ihip sa tambuli

naroon ka sa piling ng masasayang batang naglalaro.hindi alintana kung madapa’t masugatan.tila walang hanggan ang kayang abutin ng mga munting paang hindi napapagod at paghingang kinakapos ngunit hindi napipigtal.

ikaw ang maestrong kumukumpas sa kanilang sabay sabay na hagikhik.ikaw mismo ang tinitingala nilang taga pagligtas mula sa mga halimaw na banta sa kanilang kamusmusan.

nakita rin kitang nagbigay ngiti sa labi at kislap sa mata ng isang binatilyong umiibig.ikaw ang nagbulong sa kanya na humahalik ang langit sa lupa,lumulutang ang bato sa tubig at walang pader ang hindi kayang tibagin ng pagmamahal.ikaw ang nagmulat sa kanyang mga mata upang ipakita ang bahaghari at hamunin ang kanyang tapang na sunggaban ang pagkakataong hanapin ang gusi ng ginto na nakabaon sa dulo nito.

kinupkop mo ang mga anghel na nagkasala’t ayaw nang patawarin ng kanilang mga bathala.

ikaw ang naging tambuling pang-gising sa sambayanang nakatulog na sa pangangaral sa loob ng templo nilang matutuwid.

tinighaw mo ang uhaw ng mga manlalakbay sa daang masusukal.

binusog mo ang tiyan ng mga patay-gutom sa katotohanan.

ikaw ang musika,ang pinsel at lapis.walang saklaw ang kakayahang naaabot mo sa kamay at isipan ng sinumang nakaka unawa sa kapangyarihang taglay mo.

binalabalan mo ng iyong init ang lamig ng kalungkutan ng pag-iisa nilang mga nagdirigmaan sa mga kabundukan at kanayunan.

taga-gapos ka ng kamay at galamay ng mga halimaw na sumisikil sa kalayaan.

tagabusal ka sa bibig ng sanlibutang walang tigil sa paglikha ng nakabibinging ingay.

naroon ka sa mga buntung-hininga ng mga taong napapagod sa pakikibaka sa hindi pantay na laban ng buhay pero hindi sumusuko.

ikaw ang lihim na aklat…at ito ang iyong berso:hanapin ang munting kaligayahan at kapayapaan sa ligalig na daigdig!’ hindi nangangako ng gantimpalang langit o parusa ng impiyerno.sinusunog ang bawat sipi mo ng lipunang baliw sa paniniwalang nasa dako-paroon ang pagkakapantay pantay habang abala sila sa paglilingkod at pakikinig sa mga paham at propetang nakikinabang sa kanilang kamangmangan.kalapastanganan daw ang iyong mga pahayag subalit nilalapastangan nila ang karapatan mong mahayag.

kung kulang man ang pang unawa ko, sapat nang makita kita sa paraang alam kong hindi nadadaya ang aking paningin…

kamusmusan, pag-ibig at malayang pagtuklas ng buhay na hindi dinidiktahan ninuman…

MALAYANG KAMALAYAN.



154 responses to “ihip sa tambuli

  1. base!

    • aaminin ko. kumunot ang noo ko habang binabasa ko. ciempre, hindi ko na naman naintindihan. tapos pagdating ko sa dulo, nakita ko un dalawang salita na nagpamulat saken ng lahat. sabi ko na lang, “aaaaah…”

      teka.. babasahin ko ulet.

    • ang galing, duking… nakakatouch pala pag naintindihan mo.

    • kungrats mam kuhrach!

      • salamat kurahcha.

        natutuwa akong naintindihan mo pala yung ibig kong ipahiwatig tapos na touch ka pa.nato-touch ako kapag nata-touch ka.tapos touch tayong dalawa.

        touch lang ng touch.

        nakaka touch.wala na kong masabi kundi touch.

        whahaha!

      • ah,pong…pwede rin ba kitang ma touch?

  2. Ayaw ko mang gamitin ang “Nice post” ay yun ang totoo. Nice post.๐Ÿ™‚

  3. watz new. alm ko sawa kana sa kksabi namin ng galing ahahha. pero basta mgaling tlga.. lalo na ung drawing aysus! uber luffettt.. haizzzz

    gndang araw kuya dukz!

