riding under the influence…


papanu mo malalaman na sumemplang ang nagde-deliver ng pizza? ako…alam ko!

pero alam mo bang nagsinungaling ang philippine history books mo? tanda mo yung kwento ni magellan at ni lapu-lapu at ang epic battle sa mactan? ang madugong istorya ay nag simula sa isang masayang salo-salo. lagyan natin ng sub-title ang kwento dahil kakaunti lang naman ang nakaka intindi sa atin ng spanish at french na wikang ginagamit nina magellan at lapu-lapu noon.

lapu-lapu: maligayang pagdating, mga men!

magellan: salamat, salamat…karangalang mapadpad sa lugar ninyong nagkalat ang mga babaeng labas ang suso! kasama ko nga pala ang aming mga tripulante at ilang sundalong sabik sa pagkain, sex at libangan.

lapu-lapu: balita ko’y galing ka na sa cebu at bininyagan ang mga naroon.papabinyag din kami dahil gusto naming maging kristiyano at mag-celebrate ng pasko,fiesta,mahal na araw at iba pang holiday. we can always used a break you know?

magellan: magaling! mga kasama,ibaba nyo ang ating mga spanish brandy made from the finest ingredients! saka yung mga spanish bread na inaamag…mga pasas…at…

lieutenant ni magellan: sir, napahalo po yung mga pasas sa tae ng kambing!

magellan: shit happens…isa pa, anu bang alam nila sa pinagkaiba ng pasas at tae ng kambing? ibaba mo na rin, estupido!

lieutenant ni magellan: yes sir, isasama ko rin po yung embotido!

lapu-lapu: at hindi kami magpapahuli syempre pa sa aming lambanog! tara na mga dude! ngayon lang kami nakakita ng mga taong mapuputi, matangos ang ilong at kamukha ni jackielou blanco pero may balbas at bigote!hak-hak!

sa madaling salita,humarap sa mahabang piging ang magkabilang panig ng mga dayuhan at ang ating dakilang si lapu-lapu. tipikal na nakasalampak ng pagkakaupo, naglatag ang ibat ibang putahe tulad ng buko salad, lobster, crab, isdang tukmol (ang isdang tukmol ay kalaunang pinalitan ng lapu-lapu bilang pagkilala sa kauna unahang filipino na pumatay ng dayuhan) mila’s letcong baboy-damo, tapang usa, at sundot-kulangot.

asikasong-asikaso sila ng kanilang mga aliping intsik na nang galing pa sa hong-kong habang nililibang naman ng mga entertainer nilang mga hapon na nagsasayaw at kumakanta ng voltes theme. sa ‘di kalayuan ay nagpakitang gilas ang mga kawal ni lapu-lapu sa  pagde-demo kung gaano katalas ang kanilang kampilan (sinaunang espada) sa pamamagitan ng pag-pugot sa ulo ng mga arabyanong kanilang napag-tripan dahil walang maipakitang papeles nang minsang nainspeksiyon ng LTO flying squad. ipinakita rin nila kung gaano katibay ang kanilang mga baluti at kalasag  sabay inalok ang mga dayuhan na ang lahat ng ito ay mapapasa-kanila sa halagang 99.95 pesos kung oorder ngayon gamit ang kanilang telepono at credit card. but wait there’s more…

bilang tradisyon at pagbibigay galang,nagkasundong magpalitan ng inumin ang magkabilang panig.si magellan at ang kanyang grupo ay uminom ng lambanog samantalang si lapu-lapu naman ay ininom ang handog na brandy ng mga dayuhan.

sa kalagitnaan ng inuman at palitan ng sign language at ngiti ng magkabilang panig,biglang dumighay si magellan.

magellan: (burp!) thank you lord for the feast and hospitality of this people! nanghina na ang aming mga katawan sa kakakain ng tinapay at keso sa dagat!

lapu-lapu: pre…abnormal ‘tong hayup na ‘to…dumighay tapos di man lang nag excuse (binulong sa katabi niyang isa ring sunog-baga) papatayin ko ‘to kapag…

magellan: gwarkkk!!! (dahil hindi kinaya ang lambanog at maraming pulutan, nasukahan ang mukha ni lapu-lapu!)

