kunyari…tula ang buhay

SA KARIMLAN…

ginising mo ako’t nagmulat ng mata
upang ang dilim ay aking makita
nang masanay ako,ang hugis ng karimlan
ay hugis na anyo na ayaw kong titigan

akong nanabik sa tunay na liwanag
ay kaluluwa ngayong sa gabi ay lagalag
ni hindi mamasdan landas na naglatag
tanging naririnig paa kong yumayabag

paroon at paritong walang tinutunton
bilangguan kong ito’y balon ng panahon
walang nagnanais silipin o tabunan
nabihag nga ako sa kailaliman

sa pagkamuhi ko sa aking sinapit
ay may aral akong natutunang higit
sa isang sulok ng mundo kung impit kang iiyak
ay aalingawngaw na parang halakhak!

PAGLAYA’T PAGBABALIK

napigtas na dahon ang aking buhay
sa nanunudyong hangin ay sasabay-sabay
kakatwang maligaya sa pagkakawalay
sa sanga ng puno na kakaway-kaway

ngayon ngang malayang padparin saan man
sa dalisdis ng burol maging sa kapatagan
narito ako,daigdig!-isang manlalakbay
buksan ang pintuan mo’t sa aki’y magpugay!

sariwa’t may hamog dala ng magdamag
sa halik ng amihan ay biglang napapitlag
lumipad akong muli’t saan man mapadpad
ay may tuklas na ligayang laging tumatambad!

sa init ng araw na lalong tumingkad
kulay kong luntian ay kusang nahubad
humihiyaw sa tuwang naligo sa talon
sumabay sa agos niya’t agos ng panahon

sa tulak ng alon ako ay umahon
aba’t ang balat ko’y kayumanggi na ngayon!
tuyo na’t marupok,kay daling sugatan
katumbas ng laya ko’y aking kasawian

sa hanging umi-ihip ay muling sumabay
doon sa lilim n’ya nais kong humimlay
humalik sa ugat niya’t sarili ay ialay
suwail na nagbalik,nagtalbos sa tangkay!

(dahil wala na akong maisip…)

140 responses to “kunyari…tula ang buhay

  1. base kami ni mam kuhrach!

    • haaaaaaaaay kuya duks parang ako ang nasa karimlan. hawig ito sa tula na ginawa ko kagabi, taglagas, tagsibol, tag-araw at tag-ulan pero malungkot ang tema. pansamantala muna akong nasa karimlan at malapit na sa paglaya’t pagbalik.

      mabuhay ka kuya duks!

  2. kung anuman ang personal matters na pinag dadanan mo pong,alam kong kaya mo yan.

    magandang araw!

  3. 2nd base!! yey!😉

  4. siguru ganun talaga ang buhay, kayan kanyang istorya, na hindi maiiwasan sa bawat istorya ay may masalimuot tayung pagdadaanan.. hindi man masalimuto peru bagay na dapat nating pagdaanan kasabay ng pagdaan ng panahon. Sa mga nangyayari sa buhay, minsan ayaw na nating magising sa ganda ng sinasaad ng patuloy na pagayon ng panahon sting buhay.. peru dapat nga nating maranasan ang tagulan, tag init, tag sibol, o kahit anung panahon payan upang tayu ay maging matatag sa patuloy na pagtahak sa mga ninanais natin.

    teka,nagpaligoy ligoy na ata ang aking komento. Good evening duking!!😉

    • natutuwa akong malaman ang ilang pananaw mo,len.

      hindi marahil ukol sa kung anuman pero minsan,we just say things out mula sa likod ng isip natin.yung mga salitang hindi pwedeng sabihin basta basta kase magmumukha tayong nagda drama…pero kailangan eh.kaya minsan,may umaawit,may sumasayaw,may gumuguhit at may tumutula.

      at meron namang bumubuntong-hininga lang saka ngumi-ngiti…

      salamat,len.