  4. babalika ko ‘;to. teka lang. hakhak!

    • asan ka na eloi?

      whahaha!

      • nakang! sige na ikaw na panalo. sige na ikaw na. makikihati na lang ako sa premyo, k? hakhak! hatian mo kami ni ate salbe. (YES NEMEN!)

        medyo nagets ko naman ang sinulat mo dito. pero natuwa ako sa drawing. hakhak! ang gundoh gundoh! hakhak! ang neat!

  5. yey, nung isang araw pa ako pabalik-balik sa site mo manong duking! buti at may bago na, hehe, astig.

    saludo ako sayo! (part 2)๐Ÿ˜›

  6. tapusin ko lang ung sytycd…
    sabi ko na nga ba me niluto ka ring kalamay.

  7. Hi Duking. Anong gusto mo ang komento ko dito?

    • hindi na pre.

      alam kong makahulugan at espesyal sayo ang bawat tumugon sa paligsahan.isipin mo na lang na ito ang munting handog ko sa nalalapit mong kaarawan.

      saka na natin pag usapan ang komento mo.hahaha!

      • Salamat.
        Isang gantimpala ang magpaunlak ang mga katulad ninyo, nasabi ko na dati, nais kong matuto, maigagawad sa akin ‘yon kung magbabahagi kayo ng walang pag-iimbot.

        Maraming salamat sa gantimpala.

    • Ako Lolo, gusto ko mag rekwes karen na i doodle ako ni Duking. Go! haha.

      • du-doodle din kita vaj pero from the things thats happening now,mukhang hindi mo na yata masisilayan ang araw na gagawin ko yon.

        oo….nag-aalala ako para sa seguridad mo.nakita ko kasi sa site mo na mayroon kang haters.

        malamang….gawin ka nyang hopyang monggo.

      • Hahahaha. Hayaan mo sya, ang katotohanan naman eh mas maitim pa sa nunal ni Pangulong Arroyo ang budhi nya. At saka.. karma is a bitch. :p

  8. wala na akong masabi..

    eto nalang, kapitan hook pwedeng i-drowing mo naman si aninipot?…yehey! oo na diba?…hahaha

    • whaaaa….

      imaginin mo yung itim na background.tapos may itim at puting tuldok na nagsasalitan sa isang lugar every 0.5 second…

      yun na yun.ganun lang naman yung aninipot sa gabi di ba?

  9. Wow! paulit-ulit mo kaming pinapamangha sa inyong husay at galing. hehe MALAMANg malayang kamalayan!! Salamat!!! ๐Ÿ˜€

    • salamat taribong.

      nalalaliman yung iba.ako man nahihirapang unawain kung paano ko ba ipaliliwanang tong mga kalokohan ko sa paraang madaling maintindihan eh.

      pero salamat.tingin ko naman nagkaka intindihan na tayo sa mga nilalaman nito.

  10. sus… ke tagal kong hinintay.,, kelan mo ba ako i-sasatisfied na ma-disatified sa posts mo?

    kainis!! “ang galeng” .. =),

    • lapit na lee mi.

      unti unti na akong nauupos sa pagsusulat.

      susunod para na lang akong lasing na jejemon na inutusang magsulat ng tungkol sa baliwan sa paligid.by that time,malamang ma disatisfied ka na kapag inabot ko na yun.

      pero teka…kung na satisfy kitang ma disatisfied,hindi kaya na satisfied pa rin kita sa kaduluhan?

      paano nga ba yun?

      • i aint got no..satisfaction… (with leather boots and whip!!=)

        walang katapusan ang pagnanais na masatisfy..
        hanggang kinukwestyon natin ang sagot sa tanong..

        katulad ng hindi magsasawa ang mga reader mong humanga sa bawat linya ng larawan.. kahit feeling ko Kuya “mahalay” ang hubad na Angel.. ehehe
        at malayang pa ring maglaro ang napakalalim mong salita sa aking emosyon..
        –parang ngayon ako tinamaan ng bala sa “duelo” mo noon.. =)

  11. ang ihip ng tambuli ay hudyat.
    sino ang anghel na pumawi ng mga agam agam na bumabalot sa yong puso?

    me mga pasiyang matalino/tumpak ngunit di makapagbigay ng ligaya/saya sa tao, at merong mga maling desisyon na bumubuhay sa puso.

