The Grinch Who Stole Christmas Back

Nanaginip akong kinuha ni ‘The Grinch ’ ang pasko.
Pinatay muna niya si Santa Claus
sa pamamagitan ng sungay ni rudolf.
Binusalan ng medyas saka sinaksak sa tiyan para hindi makahiyaw.
Tapos,isa-isa niyang binigyan ng anal sex ang lahat ng Elf
at pagtapos ay tsinap-chop saka inilagay sa kahon ng mga regalo.

Hindi pa siya nakuntento.
Tinaihan niya ang lahat ng keso-de-bola at ham sa mesa.
Pina-sukahan niya sa pusa ang mga handa lalo na ang fruit salad.
Pinalitan niya ng tinga at taeng-ipin ang lahat
ng itlog na maalat sa ibabaw ng mga bibingka.
Hinaluan niya ng kulangot ang lahat ng puto-bungbong
at saka niya ginawang kamiyas ang mansanas at ubas.

Hindi pa siya nakuntento.
Hinarang niya ang armored car na naglalaman ng mga bonus
sa pribado mang sektor o sa gobyerno.
Kinuha niya ang lahat ng pera saka tinayaan ng paulit-ulit
ang lahat ng number sa lotto para walang magkamal
ng limpak limpak na pera sa pasko.
Binali din niya isa-isa ang mga candy sticks at pinadala
ang lahat ng toy soldier sa giyera sa Iraq
kasama ni little drummer boy na parang pa-pampam.

Hindi pa siya nakuntento.
Nagpalipat-lipat siya sa mga nakasabit na parol
para palitan iyon ng ulo ng mga negosyanteng nagtitinda ng laruan.
Isa-isa niyang pinundi ang mga christmas light.
Sinunog din niya ang mga christmas tree sa tabi ng mga snowman.
Ginulo rin niya araw-araw ang ang lahat ng simbang-gabi.
Pumasok siya sa gitna ng simbahan saka humiyaw
na nasa plaza si Marian Rivera at Dingdong Dantes kung kaya’t naiwan ang pari na nag-iisa.

Hindi pa siya nakuntento.
Tinambangan niya’t pinatay ang Tatlong Haring Mago.
Hinila niya ang gabay na tala pababa sa lupa saka inihian.
Pinasok niya ang lahat ng botika at nilunok lahat ng strepsils
saka binigyan ng sore throat ang lahat ng nangangaroling.
Pinagpupunit niya ang lahat ng christmas cards.
Sinunog niya ang lahat ng malls at tiangge saka ginawang basahan
ang lahat ng bagong damit na sinusuot kung pasko.

Saka niya ako pinagbalingan.
Binatak niya ako at dinala sa isang maruming kariton.
Nakita ko ang isang munting sanggol na hindi ko malaman
kung babae ba o lalaki subalit punong-puno ng sigla.
‘Iyan ba ang messiah?’usisa ko sa kanya.
‘Hindi…subalit siya ang dahilan kung bakit ko ninakaw ang pasko.’
Pero bakit?muling tanong ko.
‘Ayoko kasing hanapin niya at ng marami pang gaya niya
ang pasko sa nakasanayan mo.’

97 responses to “The Grinch Who Stole Christmas Back

  1. Base ako?

    Hindi lahat nakararanas ng masaganang Pasko.
    Lahat ng nagbablog, hindi mo man itinuturing itong espesyal na buwan, mapalad ka, kaysa sa iba.

    Mas mapalad tayo.

    Hindi mo na kailangan pang hintayin ang Pasko o maging Santa.

    Isang haplos lang ng pagkalinga sa kapuwa.
    Biyaya na ang hatid niyan, para kahit walang Pasko
    Bumubuhos ang aginaldo.

  2. The Grinch’s a murdered.
    sana hindi hayaan ng sinuman na patayin ni The Grinch ang pasko.. ang tunay na diwa ng pasko sa kanilang mga puso..

    para tuloy ayokong ng kumain ng puto bumbong..😀 gusto ko ng magsimbang gabi.. ang gumising ng madaling araw at maglakad sa malamig na umaga patungo sa simbahan…

    • murderer**** pala nyahahahaha

      sorry naman

      • lahat na ng masama-murderer,arson,robbery,hold-up,kidnapping,public scandal,slander etc. etc…si the grinch na talaga.whahaha!

        natuwa lang akong paglaruan ang mga bagay na naiisip,lalo ngayon na magpapasko na talaga.ang lamig na din kaya dito!

        ingat,yanah!

