plans versus worries

ang dami kong planong parang mga eroplano.nagliliparan lahat sila sa loob ng isip ko.may mga jumbo jet ang laki,may mga eroplanong papel lang sa liit.kapag nagsasabay sabay nga lang sila ng lipad,nagugulo na ang priority ng control tower ng isipan ko.ang nangyayari tuloy,nagbabanggan sila, at ang masaklap pa, kadalasan, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan,yun pang mga eroplanong papel ang siyang natitirang lulutang lutang pagtapos.total wreck ang jumbo jet.ang huling transmission sa black box nang na-recover ito sa crash site ay…. ‘fuck!’

dubai or not dubai?

yan sana ang tanong na kahapon ko dapat sinagot.at ang sinagot ko sana,dubai.final interview ko kasi sa nestle dubai kahapon.para sana akong nakabili ng time machine kung nagkataon.imagine, isang taon ang katumbas sana ng sweldo ko dito sa apat na taon.ang problema,may lumipad na maliit na eroplanong maghahatid sa akin sa…(tentereren!)…

scrap yard!

oo, sa scrap yard ako lumanding. inuna ko pa ang text nung manong sa tindahan ng scrap ng kahoy. gustong gusto ko kasing makauna sa mga suki niyang namimili sa kanya ng kahoy.gagamitin ko sa aking bagong project.walang iba kundi ang….(drum roll please)

ang bookshelf!

ang bookshelf na nakita ko sa internet. ang bookshelf na less than 300 pesos ang presyo pero pagkakaguluhan ng mga karpintero at (karpinterang katulad ni anne) ang craftmanship at ang ganda. ang bookshelf na magliligtas sa akin sa katakot-takot na mura kapag nagagalit ang nanay ko dahil laging nakasabog ang mga libro sa kung saan saang parte ng bahay na kinikilusan ko. ang bookshelf na isang daang taon mula ngayon ay pag uusapan kung anung klaseng kahoy ang ginamit,sino ang gumawa at anong arkitektura at disenyo ang yari. ang bookshelf na ikinatuwa ng tatay ko dahil may nadagdag sa kanyang pang-gatong.

palpak ang gawa ko.

nagsabugan ang mga dugtungan.tumabingi ang mga tabas ng lagari.dumaplis ang martilyo.nabaluktot ang mga pako at nakahinga ng maluwag ang wood varnish na hindi na nadamay sa kaguluhan.kung pwede kong balikan ang kahapon,sa tingin mo,dubai ang pipiliin ko?

dubai sana kung kanina pero ngayon-ngayon lang, (wala pang 10 seconds ang nakalilipas) kung maibabalik ko ang araw kahapon, yung palo-china na lang sana ang binili ko at hindi yung mga good lumber turns bad sa kamay ko.naisip ko rin sanang tignan ulit sa handy man yung ‘easy to assemble and affordable bookshelf for just 299.95 pesos’.

wala sa plano kong ikwento ang nangyari katulad ng hindi ko planong magsulat ngayon.

pero may natuklasan ako. mas mahirap gawan ng plano/plot/kwento ang doodles na ginagawa kong una kesa gawan nang doodles ang kwento kong nauna kong ginawa. ang pangalawa, mas madaling gumawa ng doodles at kwentong wala sa plano kesa gumawa ng bookshelf na matagal kong pinlano.

kung kaya’t simula ngayon, kasinlaki ng jumbo jet beoing 747, spaceship ng star trek, at mothership ng mga alien sa independence day ang plano kong mag sulat kaysa mag ekspermento sa ibang pwedeng pag-libangan.

worried nga lang ako na nasasaid na ang pwede ko pang isulat.

kailangan ko na talaga ng ‘brains’.

at oo,talagang with ‘s’ dahil yan ang gusto ko.


teka nga pala…nasabi ko bang ang pag-ibig parang airport? may arrival at departure?huwag ka mag-alala dahil sa ganung set-up,nandun din ang ‘duty free’.



132 responses to “plans versus worries

  1. base kami ni mam kuhrach!

  2. naka-caught ng attention ko yung analogy/object lesson about love and airport.
    hmmmm let me carefully think.
    yes may arrival at departure pero wag ding kakalimutan na kapag taken good care at founded ng prayer and God is the center ay hindi mauuwi sa departure kahit anong bagyo pa ang dumating sa isang relasyon.

    dubai or dubai that is the question?
    palo tsina or good lumber that is also a question?
    ni-digest kong mabuti ang post mong ito (dahil baka sabihin mo bumebeys lang kami ni mam kuhrach ahahahah)
    may mga desisyon sa buhay natin na kung ating pagbubulaybulayan ay tunay naman nating sinukat at tinimbang, minsan sakto parang pop cola, minsan sunog o hilaw ang importante pinaninindigan natin ito.

    ang black box ay color orange di ba (kami lang ang nakakuha ng tamang sagot nung nakipag intercollegiate quiz bee kami sa central luzon) at natalo kami by 1 point on the last question dahil sa tanong na what do you call the fear of number 13? olats kami second place lang kami. kung nakinig lamang sila sa akin dun sa choice kong sagot ay sana champion kami for the second time around, imagine from easy to difficult up to the 9th question lamang by 2 points kami ay dun sa 10th question pa kami nalalaglag, point dahil team consolidation yun and desisyun nila ang nasunod.

    wala lang share ko lang.

    ano mang klaseng eroplano meron ka ngayon kuya duks alam ko HE is proud of you…..

    babalik muli ako pagkaraan ng ilang patalastas!
    be blessed!

    beys kami!