    • s’ya nga toni.

      minsan,sapat na yung alam mong tumitibok ang puso mo na ang pintig ay hindi pinipigilan ng kung anung alalahanin.

      mas madaling maging malaya at instrumento ng pagpapalaya kung mismong sa sarili natin,alam nating nakakalag na tayo sa tanikala ng lipunang nagdidikta,relihiyong laging nananakot at bukas na laging nagbabanta.

      at magiging ibon sa parang ang lahat ng tao.malayang malaya sa lahat ng alalahanin.

  12. Tatlong beses kumunot ang noo ko lalong napiga utak ko kakaintindi ng mga salitang hindi ko malaman kung saang baul mo hinugot๐Ÿ™‚

    Magandang Araw sayo

    syanga pala ” clap clap clap saka hug ang galing:-)

  13. natawa ako sa mga komento kasi parang ganun yung gustu kong ikomento eh, na ang lalim ng isinasaad at kumulot din nuo ko.. hehe..

    kamusmusan, pag-ibig at malayang pagtuklas ng buhay na hindi dinidiktahan ninumanโ€ฆ sana hanggang nagyon, malaya nating naipapahayag ang ating mga munting sa loobin. Minsan ay OO, peru may mga taong mapanghusga.

    ganda din ng artikulo mo duking. 2 thumbs up!๐Ÿ™‚

    • nakuha mo na rin naman yung gusto kong ipahiwatig.

      una…malaya ang kamalayan ng mga batang musmos dahil ang kamusmusan ay hindi kayang mabahiran ng magulong mundo.

      tapos kapag nag-aaral na sya at nagsisimulang magkaisip,dito na pumapasok yung epekto ng lipunan at mga dikta ng mga tama o mali na hindi naman laging tama o mali.nagiging bihag tayong muli.pero kapag nagsimula na tayong matutong magmahal,nagiging malaya na naman ang ating kamalayan.

      tapos gugulatin na ulit ng mga kabiguan ng buhay.andito na yung nag mature tayo pero kasabay non,naging alipin din tayo ng mga kultura na ito ang dapat na ikilos natin o ganito ang dapat nating gawin dahil ito ang dapat at ito ang inaasahan.

      tapos darating ulit yung realization na kailangan mong hanapin yung naglalaho mong kamalayan para masabi mo sa sarili mo sa iyong pagtanda na oo naman,namuhay ako ng malaya sa kabila ng mga hawla sa paligid kong laging nakahandang magkulong sa akin.o kung hindi man,at least man lang pwede nating sabihin na nabuhay tayong hindi tumigil sa paghahanap ng kalayaan ng ating puso ,isip at diwa.

      so parang phase by phase,dumarating sa atin yung pagkakataong nagigising yung malayang kamalayan natin.

      whaaaa….ayan.napaliwanang ko na.maging refference sana ‘to sa ibang nagulo ko.

      quits na tayo.

  14. ang galing galing talaga ni duking! as in wow!!

  15. gifted child ka talaga kuya duks.
    exceptional!

    • pong…

      nakihalubilo kasi ako sa makasalanan.

      sama ka sa akin.pasyal tayo sa extension ng sodoma at gomora.

      ano?tara?

      • maganda ba dun sa sodoma at gomara?
        ayaw ko dun
        galing na din ako sa mundo ng makasalanan kuya duks
        at hanggang ngayon ay pinaglalabanan parin iyon.

        maiba nga pala ako
        halos lahat ng entry dun sa pakontes ni kuya kulisap nadalaw mo na at nag-iwan ka ng puna, parang sa akin lang hindi

        may peboritisim ba? ahahah

      • whaaa pong!pakiramdam ko sinapok mo ko.

        alam mo naman ang posisyon ko sa mga artikulong sinusulat mo.binabasa ko yung mga yun.hinahayaan ko na nga lang minsan na sa kanila na muna ipaubaya yung mga komento.

        alam mo bang gusto kong isipin na isa akong publikano na pumapaok sa templo kada andun ako sa blog mo?

        yun ang dahilan.hehehe!

