‘‘kung tatanungin mo ako ngayon kung may mga kasalanan ba akong pinagsisihan, sasabihin ko sa’yong lahat maliban sa isa…’
hindi ko na matandaan ang kulay ng taxi o ang wangis ng nagmamaneho nito. hindi ko na rin alam kung gaano ba katagal siyang naghintay para isa-isang isakay sa likuran ang hindi ko na rin matandaang dami ng bag na bitbit mo nang umagang iyon.
ang bilis kong makalimot. kasing bilis din nang kakayahan mong mag-paalala sa paulit-ulit kong pagkalimot. sa bilis ng sunod-sunod na mga tanong mo,nawalan ng kabuluhan ang buka ng iyong bibig. nabingi ako. namanhid. nawalan ng pakiramdam ang loob at labas ng buo kong pagkatao. naglalakad akong tinutunton ang daang pilit kong iniwasan. pinangakong iiwasan. napako ako. kalawangin. impektado ng nakaraan. naging mabagal ang pag uwi ko. naghintay ka. nainip. ipininid mo ang pintuan at bintana. tinanggap na hindi na ako darating.
mapula ang sinag ng umaga. naroon ako sa harap ng pintuan. bahagya kitang nginitian pero may luha ang iyong mga mata. hindi ka nagsalita. iniabot mo sa akin ang munting papel. kay ikli ng nakasulat ‘di na tulad ng haba ng iyong naging pang unawa dati.’dadalawin ko s’ya ng madalas….’ tuluyan nang nalaglag ang luha sa mata mo. doon ko rin napansin ang taxi, ang mga bag at ang katotohanang nagaganap sa aking harapan. bahagya kitang pinigilan. malumanay mong tinanggal ang aking kamay sa pagkakahawak. hindi na ako kumibo. ‘huwag mo s’yang pababayaan…’ nabingi ako. namanhid. nawalan ng pakiramdam. naging mabagal ang pag alis mo. kasing bagal ng pagbabalik mo. naghintay ako. naiinip. binuksan ang pintuan at mga bintana. tinanggap na hindi ka na babalik.
umikot ang mundo, sumabay tayo pero bakit parang tayong dalawa lang ang nahilo?
sabi natin noon…
anu nga ba ang halaga ng singsing sa daliri ng dalawang taong tadhana ang nagtakda para pagtagpuin ang landas sa bilyon-bilyong nilalang sa daigdig?
alam ko na ngayon ang sagot…
dahil sinusubok rin pala ng tadhana ang mga puso nating mamili sa pagitan ng bilyong-bilyong tao kalaunan, ang singsing marahil ang siyang nagbibigay ng dagdag na bigat sa timbangan ng ating desisyon…
sabay tayong tumatawa noon…
hindi naman natin kailangang tipunin at pakainin pa sa dulang ang mga taong alam naman nating gagabayan tayo sa pinili nating buhay…
magkahiwalay sana nating natutunan ang dahilan ngayon…
sila sana ang mga naging saksi natin sa sumpaang hindi maghihiwalay sa hirap at ginhawa,sa kalungkutan at saya hanggang wakas…
kung tatanungin mo ako ngayon kung may mga kasalanan ba akong pinagsisihan, sasabihin ko sa’yong lahat maliban sa isa…
iyon ay ang minsang umibig sa isang katulad mo.
Yehey! Una ako. :]
kamusta pre?
maligayang pag be beys.hahaha!
pre… bat di lumalabas dito yung like button. kanina pa ako nagre-refresh eh. π¦
ME LIKE THIS!!!
(naluha ako nung binasa ko ‘to… naalala ko lang yung nanay ko.)
Nalungkot nman ako dito duking. Mukhang malalim ang pinaghugutan.
Lahat tayo daraan sa ganyan. Mgmamahal, mamahalin, masasaktan, makakasakit, magpapaalam, maiiwan, masaya, malungkot, smooth o komplikado. That is exactly what life is all about. Emotions.
Yet all these make who we are now. Nagiging matapang tayo, nagiging mas responsable, mas maingat, mas hopeful para sa mas maayos na bukas. At gaya ng malakas na ulan sa buong mgdamag, me rainbow na naghihintay pggising kinabukasan.
Ingat ka jan, duking. Chat tayo pg natyempo online….