    • parang post din pala ang koment ko
      pakidelete nalang kuya duks eheheeh
      wag yung base importante yun!

      • dagdag ko na rin pala
        why worry when we can pray?

        ouch! natamaan ako.

      • pong,ang daming twist ng buhay minsan.

        nagkataon lang na along the way,nagkaroon tayo ng mag kaibang pananaw on how things happen and what to do in case of fire.hahaha!

        ibig kong sabihin,para hindi na humaba ang paliwanag ko,i’m glad to hear your insights .

        magandang araw!

  3. nakakatwa k naman kuya pong lolz..

    kua dukz… ay w8 second base🙂
    kakaiba ang post u ngyun pero likhang mahina ang pang uunawa ko! ahaha..

    at marunong k ng mag fuck ngyun? ehehe..

    at ano ang duty free s pag ibig?🙂

  4. sabi na nga ba. tao ka ding tulad namen.

    • tao ako kuracha.wala lang akong pagkatao.

      kung nalilito ka madalas gaya ko,malamang,natatagpuan mo rin ang sarili mong nag iisip kung bagong gising ka ba o hindi pa natutulog sa umaga.

      ganyan ang nangyayari sa buhay ko madalas.hahaha!

      • o kaya matatagpuan ko ang sarili kong nagbabalak tumalon mula sa tuktok ng billboard sa edsa. shet. ayaw. ampanget ko sa kabaong.

        mas gusto ko ang entry mo na to.

      • whahaha…

        nai-imagine ko.may hawak na spatula yung mga paramedics.para silang nagtatanggal ng hamburger patty na dumikit sa kawali.tapos ang daming dugo sa paligid.tapos mababalitaan ni pong ang nangyari at agad-agad syang mag sasabi ng…

        ‘wawa naman.move on na ko…sinong gusto pumalit kay ma’am kurach bilang partner ko sa beys?be blessed’

        hahaha!

    • hahaha. walangya ka duks.

  5. Hi duking. Kamusta na? Its been a while…Nmiss kita ha..honestly:)

    Dubai or not Dubai? Ikaw lng po mkksagot nyan. Depende sa anu tlga gusto mo or kung kaya mo iwan yng mga mahal mo sa Pinas. Mahirap sa umpisa pero looking ahead madami din advantages. Depende lng tlga sa gusto mo mangyari. Ako maplano ding tao. Minsan sa sobrang kkaplano ko narealize ko naiwan n pla ako ng iba. Hehe. Minsan mas ok din na biglaan at walang plano mas natutupad pa.

    About the bookshelf, bilib talaga ako sa yo. Naiimagine ko yung dami ng books na binabasa mo. Kaya smart ka eh kasi wide reader ka. Ako sadyang tamad mgbasa. Gusto ko sa books mdmi drawings:) kaya paborito ko yung Little Prince. maiksi lng kwento pero madaming lessons. At makulay pa ang drawings.

    Ingat ka lagi, Duking. Dasal lng po for guidance kung ano tlga para sayo. Hmmm ano nga yung duty free sa pag-ibig? Di ko magets:)

  6. Boss, ganun yata talaga ang buhay ng tao e. Malungkot kasi hindi natin lagi hawak lahat ng desisyon lalo na ang mga magiging resulta nito.

    Ang boeing 747 pag bumagsak maraming masasaktan. Ang eroplanong papel pag bumagsak, may masasaktan rin. Mga langgam nga lang at iba pang kauri nito.

    Napadaan lang boss, ingat.

    • ang sarap pala pakinggan kapag boss ang tawag sayo.

      parang feeling ko,pwede kong bulyawan ang tumatawag sa akin ng boss.hahaha!

      duking na lang,metaporista.ang ganda ng mga topic mo sa blog.add kita sa bloggroll ko,igan!

      salamat sa pagdaan!

  7. kung maari nga lang pagsabaysabayin lahat ng plano sa buhay pero me hangganan ang kakayahan ng tao.

    unahin o hindi ang prioridad madalas sumasala din. siguro kailangan pagtuunan kung ano unang dumating.

    matibay at magaan palochina di ba, higit sa lahat tumatagal sa tubig. maari din sunugin bahagya depende sa gustong shade ng kulay saka barnisan para lalong gumanda pero iwasan nga lang gamitan ng pako.

