its something i thinks worthwhile if the puppet makes you smile…

‘Its something i think worthwhile if the puppet makes you smile…If not then you’re throwing stones…throwing stones…throwing stones…’          -holiday;beegees-1969

‘Paano mo yan ginagawa?’

Muli akong dumampot ng bato- makinis, may kalaparan, tamang bigat at sukat at saka hinagis ulit ito sa tubig mula sa lakas na kaya kong hugutin sa aking braso. Isa…dalawa…tatlo. Nakatatlong lundag ito sa ibabaw ng tubig bago tuluyang nilamon ng kalaliman ng pala-isdaan.

Dumampot rin siya ng bato at inihagis ito sa tubig. Isang malaking bulwak lang ang nangyari. Tumawa ako at muling dumampot ng bato. Muli ko itong hinagis sa tubig. Sa pagkakataong ito, apat na beses naman ang naging paglundag nito saka nawala sa aming paningin.

‘Paano nga kasi?’

‘Arts and science…’ Nakangiti ako habang dumadampot ulit ng bato.

‘Anung arts and science ang pinagsasasabi mo?’ Natatawa siya na halatang may pagkayamot dahil alam niyang sa puntong ito, wala akong planong ituro sa kanya ang ginagawa kong kamangha-manghang pagpapatalbog ng bato sa tubig.

‘Arts dahil naiinggit ka sa sining ng pagpapatalbog ko ng bato… arts dahil bata pa ako matagal ko na itong pina-praktis.’

‘Eh,yung science?’

Tinignan ko siya habang papaupo sa malaking bato sa tabi ko. Saka ko muling inihagis ang bato sa tubig. Isa…dalawa…tatlo ulit.

‘Science kase involve dito ang physics at math. Ang sukat ng bato, ang kinis, ang bigat…speed at velocity…kinetic at friction….ang path of projectile curve… aerodynamics, hydraulics at…’

Tawa na siya ng tawa sa paliwag kong pilit nagseseryoso kahit tawa na rin ako ng tawa sa likod ng isip ko.Dumampot ulit ako ng bato.

‘Nonsense…sa lahat ng arts and science mo, yan ang nonsense…’

Lumapit ako at umupo sa tabi niya habang hinahagis-hagis ang bato sa ibabaw ng palad ko.

‘Parang ikaw…parang ako. Kagaya rin ng lahat ng tao. Pinipilit na lumutang mula sa kapalarang iisa lang naman ang kahihinatnan. Sa tamang pagpili, sa tamang lakas na handang ibigay para rito, lumalaban sa nagpapa-lubog sa iba. Tinatakbo nila nang higit ang nagpapahinto sa karamihan. Gumagawa ng munting alon sa lapad ng pisngi ng buhay para sabihin man lang na dumaan ako rito- masdan ninyo…’

Tumayo ako at inihagis ang bato sa tubig. Isa…dalawa…tatlo…apat…

‘Saka sila mawawala upang lumubog din sa tubig. At maiiwan tayong namamangha kahit man lang sa ilang sandali na nakita natin itong ilang ulit na lumaban sa malawak na tubig ng buhay…’

Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa akin ng seryoso. Naghihintay marahil ng susunod kong sasabihin. Iniabot ko sa kanya ang kamay ko upang alalayan siyang tumayo.

‘ Pero alam mo…’

‘Ano?’

‘ Ikaw pa rin ang pinaka nakamamanghang bagay na nangyari sa buhay ko…kahit pa nga alam kong nilalabanan lang natin ang katotohanang katulad nung mga bato, mawawala ka rin sa akin o ‘di kaya naman ay ako sa’yo…’

Yumakap siya sa akin. Malamlam ang mga mata. Niyakap ko rin siya sabay bulong sa kanyang tenga.

‘Uwi na tayo…natatae ako….’

Tama si Lio, panira ang tae…tsk tsk!



98 responses to “its something i thinks worthwhile if the puppet makes you smile…

  1. pag kasama ka’y nagiging makata
    nagiging seryoso ang hintutuna
    matawa ka man sa’ki’y balewala

    dahil masaya akong andyan ka..

    we are physics. we are art. we are the science that has always been the mystery to them.

    sa di mapaliwanag na dahilan
    para ngang tayo ang batong malinis mong inihahagis sa tubig.
    aahon. tatalon. sasadsad. maglalaho sa paningin.

    ngunit bato pa din kahit lumulubog pailalim.

    yun ang importante. pero syempre, mahalaga ding umuwi agad dahil natatae.