  3. Na-spam ang koment ko? Gusto ko keso de bolabola, at ham

  4. Ang kulit naman ni Grinch, inaamoy ang kupal niyan. Karakter na karakter ni Duking, ampotah

  5. ang salba salbahe naman ni The Grinch masyadong KJ naman😦

    Duking, salamat pala sa pagbati.

    yngat lagi.

    • pinapantay lang pilit ni the grinch ang meron at wala.saka totoo naman eh,minsan,isang malaking commercialism na lang ang christmas.that-guilty rin ako.

  6. kulit ng tama sa dulo, haha..

    May mapait na nakaraan siguro itong si Grinch, nasiraan ng bait kakaamoy ng libangin nyang karog..

    • kinalkal ang karog eh no tol bert?

      bat nga pala wala kang update?nagkakalikot ka lang din malamang ng sarili mong karog ano?

      • actually pagtitirintas na kasi ng karog yung nakahumalingan ko at hindi na pagba-blog…

        ..pero joke lang yon.

        paandap-andap at naghihingalo na kasi ‘tong de uling na broadband na gamit ko dito sa bahay kaya pati bloglife ko patay…paramdam lang sa pakoment-koment.

        Magandang Araw Duks!

  7. hindi maaring nakawin ang diwa ng Pasko…marami lang ang hindi nakauunawa nito. kung bawat isa siguro sa atin ay maisapapamuhay ang mensaheng dala ng pagdiriwang na ito, siguro, siguro lang, walang dahilan para hindi maramdaman ng karamihan kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahalan, ng kapayapaan, at kaligayahan.🙂 magandang gabi, Kuya Duking!

    • ah…nakita mo yung buti sa lahat ng nakatagong kasamaan ni the grinch.

      marami raw salamat at nakita mo sa kaguluhan ang nawawalang salita:

      ‘pagmamahalan, ng kapayapaan, at kaligayahan…’

      salamat sa muling pagbisita nalaine!happy weekend!

  8. ibang klase talaga ang level of thinking mo, pareng duking. pang-halimaw. talagang naiisip mo ‘yung mga gantong klaseng concept? tsk!

    hapi balemtayms na nga lang. \m/

    p.s. ngayon ko lang nakitang nagjakol si grinch. at cinensore mo pa.😄

  9. aminin man natin o hindi..unti unti ng nangyayari ang mga napanaginipan mo,hihihihi

    ang ampalaya lang ni Grinch! hihihi..pahaplos nga!

    • hindi pa naman siguro pokwang.commercial pa rin ang pasko. parada ng mga bagay na tungkol kay santa,sa regalo, pera at aguinaldo. bagong damit, laruan, sapatos. maliwanag na paligid at mga palamuti.

      kung anuman yung sine celebrate natin,ng karamihan,isipin natin na ang unang pasko ay tungkol sa isang gabi ng kapayapaan at kapayakan.

      gulayin mo si the grinch kapag nagkita kayo.hahaha!

  10. malaking usapin sa mundo ng sangkaKristiyanuhan ang Pasko. Kagaya ni Grinch na nais niyang itama ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabago/pagnanakaw ng nakagawian.

