Ang Balabal…

Baguhin mo ang simbolo at kahulugan ng iyong watawat habang nariyan ka. Ang pula ay gawin mong katapangan at katatagan ng loob na minana mo sa iyong Ama at Ina. Ang asul ay hayaan mong maging ala-ala ng kapayapaan ng bughaw na langit at dagat sa iyong bayang sinilangan.Ito rin ang tahanang kumupkop sa iyo at nagbigay kapanatagan at kalinga sa lahat ng masasayang ala-ala na tinipon mo ngayon sa iyong dibdib. Ang puti ay manatiling salamin ng iyong mabuting adhika at busilak na layunin na siyang dahilan ng iyong pag-alis. Hayaan mong bantayan ka ng mga panalangin ng tatlong bituin sa mga gabi ng iyong pag-iisa- ang iyong pamilya, ang iyong mga kaibigan at ang bansa’t lipi na iyong pinaha-halagahan.

Ang araw naman ay manatili sana sa paghahari sa gitna ng sarili mong puso. Ikaw ang magbigay ng sariling pakahulugan sa kanyang walong matatalas na sinag at hayaan mong kuminang ka mula sa kadiliman ng iyong pag-iisa…

Ibalabal mo ang watawat na ito sa iyong pagkatao. Habang ikaw ay buhay pa’t pumipintig ang puso sa pangungulila sa mga minamahal. Gawin mo itong pananggalang sa lamig ng pakikitungo sa iyo ng ilan sa ibang lahing makakasama mo’t paglilingkuran. Gawin mo itong pananggalang sa init ng tukso na nag-aabang sa iyo sa malayong bayan. Gawin mo itong pamunas ng luha, pawis at dugo na ibubuhos mo sa ngalan ng kabutihan ng iyong mga mahal sa buhay at bayang nilisan. Ngayon habang ika’y buhay pa’t mananatiling buhay dahil sa dangal ng sarili mong adhika.

Aanhin nga ba ang watawat na iniyayakap sa malalamig na ataul nilang mga sinawing-palad sa ibayong dagat? Ngayon, higit kailanman – ikaw bilang isang Filipino na itinuturing na bayani ng bagong panahon ang siyang nararapat na kalingain ng telang iyan. Ngayon habang ikaw ay buhay pa’t mananatiling buhay dahil sa dangal ng iyong adhika.

Ika’y guro, doktor, inhinyero at nurse. Ika’y accountant, entertainer, sundalo at siyentipiko. Ika’y magsasaka, karpintero, mekaniko at panday. Ika’y hiram na manggagawa nilang mga bansang iyong binubuo at kinakalinga. Sa ganito mong paraan binubuong pilit ang sarili mong bansa’t pamilyang pansamantalang iniwan. Ika’y propesyunal sa sarili mong larangan.

IKA’Y FILIPINO!’

 

104 responses to “Ang Balabal…

  1. Astig! Ang ganda ng image!! Damang dama ko ang bawat salita mo.. Maraming salamat at may mga tao pa ding tulad mo na naglalaan ng panahon at ganitong kakayahan para sa bayan at sa kapwa filipino.. Mas proud ako ngayon.. Dahil ako’y propesyunal sa sarili kong larangan!!

    Sumasaludo ako sayo duking !!!

    • salamat tol!

      bihira akong magsulat ng kwentong may kabuluhan para sa iba. ang totoo, deserving ang lahat ng gaya mo para sa mga simpleng kayang gawin ng aking keyboard.

      i hope this makes you more proud bilang OFW at isang Filipino na rin.

  2. kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

    anu na? hehehe

    can we repost this sa site???

    maraming salamat sa pakikiisa sa adhikain ng pEBA…

    • ok lang yanah,just remove the footnote.

      maraming salamat din for believing na kaya kong magsulat ng may katuturan para sa ibang tao.hehehehe!

    • eh kuya asan na ung official? hehehehe

      will be reposting this tomorrow😀

      thanks again

      • thank you ulit yanah.i just decided to post this bilang ordinaryong entry.i think kulang ako sa experience to know the exact feeling ng isang OFW maliban sa mga kwento nila ng tagumpay at sakripisyo.yun din ang dahilan kung bakit wala na akong magiging opisyal na entry.

        at huwag mo akong kulitin dahil baka mapilitan akong gumawa ng isang hilaw na akda na pagsisisihan ko kung bakit ko pa naisipang isali.nyahaha!