    (inlababo si idol! senti? magaling… dun ako natutuwa sa istilo mo, kahit senti yung laman di malungkot yung tono. pwede na, pwede na.)

    • kwento lang.hahaha!!!

      kailangang mag update.nauumay na rin ako sa champorado.

      may makatang dila ka pa rin hanggang sa pagkukumento. sana makagawa pa ako ng maraming tula. ikaw din.

      magandang araw at salamat sa laging pagdaan. hindi ako feminist pero hindi kaya ma offend ang kababaihan na babae pala si satanas? or ang mga satanistang nagtataguyod ng kalalakihan dahil hindi pala babae si satanas?

      hahaha!

      • wala akong pake kung may mao-offend. aminado naman akong may pagkademonyo ako, siguro pati naman ikaw meron diba.

        hindi lang talaga ako in denial, hahahaha.

        may request ako. sulat ka nung sobrang seryoso. ge na, dali dali na. gusto ko makita pano yung dating pag seryosohan na, hahahaha.

        salamat idol! looking forward sa collab natin, hahahaha. taeng page yan, nakaka-hyper.

      • teka, naalala ko nanaman nung tinawag mo akong suicidal. hindi nga sabe, kooolet. may gusto akong isulat. yung seryosong-seryoso…. kaso wala pang pahagip ang hangin eh. tsktsk

      • hahaha…lahat naman talaga may ka demonyohan eh.kaso para maging si satanas at babae pa,paano naman ang mga lalake?hahaha!

        hindi ko alam kung kaya kong magsulat ng seryoso. sa panahon kasi na trahedya lang at komedya ang lahat sa paligid pero tinatawanan natin sa bandang huli, nagiging talent ang gaya kong corny.

        nasabi ko lang na suicidal yung moves na naisip mo lalo pa nga’t sa akin mo ipinagkatiwala na halungkatin ko ang buhay mo mula sa mga tanong na ibabato ko sa about you page ng bloghay mo.hahaha…may rhymes!

    • nag-email na ako ulet. 3x pa. pakers.

  2. Ah basta ako marunong akong magpatalbog ng bato sa tubig at maraming naiingget. Bohahahahaha. May pa arts arts physics ka pa dyang hinayupak ka, nakita mong ayaw na ayaw ko ng Physics!

    • ako hindi marunong pero sigurado akong hindi ako magsasawang mag praktis sa mukha mo….kung mamarapatin mo…kung pagbibigyan mo ako….hanggang sa kahuli-hulihan kong lakas at batong kaya kong ipukol,gagawin ko.

      ganyan ko ka-gustong matuto. namaos ka kakakanta no? hehehe!

  3. di ko binasa duks. anhaba eh. mas interesado ako sa personal mong buhay. tara, magkwentuhan tayo.

    • sige,tara…ay…i’m mobile ka lagi?huwag ka na nga!

      may plano ka bang magtayo ng talk show para sa mga blogger? kung may isang malaking salamin sa harap mo…kasya ka ba?este ano ang gusto mo itanong sa sarili mo? tara,kwentuhan tayo ng personal na buhay.hahaha!

    • anung nangyari sa gravatar mo at naging isa ka na lang scotchbrite na tinubuan ng mukha at katawan? ang sama ng nangyaring new year’s evolution sa’yo…tsk tsk!

  4. tae…kelangan talagang ipangalandakan na lage akong nagtatae? lol! may bago ka bang nilalandi ngayon? sino ba ‘yang pinapatalbugan mo ng bato mo? sana totoong pag-ibig na ‘yan. at sana hindi panira ang tae sa diskarte mo, ser duks. tae lang. \m/

    • naisip ko lang na magandang eksena ito sa isang pelikulang pang valentines lalo pa nga’t wala na yung parteng sinira ng pagtatae. pinost ko ahead ng valentines at baka sakaling may romantikong writer ng pelikula ang makaisip magbasa ng blog habang naghahanap ng kwento at maligaw dito.hahaha!

      kung isa itong totoong kwento, malamang na mukha ko ang binabato dahil sa inis sa karakas at hilatsa ng mukha ko. hehehe!

