Nang Chinorva ni Ares ang ma- Eclavung si Kupido…


Nanaginip akong nakatayo sa tuktok ng Mt. Olympus.
Narinig kong nagtatalo si Ares at si Kupido.
‘Pag-ibig!’
‘Digmaan!’
‘Pag-ibig!’
‘Digmaan!’
Nagpapalitan sila ng dumadagundong hiyawan.
Saka ang halakhak ni Ares ang nangibabaw sa palahaw ni Kupido…

Malinaw sa akin ng gilitan ng leeg ni Ares si Kupido at binalahibuhan ang pakpak saka minarinate sa ‘mama sita’s barbeque sauce‘. Ilang sandali pa, nakita kong tinuhog niya ito sa pwet at nilitson gamit ang apoy mula sa sarili nitong balahibo.

Sumakay siya sa kanyang karwaheng-pandigma at mabilis na pinuntahan ang lahat ng bagay na may kinalaman sa Valentines.

Nakita kong sinunog niya ang sinehan na plano sanang magpalabas ng mga romantic movies. Isa isa din niyang pinaputok ang mga lobong kulay pula na hugis puso saka nilublob sa tae ang lahat ng bulaklak. Hindi pa siya nakuntento.

Nilamutak niya ng kanyang kamay na duguan ang lahat ng chocolate, binulatlat na parang baliw ang mga lamang loob ng stuff toy saka hinipan ang mga ito sa lahat ng magkasintahang nakatakda na sanang mag-halikan. Napuno ng bahing ang paligid imbes sana matatamis na ‘i love you‘ at ‘i love you too‘. Hindi pa siya nakuntento.

Nilusong niya ang Manila Bay saka inihian ang sunset hanggang sa mamatay ang lamlam nito at saka lumipad sa buwan at tinapyas ito hanggang maging square saka pininturahan ng dilaw na animo’y higanteng si sponge bob square pants. Winakasan niya sa isang iglap ang romantic na sunset at lover’s moon. Hindi pa siya nakuntento.

Binutas niya ang lahat ng condom. Sinigurado niyang unwanted child ang lahat ng ipanganganak sa November. Pinuno din niya ng surot ang lahat ng bedsheet sa mga motel at ipinang-toothbrush sa kanyang alipunga ang lahat ng kasamang libreng toothbrush na naroon sa mga lugar na iyon. Hindi pa siya nakuntento.

Ginawa niyang first class jejemon writing ang lahat ng love letter at Valentine’s card. Pinalitan din niya ng ‘tina-tagyawat ka ba sa mani?’ ang lahat ng love quotes na pinapadala sa text at saka pinag bantaan ang lahat ng romantikong blogger na gaya nina ****, ****,at **** na ire-reroute sa ‘hate blog‘ ni **** ang lahat ng gagawa ng romantic post ngayong buwan ng Valentines. Hindi pa siya nakuntento.

Ginawa niyang ‘Apapa-um-mamaw‘ ang lahat ng love song. Binastos ang lahat ng romantikong tula sa tulong ni *** at saka ginulo ang mga JS prom sa pamamagitan ng pag-hiyaw na nalunod sa tasa ng kape si ‘Dwarfina’ at kailangan ng tulong. Naiwan ang mga babaeng hindi man lang nahimas ang mga hita sa loob ng kanilang mga gown. Sumunod naman niyang hiniyaw na kailangan ni ‘Machete’ ng taga-pahid ng baby oil sa katawan kaya’t wala nang natira kundi ang mga tomboy. Ginamit na niya ang huling baraha dahil dito- ‘Baker King’ na! tuluyan nang naiwan ang strobe lights at ang kanta ni Justin Beiber na parang gago.

Saka niya binalikan ang nilulutong si Kupido para alamin kong tender and juicy na ito.

‘Bakit mo sinira ang Valentines?’tanong ko.

‘Hindi ko sinira ang Valentines…sinira ko lang ang ilusyon mo ng Valentines!

‘Masdan mo!’ Dinala niya ako sa harap ng palangganang pinag-sahuran niya ng dugo ni Kupido. ‘Ano ang nakikita mo?’

‘Dugo! Ayoko ng dugo! Yuckkk!’

‘ Tama…dugo. Dugo ng digmaan ng sarili mong puso. Digmaan ng kahapon mo at ngayon. Digmaan ng iyong takot at pangamba. Digmaan ng ilusyon mo at reyalidad. Digmaan ng pangarap mo at kabiguan! Digmaan! Digmaan! Digmaan! Subalit kung mamasdan mong mabuti, sa paghupa ng digmaan sa loob ng puso mo, makikita mo ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.’

