Ang Alamat Ng Champurado

(DAHIL ALA-ALA NA LANG ANG ALMUSAL KAPAG ORAS NA NG TANGHALIN…)

Kung naiba sana ang partikular na pangyayari tungkol sa huli kong blogpost at pumasok ako sa loob ng simbahan para humingi ng tawad at magbalik-loob sa pananampalatayang nilanta ng aking kahambugan, ganito sana ang gising ko:

Mag-iinat. Hihiga ulit. Matutulog. Gigising ulit pagkatapos ng isang oras. Mag-iinat. Hihiga ulit. Matutulog. Gigising ulit pagkatapos ng kalahating oras. Mag-iinat. Babalumbunin sa kumot ang tatlong unan saka ihahagis sa sulok ng kama. Magkakaskas ng panis na laway gamit ang kukong pinahaba ng ‘di-sinasadyang katamaran. Saka magdarasal ng taimtim:

Sisimulan sa pagpapasalamat:

Dear God, Salamat po sa isa na namang araw na aking papalampasin ng ganun-ganun na lang.

Durugtungan ng mapagpakumbabang pag-amin sa mga kasalanan at paghingi ng kapatawaran:

Ako po ay kupal. Isa po akong 69 kilos na tipak ng kulangot. Ako po ay 5 feet 6 inches na salansan ng tae. Tatlumpu at isang taon ng libag na inipon. Hindi po ako nararapat na maihambing man lamang sa kahit anu pa mang bagay na nilikha ninyong walang silbi katulad ng appendix, sinok, ingrone at puyo. O baka naman po may silbi sila kaso nga lang ay hindi lang saklaw ng aking utak na sinlaki lamang ng proton ng utot. Gayunpaman, alam ko pong dakila ang inyong walang hanggang pag-ibig sa akin kung kayat kaya ninyong patawarin na parang wala lang ang aking kasalanan from A to zinc.

Lalampasan ang pagpupuri para hindi mag-mukhang nang-uuto at ilalahad ang wishlist para sa simula ng araw:

Matupad po sana ang araw na ito na inihanda ninyo para sa akin ayon sa inyong kagustuhan. Kung gamitin ko man po ang inyong binigay na free will, yun ay para sa improvement na lang…Ahh-men.

Lalabas ng kwarto. Derecho sa kusina. Magmu-mumog. Magbubungkal ng makakain. Katulad ng alamat, ala-ala na lamang ang almusal kapag oras na ng tanghalian. At matapos ang 301 words na paligoy-ligoy, sisimulan ko na rin sa wakas ang kwentong nagpasalin-salin sa kaldero, sandok, mangkok , kutsara at bibig mula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Ang kwento ng pagmamahal, debosyon, pagkatakot, paghahanap at pagbabago. Ang kwento ng pag-ibig ni Pura at kabiguan ni Ador. Ang lugaw na maitim…ang gatas na malabnaw…ang paborito mong ka-partner sa tuyo…Ang Alamat Ng Champurado.

Pero teka nga muna!

Cham-pu-rado ba o Cham-po-rado?

Bigla akong nalito.

Saka ko na itutuloy ang kwento.

Promise.

This time, tutuparin ko.

**************************************************************

Kasama nga pala sa napiling isa sa limang pinakatatanging kalahok sa Saranggola Blog Awards sa kategorya ng maikling kwento  Ang Dalawang Tulay  Ng  Balat-Kahoy.

Maraming salamat sa mga nagbigay ng kanilang ‘like!’. Natutuwa akong malaman na nagustuhan ng mga hurado ni Sir Bernard ang maikling kwento ko dahil bigatin sa panulatan at ibang larangan ang mga judges doon. Nagsisimula na akong maniwala  na  hindi lang ako basta inuuto ng mga nagbabasa dito.Hehe!

Itinuturing kong isa na naman itong one small step para magpatuloy ako sa pagsusulat at one giant leap para maglulundag ang puso ko sa tuwa. Again, maraming maraming salamat!

50 responses to “Ang Alamat Ng Champurado

  1. kadiri kuya. eeww hahahaha

    wala na kong sasabihin. nasabi ko na lahat kanina.. at alam ko na ang isasagot mo sakin.. “check operator services” lol..

    nonsense na comment.. ayaw ko na nga… ayawan na.. bleh!

    hahahaha

  2. wag ka nang nag-iinarte diyan, ser. hindi ka inuuto ng mga mambabasa mo at isa na ‘ko sa mga ‘yun. malupet kang tumipa ng kung anu-anong shit kaya ako nagbabasa. tuldok, walang bura.

    dahil sa post na ‘to, tatlong bagay ang nalaman ko: mas mataas ako sa’yo ng humigit-kumulang limang pulgada, mas mabigat ka sakin ng humigit-kumulang sampung kilo, at mas bata ako sa’yo ng humigit-kumulang sampung taon. humigit-kumulang bilang panaklaw na salita.

    at hindi ko pa rin alam kung kanino patungkol ang kung anu-anong shit na pinost mo bago ‘to. mangyari’y pakipaliwanagan po ako ser. \m/

  3. p.s. champurado ang tamang baybay. kung ano ang bigkas eh siyang baybay. at kung ano ang baybay eh siyang sulat.