  5. Nice post Duking. Nice post.

  6. Napabuntong hininga ako pagkatapos kong mabasa ang iyong tula pahingi munang tubig ahhrrmmm:-)

    gusto kong maramdaman ung hangin sa doodles mo Duking parang ang sarap damhin🙂

    yon lng muna at wala na kong masabi pang iba bkit kaya pag andito ako sa bahay mo wala akong masabi nawawala ang mga bawat letrang nakahandang sabihin… babalik na lamang ako pag may naisip na ulit ako…

    Duking! yung hangin gusto kong maramdaman…

    • ok lang,anne.hihintayin ko pa ba ang pagbabalik mo?may gusto ka pa bang sabihin?kase,kung wala na…ok lang din naman.

      dahil ang mahalaga,binasa mo na at napasuot ka ulit sa kaguluhan ng mundo ko.hahaha!

      kung gusto mong maramdaman yung hangin,ide-describe ko na lang…

      nasa malawak kang parang.nakatayo sa damuhang pantay pantay halos ang taas,ang hibla ng damo at kulay nilang agaw dilaw at agaw luntian.sa iyong harapan ay dalisdis ng bangin kung saan halos matatanaw mo ang pamayanan sa ibaba.napakalayo mo sa ingay ng sasakyan,sa usok ng mga pagawaan at yao’t paritong pulutong mga taong laging nagmamadali.

      nakita mong gumalaw ang mga damo,pumagaspas ang mga ibon mula dito.yumuyukod sila papalapit sa’yo.naamoy mo ang sariwang hangin kahalo ng amoy ng damo.at lumutang kasama nila ang mga bulaklak ng talahib na parang nagsasayaw sa hangin.ipinikit mo ang iyong mata at pinuno ng amihan ang iyong dibdib.

      at nalunod ka sa panaginip.

      at nalunod ka sa panaginip…

      • cge uulit ulitin ko tong basahin pag medyo pagod ang utak ko nakakarelax kahit itoy isang panaginip lamang🙂

        Salamat Duking! magandang araw sayo:-)

      • marami ka pang pwedeng idagdag,anne.maraming magagandang bagay at napakaraming buhay ang pwede mong isama sa haplos ng hangin.

        alalahanin mong walang hangganan ang naaabot ng panaginip.

        ingat ka lagi!

  7. una.. nahilo ako sa lakas ng hangin..
    pangalawa.., nagdugo yata ang utak ko ..
    -dinalwang beses kong binasa.. ano nga ulet sinabi mo Kuya?😀

    lika na Kuya… hwag ka ng mangarap dyan, baka dagukan k ng hangin sige ka…
    -palipad na tayo ng saranggola.. ang lakas ng hangin sa parang.. 🙂

    • kung sapat ang paliwanag,baka wala nang nagsusulat.

      mabuti pa nga siguro,itigil ko muna ang pangangarap.tara,unahan tayo sa tuktok ng burol.

      may kilya ang lahat ng saranggolang ginawa ko dati.hindi talaga ako marunong magbalanse kaya lagi’t laging bigo ako noong magpalipad ng saranggola.

      pero marunong akong gumawa ng eroplanong papel.pwede na rin yun tutal naglilibang lang naman tayo.

      tara na,lee mi!

      • sige laro na lang tayo sa parang Kuya

        eroplanong papel sa’yo… ako na lang gawa sarangolang tingting.., gawa sa tingting ng walis at sando plastic.. maabilidad ako kuya kaya huwag kang mag alala.., taling sinulid din..

        marupok na sarangola para sa malakas na hangin.. pero tingnan mo.. ganyang kasimple ang pinagmumulan ng saya..

        kapag nasira yan bago matapos ang paglalaro.., okay lang…

        ang lifetime ng sarangola ko ay mabilis,
        pero na namasdan ko naman ang bawat pag-angat at pagbulusok nya..

        simple lang..

        basta masaya…🙂

      • kahit saglit lang…

        anu nga ba ang oras sa puso ng mga bata?wala.

        isulat mo sa eroplanong papel ang lahat ng gusto mo.tatawirin nya at aabutin ang higit pa sa kayang abutin ng pangarap natin.dali!

  8. wala ka pang naisip sa lagay na yan?…haha, pano pa pag-pinag-isipan.

    babalik ako…magcocomment ako ng matino mamaya…hahaha, love ko ang nagawa mong tula.

    • matagal ko na ‘tong ginawa.yung doodle lang ang bago.

      pag wala akong mai-post,hahalungkatin ko na lang yung mga imbakan ko.

      • ako gusto ko na lang i-enjoy ang mga pangyayari, ayoko nang mag-isip ng mga di ko maintindihan bagay…simple lang nman ang gusto ko, magpagulong-gulong sa damohan at maramdaman muli ang hanging dala ng dagat..

        ang maglakad ulit na nababasa ng alon ang mga paa…ganun lang ka-simple..mas madaling kalimutang ang mundo ay magulo kung ang pamumuhay sa payak ay kaya mo namang makuntento.

