Mga Kabanata sa Libingan

Naka-belong itim ang nagluluksang gabi. Pipi ang pagala-galang malamig na hangin. Manipis ang talukbong ng hamog na hindi sapat upang ikubli ang kabuuan ng sementeryong libingan ng hinagpis ng mga mahal sa buhay na maagang inulila ng ala-ala nang mga naiwang buhay.

Umingit ang trangkahang bakal ng nakasaradong pintuan sa entrada ng libingan. Ingit na parang palahaw ng isang inang iniluluha ang kasawian ng anak. Saka niya nakita ang aninong may hila-hilang kabaong. Ang nakababahalang kalampag ng kabaong sa mabatong daan ay sumasabay sa kabog ng dibdib niya habang minamalas ang di-tipikal na paghahatid sa huling hantungan na kasalukuyang ginagawa ng may-ari ng anino.

Gumuhit ang kidlat na pumunit sa kurtina ng karimlan. Muli nitong pinatay ang dati nang patay na puno ng kakwate. Lumipad papalayo ang kuwagong nakadapo rito na isa pa sanang saksi sa misteryong nagaganap sa libingan. Dagling nawala ang liwanag subalit isinilang nito ang isang santelmo. Ang dila ng apoy na tila may buhay na lumapit sa kabaong na tipong winawari sa pusikit nitong liwanag ang sawim-palad na katawang lulan ng kabaong. Saka nito inikut-ikutan ang may-ari ng anino.

Si Simoun. Ang alaherong si Simoun!

Nabitawan niya ang hawak na bote ng alak sa pagkabigla. Naging sanhi ito upang magtama ang kanilang tingin ni Simoun. Binunot nito ang isang rebolber saka marahas na tinungo ang kanyang kinaroroonan. Ini-umang nito ang baril sa kanyang noo at narinig niya lagitik ng pag-kasa. Na-umid siya sa takot. Saka muling pinunit ng kidlat ang kurtina ng dilim kasabay ng kislap ng pulbura mula sa rebolber. Kasunod nito ang dagundong ng kulog na lumamon sa alingaw-ngaw na likha ng putok ng baril.

Sapat na ang mga hiram na liwanag na iyon para makilala siya ni Simoun.

‘Elias?’ Binitiwan nito ang baril saka dagling dinamayan ang agaw-buhay na si Elias.

‘C-Cr-Crisostomo…I-Ikaw…Ikaw nga!’

‘Inakala kong nasawi ka sa engkwentro doon sa Ilog, Elias!’

‘Hindi subalit pinilit kong …pinilit kong limutin ang lahat ng sakit…at…at mabuhay mag-isa…sa…lugar na walang makaka-alala ni maka-kikilala sa…sa akin…’

‘A-Ang tadhana…pinaglalaruan..n-ni..ya ang ma-mga…sawim-palad na…na Anak ng Buhay…’

Nalagutan ng hininga si Elias sa bisig ni Simoun. Namaybay sa pisngi nito ang piraso ng mga luha. Agad niya itong sinahod sa gintong kutsara na naging makikinang na brilyante pagdaka. Isinilid niya ito sa supot na itim kasama ng mga brilyanteng iniluha niya sa kamatayan ni Maria Clara, ang di-makatwirang wakas ng kanyang Ama, ang kasawian ng kanyang mga pangarap at kalapastanganang sinasapit ng kanyang Bayan.

Nang gabing iyon, tatlong hukay ang ginawa ni Simoun. Tatlong libingan na walang pananda. Pinababanal ng mga kaluluwang walang pangalan ang rebolusyon. Tanging kalayaan lamang ang makaki-kilala sa mga walang markang libingan na naging martir sa kanyang pangalan. Muling tinamaan ng kidlat ang puno ng kakwate at pumailanlang sa dilim ang dalawa pang santelmo na lumibot sa mga libingan saka tuluyang naglaho.

Nang gabing iyon, sapat na ang kayamanan ni Simoun para subuan ng gatong ang ningas ng rebolusyon. Hindi na niya kailangan ang mahiwagang gintong kutsara. Naglalaro na sa isip niya kung sino ang higit na may kakayahang mag may-ari nito.

