isn’t it atomic?

pag iniisip ko ang salitang ‘atomic’,isa lang ang pumapasok sa isip ko-maliit pero makapangyarihan! radioactive. nakakadamay ng hindi namamalayan. delikado. nakakapagpabago.nakaka-trigger ng mutation. magugulat ka na lang, ibang-iba na ang lahat isang araw dahil…

kung may pareho tayong ginagawa araw-araw, sasabihin kong walang iba kundi ang pag de-deffuse ng sari-sarili nating bomba sa anyo ng problema. one-man bomb squad tayo ng sarili nating emergency sa buhay. laging may countdown ang orasan. laging nandun tayo sa spotlight.

at ang mundo? kadalasang payapa lang sa pagtulog sa hating gabi at abala sa kanyang ginagawa sa umaga. hindi niya alam ang kahulugan ng butil-butil mong pawis ng pag-aalala. wala siyang ni katiting na ideya kung bakit malalim kang nag-iisip kung minsan. kung sabagay, mas madaling  mag-isip kung walang usyoso. mas malinaw mong naririnig ang bawat tik-tak ng papaubos na oras kung walang dumadaldal na kahit sino sa’yong likuran. ikaw lang at ang bomba…one-on-one!

blue o red…red or blue?

ilang bomba na nga ba ang na deffuse mo? hindi mo na halos mabilang. at bakit nga ba nariyan ka pa rin? hindi ka lang kasi namimili. naging eksperto ka sa sarili mong paraan sa bawat bombang iyong napagtatagumpayan. alam mo kung ano ang pipiliin kahit pa nga minsan, kasing dami at kasing gulo ng damit mo sa cabinet ang choices.lalakad kang palayo ng tagumpay o bigo. nangyayari rin yung stalemate minsan ‘di ba? yung wala kang ginawa pero wala rin naman naging epekto. misdeal lang sa tong-its kumbaga. kumbaga sa paputok, supot.

pero huwag ka,lalakad kang palayo para lang harapin ulit ang panibagong bomba. mas mahusay ka na kaysa sa kahapon. mas matindi na ang bomba kaysa sa kanina. ganun ang challenge ng buhay. sinasabi mo na lang na ‘keep it coming,bitch!’ sabay ngiti para paalala sa sarili mo ang kasabihang ‘what doesn’t kill you makes you strong’…

expert?

hindi rin.

dahil madalas sa pag-ibig, kahit anung piliin mong wire, its always turns to be blue…

at pagtapos…KA-BOOM!

magliliwanag ang buong paligid. malinis na ulit ang dating masalimuot na syudad ng isip mo. wala na ang lahat ng karakter na nakaka-asar. hindi mo na naririnig ang naglalampungang pusa sa bubungan. tahimik,malinis at payapa na ulit ang lahat.

matakot ka mang mag simula ulit sa labas ng nagbago mong mundo o manatiling nakatago sa bomb shelter ng pag-iisa mo habang buhay,hindi na rin mahalaga. dahil ang mundo ay magpapatuloy at siya’y matutulog lang sa hating gabi at mananatiling abala sa kanyang ginagawa sa umaga.

paano ka na? mag simula ka na lang ulit.

‘di ba nga? ‘what doesn’t kill you makes you strong?’ so ‘just keep it coming,bitch!’



145 responses to “isn’t it atomic?

  1. base kami ni mam kuhrach!

  2. haaaaaaaaaaaaaaaist sobrang andami kong relate dito boss duking.

    gusto kong part kung paano mo i-describe kung ano ang ginagawa ng mundo. parang sige bahala kayo diyan iikot lang ako.

    i think i am starting again.
    napagod din si pong sa kung anung mga bombang dumating sa buhay niya
    naging color blind na yata siya kung ano ang blue at red.

    sa issue ng pag-ibig ay tlw pa rin ako.

    isa ka sa mga pinakamahusay na manunulat sa mundo ng blogosphere na nagsasabing “ako ay magpapatuloy at matutulog lang sa hating gabi at mananatiling abala sa aking ginagawa sa umaga.”

    be blessed po!

  3. second base… basa mode muna…

  4. thank you sa beys pong.

    naniniwala ako na nagugustuhan ng mambabasa yung mga post kapag kayo ni kurach ang beys.

    sort of lucky charm siguro?

    thank you pagdaan berl!congrats for being the no.2!nakanaks!

    iniimbitahan ko nga pala ang lahat na bisitahin yung blogsite ni tito boy sa panyero.net (may badge sa kanan) at ang bagong level up na batangmangyan.com (meron ding badge)

    yan lang muna ang update mula dito sa sulok ng kwarto kong malamok at mainit-init.

    balik sa istudyo…mel,mike…

    • Kuya, pinopromote ko rin tong blog mo sa Facebook ko para mainspire din mga fwenz ko sa bawat linya ng doodles at tama ng words mo.. sapol ako lagi eh damay damay na..😀

      **kuya.. bakit wala ako nung Badge ni Panyero?.. san mo nakuha yun?.. para meron din ako sa bahay ko..🙂

      • sa akin kasi naka host yung code.wait mo si atty. para sya ang mag host then sa kanya na natin kopyahin yung link.

        salamat sa promotion.next time,mas nakakawindang ang gagawin ko para sabi mo nga,damay damay na.

        hahaha!