    share ko lang:
    Nung ako ay nasa missions, tuwing sasapit ang pasko ay nagka-caroling kami at kami ang namimigay ng regalo. may nakasama akong pastor na kumontra dahil daw ang pagdiriwang ng pasko ay pagdiriwang ng mga pagano.
    he is right actually, walang specific na date kung kailan naipanganak ang sinasabing the Reason of the Season, imposible din daw disyembre dahil malamig sa bansang israel nun at kagaya ng naisaad ay may mga pstol, ibig sabihin ay hravest time at hindi winter time. ang totoo walang nakakaalam…
    kung titignan ang librong pinaniniwalaan ko, wala ding nakasulat kung ano ang hitsura niya, hindi kagaya nina na david at iba pang mga tao sa libro ay nadescribe ng maayos.
    balikan ko ang tanong ng pastor na nakasama ko, bakit ko daw ginagawa ang gayon na alam ko naman na pagano itong pamamaraan?
    ang sabi ko lang ay, sisirain ko ba ang ngiti na dulot ng pasko sa mumunting paslit? sisirain ko ba ang pagkakataong maibahagi ko ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng isang supot ng grocery (dahil may kalakip na panalangin ang bawat groceries)? sisirain ko ba ang araw na kung saan pwedeng magkatipon-tipon ang mga magkakamag-anak, magkakapatawaran at magkaakasayahan? sisirain ko ba ang araw na kung saan maari ko itong magamit para magbahagi ng pagmamahal sa iba kagaya ng nais NIYA?
    hindi na muling umimik pa ang pastor.

    kung tutuusin walang naisulat kung kailan ipinanganak si HESUS na dahilan ng pasko, wala din naisulat na deskripsyon ng kanayang mukha, ang tanging sigurado ko lang sa sarili ko, nais Niyang alalahanin natin siya sa pamamagitan ng kanyang nagawa at patuloy na ginagawa, araw man ng pasko o hindi.

    para kay Grinch alam ko sa likod nito ay mabuti ang kanyang adhikain, hiling ko lamang, kung nawalan siya ng pag-asa dahil sa maling pananaw, wag niyang alisin sa iba ang pag-asa sa iba na may Messiah.

    ok epal lang si pong kuya duking pasensya na

    Isang mapagpalang araw sa iyo!

    • nahiya naman ako ang haba ng comment ko hihihhi

      • Ipublish mo na lang itong koment ni Pong Duking…hehehehe.

        Hi Pong

      • mahaba which makes me believe na responsibilidad ko talaga ang mga ipinapahid ko sa papel ng internet in html format.dahil sa kagaya mong nagbabasa at tumitingin hindi lang sa mga letra kundi sa pahiwatig at pakahulugan ng akda.

        i’m not much of a believer pero tama ka sa lahat ng sinabi mo kontra sa pastor na sumansala sa paraan na ginawa mo.sa bandang huli,napangibabawan naman yun ng layunin mo at katwiran.

        ito ang take ko sa pasko.nakalimutan ng tao ang kanyang kahulugan.napatago yata sa balbas ni santa,na distract ng umiilaw na ilong ni rudolf,ng christmas light at mga parol,naibalot sa mga kahon ng regalo,tinunaw ni snow man,binihisan ng naggagandahan at bagong damit.ang punto ko,kung talagang titignan,ang pasko ay nangangahulugan ng mga espesyal na diwang higit lagi sa anumang materyal na bagay.

        pong,salamat sa pagbabahagi.

      • magrereply ako dahil ang topic ay napakaganda
        tama ka naman dun kuya duking na higit pa sa materyal na bagay ang pasko
        nakikiayon din ako sa aspetong yun, nakapagturo ako sa isang international christian academy at bawal magsabit ng kung anu-anong palamuti, sina santa at iba pa. there was a point na may nagkwestiyun dun at isa ako parati sa mga kontra (hihihihihihi). parati kong sinasabi na matalino ang Pinoy bigyan lang pagkakataon na maipaliwanag kung ano ang pasko, may pasko ba talaga ay mauunawaan ng Pinoy. Na-ilinya ang materyal na bagay sa Pasko (at dahil wala naman talagang pasko), pero come to think of it, this is just the day (para sa mga naniniwala sa pasko) na nakapagsisimba sila, nakakapanalangin hindi malayong ipapaunawa ng Diyos sa kanila ang tunay na kahulugan ng kapanganakan ni Hesus. Sa Diyos walang imposible. Ang pasko ay parang langit sa mga Pinoy, isang araw na langit…the idea of heaven to them that I will not contest with new clothes, merry-making, food feast or material things…dahil balang araw (naniniwala ako) na ang isang araw na langit ay magiging araw-araw.

        ok epal lang ulit si pong.

