what if… (kwento ng fab four)

what if…


may meeting na nagaganap na sikreto,discrete,kalokohan lang at gawa gawa lang ng sira-ulong nakaisip na may nagaganap ngang meeting na sikreto,discrete,kalokohan lang at gawa gawa lang?

ganito sana ang tatakbuhin ng pulong:

taning: magandang araw sa mga dumalo,nagpatawag ako ng special meeting dahil sa mga announcement na hindi na makakapaghintay sa wakas ng panahon! ito ay tungkol sa aking mga karapatan bilang member ng ating boybands na sa tingin ko ay hindi na makatarungan.ito ang listahan ng aking mga hinaing sa pagkakasunod-sunod:

1. iniwasan ako ng napakaraming mga tao dahil sa bad publicity…thanks sa inyong tatlo especially sa’yo,mr.j!

2. napagbintangan ako na ugat ng maraming digmaan,bisyo,kasamaan…name it,basta masama…its my fault.to hell with all the reasoning! kailangan ba talaga ng finger-pointing sa mga kapalpakan ng tao sa buhay nila? ba’t naman laging ako?!

3. i’m tired being the bad guy.katunayan,all this years,i’m looking forward to this meeting para naman magkaalaman na kung sino naman ang willing sa inyo na gumanap sa papel na ginagampanan ko…

4. and lastly, tapos ko na ang sinulat kong libro…papamagatan ko itong ‘mabuting balita version 2.0…’

mr.j: hindi pwede…copyright and registered trademark ko na ang naisipan mong pamagat…palitan mo na lang ng ‘masamang balita’ ang title…

taning: ano?! nilagyan mo ng ‘mabuti’ yung sa’yo pero ‘tong akin,hindi mo pa nababasa,masama na agad? what if mas mabuti pala ‘to…let the people decide!

allahoy: hindi natin pwedeng pag desisyunin ang tao sa bagay na yan,taning. malilito sila. magkakagulo lalo. i say let them submit. masama ang mag-isip para sa kanila.

taning: eh,para saan pa ang utak nila?

bhudjako: doon nanahan ang kapayapaan, idelohiya, relihiyon, natutunan sa buhay at pananaw kung saan maaaring naroroon tayo o wala. subukan mong wala yon sa tao…

taning: …at wala rin ang nagtataasan mong templo, donasyon, golden bhudjako, ikapu, charity fund drive, concert for a cause…

mr.j: sour grapes ang nararamdaman mo. hindi yan normal sa kutis mansanas na may mahabang tangkay na buntot pala kagaya mo…bwahaha!

allahoy: oo nga…saka yan naman ang role na nabunot mo nung nagpalabunutan tayo. remember…dun sa ibang planeta na may ibang nilalang,ako naman ang badguy di ba?

bhudjako: i don’t know about you guys…basta ako…hindi ko seseryosohin ‘tong concern ni taning. in fact…my joke ako! ‘anung tawag sa capital city na dinayo ko para kainan at lantakan ang lahat ng siomai, siopao at mami sa kanilang restaurant?ito rin ang dahilan kung bakit ganun ang ginawa nilang tawag sa kanilang bansa?

mr.j: bago yan ah…hindi ko akalain na sa kabila nang walang hanggan kong karunungan…hindi ko yan masasagot!

allahoy: pag nasagot ko yan…payag ka bang lahat ng estatwa na ginawa bilang parangal sa’yo eh tunawin para maging estatwa naman ng mga suicide bomber na mamamatay alang alang sa aking pangalan?

bhudjako: oo ba!

allahoy: joke lang. serious ako at hindi mapagpatol sa joke. sirit na ‘ko!

taning: pag nasagot ko yan…pwede bang pumatay ng pitong alagad mo at manakit ng ilan pa?

bhudjako: ang sama mo talaga pero sige!!!payag ako!!!

taning: bhudapest, hungary…ang siyudad na pineste mo ang mga restaurant kayat nagutom ang buong bansa. sorry na lang…napatay sa hostage taking sa bus ang pitong intsik dahil sa joke mong walang kwenta! bwahaha!

mr.j: tuso ka talaga,taning! nag google ka ng sagot sa hawak mong psp na naka wi-fi!

bhudjako: mas tuso ako sa kanya…dahil ang totoo…followers mo,mr.j yung pito. hahaha!