  5. @ Duking..!
    una sa lahat..,
    kapag naririnig ko ang salitang..:
    “atomic”..,
    ang unang pumapasok sa isip ko ay..:
    ” ang ulam na chicken curry”..!
    walang halong biro..!
    feeling ko kasi…
    ang chicken curry ay..:
    radioactive..!
    atomic..!
    mapanganib..!
    pero…
    siyempre…
    “sa isip ko lang iyon”..!
    ang nakakatakot sa akin ay…
    maaaring hindi nakakatakot sa iba..!
    ang pamamaraan ko nang pag lutas sa problema…
    ay…
    maaaring hindi rin katanggap tanggap para sa iba..!
    pero…
    ganun pa man…
    hinaharap ko ang buhay sa pamamaraan na…
    komportable ako..!
    kapag may problemang…
    hindi ko na kayang harapin…
    minsan…
    ipinipikit ko na lang mga mata ko…
    tapos…
    ibabaubaya ko na lang sa diyos ang…
    pag sasaayos nito..!
    pero…
    kadalasan…
    iniiwasan ko ang problema..!
    tinatakasan ko..!
    so…
    sa ngayon…
    ang daming BOMBA nang buhay ko ang….
    nariyan parin..!
    hindi pa na de-defuse..!
    naka ambang sumabong sa isang maling galaw..!😦

    • hindi ko pwedeng sabihin na swerte ka,bro.kase all this time,anjan pa rin sila at hindi pa rin sumasabog.that means may pagkakataon ka pa to deffuse them one by one.

      maniwala ka lang na kaya mo.kung sumabog man yung iba,may learning pa rin dun.ang sikreto siguro,basta walang ayawan.hanggang sa huling bomba ng buhay.

      • @ Duking..!
        oo naman..!
        buo ang paniniwala ko..!
        naniniwala akong..:
        kaya ito..!
        naniniwala din akong..:
        may mapupulot na aral…
        sa bawat hagupit nang buhay..!
        walang ayawan..!😉

  6. Kuya …
    pwede pasabit sa balikat mo?
    ang dami sumabog na bomba sa loob ko
    kaiyak!!
    papunas na rin t-shirt mo ng sipon ko, di ako makahinga ng maayos eh.. isang singa lang to.

    sana mas wais na akong pumili sa susunod.., nakakabulag kase ang luha .., colorblind na ko sa pagdefuse, ayun.. malapit na mateypok yung puso ko..

    sa susunod.. normal na ang Pag-ibig ko.. pramis!!
    sa susunod, mas wais na…

    pero sa ngayon iiyak muna ako..
    sa lahat ng mga nakasakit sa kin.. Salamat.
    siguradong mas strong ako bukas.

  7. Atomic? Chain reaction. Dahil bawat desisyon na ating piliin ang nagsisilbing pampatay sa mitsa ng mga pagkakataong kalakip ng bawat option na di naten pinili and at the same time, ito ang nagsisilbing pangsindi sa mitsa ng mga panibagong pagkakataong kaakibat mismo ng pinili nating desisyon. Tae, ang gulo ko mag-explain. Pero un na yun.

    Kaya lang parang sinabi natin na ang Tamang wire ay yung Safe na wire. Shetness. Di ba pwedeng maging Tamang choice ang Di-safe? Kasi pag umabot ka sa Boom! part… not necessarily game over naman ang buhay di ba. Pwede ka pa rin bumalik sa umpisa. At parang walang nangyari. Gagaguhin ka pa rin ni Life.

    Ang dami kong gustong sabihin kaso natatameme ako sa galing ng entry mo. Just keep it coming, Duks!

    P.S. Natawa ako sa smirk nung asa doodle. Devilish. Hehehe

    • @lee mi and kuracha

      kung ako ang tatanungin,hindi naman lagi required na ma-deffuse yung bomba.sasabihin ko siguro na minsan,mas mahalaga yung naging matapang lang tayo na harapin ang katotohanan tungkol dito.

      uulitin ko,hindi ako expert.baka mas mahusay pa nga kayo sa akin.kung colorblind tayo minsan,may instinc pa rin tayong pumili ng best choice.hindi rin laging safe wire ang best choice.i would say na minsan nga,mas mabuti pang pasabugin na lag natin s’ya sa panahon.makakapag simula tayo ulit.hindi madal syempre dahil nasira na nya lahat nung pundasyon na inipon natin.pero gagawin natin dahil yun ang dapat.

      minsan,nagsusulat lang ako basta.iniisip ko lang yung simpleng pwedeng paghambingan nang sitwasyon.nagkakataon siguro na nahahaplos kayo minsan nung sinasabi ko.huwag sana kayong mag sasawa na madamay.

      basta walang ayawan.paulit ulit mang sabugan.besides,we will always be the good guy sa ating mga sarili.sino nga ba ang terorista?siguradong hindi tayo yun.

  8. sensya na duking ngayong lang ako nakapagcomment napadaan lang ako kahapon. nice post kapatid. tama ka ang buhay ay parang isang bomba na naglilinis sa isang masalimuot na lugar ng buhay natin pero alam mo ba na may mas malakas pa sa bomba? hehehe.. Para sa akin wala pa ding tatalo sa DUGO ni Kristo na pumatak sa lupa at yumanig ang mundo. Dahil doon nahugasan ang ating mga kasalanan. Share ko lang.

    Great job duking a very well said entry. GODBLESS…

    • thank you berl.hindi sana ako nakaka offend minsan.nag aalala kasi ako kapag gumagamit ako ng mga makukulay na salita tulad ng B**CH.

      huwag ka sanang magsawa sa pagbisita.

      magandang araw!