      • @kuya kulisap
        hello po, kumusta na po kayo? hihihihihi

      • growing up sa roman catholic teachings,may pasko naman talaga.yung jewish tradition na ‘pascua’ or ‘passover’ feast ito.sa lumang tipan,ito yung pagkakaligtas ni moises sa kanyang lipi from egypt to promise land.sa bagong tipan naman,ang pasko ay passover sa kamatayan tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagsilang kay jesus christ.kundi ako nagkakamali,kaligtasan ang kahulugan ng pasko.

        should it call for a celebration?hell,yeah!syempre,malaking tagumpay ito sa tao.mantakin mong mula pala sa katiyakan na magiging fertilizer ka na lang or display sa museum kapag na dedo ka in the near future,may iba pa palang pwedeng mangyari.

        ang nakita nga lang ni the grinch,mukhang may mali eh.at alam na natin yon.ang challenge sa atin,magbigay,tumulong,makadama araw araw dahil araw araw effective ang passover specially para sa naniniwala dito.mukha ba akong nagsesermon?

        again,salamat pong.hindi naman lahat may kakayahang tumulong pero tingin ko,sapat na yung lahat dapat nakakadama.again,napakarumi ko pa rin para sa akin manggaling ang mga salitang ito.sasabihin ko na lang na adhikain ng lahat ang mga pinagsasabi ko rito.

  11. wapak na wapak ang layunin ng Grinch! di din pala sya tototong masama, may tama din naman sa bandang huli!

    • parang komunista si the grinch minsan. kinukuha niya ang mayroon ang mga tao na hindi akma para naman sa kapakanan nilang mga wala.

      pero dahil alam naman ni the grinch na ang pasko ay nangangahulugan din ng pagpaparaya,pagpapakumbaba,pagpapatawad at pagbabahagi…sa panaginip na lamang nya isinakatuparan ang balak nyang masama.hehehe!

  12. ang adik naman ng green grinch na yun.. salbaheng side ni Kuya Duking yun talaga eh.. ahahha… **peace!!

    • hindi ako si the grinch.hindi ako ang bumasag ng monitor mo.hahaha!

      hello leemi,balita ko walang pagsidlan ang saya mong nararamdaman sa mga panahong ito.narinig mo na ba ang pamilyar na linyang ito: ‘masaya ako para sa’yo!’

  13. hang kulit ni grinch teka. haha! natatawa pa ko. lalo kay marian at dingdong. waahaha.
    Hmm lupet ng message sa dulo. nakanaks. di ko parin maintindihan masyado pero may namumuong idea sa utak ko. sapat na siguro para unuwain ko kung ano ang gusto mong iparating ginoong duking. :p

  14. Wahaha! Lupit! Teka gay ba siya?😆
    Hindi pa patay si Santa! BF ko siya! Katunayan nag-de-design pa siya ng Christmas cards para sa mga costumer niya.

    • nakaligtas kasi sa panaginip lang naman.ibig ba nyang sabihin,kung naging mabait ako,may matatanggap akong greeting cards galing kay santa?

      hehehe!alam kong busy ka kaya salamat sa pagdaan dito,miss wildcat!

  15. de puta! ang galing nito. parang totoo lang kasi eh…
    mga taong ayaw sa pasko.
    basta ako, aylabkrismas kahit na ba minsan eh krisismas
    hakhak!

    natawa ako sa the grinch, hohoho!

    gift ko kuya duking!!!

  16. bad si grinch na yan.. khit sirain nya ang mga handa at mga dekorasyon ok lng. pero hinding hindi ako papayag na sirain ang diwa ng pasko sa puso ng bawat tao…
    ang lalim nun ha… hehehehe

    • nice one athena…

      there’s always the grinch in all of us.pwedeng tayo yung sumira,or pwede rin na tayo ang magsauli ng mga bagay na nararapat para sa mas masayang pasko sa lahat,mayroon man o wala,kaaway man natin o kaibigan.