lapu-lapu: tang ina kaaa!!!! (sabay bunot sa kanyang kalawanging kampilan…isang malaking kahihiyan para sa mga datu ang sukahan sa mukha, ‘yan din ang dahilan kung bakit sa paa lang tayo sinusukahan ng mga taong lasing na nakaka-sakay natin sa jeep.)

naging hudyat ito ng sabay sabay na pagpatay sa mga dayuhang lasing, seasick, nalilibang, at ang mga espada ay may mga lock ang suksukan at ang baril ay de-uling.

nagbalik sa espanya ang mga hindi nakasama sa inuman at sinumbong sa hari ang nangyaring kamalasaduhan sa kanilang trip at syempre pa, katulad ng amerika ngayon na malakas at makapangyarihan, pinagbintangan tayong may weapons of mass destruction at sinugod para sakupin at tawaging Pilipinas hango sa upos ng sigarilyong menthol na phillipmorris 100’s.

viva la vida de bamba la bamba and the rest is history…

…or some part of it.

mabalik tayo sa pizza at kung bakit alam ko na sumemplang ang nagde-deliver nito:

pinsan ko: andito na yung pizza!!!

ako: (nasa CR habang nagsusulat ng blog na ‘to sa tissue paper na gagamitin ko ring pamunas pagtapos) bayaran mo na…anjan sa ref yung pera!

pinsan ko: bilisan mo…mauubusan ka na!

ako: (dali daling lumabas, kinuha ang slice ng pizza habang nagtataka kung bakit puro cheese lang ang pizza ko samantalang halos magkandalaglagan ang pepperoni, ham, bacon, pineapple, mushroom, at iba pang shit sa pizza nila. ) duguan ba yung nag deliver ng pizza?

pinsan ko: hindi naman…bakit?

ako: sumemplang kasi yung motor n’ya.

pinsan ko: huh?! bat mo alam?

ako: eh puta naman oh! kumakain kayo ng pizza samantalang hotcake tong akin!

pinsan ko: hahaha! oo sumemplang! (ngasab-nguya-lunok)

next time,iku-kwento ko naman kung bakit tinatamad akong pindutin ang ‘shift’ key sa keyboard para simulan ang sentence ko sa capital letters gaya ng itinuturo sa atin sa grade school.

71 responses to “riding under the influence…

  1. Una ako.
    Mamaya na ako magbabasa pag-uwi.

  2. Hindi ako nakatiis at binasa ko na.
    Hmn… Mukhang ayaw gumana ng utak ko para hagilapin ang nakatagong yaman sa poste mo.

    Ginutom tuloy ako. Maka-order na nga lang ng pizza.

  3. di ko kineri ang paggamit ni lapu-lapu ng “dude” at “men” hahahaha..

    infairview ha.. parang United Nations iba-ibang nationality ang tampok… at may LTO Flying squad ba.. may natiketan ba?😛

    may parte pa na home tv shopping.. hahaha may ngelepowno na pala nung mga panahon na yun..

    taragis na baril yan.. de uling… kumustahin naman ang may lock na lagayan ng espada? hahahaha patay na sila bago pa man malaman ang ang nangyayari..

    kaloka ka kuya duking.. hahaha

    lesson learned: wag papahuli kapag nagpadeliver ng pizza.. nyahahahaha

    • halo halong walang kwentang topic lang,yanah.sensya ka na.hehehe!

      natutunan ko yung lesson na yan sa pizza delivery.sa susunod,papahiwalay ko yung toping para kahit sumemplang yung nag de delver,laging pwedeng hatiin ng pantay ang pie.

  4. LOL! Kailangang masabihan si Zaide sa totoong nangyari kay Lapu-Lapu at Magellan para ma-edit niya ang libro niya. Ampf!

    • hahaha…kakaksuhan malamang ako ni gregorio zaide ng either treason o falsification of public accepted docu…pero papaliwanang ko na lang na kalokohan lang ‘to.

      salamat ulit sa pagdaan dude!