      • ayos lang yan. di ko naman po ugaling mamuna ng tao. Sabi nga po we have freedom of expression. Pero pwede din po kita tulungan na mawala yan kasi ako dati puro PUT A LITTLE MORE ang sinabi ko at GUGO KA… hehehe…. Kaya nga din permanent ang change kasi continous cya. kung gusto mong baguhin na wala yan nsa sa iyo po kung ayaw mo naman po nasa sa inyo din yan….

        We are here to help people to be CHRIST like kami din on the process pa pero masaya kasi mararamdaman mo yung pinagkaiba ng dating ikaw at yung binago ng GOD.

      • one day isang araw, berl…

        one day isang araw…

      • cge cge…. hihintayin yang one day isang araw na yn… baka naman 1 day old chicken yan… hahah kakagutom dito sa opis…

  9. Kapag nasabugan, patay, wasak..kapag marunong tumakbo, belattttt..buhay pa ako.

    Ang problema sabi mo nga parang bomba…pwede namang itapon sa walang mabibiktima, pati ikaw ligtas, pero kung walang choice..hala…yakapin..ang bomba..wasak.

    Wala….wala na naman akong sinabi.

    • hahaha!

      me sinasabi si yin sa baba tungkol sa hydrogen bomb.kung sakali daw,baka ikaw na lang ang matirang nilalang sa mundo.mga ipis na lang daw at kulisap.

      siguro,ang ibig sabihin,masyado kang adaptive.ok di naman.kaso bat ganito yung comment mo?parang nanibago ako.bombahin kaya kita ng baygon?

  10. kahit mapagisipan nating mabuti ang pagpili kung red o blue ba, kadalasan, sumasabog na lang bigla sa pagmumukha natin lahat-lahat. hindi ka na makatakbo palayo, hindi ka na makatago pa..
    bakit nga kaya?
    ewan ko..
    kaw alam mo ba sagot?
    hahaha.. wala lang.. nag-adik lang… dumaan ng slight…

    • salamat sa pagdaan yanah.

      hindi ko rin alam ang sagot.ang alam ko lang,kapag confused tayo,masarap pa rin sundin ang option na ‘follow the heart’

      pag sumabog,shit happens.ganun na lang siguro.

  11. keep on coming bitch!!! yeeehh!! lolzz loveit!!

    yess jaz b strong s mga pagsubok. lge lng icpn n kung kaya ng iba bkit ikw hnd db?

    gndang araw kuya dukz!😉

    • yan ang magandang attitude.

      magandang araw din kayedee.tatawagin kita in case na kailangan ko ng second option kung blue o red ba ang gugupitin ko.i’m sure na busy ka rin kung hindi man tulog.hahaha!

  12. winner na naman ang doodles…at winner pa lalo ang analogy.

    it doesn’t take much talent, energy or great chunks of time to solve a problem. it does take a warm heart and willing hands, if we have these, we’ll find the time, energy and ability.

    • winner ang advice,tol!

      salamat sa pagbisita.tatambayan ko yung batang mangyan.com para naman mapilitan kang mag share ng madalas.hehehe!

  13. sabi ko pahinga muna ako sa blogworld eh… kaso may nakita akong link sa FB papunta dito (courtesy of lee mi). kaya ayan, mag-iiwan lang ako ng bakas.

    di ko binasa… pasabog ba yan? bomba? durog pa puso ko… lasog-lasog na utak ko. balik ako para magbasa, kapag naka-recover na.

    ingat lague ‘tol. nagparamdam lang. lol :]

    • halong encouragement sana ito saka halong ewan.hehehe!

      pucha,ako man nakukulitan na sa pinag gagawa ko minsan.kung anu man ang problema,kaya mo yan,tol.ikaw ang nasa spotlight,nasa sa’yo na rin ang wire cutter.

      anu’t anuman,paniguradong pagnahawi ang usok,mas matibay ka na kaysa sa nagdaan na ikaw.

  14. habang binabasa ko ang post mo Duking parang bumabalik sakin ang mga scene sa movie na hurtlocker…

    tulad ng nakakarami pinipili ko lagi ang blue kahit may choices naman na red dahil paminsan minsan mas gusto ko nadudurog,wasak at pira-piraso para maramdaman ko tlga ang hapdi na dulot ng pagkasabog para pagnawala na ang usok payapa na ulit, maliwanag balik ulit sa umpisa…

    ano ba pinagsasabi ko d2 wala lng di ako naka2log kgbi inatake ako hika nahirapan akong huminga gusto ko ng sumabog naiiyak ako, nanliliit ako, gusto ko ng sumuko gusto ko na lng laslasin lalamunan ko para di nko mahirapang huminga para matapos na…para matapos na…

    • take care of anne.tumira ka ng tamang dosage ng ventolin.kaya yan.hinga lang ng malalim.hehehe!

      napanood ko na rin yung hurt locker.best picture talaga.its all about the human will to get rid of the evil na gawa rin ng tao.anung reflection ko sa movie?ganito rin.mas nagiging matatag tayo for every bomb na nade deffuse natin.yung iba,nagbibilang ng oras to get out from the hell of life.yung attitude nung bida,bumabalik pa sya ulit para sa hell na inaayawan na ng iba.ang tapang ‘di ba?

      alam kong ganun ka rin at karamihan dito.don’t just give up.kaya mo naman.

      • ps.

        i would hate you for the last line nung sinabi mo.and i would hate myself for hating you.

