Slippin’ Sliding Away

‘Kuya, bili ka na ng sampaguita…pang exchange gift ko lang…sige na!’

Tinignan ko ang mukha ng batang nagtitinda. Masyadong makatotohanan ang dahilan niya. Mahirap na hindi bumili.

‘Magkano ba?’

‘Sampung piso’

Ini-abot ko sa kanya ang dalawang lilimahing barya.

‘Salamat po!’

May-tamis sa ngiti niya ng i-abot ang mga bulaklak ng sampaguita saka tumalikod upang alukin naman ang iba pang nasa harapan ng simbahan sa araw na ito.

Martes.Umaga. Hindi ko sigurado kung may misa pero may mangilan-ngilang pumapasok sa simbahan. Kasabay ng halimuyak ng hawak-hawak kong tatlong tali ng sampaguita ang singaw ng reyalidad ng katanungan kung nasaan nga ba ako sa umagang ito?

Harapan ng simbahan.Tatlong tali ng sampaguita.Running shoes sa paa na mumurahin. Kasing mura ng halaga nito ang babaw ng dahilan ko kung bakit mahigit isang buwan na ang nakararaan, bigla ko na lamang naisipang bumili ng 400 pesos na running shoes at magtatakbo sa bawat pagkakataon sa umaga o sa hapon kapag naisipan ko. Pudpod, mabilis masira, mabilis maluma, mumurahin. Parang ako lang.

Kung mag-iisip pa ako ng malalim na dahilan, baka maisip kong dinala ako ng paa ko sa harapan ng simbahan. Baka tinatawag ako ng altar at kompesyanoryo para paaminin ako sa patong-patong kong kasalanan. Baka tinatawag akong muli ng pananampalataya. Baka kailangan kong humingi ng tawad. Na baka may mas malalim na dahilan kung bakit ako bumili ng sampaguita. Iyon kaya ay para sa peace offering ko?

Hindi. Sapagkat ang lugar na aking kinatatayuan, ito sa tingin ko ang tamang lugar para sa paghingi ng tawad. Sa pagitan ng kalsada at ng simbahan. Sa pagitan ng kapayapaan at ligalig. Sa pagitan ng pagtakas at pagbabalik. Sa pagitan ng pangangatwiran at kawalang-kibo. Sa pagitan ng mga taong nasaktan at napag-hilom. Sa pagitan ng katanungan at sagot. Heto yun. Hanggang dito na lang ako. Hindi ko na aalamin kung masusunog ba ako kung tatapak ako sa loob ng bakuran na pinabanal ng paniniwala ng higit na nakararami. Hindi ko na aalamin kung kaya ko pa bang yumuko sa pagpapakumbaba para hingin ang kapayapaan na nagiging mailap na yata sa akin.

Nasa himig na lang ang drama kung hihingi ako ng tawad. Nasa drama na lang ng mga pangyayari ang aking magiging kapatawaran. Nagyari na ang lahat. Nagkamali ako. Aminado. Hindi ko na kailangang pumasok para mag-square tayo. Quits? Sana. Ganito lang kasi ako. Pag naduduwag, tumatakbo. Kung may isa mang bagay na magbabago sa pangyayaring ito, hinding hindi ko ipagkakaila na minsan,naging OK naman tayo. Na totoo ka gaya ng paniniwala ng mas nakararami. At marami pa akong maririnig na pahayag tungkol sa’yo mula sa iba. Tatahimik na lang ako kaysa sila’y sansalain pa o sang ayunan. Kung magiging dahilan ito para tuluyan mo akong talikuran, sa sarili kong paraan, hahanapin ko ang kapatawaran at kapayapaan. Kung ikaw ang daan, naliligaw ako. Pero matutunton din kita, huwag kang mag-alala. Kailangan lang talaga ng sign ng gaya kong tanga.

‘Pssst,bata!’

‘Bibili ka pa?’

‘Wala akong pag lalagyan nito…kunin mo na lang ulit.’