Aba me like din dito parang facebook ha.. Hehe.. Oist miss na kita…:)
namiss ko rin ‘tong magaganda mong comment.namiss din kitang ka chat.na-miss kita.
alam ko kasing busy ka lagi.
ingat and stay happy…miss addicted to green bell pepper.
uiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii
huwag ka nga jan pong.
graduate na kami sa mga u at maraming i.
pero oo,nami miss ko sya at laging mami miss.
BWAHAHAHAHAHA. Duking isa kang malantod na sapaters! Tusukin ko ng tinidor burniks mo. Hahaha.
Naalala ko lng. I once said goodbye to someone. Pgkatalikod ko hindi na ko lumingon ulit kahit paulit ulit nyang binabanggit ang name ko habang umiiyak. At isa din un sa mga desisyong di ko pinagsisihan sa buhay ko.
Ano ba to duking ang emo naman. Hehe.
Hi, pong. Dito n lng ako kkaway sa yo. π
ingat po tayo lagi…
something inside me tells me na i-edit ko ang comment mo,vaj sa kadahilanang panira s’ya sa harutan.
pero huwag na nga.sasabihin ko na lang na kung may counterpart si kupido,ikaw yun!grrr!
@green bell pepper: anu ba name mo? kase kung yan pa rin….mga apat na banggit lang,malamang,nawalan na sya ng malay at kinapos ng hangin.
at wala talagang doodle. yehey!
un comment ko, iinom na lang naten bukas. howkei?
i doubt it kurachi.
malamang na tulugan mo ulit kami.
kaya….(drum roll!)
HUWAG KA NA!!!
ahahaha. tae ka. tayo original na nagset nito di ba.
basta. ang masasabi ko lang, sweet ka. wahahahahaha!
ang sakit Kuya, naiiyak ako sa nangyari,
at sa mga pagkakataon ganito, gusto rin sanang may yumakap sa kin ng totoo..
one of these days,love will find you lee mi.pagnakita mo s’ya,dont ever let go.hold it like the air you breath.
huwag mong hayaang paghiwalayin kayo ng mga pangarap at kung anu anu pang shit.in fact,ikulong mo ‘sya sa iyong magic spell.
ok,walang magic spell.
pakasalan mo na lang pala.hahaha!
kuya.. lahat ay nagsisimula sa isang hindi sinasadyang pagkikita,
sa pagkakataong nandun ako at sya
sa panahong magkakilala ng tuluyan..
sa isang di mawaring koneksyon ng bawat aura
magmamahal ako ulet..
eksakto.yan talaga ang attitude.dapat.
sa isang hindi sinasadyang pagkikita,dapat lahat ng kasunod sinasadya nyo na.
para mayroong ownership.
“…kung tatanungin mo ako ngayon kung may mga kasalanan ba akong pinagsisihan, sasabihin ko saβyong lahat maliban sa isaβ¦
iyon ay ang minsang umibig sa isang katulad mo…”
haysss.
hays talaga…
uulit ulitin ko pa ring basahin ‘to Duking.
hello,miss tutubi.
sa dalas ng paulit ulit mong pagbabasa nito,baka mawalan din ng kabuluhan ang lahat ng salita ko.baka mabingi ka,mamanhid,mawalan ng pakiramdam pagtapos.
huwag naman.whaaaa!
wag kang mag-alala Duking.
yun naman talaga ang nangyari.
nyahaha!
(nakaka relate lang talaga ako)
aw so sad naman ito… di ko lam sasabihin π¦ parang ang sakit, ang hapdi..
long ago and far away…pero as time goes by, wala nang natitira kundi paminsan minsang ala-ala at higit sa lahat, pasasalamat na kahit minsan, may isang pag-ibig.
naks di ba?
cguro nga minsan kapag umiibig tayo. tapos hnd naging mgnda ang pangyayari sisihin natin ang ating sarili bkit tayo umiibig sa isang tulad niya..
wag na tayo magtanong..It is a Gods gift.. cherrish it
tip pre…
may magaganap na inuman mamaya.sama ka!
sama sana ako sa inuman… hehe. :]
wala kong masabi kuya. *tapik sa balikat
oy beef!
kamusta?maraming salamat sa tapik.at least alam kong ikaw-si beef tapa ang talagang tumapik.
hahaha!