    • gusto ko yung amoy ng palochina.hindi ko alam kung bakit.siguro dahil mahilig ako dati sa ice buko.pag ubos na yung ice buko,inaamoy amoy ko yung stik.pakiramdam ko,yun ang nagpapasarap sa ice buko.

      aminado ko,miss toni.wala akong sense of priority.kumbaga sa baraha,everything is shuffled.i just play the hands i am dealt with.

      pero dahil sa baraha ko kinumpara,minsan,panalo,minsan talo.ganun nga yata talaga.hehehe!

  8. Goodmorning Kuya Duking..

    Dubai or not Dubai..
    -walang sasaya sa Pinas!!,
    **pero hindi naman puro saya ang mundo, ang daming factor na magpapaexplore sa’yo para mas matuto.

    Yung sa bookshelf mo naman, ahmm.. ano nangyari?.. panggatong na ba ni Nanay?.. ahaha, pero A for effort naman.

    at natawa ako sa doodles, kakagising ko lang, start for a new week, at sana kasing okay ng feeling ko ngayon ang buong week na to.

    • pang gatong na ni tatay,si nanay sa lpg nagluluto…si tatay may dapugan*,dun ang lutuan ng kanyang mga pulutan.messy magluto si tatay kaya ayaw sa kusina paglutuin.

      you’ll be fine.hakuna matata,lee mi!

      sana nakadagdag ng reason yung doodles sa masaya mong panimula sa panibagong week.

      • *dapugan: ito ang tawag namin sa lugar na may kalanang kahoy.parang batalan din,yun naman ang sinaunang version ng shower area.

      • tungko – tawag sa lutuang kahoy na may 3 bato.. may ganyan kami sa probinsya noon.. mas masarap luto sa kahoy..

        Hakuna Matata.. pag nagpatattoo ako , yan yung gusto ko kuya..🙂

  9. ang aking kapatid ay…
    lilipad patungong…
    Dubai…
    next week..!
    matagal niya ding pinag isipan…
    kung aalis ba siya…
    or…
    hindi..!
    siguro…
    that time…
    may eroplano din siya…
    sa isip..!😉

    • panigurado yun,daniel.

      salamat sa muling pagdaan.goodluck sa iyong kapatid.mahanap sana nya run ang kapalarang nagiging mailap sa ngayon sa karamihan sa atin na naririto.

  10. Dubai or not Dubai??? di nga punta ka nga? bilis punta kana paliparin mo muna ang mga eroplanong di naman kailangan itira mo lng yung sure kang di babagsak at hahanapin ang blackbox na nawawala…

    natawa ako sa bookshelf kc meron di ako nyan made of glass pero hindi mga libro nakalagay kundi collection ng mga robot ng Gundam / Gundamseed ung mga robot na ikaw mismo magaassemble saka ung mga maliliit na kotse na ubod ng mahal…tpos ung mga libro nasa isang sulok nakakarton ahahaha…

    Dubai or not Dubai? Dubai na lang tol! para libre kita MCDO ahahahha

  11. …natawa ako sa doodles at sa pagkakahambing mo ng pagibig sa airport may arrival at departures at sinamahan mo pa ng duty free ahahaha

    yngat ka lagi anuman ang mga plan na nsa utak mo ngayon isangguni mo kay Papa Jesus malay mo may suggestion din sya para sa ikakaunlad mo at ng sambayanang Pilipino…

    • anne,natuwa naman akong malaman na avid fan ka pala ng gundam.gusto ko rin kasi yung ganyan.yung scaled model collection na ikaw mismo ang mag a-assemble.so far,may poster ako niyan.yun sana yung gagawin kong refference sa collection.kaso nga lang…errr….ahhh…

      hindi sya priority ng budgetarian,

      pag umuwi ka na lang,ikaw ang ililibre ko ng mcdo.in fact,kahit yung happy meal free toy ko,ibibigay ko sayo kung gusto mo.

      sorry,kung hindi mo nahahalata,hindi ako relihiyoso.papaubaya ko na lang yung slot ko sa pila para sa mas maraming nangangailangan kay papa jesus.

      • ahahaha oo naging fan ako ng gundam nong nagkatrabaho nako medyo may kamahalan pero nakakatuwa at nakakawala ng stress pag nagassemble tpos mabubuo mo sya ng tama ahahaha

        budgetarian tlga punta kna kc d2 ipapasyal kita sa mga tindahan ng mga robots…

        cge tatandaan ko yang panglilibre mo sa MCDO ahahaha naalala ko last day nanood ako ng Toy Story3 paguwi ko ng bahay inayos at nilinisan ko ung mga freetoys ng Valuemeals inisip ko na may isip at puso din sila na nasasaktan tulad ng mga toys sa toy story3 ahahaha cencya na matagal ko ng alam na praning ako…

        cge ibubulong ko na lng name mo kay papa Jesus 🙂

      • to infinity and beyond,anne!

  12. ang daming naisip, parang naihambing mona ang lahat, pero pinaka ok ang last part na ang pagibig parang airport, may arrival at departure. pinakagusto ko ang arrival! ^^ nakakalungkot ang departure madalas akong umiyak dyan! =( ganun din sa buhay…

    nice post duking!