      • oo alam ko yun. kaya may ahahah sa huli yung koment ko.

        maiba ako
        well verse ka sa sodoma at gomora maging ang publicano… napapaisip tuloy ako kuya duks.

        may bago ang post pang Father’s day, siguro makakapagkoment ka na dun.

      • huwag mo na isipin,pong.

        naging mang gagawa rin ako sa ubasan,nakatulog nga lang.

        sige,babasahin ko rin yung post mo.mamaya pag tapos kong sagutin yung mga nabinbing komentong wala pang tugon.

      • kuya duks
        sinasabi ko na nga ba eh,
        basta andito lang si Pong ha
        sharing din tayo
        parang kami ni mam kuhrach

  16. pa comment po muna. nabasa ko na, pero kailangan ko pa ng isang basa . haha slow ako^^ ccomment po ulit ako pag tama na pagkakaintindi ko . galing drawing๐Ÿ™‚

  17. ang ganda ng gumagalaw galaw na drawing. gifted child ka. hehe at syempre napa-wow ako sa ganda ng pag-kakaayun ng bawat salitang pinag-tagpi tagpi mo๐Ÿ™‚

  18. ang galing mo kuya..

    lubos na natatangi ang nilalaman ng iyong post kuya…

    ang ganda ng kabuuan at sadyang matalinghagang tunay…๐Ÿ™‚

  19. Tinititigan ko yung picture..

    Andaming nalalagas na pakpak. Pagbalik ko kaya bukas ubos na pakpak nya?

    Magmukha syang Manok Magnolia.๐Ÿ˜›

    • malaswa cia. buti pa ko nakabra.

      • Wala namang boobs yang babae sa taas eh. Monay lang yan. :p

      • vaj,yung pakpak nung mga anghel,may tumtubo kada naglalagasan.

        alam ko dahil dati akong anghel.

        hindi mo alam dahil isa ka namang anghit.

        @kurahcha…dun pa rin ako sa naka bra…

        mas exciting pa rin yung may kinakalag kesa dun sa kumot na hahawiin mo lang.

        whaaaaa!

      • Tumutubo uli? EH ANONG SENSE NG NALALAGAS PA YAN! Paeffect lang? Etchoserang anghel!

        Sorry ka Dukingsters, sakin minodel ang halos lahat ng Greek Gods. Ehem.

      • vaj,huwag ka mag ilusyon.si hades lang ang naka model after sayo.

        ok sige….pati yung minotour sa labyrinth,ikaw din ang model.

        whahaha!

      • TSE! Sakin minodel ang trojan horse! Joke, hahahahaha. Naman!

  20. namamangha pa rin ako sa mga .gif files mo.
    napa huwaw ako sa post mong ito.
    in short, hnd ko magets lahat.
    HAHA!๐Ÿ˜†

    • unaโ€ฆmalaya ang kamalayan ng mga batang musmos dahil ang kamusmusan ay hindi kayang mabahiran ng magulong mundo.

      tapos kapag nag-aaral na sya at nagsisimulang magkaisip,dito na pumapasok yung epekto ng lipunan at mga dikta ng mga tama o mali na hindi naman laging tama o mali.nagiging bihag tayong muli.pero kapag nagsimula na tayong matutong magmahal,nagiging malaya na naman ang ating kamalayan.

      tapos gugulatin na ulit ng mga kabiguan ng buhay.andito na yung nag mature tayo pero kasabay non,naging alipin din tayo ng mga kultura na ito ang dapat na ikilos natin o ganito ang dapat nating gawin dahil ito ang dapat at ito ang inaasahan.

      tapos darating ulit yung realization na kailangan mong hanapin yung naglalaho mong kamalayan para masabi mo sa sarili mo sa iyong pagtanda na oo naman,namuhay ako ng malaya sa kabila ng mga hawla sa paligid kong laging nakahandang magkulong sa akin.o kung hindi man,at least man lang pwede nating sabihin na nabuhay tayong hindi tumigil sa paghahanap ng kalayaan ng ating puso ,isip at diwa.

      so parang phase by phase,dumarating sa atin yung pagkakataong nagigising yung malayang kamalayan natin.

      whahaha!ayan…madali palang mag copy paste!