ββ¦kung tatanungin mo ako ngayon kung may mga kasalanan ba akong pinagsisihan, sasabihin ko saβyong lahat maliban sa isaβ¦
iyon ay ang minsang umibig sa isang katulad moβ¦β
–nainspire naman ako sa line nato π
dahil minsan rin akong umibig ngunit di ko pinagsisihang nagmadal ako π
magandang lahok!
be blessed poh π
hi badet,salamat din sa nakapagpapasayang comment.
ang astig ng gravatar mo.totoo nga siguro, kahit minsang pag mamahal, walang katapusan dahil sa ala-ala.
maraming salamat uli!
tenx poh π
naniniwala poh akong ang mga ala-ala ay nanatili sa tin, pilit man natin itong limotin π
may nabasa akong book about first love,
sabi dun, kahit daw gaano pa karami ang pumalit, kahit ilang taong ang lumipas
pag-nakita mo ulit yung first love mo,
nagiging sariwa ang lahat..
hmm.. totoo kea yun? watcha think?
be blessed (sorry poh, may pong syndrome poh ako ngayon ) hehe
wenk!
i dont know,badet.
kapag nakikita ko yung first love ko noong high school.nagtatago ako.naging magkaibigan kasi kami when we see each other again.nagkapalagayang loob ulit,nagkautangan.
yan ang dahilan kaya ko sya tinataguan.wala pa akong pambayad.whaaaa!
hahaha π
lastek na yan
may utang ka pala hahaha
π
ok lang yan, pag-nagkita kayo ulit sabihin mo kiss nalang bayad. hahaha:P
tagos sa puso ko. may pinagdadaanan kasi. parang sariwang sugat mo na nilalaplap ko ang dugo. salamat. para ko kasing binasa ang emosyon ko.
sorry men.
sabi ko na nga ba,hindi talaga iba ang pintig ng puso ko.ang daming katulad.
magandang araw!
hindi ko alam paano magkoment dito
dama ko ang puso ng post mo kuya duks
may mga bagay man akong tinututulan sa mga nasulat mo ay iginagalang ko ang mga iyon dahil sa PAG-IBIG na kaydakila
be blessed po!
pong,kung anu man ang tinututulan mo,lahat na pinag sisisihan ko maliban sa isa…
maliban sa isa,pong.
opo kuya
opo
hindi ako makakasama sa tagayan
pero hindi ko pa nakaklimutan ang libre mo pag-uwi ko
Potaragis ka Duking. Naimagine ko ang mga eksena. Ok na sana, kaso ikaw ang bida. Nasira ang mga eksenang inimagine ko nung nilagay kita don. Bwahahahahaha!
On a more serious note, hindi malinaw sakin ang kinahantungan ng pagdating ng taxi at pag titipon ng mga bag para lumisan. Sa tingin ko hindi naman madali para sa parehong aalis at maiiwan. Pana panahon lang siguro. Sa bawat pagluluksa natin sa mga taong nawala, may mga ilan namang nagluluksa para sa atin na hindi man lang natin napapansin na nagluluksa na pala sila. Patas patas lang. Per omay kanya kanya parin tayong karapatan at dahilan para magmaktol. Dahil tarantado lang ang magsasabing mag sesettle sya sa naghahanap sa kanya kahit na sabik na sabik at naglalaway pa sya sa paghahanap sa umalis na.
sino me sabing ako ang bida rito.
kwento ‘to na kinwento lang sa akin na ikinwento lang din sa nag kwento sa akin.
pucha….baka nga kwento mo to eh?!
on more serious note,kanya kanyang phase ang love story ng tao sa mundong ibabaw.hanapin mo na lang yung sayo at huwag kang mangi-alam sa akin.
hahaha!
Kitaaams. Sa bandang huli uma-‘akin’ ka dyan. Sipain ko balls mo eh.
Pingback: Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin
Isang mukha rin ito ng pag-ibig na binigyan mo ng hustisya…medyo masalimuot at may lungkot nga lamang.
salamat po,superlo.
marahil ito ang mukha ng pag ibig na minsan naging pinakamaganda at totoo subalit kalaunan,katulad ng lahat ng mukha,nagiging ala-ala na lamang.kailangang maging ala-ala na lamang o kung hindi,magiging blangko na ang lahat ng mukha.
nawawala yun like button haha
naiiyak ako ang aga aga..
parang naalala ko noon nung umalis kami ng mama ko.. nasa bus kami punta nang manila na, tapos yun tatay ko nasa owner jeep nya nakatanaw sa labas pinapababa kami ng tito ko pero mama ko desidido na… that day .. when i saw my dad looking at the window.. i cried.. ang sakit.. ang sakit.. naiiyak nanaman ako..
pero alam ko.. kahit hindi na sila nagkabalikan.. yun pag-ibig nandon pa din yun.. nakikita ko sa mata ng papa ko.
hello adel.
salamat.its hard to look back sa malulungkot na pangyayari.pero tingin ko,its just fair to look it in the eye from time to time just to smile and tell it na we’re happier than before.
ganun ko na lang jina justify ang malulungkot na pangyayari minsan.