  5. alam ko rin yung kantang yan😀

    handaming nalalaman ni kuya, may arts, may science, puma-pag-ibig pa ;)) at hindi nga rin pala ako marunong nang pagpapatalbog ng bato sa tubig. amp.

    nga pala, photobucket po yung image hosting site na gamit ko. tsk. kainis na photobucket yan.

    • praktisin mo muna sa loob ng bahay nyo,jec.ligpitin mo na lang muna yung mga mwebles at appliances.hahaha!

      now i know. naka block kasi ang photo bucket.baket? hindi ko alam sa magaling naming IT.

      magandang araw!

  6. uu nga hindi ko din alam kung bakit di ko magawa ung pagpapatalbog ng bato ng ilang beses sa tubig. siguro dahil takot ako sa dagat dati, di ko to mapraktis. hehhe

    • mas madali tong gawin dun sa mga lubluban ng kalabaw na malalawak at palaisdaan.maraming ganito dati sa amin kaya parang right of passage ng pagiging batang lalakwe dito na kailangan makapagpatalbog ka man lang ng bato sa tubig kahit isa. siguro praktis ‘to para pagtanda, alam mo na rin kung paano magpatalbog ng cheke.

  7. may naa-alala akong movie dito, yon nga lang tinuro ng isang nagpapanggap na tatay sa isang bata.. basta maganda yong movie..hahaha

    may sasabihin pa ba ako, if yong prose mo ang ang bibigyan ng komento malamang puro paghanga lang ang maibibigay ko..

    pero kung sa isinulat mo, natutuwa ako na ganyan pala mag-isip si kapitan hook! basta..hahahaha

    • hahaha! huwag mo na akong utuin,aninipotpot. mas madali lang gawan ng paliwanag ang isang bagay na kahit parang nonsense minsan, masarap pa ring i-ugnay sa buhay natin.

      hindi ko alam kung anu yung basta…kase ang alam ko, basta na lang akong nagsusulat kapag wala na akong maisip pagkaabalahan. basta…

  8. Yun oh ang sweet… inlove ka din duks? hahaha… nice post uli,,,,

  9. bakit ang ganda ganda ganda ganda ganda naman ng sulat na ito… nakaka-inlab..pwera lang sa tae part…. gondoooooooo……. dumadalaw mula sa ublog

    • welcome,welcome!

      nawa’y nasiyahan ka. salamat sa pagdaan at i-li-link na lang kita para naman mabisita ko rin ang blogsite mo. ok din yung tae part, katulad kasi ng biglang pagtatae, ganun din minsan ang nangyayari sa mga kwento ng pag-ibig na naririnig natin.

      shit happens ika nga.hehhehe!

  10. surface tension, bossing… haha, painom ka na!😀
    para sa bagong taon! at para sa iyong kaarawan!😀

  11. Ayon oh lumalablyp si Duking =))

    Paano mo yan ginagawa?

    Paano nga kasi?

    Ano?

    • tsiklet lang ang teknik na yan. bawal ipagkalat.

      nasabi ko bang gawa-gawa ko lang yan para sa valentines day?hinde?

      oo,wala akong lovelife at gawa gawa ko lang yan.

  12. yes nagbabalik na si duking! mabuhay ka!

    wala, quever lang sa akin yung tae. hahahaha!
    pero susubukan ko yang tip mo kung paano mambato ng may apat na daplis sa tubig.

  13. dati pinag-aralan ko kung pa’no yang pagbato na yan, pero hindi ko natutunan, kulang kasi ako sa tyaga, hehe.

    sayang, panira ng trip ang tawag ng kalikasan.🙂

    • hello manang, pag may tiyaga, may magpapasasa.hahaha!

      twist lang ng story at para ipagkalat na palatae si lio. may achilles hill din pala ang magaling na writer. sa kaso ni lio, tae lang.

      klik mo yung link at malilibang ka sa site nya.

  14. nice post. hihi

    toinks. sige na sige.. ramdam ko naman yung gusto mong iparating. ganun naman talaga, nakakatakot mawalan at iwanan lalo na pag walang dahilan. teka base on personal experience yan ha. hehe

    • hindi ako naniniwalang may taong umaalis lang ng walang dahilan. nagkakataon lang siguro na minsan, kulang ang paliwanag para magmukhang dahilan at hindi lang basta nagdadahilan. base din yan sa personal experience kong wasak at palpak.