Umaga. Naka-ngiting sinalubong ni Pilosopo Tasyo ang halik ng araw sa kanyang kulubot na balat nang nilagyan niya ng tukod ang pasimano ng bintanang kanyang binuksan. Nahagip ng kanyang nanlalabong paningin ang makislap na bagay sa tapat ng kanyang bakuran. Iyon ay hindi iba kundi ang mismong mahiwagang gintong kutsara ni Simoun.

Nanginginig ang kamay ng matanda nang damputin ang kutsara.

‘G-Ginto?!’

‘Kay bait talaga ng langit sa dukhang kagaya ko…’ Nalaglag ang butil ng luha ng kaligayahan mula sa mata ng matanda. Tumama ito sa kutsara at kumalansing kasabay ng pagiging brilyante nito.

Dinampot ng matanda ang brilyante ng may pagkamangha. Sinuri niya ang brilyante saka marahang isinilid sa kaliwang bulsa at sa kanan naman ang gintong kutsara.

‘Oras na para alamin kung magkano ang tumpok ng sibuyas…’ Sa isip-isip ng baliw at ng pilosopo. Saka nito sinulyapang muli ang dakong sinisikatan ng araw.

 

52 responses to “Mga Kabanata sa Libingan

  1. Hindi ko naintindihan. Maski nung highschool hindi ako nakikinig sa El Fili. Buti sana kung hot si Simoun. Haha.

    Bago ko malimutan. pakyu Duks. Bwahahahaha.

  2. Huwag sanang maging huli ang pag-ibig na inilaan para maisalba ang buhay ng naghihingalong bayan.

    • walang huling pag-ibig para sa nagmamahal sa bayan.

      laliman mo pa,kulisap. ni hindi mo pa nababak-bak maski man lang ang kimpal ng kalawang sa kalawanging pahiwatag ng akda.

      laliman mo pa. lalim pa….syet!

      • Ito nasa kailaliman na ako pero muli ay ibinabalik ako sa paglangoy sa kumunoy ng pagdurusa at awa para sa bayan.
        Pag-ibig mo ang kailangan ko.

  3. natuwa lang ako sa santelmo biglang bumalik sa isip ko ang mga kwento ni PEDRO PENDUKO. ^ ^

  4. base! hindi ren! haha

  5. andaming simbolismo ang napulot ko sa kwentong ito kuya duking. nabuhay muli ang mga karakter na minsang hinangahan, kinasuklaman, kinagalitan, nagsindi ng kamalayan, pag-iibigan, pag-asa at pagkakaisa.

    *kaway-kaway kuya duks!

    • anu anung simbolismo ang nakita mo,pong? natutuwa akong malaman na tinignan mo ang kwento ng dilim at kamatayang ito ng higit pa sa pinilit kong isaad sa pagitan ng mga salita.

      ikaw at kagaya mo ang dahilan kung bakit masarap magsulat ng mga akdang nakakapiga ng utak at nakakapagpalaya ng imahinasyon.

      salamat,pong,ianjudah…whatevs

  6. Muling tinamaan ng kidlat ang puno ng kakwate at pumailanlang sa dilim ang dalawa pang santelmo na lumibot sa mga libingan saka tuluyang naglaho.

    akala ko, lightning don’t strike the same place twice..

    natawa ako sa comment ni vajarl kase hindi ko rin naintindihan. haha! basahin ko ulit baka magsink in na. ๐Ÿ˜›

    magandang sunday kuya!

    • ah,kasabihan kasi yun. lightning don’t strike the same place twice. pero ang totoo, maraming ulit niyang pwedeng mahagip ang iisang lugar. yun ang principle ng lightning arrester sa mga buildings. ok,paliwanag pa ako con todo. hahaha. wala lang. gumagamit kasi kami ng device na yan dito sa work kaya alam ko na paulit ulit silang tinatamaan kapag malapit ang kidlat sa lugar namin.

  7. nahook naman ako dito hehehe

  8. hello, duking.

    editing, editing ang kailangan para pormal ka nang makapaglimbag ng rewritten philippine history, ho, ho… ๐Ÿ˜€

    mabagsik, mabagsik ang bahaging ito ng kasaysayang tinuuan mo ngayon ng pansin. akala ko noong una, opening act ng A Series of Unfortunate Events, hi, hi…

    salamat naman at muling umandar ang iyong pluma.๐Ÿ˜€ ako ay babalik at igo-google ko muna kung ano baga iyong santelmo. :s