mr.j: ilan na nga ba ang buhay na nasira dahil sa psp at mga gadget…hay buhay…parang forever living lang…bigla na lang nawawala sa isang iglap…

taning: psp kaya at mga  gadget ang pinaka sikat na regalo kapag birthday mo!

mr.j: tapos na ‘tong meeting na ‘to…andami ko pang aasikasuhin dahil panay ang dasal ng mga followers ko na sana bumalik na daw ako kahit hindi pa naman talaga sila ready…nakuu!!!

taning: nga pala…bago ako bumalik sa impiyernong buhay ko, gusto ko lang malaman n’yo na itutuloy ko ang pagsusulat para naman marinig ang panig ko. sa internet na lang…kailangan ko rin ng followers!!! paki check ako sa oh,my doodles!

…at dahil naniniwala ako sa fair and responsible journalism…hindi ko kayo sisiraan gaya ng ginawa n’yo sa akin sa mga pinablish n’yong libro! babush!

105 responses to “what if… (kwento ng fab four)

  1. hindi ako makaget over sa bhudjako,….yun lang..

    wala akong ibang maicomment..

    chureeee hahahaha

  2. ang haba ng sinabi mo kuya.. si taning talaga ung laging sinisisi ano? pwede namang tingnan muna yung sarili nila.. kung may fezbuk ba sya may folower din kaya yun? (unsure)

    **kakaiba ka magsulat kuya.. di ko maiisip mga ganitong usapan..

    • wala namang kakaiba leemi.nangulit lang akong mag sulat.attemp na magpatawa.hehehe!

      hindi ko alam kung naging nakakatawa ba o gumawa lang ako ng kaguluhan.binabasa ko kasi yung mga comment.bigla akong nag alala.whaaa!

      • nag alala din ako Kuya para sa’yo.. hala ka.. alam mo bang sensitive ang ilang kapatid nating ibang paniniwala.. ma -mtrcb ka dadalaw dalawin na lang kita kung san ka man ma-detaine.. hehe..

        *parang lalo kitang pinag alala😀

      • ahaha…hindi ko pinag aalala ang mga kasama at kaibigan sa wordpress.alam ko naman na malawak ang kanilang pang unawa at may pag galang ang kanilang pagsusuri.

        isa pa,aminado naman ako sa aking kababawan sa usaping may kinalaman sa bagay na hindi ko unawa.kakulitan lang ng isip ko ang gaya ng mga ganitong post. kung may paniniwala man akong masasagi, sa abot ng makakaya ko, ako na ang humihingi ng paumanhin.

      • pwede nating konsulta si Panyero pag nagkataon hehhehe…

        malawak naman pang unawa Kuya.. ayun lang di ba.. hindi lahat..

  3. LOL! Aabangan ko ang iba pang mga pag-uusap ng Fab Four.🙂

  4. mukang may pinapatamaan. iyon lang.
    magandang araw, pareng duking!

  5. bakit kaya napapa-isip ako sa huling paragraph?..malaman kuya, ayoko lang hulaan kong ano ang gusto mong iparating, o nahulaan ko na?…. magmamasid na nga lang ako…hehe

    magandang araw kapitan hook!

  6. naguguluhan lang ako. kung mag-uusap si satanas, si hesus, si buddha, at si allah, hindi kaya magka-riot-riot ang mga taong sumasamba-nanampalataya sa kanila?

    at kung susumahin mo, dahil iisang diyos lang naman ang pinaniniwalaan bagaman at natatago lang sa iba’t ibang pangalan dahil sa iba’t ibang relihiyon, marapat bang sabihin na si allah, hesus, at buddha eh iisang entity lang?

    mabuti na lang talaga ako walang relihiyon. walang sakit ng ulo. :p

    • parehas tayo. kasi its base on the relationship natin kay GOD.

      • Relasyon nga sa iisang tao ay napakakumplikado na, gugustuhin ko pa bang magkaroon ng relasyon kay God na madami din karelasyon? Ang gulo mo cuteberl. =)

    • minsan pre,iniisip ko na papanu pala kung ang exsistence nilang lahat ay nangyayari lang rin lahat sa loob ng isip natin?

      naiisip ko kasi na ang utak na hindi develop,katulad ng sa mga musmos na bata, walang ibang laman kundi kasiyahan. pumapasok yung faith kapag nagsimula na siyang mabuhayan ng conciousness sa mga bagay na ginagawa nya.tama ba to…mali ba to…at mga katulad na tanong na ganyan. para matakot,kailangan ng satanas,para ma justify na piliin ang mabuti,kailanagng may pangako ng walang hanggang buhay…pero paano nga kaya kung ang lahat pala ng ito ay …

      ok…dahil musmos pa ang isip ko para mag isip ng ganitong bagay…iiwan ko na lang sa kangkungan ang lahat ng paliwanang ko.hehehe!magandang araw pare!