  17. Ang ulilang batang nasa kariton na malamang ay nilalamig noong pagkakataon iyon. Habang ang iba’y abala sa kinasanayan nilang paghahanda ng maraming masasarap na pagkain.. Habang ang mga tao’y naghahalakhakan at nagbibigayan ng regalong tunay na nakakapagpasaya.. Habang ang iba’y mag-kakasamang nagkakasiyahan at nagkakantahan.. Ang batang nasa karton ni Grinch na inako niyang kaniya ng responsibilidad. Batang pinabayaan at iniwan ng magulang. Nakita lang ng berdeng nilalang ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao. Dahil karamihan, PASKO=SAYA na at hindi na PASKO=PAG-MAMAHALAN.
    Hindi ko prinapraktis ang pasko. Dahil hindi mo kailangang mag-antay pa ng isang taon at disyembre para magpakabait, magpatawad, magmahal at alalahanin ang kapanganakan ni Mr.J. Nilamon na tayo ng komersiyalismo at hinding-hindi na talaga tayo makakatakas pa diyan.. maliban lang kung may isang Grinch sa totoong buhay na magpapasuka ng pusa sa mga fruit salad.

    • ayun yun eh.mahusay ang pagkakasabi mo tol met.

      paano na ang wala sa panahon na ang karamihan ay mayroon?nakakalungkot,marami naman talagang nagbibigay kaso nga lang, limitado lang ba yun sa panahon?sa pagdiriwang?sa pagkakaroon ng labis?ang hamon nga eh gawing pasko sana araw araw.

      sabi nga sa kanta ni aiza na hindi pang pasko kundi pang valentines…

      ‘malay mo balang araw…dumating din yon…pagdating ng panahon,baka ikaw rin at ako…baka ugat sa singit mo’y maging ugat din sa singit ko…’

      errrr…parang may mali sa lyrics ko?

  18. MALIGAYANG PASKO!! =) sinubaybayan ko din ang buhay ni grinch kung bakit ayaw nya ng pasko at isa na dyan ang sang tambak na basura pagkatapos ng pasko! =)

    anyhow, ang ganda ng mensahe mo tol! TARAGIS! di ako makapaniwala na si duking ang nagsusulat hahaa! ewan! amp!! kadiri ka! hahaha

    • nabanggit mo yung basura…natutuwa ako sa nangongolekta ng basura kapag malapit na christmas kase mas masigasig sila.bakit kamo?kase kadalasan,namamasko rin sila.at ang totoo,mas gusto kong magbigay sa mga ito kesa sa nangangaroling.pag di kasi sila nagtrabaho,mabubuhalaw tayo sa basurang nagkalat,samantalang yung nangangaroling,walang bulahaw kapag di sila nangaroling.hahaha!kabaligtaran sila.

      kadiri na kung kadiri.sa presinto ka magreklamo-the grinch

  19. ‘Ayoko kasing hanapin niya at ng marami pang gaya niya
    ang pasko sa nakasanayan mo.’

    3 minutes beyond my shift, sobra. Ayoko dapat mag post ng komento ngayung madaling araw na ito… kaya eto… kahit late na sa trabaho, talagang hindi ako makatiis akong magkoment… ganda kase ng post…

    hmn… anu nga naman ba ang diwa ng pasko?… hahaha!!! napaisip din ako… hehehe, no comment, importante ang pasko … lalo na sa mga taong may kapareho kong apelyido… joke lang… kapag nalaman mo na ang diwa ng pasko… (ayon kay the grinch, o kung sinu mang resources mo.) naway gumawa ka ng bagong post hahaha!!!

    masaya tong post na to… nakaka pangiteh… lalo na ngayung panahon ng undas…

    • undas pa nga lang pala.namixed up ko na yata ang kalendaryo ko at gumawa ako ng christmas topic.hehehe!

      napakalawak ng diwa ng pasko.kailangan lang natin sya hanapin sa likod ng mga regalo,mga palamuti at masasarap na chibog.

      kapag may eksakto na akong pakahulugan,po post ko ulit.

  20. Duking, for a moment, bumalik ang respeto k osayo na matagal ng nawala. Ayos to. Naalala ko sarili ko nung College ako. Hindi dahil nagmana ako kay Grinch, kundi dahil ganto ganto ren ang tipong sanay akong isulat non.