‘No return,no exchange kuya…’

‘Ibenta mo na lang ulit. Idagdag mo sa exchane gift. Mahirap na kung magtatampo ang mabubunot mo.’

‘Thank you po!’

May masarap na pakiramdam ang hangin habang tumatakbo ako pauwi. Magsusulat ako ulit. May kwenta man o wala. May tinutunton man o parang naliligaw lang. May mababaw mang dahilan o sobrang lalim na hindi ko rin mauunawaan. Pudpod man ang tema, luma man ang ideya, marupok man ang katwiran.

Dahil kahit parang mumurahing running shoes ang tinatakbo ng aking panulat, nagugulat pa rin ako kung saan ako nito nadadala minsan.

52 responses to “Slippin’ Sliding Away

  1. Duks,

    Teka, alam mo bang nakaka apat na bura na ko sa mga tinayp ko? Hindi ko kase alam ang sasabihin ko. Kase naman.. hanggulonglifeparangbuhayhutahenapatibanamansampaguitaehambangobangononeh Haha.

    Sana maka YM kita one of these days. Dun nalang ako mangengealam sa buhay mo.

    In the meantime, masaya ako na marunong ka ng mag capitalize ng first letter ng sentences. Hinayupak ka.😀

    • yung gravatar mo,troll ba yan o si incredi-bulok?kulay lumot.parang ikaw.

      nag capitalize ako ng pers letter para naman kunwari,marami akong natutunan sa isang buwan ng hindi pagsusulat at pagbabasa.

      mangenge-alam ka? eh kung hilahin ko kaya ang small intestine mo at ibigti ko sa sarili mong leeg?

  2. hindi masamang maligaw…. hindi masamang paminsan mawalan ka ng direksyon.. ang dapat lang eh lagi mong alam kung san ka dapat magpupunta. dapat mo laging kung bakit at san ka dapat dalhin ng mga paa mo, hindi na bale kung mumurahin lang ang sapin sa paa o kung naka-apak ka man.. mamahalin nga ang sapatos mo, wala ka naman nararating..

    may gusto akong sabihin na kung ano.. nabasa ko dito.. pero hindi ko malaman kung pano gagamitan ng salita.. kaya itetext ko na lang! nyahahahahaha joke lang..

    mabuti naman at naglinis ka na dito.. may agiw-agiw na ober hir and der oh..
    kuyaaaaaaaaa namiss ko ang dasma.. namiyesta ka ba? ahihihihi

    ingats

    • very well said. kung may review para sa sinulat ko,100 % ang grade mo.hehehe!

      its about forgiveness,its about putting the past behind.its about catching up.its about bouncing back.its about moving on. and its about all that things that i am not sure if i know pretty much about all that. in aderwords, basta na lang akong napasulat ulit.

  3. Naman! Paskong paskong paskong paskong pasko!!!😀

  4. Namiss ko mga posts mo, duking. You’re one of those who write with sense sayang naman kung titigil ka mgsulat.

    Just keep running and running you’ll never know where your feet will bring you.

    Glad to see you writing again. Lapit na bertdey ko, asan regalo ko ha?:)

    • sense? i dont know much about that. kayo lang naman ang nagbibigay ng sense sa pinag gagawa ko,eh. nagmumukha lang importante kase binibigyan nyong halaga.kaya maraming salamat.

      theres something about running.alam ko na ngayon kung anu yung pakiramdam na nararamdaman mo dati kapag tumatakbo ka.

      bertdey mo na nga pala. for the girl who has now everything, anu pa bang maidadagdag na saya ng 100 pesos worth na regalo?

      • Wala nman sa halaga ng regalo yun, duking. I’ve always been thankful about everything. Gaya ng friendship. Salamat!!:)

      • budgetarian eh.hahaha!

        kidding aside, sobrang natutuwa ako sa pagpapahalaga mo sa akin bilang kaibigan. eventhough i’ve never been much of a friend to you. aminado naman ako. mas naging mabuti kang kaibigan sa akin. walang halong keso de bola, masaya ako na nakilala ka.