  7. Bakit talagang bonggang jabonggang hindi ko ma-gets? Ang dami kong nasabi, “Nice post” lang naman dapat ang comment na ito.

  8. duking duking wala kang katulad…. GOD is the simple word na akong sa lahat ng sinabi mo. They all GOD but the difference is about the what so called “RELIGION” nakakalungkot kasi pag kay GOD na ang usapan ang laging iniisip ay relihiyon..

    • tama ka berl. nagkataon kasi na pinangibabawan ng sari saring doktrina at pakahulugan ng kanya kanyang paniniwala ang relihiyon ng tao. hindi naman niya ginagawang talikuran ito dahil kumbaga,package deal ‘to na kapag pumili ka,kailangan mong sundin. in otherwords, kulang ang kakayahan kong magpaliwanag. hindi sana kita nalito sa tugon ko.

      magandang araw!

  9. sorry kuya duking hindi ko masakyan. bangag pa ata ako ngayon. hehehe

    pero ayos na ayos talaga ang doodle. astig! trip ko yong kalbo buti na lang may saplot. wahahaha

  10. naalala ko ung clash of the titans kung saan kahit mga Gods may mga lapses sa decisions nila, may pagka-selfish, parang tao lang din.

  11. nahiya aq magkoment knna kc hnd ko nagetz pero dhl s nagbasa aq ng koments. hnd nako nahiya kc hnd lng aq ang hnd nkagetz ehehe.. prang my pinatatamaan ka, pero kung cno or ano un angdpt ung liwanagin lolz! isang word lang aq nkarelate.. sa word na babush!🙂

    • whaaaa…we’re good friends,kayedee. maintindihan mo man o hindi…dapat hindi ka nahihiya. again, kulit lang ang reason ko sa pagsulat ko nyan.walang partikular na nais patamaan o deeper meaning sa babaw ng pagkakasulat ko.

      magandang araw!

  12. nagsisimula akong magbackread ng mga post dito at mga post ng ibang bloggers.
    inuna ko ito.

    nagsimula ako ng nakangiti at natapos ng may matipid na ngiti sabay “oww”
    dahil sa last part ng kwento mo. O:)

    namis kita.namis ko magbasa kaya lang bakit wala akong mahagilap na salita para sa posteng ito?. sa iba nalang ako babawi.

    hi kuya duking.

    • salamat sa pagdalaw geylii.

      pagpasensyahan mo na lang yung last part.

      • hmm wala akong nakikitang dahilan kung bakit ka dapat humingi ng pasensya dun kuya.
        Una- iyo un e, bakit ba? haha
        pangalawa- iyo parin un bakit ba? haha

        d ka naman pumipilit ng readers na basahin un nuh.kami ang kusang napunta dito.
        wag ganun🙂 *hug*

        merienda po tayo ?ü

  13. Mr. J. tapos na ‘tong meeting na ‘to…andami ko pang aasikasuhin dahil panay ang dasal ng mga followers ko na sana bumalik na daw ako kahit hindi pa naman talaga sila ready…nakuu!!!

    dito ako natawa ng bonggang bongga🙂

    hello Duking!

    • ah oo…naiisip ko kasi na ang daming naghihintay sa second coming pero masyado namang mabibilang lang ang totoong handa.besides,ayoko nun dahil natatakot ako. yung part na yan kase,puno ng pagdadalamhati at sakuna. (kung tama ang pagkakaunawa ko…)

  14. What if? Hindi ko muna binasa ang mga komento?
    Walang kasinglawak at haba ang karunungan ng tao. Kaya naman, hindi siya tumitigil sa pagtatanong
    Paniwalaan mo ang dapat mong paniwalaan, na alam mong sa bandang huli, panalo ka aking kapuwa.

    Isang ligaw na kaalaman na naman ito sa mga ligaw ding nagtatanong duking.
    Ang pagkatas ng kaalaman ay hindi natatapos, dumating man ang unos. Pinatatalas lamang ito ng mga pangyayari sa ating kapaligiran. Mas matalim, mas sumisirit ang uhaw na pandama ng tao.
    Bakit pinauso ang masama at mabuti? Paano kung wala ang ganyang mga pang-uri?