      • ahaha tlgang inexplain. pero my nkalimutan ka po.

        pnu gawin ung .gif files nio..๐Ÿ˜†

        belated hapi fathers day s lhat ng mga tatay!

      • may paliwanag dito oh. ayun nman pala e! hehehe… ung phase ng bata lang kase ung nakuha ko agad, habang binabasa ko papuntang dulo, parami ng parami guhit sa noo ko. ahehehe… basahin ko ulit after mabasa ng paliwanag๐Ÿ™‚

  21. hello master Duking.. matagal ka rin nawala… san ka ba ngapupunta? na miss po kita master.. wahahahaha

  22. inspirememore

    sana kasing galing mo din ako mag drawing at mag sulat sa tagalog..nag dugo ang ilong ko..kelangan ko pa basahin ulit sir ahaha…๐Ÿ˜‰

    • salamat inspire…ginawan ko na lang ng paliwanag yung mga pinagsusulat ko dun sa post.more or less,yun yung konsepto ko.sana maintindihan mo ng mas madali.

      again,maraming salamat!

  23. Haring “Du”!!

    Sa wakas at nagkaroon ka na rin ng bagong poste! Ilang beses kaya akong pabalik-balik dito, at chinecheck ang email ko kung me bago kang poste. Oha! Kaso ang hirap parin talaga bumeys dito neh. tsk! Me pagkahentai yung GIF mo, pero IDOL parin! IDOL! hahaha..

    Sa kamusmusan nag-uumpisa ang kamalayan, pag-ibig ang siyang gumigising nito at malayang pagtuklas sa buhay ang bubuo sa iyong pagkatao.

    Magandang Araw Haring “Du”! at Godbless!

    galing galing mo talaga! Idol!

    • salamat ulit chevs.

      sa lahat ng natutuwa sa akin,sa’yo ko lubos na natutuwa.ang sarap mo kasing mang uto eh.

      hahaha!magandang araw tol!

      • aray ku naman daw dun, Haring “du” it harts ya nu?

        Halata ba masyadu? Nyahaha. Joke lang. Baka maniwala ka kahit totoo. Nyak!

        Hindi pa ba patunay silang nabibilib sa’yo?

        Belated Happy Father’s Day pala sa’yo!

        Be blessed!

  24. ilang beses ko na binasa, kahit maiksi di ko pa rin talaga ma-gets ng lubusan

    lalo na yung:

    “pinsel”

    anu kaya yun? tagalog ng pencil?

  25. uhm, ang lalim. hindi ko ma-gets? pasensya na slow at mababaw lang talaga ako. pero alam ko, profound, maganda at makabuluhan ang gusto mong ipakahulugan. bale kasi dalawang beses ko na siyang binasa medyo naguguluhan pa din ako. babasahin ko ulit ng mga limang beses para maintindihan ko.๐Ÿ™‚

    kaya pala, wala kang entry ng matagal, sobrang pinaghandaan ang larawan at mga salita. ang ganda ng anghel, parang falling angel ang drama.๐Ÿ™‚

    happy weekend.๐Ÿ™‚

  26. Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin

  27. King Duking!

    isa kang inspirasyon…

    ang bawat post mo ay sadyang kaabang- abang!

    ayus!

  28. Opisyal na lahok na ito Duking, pero magrefer ka sa akin ng blogger na hindi ko kablog. Maraming salamat

  29. Hi ginoong duking.. gudluck po!๐Ÿ™‚
    Nice entry. :]

  30. naaalala ko tuloy si Momay saka ang pilyang kerubin hahaha..

    pero tama ka. lahat tayo minulat ng nakararami tungkol sa lalang na nakaputi at may pakpak na nagiging bantay natin di umano sa paglusob ng di inaasahang maganap.

    Kung totoo mang may angel.. nakakahiya, siguro nakita nya na lahat ng kabalastugan ko. aw.