      • naiyak naman ako. hehe. you were there when i needed a friend most. kaya thank you. isa yan sa pinagpapasalamat ko sa kaarawan ko. God bless, duking. i wish you happiness.🙂

  5. sa dami ng mga salita, isang talata lang ang namumukod-tangi.

    wag mong sabihing imbento ako. tae ka. bwahahaha.

    • ‘pssst,bata!’

      ang husay mo talagang pumili ng talata.teka,imbento ka.hindi talata yung napili mo,in fact hindi rin nga yun sentence.may subject but walang free da cat.

      imbento ka.period.

      • alam mo natatawa ako. kasi kelangan ba na ianalyze ang post mo? maraming ibig sabihin, depende sa tumitingin. di mo rin kelangan umamin. pero dahil tarantada ako, stick ako sa paniniwala ko. at dahil nirerespeto kita (pweh, pweh pweeeeh!), hindi ko na ilalahad dito kung anu man yon na opinyon ko tungkol sa kwentong nasa taas.

        imbentora ako? hinde ah. patetik ako… katulad mo. patetik. period.

      • iba ang romantic sa patetik.huwag kang malito. hindi porket lumalamig ang hangin at wala kang ka holding hands,pwede mo nang isipin na ang lahat ng taong hindi nakangiti ay nasa estado rin ng pagiging patetik. may dalawang mukha ang barya. pero kung observant ka, makikita mong yung manipis na pagitan din niya ay isa pang mukha. ayun yung hindi nakangiti pero hindi naman malungkot. pero dahil patetik ka,dalawang mukha lang ng barya ang kaya mong makita. mga romantik lang ang nakakakita nung pangatlong side.whahaha!

  6. Ang husay talaga. Kuha ang lahat ng puntos. Takbo lang ng takbo, di baleng maligaw minsan, ang mahalaga, ay mahanap mo lagi ang tamang daan.

  7. Pasensya ka na kung kelangan kong hugutin ito mula sa isang talatang namumukod tangi…

    “Ganito lang kasi ako. Pag naduduwag, tumatakbo.” Gusto ko pa sanang isama ang mga katagang kasunod nito, pero mas maraming tumatakbo sa utak ko, kaya ito na lang muna ang bibigyang pansin ko.

    Alam kong alam mo kung anong problema mo. Alam ko ring alam mo kung paano mo yun malalampasan. Sana dumating ang panahon, na hindi ka na maduduwag at haharapin mo ang dapat harapin kung anuman yun na nagtulak sa iyo upang isulat ang mga salitang binitiwan mo sa taas.

    Ano na ba’ng balita? As if naintindihan ko ang mga sinulat mo. Hehehe.

    • i dont live up to the expectation of many people. pati sa pagpapaliwanag, sa pagku kwento,mahina rin ako. minsan, i throw away everything before even i fugure out their worth. i owe many people an apology, kasama ka.

      i may never have another chance to say sorry, eto na siguro yun.

  8. “Kung ikaw ang daan, naliligaw ako. Pero matutunton din kita, huwag kang mag-alala. Kailangan lang talaga ng sign ng gaya kong tanga.”

    May pinagdadaanan? Ang tagal kong inantay ang pagbabalik mo kuya. *hugs*
    Meron akong kakilala na katulad na katulad mo, nalulungkot tuloy ako para sa inyo. sigh.

  9. doon po sa amin

    hi, duking.

    ang ganda nitong post, ang galing. akala ko, sa new year na ang kasunod ni the grinch. he,he, mali ako…

    very reader-friendly rin ang bagong look nitong site mo. sulit ang panahong naligaw ka man o nag-hibernate… :s

    makatakbo rin kaya uli? puro amag at alikabok na ang aking rubber shoes, hehe… happy yuletide season, bok.