    • hindi ko maaaring ariing kaalaman ang isang ligaw na kwentong gawa gawa ko lang gaya nito, mangyari, ihahanay ko lamang siya sa listahan ng mga katanungang binububo natin sa balon ng kaalaman na hindi rin naman masukat ang hangganan at lalim katulad ng misteryo ng buhay.

      at dahil mas nakita mo ang kahalagahan ng pagtuturing sa masama at sa mabuti sa likod ng mga imahe, nangangahulugan lang marahil na wala nang kabuluhan pang pagtuunan ang patungkol sa sino ba at saan ba ang tama.dahil sa kahulihulihan, ang masama at mabuti ay tatsulok lamang na may matatalim na sulok na kumakalog sa loob ng ating puso upang ipaalala kung anu ba ang masama at mabuti.

      tanggalin mo ang pag uuri ng masama at mabuti…at kasabay nitong maglalaho ang sanlibutan kasama ng lahat ng bagay na ating pinaniniwalaan.

  15. hindi ko alam kung paano ako magkokoment kuya duking.
    kasi ang tangan ko ay hindi relihiyon kungdi ang pananampalataya sa isang relasyong nagbubuklod sa bawat isa at sa Kanya.
    lahat ay may panahon, may nakukuha sa mabilisan at meron naman talagang may katagalan.
    ang alam ko lang libre ito, hindi pinipilit.
    pagsusuri sa sarili at sa kung ano ang tangan ng bawat isa ang mahalaga.

    • pasensya na pong.

      hindi rin naman tungkol sa relihiyon ang kabuuan ng post na ito.sa pagsusubok kong lumabas sa kahon ng nakagawian kong sulatin,hindi ko akalain na napakalawak pala sa kulang kong kaalaman ang naroon sa labas.

      nagsusuri lamang ako.

      • wala kang dapat ihingi ng pasensya kuya duking

        malawak ang poste mo kasinglawak ng universe. sa pagsubok mong lumabas sa kahon na nakagawian mo ay nakintal ang aming mga puso. pusong mapagmahal.
        maganda ang nais mong iparating dahil tama naman ikaw, na ang buhay ay nasa labas, may mga bagay lamang talaga na hindi kayang saklawin ng ating pang-unawa ang mga bagay-bagay.

        at sa iyong pagsusuri dalangin ko na hindi ang fab four ang ma-encounter mo, kundi ang pagsusuring magpapalaya sa iyo at tunay na makapaglalabas sa iyo sa kahon.

        be blessed kuya duks

  16. napakagaling, dukito! hindi kaya umalma ang mga relihiyon sa ginawa mong ito? lalung-lalo na si vajayjay na sinasamba yung kutis mansanas!hahahaha

    nakakainis ka, ang taba-taba ng utak mo!

    • kalokohang kwento lang ‘to.

      at dahil good friend kami ni vaj,anuman ang sinasamba nya ay lubos kong ginagalang.si edward norton antivirus ang alam kong diyos ni vaj.

      • nagpalit na ng relihiyon si vajayjay, hindi mo alam?! nagbalik-loob na siya kay satanas. nalaman kasi niyang siya na ang papalit kay lucifer balang araw!hehe

  17. kawawa naman si taning master.. di naman lahat kasalanan nya… friend ko yan..😀 nyahahahaha… maganda yung post… love ko si Mr.J.. love you bro..

  18. baka may magalit sa akin kung nice ‘post’ lang ang ilalagay ko hahaha

    ang galeng, ang kulet😀

    kung nawala si taning isipin mo na lang na may pelikula pero walang kontrabida, may teleserye pero walang iyakan, at may bus pero walang hostage taker.

  19. @ Duking..!
    nasan si..:
    Hare Krishna..?
    exclusive for boys ba yan..?
    hahahahahahahaha..!😆

    • plano ko nga sanang ilagay din si shiva at hare krishna kaso lalo nang hahaba ang fictional na kwentong ito.

      next meeting na lang,baka sakaling hindi sila busy sa pagbibilang ng nakakalat na baka sa buong india,maka attend sila.