      • huwag kang magbabago ng pananaw sa buhay,tinkerbell.

        nasa puso mo na ang ‘magic wand’.kailangan mo lang siyang ikumpas para sa iyong pangarap.sapat na ang sinabi mo para malaman ko na hindi ako nag iisa sa kasimplehan ng mga pangarap.

  9. gusto ko ang tula mo, ang galing galing, mahilig din akong gumawa ng tula, tulang may tugmaan at may tamang sukat gaya ng mga likha mo. magkakasundo tayo.

    salamat sa pagdaan sa bahay ko.

    • salamat,livingstain.

      binasa ko ang ilan sa mga gawa mo.natutuwa akong makaramdam ng tapik sa balikat mula sa isang may mahusay na panlasa sa tulaan.

      pakiramdam ko,may saysay ang munti kong libangan.

      maraming salamat ulit!

  10. hindi ko maisip ang aking sasabihin
    wari’y mas nadadaig ako ng larawang iyong iginuhit
    nais kong madama ang ihip ng hangin
    ang samyuin ang mga damong nabasa ng hamog
    ang damdamin ang tamang sikat ng araw
    habang nasa kaligitnaan ako ng aking
    pagbubulay-bulay.

    ngayon, kung ako ang iyong tatanungin
    kung tula ang aking buhay
    malamang mawawalan ng saysay ang
    sukat at ritmo ng paggawa ng tula

    kasi hindi ko susundin. hehehe
    papa-drawing ko na lang sa yo
    mabuhay!

    • kukulangin ang kulay kung buhay ninuman ang iguguhit ko.

      sanay kasi ako sa black and white at konting red at blue.

      huwag mong susundin ang sukat,ang haba at tugma.tama yan.hindi rin dapat laging komplikado.basta nauunawaan mo,mauunawaan din ng mga naka paligid sayo ang iyong buhay….at ang iyong tula.

      magandang araw,hoshi!

  11. ang haba. ang lalim. ang galing. nice post, duks! ;p

  12. teka. paglalaanan ko ng panahon para intindihin ito. wag muna ngayon. babalik ako.

    • kantahin mo ulit yung ‘ironic’ next time.

      humanga ako.kelan lalabas yung album mo?

      • wow ms. kuh mahusay ka pala, maganda talaga kantang yan.
        sino kaya nakapagrecord nyan….

      • mis toni, wag mo pakinggan si duking. nang-aasar lang yan kasi sakto saken un isang linya sa kantang ironic.

        duking, ikaw… kelan ka magmamagic? abracadara! poof!

    • nag ma magic ako araw araw,kurach.

      kung hindi ko yun gagawin,siguro,naghanap na ako ng mataas na billboard sa edsa,nagpahinto ng traffic sa aguinaldo highway o ‘di kaya ay kausap na ang mga talaba sa coastal road.

      hahaha!isn’t it ironic?

  13. an lupit-lupit talaga ng drawing
    kamangha-manga ang bawat sining
    hindi masabi sa kahit anung salita
    kung paano ako nasasabik sa iyong mga likha

    haha . la ko talaga masabi
    *thumbs.up* ang lalim🙂

    • sa iyong komento,ako’y humahanga
      nakikita ko kasi sa’yo ang isang biyaya
      iyon ay ang umuusbong mong salita
      na nagsasanga rin bilang isang tula

      bayaan mo na geylii,ang umid kong dila
      magsaysay ng isip ko’t mga mumunting diwa
      sana’y maging inspirasyon ang bawat parirala
      sa tulad mong may pusong malayang malaya…

      ituloy mo rin ang iyong mga panulat!

      magandang araw!

      • salamat kuya sa iyong papuri
        salamat din sa bawat pag-intindi
        salamat sa iyong mga motibasyon
        salamat sa mga iniiwang leksyon

        kuya wag mo ko daanin sa matatalinhagang salita
        d ako makaintindi ng malalalim na katha
        hindi pa ako kasinlawak ng iyong pangunawa
        ako lamang ay iyong simpleng tagahanga

        hayaan mo at lalo ko pang pagbubutihan
        asahang bawat akda’y mas paghuhusayan
        hindi man maabot ang iyong ekspektasyon
        wag ka sana magsasawa na bigyan ako palagi ng bagong pagkakataon🙂

        salamat, isa kang inspirasyon ..ü

      • hands up na ko geylii.

        hindi ko na masasagot pa ang lahat sa paraang patula.

        magandang araw!