    • hehe. hayaan mo na lamang na isiping ito nga ay bahagi ng el fili, kapangahasan mang ihilera ko ito sa nobelang sinulat ni Gat Jose Rizal. Hindi naman bahagi ng kasaysayan, gusto ko lang subukan kung paano ko lalagyan ng twist ang mga kabanatang pinag-aralan naman nating dati lahat.

      hindi mo alam ang st. elmo’s fire? sige google mo muna. magandang araw~

      • hey, duking.

        na-google ko na that same day. tagalog lang pala ng st. elmo’s fire. bah, one of my favorite movies ‘yon. flashback na flashback ng isang lumang era… :]

        paborito ko ang dalawang novels na ‘yon ni rizal. tapos, when i was in high school, yong lola-lolahan ko sa city, niregaluhan nya ako ng english edition, hardbound ng noli and el fili – ang ganda. binasa ko, siyempre.

        btw, merong isang american editor na nag-endorse kay rizal during his time, hindi ko sure if si william dean howells ito. kaibigan sya ni mark twain. i think both of them spoke and wrote favorably about rizal and philippine independence in certain articles.

        ‘yong kay howells, may salitang chair sa title ang article nya, parang sinasabi nyang itataya nya ang editorial chair nya but young, promising writers like rizal should be given a chance sa mainstream publication. astig, di ba? iyon po…. ๐Ÿ˜€

  9. naduduling ako ng hindi sinasadya sa pagbabasa ko. hahaha. pero nung nabasa ko ang simoun.. bigla kong naisip ang el fili.. pero baka hindi rin.. binasa ko pa.. tapos… binasa ko.. bakit may elias..bakit may crisostomo..at maria clara.. lol…

    nahirapan lang din talaga ako intindihin..ang lalim kase ng tagalog.

    • pasensiya ka na kamila kase sa wikang tagalog lang ako may lakas ng loob para gumamit ng maririkit na salita.

      maganda ang saysay at naging bahagi ng el fili at noli sa ating kasaysayan. tunay talagang magagaling ang mga Pinoy kahit pa noong panahon na tinatawag tayong indio ng mga mananakop.

  10. AT sa pagputok ng sinag ng araw
    Mapapawi din ang aking uhaw
    …………………..uhaw para sa minimithi nilang kalayaan
    …………………..uhaw para sa ninanais kong paghigantihan
    …………………..uhaw na lilimas sa ipinagkait ng langit
    Ngunit aking aangkinin, ng buo.
    BUONG-BUO.

    Naubos na ang galit, bagaman ang mga luha
    Ay mananatiling ala-ala ng kung anumang nakuha
    …………………mula sa kanila ng mga Espanyol na prayle
    …………………mula sa akin ng alta sociedad
    …………………mula sa amin na tila ma’y walang pupukaw
    Ay maibabalik ng mga brilyante
    Na nasa sisidlan na dala ang bukas.

    OO, ANG BUKAS.

    (Idol, sa utak mo ata nailimbag ni Rizal ang nawawalang chapter ng El Fili. Wa padin ako masabi, galing galing, taenang yan)

    • thank you essa!

      para sa malalim na komento ng pagpapahayag mo ng saloobin ukol sa nilalaman ng akdang ito. kung bakit kasi kailangan ko pang daanin sa kwento ang lahat ng bagay na pwede ko namang sabihin ng tuwiran at gayun na lamang pero hindi ko magawa-gawa.

      napapasuot tuloy ako sa kung anung kwento na dati pa namang na kwento. ah, binigyan ko ng dahilan kung saan galing ang kayamanan ni Simoun. Isa pala yun sa naglalaro sa isip ko ng i kwento ito.pero marami pa, maraming marami pa.

      • huling tanong, idol. gusto kong interbyuhin si simoun ngunit dahil wala sya, ikaw nalang na sumubok na arukin ang mga “kaloohan” niya:

        magagamot ba ng rebolusyon ang mga sugat? mapapawi ba ng pag-aaklas ang sakit ng lumipas?maibabalik ba ng pagkamatay ng maraming Pilipino ang buhay ng isang Maria Clara?magagawa bang maitama ang isang mali gamit ang isang pang mali?
        kaya mahal na mahal ko yung ending ng el fili, nung nasa bingit na ng kamatayan si simoun at kausap niya si padre Florentino (tama ba ang pagkaka-alala ko sa name?). anyway, sa parteng iyon naiparating ni Rizal ang kabobohan ng isang rebolusyon, hindi ba? pero sasang-ayon ka ba sa akin kung sasabihin kong kalahati ng pagkatao ni Rizal ay nagnanais ng isang rebolusyon noon, pero siguro iniisip niya’y di pa handa ang mga repapips niyang Pinoy?

        ang hirap intindihin ang utak ng isang henyong tulad ni Rizal. tae, sana makapag-explain siya one of these days kung ano ba talaga tumatakbo sa utak niya noon.