  20. napakaraming hangal na naglipana sa daigdig ngayon… mga estupidong humahanap ng masisisi kung bakit wasak na wasak ang mundong ginagalawan nila… mga hunghang! eh sila lang naman mula’t sapul ang sumira ng buhay nila…

  21. …uhmmm iniiisip ko kung ano yung ginagawa ni taning😆 (ninja)

  22. what if di ko magets ang post na ‘to :))
    bat ganun? x(

  23. ang kulit naman nito, hehe,
    panu nga kaya kung magkaron ng swapping ng position?
    abangan… >:)

  24. ano yung ginagawa ni taning? (thinking)

  25. ang kulit ng doodle oh, si taning left out, may sariling tuntungan na cloud hehehe

    Kumusta bakasyon sa tagaytay? natuloy ba? Incidentally, yung picture na tinanong mo kung saan ko kinunan ay sa Tagaytay😉

    • ahaha…ang madalas kase,kapag nasa tagytay ako,andun lang ako sa gilid ng hi-way.hindi na ko napasok ng peoples park.ok na yung nasa mataas na bahagi lang ako habang tinatanaw yung lake sa baba.

      napagkaisahan si taning.epekto ng reputasyon.

  26. nabasa na ba to ni vajek? walangyang link ng ohmydoodles to.

  27. tumatak sa isip ko yung sinabi ni mr j na pinapabalik na sya hindi pa naman ready ang mga followers nya… well my aral.

    salamat sa comment mo sa blog ko. nasagot ko na din sya.

  28. haha.oo nga naman. si taning talaga oo.

  29. prang di ko ma gets…heheheh

  30. Punyeta ka Duking. Nadamay nanaman ako sa post mo. Alam mo bang dalawang beses kong binasa to at ang conclusion ko palage eh ginagawa mo kong demonyo?

    ALAM KO NA YON! Bwahahahahaha! Tantadu. YM! Dali! :p

    • Una,demonyo ka nga.

      Pangalawa.Alam mo na yun.

      Pangatlo,ayoko mag YM para ma insulto lang sa paulit ulit mong pangyuyurak sa aking busilak na pagkatao.Text mo na lang ako para gumastos ka sa bawat walang kwenta mong sasabihin.

      Sometimes,you need to pay a little something for being a big asshole,you know?-Manny Pakwan

  31. May gusto akong isipin tungkol sa entry pero mas nakakaagaw ng pansin sa akin yung maliit na bagay na bilog at paikot ikot. Natae ba yang katabi ng kalbo? (ah, eh nagtatanong lang naman)

    • hahaha.hindi…representation lang yun ng bagay na umiikot ikot sa isang bagay habang umiikot ikot sa isa pang bagay kasabay ng marami pa ring mga bagay na umiikot ikot.

      dahil sabi nga ng ginebra…’bilog ang mundo’

  32. ngayon ko lang nabasa ang kabuuan…

    at papayag ka talagang maging venue ang blog mo para magparating ng shit si taning? teka, wag namang siya at ikaw ay iisa. hahahaha!

    basta, masaya ako para sayo. yun lang.

    nice post. (pagaya, salbe.)😀

    • whahaha.salamat sa nice post® comment.yan,may registered trademark na under ni salbe.

      lately,puro thank you na lang ang kinauuwian ng comment reply ko sa’yo.this time,iibahin ko naman:

      arigato…xie xie.

      ahahaha!!!thank you google!

  33. hahaha, ang kulit naman ng miting na yan…

    at natawa naman ako sa hirit ni taning na sinisiraan siya ng tatlo,,,

    magandang araw, sir duking!!

    • hahaha! konsepto lang yung kwento na kapag ang isang bagay o nilalang ay minarkahang masama subalit walang patas na pagdinig,nagiging bias ang buhay.nawawala ang balance of the force.ang yin at yang.ang black and white.ang crt at lcd.ang chalk at ang pentel pen.ang nunal at an-an.hahaha!

      magandang araw din ginoong lipad-laya!

  34. may mga bagay talaga ang di maarok ng simpleng kaiisipan,
    dahil sa tangkang kakulitan mo kuya duking naging malupet ang impak ng iyong akda at ang resulta… napagana mo ang aming kamalayan at paraan ng responsible reasoning (hindi ko na alam kung tama ang sinasabi ko) ehehe…

    buti pa si taning may psp… inggit much :)) ehehe

    • dahil ginamit mo ang salitang responsableng reasoning,i’ll assume na nagulo kita.bwahahaa!!!

      salamat sa mga komento at pang unawa. at totoong kakulitan lang ang nagbunsod sa akin na gumawa ng ganitong akda.

      yung PSP,regalo yan ni buddha kay taning last christmas.ganyan sila ka close apat.