‘Aba oo nga, teka…eh…nakikita ko lang ay ang repleksiyon ng sarili ko?’

‘Exactly…’Di ba nga…“lernin’ tu lab yurselp isda greytes labopol!” Kapag mahal mo na ang sarili mo, mas madali nang mag mahal ng iba.’

***

Happy valentines sa lahat! Nawa’y bumukal mula sa ating mga sarili ang hindi kailanman matutuyong balon ng pag-ibig!

95 responses to “Nang Chinorva ni Ares ang ma- Eclavung si Kupido…

  1. yehey! BASE!! HAPPY VALENTINES muna!! basa mode!

  2. WOW parang si grinch lang ah! ^^ february edition!! ^^
    galing galing!!!

  3. ang ampalaya..

    pero naintindihan ko….

  4. agree ako kay kuya bon, da grinch who stole balemtayms…

  5. ang galing, panalo!!! kawawang kupido, binarbeque! tsk!

  6. ba’t hinayaan maglaro sa loob ng microwave si kupido?

    di nga ba ang pag-ibig digmaan ng damdamin at isip?

    hapibalentayns!

  7. NyAhaHah!!! SanG ayoN akO sa PosT na Ito!!! ahHahah! taE taLaGa siKuLikuLi!! ahHahA! ..

    naTurAL lAng na DapaT mahAL mo anG saRiLi mo, baGo ka maGmaHaL nG iBa..

    HaLeR?.. Yu Ken nAt giB wAt yU doN haB!

    bAGo LaNg atA akO diTo?..

    kaWay pApA duKs!

  8. happy balemtayms?๐Ÿ™‚

  9. ang tapang ng bitterness sa pagkaka-illustrate, pero katulad ni ate yanah, naintindihan ko ren.

    • madali lang namang maintindihan…very basic kasi ang pag mamahal sa sarili. tingin ko, hindi unselfish na unahing ibigin ang sarili saka ang pagmamahal sa iba.

  10. anader greyt post by da wan en onli king Duks!๐Ÿ˜€

    ‘di mapantayan ang paglalagay ng malalim na mensahe sa likod ng bawat poste…

    hapi balentayms!!!

    ๐Ÿ˜€

  11. romantiko pala aq ahahah!
    date nlng tyo kuya dukz pra mapalitan ng asukal ang ampalaya ehehe..
    ay baka nkareserve kna ky salbe,xge chaperone nalang๐Ÿ˜€

    hapibalentayns!! mwaaahugz!

  12. happy valentines day sa iyo duking๐Ÿ™‚

  13. Astig… panalo ang poste mo sir duks! may mapupulot din palang aral sa huli, like na like ko ung matutong mahalin ang sarili para madali ng magmahal sa iba! panalo ito hehehe… anyway hindi naman ako makarelate pagdating ng araw ng mga puso ahihihihi๐Ÿ˜€

  14. ahaha. putangina, parang ganito lang yung unang-unang poste na nabasa ko sa unang bahay ni j-kul nang una akong maligaw hahaha. puta ka duks, inuubo ako bigla ako napatahol..

    • hakhak…di ko nabasa yung mga unang poste ni jkul. si jkul pala talaga ang ninuno ng mga posteng walang hiya sa blogsphere! salamat sa impormasyon. alam ko na ngayon kung sino ang kauna-unahang gumawa ng basura sa blog.

  15. the grinch, araw ng pag-ibig edition! mairepost ko nga yung entry ko nung pakontest ni kuya kulisap about Pag-ibig!
    And the world will be a better place…put a little love in your heart!
    God is love!
    =)

  16. lupet mo talga duks! nagmadali pa ko sa comments, wala pa pala sila vaj at Tito J. hehehe.. parang magkapatid ung Grinch version mo at si Ares sa taas.
    napaka-ironic mong mag-isip…

    • hahaha…talagang ironic minsan pero sana mas madama natin yung punto ng mga bagay kung bakit ginawa yun ni ares at ni grinch. at sana….sana…sana…. tama ako kahit papaano.

  17. kasama talaga kami sa gagawa ng love post? hehehhehe

    ikaw na ang ironic kuya, pero tama ka, da greytes lab op ol is learn to love yorselp.. ay ewan basta ganun.. kaya nga mahal ko ang sarili ko kase marunong akong magmahal ng totoo ahihi.. ang sarap kayang mahalin at magmahal ng taong mahal mo, makeso na kung makeso pero hindi naman keso yun.. Love talaga, kita mo naman di ba.. kakaiba ako magmahal, yummy parang caramel๐Ÿ˜›

    • uhhhmmm… siguro hindi mo lang napapansin na karamihan sa sinusulat mong entry ay tumatalakay sa sarili mong paraan kung gaano ka mag mahal. that makes you romantic in my view. saka masarap kayang maging romantic…nakanaks!