      • naiyak naman ako sa ps. mo salamat nasabi ko lng nman yan pero kung bibigyan ako ng lakas ng loob baka nagawa ko buti na lng wala akong lakas ng loob para gawin yan salamat ulit Duking sa lahat:-) sana punta ka na lng d2…

      • ayeeeeeeeeeeee….

      • @sphere…kaya ka nga sphere eh.dahil bilog ang buhay,you can always roll over and bounce back.
        ganun ang sphere di ba?perlas na bilog…huwag patulog tulog…yan ang sabi ni manang bola dati sa batibot.

        @kurachcha…natatawa pa rin ako dun sa discovery mo kagabi.basta yun na yung official term na ia-adapt ng mga photographer para sa kanilang textbook ng posing.epic.hahaha!

      • ahahahhaha. sira! mapanghamak ka duks.

        teka, ang sabi ko ayeeeeeeeee…. kung di ka nagreact kagabi, iisipin kong iniiba mo usapan. toinks!

      • kaninang umaga ako nag react.wala na kong oras mag react kagabi dahil inantok na ko pagkagaling kong magtinda ng penoy at balot.

  15. Ayan, wala pang isandaan ang komento, sigurado papasok ang komento ko. Anak ng pusa kasi andadaming komento sa mga napupuntahan kong sites!

    Una, kapag ako gumawa ng bomba di ko lalagyan nung radioactive symbol, para di malaman ni J. Kulisap. Ilalagay ko yung recycle logo para mayari siya. Wahaha.

    Kapag sinabing atomic ang naiisip ko eh kung paano paghiwalayin ang molecules ng hydrogen at oxygen sa tubig, at ang fission ng uranium particles tsaka quantum packets ng enerhiya tsaka- huwag na nga. Hahaha. Pota.

    Gaya ng dati, putik ka Duking, nami-miss ko na gumuhit dahil sa iyo. Nung bata ako andami ko komiks, lapis, at coupon. Di ko na magawa ngayon, mag-aaral ako ng manga. Humanda ka! Hahaha.

    • na spam yung comment mo nung nakaraan tol.siguro dahil ka spam spam talaga.hahaha!

      sabi naman sa’yo eh.humawak ka na ulit ng lapis o crayola.gumuhit ka na.manga pa pala target mo.sayang talaga at hindi na kasing sikat ng dati yung comics sa atin.kung pwede nga lang,yan din ang gusto ko dati.ang gumawa ng comics.

  16. At oo, pagdating ng panahon na may sasabog na hydrogen bomb ay ipis lang talaga ang maiiwang lahi dito. J. Kulisap talaga.

    Nakakainggit ang puso ng mga gumuguhit, pusong bata. Wala na ako ng talentong ito, langya. Oo bibisyuhin ko ulet ito. Hehe.

    • Buhahaha. Isama nyo na kami sa kamatayan, ano pang silbi namin kung wala ng tao.
      Wala ng titiris sa amin, papalo ng sinelas, at nakakamiss ang Baygon, baka wala ng gumawa.

      Ang laki ng problema ko.

    • sumpa ng tadhana jkul ang aba mong kapalaran.

      ikaw at ang lahi mo ang maiiwan ayon sa propesiya ni yin.

      sa’yong sayo na ang earth.hahaha!

    • di nga. sabi ng natsci prof ko nun college, mga ipis lang ang organismong di nagmutate.

      • kung walang mutation sa ipis (dahil sigurado akong mahirap kontrahin ang isang prof na dalubhasa sa pag aaral ng evolution ng ipis)eh matindi naman ang kanilang adaptation.

        katunayan,dati silang napapatay ng tsinelas pero ngayon,kumakain na rin sila ng tsinelas.

        bagsek no?

      • magaling sila mag-adopt. yun nga siguro ang sikreto nila.

        kung bagsik ang paguusapan… eh si kulipis este, si kulisap ang una kong naiisip.

  17. shaks, kelangan kobang tamaan ng bomba o sasabhin ko talagang tinamaan ako?? hays..

    digest ko muna lahat ng sinabi mo, babalik ako duks!!

    • whaaaa!

      huwag mong masyadong seryosohin ang sinabi ko len.

      nai-inspire lang ako at ang aking kaadikan sa mga series ng palabas kagaya ng 24.hehehe!

      anyway,magandang araw.

    • naghahanap na nga ako ng complete season nung season 7.kakatapos lang sa US kaya malamang,malapit na rin ipagbili sa mga suki kong pirated bangketa nationwide.

      magandang araw,len.

      • hahaha, anu paba magandang panoorin na series??

        hello duking..

      • usually kasi action ang favorite ko.

        yung ‘band of brothers’ saka yung ‘pacific’ napanood ko din.hindi ko alam kung anu yung gusto ng mga babae.

        err…dora the explorer?

      • ahaha, yun?? hindi nga ako nuod nun eh.. ahaha

        hhmmm, ewan ko sa ibang babae, ako kahit anu. hehe

  18. ang bomba pag kelangan nyang sumabog, sasabog talaga..yan ang gamit nya sa mundo, pasabugin.. tulad lang din ng mundo, magkagulo man tayo, wala syang pakelam, iikot sya dahil ang bahagi nya sa buhay natin ay amg pag-ikot.

    nasa bawat isa na pano makisabay sa pag-ikot, nasa satin kung hahayaan nating sasabog ang bomba..ginawa tayo ng frewill para magdesisyon kung ano ang manyayari sa buhay ng bawat isa.

    may bomba ang utak ni tinkerbell kaya pasensya muna kapitan hook..mwuah!..hahaha

    • basta ok ka lang,ok na rin ako.

      wala munang seryosong bomba para sa’yo.pass ka muna sa pressure ng bomb disposal.hehehe!

      tara nanga lang sa neverland.buti pa dun…walang terorista…puro lang mga batang hindi tumatanda at mga piratang nakasakay sa lumulutang na barko.