  3. Duking Pare!
    Kulang ang salitang salamat na maaaring sabihin ng paulit-ulit.

    Higit pa sa mga salita… Ay lab yu na ‘tol. ^^

    • dahil sinasalba mo rin naman ang ekonomiya ng bayan sa dolyar na iyong pinapadala, patas na tayo,tol!

      ingat lang lagi. mas cool syempre ang bayaning buhay di ba?

  4. ang ganda ng digi painting mo. ilang sandali ko itong tinitigan bago basahin ang sinulat mo. mahusay ang pagkakagawa. sa konsepto at sining, panalo!

    isa ako sa mga nakikisaludo sa mga kababayan nating nasa ibang bansa. dama at alam ko kung gaano kahirap lumayo ang isang mahal sa buhay para magtrabaho sa malayo. tunay nga silang mga bayani di lang ng kani-kanilang mga pamilya kundi ng buong bayan.

    ipagbunyi ang lahing kayumanggi!

    • indeed,tol ely.

      karapat dapat na mapasalamatan at maipagmalaki ang mga nangingibang bayan lalo pa ngat ginagawa nila ito hindi lamang para sa kanilang sarili.

      yung mga nagpipilit namang manatili at dito pa rin tinutuloy ang laban, kahanga hanga rin. sa iba’t ibang lugar at larangan, iba pa rin ang sakripisyong pinoy.

  5. Gosh! hindi ko alam kung san mo hinuhugot yung mga salita mo duke! hahaha!!! hanlaleeem!!! galing!!! sobra.

  6. naaasar ako sa mga elitistang makabayan kunong nagsasabing walang utang na loob sa bayan yaong mga pilipinong nangingibang-bansa dahil lang sa iba ang nakikinabang ng kanilang galing at talento. nasasabi nila ‘yun dahil hindi sila ang may pamilyang kailangang pakainin, hindi sila ang may mga anak na kelangang pag-aralin. hindi nila alam ang hirap at sakripisyong pinagdaanan at pinagdaraanan ng mga taong ito kaya wala silang karapatang mag-astang mas mahal nila ang bansang pilipinas.

    kung malalagay rin ako sa isang sitwasyong kelangan kong mamili sa pagkakasama-sama ng pamilya at pagtatrabaho nang may malaking pera, titiisin ko na lang siguro ang mawalay sa mga minamahal dahil mahal ko sila.

    mabuhay ang mga ofw! \m/

  7. nakalimutan kong sabihin, naglalaway na naman ako sa husay mo sa graphics art. pwede mo ba ‘kong turuan minsan? sa totoo lang, dahil sa kung anu-anong audit shit eh nakalimutan ko na palang mahilig din akong magdrowing dati. kasaklap.

    • eksakto ang sinabi mo,lio.

      kung sukatan ng pagiging makabayan ang pananatili sa bansa habang wala rin namang hakbang na magagawa para baguhin maski man lang ang sarili at sariling pamilya,higit na kawalang kahihiyan yata yun sa sariling pagkatao.

      kung kalapastanganan at kasalanan man ang pakikibahagi sa pagtatayo ng tore ng babel sa ibayong dagat,magpapabulid ang sinumang pagmamahal sa sariling mahal sa buhay ang dahilan.tama na ang paghiyaw sa mga daan at lansangan.ito ang panahon na kailangang itupi natin ang mga manggas ng ating mga damit at mag trabaho dito man o kung saan maaaring may pagkunan tayo ng isusubo sa mga bibig nating nagugutom.

      bumalik ka sa pag guhit.tuklasin mong muli ang talento mo sa ibang larangan.yan lang muna ang word of encouragement ko para sa graphic art hunger ng iyong mga kamay.

  8. duking! ang ganda ng pagkakalapat mo ng watapat bilang balabal. bawat detalye nagsisilbing saplot sa pakikibaka.