  5. wahhhhhhhhhhhhhhhhhhh
    natawa ako dun sa Home TV Shopping na lines, wait there’s more… if you order in next five minutes ahahahahhaha

    masama ba loob mo dahil hindi ka nakatikim ng pizzzzzzzzzzzzza hihihi
    salamat kuya duks! be blessed po!

    • hahaha!

      di ba ganun talaga yung tv shopping?wait hteres more ang pamatay lagi.ahihi!

      kamusta bro?ingat lagi and may the peace be with you at sa lahat ng pinoy na kasama mo jan sa struggle.

  6. haha! ikaw na, ikaw na ang kumain ng pancake sa pancake house.

    magaleng ka magkwento ng philippine history. aabangan ko ang duking version ng edsa 2. \m/

    p.s.

    congrats pala! nabunot ang ngipen mo sa pakonteshit rapol ko. pakibigay ang titulo ng paborito mong libro sa lalong madaling panahon. kthnxbye!

    • pre,salamat nga pala sa bumunot ng ngipin ko.

      sa ngayon,wala pa akong maisip na title ng libro na gusto kong bsahin.dahil sa rason na yan,ikatutuwa ko kung sayo na mismo mangggaling ang libro.it doesn’t need to be new basta interesting read.kung galing man sa library mo,laki kong pasasalamat.

      thank you ulit.more power sa inyo ni dude habang inaaninag nyo pa sa hamog ng hinaharap kung magkahawak kamay ba kayo sa umaga o shit -lang-sayang-naman ang mangyayari.

  7. Walang post mo na hindi gumuhit ng pataas ang mga labi ko kasabay ng pagliit ng mga mata ko kasabay ng pagdaloy ng kasiyahan sa mahina kong puso🙂

    hinintayin ko ang kwento mo tungkol kay pareng Andres Bonifacio.

    • pag sumasaya ka,sumasaya rin ang bahagi ng isip kong lumilikha ng ganitong kalokohan.

      dahil sa inspirasyon mula sa gaya mo,paulit ulit ko pang kakalikutin ang untold story ng history oara ibahagi sa lahat ng giliw kong taga masid.hehehe!

  8. magaling duking. naaliw ng kwento mo ang nalulumbay kong puso. teka… di pala ako nalulumbay. nagsusuplada lang.

    ikaw na ang may hyperactive imagination. wala ka na siguro maisulat. walang hidden message shit? wala? wala. ktnxbye. cu. =)

    • ikaw na ang suplada,kuhrachi.

      basta masaya ako para sa’yo.at wala itong hidden message gaya rin ng iba kong sinulat na walang message.

      ang mensahe ko lang na nais iparating ay wala akong mensaheng nais iparating sa bawat sinusulat ko.kumbaga sa kubeta,bukas ang pinto ko para silipin ang anidoro pero barado na ng kung anu anung shit na ayaw mo nang malaman kung ano ang dahilan.

      di ba ang gulo ng comment ko?

      • oo, magulo ang koment mo pero nagets ko sa tingin ko… lalong lalo na ang baradong shit sa inidoro sa kubeta. taeng tae talaga. walangya ka. :))

  9. Nag eespanyol si LapuLapu? PUNYETA! Tinalo pa nya ko! Isang taon akong nag aral ng Spanish wala akong natutunan kundi Como estas!

    Sumasakit bangs ko sa pag iinggles ni LapuLapu.

    Pero macho ren naman si Jackielou Blanco ah? Lagyan mo yun ng balbas at bigote mas lalake ma yun ke Magellan. Hihi.

    Taragis ka Duking. Hahaha. Kanto boys mag usap ang dalawa. Kung ako masukahan sa mukha ipapakain ko sa manok balls nya. Haha.

    At Duking, alam mo ba na itatanong ko dapat sayo yan? Yang pag press ng shift key sa start ng sentences. Pet peeve ko kase yan. Maarte ako eh. Hehe.

    • Wow, Vaj, tinalo mo pa ang pagiging editor ko ah. Ako pa naman, minsan may sakit na katam. Hahaha!

