesson yanah. gusto ko lang magpatawa nung sinulat ko ito. hindi ko akalain na pwede palang kapulutan ng aral. ang problema lang, tinatamad akong yumuko para pulutin ang aral. hahaha!

  6. hahahahahahaha tawa much..

  7. i like the moral of the story kahit pa may pagkafunny ang kwento. I like!!!

    promote: http://www.damuhan.com at http://www.thebumupstairs.com

  8. nyahahaha… nag-enjoy ako sa pagbabasa,,, niyahahah paniki naman pala siya… hehehe hanglalim nung mga unang salita.. sabay WTF.. niyaahahahah katawa

  9. whahahaha… kuya duking ang astig nito. Ikaw na, the best ka talaga!
    pro alam mo napagnilay ko itong post mo, may nasumpungan ako…πŸ˜€
    salamat kuya!

    • wow.natutuwa naman ako na nagkakaroon ng magagandang bagay para sa inyo ang sinusulat ko. it makes me feel and convinced to write more.

      salamat ng marami.

  10. hehehehe, i did not see that coming.

    oi duks. check mo email mo. daliiiiiiii!

  11. ahahahaha ang adik lng ni paniki sa kagustuhan nyang mabuhay sa paraang gusto nya nakalimutan nyang mas maganda kung nabuhay sya bilang paniki…
    yan lng muna babalik ako may tinatapos lng ako…

    salamat sa umagang may ngiti dahil sa kwento mo…

    • nalulungkot ako kase password protected na ang mga blog na madalas kong puntahan. yung sa inyo ni vaj, pareho.

      buti naman at nakapag dagdag ako ng ngiti at saya sa araw mo. masaya na akong nakakapagpasaya rin minsan ang mga sinusulat ko.

  12. minsan ang hirap mag fit in ano? kaya ang nangyayari, pilit tayong “nagiibang anyo” para lang masabing tayo ay “belong”.

    baka naman kase paniki sya sa gabi daga sya sa umaga? hindi naman kase tinanong. nasan ang hustisyaaaaaaa????

    • ayan. mas malalim pang pagninilay tuloy ang ipinataw mo sa komento kaya napaisip ako pansumandali.

      pero naisip ko rin na minsan, we just feel down and low not always because of the things thats happening around us but because we just never see the happy things within ourselves. nakanaks, uminglish pa ako ng komento. hahaha!

  13. hehehe nice one. nagtaka naman ako kung paano sya nakakita sa salamin.
    anyways, nakakatawa at may moral story pa rin.parang kwento ng agila na inakala nyang syay isang manokπŸ™‚

  14. like na like ko yung istorya, panalo!

    mokong din ano, pero baka naman paralisado rin ang kanyang mga pakpak?

    • salamat,hoshi. bulag, paralisado, problemado o badtrip lang, masarap pa ring mabuhay kung alam mo lang sana ang iyong mga kakayahan kaysa sa kahinaan.

      magandang araw!

  15. hahaha. nasira ang digestion ko sa ending.πŸ˜πŸ™‚
    make the best out of yourself. is that what you’re trying to say, kuya?
    magandang hapon.πŸ™‚

  16. hello. baliw ka talaga, duking!πŸ˜€ lahat na lang napag-trip-an mo, hahaha…

    btw, bok, magsasabi ako sa ‘yo. yong isang luma mong entry, idinevelop ko sa isang desperadong tula na mas ewan pa, haha. hwag mo ‘kong sasapukin, ha? sira lang PC namin so, di ko ma-retrieve ang notes ko para sa pre-concieved posts. ang title, Paano?

    btw, baka sabihin mo na namang state of mind ko ‘yon. hindi po. nagsasanay lang ako sa rhythm and rhyme. salamat, duks .

    next time na ako magba-backread pag andar na PC namin. regards, πŸ˜€

    • ok lang. its good to hear na may silbi pa rin kahit paano yung mga luma kong entry. at natutuwa akong malaman na nagsusulat ka rin pala ng tula.

      share mo na lang soon sa mga mambabasa mo yung tula. aabangan ko din. or tapikin mo ako rito kapag na publish mo na. minsan kase naiinip akong mag abang.

  17. Make me a rabbit or something!

    Yan lang ang nagustuhan ko sa buong kwento. At punyeta binasa ko lahat! This is so not me! Haha.

    Pakyu pala Duks.