      • kapangahasan kapag sinagot kita sa punto de vista ni pepe,instead, sa punto ko na lang bilang ako. at least mapapatawad mo pa ako kung maging salungat ang paliwanag ko kaysa sa inaasahan mong isasagot sa’yo ni pepe marahil.

        sa kapalaluan ng taong hanapan ng hustisya ang kanyang kasawian at sa isang panahong ang lahat ng katwiran at prinsipyo ay nauuwi lamang sa pagsusulong nito sa paraang taliwas sa kinikilala at umiiral na batas ng tao, isinisilang ang rebolusyon.

        at bakit ko sinabing kapalaluan?dahil kung magtagumpay man ang isang rebolusyon, lagi’t laging may isa na namang rebolusyon ang isisilang mula sa katwiran at prinsipyo ng tao. hanggat ang tao ay tao. ayun nga siguro ang kalahati ng pagkatao ni pepe. marahil, nakita niya ang maraming umaga na higit sa nakikita lang noon ng mga taong nagsusulong ng rebolusyon.

        personipikasyon lang marahil si maria clara ng inang bayan sa akda ni pepe. ang laging mahinhin at dalisay na pag-ibig. marahil,marami pang karakter doon ang sumasalamin sa kasalukuyang lagay ng bayan noong panahong iyon. at sa tingin ko, nabubuhay pa rin sila hanggang sa kasalukuyang panahon. kahit sa bawat isa sa atin, laging may simoun na rebolusyunaryo at ibarrang naninimbang ng katwiran.

  11. Hmn, makapag-treasure hunt nga para makita ang gintong kutsara at ang dyamanteng luha ni Ka Tasyo hihihi๐Ÿ™‚

    Incidentally, ako ngayon ay nagbabalik sa pagbabasa ng Philippine classics. Nakapila ang Noli at Fili dahil kasalukuyan kong binabasa ang Florante at Laura๐Ÿ˜‰

    P.S.
    Pakikumusta na lang po sa double dead nang puno ng kakawate๐Ÿ˜€

    • masarap pa rin talagang magbasa ng mga classic. hindi sa libro pero sa mga pelikula, nagpapa-ulit ulit ako minsan ng panonood kapag gusto kong maglibang.susubukan ko rin minsan sa libro kaso nga lang, mahaba kasi ang oras na kailangan.

      kinamusta kita sa puno ng kakwate.huwag ka raw mabahala sa kanyang kalagayan. sa susunod raw niyang buhay, magpapalit naman sila ng papel ng kidlat.hehe!

      • yes, mahaba nga lang ang oras na kailangan sa pagbabasa ng aklat. Pero ang ginagawa ko, hindi ko minamadali ang sarili ko, kung hanggang ilang pahina lang ang kaya ng oras ko, ganun lang๐Ÿ™‚

        Balitaan mo ako kapag naging kidlat na ang kakawate at naging kakawate na ang kidlat๐Ÿ™‚

    • haha… natawa ako rito. kakawate ay parang karne sa palengke.๐Ÿ˜€ sabagay, importanteng concern ang pagka-double dead, hi, hi…

      duking, di ba ang kakawate ay madre cacao? iyon nga ba ‘yon? :s

  12. dahil napatanga ako at sa totoo lang kelangan ko syang basahin ulit para maintindihan ng lubusin at mukhang may assignment akong halukayin ang Noli at El fili.. aminado akong favorite subject ko ang history pero di ko sinama na basahin ng matino ang akda ni Rizal..hehehehe

    magcocoment nalang ako saa kakawate.. mabuti nalang pinatamaan mo sya ng dalawang beses ng kidlat.. amanos na kami..hahaha, may galit ba daw sa kakawate.. yan ang dahilan bakit di ko naabot ang target average score ko sa board exam..hehehe

    • nyahaha! may masama pala kayong history ng kakwate. ayan kasi. mukhang mas kinilala mo ang siamea kesa mismo sa mga punong pamilyar tayo. hehehe!

      pingahasan kong gumawa ng kwento na basa sa mga karakter ng fili at noli hindi dahil sa kabisado ko ang kanilang istoraya kundi dahil sa mismong mga karakter na naroroon. walang assignment. pasado ka na with flying colors dahil sa effort mong unawain ang kwento.