    **
    dubai or not dubai?
    kung ano man napili mo..
    — walang maling desisyon, nasa paninidigan at diskarte lang yan!

    cheers!

  13. Duks, ang lalim nyang pag iisip mo ah! samo’tsari! ako dumaan din ako sa puntong kailangan kong mamili at parehas na matimbang sakin ang sitwasyon, pero yun nga may mga pagkakataon na kailangan nating sumubok, kailangan nating bigyan ng pagkakataon ang ibang bagay.. share ko lang din to nabasa ko before..

    Post from Pravsworld.

    I used to have a comfort zone where I knew I wouldn’t fail.

    The same four walls and busy work were really more like jail. I longed so much to do the things I’d never done before, but stayed inside my comfort zone and paced the same old floor.

    I said it didn’t matter that I wasn’t doing much. I said I didn’t care for things like commission checks and such. I claimed to be so busy with the things inside the zone, but deep inside I longed for something special of my own.Â

    I couldn’t let my life go by just watching others win. I held my breath; I stepped outside and let the change begin. I took a step and with new strength I’d never felt before, I kissed my comfort zone goodbye and closed and locked the door.

    If you’re in a comfort zone, afraid to venture out, remember that all winners were at one time filled with doubt. A step or two and words of praise can make your dreams come true. Reach for your future with a smile; success is there for you!

    • @bon taragis:

      kakantahan kita tol,bihira ko lang ‘tong gawin.

      bon tara-tara
      bon tara-tara
      tarara
      tarara
      tara-gis!

      hahaha!ayos ba?salamat sa mga word of encouragement.sa ngayon,balik muna ulit sa ‘bahala na’ mode ang kwento ng plano kong mag dubai.ang totoo,hindi naman s’ya tungkol sa takot lang na lumabas sa comfort zone.besides,parang ‘di nga ako naka establish ng comfort zone eh dahil everyday,pakiramdam ko,nakikipag tuos ako lagi sa sarili ko.mga kung anu at paano sa mga ganito at ganyan.

      pero eto,halong kalokohan.mas madaling piliin ang sagot sa tanong na:

      pudai or not pudai?

      whahaha.TARAGIS!!!

  14. hmn, mula sa aking 32 mb na brain cells, ang sagot ko sa dubai or not dubai ay….

    go try it. walang mawawala (nga ba?) kung hindi mo natrip-an do’n edi balik ka ng pinas. may babalikan ka naman di ba? yun ang mahalaga.

    mahirap mabuhay na laging may tanong na what if. pero in the end, kaw pa din ang magdedesisyon niyan. basta piliin mo ang magpapasaya sa’yo.

    yan lang kinaya ng 32 mb brain cells ko.😀

    magandang araw!

    • na format ko na ang 16mb kong utak manang.

      sa ngayon,hahayaan ko muna ulit na ipaubaya ang lahat sa pagkakataon.besides,hindi naman ako ganun ka atat pang umalis.may bookshelf pa akong dapat asikasuhin.

      magandang araw,salamat sa laging pag check up sa blog pressure ko,manang!

      normal pa rin ba?hahaha!

      • normal pa naman ang blog pressure mo. 1,000 over 16mb.🙂 goodluck sa bookshelf.🙂

        enjoy the weekend!

      • salamat sa check up manang,hahaha!

        happy weekend din,and i hope na ok na si tita mo.

        salamat sa regular check up!tumatanggap ka ba ng mga gulay bilang bayad?

      • hahahaha. yung tipong nakabayong at nakalabas lagi ang sitaw? why not?🙂

        thanks sa concern sa tita ko. kakatapos lang ng 9-hour operation niya at successful siya *clap clap*🙂

  15. dati ang pagibig para lang daw elevator, pagsikip na wag ng pilitin dahil may hagdan naman .. ngaun erport na sya! asensado na . hehe

    anu pang dapat asahan . malamang humanga na naman ako sa iyong panibagong akda🙂

    ako . not dubai — la lang ayoko ng malayo😦

    • hi geylii.

      sa airport ko lang kinumpara,depende sa kwento ng sarili mong love story,marami kang pwedeng pagkumparahan.

      salamat,ulit.

      kung may sapat kang dahilan at kaya mong panindigan ang dahilan para manatili,mag punta ka pa rin ng dubai,hindi para magtagal kundi para masabi mo lang sa sarili mo na…

      there’s no place like home.

  16. ang laki naman ng offer sa yo, mukhang bigatin ang duking ah.hehe

    • yung una kasing interview,dahil hindi ako marunong mag sinungaling,pinagtapat ko sa kanila na 7,200 lang ang monthly ko sa kasalukuyan kong work.sabi nila,kaya raw nilang gawin yung 5 times.para kako mas makatotohanan,gawin lang nilang 4 times.pumayag naman sila.

      yun ang isang dahilan kung bakit ako hindi tumuloy.sinong baliw ang mag papa sweldo ng 4 times?kung 3 times yun,baka naniwala pa ko.

      kala nila hah!