      • natuwa po ko, binasa mo un alamat hahaha

  14. hayaang liparin ng hangin ang bahagi ng buhay na nagmistulang takipsilim.
    ang mahalaga muli siyang bumalik.

    • gusto kong pilitin ka ring sumulat at gumawa ng iyong bahay sa blog,miss toni.

      higit sa pakiramdam ang nagsasabi sa likod ng isip ko na marami kang mahahaplos sa iyong mga pananaw.

      sana,isang araw sa hinaharap…

      hindi balang araw.

      pero kasabihan nga,pwede nating kaladkarin ang baka sa bukal,pero hinding hindi natin s’ya mapipilit na uminom.

      magandang araw!nakakita ka na ba ng aurora borealis jan?yun sana ang gusto kong maging unang post mo kung sakali.gusto ko rin kasing makakita nun.kahit santelmo,pwede na rin siguro.

  15. uhm, hindi ako marunong gumawa ng tula. kaya sobrang hanga ako sa mga taong marunong.

    hindi din ako marunong mag-drawing, kaya hanga din ako sa marunong magdrawing.

    isa lang ang ibig sabihin non, pinapahanga mo talaga ako.🙂

    dahil sa drawing mo, parang ang sarap mahiga sa damuhan at magmunimuni lang.🙂

    magandang araw.

    • salamat sa walang maliw na appreciation sa mga mumunti kong kakayahan,manang.

      sarap nga sanang mahiga sa damuhan.kaso nga lang,baka mapagalitan ka at tanungin ng nanay mo kung saan ka bang nagsusuot na bata ka.

      magandang araw,manang!

      • hehehe… dati nung malapit ang tinitirhan ko sa UP, madalas akong pumupunta doon at humihiga sa damuhan. hahaha. wala lang, kakamiss. wala kasing damuhan sa amin, puro lupa.🙂

      • taga tandang sora ka dati?diliman?quezon city circle?hahaha!

        sa fairview ako dati nauwi nung nag aaral ako ng college,way back then,malawak na damuhan yung magkabilang side nun habang binabagtas yung commonwealth.

        hindi ko na alam ngayon.nangako kasi ako na hanggat maaari,ayoko na sa traffic ng maynila.

        magandang araw ulit manang!

      • malapit lang doon. taga sulok sulok lang ako ng diliman. ang laki na ng pinagbago na niya. sobrang lawak na ng kalsada. hehe.

        traffic pa din doon kahit na malawak na ang kalsada. hehe.

        wow fairview. once pa lang ako nakapunta doon eh. hehe.🙂

      • sinasabi ko lang fairview dahil mas sosyal pakinggan.

        taga payatas ako dati.hahaha!!!

      • taga-dun si aubu. wala lang. hehe.🙂

      • sa payatas?wheeeeeee?

        nagbabasura rin kaya si aubu dun?bat di kami nagkikita?hahaha!

      • umalis na siya bago mo pa siya makita. (nagtago?) hahaha.🙂

  16. natawa ako sa palitan ng ating komento
    tila nanariwa ang nakaraan nang ako’y
    nasa high school at nakikipagbalagtasan

    magkagayon man sumasang-ayon ako sa iyong tinuran
    na sinuman ang aking hilangan o pakiusapan
    walang ibang makakapagsalarawan ng aking
    buhay kung hindi ako lamang.

    baka magsulat na langa ko ng autobiography
    o sumulat sa MMK. puwede ring pelikula
    The Hitokirihoshi_kawaii Life story
    nyehehehe

    • hindi ko naranasan ang makipag balagtasan
      bagkus ako nung hi-skul ay laging utusan
      maghanda ng entablado ‘di kaya’y pagkain
      nilang mga lalahok sa nasabing paligsahan

      gusto ko rin sana,subukin kahit sana minsan
      wala lang tiwala ang guro sa aking kakayahan
      mas mahusay daw kung ang aking sasalihan
      ay pasiklaban ng papangitan!

      kung gagawa ka ng pelikula ng buhay mo,pwede bang bigyan mo ako ng libreng pases?wala akong pambili ng ticket lalo pa nga’t uso na ang 3D.ang mahal!