      • whahaha… ang hindi nga halatang kakulitan ang nagbunsod sau kuya duking…

        sana friendship rin kami ni buddha para may psp ako this christmas… ehehehe…😀

  35. isa itong akda na sa simple ay kulitan, pero sa isang malalimang pagmumuni-muni ay maguudyok sayo na kumawala sa mga dekahong konsepto na gumagawa ng ilusyon sa mga paniniwala natin.
    mahusay ang kombinasyon tol.

    • mahusay na komento.

      napasama ka na sa nasa labas ng kahon.kung paanong nagkaroon tayo ng ibat ibang pagkakatuklas sa pagkawala,hindi rin naman masamang magbalik sa loob ng kahon kung sakaling kapusin ang adbenturerong isip natin habang nasa labas.

  36. Si Mr. J nagbebeer (Baka root beer lang with float ewan), si mr. A nag reredhorse (o baka milo lang na nalagay sa bote), si Mr. B tumitira na Mami(Di ko alam pwede ring kimchi basta naka chopstick) Si Mr. D ang pinaka malupit wala akong ibang maisip na iba nyang ginagawa kundi nag J-Jkul-isap habang nasa ulap at katabi ang 3 pang member ng banda nila.

    Si Mr. J nga pala ay may hawak ata na magnifying lens sa kanang kamay, para siguro makita kung ano ng nangyayari sa mundo.

    Kulit ng Post na to. Sana lang ay wala lang sumeryoso.🙂

  37. Wala akong idea sino sino sila pero natuwa ako sa meeting nyo… parang wala ngang meeting of minds kung tutuusin, pero nakakaaliw usapan sa meeting!

  38. natawa talaga ako ang kulet ng storya nila.hahaha

  39. “But who prays for Satan? Who, in eighteen centuries, has had the common humanity to pray for the one that needed it most?” – Mark Twain

    napakalawak ng imahinasyon mo Kuya Duking.

  40. Malawak ang pinunto mo dito Duking. Ito na lamang ang gusto kong sagiin…

    “ilan na nga ba ang buhay na nasira dahil sa psp at mga gadget…” Yang mga gadget…ay umaagaw talaga sa normal na buhay na kung di kokontrolin ay nakakaligaw sa tunay na nature ng tao…ang makipag-communicate at makisalimuha sa tao…Yan lang muna at baka magkaon ng violent reaction sa akin…hehe. God Bless!

  41. galing naman ng patawa mo, igan duking. si taning talaga anytime, anywhere magaling lumusot at mag-isip…

  42. haha. natuwa ako.😛 oo nga … in a sense may truth naman. pawang role playing lng naman dito sa mundo eh. and sabi nga… there are many “worlds” out there pa.

    haha. cant wait sa next episode.

    re: my blog: thanks sa mga comment mo.🙂

  43. “mr.j: tapos na ‘tong meeting na ‘to…andami ko pang aasikasuhin dahil panay ang dasal ng mga followers ko na sana bumalik na daw ako kahit hindi pa naman talaga sila ready…nakuu!!!”

    laughtrip! this one really made me laugh! very very true! hahaha!! kulit! may mga naghahanap nga ng rapture day na aminin na natin na hindi pa nga sila ready… kundi gusto lang nilang umiwas sa pansarili nilang buhay na imipierno.. wehehehe…

  44. Hi Duking, napadaan lang. I just wanted to see kung hindi na left out si taning haha!

  45. kakatuwa naman.ang dami mong readers duking.

  46. Andami mong na goyo sa walang kwenta mong post Duking. Tsk.

  47. hello, bok. dumaan ka pala sa ganito, ba’t di ko naisip?

    gifted ka talaga pagdating sa artwork at panulat. you can make light of everything except… alam mo na ang except, haha.😀

    ang bilin ni ate keekaye, tama na ang self-flagellation. ang na-a-achieve lang daw no’n ay gumanda ang posts pero hindi ma-resolba ang issues dahil hindi pa talaga nakakapagpatawad. ewan ko lang kung tama ang intindi ko sa mga sinabi nya, hehe…

    ate ko talaga si ate keekaye. iniwas-iwasan ko sya tapos, ang ending, kami rin ang magkausap. kundi ba naman imbyerna ang life, ewan!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s