      • HAHA.bakit naman dika naniniwala? malay mo.
        galing mong magtahi ng mga salita. ayos ang pagrelates mo sa mga pangyayari.

  17. dubai or not dubai?? hays, yan din ang Q and A portion ko ngayun ( anu daw?? ) by next, next … hhmmppp bahala na nga kung dubai or not dubai talaga ako. shaks!

    hello duking!😉

    • hi len.goodluck.whatever your decision,sana maging matagumpay ka at masaya.

      pag andun ka na,dagat na lang ng buhangin ang pagitan nyo ni pong.hahaha!hingin mo na yung mga tsokoleyt nya!

      magandang araw!

  18. nagulat ako.
    akala ko kung saang blog na ako napadpad.
    hindi kasi matalinghaga.

    pero mas trip ko ang ganitong poste.

    mas nadidig ko.

    at dubai or not dubai?
    DUBAI na! anakngtokwa! malay mo…
    malay ko…
    malay natin…

    ayun. napadaan lang…

    • hahaha,salamat sa pagbisita ulit eloi!

      yaan mo,tingin ko,puro mga ganitong walang kwenta na ipo post ko sa mga susunod.

      nasaid na kasi ang ‘brains’ ko.

      magandang araw ulit at salamat sa pagbisita eloi!

  19. waah, gustong-gusto ko ito.. pati yung pagkatanggal ng ulo ng zombie! grabe naadik ako dito!😀

  20. Sakin lang ba mabagal ang galaw nung drawing? Oh nag aadik ka lang nung ginawa mo to kaya parang pakshet uber bagal?

    Nestle Dubai? Bat kelangan sa Dubai ka pa magtrabaho may Nestle naman dito! Haha. Ayon sa ilang OFWs (yehes, parang andameng kilala), nakakalungkot daw don. Pero kung ako naman ang may chance keber ko nalang at wala naman masyadong nakakamiss sa pinas. Hehe.

    Mas mahirap gumawa ng doodle pag di ka marunong mag doodle. Napatunayan ko na yan. Oha.

    Dukingsters! Ang pag ibig ay parang airport, maraming magnanakaw!

    • hala my magnnkaw b s airport vajarl??

    • nanakawan si vaj sa airport.nadukutan sa jeep.naholdap habang naglalakad.ginahasa.niyurakan,pinaslang,na slander,na libel,madali’t salita,inapi.

      wawa naman.

      me nestle dito vaj.ang kaso,masyadong malayo sa bahay namin.sa lipa pa,e.kung lalayo lang din ako,gusto ko sa malayo na talaga.kung gusto ko naman ng malapit,sa likod bahay lang sana namin ang gusto kong work.

      di nga?nanakawan ka sa airport o eto yung nakaw na ‘legal’ dahil sa kung anu anung graft and corruption shit?

  21. Ahahaha… natatawa ako sa zombie. :]

    May “Duty Free” sa airport pero… mahal pa rin.

    • kamusta tol dan?

      si joker yang gravatar mo ah?astig!

      ingat na lang kay batman.hahaha!

      • tol… ‘eto ayos lang.medyo pahinga lang sa mundo ng blogging. wahehe… kahit matagal na ‘tong comment rereplayan ko pa rin.

        si joker talaga ang favorite character ko (lalo na sa dark knight). gusto ko siya mag-isip at magsalita. lol

  22. “naisip ko rin sanang tignan ulit sa handy man yung ‘easy to assemble and affordable bookshelf for just 299.95 pesos’…” -duking

    hmn, nakatutuwa naman yung ganito…

    pagkatapos mong paghirapan ang isang bagay…

    malalaman mong may isa pang bagay na pwedeng mabuo sa pamamamagitan ng mas simpleng paraan…

    hmn…

    magandang araw duking…

    ngayun lang ulit ako nadaan dito…

    • youre always welcome,ravy!

      minsan kase,ang sarap paghirapan nung ikaw talaga yung gumawa,sarili mong pawis at diskarte, experience na babalikan, at nabubuong self respect.

      pero ang totoo,bookshelf lang naman talaga ang kailangan ko.kung anu anu pang naisipan ko.hehehe!

  23. May bago na pala at sa pagkakataong ito ay hindi matalinhagang shit.🙂 Dun ako sa duty-free part ng airport mukhang mas masaya dun, tax free din, madami pang sale.

    Dubai or not Dubai? Dito ka na lang ma-mi-miss kita. Naks.