      The Hitokirihoshi_Kawaii Life Story in 3D™?

  17. binasa ko cia makatlong ulit bago ko naintindihan. well, sa tingin ko naintindihan ko naman. oo, tama, naintindihan ko naman. pero di ko na ieexplain. ikaw nga, ayaw mo iexplain eh, di ko din kelangan iexplain. wahahahaha. potek. makakanta na nga lang.

    seriously, talentado ka duking. oo, alam mo yun. pero mas gusto kong malaman ang kwento sa likod ng iyong mga sulatin lalo na kung patungkol ito sayo. mas naappreciate ko yun.

    • salamat sa papuri,kurach.

      mas masarap inumin ang alak na hindi mo alam ang brand tapos tatanungin mo yung nag abot sayo ng tagay kung anu ba yung alak na ininom mo.tapos sasabihin nya,ihi yan ng paniki.

      yun ang ibig kong sabihin.bigla mong isusuka ang isang bagay kapag nalaman mo ang lihim sa likod nito.kaya tama na rin yan,malasing sa salita,magka hang over minsan,mas magaling kung mawala pati yung ala-ala kung bakit nga ba ininom mo pa yung alak kapag nanumbalik yung ulirat natin.

      ngayon,ang tanong….kung alak ka kurahcha…anung klaseng alak ka?

      hahaha!

      • baket nasali ang alak dito? hay naku duking. sa dami ng nakain ko noon, ewan ko lang kung ibuga ko pa yan kung nasarapan naman ako.

        anong klaseng alak ako? di ko alam. basta gusto ko, un hahanap-hanapin, yun babalik-balikan. kahit panandaliang sarap, tumatatak sa puso at utak. sana may alak na ganun. maiferment nga dugo ko. teka.

  18. haizzzzz huli na pala ako ng sobra!
    anu pa bng ssbhnko! almo na db?! ehehhe

    ah basta nakita na kita kuya dukz! ahahaha..
    ngyun kilala ko na ang mga pinagmumulan ng mga obrang eto! ahihihi

  19. Nice post!

    Haha. Joklang. Pinapahirapan mo ko sa pananagalog mo ng bonggang bongga walangya ka.

    Pano mo ba malalaman kung ang nakikita mo ay kadiliman o wala ka ng nakikita? Diba pareho lang naman ng tsura yon?

    Potragis di ko na i tatry himayin. Leche ka Dukingsters. Di ko maintindihan. Haha.

    • oo na…oo na…alam ko na ibig sabihin ng mga nice post nyo nila salbehe!!!

      magkaiba,vaj.sarili ko lang tong paliwanang kaya huwag ka nang kumontra.pero dahil ayon sa hula mo,aalipinin ka ng isang lalaki sa future (at posibleng paslangin ka nya dahil ganun naman ang ginagawa ng mga emperors sa kanilang mga alipin kalaunan) eh ipaliliwanang ko na rin bago pa man tapusin nya ang buhay mo.

      ang bulag,wala syang nakikita pero hindi nangangahulugan na karimlan ang nakikita nya.sa gaya naman ng taong may paningin,alam nya na ang nakikita nya ay karimlan.at ang karimlan na yon ay iba sa karimlan ng bulag.do the math.alam mo na ang ibig kong pahiwatig.(saka wala akong hilig sa math math na yan)

      sige…papapliwanang ko yung pakahulugan ko sa tula.kaso next time na lang.hahaha!

  20. kuya duks na miss kita! welkam back sa akin

    • welcome back,pong!

      may kumalat na chismis na dinukot ka ng alien,kinidnap ni bin laden,inutusang mag preach sa jupiter,at pinatawag sa roma ng santo papa upang konsultahin tungkol sa issue ng condom.

      hindi ko alam kung ano sa mga iyan ang totoo.basta ang mahalaga,andito ka na naman.

      hehehe!

      • wala PONG katohanan ang lahat ng mga balitang nasa TV at Radyo tungkol sa alien at pagdukot, sa Jupiter at Roma mga pawang kathang-isip lamang po ang mga iyon.

        eheheheh

        salamat kuya duks

      • biro lang pong.

        ang totoo,isa lang ang chismis na kumakalat.na kasalukuyan ka raw nag liliwaliw sa thailand habang may ka holding hands na magandang binibini.

        naks naman!