  9. kung tatanungin mo ako kung ano ang pinakagusto kong post as of pres time sa pagbabablog mo

    ITO YUN: ANG BALABAL!

  10. Suot sa buto, suot sa kalamnan, suot sa kaibuturan
    pinaluha ako ng balabal ng ilang beses pero mas dama ko at naiintindihan ko ngayon na mas makabuluhan ang luha ng bawat Pilipino na pilit ikinakapagpunyagi ang pagiging Pilipino at Pilipinas sa iba’t-ibang panig ng mundo

    oo magulo ang koment ko, basta ang alam ko lang, ang balabal na yan ang simbulo ng bawat Pamilyang Pilipino na pumapalaot sa dagat, niyebe, disyerto.

    Mabuhay kuya duks!

    • oist hanggang ngayon kinikilabutan pa din ako dito kuya duking
      pag uwi ko yung burger ko ihanda mo ha…
      salamat dito kuya duking

      Ako ay isang OFW Pilipino, proud to be one!

      • salamat pong.salamat at nagustuhan mo.para sa’yo talaga yan kaya natutuwa akong lumapat ng husto yung mga ginamit kong salita.

        ito lang ang munti kong paraan para pasalamatan ang mga gaya mo at mga kaibigan at kamag anak na umalis para sa kani-kanilang pangarap nila sa pamilya.

        mabuhay ka!

  11. Sapol na sapol ang mensahe dito Duking. Sa iyong iginuhit pa lang ay ramdam na ang mensahe. Pang-kontes itong katha mo…

    —“Ngayon habang ika’y buhay pa’t mananatiling buhay dahil sa dangal ng sarili mong adhika.”

    Malalim talaga ang mensahe ng tatlong letra na OFW. Puwede rin bang mahiram itong iyong poste na ito at maipamahagi sa aking mga kaibigang OFW at pamilya ng OFW. Salamat.

    God Bless!

    • hindi ko na lang po sinali sa kontes kase pakiramdam ko,hilaw na hilaw ako sa damdamin na nararamdaman ng mga OFW.ilang kwento lang ng tagumpay at kabiguan ang alam ko,pero sana,maging mas marami yung matatagumpay.para naman po sulit ang lahat ng sakripisyo nilang umaalis at paghihintay naman ng mga mahal nilang naiiwan.

  12. Ako’y Filipina😀

    Good Luck Duking..🙂

  13. Thank you for this wonderful entry, and for supporting PEBA. Thank you also for allowing us to post this to PEBA site through our very own Yanah. Godbless and mabuhay kayo for having a heart to all OFWs!

    • mabuhay po kayo.

      karangalan kong nakahaplos man lang ng damdamin ng iba at nabigyan ng saysay ang ginagawa kong pagsusulat.kung ito po yun,sana mas marami pang maabot.maliit na bagay man kumpara sa mga sakripisyo ng mga OFW,salamat at naibigan nyo.

  14. isang mabasa basang kiss para sayo! ang galing naman ng mga salita..nanunuot sa aking katawang lupa…panalo!

    salamat sa pagdaan mo sa aking kubo! sana makabalik pa ako dito…

  15. yees! im proud to be pinoy :))
    ngyun palang binabati na kta kuya!
    kongratz!! gnda :))
    tska ung drwing sobrang astig :))

  16. napakaganda nito kuya🙂
    gustong-gusto yung ika’y propesyonal sa sarili mong larangan. ika’y Filipino.
    inspiring. lalo na sa mga OFWs.

    yey! gandang araw.

  17. pre, salamat ang galing mo talaga. Since isinama mo ako, ok na sa akin kahit hindi ka pumunta nung despedida ko. hehehe Tulad ng sabi ko syo dati may talent ka talaga kailangan mo lang i-overcome lahat ng negative na matatanggap mo bagkus gamitin mo itong inspirasyon para lumikha ng mas malulupit na akda mula sayong malikot, maberde, maasul, mapula at maiitim na imahinasyon. bwahahahaha

    • bihira ‘to pre.kumbaga sa bingo,medyo naka jackpot lang ng post entry.medyo seryoso kase seryoso ang challenge na hinaharap ng gaya mong OFW.

      sensya na kung ‘di ako nakarating.sa sususnod na lang na uwi mo.ingat kayong lahat jan tol.