  24. baka pwede ka pang magpa-re-schedule? sayang din ang opportunity na yun.. o baka talagang di pa yun ang right time para mangibang bansa ka..😉

  25. wow!may bago ulit!hehe

    dubai?bakit ganun, siguro sa loob ng isang linggo kong buhay na dumaan, mga more than 10 or 20 ko ata narinig ung dubai na yan,

    hanep, Dubai is the new Japan,
    lahat na ata gusto pumunta dun,
    pati na ako din siguro, hehe, balang araw

    anyhow, go for the gold, kung san ka mas sasaya manong duking!

    apir! binusog mo na naman ang nangangalumata kong mata, salamat!

    gumagalang, aubu:)

    • hello ma’am aubu!

      kamusta ang managerial training?sana nag eenjoy ka ng husto.

      salamat sa pagdaan.yup,dubai ang pinaka favorite destination ngayon ng mga bagong bayani natin dito.ang dami kong workmates na yun din ang target.hindi mo sila masisisi kase gusto nilang makakita ng pinakamataas na building,mag skiii sa snow sa disyerto,at makakita kung paanong magpalawak ng teritoryo sa pamamagitan ng pag reclaim sa space ng dagat.

      ang galing di ba?british technology,filipino skills,indian’s cheap labor and the emirates’ money.tingin ko,mas magandang term yung dubai is the new babylon.

      hi ulit aubz!

      • hehe, ma’am talaga po eh nuh

        ahm patapos na po, poject presentation na lang at voila, tapos na ang hellish training na panira ng schedule at tulog,

        kaya nga po, tama kau dyan, sabi sa isang site na napuntahan ko, about 10 years from now pwedeng magkaron ng malaking problema sa dubai, lalo po ung Jameira island ata un, kasi labag daw sa nature ung ginawa dun sa islan na dun.

        pwede, new babylon,

        hello po ulit!

  26. nahilo ako… nyahahaha.. dahil ba to sa eroplano or sa lalim ng mga salitang binitawan mo master duking… nyahahaha… natawa din sa ako sa doodle mo… ganda…
    at narealize ko na ngayon na magkatulad din pala ang airport sa pag-ibig.. may dumadating at umaalis…

    • missbroken,kamusta na?

      hindi naman yan malalim eh.katunayan,nasa himpapawid nga sila,lulutang lutang.hehehe!

      basta yan yung update ko ngayon.nangangailangan ng bookshelf na pag lalagyan ko ng books.(syempre kaya nga bookshelf eh!)hahaha!

  27. hahahaha, welcum sa mundo ng magulo ang utak..

    ako dati puro plano..pero sa lahat ng palano ko walang nangyayari at lahat palpak kaya ngayon..gumagawa nalang ako ng long term goal..bahala na si batman in between at kung paano ko gagawin ang gusto ko.. kadalasan kasi pag nauunang isipin ang isabng situation nakakafrustate pag nalaman mong di nasunod ang plano…hayaan ng lumipad sa mundo, klahit eroplanong papel ang sasakyan ko… lagay ko nalang sa bulsa ko habang ako ang naglalakad.

    yang bookshelf na yan..yan din ang problema ko ngayon..di ko na alam saan ko ilalagay ang iba kung mga libro… plan ko rin mag-ala karpentero pero malamang sa malamang di ko masimulan at puro drawing nalang ang gagawin ko…hahahaha

    hello kapitan hook!

    • may mas mura pa akong natuklasan.yung kahon ng sapatos,pwedeng gawing bookshelf.mas mura at babantayan pa ng bubwit katagalan.

      mabuti na nga siguro yung parang ganyang thinking.pa easy easy lang and enjoy enjoy sa kung anung meron muna.pero syempre,kung may mas magandang pagkakataon,huwag mong papalampasin lalo pa’t iyon talaga ang gusto mo.

      siguro,ayoko pa lang muna talagang umalis.di pa ako ganun ka kombinsido.

      hello,tinkerbell!

  28. Duking!

    namiss kita.

    at shempre, naantig sa isinulat mo. ang galing. ang daming metaphor…pero iisa lang ang wish ko…sana yung mga ga-jumbo jet na plano ang matutupad mo sa madaling panahon…

    • hello miss kaye,thanks for dropping by!

      gusto ko talaga na yung mga jumbo jets sana ang mamayagpag kaso nga lang,minsan,limitado din yung kakayahan ko at guts para ipursige.

      ang bilis ko kasing matuwa.hindi ko napapansin tuloy na ang babaw lang pala nung kinasasaya ko.

      pero ok naman lagi.hihintayin ko pa rin na yung mga jumbo jets!

  29. naaadik nako sa Plants and Zombies! hayst!

  30. Lagi akong late ano ba yan? lagi akong late ano ba yan?

    Tinitigan ko yong zoombie, wala parang zoombie eh, kaya naaliw ako.

    Huwag kasi masyado matalino, kaka-insecure yan eh, pahiram utak mo Duks, soli ko na lang pag wala ng laman.

    Yong assignment ko sayo, pakihintay, no time for love ako eh, basta chill ka lang.

  31. nung binabasa ko to para akong nananaginip pakiramdam ko ako ung nasa eksena hahaha.
    ako naniniwala ako na mas madaling i accomplished ang hindi planado kesa sa planado hahaha….

    ang ganda ang ganda ang daming nag kukumbling mensahe,,na akala mo para lang nagshashare ng thoughts ung pala hindi kasi narealize ko ..teka ako ba to! nice post tulad nang dati…
    whew…

    • salamat sa pagdaan ulit.

      hindi naman sadyang ikinubli yung mensahe,tingin ko yan na talaga yun.parang eroplano ang pangarap,parang airport ang pag-ibig at syempre…

      kailangan ko talaga ng brains!