  19. ako pag may mga ganyang pagkakataon, ang sinasabi ko sa sarili ko, bring it on! kasi kahit anong gawin ko, di naman talaga titigil ang pagdating ng mga problemang mala-bomba ang arrive. at iniisip ko talaga na matatapos din yun ang kelangan lang e harapin ko sila.

    • Weh? Maniwala ako. Ikaw..Weh? Di nga.

      ahahahaha.

    • sakto miss kaye.winning attitude nga siguro sa buhay ang pagtayo sa mismong harapan ng mga hamon na pang araw-araw.

      ang dami ko na ring pinagdaanan.hindi laging succesful yung approach na nangyayari pero ang nasasabi ko na lang,ginawa ko na naman yung pwede kong gawin.saka yung natututunan,pwede ulit gamitin kapag dumating yung pagkakataon na naulit na naman ang ganung klase ng problema.

      paki deffuse na lang si jkul.kayo na bahala jan.hahaha!

  20. di kaya kayo nagusap ni ms. Kuh ng poste?
    deferred at atomic(a bomb exploding)
    postponed and repressed desires

    sori mahina talaga utak ko kaya di ko maintindihan mga bagay na gumugulo seu.

    • nabasa ko na rin yung post ni kurach bago ko ‘to ginawa.nagkataon lang na dun din papunta yung subject ng isip ko.

      partly,pag nagsusulat ako,bukod sa personal insights,iniisip ko rin yung reality na pinagdadaanan ng karamihan ng tao sa paligid ko.madali kasi akong mainspire sa tapang at kalungkutan ng iba.

      magandang araw,miss toni!

  21. Hoy Duking, pag-ibig ba problema mo? Idinaan mo pa sa bomba.

    Isalya na yan, pinadugo mo pa pakpak ko.

    May radioactive, atomic, one plus one equals Japan ka pa. Niemas

    • bat ganun yung usb,jkul?

      may lamang sex scandal mo?mai-blog nga minsan.video naman imbes na gif para maiba.lagut ka!

      hindi ‘to tungkol sa pag ibig.tungkol ‘to sa pagsabog ng bomba sa opisinang pinag ta trabahuhan mo.nagkataon pa na absent ang lahat at ikaw lang ang taong kulisap na andun.

      todas ka!

    • bakit gusto kung mag-agree sa sinabi mo kuya…
      umiibig yata yang si kapitan hook.. kaso tinamaan ng katorpehan..tama ba ko?..wahahaha

      • Ikalat mo nga please Duking, sinadya ko talaga yan, para naman magkapera ako, iiyak ako na parang si Katrina Halinghing, na parang virgin talaga ano ha. Kapag lumabas ang sex-video ko, si Duking ang salarin.

        Oo, umiibig yan, nauunahan lang ng tigas..tigas ng puso.

        Pakisabugan nga ako ng ano..ng bomba.

    • Pumuputok. Hindi bomba. Condom.

      Joke lang duking. Si Lolo lang naman bastos dito.

      Teka ano ba pinagsasasabe ko haha.

  22. pansin ko lang may peyboritisim dito.
    ang tagal kong pinagisipan ang koment-beys ko tapos yun lang ang reply mo boss duks. ampeyr

    salamat pia sa iyong chicka minute

    boss duks!

    • hala,nagtampo ang bata!

      una sa lahat,malalim ang beys.sumabog ang bomba pero ligtas ka na sa kalaliman ng base.

      tlw ka sa pag ibig.ang problema ko,hindi ko alam ang tlw.sorry na sa hina ko sa acronyms.ang pagkakaintindi ko tuloy sa tlw is tulo-laway.whaaaa!

      hindi ko sigurado yung bombang hinarap mo last time tol pong but i know it must be big.ramdam halos ng lahat maliban siguro sa akin.yun kasi yun eh.hindi ko alam kaya medyo hindi ako naka relate.

      ngayon,mas ok ka na.sabi ko nga dun sa post mo,natutuwa akong malaman na ok ka na.

      ayan,napahiya ako sa pagtatampo mo.next time,seseryosohin ko ang ginagawa mong base attack.yun ang depensa ko sa matampuhin.

      whahaha!

      • ok salamat sa eksplaneysion mo boss duks

        ang tlw – true love waits
        hindi kailangang magmadali
        haste is waste parang sa pagdeffuse ng bomba
        or pagdetonate nito it takes time, patience, prayer at lahat. pero kapag dumating na yung tlw malamang big bomb ang category niya.

        salamat naman sa concern mo sa nakaraang bombang dinaanan ko boss duks malalim at mabigat nga pero kinaya naman andyan si BigBro at mga friends at sambablog at family.

        opo ok na po ako ngayon boss duks pero kaalinsabay nito na ang realidad na may mga bomba pang dadaan, panigurado yun

        ok hindi naman ako nagtatampo

        pwede po bang ex-link perstaym ko po dito. be blessed po! kumusta po sa apartment?

      • na add na kita,pong.

        salamat sa pagbisita sa apartment ko.may bomba sa ref kung nauuhaw ka sa action.buksan mo na lang din yung TV na may bomba kung gusto mo ng entertainment.

        huwag ka na magtatampo pong.ayoko lang magpaka concern sobra sa’yo dahil baka isipin nila,type kita.hahaha!