      • yun ba yung, mas masarap kung may kasama habang nagbabakasyon?

        hindi yun

        hindi totoo yun kuya duks

        kasi…, kasi…, kasi…, wala talaga *panic mode*

        serious na: hindi din totoo ang chismis na iyan, mga paparazzzzzzzzzzzzzi talaga ehehehe

        serious na talaga: hindi yun totoo, wag ka maingay baka may magalit kuya duks.

        hindi po ako nagpunta ng thailand
        pero pinagiispan pa kung pwedeng makapunta dun.

      • susme. showbiz!

      • @mam kuhrach
        di ba magkakampi tayo?
        ehehehe

      • selosa naman nitong isang ‘to!

        whoooo!!!

        @pong: she’s raining in your parade

        @kurahcha: isn’t ironic?don’t you think?

      • @kuya duks
        anong meron sa song na “Ironic?”

        hmmmm
        ulan sa araw ng kasal?
        libreng sakay pero nagbayad na?
        magandang payo pero hindi masunod?
        don’t you think?

      • pong,andun na ang lahat ng shit!

        ay sorry.

        hahaha!

      • @kuya duking
        basta ako iba ang pagkakakilala ko kay mam kuhrach
        matibay ang aming pagkakaibigan

        interesado ka ba sa sharing confe chat kuya duks? let me know.
        nagsign na si kuya vaj

        @mam kuhrach
        lambing lamang siguro sa iyo ni kuya duks ang song

  21. weeeee hnd k nga nagttgo pro anonymous naman ehehe..

    naku okies lng kuya eto inaantay ang kaarawan ni lolo! ayyyy ngyun n pla un eheheh

  22. parang windows XP lang na wallpaper ung bliss hehe

    ang ganda! as usual! taragis, syempre inggit na inggit na naman ako sa tulad mo! blessed ka na sa talento ng pag guhit, blessed pa sa pagsusulat, mamahagi ka naman!

    minsan may mga bahagi ng buhay na tin na halos akala natin wala ng liwanag pa para sa bukas, halos mabaliw na tayo sa sobrang bigat ng pagsubok pero sabi nga ang lahat ay natatapos, ang gabi man ay magbibigay daan para sa isang bagong umaga.. para sa isang maliwanag na buhay na puno ng pagasa.. (** tapos makikita mona uli ang green green grass of home|!) haha wala nako masabi taragis! ang ganda ng doodles kapoging bata hahaha!

    • huli ka ng konti tol bon pero wadapak!!!

      ikaw ang natatanging kommenter ko na parang laging nang uuto.hahaha!!!

      maraming salamat ulit.lalo kong nae-enjoy ang pinag gaga-gawa kong kalokohan dahil sa mga papuri mo…at nang nakararami.

      i would say na karamihan ng andito ay talagang talentado sa kanya kanyang larangan lalo na yung mga succesful na gaya mo sa ibang fields maliban sa blogging.

      mabuhay ka tol bon!

      • TARAGIS!!! hindi ako nang uuto haha! naiinggit lang talaga ako sa talento mo na kaya mong magpagalaw ng drawing.^^ anyway, salamat din!!

        *** akala ko talaga dati babae si duking! hihi

      • taragis talaga,hahaha!

        napagkamalan akong babae.bunong braso tayo bon.hahaha!!!

      • awww! salamat sa pagtali ng kalabaw este pagtali ng tag ko dito kasama ang sikat na kalabaw haha! ^^

        at dahil dyan malapit na malapit nakong pumayag sa pag momodel sa bisnes mo haha

  23. ganda ng drawing.wew! Ok din yung tula.Ü

    • salamat sa pagdaan goyo!

      ang astig din nung mga artikulo mo at sulatin!!!

      mahusay kang mag kwento tingin ko kwentutero ka?!

      magandang araw!!!

  24. nakakadala naman ang ginuhit mong larawan duking.

    habang tinititigan ko ito pakiramdam ko, ako mismo ay nakatayo sa gitna ng isang luntiang damuhan, malayo sa nakasanayang ingay sa syudad at ninanamnam ang samyo ng sariwang hangin habang nakapikit ang aking mga mata.

    walang ibang laman ang isip… wala.