    • napasulit ako ulit. mahirap din pala kapag nakasanayan mong sumusulat sulat nka tapos bigla mong titigil. pakiramdam ko, may riot sa ulo ko minsan.

      takbo na. natuklasan ko rin na maraming benefits ang pagtakbo. exercise na rin syempre.

  10. wala na akong masabi.. gaya nila namis ko din ang poste mo…

  11. wow! kapitan hook namissed kita sobra.

    isang tapik lang sa balikat ang kaya ko.. ayoko ng magsalita mas mabuti yon.🙂

    pero dahil dito gusto ko na ulit magsulat ng makabuluhan.

    • tumigil ka rin bang mag sulat?kasabay kasi ng pagtigil kong magsulat ang pagtigil ko ring magbasa.

      bibisitahin ko na ulit ang mga bahay nyo. kumukuha lang ako ng bwelo kase parang pakiramdam ko, nagsisimula pa lang ulit ako.

  12. Hello Kuya Duking, ang ganda nito, tagos sa belbel ko😀
    buti nagsusulat ka na ulet, ang daming naghihintay sa mga posts mo, laging tinatamaan ako ng magaling sa bawat emosyon ng post mo, tapos di ka magsusulat> unfair naman sa kin yun!! ahahha!!

    good to have you back Kuya!

    • o ayan, at least man lang kahit ikaw, na -satisfy ko sa simple mong pang uuto.

      it feels good to be back. i do hope na na makapagsulat na ulit ako ng tuloy tuloy.

  13. syempre namiss ka naming lahat
    tapos naman sasabihin ko din na lahat ng sinusulat mo dito at kung saan ka nito dinadala ay inaabangan namin, sa ayaw at sa gusto mo madami kaming napupulot, mapa literal sa iyong sinusulat o pakahulugan.

    ikaw na dati ang nagsabi sa akin na lahat ng ito ay may kadahilanan diretso lang tayo kuya, running shoes o sandals man yan ang mahalaga tinatapos natin ang bawat laban, naglalakad, tumatakbo, gumagapang o lumulundag.

    kitakits sa finish line!
    yehey!

    Be blessed kuya duks!

    • minsan pong, huwag ka rin maniniwala sa sinasabi ko.ang totoo kasi, minsan, hindi ko rin natutupad sa sarili ko ang minsang naipapayo ko.aminado ako jan.

      salamat sa pagwe welcome ulit.salamat sa pag-aabang.

  14. Duking! Welcome back! *sabay sabit ng sampaguita garland*🙂

    Tuluy-tuloy lang sa pagsusulat, tuluy-tuloy lang ang buhay saan man tayo dalhin nito. Masarap lang i-echo ang mensahe ng post mong ito.

    • thank you miss N. natatakot ako minsan sa echo…baka kasi sa paulit ulit niyang pag-alingawngaw, mawalan na rin ng kabuluhan sa mga tengang nakakarinig. pero salamat dahil alam kong isa ka sa mga tenga na hindi magsasawa at nakakaunawa ng higit sa mga salitang nilalapat ko sa tuwina.

      magandang araw!

      • Hindi mawawalan ng saysay ang echo ng mga mensahe mo, duking. Sapagkat bago pa man ito maglaho sa kawalan, nakagagawa ito ng paraang taluntunin ang daan mula sa tainga hanggang sa puso.

        Mananatili akong isa sa mga taingang nakikinig.

      • napakagandang encouragement nito para sa isang gaya ko na puno pa rin ng pag-aalala sa mga salitang pinakakawalan ko sa bahaging ito ng mundo ng internet.

        kulang ang salamat pero sapat na sana ang thank you.hehehe!

  15. Sinisipon ako Duks. Tae lang ah. Tae lang.
    Mabaho talaga ang tae kapag naapakan ng sapatos. Pisak wasak.Warat.

    Palagay ko, kailangan mo munang magtiwala sa sarili mo at huwag mong tuntunin ang mga daan na mas lagpas pa sa langit dahil wala noon, at huwag mong isuko ang laban dahil lamang may bumubulong.