  32. wag mong sabay-sabayin ang pagpapalipad… isa isa lang para makarating kaagad… nakakalito kapag sabay-sabay baka yung makina ng utak mo ang bumigay… :)))

  33. duty free? haha! Mas marami palang airplane ang nagsasalpukan sa ulo mo kaysa sa tunay na airport, pag-ingatan mo naman, mahal ang pagkakagawa ng mga air transport.

  34. sir duking napakagaling mo talaga maagdrawing. hehe. astig at dahil jan may ipapakiusap ako saya. pwede po ba?

    mura na lang ang bookshelf ngayonn. haha

    http://inusentepapalaako.blogspot.com/2010/07/nosebleed.html

    sali ka jan ha?

  35. teka nga pala…nasabi ko bang ang pag-ibig parang airport? may arrival at departure?huwag ka mag-alala dahil sa ganung set-up,nandun din ang ‘duty free’.

    >>> naks naman at talagang naihabol mo pa ang pag-ibig. ei di masama ang mag plano pero wag lang ma frustrate if di matupad ung mga plano mo. Lets just take one step at a time.

    • ganun na nga lang talaga ang ginagawa ko,miss echosera.i do have plans pero more on letting things go on its own.

      yun bang parang konting effort at konting luck,baka sakaling matupad.that way,walang frustration at regret.

  36. sbi nga nila db, mas natutuloy pa ang hnd pinlano.
    if ever ba na nag dubai ka, 4ever din un? hnd db. so think pasitib nalng.

    hnd lng tlga un para sau.
    at tlgng adik din ako sa plants versus zombies. naka 60 flags nako dun.😆

    • hehehe,60 flags ka na sa endless mode?

      dati gustong gusto ko yan,eventually,kinatamaran ko na rin.

      maganda kasi yung concept ng laro.add kita sa blogroll.

      salamat sa pagdaan!

  37. Ang sarap mag muni-muni sa poste mo na ito Duking. Kaya lang isang maiikli muna ang aking paalaala…:

    “Pray for everything, Worry about nothing.”

    • salamat po.

      nag iisip isip pan rin ako.isang araw,ku kwento ko ulit kung anung mangyayari sa iba kong mga plano.ang dami ko rin kasing kailangang ikonsider.

  38. bawat desisyon sa buhay duking ay kailangan ng taimtim na panalangin.. at kung ano man ang piliin mo hilingin mo na patnubayan ka ni Bosing..

    worries worries.. plans… marami rin ako nyan eh.. kadalasan nga hindi nagiging maganda yun kinalabasan o yun gusto mo hindi mo makuha dahil sa maraming rason… pero kung ano pa man yan kailangan lagi tayong ready di man nasunod yun plan A dapat may plan B tayo.. sana naintindihan mo mga sinasabi ko haha kasi ako kelangan ko din ng brains… toinks

    at ang pag-ibig ? sa akin sana mag arrive na wahahaha isiningit

    magandang araw duking😉

    • hello adel,hopefully,sana nga mag arrive na sya sa iyo.

      whehehe.naiisip ko kung kailangan ko pa ba ng plan B eh ni hindi ko mai-execute yung plan A ko ng tama.

      palagay ko,mas kailangan ko ng direksyon at sense of priority siguro.lagi ko kasing inuuna yung kagustuhan ko lang maging masaya at malaya.

      mali rin pala kung minsan.

  39. wahhh kakaiba ito sa mga sinusulat mo ah.

    oo may mga pagkakataon na mas maganda yung basta-basta lang at hindi pinaplano. iba kasi ang frustration yung sawi ka sa kabila ng mga preparation at pagpa-plano na ginawa mo.

    so alin ka ba talaga nainis sa bookshelf o sa dubai?

    ang airport for me ay pintuan ng pamamaalam sa iyong comfort zone at pag-hello sa safari .

    mabuhay!

    • mas naiinis ako sa bookshelf.instant palpak kasi yun eh.not like dubai na posible pa lang maging palpak sa hinaharap.

      naikwento ko lang naman.i think ang daming pwedeng pakahulugan sa airport no?ang dami kasing dalang ala-ala ng airport.

  40. Everybody has something they worry about at some point in life. Grabe sa post, bible help overcome your worries, agree? kapit ka lang.

  41. Kuyaaaa…
    wag mo ko batukan ha..
    hmm.. nominate kita kase sa site ni Panyero.. try mo check chatbox nya..:/

    *lam mo naman na idol kita sa bawat linya di ba??
    **at alam mo naman na ikaw pinakagwapo dito di ba?? di ba??.. kuya..🙂

    • ang lakas mong mambola

      sige,sige…kung parang mga comics strips lang nung naunang nakalagay dun sa site ni tito boy,payag ako.tutal naniniwala ako sa advocasy nyang ipagkalat ang batas para sa mahirap umintindi.

      nakuuu!!!kung ‘di lang tayo tropa!!!dinagdagan mo ako ng load!!!baka ako pa ang makabitin sa publishing ng mga articles ni atty!

      sya…sya…ciao!