  18. chedeng…ba’t kaya di ako natawa? O korni lang talaga ako?

    TOINK nanaman reaction ko. maybe i was expecting you’d come up with a stupid endingπŸ™‚ SO YOUUUU Ser Duks, pakotong nga!πŸ™‚

  19. kahapon ko pa to binabalikan, tapos wala man lang akong maikoment..hahahaha, sabay ang utak ko..

    sya nga pala kapitan hook, anong meron sa coke?..binayaran ka ba nila para maging endorser?..hehehe

    • ok lang. maigi nga na hindi ako nasasanay at nape pressure para magbigay ng pinag iisipang reply sa mga pinag iisipang koments.

      yung tungkol sa coke, nag iisip kasi ako ng pwedeng gawing lata na gagamitin sa doodles na lalagyan ng palimos. pepsi sana ang i-ta type ko sa google search ng image kaso mas mahaba yung salitang pepsi kesa sa coke. tamad kasi ako nung nag ta type ako sa search bar.

  20. naimagine ko ang paniki na gumagapang gapang ahaha. nice!

  21. hahaha! loved the ending.

    Sana nacheck mo na ang email mo. hindi galing yun kay Kuhrach. :p

  22. hahaha, natawa ako sa paniki na gustong maging rabbit.
    at with matching reincarnation pa yung naunang dalwang bulag na daga.
    May ganyan kaya sa mga tao na haharap sa lumikha?
    Basta ayokong maging daga.πŸ˜„

    at sila pa la ang may kasalanan sa niluto ni Aling Pura.

    • ayaw mo bang maging kuneho? alam mo naman yung kuneho di ba? sila ang icon ng kalibugan at yung mga ganun. parang sa logo ng playboy magazine. hahaha.

      ako na ang masamang impluwensiya.xD

  23. WTF?!?

    you’re so bangis tol duks!
    teka nga, sino ba unang nahulog sa lugaw ni pura?
    ito bang mga daga o si ador?!πŸ˜€

    nice mice!πŸ˜€

    • medyo magulo ang time line. nauna yata yung daga bago si ador. hahaha!

      salamat tol mikki. nawa’y kinapulutan mo ng aral ang kwento ng lugaw at ng mga daga.

  24. tingen ko may identity crisis ‘yung paniki kaya siya nagka-ganun. tingen ko lang naman.πŸ˜„

  25. haha. galing ng twist. paniki pala. maari rin syang ma relate sa totoong buhay. minsan… para tayong si paniki… tinuturuan natin ang ibang tao kung paano mamuhay.. advice dito advice doon.. pero di pa natin ganap nagagamit ang ating sariling kakayahan o nalalaman kung sino ba talaga tayo. o ano ba talaga. isang hamak na tao lng ba?πŸ˜›

    • isang hamak na tao lang pero ang dami pa sanang maaaring mangyari o magagawa kung matutuklasan lang sana natin yung mas marami nating strenghts out of the weaknesses na meron tayo.

  26. duking ang ganda ng lesson ng kwento mo…may napulot ako..madami,hihihi!!! mga letters…bwahahahaha!

  27. wahahaha!!! ang lakas ng tawa ko!! hahaha!!! grabe.. hehehe.. re repost ko to sa forum namin!! pero lalagay ko na lang link mo ok?.. hehehe…

    nga pala.. duking may bago akong blog home ngayun! daan ka..πŸ˜€

  28. Ayos ang kulit, ang ganda na at seryosong seryoso ang kwento un pala tantado ahihihi… ayos ka talaga Sir DuksπŸ˜€

  29. haha… inanderestimeyt ang sarili pwede naman palang magflylaloo si paniki hihihi…
    minsan yung ang mali sa atin, buong buhay natin puro tayo akala tapos kapag nagising tayo sa hubad na katotohanan eh nagugulantang tayo… parang ang dami nating sinayang na oras at panahon…

  30. Para akong ulol sa office na tawa nang tawa mag-isa nang mabasa ko ‘to. Sana lang papasukin pa ako bukas at hindi ikulong sa mental asylum! Husay mo!

  31. nyeta, nandun na eh.. umi-emo na ko dito eh.. haha

  32. Lupit ng ending boss.. bwakanang paniki nga naman yun oh ambisyoso!

  33. it’s such a shame.. you’re telling God that you have been a blind mouse all your life before you die.. but the truth that you don’t know yourself is you really are a bat and not a mouse..!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s