  15. hokei na sana eh. kaso lang, natae.😆

    may napanood akong movie dati na may ganyan. si kevin bacon pa ata ang bida nun eh. kaso sa sobrang klasik nun, limot ko na yung title. magma-matter talaga yung hugis ng bato, yung agos ng tubig at yung paghagis. panu ko nalaman? kinarir ko talaga yan dati wahaha

    • naks naks!

      ang galing di ba?nakakamangha kapag nagagawa mo.kahit pa nga parang wala lang kung tutuusin yung skill na yan.hehehe!

      hi,tutubi!happy new year!

  16. dalawang talbog lang ata kaya ko…

    o sige tatae muna ako.

  17. nyahahahha… na-add na din kita… nung unang bisita pa.. x)

  18. *may hawak na bolpen at iniikot ito sa kamay*
    haha.oo nga. ano. art ang science. may projectile pa.
    pwde rin kaya dito yong newton’s 3rd low of motion? in every action there is an equal and opposite reaction? hehe

    • pagnaaalala ko yung mga law of motion na yan at kung anu anung may kaugnayan sa eskwelahan, iniisip ko na lang na nakasurvive ako ng hindi nabaliw ng tuluyan.slight lang….hehehe!

  19. isa…dalawa…tatlo… ang tatay kong kalbo hahaha
    ikaw na ang uma-arts at pumi-physics…
    andaming pwedeng ihalintulad sa buhay, lulubog o lilitaw man parang bato na inihagis sa tubig, o palitaw na kakanin, araw o buwan ang mahalaga.
    mya mga taong dadating at mawawala. may pag-ibig na uusbong at mamatay. ang mahalaga natuto tayong humahawak at bumibitaw kung kinakailangan.
    ayoko ng Physics! bwahaha

    • tama pong lahat ng sinabi mo.ang daming pwedeng ihalintulad sa buhay,ang daming pakahulugan na pwedeng paghugutan sa lahat ng ating ginagawa araw araw.pero,lahat mawawala…ng saysay,ng kabuluhan,at eventually,nagiging ala-ala na rin.at pati ala-ala,nabubura.tanging ang naiiwan ay ang pisngi ng buhay na nakangiti at nagpapatuloy kahit wala na tayo.

      ang seryoso di ba?dahil yan sa ‘bwahaha’

  20. ayus ah panira lang talaga yung tae..hehe

    perstaym po😀

  21. Duks, alam mo ‘yong batong Anapig? Batong Dapi? kahit ako, hindi ko mapatotohanan.
    Ano bang nais? Sige daw.

    • Hindi ako eksperto sa bato kulisap. Ikaw lang siguro ang nakakaalam niyan dahil nabuhay ka pa sa pagitan ng panahon ng lumang bato at bagong bato.

      Ang nais ko…syet lang.kahit pala ako hindi alam ang nais ko.paker!

  22. ahaha.

    pag ibig. masdan ang ginawa mo…kay duking at…. toot tooot..🙂
    CHAR.

    ingats lng parekoy. cuz i know wat u did last toot tooot..😛

    • AKO NA ANG MAY SALA.

      ngayon naman,hinahamon ko ang lahat na sinumang walang kasalanan na siyang maunang pumukol sa akin ng bato.

      (…at nag-alisan ang lahat ng tao habang pagulong gulong ako kakatawa….)

  23. ayos!!! pwede ngang eksena sa pelikula…bida sina coco martin at enchong dee,…ehehehheheh

  24. Hayup. Maarte. Haliparot. Matamaan ka sana ng kidlat! Bohahaha.

    • bat ayaw mong sagutin yung mga comment sa blog mo?kasi nga,
      ikaw ang maarte, haliparot, alembong, kerengkeng, putaching at kalapating mababa ang lipad! hahaha!!!

      • pwedeng sumingit, basta kapag ganun ang post ni kuya vaj di talaga siya nagkokoment, minsan nga magmoderator tayo dun kuya duks para may be blessed lahat, hehehehe

      • oo nga pala. may mga panahon na tahimik si vajee kapag personal niyang kwento yung pinaguusapan. pero lintek lang kapag tungkol sa dislikes niya sa lipunan at kung kani-kaninong buhay yung post nya. ngayon alam ko na na talagang chenchitib si vajee na pag usapan ang personal life niya.

        isang puntos ulit para sa respeto kay vajee at salamat pong sa paanyaya pero ayoko kase baka madamay ako sa mga haters nya dun.bwahaha!