  13. ahehehe… mah fav noong high skul..
    noli at el fili… wahh… sad story toh.. hmmm.. naalala ko tuloy ang nakalipas…
    nakakaiyak na nakaka inspire and libro ni Gat. jose Rizal wuuhh.. galing mo master duking…

    natutuwa ako at merong kagaya mo na tumatangkilik pa rin sa kanya at sa mga gawa nya… sa panahon ngayon… misan nalang ang nakaka-alala sa mga bayani noong unang panahon sa kanilang mga sakripisyo at kadakilaan…

    bow.. you rock Master Duking…

    • narinig mo na ba ang chismis na dahil wide reader daw si pepe, maaaring halaw sa kwento ng count of monte cristo ang noli at el fili. kung may makikita kang sipi ng count of monte cristo, iminumungkahi kong basahin mo at pag-aralan kung nasaan ba ang mga pagkakatulad sa kwento.

      all in all, hindi maaaring ikaila ang husay at talino ni pepe. siya kaya ang ‘pride of the malay race’.

      huwag mo kong tawaging master sabi eh. baka akala nila ikaw si jackie chan na nagpapaturo ng kung-fu. kuya duks na lang. ok na yun.

      • oo, masasabi talagang may pagkakapareho. parehas na inuumaga ang dalawang bida sa magaibang nobelang ito kakaisip ko paano sila makakapaghiganti. nakakatawa noh, idol, seryoso, parehas ang mentality ng noli-el fili at count of monte cristo๐Ÿ™‚
        wala di palang originality si pareng rizal๐Ÿ™‚

  14. Binasa kong buo to kahapon, baket wala yung comment ko? Ay, di pala ko nagkoment. ;p

  15. akala noong binabasako ang unang talata, hmmm…nahuli ata ang pang-undas ni ka duking a…ngunit, palalim ng palalim ang kuwento hanggang bumalik sa panahon ng kastila…ang el fili ni Gat Rizal…tapos, biglang aangkat ata si Tasyo ng sibuyas ha ha…nahilo talaga ako…toinks!

  16. ang lalim naman nito… dumudugo pa ang ilong ko… ayos ang twist ng istorya…

    at gaya ng dati, isa itong matalinong poste. maraming simbolismo. nag-iiwan sa mga mambabasa ng mga palaisipan. ano ang luha? ang brilyante? ang gintong kutsara? ang libingan? ang bintana?

  17. ay. na-miss ko ang noli at el fili.๐Ÿ™‚

    P.S.hindi naman baliw si pilosopo tasyo, diba? akala lang ng mga tao kasi hindi nila kayang sabayan ang pag-iisip ni tasyo. mas matalino kasi siya kumpara sa iba niyang mga ka-nayon.๐Ÿ™‚

  18. honestly, isa na naman ito sa mga kwento mo na hindi ko malaman kung ano ang talagang mensahe.
    ang sibuyas na lamang ang aking naging daan para maarok ko na baka sa gitna ng libingan at mga pamilyar na pangalan nila Elias, Simoun at Crisostomo ay naghahasik ka lang ng kabalbalan. hehehe

    siempre nawa’y tanggapin mo ang aking paghanga sa iyong makabagbag damdaming dibuho. hehehe

    mabuhay!

  19. Pasensya na kasi hindi ko pa po nababasa…

    pero lumelevel-up yung drawing/GIF mo. cool.

  20. ang lalim sir nahirapan ako hehehe pero ang galing talaga ng pagsusulat nio saludo ako sayo!

  21. kakaiba ka pa din duking, tuloy pa din ang iyong pagsulat sa kabila ng lahat, na madami ng hindi nagbabasa ng blog kumpara sa nakaraan at sa dami na din ng mapapaglibangan sa face book, saludo ako sayo.

  22. hi duking! matagal na akong di nakadaan sa blog mo. namiss ko ang mga posts mo! and this time it’s after the characters of jose rizal! wooohooo! super lalim! hehehe.