    Okay, time’s up. Wala na ulit yung respeto ko sayong bwakanang hayup ka. Hoy tama na pag tambay mo sa Quiapo andami ng nagrereport sayo! Palagi kang napapagkamalang snatcher! Masamang elemento!

  21. Pero nakakadiri, naiimagine ko paren yung tinga sa itlog na maalat. Hambabuy mo. Babuy.

    • ‘Naalala ko sarili ko nung College ako. Hindi dahil nagmana ako kay Grinch, kundi dahil ganto ganto ren ang tipong sanay akong isulat non.’

      pwede ka bang murahin?talaga!?ok lang?

      naawa ako bigla sa sinusulat ko.parang pakiramdam ko,walang kwenta na tong ginagawa kong to.alam mo kung bakit?kase,sa ngayon,wala kang kwentang magsulat.tapos noong coollege ka,parang ganito ka magsulat.ibig sabihin,mas walang kwenta to?ngal-ngal ako sa comment mo.

      vaj,pag binigyan ba kita ng lovelife at sexlife magbabago tingin mo sa akin?sex na sex na raw kasi si the grinch eh.can you be a good elf like you are and help him?

  22. ang disyembre ko ay malungkot pagkat….

    tae. nagsasalsal ba si grinch sa doodle mo?!

  23. Eto ang aking komento sa posteng ito…

    Para sa akin, si SANTA, si RUDOLF, at kung sino man na nang-aagaw ng tunay na diwa ng pasko ay hindi naging mgandang epekto. Oo maganda ang adhikain ng mga taong nagimbento sa kanila upang maiba naman ang paggunita sa pasko pero ito ay naging tradisyon at ito ay sobrang nagpabago sa utak ng mga bata dito sa mundo. Na halos ang mga bata ngayon pag sinabing pasko ay regalo, gala at iba pa ang nasa isip…

    Ang BATA ay si KRISTO… katulad nang bata.. Si Kristo ay naagawan din. Sa akdang ito pinakita na lahat ng mga bagay na nabanggit ay ang mga dahilan bakit nawala sa eksena si Kristo pag dumadating ang pasko.

    Si Grinch ay ikaw, ako at lahat ng tao… katulad siguro niya naramdaman niya ang ang pasko pero nakita niya na nagbago ang lahat kaya mas pinili niyang sirain ito at bumalik sa unang dahilan ng pasko. Katulad din niya may magagawa pa tayo…

    Ok lang lahat ng iyan. May Santa man o wala, may rudolf man o wala ang mahalaga ay di tayo makalimot sa tunay na pasko. At ang pasko ay paggunita sa PAGSILANG NG BUGTONG NA ANAK NA SI KRISTO. Yan dapat nating tandaan.

    Ganda ng posteng ito. kakaiba ka talaga,…

    • ok,kinikilabutan ako kapag may nagsasabing kakaiba ako.huwag mo na yang uulitin kung ayaw mong dalawin ka ni the grinch sa panaginip mo.

      again,well said berl.natutuwa ako na nakikita nyo yung higit pang bagay kaysa sa simpleng kawalanghiyaan lang ng sinusulat ko.dahil jan…apir daw sabi ni the grinch!

  24. ito ang post na parang walang pagkakontento sa pagpapadiri ng mga normal na bagay. hehehe

    wag na wag magpapakita sa panaginip ko yang damuho na ‘yan at malilintikan sya sa akin. hehehe

    • hahaha…malamag bumaba ang sales ng fruit salad at mga karaniwang handa kapag pasko.at least kahit sa nakabasa lang nito.mag tenk you dapat yung may planong mag diet.hahaha!

      takot lang sa’yo ni the grinch.kay stupid cupid ka na lang daw nya papadalaw!

      • ayos ah stupid cupid! mas mabuti na yon, kahit makulit basta cute. hahaha

        pag pinana ko tirador ang kapalit nun sa akin. wahahha

        advance Merry Christmas Duking! pamasko ko ah!