  18. ramdam na ramdam.. ayos! (goosebumps)🙂

  19. kung lahat lang sana ng Pilipino ay may ganitong pag-iisip, hindi mahirap makamit ang pag-unlad at labanan ang kahirapan.

    galing ng pagkakasulat. isa kang huwaran ng tunay na Pilipino, sa isip, sa salita, at sa gawa. mabuhay ka duking!

    • tol BM,salamat.

      bihirang matisod ko yng mga angkop na salita.buti naman at nagustuhan mo.

      ingat pre.salamat nga pala sa inspiring na kwento na ibinahagi mo.

  20. Ang galing mo talaga, Haring Doc!!!
    (nakatulala pa rin sa painting…. lalong napatulala sa akda….)
    Isang masigabong palakpakan para sa iyo at taimtim na pagpugay sa ating mga kababayang OFW!!!
    Mabuhay!!!
    Inuman na ulit!!!😀

    • inuman na tol.medyo pangit pala kapag nasa maingay na lugar.susunod,sa sementeryo kaya tayo mag inuman para naman mas masarap ang kwentuhan at sharing?hahahaha!

      pre,ang gaganda ng mga latest entries mo.sabagay,magaganda naman talaga lagi.

      ingat tol.magandang araw!

  21. Pareng duking, natatakot ka ba na manalo ka na naman? Sumali ka, ika’y aking hinahamon na ilabas ang lahat ng nalalaman. Ahahahaha.

    Naramdaman ko ang pagiging Pilipino sa iyong akda.
    Mabuhay ang Pinoy.

    • pre,ang totoo,hilaw ako sa experience para mag sulat tungkol sa karanasan at kwento ng ofw.natatakot akong hindi mabigyan ng hustisya yung totoong kwento nila ng sakripisyo at tagumpay.saka panalo na rin ang pakiramdam ko dahil sa pinalaki nyo ang ulo ko sa napakagagandang comment.

      ang sarap pa ring maging pinoy!

  22. ako’y taas noong Filipino!!

  23. kudos naman dito… alab ng puso sa dibdib ko’y buhay! napakagandang balabal ang iyong niyakap sa aming mga nandirito… as in sapul na sapul lahat ng taba ko!

    pero alam mo minsan kahit matibay ang balabal namin pinanghihinaan talaga kami… lalo ngaun papalapit ang pasko ang taas ng piso! 😆

    • eto na lang siguro yung munting handog ko para sa christmas na nariyan sa malalayong lupalop.

      ingat lagi,jowyow. mas maging matatag ka pa saka knowing you kahit lang sa mga sinusulat mo,tingin ko naman na kayang-kaya mo yung mga challenge jan.kitang kita kase yung sense of humor na meron ka.maswerte rin yung mga pinoy jan na nakakasalamuha mo at naging kaibigan.

      ingat!!!

  24. idol duking!!! hohohohoho wow

  25. wow!

    wala na yata akong maisip na sasabihin, nasabi na nila lahat sa taas oh!(turo sa taas)..

    basta! magaling ka kapitan hook!

  26. Kung meron man akong gustong ipagmalaki sa aking bansang sinilangan ay ang mga katulad mo Duking yung mga taong katulad mo:-)

    Salamat para dito astig ka tlga tol!

  27. Igan Duking, ang ganda ng naging bunga sa malimit mong pakikipaghabulan sa mga salita. Ang bawat katagang binigkas mo sa sulating ito ay kumiliti sa bawat himaymay ng aking kalamnan. Well said. Salamat sa pagdalaw mo at komento.

    • wala pong anuman.sa maliit na paraan na gaya nito ko lamang masasabi kung gaano ako ka proud sa inyo at sa mga katulad mong lumalaban sa sarili nilang paraan kahit pa nga ang laban ay kailangang dalhin pa sa ibayong dagat.

  28. Gusto ko lang sabihin na hanggang ngayon di ko pa ren tapos basahin yung entry mo before neto.

    Pisti.