    Maaaring hindi ko naiintindihan pero iisa ang himig ng ating mga panulat. Wala namang itinatago pero nagpapaliwanag, humihingi ng pang-unawa, nagpapakumbaba pero sa kaibuturan ay nandon ang pagitan ng pang-unawa.

    Tae lang. Grinch

  16. natutuwa at karangalang kong maipaghambing mo ang panulat ko sa iyong sariling panulat. pero sasabihin ko pa rin na na mas makabuluhan yung level mo ng sulatin. para bang nang uuto ako? hahaha!

    salamat sa payo,pre. may mga low moments lang talaga siguro,baka hindi lang ako,tayong lahat marahil. nakakatapak ng tae. shit happens.

    • Psssst. Lika dito, square root na lang tayo pre.. Ahahahaha.
      Hindi ako suplado ‘tol. Medyo, kinakapos ng panahon at limitado ang galaw ng buhay blogesperyo ko.
      Babalik na muli ang aking panghaharot sa takdang araw.

      Kamusta ka?

    • Yong himig ng panulat, iba ka, iba ako pero ang nais kong iparating ‘don, nagkakaintindihan tayo sa mga salitang ginagamit.
      Mas mataas ang level ng iyong kaisipan kaysa sa hamak mong lingkod. Halata bang inuuto rin kita?

  17. Gumising ako Martes ng umaga. Sa harap ng simabahan. “Sa pagitan ng kalsada at ng simbahan. Sa pagitan ng kapayapaan at ligalig. Sa pagitan ng pagtakas at pagbabalik. Sa pagitan ng pangangatwiran at kawalang-kibo. Sa pagitan ng mga taong nasaktan at napag-hilom. Sa pagitan ng katanungan at sagot. ” Mula sa mahimbing k0ng pagkakatulog, ang paggising ko’y walang pinagkaiba sa dilim at itim ng panaginip ko. Sa panaginip ay malamig na reyalidad — na siya rin namang naaabutan ko tuwing gigising ako sa umaga. Sa tabi ng kalsada. Sa tabi ng simbahan. Sa pagitan ng kalsada at simbahan.

    Nakakatawang isipin na sa kondisyon kong gula-gulanit ang damit, walang makain at lango sa rugby ay mga ikinatutuwa pa din ako.

    Ngayong umaga, iyong partikular na lalaking naka-rubber shoes na nakatunghay sa simbahan. May hawak na sampagitang binili niya kay PotPot na siguradong gumawa nanaman ng palusot para makalikom ng iilang salapi. Pang-rugby.

    Nakakatawa. Sa isang linggo, isang libo yata silang nakikita kong tuwing tutunghay sa simbahan ay may iba’t ibang emosyong tumatakbo sa iba’t iba nilang mga mukha.

    Matagal ko nang isinuko ang pagwari kung ako ba’y makasalanan o hindi. Lahat silang nakikita ko’y tuloy tuloy na naguguluhan. Nakakatawa.

    Dahil naniniwala naman akong ang langit, oo, ang langit

    ay hindi tumatanggap ng kapatawaran sa pagiging tao mo.

    Nilikha kang tao, at ang tao’y nagkakamali. Naliligaw.

    Katulad kong ilang taon nang nakatungtong sa bangketa ng kasalanan at nabubuhay nang masaya sa pagtanaw sa simbahang iyon.

    Kahit sa pagtanaw manlang, nakakahanap ako ng pag-asa.

    Sana pati iyong mamang yon. Na naka-rubbershoes at may hawak na sampagita .

    ( hahahahahaha! aylab duks!)