  18. Balentyms? buti na lng di ako fan ni Kupido kya ok lng gilitan sya ni Ares
    binalahibuhan ang pakpak saka minarinate sa โ€˜mama sitaโ€™s barbeque sauceโ€˜. at ilang sandali pa, tinuhog niya ito sa pwet at nilitson gamit ang apoy mula sa sarili nitong balahibo. =)

  19. duking. as ever. ang ganda. hindi ako maka-get over sa minarinate sa mama sita! lol. Tama.. hindi mo mabibigay ang wala ka. Kaya kung di mo mahal sarili mo hindi mo magagawang magmahal.

    Lol…

  20. hindi ako tinatagihawat sa mani..sa fez lang,hihihi!

    yibaaa sa pagsira ni ares ng ilusyon ni kupido ng balentayms…ok lang kasi wala naman akong makukuhang ganyan ngayon eh. *ampalaya mode on*

    siguro sobrang mahal ko ang sarili ko kaya sobra sobra akong magmahal…maisingit lang,bwahahahaha!

    • pag mahal mo daw ang sarili mo, siguro dapat di mo siya ilalagay sa sitwasyong maaari siyang masaktan. tiyak ko namang mahal na mahal mo ang sarili mo, eh. at tiyak ko ring higit sa maraming pagkakataon, pilit mong hahanapin ang kapayapaan ng iyong puso at isip sa kanlungan ng wagas at pag-ibig na nakatakda talaga para sa’yo.

      yan ang valentines wish ko para sa’yo poks!

  21. maganda ang pagkakakwento ah. may moral lesson din pala!๐Ÿ˜€

  22. happy balententayms sir.. humihirit sa huling linya.. at ikaw na ang kapuso sir.. apir.

    baker king na… yesss.. pinakamabisang bala..๐Ÿ™‚

    maganda sir.. maganda…๐Ÿ™‚

  23. magaling ka talagang magpadiri ano?! bukod sa trip ko na naman yang drawing mo. hahaha!

    pero mabuti naman at bumawi ka sa dulo. ako pag valentine’s day, gustog pagkakitaan ang mga umiibig. wahahah!

    si Pallas Athena naman ata ang sulsulera ko. hehehe.

  24. Tantadu hate blog ka dyan. Ikaw lang naman ang hate ko. Saka mga Jejemon. Hahahaha.

    Umiiwas na ko mag comment sa post mo kase wala naman talagang kwenta. Anong sasabihin ko? Nice post? Budburan kita ng mama sita eh, yung laman loob mismo ni mama sita.

    • hahaha…dahil malapit na ang balentayms, binabawi ko muna na isang hate blog ang blog mo. instead, tawagin muna natin itong dumpsite ng iyong mga rants sa buhay. ok na ba?

      huwag mong masyadong pangalandakan na walang kwenta tong blog ko. pabugbog kita sa 157 subsriber ko eh! hahaha!

  25. Dahil sa pag-ibig.

    May mga kwento na walang pag-ibig, meron din namang pag-ibig na ayaw nang ikuwento.

    Mapalad ang taong umiibig at iniibig. Kahit anong kagaguhan at ka-emoshit pa ‘yan. Kahit gutom ang sikmura basta may tumutuka pagkatapos ng pagniniig ng ilang oras sa motel, walang pakialam sa bulate, basta masaya ang umibig. Pero walang kasing dakila kung iniibig mo ang iyong kapuwa.

    • ang dami mong alam, buset ka. maliban ba sa dundruff mo, sino pa ang ka date mo ngayong balentayms?

      puro pag niniig ang nasa isip mo ano? pitpitin ko titi mo jan na iski mo pinipig eh!

  26. Nahihilo ako kay Kupido, malutong na ‘yan, pwede ko bang ipress ang microwave? Lasahan natin kung anong lasa ng pinainit na KUPIDO.๐Ÿ™‚

  27. Ang pag-ibig ay parang battle field๐Ÿ˜€

    Happy Valentine’s Kuya!๐Ÿ™‚

    • may sawing palad at may tagumpay.
      may pagsuko at pagsulong.
      may sugatan at may nanaig na malakas.
      may luha at ngiti.
      digmaan at kapayapaan.
      yan nga’y pag-ibig.

      happy valentines jec! kamusta na kayo ni mr. accidental meet up?