Mars Ravelos, Lualhati Bautista,JK, Rowling, Stephen King, Duking..
Walang naiiba.
Ito ang buhay na kinintalan ng pag-ibig.
Wagas at puno ng pag-asa sa umpisa, naging masalimuot, hanggang sa magpaalam ang isa.
Alagaan mo ang bunga, punuin mo ng pang-unawa na ang dating bunga ay namiling hindi magbunga, upang sa gayon kapag namulaklak na siya, magaganda ang ibibigay na bunga sayo.
Palagay ko maghihirap ang kalooban ng bawat hurado.
Lahat ng lahok ay kwento ng buhay at pag-ibig ng Pilipino.
Salamat po G. Duking
basta naghamon ka,at tingin ko kaya ko namang tugunan,sasali ako lagi.
yan ang cobra energy drink.may lakas na di umaayaw.
cobra pa jan!
shaks! masakit tlga ang lahat ng pagpapaalam. ilang beses n bang nangyri sakin to? hmmm..lolz.. pero my mga bagay talagang kelangang gwin kht ayw natin, basta alm kong sa bwat paalam ay merong dn bagong bukas π
pero asan ang pix? un ang inaabangan ko eh! eheheh.. elow kuya! π
walang doodles kayedee.
nagkataon kasi na absent yung nag do drawing.may lbm yata.wawa naman.hehehe!
dami mo na bang experience?para ka palang airport.sanay na sanay sa arrival at departure.whaaa!
Walangya. Dapat hindi ka na lang sumali.
Ah nga pala, nice post.
baka kasi isipin mo,duwag ako.
nice comment.
so…mahalaga ang iisipin ni salbe para sayo??? hmmm…
whaaaaa!
BWAHAHAHAHAHAHA. Hanep sa banat Mommy Kaye! Apir apir apir!
me dahilan kaya sya umalis.
at pinili nyang tapusin ng mas madali ang paghihirap ng kalooban at puso kaya sya nagpasya, at un ay bigyan ka ng laya.
sana higit pa sa natupad ang hiling nya.
yay dukingster san napunta ung koment ko?
grrrrrrrrr!
hindi nawala,toni.
hindi ko na gustong alamin ang dahilan.sapat na sa akin ang alam kong hindi ko na siguro sya masasaktan pa ulit sa parehong paraan na ‘di na rin nya ko nasasaktan.
@ Duking..!
hay..!
pag ibig..!
honestly…
pag dating sa ganitong topic…
nawawala ang…
sense of…
right or wrong ko eh..!
love is something so…
special…
that…
if it ended up…
badly…
basta maganda ang simula…
at…
maganda rin naman…
miski papaano ang…
pang gitna..,
POSITIVE parin yun..!
well..,
yun ay para sa akin lang naman..!
or…
am i being…
overly…
optimistic again..? π
daniel.what if baraha ng pusoy ang buhay?
it doesnt matter kung maganda ba ang hawak mo or panget.what matter is kung paanu mo sya lalaruin.
yan na lang muna.baka mauwi pa tayo sa tong its.hehehe!
brohug, parekoi! babalik din ‘yan kung talagang para sa’yo siya. ang tindi ng mga entries sa pag-ibig pakontes shit ni ser jakul. magaganda lahat! π
POTARAGIS NA BROHUG! NATAWA AKO NG BONGGANG BONGGA!
sumama ka na sa brohug,vaj.promis…hindi ko pipisilin ang pwet mo.
salamat lio.astig nga ang karamihang entries.si vajarl buti na lang hindi kasali.hahaha!
hindi kasi marunong ng katutubong wika.wawa naman.
Tama,
ihawin ang lungs ni Vajee, ma-english.
Tae nyo nagtatagalog ako hindi lang matalinhaga at baka hikain ako!