    • whaaa…ang tangkad mo!

      salamat sa paglilinaw ng champurado… ang tototo, mas hinahangaan ko at ng karamihan ang galing mong magsulat. sa 20 something na edad, hindi maipagkakaila ang maaari pang marating ng magagawa mo sa larangang ito.

      isang karangalan na makilala ang isa sa maituturing na prodigy sa larangan ng pagsusulat ng kung anu-anong shit, mapa-ingles man o sa tagalog.

      sa maikling paliwanag, may kaugnayan ang mga post ko dito sa kung anu anung personal lang na bagay. pinipilit ko na lamang na pangibabawin sa bunton ng mga salitang isinusulat ang pakahulugan na hindi ko tuwirang masabi. hindi ko sigurado, pero iyon yata ang kahinaan ko at lakas sa pagsusulat.blogenroll™\m/

  4. champorado. favorite!

  5. malupet ka tlg magsulat, un ang totoo.
    😛

  6. champurado po ata? haha!
    excited na koooo sa alamat ng champurado! woot😀

  7. Oo na, hindi naman ako kokontra. Isa kang malaking tumpok ng tae. Pinaghalong tubol at mala LBM na tae. Bwahahahaha.

    Bakit kaya maraming nahihirapan tanggapin na pinanganak tayong walang ibang daan kundi patungo sa pagkakaron ng kakayanan magdetermine ng tama at mali? Bakit kailangan nating ipasa ang lahat ng palusot at paliwanag sa mga bagay na nakakatamad hanapin ang sagot o dead end na sa kunsinoman na hindi naman natin alam kung andyan talaga? Kung isasadulo ang lahat lahat, yun mismo ang naglalapat ng linya sa pagitan ng pagiging tao at ng hayup na hindi kayang gumawa ng social norm at derecho pagsunod sa impulse. Bakit maraming nakukuntento sa paliwanag na sila mismo hindi nila naiintindihan?

    • people call it faith and fate. pananampalataya at takda. dalawang salita na binibigyan ng tao ng pansariling kahulugan batay sa kanyang sariling pananaw.
      at magbabago ang tama at mali dahil sa dalawang salitang ito.

      ‘None of us know our end, really…
      or what hand will guide us there.
      A king may move a man.
      A father may claim a son.
      That man can also move himself.
      And only then does that
      man truly begin his own game.
      Remember, how so ever you are played…
      or by whom, your soul
      is in your keeping alone…
      even though those who presume
      to play you be kings or men of power.
      When you stand before God, you cannot say…
      “But I was told by others to do thus”…
      or that virtue was
      not convenient at the time.
      This will not suffice.
      Remember that.’

      -dialogue ng crush mo sa kingdom of heaven. palagay ko, ito ang maikling summary ng paghahanap natin ng sagot ng tama o mali sa ating mga buhay kung punto ng religious faith ang pag-uusapan. crush mo pa rin ba sya kung ketongin sya sa totoong buhay?

      • di ko alam na si edward norton pala gumanap na king baldwin. tae, nakamaskara kasi. sabi na nga ba. tanga ako. to think gusto kong movie ang kingdom of heaven. tapos di ko naman kilala ang cast. wala ko kwenta.

        penge na lang champoradow.

      • isa ka kasing infidel. and to kill an infidel is not a sin. hahaha!

  8. penge kuya duking.

  9. dahil history na lang ang champurado sa almusal, pero pinagluluto ko ulet si ate ining ng champurado kapag nauubusan ako :-p

    ako na ang tamad, ako na ang di magaling magluto, ako na ang makulit, maraming palusot, ako na ang kung anong meron okay na, pero alam kong papatawarin N’ya ako sa king pagkakamali gaano man to karami from A to Zinc!!

    • mas madaling himingi ng sorry sa dasal. ganun ganun lang, you’re square with the house again. whaaaa!

      leemi,bakit kaya kapag alam nating mahal tayo at kayang patawarin, nagiging mas pangahas tayo na gumawa ng kasalanan? hindi mo ba napapansin?

      • uy kuya dahan dahan ka naman.. hindi ako pangahas gumawa ng kasalanan, pero inaamin ko naman kapag nagkasala na ‘ko, pero Kuya kapag ba hindi ko alam na kasalanan pala yun mapaparusahan pa rin ba ako sa heaven? tataka kase ako minsan.. baka kase kasalanan na maging makulit t’yak sa hell bagsak ko nito!! ahihihi!!

