chasing a butterfly…

Minsan ang katawa’y kinulong ng ulan
Habang nagsusulat sa piitang diwa.
Kapag pala ala-ala ang dumadalaw
May ngiting gumuguhit sa pisngi ng lungkot.
At saka iaabot sa’yo ang kanyang pasalubong:
masayang sandaling kinulong sa papel.
Larawan ninyo iyon noong kayo’y malaya pa
at malayo sa hinagap ang tunay na buhay.

Natatandaan mo pa ba ang kuhang iyan?
Sa Botanical Garden,Summer Camp natin.
Takot na takot ka no’n sa mga uod sa dahon
malamang sa malamang na hindi na ngayon.
Walang sawang binibilang mo ang mga paru-paro
na tila ba mga anghel na sila’y ka-laro mo.
Isa.dalawa..tatlo…?Labing-anim na taon na pala halos
nang mula rito’t sa ulap ikaw ay naglagos.
Ang sabi- nagbabalik ka lang sa unang araw ng Nobyembre
subalit kasama kita lagi sa aking pag-iisa.
Iyon ang kinukulit nang iba sa akin kadalasan,
sino raw ba ang nginingitian ko mula sa kawalan?
Ayaw mo ng anumang tula at himig ko ng pagsasalita.
Sabi mo,mas payapa ka sa katahimikan ko.
Hindi ko lang masabi na kailangan kong ikubli
ang kalampag sa dibdib ko’t hiyaw ng puso ko.
Sabi nila,lahat ay may takda at tamang panahon
kahit pa nga pag-alis mo’y ‘di napa-panahon.
Siguro,paliwanag lang iyon sa madaling pagtanggap
upang bigyang katwiran kaming naghahanap.

Ako?Kadalasan,bilanggo ng ulan at tuwinang pag-asam.
Nagbibilang ng paru-parong dumadapo’t lumalayo.
Uod na gumagapang sa pagitan ng simula at wakas
habang lumilipas ang maraming tagsibol at tag-lagas.

Sana,sa susunod na dumalaw ka,palayain mo ako.


45 responses to “chasing a butterfly…

  1. doon po sa amin

    hi. bakit kaya medyo mahaba ngayon ang iyong tula? nagtataka lang… :]

  2. Hutahena. Hanlandi ng butterflies. Red.

  3. ay kakalungkot naman! =(

    ang haba ng comment ko,hihihi

  4. dadalaw nalang sya sa panaginip kapitan hook!
    di kaya ikaw dapat ang magpalaya?

    • seryoso?’di nga?dadalawin nya ako?yehey!

      hindi ko maaaring palayain ang masasayang ala-ala.pwede tayong malungkot,normal yun.pero mas madaling pangatwiranan kasi na kaya tayo nalulungkot kase mas masaya sana tayo kung andito sila.

  5. Nakakalungkot naman. Pero nice post pa din.

  6. Sana mga duking sa susunod na pgdalaw nya, malaya ka na.

    Nice thoughts, nice post… Katulad pa rin ng dati, galing mo pa din…

    Namiss ko pumasyal sa blog mo. Ingat ka lagi…

  7. ay!.. ano to? bongga… may pa laya-layang churvavo pa pala dito.. (sino ba ang dapat palayain hmmm..)ahehehe…. maganda ang tula kaso malungkot… maganda ang drawing kaso nagtaka ako.. bakit may Bubbles? lumalanggoy na pala ngayon ang paru-paru master duking? ahehehe

    Nice work again master duking.. Hayosh…!!!

    • hahaha!ang kulit ng comment mo.

      tinesting ko lang lagyan ng bubble effects yung software.pero oo,may paru parong lumalangoy.counter part sila ng paru-parung bukid.sila ang tinatawag na paru-parung sapa.ok…corny yung joke ko.bye.