  23. ang dameng inlab ngaun.
    blue ba plge pag inlab?

    hmm
    prang pag jumejebs din blue db? o violet ka na sa pag ire?

  24. Pards how i wish marunong din ako magdiffuse ng bomba gaya ng nasusulat mo. Minsan kasi di ko alam ang ggawin madalas ang resulta mali pa.

    Sa kabila ng maraming kapalpakan sa buhay nanatili pa rin naman akong buhay still struggling to live life as it should be.

    Marami na ring bombang dumating sa akin at sa aking puso… lahat sila sumabog… walang natira…

    • ayos lang yan,dormboy.

      its not about winning,ika nga eh.kailangan lang,yung hindi pag ayaw.paulit-ukit ang dating problema pero nag iiba ang choices lagi lagi.natututo naman tayo kahit pa nga madalas mabigo.

  25. Ang atom maliit. Ang atomic bomb.. maliit den ba yon? Pedeng malaki yon diba? Saka malakas? Parang putok?

    Ang tingin ko sa problema eh parang tae. Mabaho. Masarap iwasan. Saka madaling maamoy pag nasa ibang tao. Tae.

    StrongER. StrongER. :p

    Keep it coming bitch ka dyan. Eh pano kung next na sugod ng atomic bomb eh nakakamatay na? Wala ka ng way para maging mas malakas dahil dedz ka na. Ang sakin, iwas problema. Parang iwas paputok! :p

    • bahala ka sa buhay mo.ikaw na nga ang binubuhayan ng anagas,ayaw mo pa.

      pinapa-angas nga kita eh.binibilog ko ang ulo mo na kunwari,astig ka at kaya mo ang lahat ng shit.ngayon,kung iiwas ka,iiwasan ka rin ng problema.pag nag iwasan kayo,anu mangyayari?magtatagpo ulit kayo.coincidence?hinde.dahil magkatadhana ang tao at ang problema.tama ka.isa yung malaking shit.ahahaha!

  26. naks! ayus.
    tuluy tuloy ang laban sa buhay. mabigo ka man, tuluy pa din ang buhay, hindi magpa-pause ang mundo para lang makasabay ka ulit.

  27. Una kong basa ay “awtomatic”, kaya binasa ko uli. Bakit ba kapag andito ako nagbabasa ako uli? Tagalog naman ang posts mo. =)

    Kahit anong piliin na wire, red man o blue, walang kaso ang mahalaga ay pumili. Hindi yung hinintay na lang ang bomba na pumutok.

  28. Kuya duks, magandang umaga anong ibig sabihin ng “nice post” tapos may “joke” sa dulo. sabi kasi yun ni ate salbe sa akin eheheeh

    kumusta boss duks?
    sana masagot mo sa mas lalong madaling panahon.

    • after 7 hours yung lalong madaling panahon sa akin,pong.

      sa lahat naman yata ng pong pagong,ikaw ang mahilig sa rush.

      atin atin lang…ang pagkakatanda ko,ang ibig sabihin ng nice post ayon kay salbehe eh:

      ‘walang kwenta ‘tong s%#t na pinagsasasabi mo…mabuti pa nga at may nagbabasa nito.wala ka bang maisip na libangan?mag alaga ka kaya ng pusa at gutumin mo ng isang buwan para mapatunayan mo kung may siyam syang buhay?’

      hindi ganyan ka eksakto,pero parang ganyan.wala rin kasi ako sa sarili ko nung pinaliwanang nya yan.

      mabuti pa,sa kanya mo na tanong.panay din kasi sabi nya sa akin ng nice post.

  29. aww…

    nakakatakot namang pagsabog yan…

    parang silent killer lang ganyan… kakaloka…

    pero tulad ng mga nasaksihang mga pagsabog, ang mga tinamaan ay unti unti ring babangon sa pagkalugmok. madalas pa nga mas mabilis ang pag asenso nito kesa sa mga inaakala nating matatag.
    😉

    • japan.ang galing nila no?epekto kaya yun ng nuclear fallout at radiation sa kanilang utak?hindi rin,di ba?

      sadya lang silang masigasig at may makabayang paninindigan na kahit magsimula bilang talunan,kaya ulit nilang magtagumpay.

      long live the emperor! sabi ng hapon!

      long live with the emperador! sabi ng mga pinoy.

      whaaaaaaaa!

  30. haha ang ganda!! i like it!! nakarelate ako sa mga sinabi mo. minsan naiisip ko din ang laban ng buhay natin parang bomba, parang pinapanood sa sine yung may kadobol..(ay anong bomba ba usapan?) hihi biro lang, ang ganda nung sinabi na mas

    “mas mahusay ka na kaysa sa kahapon. mas matindi na ang bomba kaysa sa kanina”

    ang sarap ng feeling pag may isang bomba na nalagpasan, or kung may sumabog man masarap padin balikan dahil isang daang pursyento may natutunan ka! may nadagdag sa kakakayahan mo.. astig ng pagkakadefine mo ng buhay duking! saludo ako sayo talaga!!

    • bontaragis!

      hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa papuri mo.pino problema na kita kung paano ko mag re react sa makapag palaking ulo mong komento!

      taragis.kung problema na kita,isa ka nang bomba.kung bomba ka na…hubad na.

      magbomba ka na!hahaha!!!

      bumbero pare…fire volunteer!tilian naman agad yung mga babae.

      hahaha!