      • tanong ko rin yan…bakit nga ba? pero ang dapat nating alalahanin, hindi sa lahat ng pagkakataon, mamahalin pa rin tayo kapag paulit ulit ang paggawa ng kasalanan. may hangganan ang lahat…

  10. Halos ganyan din ako magdasal haha. Patuloy ka pong magsulat dahil isa ako sa inyong pamaypay este tagahanga pala. Tagayan na, parekoy!

  11. Susubaybay na lamang ako sa mga kupal, libag at kulangot na si Duking.
    Kamusta?

  12. ang feyborit kong champurado, bow!!
    kain nga ako ng kain pero hindi ko naman alam kung pano naimbento ito,, hehe😛

    aabangan ko nalang itey..🙂
    mahusay

  13. tuparin mo para masundan ko ang kwento, at nang sa ganun maintindihan ko naman daw ng kunti ang isang bahagi ng alamat ng champurado.

    hello again kapitan hook!

    • hello again aninipot. kasalukuyan kong nire revise ng paulit ulit ang kwento. ayoko kasing maging maging matabang o maputla at maging malabnaw ang ihahain kong alamat.

      ready mo na ang iyong kutsara at mangkok.

  14. hihintayin ko ang kwento ng pagsasama ng lugaw na maitim at gatas na malabnaw na akmang akmang tawaging alamat ng champorado dahil gusto ko siyang maintindihang mabuti.

    pero dapat ba laging magkasama ang lugaw na itim at gatas na malabnaw para matawag itong champorado?

    • napakamot ako ng ulo sa pag-iisip kung kailangan nga bang paghaluin lagi ang maputing gatas at maiitim na lugaw para matawag na champurado. hindi ko yata masasagot ito sa logical na paraan. basta ang alam ko lang, masarap ang kanilang kombinasyon at talagang gustong gusto sila ng marami sa atin.

      salamat sa email miss kaye. pakibati na rin si sir bong ng happy birthday.

  15. oo maniwala ka sa mga comment namin. hindi naman siguro kami nang-uuto lang hehehe pero minsan oo siguro hahaha! congratulation sa pagiging finalist mo! more power!

    oi paborito kong food ang champorado… check mo ‘to (http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2008/03/18/champorado/)
    naku mahirap ngang bumangon nga ngayon para may mga magnet ang mga higaan.

  16. at dahil hindi ko alam ang alamat ng champurado eh aabangan ko! galing galing mong magsulat.. kada isang pangungusap eh pinag iisipan ko pa ng mga dalawang minuto kung ano ang ibig sabihin,ahahaha sobrang tanga ko lang!

    gusto ko yung dasal…dahil nabubuhay din ako sa God’s will …parang tamad lang,hihihi

    Congrats!!

  17. feeling ko champurado ang mas tama. kapag mas susyal ka, pede din shampoorado.

  18. Di ko masasagot kung anong tamang tawag diyan, ni hindi pa kasi ako nakakatikim niyan.

    • whaaaa!!!

      marunong kang magtagalog pero hindi ka pa nakakatikim ng champorado. sana, sa mga susunod na araw eh may mag magandang loob na ipagluto ka. malamang din na magustuhan mo yon.ang sarap kaya!

  19. aabangan ko ‘yong pangako mo..aabangan ko ang pagtatapos.

    akala ko naman SHAMPORADO. HEHE

  20. Ang tama yata ay champorado.. pero mas masarap bigkasin ng champurado haha nsabi ko lan naman…

    duking sensya na di ako gaano napapadpad dito kasi sobrang busy haha.. ayun dami ko na back read lols.. saka nakonsensya ako haha sobrang paramdam na itow.. tinadtad mo ako ng comments lol

    ahmmm merry christmas.. sasabihin ko parin ito ang galing mo talaga magsulat hehehe… mwaah!

  21. champurado pala yun? akala ko champorado. ^^ mahilig pa naman akong mag-almusal nyan nung elementary ako.heheh
    Bukas,ibang araw naman.🙂

    kuya, pasensya naman at ngayon lang ako nag-comment2 ulit, excited na akong magbasa ulit ng iba’t ibang blogs ngayong break.^^ yippeee!

    siyanga pala,congrats sa kwento mo.🙂 galing mo talga.🙂 kahit sino ang manalo, deserving talga kasi ang galing naman ng mga akda.🙂
    Gandang araw kuya duking!🙂

    • sayo rin kat. i bet na ikaw ang mananalo dun sa kategorya ng short story. well deserve naman kase easy read yung kwento mo and talagang pasok dun sa requirements.

      magandang araw. umattend ka ng awarding ha?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s