  8. Huwag mong sikilin ang paglayang nais umalagwa
    Bubuhos ang ulan, kasabay ng pagbaha ng lungkot at pangungulila
    Sa mga alaalang pinagsaluhan nong siya’y nariyan pa
    Kapiling ka’t kasama sa pangarap niya.
    palayain na….ibulong mo sa ulan
    O di kaya’y sa paru-parong, sumasayaw..nag-aanyaya ng
    paglaya, paglimot at pag-alala.

  9. ang lungkot…

    ang paglaya’y makakamtan kung sarili’y hahayaan…

    kung minsan sarili natin mismo ang nagkukulong sa atin sa mga alaalang dapat na nating iwaksi.

    hindi kailangang limutin ang taong minahal natin, dapat lang subukang magpaalam na upang bigyang pagkakataong magmahal muli. 🙂

    ewan ko kung may sense ako… hehehe. basta. alam mo na yun!

    • ngayon mo na lang ulit ako nabisita pero ok lang.at least na appreciate mo yung damdamin na naipahid ko sa tula.

      lagi pa ring mananatili ang ala-ala habang nabubuhay tayo.minsan nga,kapag walang wala na tayong maaaring balikan,kahit sa mga ala-ala,pilit nating sinisiksik yung sarili natin.

      ako,ganun ako lagi.magandang araw miss kaye!

  10. ang saya-saya ko ngayon parekoi pero ba’t ganun, bigla akong nalungkot sa tula mo. kung hindi siya kasing-ilap ng paru-paro’t pwede pa siyang habulin, sasabihin ko sa’yong iangat mo ang iyong mga paa patungo sa kung saan man siya naroroon. mas masaklap ang isang ikaw na may pagkakataong mahalin siyang muli ngunit hindi sumubok kaysa sa isang ikaw na nananahan sa kalungkutan ng pangungulila.

    o eh ano na ba ‘tong kung anu-anong shit na sinasabi ko?😄

    • ala-ala ito ng isang diwata sa hardin na minsan kong nakilala.hindi ko pa alam nun kung ano ang mga bagay na nararamdaman ko.saka ko lang naisip na kung anuman pala iyon,napaka espesyal kase lagi lagi ko pa rin nakikita yung masasayang ala-ala nya sa loob ng isipan ko.

  11. anlungkot naman. ambigat sa dibdib. minsan lang ako tablan ng tula, madalas kasi hindi ko maintindihan yung mga sukat na salita. pero ngayon, tinablan ako. naks. naks. naks.

    wala lang, nalungkot lang talaga ako.

    magandang araw!🙂

    • wow manang,bigla kong natapik ang sarili ko sa balikat.feeling ko,dahil naipapahid ko yung damdamin mula sa tula papunta sa’yo,natututo na akong gumawa ng tulang maayos ayos.

      thank you manang!

  12. wag lang siya ang pakawalan mo, pakawalan mo rin lahat ng pain at hurt at hapdi at kirot jan sa katawan mo… tingnan mo mas bibilis ang daloy ng dugo mo at mas gagaan ang pakiramdam mo…

  13. nakangiti akong binabasa ‘to kuya kasi alam kong masaya mag-reminisce pero natapos na, nalungkot na ‘ko kasi kahit anong pilit natin. hanggang alaala na lang yung mga ganto.

    palagay ko, matagal ka na nyang pinalaya. ikaw lang ang ayaw kumawala. pero feeling ko ready ka na. haha! feeling ko lang naman :))

  14. Hindi ko lubos na maunawaan kung ano ang nilalaman, sa bawat titik at linyang nagsasaad ng malungkot na katotohanan. Ang tanging naunawaan ko lamang sa tulang iyong inilaan ay ang paglisan ng isang minamahal, may kirot sa isang nilalang na naiwang luhaan.

    Kung ang binanggit na paglisan ay tuluyang pamamaalam. Pagtawid sa kabilang-ibayo ng buhay ay kamatayan. Tulad sa awitin, ang tanging pabaon mo’y pag-ibig na lamang. Sadyang sa unang araw ng Nobyembre’y paggunita ang siyang nagsisilbing palatandaan.