  25. hi! tnx for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur favorite blogs! d top 5 highest rated will be highlighted n d Hall of Fame😉

    you can also follow BNP’s tweets at http://twitter.com/blogsngpinoy

  26. nosebleed man hahaha pero gusto ko yung drawing.🙂 nice

  27. Isang malalim na buntong hininga. Mananatili muna ako sa damuhan habang mga luha ko’y unti-unting hinihipan ng hangin palayo.

    Matagal ko ng pangarap na sana minsan marating ko ang paraiso.

    Duke Pare, puede bang batukan mo ko ng ako’y magising na.

  28. i have to read the whole article twice tonight. and even the other night, and the night before.

    alam mo naman kami galing sa Davao.. napapakamot ang ulo sa salitang tagalog. lalo na at pag ganito ang pagka sulat. napakalalim.

    i love the graphics. super.

    ito na ba ung: there’s a light in the dark tunnel? and it’s not a train? hehehe.

    anyway… i love your posts. keep it up.🙂

    • thank you tina.

      wala na akong ibang alam na dialect maliban sa tagalog.hindi rin ako makapag sulat sa ingles dahil hindi ako marunong.

      pasensya na.at least nagustuhan mo pa rin yung drawing!

      magandang araw!

  29. ang ganda naman ng tula mo. makatang makata. siguro kung si hamster ang bagong rizal, ikaw naman ang bagong balagtas🙂.

    anu pala ang gamit mo sa mga artworks mo? maganda at may sariling stilo.

    salamat sa paglagay ng badge ko sa sidebar mo.

    • naka share yung link dun sa page ng sa ‘likod ng notebook’ busyok.

      freeware yung software,freehand na drawing.tiyaga na lang sa lahat ng free dahil walang budget.

      naisipan kong gumawa ng badge list sa gilid.para dun sa mga natatanging blogger na may positive vision para sa bayan at pagbabago.

      you deserve it!

  30. duks, congratz sa pagkapanalo sa patimpalak ni jkul. galing!

  31. hellloooo.. congrats duking!!😉

  32. gudam duking.. ganda ng animation ba yan? basta yung pic na gumagalaw.. paano mo nagawa yan?

  33. ako’y napadaan at
    ako’y napanganga
    tumulo ang laway
    sa labis na pagkamangha

    namiss kita
    kaya ako’y nagbalik
    sa mga poste’t tugon mo
    ako’y nanabik..

    pakiramdam ko parang ako yung nakahiga sa damuhan habang pinagmamasdan ko yung makalag-lag pustisong GIF mo. di ka parin talaga nagbabago haring “du”! IDOL! kamusta na haring “du”? Ingat at GOdbless!

    • salamat.pawala wala ka tol chevy.

      glad na andito ka ulit at the same time,ang ganda nung love story mo.nung story mo ng love.yung gawa mong love story.

      anu ba talaga?hehehe!

      • Oo nga Haring “du” eh, kasi mediyo bisi-bisihan dito sa opis. Malapit na kasi ang panahon ng karimlan dito sa’min, kasabay naman nun ang treasure hunting kaya sulit na rin ang eyebags at pigsa sa mukha. Shaks!

        Maraming Salamat at nagusutuhan mo, haring “DU”.

        Congrats nga pala sa’yo haring “du”! Hands down! Wit 4 thumbs up, kasama mga galamay ng paa siempre. Hehehe.

        Awoooh! Awooh! Awoooh!

  34. Kongrats kuya duks!

    Be blessed always!

    • Tama, ako ang premyo.
      Kaya kong maging girl.

      Ugatin, mamaskels, may balahibo sa kilikili, may bigote, kaya kong maging girl.

      ano game?

      Wala nang hati-hati, sabay na.

      Tara na sa dilim.

      wait lang.
      Maganda yong tula. Mahusay na mahusay. Hindi ka ba nasusuka sa mga papuri namin?

      • narinig mo,jex?sya raw ang premyo.ibig sabihin,katulad ng turo sa akin na maging mapagbigay,hahayaan ko nang solohin mo si kulisap.

        tungkol sa papuri,simpleng natanggap ko na na uto-uto ako at kayo’y mapang-uto.

        maraming salamat.