Sapakin ko small intestines nyo eh.
pilayan na yan sa mukha!
nangatwiran pa.
maganda, may kurot.
namarkahan ko na sana ikaw ang manalo
salamat roomboy.
best of luck sa lahat ng napakagaganda ring may akda ng mga lahok.
nalunod ang blog sa sobrang pag ibig para kay jkul at sa kanyang diwatang musa.
iyon ay ang minsang umibig sa isang katulad mo.–>nasambit ko din ito sa taong minsan ay minahal at intinangi ng aking puso… dahil sya ay ang aking “one great love”pero kailan man ay hindi magiging akin habang buhay…
it happens.ganun talaga minsan eh.pero the way i see it,laging merong nagbubukas na pintuan sa bawat nagsasara.
masaya ako para sayo jong.for finding your love again.
Awts! tumagos sa puso ko:-‘(
bakit wala akong masabi napatulala ako π¦
alam ko kung bakit.
hehehe!
may peyboritisim talaga
hindi ka pa nagkoment sa post ko
huhuhuhuhuhu
nasa top ka sa mga iniskoran ko
basta ako ang teacher kaya mataas grade mo ahahahah
pong,nabasa ko na lahat.hindi pa nga lang ako makapag komment dahil baka magkahalo halo ang mga komment ko na para sa isa sa isa.
mas lalong magulo yun.salamat pong.ang bait bait mo sa akin.kung ako si lord,kukunin na kita.buti na lang isa lang akong malaking tipak ng tae.
aughhh (nth time)
sad but liberating, hmm, siguro ganun talaga ang buhay at pag-ibig,
teka, Pebrero na po ba? bakit parang puro pag-ibig ang mga post ngayon, hehe
padaan lang po ulit! π
ganyan ko na lang din tinitignan ang mga bagay.
maraming salamat aubz.may hamon kasi sa lahat ng bloggers.check mo yung link ng kayumangging damdamin.next time,dapat,sali na kayo ni manang!
kamusta?salamat ulit!
awww…nalungkot ako sa sinulat mo…iba tlaga kapag may pinaghuhugutan. ngayon mas naiintindihan na kita, duking…
you don’t need to say,miss kaye pero ‘di ba…ilang grams lang yung singsing but it made a lot of difference sa dalawang taong nagmamahal?
tae lang.naghanap pa ko ng kakampi,wala namang kalaban.hahaha!
nasaktan man sila… sa tingin ko hindi na rin masama… for sure sa bawat pighating naransan nila.. may natutunan naman sila.. nagdagdag sa mga pamantayan nila sa buhay (at pag-ibig) makakatulong din un…
yep,yanah!if the experience is a piece of broken glass,nasaktan sila pero natuto.eventually,gagaling yung sugat and they can keep the piece of that glass as evidence na minsan,may ganung nangyari.
aaw! kapitan hook, hug nalang kita ha!
ddi ako makaget-over, naraamdaman ko yong sakit… waaaah! bilis ko talagang madala, aayoko din namang magsalita kasi wala akong ka-alam-alam tungkol sa ganitong bagay..hehehe
pahiram ko nalang sayo ang ilaw ko..mwwuah!
hindi pa sa ngayon,tinkerbell pero in the right time,you’ll have this phase ng buhay.sana,sana…
you can learn from this story.if you do,i wouldn’t look back to this day and regret for sharing this para sa pakontes ni jkul.
whaaaa!
429 words. sayang. pro s aspetong teknikal lng un. the rest, napakaTOUCHING. so bale 100-1=150. galeng ko no? π
ang galeng nio po magsulat.
π
hahaha!
salamat sows.yung pagbabasa pa lang,malaking problema na sa akin.ngayon ko na realize na dapat pala,sinabayan ko na rin ng pagbibilang.
whaaaa!mahilig din ako sa math!apir!
teka di ko maaarok pa kuya duking… wala kasing pagsasalarawan eh tssk tsk.
pero oo nga no? minsan yung akala nating siyang nagdudugtong sa atin ay puwede ring pabigat. ganda ng explanation about dun sa singsing.
ring of power yun.yun ang dahilan kaya namatay si smigel.
sorry,walang drawing.nag resign yung illustrator ko.hindi na nya makayanan ang pagmamalabis ko sa kanya.overwork daw sya pero underpaid.hahaha!
wag ka na maghekspleyn
kapag ikaw na ang nanalo
pahiram mo ako ng relos ha!
pag ako ang nanalo,papakontes din ako.at yun din ang premyo.
hindi ko lang alam kung may sasali dahil ….
ok.binigyan mo ako ng ideya.ganun nga ang gagawin ko.
nabasa ko yun ggimik niyo sa post ni ate salbe
masasabi kong galante ka talaga boss duks!
masyado akong nag enjoy dun sa gimik na yun kaya hindi na kita papansinin.hahaha!
kapag hindi mo ako pinansin isa lang ang ibig sabihin nun may peyboritisim na talaga nun!
galing….
oo…galing din ako sa blog mo!