    Na minsan sa buhay mo kapiling siya’y masasayang alaala ang pinagsaluhan. Sa kanyang pamamaalam, ika’y ma’y nakulong sa kalungkutan. Kalayaan mo’y ikaw ang may tangan. Hindi ko man lubos na mahagilap ang iyong pakahulugan.

    • ang sarap ikulong sa salita ang damdamin minsan.alam kong alam na alam yan ng karamihan ng gaya nating nagsusulat ng kahit ano sa papel.

      pahid ng pahid ng diwa’t kuro.nagbibigay ng anyo ang mga salita sa ala-ala minsan.ok na yun.gusto kong isipin na ang bawat tula ko ay gaya nito,laging may pilit inaabot kahit pa nga nasa malayo na minsan.

  15. ang galing. meron bang follow link dito :))

  16. nakakalungkot. kinilabutan ako pagkatapos ko basahin kuya duks. hmmm. :[

    • huwag kang matakot.multo lang ng kahapon ito na minsan,nagkakabuhay sa mga salitang sinusulat at ginuguhit natin sa isip at ala-ala.

      ok.medyo nakakalito ang sagot ko.whahaha!

  17. Duking, ang sabi niya’y malaya kang maging malaya…sapagka’t matagal ka na niyang pinalalaya. Ang sabi pa niya, tinatanggap niya ang pagkakakulong niya sa iyong alaala sapagkat ito ang madaling paraan ng pagpapalaya😉

    Magandang araw, Kapatid!

    • hahaha…minsan pagpumipikit ako at gusto kong isipin kung anu kaya ang sasabihin nya sa akin kapag sumasagi sya sa isip ko,sasabihin nya siguro,bat mo ba ako madalas pang naaalala…siguro may gusto ka sa akin no?

  18. Teka ang bilis mo naman Duking may bago ka na agad na poste.

    May kurot sa akin ito Duking…—“Sabi nila,lahat ay may takda at tamang panahon kahit pa nga pag-alis mo’y ‘di napa-panahon.”

    May mga alaalang din na di ako makalaya…ummm madalas parang ayaw kong lumaya…madalas din akong nagpapakulong lalo na sa mga magagandang alaala.

    • sinasamantala ko po kase bihira akong dalawin ng panaginip na gaya ng ginawa ni the grinch,hehe!saka parang distraction muna sa post na ito.

      nangyayari po talaga.at mula sa mga katanungan habang naiwan tayong nag-iisa,pilit nating inuunawa sa abot ng ating kakayahan yung mga dahilan kung bakit nga ba nangyayari ang mga ganitong bagay.

      katulad po ito ng kwento nyo ng pag-ibig.minsan,may mga guhit ng lungkot parin na sumisingit sa kabila ng napakaraming masasayang ala-ala.

  19. di ka pa ba malaya? bilanggo ka pa din ba ngayon? san ka ba nakakulong? halikat tutubusin kita…

  20. Galing mo namang gumawa ng tula, isa sa pinaka mahirap ang pagawa at pagbuo nito…. saludo ako sayo sir😀

  21. botanical garden…. naku sawang-sawa ako dyan. noong high school lagi kami nandyan. siguro yan din ang dahilan bat naisip kong wag kumuha ng biology and zoology. wahehehe

    butterfly? alam mo bang mas gusto nila ang mga dami na bagong laba kaysa nilagyan ng cologne or pabango. kaya ganun ang gawin mo mag-downy ka na lang baka sakaling lumapit sa yo ang butterfuly mo. chuz!

    mabuhay!

  22. hello! second the motion ako sa opinyon ni jec. 🙂

    kamusta po?

  23. hello, duking! third time or fourth time ko na ‘tong binasa, ahaha.

    and i am of the opinion na dapat palitan ang pamagat nito ng alinman sa bilanggo o kaya ay alipin.

    of course, hindi sila kasing-landi ng chasing a butterfly, hindi rin gano’n kalambing. but what the hey? less ang pagkukunwari, ahaha!

    happy lenten season, bok!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s