      • iloveyoutoo Kuya.. ahahah

        nakalink talaga ako..
        Salamat.. salamat,
        donchaworry Kuya, . sabi ko sa’yo dati kahit free, imamanage ko yung talent mo eh di b, nga lang.. ang dami mo load..🙂

      • thank you lee mi…

        sana ipagtanggol ako ni tito boy kapag sinakal kita isang araw!

      • Kuya, parang painting nga yung sa site ni Panyero, ang galeng!!.. pakitang gilas ang astig mo sa sining.. wala na ko masabi.

        wag mo muna ako sakalin.. saka na lang pag may iba pa kong napasagot para gawin kang talent..
        shaks!!.. ako na ang official agent mo..🙂

      • heh!

        salamat,lee mi.you open another opportunity para makapag-pakitang gilas ako.ang problema ko na lang ngayon eh kung saang oras ko pa isisingit ang pag tu-tutbras at paliligo.

        maraming salamat sa paglalaan mo ng oras ko sa kapaki pakinabang na gawain.hmp!

      • wahhh!!..
        ang hirap mo naman i-manage.. puro reklamo na inabot ko ah.. ang dami na kayang nagkaka-crush sa’yo.. sikat ka na unang projectpa lang.. naku.. tiba tiba ako ng komisyon nito!!!..

        wahahha.. isa pa,.. bwahahaha!!

  42. Hoy hoy hoy hoy hoy hoy!

    Mapagpanggap ka. Hindi naman green sapatos mo.

    • green ang utak ko,green ang tingin ko sa’yo.hindi yung incredible hulk na green,hindi rin yung shrek na green.

      ang tingin ko sa’yo ay plemang malapot.kulay green.

      hahaha!

  43. dapat talaga pinagiisipang mabuti, par walang sisihan sa bandang huli i ba….

    pero minsan kapag nagkakamali may lesson na napupulot…

  44. need ko rin ng bookshelf… ang dami ko ring plano… pero lahat pinalanding ko na lang sa estero..

    sige na nga.. pwede ba wag na mag comment? ila like ko na lang? hehe

    • hahaha!

      ok lang din mag comment.katunayan,wala naman akong trackback sa kung sino ang magla-like so mas natutuwa ako na personal kong nababasa yung comment ng mga napapabista dito.

      kamusta,shea?

      magandang araw!

  45. hi duking,

    ang gara ng site mo, naisipan ko bumisita dito kasi bida ka sa panyero.net, klasmeyt tayo.
    namangha ako ang galing mo sumulat at mag drowing. nagtapos ka ba ng fine arts. pwede ba mag enroll sa u?

    • welcome,miss hopeful!

      maraming salamat,dalawin mo akong madalas dito.hindi po ako fine arts grad,nagkataon lang na arts a bit fine with me.hehehe!

      again,maraming salamat at nagustuhan mo yung munti kong mga lathalain at guhit.

  46. nasabi ko bang ang pag-ibig parang airport? may arrival at departure?huwag ka mag-alala dahil sa ganung set-up,nandun din ang ‘duty free’.

    ^^^

    gusto ko ung line na yan.🙂 and natutuwa ako sa .gif mo hihi. love it.

  47. o ano kuya duking? kumusta na?
    dubai or not dubai?

    napadaan lang… hakhak!

  48. hello duking.. good pm!

    daan daan lang.. ehem..

  49. daan din ako boss duks

    update na!

  50. nice title ah.😉

  51. Ganda araw sir duking..namangha naman ako sa galing ng poste mo at husay ng mga nakaparking dito. kaya naman ang makitid kong utak ay agad na umanga sa galing ng talinhaga, na haliw ako buti at may nag blow ng horn sa likod ahehehe…
    nasabi ko bang ang pag-ibig parang airport? may arrival at departure?huwag ka mag-alala dahil sa ganung set-up,nandun din ang ‘duty free’.

    cguro sir, sa pag-ibig un duty free yon ang “fruits of love” odi ga..ahehehe
    yahooo.. malapit ko na makita ang dutyfree ko.
    Abe here.
    napadaan lang po at mabuhay po kayo.

  52. honga naman. life is a matter of choice between two things yes or no and no or yes. hindi ka pwedeng hindi pumili, ksi pag di ka daw pumili, mas lalo kang mag susuffer o kaya naman,

    dubai or not dubai?

    tapos, ang msama pa sa mga oportunity, they will knock you down when they pass by. ano daw? ewan ko. hehehe. clap clap clap, turuan mo kong gumawa ng doodlings mo?

  53. hello, duking!

    basta, like ko tong post na ‘to!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s