      • Hahaha. Gusto ko sana maging brutal at iisaisahin ko pa, kaso wala akong energy. Emotera ako ngayon eh. :p

      • pakialamera kang hijo de puta cang vajee ka!

        cung maaari,juwag mo na lag pansinin ang por dios por santo kong mga camalian sa pagsusulat.ito’y ,unti lang namang pagbabahagi ko.aaminin ko na nga ang totoo…stuck up ang shift key ko!yung caps lock naman,baldado na ng alikabok kaya ayaw na ring mabago.

  10. duking, kwento mo naman ung nangyari sa mendiola hehehe..tutal kukuwnto mo ung sa edsa …heheheh nakatuwa itong post na ito..ganun pala ang nagyari sa digmaang mactan sa cebu. now i know

    • ang nangyari sa mendiola…sobrang dami ng nangyayari sa mendiola.

      tingin ko,dapat talaga tayong umiwas sa traffic sa lugar na yan.hehehe!

      salamat sa pagdaan,rico!

  11. hahahaha
    dami kung tawa dito kuya duks😀
    yun pala ang dahilan kung bakit sila nagpatayan ee.. hahaha

    yung sa pizza, matry nga minsa, ..hhihi

    • oo badet,kahigin mo yung topping sa side na kukunin mo…tas pakisabi sa kakain ng naiwan na duguan yung driver na nag deliver dahil sumemplang kaya walang laman yung isang side ng pizza.hahaha!

  12. kakaibang akda mula sa kakaibang taong tulad mo. gusto ko na talagang makita kayo….

    • walang kakaiba berl…kakaiba lang ang kalokohan ko minsan.ang problema pa sa akin,hindi ko na makontrol ang kalokohan ko.

      hindi kita niloloko pero kalokohan lang ‘to.

  13. nalala ko dito yong theory ng math professor namin dati, kung paano i-aaply ni lapu-lapo ang math sa pakikipaglaban kay magellan..hahaha

    mas nakakatuwa nga lang ang conversation na ginawa mo kapitan hook…hahaha

    tinamaan ako dun sa shift key ah!, di ko kasi sinisimulan ang sentence ko with capital letter pag nagsusulat ako ng entry..wahahahaha

    • huwag mo nang intindihin yung shift key…ang importante,nagkakaintindihan tayo rito.hehehe!

      may mathematical versio yung kwento?

      ayoko na rin ng history katulad ng math dahil jan.hehehe!

  14. BANGAG KA NO!??!? hahah salamat naman at kahit papano may mga dahilan na para hindi ako maniwala at bumilib sayo ng buong buo hahaha!
    TARAGIS binago ang history hahahah!!

    • tol bon,pag dating mo ba jan sa saudi bigla kang nag deklara ng pananakop at pinilit ang mga natives jan at local na magpa convert sa buddhist?hindi naman di ba?

      instead,naging friendly ka.iniisip ko lang na ganyan din ang ginawa ni magellan.nagkataon lang na sadike at san mig light ang ininom niyo nung muttawa kaya walang nangyaring gyera.

      ingat lagi tol bon!

  15. LOLZ! tawa ako ng tawa sa version mo ng pinagmulan ng away nina lapu-lapu at magellan hehehe. Ikaw talaga, Duking! Naloka ako! haha!

    • pero kung iisipin mo sa side ng isip ng isip natin na makulit,posible di ba?

      sino bang matapang ang galing sa seasick,malayo sa teritoryo,undermanned,aksidente lang na napadpad ang bigla na lang magsisigasigaan na kala mo sila ang jedi warriors na nakahandang lumupig sa tribo ng ewoks sa star wars?

      hindi marahil eksakto pero gusto kong bigyan ng justice na sa inuman at kasiyahan nagsimula ang gulo,katulad ng away lasing sa kanto.hehehe!