  25. wait… malulungkot ako dapat, di ba?! LOL

    akala ko nung una, kagaya ito ng mga ibang trip mo lang na poem… ang galing naman nito, medyo nakakadiri lang yung ginawa sa noche buena hehehe

  26. Sa umpisa medyo nayamot ako sa Grinch. salbaheng berde na nakakadiri. Pero nung nakabawi naman sa dulo. Buti pa sya, naisip na ipantay ang kalagayan ng lahat. Ang totoo, kelangan na ata talagang idaan sa dahas ang mga tao ngayon para matauhan. Karamihan kasi hindi na alam ang diwa ng pasko, basta pasko partey partey na lang. *hingang malalim*

    ang ganda nito kuya🙂

    • para ka lang magpi-peek-a-boo sa avatar mo,jec. mas maganda yung may bangs ka pa.nangi-alam pa ako eh no?

      nakita ko yung commercial sa TV sa channel 7.tungkol dun sa mga tumutulong at nagbibigay sa ibang tao.yung isang ale,mga groceries para dun sa mga kapit bahay nyang under-privilege.yung isang mama naman,nagbabayad sya ng mga hospital bills nung mga nasa ospital.ang dami pa ring magagandang bagay na nagyayari.hindi pa hopeless ang tao.

  27. napaka creative. nagamit mo halos lahat ng elemento ng Pasko.😛 hehe.

  28. Isa lang ang masasabi ko, napaka-usbong, napakalaya, at napakamapaglaro ng iyong haraya, Duking.

    Tama ka, wala sa mga nakasanayan nating bagay ang diwa ng Pasko.

  29. ‘Isa lang ang masasabi ko, napaka-usbong, napakalaya, at napakamapaglaro ng iyong haraya, Duking.’

    kala ko sasabihin mo sakitin,mapanikil at napakagaslaw ng aking haraya.hehehe!

    salamat,miss N.ang totoo,kumbaga sa taong nakaka-alam ng talagang kahulugan ng pasko at isinasabuhay ang diwa noon araw araw,wala man lang ako sa kalingkingan ng taong iyon.and maybe,everyday,ginagawa nya yun na hindi man lang natin nalalaman.at sya ang kabaligtaran ng the grinch na gaya ko.

    • Hindi ako naniniwalang ikaw si Grinch (yung evil grinch ha)🙂 Mas gusto kong maniwalang ikaw itong Grinch na ito na character ng post mo, may redeeming value sa huli🙂

  30. umpisa pa lang R18 na itong post mo… basahin ko pa maya hehe…

  31. aughhh, wawa naman ung mga bata na hindi mararamdaman ang diwa na nakasanayan natin tuwing disyembre >(

    thumbs up manong duking!
    napadaan na naman ako😛

  32. habang binabasa ko to,balak kong mag-iwan ng napakahabang komento kaso pagkatapos kung basahin ang lahat ng mga comments, ayon! nawala na parang bula yong gusto kong itipa..hahahaha

    mahusay kapitan hook! bow!..😀

  33. nung unang binabasa ko, sabi ko paulit-ulit, iba iba lang ang sinisira pero pare-pareho lang ang nangyayari. pamatay yung lesson sa dulo. ang galing duks!

  34. You are epic. I always have a happy Christmas, kompletong noche buena, masayang pamilya pero hindi ko naisip papano ang pasko ng mga nasa lansangan. Now I’m planning of sharing my Christmas with them. Pero hindi ako maka-move on sa nakakadiring noche buena! Kulangot and tinga is the shit!
    Hands down Sir!

  35. You have changed.. It’s nice though..very funny..:) three thumbs up!
    visit my page if you have time. hope you’ll remember who i am… because you’re the first person who visited my old blog…and made it popular..that ive just left behind..:l

    -pusagandanglahi-

  36. natakot naman ako sa panaginip mo. kung ako yun bangungot na ata yun.
    hindi naman kelangan engrande ang pasko. madalas sa dami ng nagniningningang palamuti at masasarap na pagkain, nalilimutan natin yung true essence of Christmas… yung birth of Jesus Christ at yung reason bakit may pasko.

    salamat sa panaginip mo…madaming nagising, kasama ako, para alalahanin ang totoong meaning ng pasko… teka, regalo ko?🙂