“magmahal ng tapat, mahalin ang karapt dapat” hahaha, wala lang! π
Lungkot naman π¦ Iniiyak mo ba ako? may bumara yata sa dibdib ko sa aking binasa. Teka, ano ba ‘to.
bkit wla yung comment ko san napunta?
kakaiyak naman tong post mo,,, tagos sa puso… galing mo pa ring magsulat.. walang kakupas kupas…..
Pinadala mo na ba ito kay Ate Charo Duking?
asar! bakit nabasa ko pa ito. hahaha ! tinigilan ko na ang pagbabasa ng mga lahok dahil nag bblock ang page ng ibang kasali, so para patas wag nalang mag grade kahit kanino dahil hindi ko mabsa ang sa iba , isa lang tao ang nais kong markahan, nagandahan ako, hanggang sa mabasa ko ito . hahah !
maganda. tsk! nanalo kana last kontest kuya, pede bang ibalato mo na ito? haha . labet!β₯
liking this so much! duks, you did it again! apir!
NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.
NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.
(GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)
tol duks, may buyer na ako nung relo, contact mo lang ako pag napanalunan mo. andaming nag-like oh. hahaha. padaan.
di ko pa nababasa pero magcocomment na ako
bakit walang GIF? hahaha.
I like this as creative non-fiction. π
Malalim ang pinaghuhugutan. I can feel it. And the way the scenes were laid out, ang ganduh lang. π
astig naman nito tol, para lang akong nagbasa ng isang mamahaling obra!(haha may price?) ^^ ang galing nung dahilan ng singsing.. sayo ko lang nadinig o nabasa ang ganitong dahilan: “ang singsing marahil ang siyang nagbibigay ng dagdag na bigat sa timbangan ng ating desisyon⦔
astig ka duks! ang lalim..
nalibang ako sa pagbasa ng iyong akda ginoong duking. malawak, malaya, kakaiba…
inunawa, isinapuso at minarkahan… π
true story?
panalo na ba duking, ito na kaya ang panahon mo para magwagi?
godbless
AT IKAW NA NGA ANG NANALO! CONGRATS PARE!!!! :]
CONGRATS, DUKS! IKAW NA NAMAN. SABI NA NGA BA. DI KA TAO! HAHAHAHA. WIENER KA, DUKS! WIENER!!!
palakpakan. nanalo ka na pala duking. pahiram nalang ako ng relo ha.
tol congrats!!! u deserve it
Hi,,,nice one..minsan o madalas pg mahal ntin ang isang tao wala tau paki alam sa tama o mali,,,masakit man o hindi basta ang mahalaga masaya ka,,,,sa akin ndi ito pag kakamali isa itong lesson n minsan sa buhay ntin ndi lagi utak gumagana,,,love this !!…Congratz
sa lahat ng bumati,maraming maraming salamat.
congrats
ipapareserve daw ni duking yung buong miss u ng isang gabi
CONGRATS!!! WEEEEEEEHH!!! :))
congrats duking! π
cheese,badet,jowyow:
maraming salamat!
kayo po pala ang panalo..congratz
Ito pala ang nanalo sa kontes
Binasa ko siya ulit
basta!
ang ganda nito… nakakarelate ako.. hay….
ang ganda! isang obra maestra, pwede nang ipublish..
wla ko masabi sir! nagtagumpay ka na i-hook ang readers at makaramdam ng mga pintig sa puso habang binabasa ang storya nito. bravo! π
keep on blogging. i’ll be following!
hello. grabe ang ganda ng mga unang bahagi- very graphic, pwedeng isa-comics o video.
pero ba’t ang emphasis mo ay sa parting o sa paghihiwalay? hindi ba usually, ang naaalaala natin ay ang umpisa o ang pagtatagpo?
hindi ba, over time, pinapatatag tayo ng mga relationships na di nagwo-work? unless, may mga sariling guilt over not having given it our best? :s
hindi naman yata talaga basta-basta natatapos ang pagmamahal. pero pagtagal, nailulugar natin kung asan sa buhay natin ang bawat taong nagmahal, minahal at nag-marka sa atin. parang gano’n ang sabi-sabi…
hahaha, hi, duking. π
Baka may mapulot akong bato na magbibigay ng kapangyarihan.
Salamat