  16. hahahaha! ang kulit na naman ng istorya mo.

    at napatingin ako’t napansin nga na tamad kang mag-shift key…kahit ba nung sinusulat mo tong blog post mo sa tissue na ginamit mo ring pamunas ng pwet mo, hindi mo rin ginamitan ng capital letters ang unang titik ng bawat unang salita ng sentence mo?

    tsaka, ano na ang nangyari sa mga pasas na may halong jebs ng kambing? pinagsaluhan ba nila o sina lapu lapu lang ang kumain?

    sabi ko na nga ba, walang kwenta ang mga sumulat ng history books natin. ikaw na ang maging historyador!

    • miss kaye,ang totoo,papunta na sa ‘kawalang maisulat na matino’ phase ang mga sinusulat ko.

      pinipilit ko na lang na magsulat para umabot ang blog ko ng at least man lang one year gaya ng blog ng karamihan na andito.

      salamat sa pagsuporta sa kalokohan ko.hehehe!

  17. kakaiba ka talaga parekoy, fan mo na ako sa mga story beyond history mo! kelangan akong magkoment para magpasalamat sa ngiting ibinigay ng postemo. salamat, pads…

    • salamat ka loren.

      nagagalak akong nakakapagbigay ako ng ngiti sa karamihan kong mambabasa.karamihan ng narito ay gawa gawa ko lang at hindi sinusuportahan ng anumang scientific facts or basis kaya purong katuwaan lang.

      again,salamat sa pagdaan!

      • ooopps!…ala pa pala kayo sa blogrollko, pede ko po ba kayo i-add? tira lang ng tira kung pede nga e tapatanmo lahat na kapitolo sa mga aklat nina zaide at agoncilio he he he😀 at ng malaman namin ang mga detalye sa likod ng mga kuwento nila… “de-constructing history” ika nga…

  18. Pare, hindi naman sumemplang, baka kinain nong rider ‘yong mga lahok palabok sa pizza. Malas ka lang talaga.

    Iba pala ang istorya, mas naniniwala ako sayo kesa sa Phil History books o kung sino mang kwentista.
    Sa susunod pwedeng ikuwento mo naman si Rizal at Andres?

    • pre,sa simpleng paliwanag…mahirap isipin na dumayo talaga si magellan ng away di ba?

      kung may tatlong tagalog na napadpad sa tawi tawi ,mas malamang na makipag kaibigan sila kesa maghamon ng away.anu sa tingin mo?

      dahil uto-uto ako,isang araw sa isa pang pagkakataon,iku kuwento ko naman ang version ng history ng revolutionary government.huwag sana akong kasuhan ng treason dahil sa aking kalokohan.hehe!

  19. Eto ang sinabi sa akin ni WordPress nung kinoment ko ang “Nice post.”?

    “Duplicate comment detected; it looks as though you’ve already said that!”

    Tae, kelan ko ba sinabi yan? Anyway, nice post.

  20. panalo sa kwento ah, natawa ko ng husto. buti pala nakipagpatayan si lapu-lapu kung hindi may makikita pa din tayong isdang tukmol sa palengke😀

  21. wag mo baguhin ang history. hakhak!
    kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik pa ang dati.
    let it be, tol bro pare man dude. hakhak!

    ang arte much!

    ekshelli! nagutom ako. gusto ko ng pizza!!!
    kuya duking, may promo ang greenwich, pag mag-aavail ka ng product nila na worth 2500 pesos eh me libre kang eheads set na may lamang 11 dcs at 1 dvd (documentary) tapos may tshirt pa at book. hakhak

    • naiimagine kong kumakain a na ng pizza araw at gabi pati gabi at araw,eloi!

      totoo ba yung promo?kase plano kong pizza ang ipakain sa susunod na ako ang mag organize ng seminar sa work.bwahaha!masaya na sila,mas masaya naman ako dahil sa freebies.i-che check ko yan.salamat sa info!

  22. wahaha, sakto, kakakain ko lang ng pizza after 20 years, yum yum😛

  23. ahahaha ang galing! idol na kita from now on..🙂

  24. haha. katulad mo duking. tinatamad din akong pindutin ang shift key. di kase ako mahilig magshift.hehe.
    nakakatuwa ang kwento. may touch pa ng history. ayee.