      • Si Mr. Accidental Meet up ba?
        Iyun, hiniraman ko ng tablet at sosoli ko na bukas agad.
        Sinubukan ko lang naman kung keri ko ang tablet, pag nakabili na ko ng sarili ko saka ko na susubukan ang pencil.

        Ayoko pa naman talaga, isoli yun kaso iba eh. haha! Feelingero na, assumingero pa. Ayoko na ng koneksyon sa kanya. Manggagamit ako pero manggagamit rin sya. Kwits lang din siguro xD

  28. part 2 nang peborit blog post ko ever heheheh…ayos!

  29. kahit wala akong ka balentayms oki lang,,, hehe
    happy puso! kuya duks!๐Ÿ™‚

    • bakit naman? aanhin ang kagandahan kung wala ka namang pagpapagandahan? whahaha!!!

      yaan mo lang muna. ang pag-ibig, dumarating sa panahon kung kailan hindi mo inaasahan. may kusa yan. parang pusa yan. walang kaingay-ingay na lalapit.

  30. basta ako makikipag-date sa balemtayms. mahal ko ang sarili ko. mahal ko si dude. period. no erase.

    pibalemtayms ser duks! sana makahanap ka na ng totoong katapat mo. hihihi!

  31. Sinadya mo ba yang title na yan? Pwedeng mairita?

  32. bitter ka lang..hahaha, joke lang kapitan hook!

    pero tama ka naman, mas madaling magmahal pag mahal mo ang sarili mo.. wag lang samahan ng kaguluhan sa ulo..hahaha

  33. isang malaking “LIKE” (Oo, parang facebook lang)
    Hapi Balentayms idol. apir!

  34. ay. im so late. kasama kong tatakbo kung kailangan ni machete ng tagapahid ng oil.๐Ÿ™‚

  35. Nabuhay na naman si Grinch.. Napapagtanto ko na kung sino si Grinch!hehe
    Totoo nga naman na ang pagmamahal ay nagsisimula sa sarili. Kailangan muna mapuno ka ng pagmamahal bago ka magmahal ng iba kasi mauubusan ka. Kung puno ka na ng pagmamahal, ang umaapaw sa’yo ang ibigay mo sa iba.
    Aba, nagamit ko na naman ang pitcher illustration dito ah!
    Hi duks!

  36. mga tatlong oras ko nang inaabangan kung anong mangyayari kay kupido sa loob ng microwave oven hahaha! You’re cruel, duking! You’re cruel! Ilabas mo siya dyan huhuhuhuhuhuhu

  37. hapi balentayns Duking…eto ang lolo naghahabol sa pagbisita sa inyong mga bloghay. God Bless!

  38. hahahaha kaya pala wla akong kadate kagabi kasi hindi nakaporma si cupido muhahaha… ayos yan lagi kasing mali ang pinapana!๐Ÿ˜† happy hearts day pa rin! wuhu!

  39. hahahahaha baka naman po mahilo na si kupido.
    kamusta po ang balentayms sir?
    napadaan lang po

  40. hanep!!!.. galing… ngaun lng ulit ako nakabasa ng mga gawa mo kua dous’!!! namiss ko toh!!! clap clap clap!!

  41. ayun hahaha wala akong valentines day post himala himala toinks

    anywaysssssssss…

    Ge na nga happy puso sa lahat kahit late

    mwaah! ^_^

  42. ser duks! hindi ko alam kung mababasa mo pa ‘to pero kung mababasa mo nga eh eto na ang decryption key shit sa kwentong kalibugan ko:

    SEX

  43. duks asan ka na? bagong drawing!

  44. natawa ko hateblog talaga kay vajee hahahahaha

    sino yung nasa oven?

  45. ahehehe…. tapos na valentines pero pa comment na rin..
    hmm… maganda tong’ article mo master duking…
    may tama nga naman si Ares… panu’ ka nga naman magmamahal ng iba kung sarili ko di mo kayang mahalin… di buh?
    kaya nga dapat.. wag na tayong mag mahal… wuuu!!!!!!!!

    Lentik na pag-ibig naman oh!!!

  46. Duking, where are you na!? Summer na po at tapos na ang balentayms haha!

  47. Ang bitter naman ni Ares sa Valentines. Siguro dati, binasted sya ng kung sino mang taga-lupa kaya nagkaganyan siya. hehehehe..

    kamusta sir duking? naging masaya ba ang valentines nyo?๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s