  31. nakakatuwa, matured na itsura ng character ng doodle mo. wala lang.🙂

    uhm, madami na nga sigurong problema na kelangan ideffuse pero magtagumpay man tayo o hindi, kelangan pa din nating magpatuloy mabuhay. pero siyempre walang sense sinasabi ko. makapagcomment lang.

    magandang araw.🙂

    • bat mo laging sinasabing walang sense yung comment mo.it was exactly the thought of the topic kaya never think na napa comment ka lang.

      magandang araw din manang!

      • hehe. kasi hindi ko makita yung sense ng sinasabi ko? hehehe. magulo kasi talaga akong magconstruct ng sentence kaya nagiging senseless na siya, hehe.🙂

  32. Naalala ko bigla yung eksenang ito sa hurt locker boss..

    Colonel Reed: You the guy in the flaming car, Sergeant James?
    Staff Sergeant William James: Afternoon, sir. Uh, yes, sir.
    Colonel Reed: Well, that’s just hot shit. You’re a wild man, you know that?
    Staff Sergeant William James: Uh, yes, sir.
    Colonel Reed: He’s a wild man. You know that? I want to shake your hand.
    Staff Sergeant William James: Thank you, sir.
    Colonel Reed: Yeah. How many bombs have you disarmed?
    Staff Sergeant William James: Uh, I’m not quite sure.
    Colonel Reed: Segeant?
    Staff Sergeant William James: Yes, sir.
    Colonel Reed: I asked you a question.
    Staff Sergeant William James: Eight hundred seventy-three, sir.
    Colonel Reed: Eight hundred! And seventy-three. Eight hundred! And seventy-three. That’s just hot shit. Eight hundred and seventy-three.
    Staff Sergeant William James: Counting today, sir, yes.
    Colonel Reed: That’s gotta be a record. What’s the best way to… go about disarming one of these things?
    Staff Sergeant William James: The way you don’t die, sir.
    Colonel Reed: That’s a good one. That’s spoken like a wild man. That’s good.

    May level ang risk sa pag-dedefuse natin araw-araw ng kanya-kanya nating bomba. Pwedeng Nakakamatay o Nakakasakit o walang epekto. Ang problema lang minsan, ang tinuturing mong level na akala mo walang epekto ay nakakasakit pala. At ang nakakasakit ay nakakamatay pala. At ang akala mong nakakamatay, kung minsan ay wala palang epekto. Life is a big joke minsan.

    A very nice post.

  33. keep on coming bitch! what doesnt kill me make me strong! oha! galing sayo yan diba

    go lang … ang mas maganda dun babangon uli sabay sasabihin dun sa bomba nyenyenyenye di naman ako naano! lols isa pa nga!

    marami rami na rin akong bomba na na- deffuse at masasabi ko yun pinakamatindi naranasan ko na..effect saken nito sugatan ako, lupaypay.. pero sadyang may lahi yata kong bampira kasi gumagaling agad yun sugat ko.. tatayo uli at sasabihin wala na ba mas matindi dyan? ( syempre jowk lang yun baka marinig😆 )

    i love this part

    dahil madalas sa pag-ibig, kahit anung piliin mong wire, its always turns to be blue…

    at pagtapos…KA-BOOM!

    ang galing ng drawing hihi

    • may lahing bampira ka pala,lambing!hehehe!

      basta hindi ka susuko,kahit pa paulit ulit na dumating sa harap mo ang iba’t ibang bomba ng buhay,ma deffuse mo man o hinde,masaktan ka man o masugatan,basta hindi ka natakot sumubok,i will say na tagumpay na yun sa part mo.

      hindi natin gusto yung bomba.ayaw natin nun hanggat maaari pero they keep on coming.we just do what we have to do.sana,sa sarili nating pang unawa,at sa mata ng nasa paligid,sapat na yun.

  34. gusto ko ang mensahe ng post mo na ito! pero hindi ko ito lang ito basta ire-relate sa love life (ano ba yun?)

    kundi sa buong life ko. i don’t know may time talaga gusto mo ng takasan yung nakasanayan mo pero natatakot ka. hayyy pero hindi naman puwede laging ganun kasi baka pag hindi ka naman sumubok – kaboom sabog na time bomb.

    mabuhay!

    • ah,hindi lang talaga sa lovelife,hoshi.in general siguro talaga yung message.

      wish you all the best sa mga challenges.just like everyone else,hindi tayo basta basta aayaw na lang sa mga hamon ng buhay.

      mabuhay din!

  35. “just keep it coming bitch!” – panalong linya to, manong duking

  36. now playing na po ang paborito mong song, salamat

  37. wasak ako dito duking.. nyahaha…

    as in kaboooooooooooooommmmmmmmmmmmmm

    yaw ko mag koment ng seryoso baka maiyak lang ako.. nyahaha…

    pasasabugin ko muna lahat ng dapat pasabugin…

  38. Tamang-tama ito Duking dun sa aking karanasan last week. Yung kaibigan kong Milyonaryo(ako po ay Indigent lang) ay tinatamaan ng depression at anxiety attacks…grabe pala yun. Isa lang sinabi ko sa kanya…kung kaya niya ang pinagdaanan ko sa buhay(sa lalim ng aking pagsubok na dinanan). Unti-unti ay napagtanto niya na wala pala siyang dapat ipag-alala sa buhay. “Pray for everything, Worry about nothing.”