  29. hindi man ako madalas makapagcomment o makabisita sa iyong blog, fan pa rin ako. at mananatiling isang fan – mula sa simula.🙂

    masarap ipagmalaki kung anong lahi mo kung merong mga tulad mo na may angking talento na pwedeng makipagsabayan sa ibang bansa, mabuhay!🙂

    magandang araw sa’yo, duking.🙂

  30. potenashet, ang seryoso! at ang haba pa! anu ba nirereklamo ko, eh di ko naman binasa?! wahahahaha

    basta alam mo naman kung kanino boto ko. yun na!

  31. p.s. ayan kasi. di nagbabasa. di pala pang kontest ito. hahaha.

  32. ang galing naman nito,,,, nakaka inspire…. ayos na ayos ang pagkakasulat…. ipinagmamalaki kong isa akong bagong bayani… salamat,,,,,

  33. May puso ang bawat salita. At pinatibok ito ng iyong gawa. Iba ka talaga idol!

  34. mabuhay ka duking sa iyong adhikain at sa pagsuporta sa patimpalak na ‘yan.

    tama ang iyong mga tinuran tungkol sa watawat at sa pagiging Pilipino habang buhay pa.

    mukha mo ba yung pinagayahan sa drawing mo?

    • hahaha…hindi ko po mukha yan.mas may hubog yang di hamak sa mukha ko.

      salamat,hoshi.ito na lang ang munti kong paraan ng pakikibahagi sa napakagandang adhika ng PEBA.

  35. Isang inspirasyon para sa isang bayan na maaaring nakalimutan na ang tingkad ng mga kulay ng ating watawat na ginamit upang pintahan ng kalayaan ang abot-tanaw ng kinabukasan para ating bansa.

    • mas marami pang kahulugan ang lahat ng kulay na nariyan kung ang bawat isa ang magbibigay ng pansarili nilang pakahulugan.kapirasong tela lang ang watawat kaysa sa ‘di sana rumurupok at kumukupas na bansang sinasagisag nito.

      mabuhay ang dakilang lahing kayumanggi!

  36. putris! ‘di ko na binasa ang mga komento kasi napapamura na ako dito sa harap ng monitor! hindi lang magaling ang digipaint pati pa ‘yung mga bawat salitang binitiwan mo Ka Duking… napalunok ako’t napamura talaga ng putris! sensya na sa dirty words.. pero di ko ma-express ang aking saloobin at kulang ang mga titik na pantukoy ko nito… kaakibat mo ako lagi sa pagpupugay sa mga OFW!

    • ka loren,eto lang talaga ang munti kong maipapamahagi sa kanila.ang munting pagpupugay na ito ay makadagdag sana ng dangal para magpauloy pang lalo sa kanilang pagsisikap na hanapin ang tagumpay sa ibayong dagat.

  37. ang ganda ng bawat kataga.. may sinseridad…
    hayzzz mrami pa akong hnd alam dito.. but im willing to learn and discover.. papaturo me na lang at magtatanung sa mentor ko…hehehehe

  38. “Masyado nang maalat ang dagat na naghihiwa-hiwalay sa atin para dagdagan ko pa ng sarili kong luha.” Para sa akin, napaka-powerful ng linyang ito.

    Nakatutuwa itong akdang ito, Duking. Nadagdagan ng isa pang mukha ang pagkakakilala ko sa ‘yo. Mabuhay ka!

    • salamat miss N!

      ipunin mo lang muna ang lahat ng mukha ng akda ko.in the end,sana mas marami yung nakapag pangiti sa’yo kesa bumuhay lang ng inis.hehehhe!!!

  39. *nosebleed time* hmmm…. wala na yata ako masabi, kundi…. magaling ka master duking… sa lahat ng OFW all over the World(lalo na kai mama ko), we are all proud of you, salamat sa sakripisyo at pagmamahal nyo.. at karapat-dapat kayong tawaging makabaong bayani… yosh…

    Yehboi… ayos master duking…

    • all the best sa mama mo,missbroken at syempre,sa’yo rin.we’re proud of them.especially ikaw,always honor her and make her proud too dahil sa pagpapahalaga mo sa sakripisyo niya para sa’yo.

      at walang halong sermon ang comment ko.hahaha!