  37. hang dukyot nman ng mga ginawa ni the Grinch… :((

    pero di nga bat meron din syang punto…ang tunay na diwa ng pasko nga bay makikita sa gara ng damit, bulsang namumutok sa dami ng bonus (wish wish wish..lol), o sa punong punong mesa ng kung ano anong pagkain hindi nman makakayang ubusin at itatapon lang ang labis…

    tila ba nababaling tayo ng husto sa mga luhong karaniwang natin nararasan sa mga gantong panahon at di nabibigyan ng panahon ang pag-aalala sa salbasyong ginawa ni Hesus para sa ating lahat…
    🙂

  38. Grabeng panaginip yan, isa siang bangungot hehehe… wag nating hayaang sirain ni Grinch ang simbolo at tunay na diwa ng kapaskuha hehehe

    Galing malawak ang imahinasyon nio Sir Duking….

  39. boss makikibasa lang..

  40. nakakalungkot pero lahat ng sinabi mo ay ang kulay ng reyalidad… tinatabunan ng makukulay na ilaw ang itim na katas ng karahasan…

    pero sana sa kabila ng lahat may mga tao pa ring nakakahugot ng dahilan para ngumiti at magpasalamat.

    hindi naman si santa claus ang dapat hinihintay, hindi ba’t dapat ang tao ang nag-iisip ng ireregalo sa may kaarawan…

  41. ang wild talaga ng imagination mo.. haha anal sex sa elf? watdapak!

  42. ay nangungulangot si the grinch! ako yata yan eh lol

    diba si jim carey gumanap sa movie?

  43. ngayon lang ako nakabalik at nagbasa.

    wala, nalungkot ako sobra.😦 bat ganon si grinch? kaso hindi siya magiging grinch kung di siya ganyan.

    ewan.😦

  44. napakagaling nang pagkakasulat lalo na nung minanyak nya yung mga elf….akalain mo sa lahat ng pangyayaring binanggit mo yun yung tumatak sa isipan ko? hehehe

  45. @ DUKING..!
    sa palagay mo..,
    kinuha ni…
    GRINCH…
    si…
    SPHERE..?
    hinahanap ko kasi si…
    SPHERE eh..!
    help me naman..!
    i need to find her..!😥

  46. Maligayang Pasko kuya duks
    nasaan ka na?

  47. hehehe maldito naman ang bida sa kwento mo…

    pero maganda ang aral na iniwan mo.

    minsan talaga nakakalimutan na natin kung bakit ba tau nagdiriwang ng kapaskuhan. sa mga kabataan ngayon, ang pasko ay katumbas lang yan ng regalo, sayawan, kantahan, o party kung san san.

    ngayon sa darating na kapaskuhan bigyan din natin ng kahalagahan ang messiah na siyang dahilan ng ating mga pagdiriwang.

  48. isang pasko na puno ng pag-asa at pagmamahal sa iyo duks.

  49. nice one sir duking.ang ganda po nito.share ko to sa fb ha.tnx

  50. thefinancialexecutive817

    ako din boss duking share ko toh sa fb.ang ganda ng ending nakakatouch. T_T

  51. kuya asan ka na?😦

  52. unang yapak ko dito ser..

    ang galeng.. nakakaaliw.. hardcore.. nakakalungkot pero totoo..

    babalik ako dito🙂

  53. alam mo, isa sa na-realize ko sa kathang ito ay tayo pala si Grinch.. maraming pagkakataon na tayo ang sumisira sa diwa ng Pasko.. corruption,pagiging gahaman sa pera, hindi nagiging kuntento sa kung anong meron tayo.

    Pwede tayong maging si Grinch o yung tao lang nagpapaalala kung ano nga ba ang hiwaga at kahulugan ng pasko… nasa ating mga kamay kung ano ang magiging pasko ng mga susunod na henerasyon.. nasa ating mga kamay kung pananatilihin natin ang kasiyahang nararamdamn sa PAsko.

    Gustong-gusto ko ang kathang to kuya duking.🙂

    Magandang araw at MAligayang PAsko!^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s