    • hehehe,ang maganda kasi sa blog,wala nang editor na pwedeng pumigil para mag publish ng all small letters na trip na gaya ng sa atin.

      kahit topic free for all lang….salamat na lang at may gaya mong nagbabasa at nabisita!

  25. ewan ko sa ‘yo duking!

    palala na pala ang mga kuwento mo. wahahaha

    utang na loob wag kang magsusulat ng history books, mapupuno ng doodle ang mga libro. hehehe

    ang kulit!

  26. anong meron duking! ano!😆 mainitin pala ang ulo ni lapu-lapu nyahaha!

  27. sabi na nga ba’t may mali sa mga history books natin e…hinaluan talaga ni lapu-lapu ng betsin yung tinatagay ni magellan kaya sya nabangenge.
    “The Legend of Lapu-Lapu, with a twist”

  28. katrinadanieles

    ahahahah!🙂 kung ganito ang mga history books, siguro kumuha na ako ng course na history. sobrang nakakatawa. hahah

    waaaaah! namiss ko yung mama maria’s pizza sa bacolod.. kasi sa sobrang laki, busog ka na sa isang slice!🙂 pero dahil matakaw ako, mor dan one tlaga kinakain ko. hahah

    gandang araw duking!🙂

  29. Haha…ayos Duking! pinasaya mo ang umaga ko. Madalas ko ring isipin noong andyan ako at naghihintay ng passport mula sa US Embassy. Pano na kung biglang sumemplang yung ‘dor to door delivery’ at nasunog ang mga passport o ma-hijack ng mga Abu Sayad at kasama yung hinhintay ko…ang hirap pa naman makapasa para mabigyan ng US visa..hehe…

  30. haha. galing ah. napaka wild ng imagination. natawa ako sa LTO flying squad at dun sa United Colors este Nations pala (may Arabo, Intsik…)

  31. Haha. Hayop naman tong Magellan na to oh, sa mukha pa sinukahan yung Datu. Lol.

  32. distracted ka! duking! distracted! mas mahaba pa yung side story mo sa topic! sakit sa bangs! hahaha! but anyway, may natutunan ako dito sa post na to..

    yun ay.. hmn, kalimutan mo na.. hindi ko na din matandaan.. haba kase ng kuwento eh.

  33. Hoy kerengkeng wag kang magmaganda andami mong comments na hindi nasasagot! Tas ako pa tatawagin mong suplado. HAYUP.

  34. naamoy ko yung pizza yey

  35. Binasa ko uli ang buong post at ngayon naman ay naghihintay ng isa pang kwento: ang kwento kung bakit tinatamad kang pindutin ang ‘shift’ key sa keyboard para simulan ang sentence mo sa capital letters gaya ng itinuturo sa atin sa grade school hahaha!

  36. Hangkyuut ng doodle. pero bakit scooter? diba dapat motor yun? kase pizza delivery? wahaha. hokei, nangealam nanaman ako. :p
    Galing mo magkwento. at ngayon ko lang nalaman kung bakit pala sa paa tayo nasusukahan at di sa mukha. huhlols. =))
    wag ka kase muna tatae pag may dadating na pizza, naging tinapay na may cheese na lang tuloy nakain mo. haha.
    mwahh. hugs.😛

  37. nakow kabastusan din ba pag sa dibdib nasukahan? :p nakakawala ang antok!😀

  38. hi, duking.

    masaya itong pambabalahura mo ng kasaysayan, parang mas malapit ang kwento mo sa totoo kesa sa isinulat ng historians, hala!

    btw, noong bandang unahan, halatang kobeta-inspired ang plot pero as you went along, gumanda ang timbre, haha! gusto ko ‘yong pag-i-infuse ng mga modernong salita. doon naging believable ang istorya, hi, hi…

    pwede, pwede kang mag-rewrite ng kasaysayan just as long as you’ll engage the service of an editor para di mangilo ang mga istrikto sa grammer, haha.

    ano ba, mag-spring ka na from your valentine blues, pareng duking!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s