      • alam kong hindi mo magagawang sermonan ang nkakatanda sayo master duking… dahil paparusahan kita, sa ngalang ng buwan.. ahehehehe… at tsaka mabuti akung tao, at mahal mo ang mabubuti at cute na taong kagaya ko… di ba?(wag ka kukontra, kung hindi, ipapakulam kita!!!)

        Yeah!!!😀

  40. unang-una sa lahat, hutahena! ANG GANDA NG DRAWING PLEASE! ELIB NA ELIB AKO. KAMUKHA MO ATA EH! HAKHAK!

    ikalawa, saludong-saludo ako sa entry mong ito. para sa lahat ng mga ofw na nagpapakahirap para linisin ang banyo ng mga kano. oh well, basta magkapera, magsasakripisyo talaga.

    nakakalungkot lang na ang ilan sa mga diploma ng mga pilipino, sa ibang bansa para lang pala sa paglilinis ng inidoro.

    okay somuch for inidoro shits!

    • nakow eloi,wafu yung drawing sa kesa sa akin.

      salamat sa pagsaludo,eloi.though hindi maikakailang underemployed ang iba sa ibang bansa kumpara sa talagang hawak nilang propesyunal na larangan, tinatanggap pa rin nila ang lahat ng ito para sa mga mahal sa buhay.ang katotohanan kasi,dito sa atin,kahit pa nga propesyunal ka o blue collar at skilled lang na mangggagawa,ang bottom line,swerte nang mapagdugtong mo yung kita mo para ipantawid buhay lamang.kumbaga,yung sweldo mo eh halos para lang sa gastos mo sa kasulukuyan kaya hindi malayong mas piliin pa ng iilan ang well paid na mababang klase ng hanap buhay kesa sa propesyunal nilang tinapos.

      well,we just have to be proud sa ating mga trabaho specially kung yun ang bread and butter na pinakikinabangan din ng mga mahal natin.

  41. nice one duking! padala natin ‘to kay P-Noy baka biglang gamitin nya to sa ispetch n’ya pagnagvisit s’ya sa ibang bansa! hehehe naks! ang taas ng royalty n’yan! hehehehe

  42. “Ibalabal mo ang watawat na ito sa iyong pagkatao. Habang ikaw ay buhay pa’t pumipintig ang puso sa pangungulila sa mga minamahal.”

    Sapul ako dito. walang hiya. grabe na ito. mukhang maghahakot ka ng awards. Galing mo talaga. hawaan mo nga ako…

  43. I re-read the post again and these lines are just so sad:
    “Ikaw na naghahanap ng dilag-liwanag sa ibayong-dagat
    ang sinugba pala’y kabaong na pilak
    isang alitaptap ang iyong kahambing
    ang tinatanglawan ay sariling libing…’”

    • pero alam naman natin na hindi,lahat.nakakalungkot lang na nangyayari pa rin,sa kabila ng lahat ng sakripisyo. all in all, dakila pa rin ang mangibang bayan para sa interes ng mas maraming minamahal kaysa sa sarili lamang.

  44. wala po akong masabi kundi….isa kang ALAMAT!!

    Mabuhay po kayo!😀

  45. Pareng Duking,

    Wala akong masabi sa galing mo sa panulat at pagguhit. Isang tunay na pagpupugay sa mga kaibigan nating nakikipagsapalaran sa ibayong dagat para sa konting ginhawang inaalay para sa mga pamilyang naiiwan sa bayang kumalinga sa lahat ng adhikaing baon sa pakikibaka. Mabuhay Ka!

    p.s. share ko nga pala sa FB ko ‘to para naman maibsan ng konti ang pangungulila ng mga kaibigan pa nating nasa ibang bansa at maging proud sa pagiging isang Filipino.

  46. Pingback: isa PONG malaking karangalan kahit man lang sa maliit na paraan… | oh my doodles!

  47. “Ang pagiging tunay na Pilipino ay Tayo”.

  48. TUNAY TAYONG PILIPINO….PA SHARE PO NG IMAGE …. TNX

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s