      • MGA WALANGHIYA! PINAGTSITSISMISAN NYO KO NG WALA AKONG ALAM! AMBAIT BAIT KO PA NAMAN!

        AT OO SUMISIGAW AKO!

        Hahahahahahaha. Hello Pongkers. Pakyu Duking.

      • totoo naman eh, huwag ka nang pumalag. pakyu!

  25. nga pala yung avatar mo kapareho ng shoes ko..hehe

  26. ahahahaha ang saya… ikaw na ikaw ang natatae wahahahaha!

    panira talaga oo!

    ang ganda ng wento… nasa dagat may bato .. nakakadala hahaha

  27. Duks may alam akong bato, makapangyarihang bato.

    Trip tayo Duks.

    Batong bato ka na ba?

  28. ang gnda pramis kuya dukz🙂
    nakakainis lang! bkit kc kelngan pang mwla sau lalo na ang mga bagay na napamhal na sayo?? bakit!!! la lang arte lang! ehehe

  29. hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako dito…parang yung mga huling post mo, puro paliwanag…napapatanong lang ako sa isip ko kung bakit nandito ang paliwanag…o siguro assuming lang ako. hehe.

    • alam kong wala nang saysay ang mga paliwanag ko. yun na siguro yon. it may look so badly and executed poorly, its just show how a lowlife i could be sa ganito at ganung mga bagay.

      magsusulat pa rin ako pero from now on, it would all be about life and fictions, hindi na tungkol sa kung kanino lang but tungkol mismo sa buhay.

  30. first time ko visit yun blogsite mo..TAE pa ang ending?! wehehehe! pero ok to classmate. il browse more sa list of your writings…and ill surely find stories worth reading. thanks for sharing this to us!🙂

  31. e2 ang pinakagusto ko

    ‘ Ikaw pa rin ang pinaka nakamamanghang bagay na nangyari sa buhay ko…kahit pa nga alam kong nilalabanan lang natin ang katotohanang katulad nung mga bato, mawawala ka rin sa akin o ‘di kaya naman ay ako sa’yo…’

    yihaa, hehe

  32. taenang tae yan panira!! pero gusto ko yung linya about sa bato sa tubig! hongswet lang! kung ako sasabihan mo nyan matatae ako sa kilig!!

    hapi nyu nyir duking!! kakalabitin talaga kita kahit di mo sabihin…

    • na add na kita ulit sa blogroll.welcome sa wordpress!at least mas madali nang mag comment sa blog mo ngayon.

      salamat at nagustuhan mo yung mga salitang napili kong gamitin at pinagkumparahan sa buhay,poks!

  33. Ang galing. Hahaha. Ayos yung natatae sa huli. Haha. Alam mo ba na yung kwentong ginawa ko, gusto ko din sanang gaguhin sa dulo. Yung nanay, biglang sasabihin ‘joke lang, im alive’.hehe.

    Tama ka sa mga bagay na nakapaloob sa kwento. Dami ko tuloy naalala. Hehe. Nakakamiss din magpatalon ng bato sa tubig.😀

    • hahaha… konting twist lang para hindi naman sobrang seryoso no?

      ok yung kwento mong yun. yun yung tipo na hindi mo pwedeng gaguhin sa dulo goyo. keep on writing bro!

  34. bakit papatalo kayo sa tae? haha… bakit di mo na lang kasi i keep ung bato… nakakabigat ba ha duking???😀

  35. im late. tsk.

    oh well. at least kahit na mawala na sila satin, alam nating sinubukan nating silang ipaglaban. kahit alam nating ang pagbagsak lang sa malawak na tubig ng buhay ang kahihinatnan ng lahat.

    magandang araw!

  36. iisa lang naman na kahit malungkot ..
    lumaban..sinubukan..
    yun ung nakakamangha, ung mga bagay na nagagawa na pala na hindi mo napapansin..
    na hindi ko napapansin..
    na hindi nya napapansin..
    at hindi nila napapansin..
    minsan mapapangiti na lang tayo, na ung buhay pala sa mundo, laging konektado..

  37. Tae napaluha ako sa bandang huli..
    Alam ko rin kasing mawawala na rin soon yung mahal ko sa buhay.. pero mas natulak palabas ang luha dahil sa kakatawa dahil sa bulong na yun.. tae!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s