  35. aray ko 3d daw talaga?! ang mahal noon sa sine. eh masa ang target audience ko.

    pero sige ipagtatabi kita ng ticket… sabihin mo lang my name is duking, co-blogger ni Hitokirihoshi_kawaii. pagbibigyan ka na guard kahit face value na lang. pero dapat walang kagatol-gatol mong sasabihin yung screen name ko. kasi yun ang mahigpit kong instruction sa guard.

    see you there ( pag nangyari talaga wahahahaah)

  36. mahusay ka! 😀

    • humusay ako dahil nakahati kita sa pasiklaban.ang gandang pagkakataon ang makahanay sa karangalan ang kasing galing mo,jex!mabuhay!

      magandang araw,jex!

      • hehe o xaxa yung hati ko ibibigay ko na lang sayo😀 basta pagbabae yung premyo paki sabi kay j kulisp hindi ako papayag na manalo ahah!

      • na manalo ka*

      • hahaha…ganyan din iniisip ko eh.kulitin mo si jkul.kamo hatiin nya ng pantay kung anu man yung gantimpala nya para sa atin.

        kung babae yung premyo.laban ulit tayo.kailangan isa lang ang makakadila.

        rawwwr!

      • si kuya kulisap ang premyo.

        natawa ako sa rawwwwwwwwwwwwwr! mo kuya duks

  37. isa kang alamat duking, napakagaling mo. wla nakong maidadagdag pa.😉

  38. congratulations sa iyong pagkapanalo, dukito!

    ang ganda naman nito! matagal ko na rin naiimagine ang sarili ko na nakahiga sa damuhan at gugulong-gulong (hanggang sa magulungan ang ipot ng kalabaw :D)

    wait, nakahiga ba siya, o nakatayo?😀

  39. ang ganda..
    parang ang sarap tumayo sa damuhan habang nakapikit at ninanamnam ang ihip ng hangin..
    walang pakialam sa paligid.. di alintana ang bukas.. sarap maging malaya…

    wala ako masabi, duking. sadyang magaling ka. keep it up po.. miss ko dalawin ang bahay mo. sensya na sobrang busy ako dito.. ingat po lagi..

    • ok lang miss atbp.

      na kerid awey ka ba dun sa hangin?hehehe!

      wala na rin akong masabi sa comment mo.ang bait mo kasi lagi mag comment.ingat ka kahit lagi kang busy.

      bye bye!

  40. ang aking ilong ay dumudugo dugo
    ang aking utak ay natutuyo
    para maintindihan ang bawat salita
    duks, isa ka palang makata..hahaha

    isulat mo sa eroplanong papel ang lahat ng gusto mo.tatawirin nya at aabutin ang higit pa sa kayang abutin ng pangarap natin.dali!

    bsta nagbasa ako ng comment at nagndahan ako sa sinabi mo dito…

  41. Ang hirap. OMG. Nosebleed, pero binasa kong lahat. Medyo parang… ominous ang feeling ko sa poem mo Duking at first. Pero later on, na feel ko na kung anong ibig sabihin.😀 Na feel kasi baka naman hindi tama ang na intindihan ko kasi di ko naman gets lahat ng words. HAhaha. Pero the best ka pa rin at what you do, Duking.😀

  42. Sana nga’y parang tula lang ang buhay, na lalapatan mo lang ng gusto mong titik, salita, upang timplahin ang gusto mong maging kulay nito.

    Sana nga’y parang tula lang ang buhay na kung hindi aayon sa panlasa mo ay buburahin mo lang ang mga titik at salita na nito at ang lahat ay muling mababago.

  43. Ang hirap. OMG, kinda nosebleed ako something like that. So, kakahanga talaga you Duks.
    I like you na.

  44. Confirmed: Mamimeet nyo na si kuya kulisap
    post niyo ang mga pics kapag nagbigayan na ng premyo.

  45. Update na kuya duks
    kawawa na yung bata sa sobrang hangin.

    be blessed!

  46. kuya dukz musta nman? ^^
    uu nga kua update na wawa ung bata bka nilalamig na xdo ahaha

  47. I love all your doodles!!! Ganda wla na akong masabi..galing talaga.

  48. nice poem. paadd po ako sa blogroll mo. thanks. add na din po kita..

  49. hello duking, musta ka nmana?

  50. bakit wala akong makitang bakas ko dito? sa dami ng komento wala ako kahit isa😆

    ibig bang sabihin nito mula noon hanggang kanina di kita nadalaw? sori naman.

    musta na dukz?

  51. teka…
    the prodigal son..?
    hmmm..!😉

  52. klupet naman po nato

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s