    • mabuti na lang napa realize mo sa kanya yung ganun,superlolo.ang hirap kasi talaga kapag pakiramdam mo,hopeless na ang mga bagay.

      but we won’t just give up easily.wala talagang pinipiling status ang challenges ano po?even yung mga rich and famous,may problema ring kasing taas ng level ng ordinaryong tao.

  39. tama ka, duking, araw araw iba ibang bomba ang dinedefuse natin. iba ibang bomba ng buhay. minsan nakasanayan na natin na kahit siguro nakapikit kaya natin. minsan naman, we’re caught surprised so expect the worst na lang. sasabog sa harapan mo. at magsisimula ka ulit. at tama ka din na ang mundo patuloy lang na iinog. hindi ito hihinto para sa yo. o kung ano mang bomba pa ang sumabog sa paligid nito.

    life is about risks. it’s etiher you live with the risks or you just die alone. it’s our choice.

    another masterpiece, duking. galing ng graphics at magaling din yung thoughts. at sympre dahil magaling ka. walng kupas.

    magandang araw po🙂

  40. mas mahusay ka na kaysa sa kahapon. mas matindi na ang bomba kaysa sa kanina. ganun ang challenge ng buhay. sinasabi mo na lang na ‘keep it coming,bitch!’ sabay ngiti para paalala sa sarili mo ang kasabihang ‘what doesn’t kill you makes you strong’…

    tama tama. gusto ko ang mga linya na iyan.

    red o blue? blue o red? mhmmm… araw araw maraming choices paano ma defuse ang mga kanya kanya nating bomba.

  41. kua dukz.. taga nueva ecija kb? eheheh

    • taga cavite ako,yung pusa namin ang taga nueva ecija.

      bakit kayedee?may umargabyado ba sayong taga nueva ecija?inapi ka?niyurakan?dinungisan?sinalya?

      hahaha!

      • ahahha. hnd kuya kc plge nasa hauz ko! ehehhe. ikikis ko lang sana! aahhaa… cnu kya yun? ehehe🙂

        niyurakan?dinungisan?sinalya??? translation pls🙂

  42. @SAMBABLOG (Off Topic)
    Nanawagan po kami kung nakita niyo po si Jasonhamster ipagbigay alam niyo lamang po sa himpilang ito o kaya sa mga suking tindahan. Salamat po!

  43. ay duking halos araw-araw may bomba akong pinipigilan sumabog.. pero minsan hindi ko napipigilan tumitilapon ako pero ang masaya don kahit nasaktan ako nakakatayo pa rin ako… minsan naman umiiwas na lang ako sa bomba kapag alam kong di ko pa kaya…😆 kaboom!

  44. nakita ko name mo sa drawings ng panyero.net.. galing po!

  45. balita meron nanlibre doooonnn at tipo masaya sila.
    pag kami kaya ni Pong nakauwi meron din mabait manlilibre samen?

    sori naman…kala ko kase me kasunod na poste mong ‘isn’t it ironic este atomic’ pala.

  46. Yes, duking, may kanya-kanya tayong bomba na hinaharap sa buhay sa araw-araw nating pagharap sa mundo. Sana lang ay marunong tayong lahat kung paano i-diffuse ang mga bombang ito. Kung minsan, ako ay nagkakamali rin kung aling linya ang lalagutin.

    Ang second to the last paragraph na statement mo ay naranasan kamakailan lang ng isang kaibigan. Paano raw siya magsisimula pagkatapos na masanay kasama ang isang tao at mawala ito? Ito ay sapagkat hinayaan niyang maging dependent masyado ang sarili niya sa taong ito.

  47. naks naman master… tinamaan ako dun… sumabog na kasi ang bomba na pinakakaingatan ko sa loob ng puso ko.. kaya ayun… broken ulit.. ahahahah.. hirap naman nito… but moving on even if mahirap talaga… life is full of challenge and pain di ba? kaya kung di na kaya.. go kill your self.. ahahahaha.. joke lang poh… kakainis tong entry mo master huh…
    ahehehe…

  48. *kaway*
    kuya duks galante ka pala
    libre mo naman ako

    • sige na nga,pag uwi mo pong lilibre kita.susuyurin natin lahat ng beerhaws…hindi tayo titigil hanggat hindi tayo lasing.mag wawala tayo sa kalsada.mumurahin natin ang lahat ng dumadaan sabay hingi ng sorry.sisipulan natin ang dumaraang mga babae.

      kung ayaw mo naman ng ganyan,ako na lang libre mo.

      pramis….kumakain ako ng ‘oschia’ basta may mayonaise na sawsawan.

      • oh me peboritisim?

        ba’t ke Pong haba ng reply mo tas saken ‘whaaaa’ lang?
        di naman ako maarte at maselan ah, gusto ko lang sago/gulaman nasa plastic tas pisball.

        hi Vajee, Salbe, ms. Kuh at ate Kaye!

  49. ang naiisip ko pag atomic ay… utot. x.x

  50. *kaway* sa galanteng kuya duks!

  51. atomic…
    hahaha. clap clap, nakakatuwa naman ang blog mo kuya, napakgaling ng pagkakagawa ng mga doodles. hehehe. turuan mo ko.

    dami ko relate sa post mo. katuwa kuya.

  52. mahusay na pasabog ito pareng duking… ipagpatuloy ang nasimulan, binabati kita.

  53. hello, duking.

    minsan, may mga bombang nakakatulig, nakakaputol ng mga paa at nakakapatay ng damdamin. iyon bang kahit sinabi mo pa pagkatapos na “keep it coming, bitch!”, alam mong palabas na lang ‘yon… :s

    happy weekend!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s