  23. galing na ako d2 nong march 6 na pinost mo ito di ako nagcomment kasi naman walang pumasok sa ulo ko tpos pagkalipas ng ilang magdamag bumalik ulit ako wala pa din tuyong tuyo ang damdamin Ate charo wala kahit kaunting patak ng bakuna

    parng nanood ako ng indie film pero binasa ko dalawang beses nagustuhan ko ang inilathala mo wala lng akong masabi tlga…:-)xD

  24. una..mahal ko yung dodol mo ngayon!

    padalawa..hinihintay kong lumabas si Sisa para hanapin si Basilyo at Crispin!

    pantatlo..may kwento akong narinig dati na may kayamanan daw talaga sa pinag lulubugan ng santelmo..kung saang lugar sya nawala!

    pang apat!! sowee pero sa sobrang lalim ng kwento eh hindi kaya ng utak ko..lumabas sa tenga ko yung dugo =(

    ang haba ng comment ko wala namang kwenta lahat..ahahaha! At dahil sa Noli kwento mo eh ipopost ko yung Rizal Park dito sa Germany,hehehe

  25. sa mga huling commenters na hindi ko na po personal na nasagot. maraming maraming thank you.

    sasabihin ko na lang kung ano ang naglalaro sa isip ko nung sinulat ko yung kwentong ‘to.

    tama si pong at si lipad laya. gumamit ako ng simbolismo sa kwento. naisipan kong walang higit na babagayan ang kwento kundi mismo ang noli at el fili na pamilyar naman sa ating lahat. hindi ito opisyal na bahagi ng anuman sa dalawang akda subalit kathang isip lamang at ako mismo ay naguguluhan sa mga pangyayari at karakter dito,hehehe!

    gusto ko lang sanang iparating na ang isang simpleng mensahe. hindi natin kailangang iluha ang lahat ng bagay at pag daanan ang sakit para lang sabihin na ito ay bahagi ng magagandang mga bagay at pagsisimula ng pagbabago. sa kaso ni simoun, bakit nga kaya kailangan niyang maag ipon ng poot at luha ( na iniisip kong mula roon niya hinubog ang laksa niyang yaman para simulan at pondohan ang planong rebolusyon) samantalang ang taong may malinaw na isip, mag gagayat lang ng sibuyas.

    walang taong hindi nakaranas ng kabiguan,masaktan at masawi. lahat halos, nilulugmok ng lungkot in one point sa buhay. kadalasan, mas madaling sisihin ang sistema at sitwasyon kasama ng mga taong kasangkot nito pero tingin ko, may malaking bahagi tayo sa kung anuman ang pagdaraanan natin. although may mga shit na wala tayong control. at mas malawak na paliwanag na ang kailangan noon na hindi ko na kayang i explain sa kulang na kakayahan ko.

    salamat sa lahat ng nag komento. magandang araw sa lahat!

  26. shaks! pati comment mo malalim…

    tagay?

  27. magandang araw duking! nakakamiss ka naman? hehehe.๐Ÿ™‚

    mas gusto ko ang noli kesa sa el fili, masyado na kasing black at puno ng angst at hatred and el fili eh. wala lang. pero mas gusto ko ang subject na rizal kesa sa 2 niyang novels. intriguing kasi buhay niya eh.

    pero lam mo sabi sa amin dati ng guro namin sa creative writing nung highschool ako, si Rizal daw ay hindi magaling na manunulat, nagkataon lang daw na napapanahon ang kanyang nobela nung time na yun. he is a mediocre writer at the right time daw. ginaya pa nga daw niya ang concept ng Count of Monte Cristo. Tingin mo?

    Ako tingin ko, magaling pa din siya at henyo.๐Ÿ˜€

  28. ang ganda ng pagkagawa ng sementeryo at ng kidlat epek.
    sana e itong mga kwentong ito nalang ang ipagduldulan sa atin sa mga telenobela at hindi ang mga kwento na binili sa ibang bansa.

    mapapahalagahan na ang sariling atin, lubos pa nating mauunawaan ang kwentong ito.

  29. at talagang napaisip pa ko kung bakit pamilyar ang mga characters.. haha sa ibong adarna ko yata sila nabasa.. peace! :)>-

  30. bakit wala pang bago
    namimiss ko na si Kuya Duking!
    Baka nikuha na siya nung kidlat!
    xD

  31. ang gulo gulo po nito ang hirap maintindihan. pipilitin ko pong intindihin. give me 5 days.

    nakikiraan lang po

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s