    • wow! nagustuhan ko to sobra..🙂

    • sapat na siguro na sabihin kong nasipat mo sa isa pang perspektibo ang pagkakasalsay ko ng kwento.kilala mo ang bata,kilala mo ang lansangan at simbahan at sinubukan mo ring kilalanin ang bawat damdamin ng isang libong nilalang na tinatangay sa bahaging iyon ng iyong reyalidad. sasabihin kong kakaiba sa karaniwan ang komento mo. higit sa pagsusuri ay konklusyon ng kwentong hindi rin matatapos.

      nagkamali ako sa paniniwala sa dahilan ni potpot pero may bahagi na bumubulong sa akin talagang may pupuntahan siyang christmas party . na may matutuwa sa kanyang dalang regalo. iyon siguro ang isa pang kahulugan ng pag-asa. ang pagtitiwala.

      • Aydol —–>

        PotPot = rugby o christmas party

        Mamang naka-rubber shoes = simbahan o lansangan

        PotPot = Mamang naka-rubber shoes

        Dadi Lord labs yu, aydol🙂

  18. duking
    natutuwa ako at may update ka uli.

    “Dahil kahit parang mumurahing running shoes ang tinatakbo ng aking panulat, nagugulat pa rin ako kung saan ako nito nadadala minsan”. napakaganda ng sinabi mong ito. hindi naman mahalaga kung ano tayo, palagay ko masmahalaga ‘yong kung ano ang nagagawa natin..kung ano ang nakikita sa atin at kung ano ang impak natin sa buhay ng iba.

    mabuhay! hehe
    natuwa ako sa post mong ito.

    • salamat tol eli.

      ang totoo, ayoko at natatakot akong isipin na kailangan kong sukatin ang sinusulat ko sa paningin ng iba. ayoko dahil alam kong kapos lagi ang haba ng salita para abutin ang nagbabasa. natatakot ako na baka nadadala ko ang nagbabasa sa bingit ng papel na walang kasiguraduhan sa pagsunod nila sa bawat kumpas ko ng salita.

      pasensya ka na sa komento kong to.seryoso.whaaaa!

  19. binasa ko ng ilang ulet.

    may nawawala rito at dahil dun nagka-sapantaha ako. pero ayokong sabihin dahil baka magkatotoo. bati-bati na kasi; make love, not war.

    alam mo bang nanabik ako sa kung anu-anong shit ng blog na ‘to? bat pa kasi nag-hiatus. pfft! \m/

    • pre, hindi ko kayang isulat ang sarili kong version ng dude and I in love noon. hindi ko rin kayang isulat ang dude don’t make it bad version ng paghingi ko ng tawad. kaya nga hanga ako at talagang sinubaybayan ko na lang yung version mo ng hey dude. naipapahayag mo kasi ang saya mo o lungkot,ang takot o pag-asa ng hindi mo na kailangang mag suot pa ng kahit anung sapin para itago ang bakas ng iyong mga paa.

      parang itong koment ko.itinago ko na lang sa hey dude version ko at hey dude version mo. hindi man malinaw,basta alam ko, nagkakaintindihan tayo.

      blogenroll? \m/

  20. lalim di ko maarok, hehehe

    pero kung ano ang nasa puso mo sundin mo. kasi kung nasaan yon , nadoon ang kayamanan at tunay mong bango.

    chuz! heheeh

    mabuhay!

  21. naisip ko tuloy, dinadala pala tayo ng mga paa natin sa mga lugar na pinapa-isip sa’tin kung naging mas mabuting tao ba tayo ngayon.. o kaya pinapatanong sa sarili natin kung anu-ano ang mga bagay na gusto nating maabot sa maikling panahon na meron tayo. . pero ang paa nga ab natin ang nagdla sa’tin dun o tayo ang nagdala ng mag paa natin sa lugar na yun?🙂 ang gulo ko lang.^^

    sulat lang ng sulat kuya duking..🙂 sa galing mo sa pagsusulat, magugulat ka kung saan ka pa dadalhin ng talentong yan kuya. ^^
    gandang araw sa’yo!🙂

    magandang araw kuya duking.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s