    • hello otep.

      totoo sigurong may anghel.yung idea na sila yung mabubuting nilalang na nagbabantay,sila siguro yun.hindi naman lagi laging yung may pakpak.

      minsan kasi peyk yung nakikita natin na meron sila.

      peyk na pakpak,tol otep.

      peyk.peyk.

      tapos sasabihin mo na totoo nga ang anghel.whaaa!

  31. sa simula, akala ko simple lang… ang ganda, ako ay namangha sa galing ng iyong talinghaga! saan ba nakakabili ng ganyang mga salita?hehe

    isa kang makabagong makata! magaling… magaling!

  32. Api paders dey pala kuya duks

  33. flattopsatcurlytops

    tama ka kuya! nahirapan akong intindihin, kaya makatlong ulit kong binasa ang iyong gawa. hehehe ikaw ang bet ko sa patampilak..๐Ÿ˜‰ hehehehe

    • thank you inspire.

      nakakatuwang malaman na nagtitiwala ka sa akin.maraming mas mahuhusay na lahok sa pasiklaban.alam ko naman na friendly challenge lang ito para sa atin ni jkul.yun pa lang sumali a tayo,panalo na agad ang bawat isa.naipakita na kasi agad natin yung kakayahan natin na tumugon sa hamon.,malaking bagay na yun para sa lumalaking community natin na nagsusulat dito sa blog.

      magandang araw sa’yo!

  34. Kasalukuyan ng pinapasadahan ng hurado ang inyong lahok Ginoo.
    Ito ay opisyal na lahok mga inampalan. Salamat sa inyong tulong, salamat na rin sa nagbabasa at nakibahagi.

    Happy Father’s day to all.

  35. huwaw eto ang entry ni kuya duking sa kamalayang malaya.

    grabe.. di ako makaget over sa anghel na nakikita ko sa itaas!!! tambay muna ko dito ha kuya duking

    • ano po yung tambuli?

      • inaabangan ko rin mangawit yung anghel at bitiwan nya yung kumot.sige tambay ka muna bro.

        yung tambuli nga pala,kadalasang yari yan sa sungay ng baka.ginagamit yan bilang sinaunang paraan para magtawag ng hudyat.parang trompeta.mas buo nga lamang ang tunog.

  36. ‘lang ‘ya! ayaw man kitang purihin Boss dahil baka maumay ka na pero wala e…

    mabangis pa sa salitang Mahusay!

    …kaya lalo tuloy akong di mapakali sa tuwing magiisip ng isusulat ko. Haha.

    SAPOK!

    • sapok tol bert.

      ang hamon ni jkul,kailangan mong tugunin.balita ko kase,pag sumali ka pa lang,may libre na agad na TAG HEUER na relos.mantakin mo yun?

      hahaha!tip pre…mangulangot ka muna.dun ako nakakuha ng masidhing inspirasyon.matitigas na prinsipyo at malalagkit na sulyap sa mga salita.pero kung malabnaw minsan,sipon pa yun.patigasin mo muna.hahaha!

  37. ang panget!!! taragis!!! hahahaha (praktis lang) maiba naman uli! hehehe!

    hahays! ang ganda nag pakakalahad ng malayang kamalayan.. saan mo ba talaga hinuhugot ang mga yan!? gusto na kitang ma meet promise! haha!! really.. AGE IS WISDOM!! haha!

    salamat sa pag share!! napa amaze mo na naman ang isang bahagi ng utak ko!! ^^

    • True, at 70, Duking is a wealthy man on his own.

      Hi pare, laglagan na.

      • hahaha…bon salamat sa talaga namang pangumpletong kumento mo.kahit nahuhuli ka pre,lagi kang nangunguna sa pamibilog sa ulo kong hindi masyadong bilugan.

        @jkul.pre,kapag umabot ako ng 70,sana makasama kitang humigop ng kape habang pinag uusapan natin kung paano mo kami nauto sa paligsahan mo.

        hahaha!

      • Tingan natin kung tayo ang magkapalad Duking, for now, si Salbe muna ang titighaw sa iyong uhaw, akin na ang mga ugatin mong kamay at ang pipilig pilig mong ulo dala ng katandaan. Ayos na ako don.

      • tol duks, magtampo na yung iba, pero etong entry mo talaga bet ko sa pacontest ni JKul hehe!!

        Happy Birthday Jkulisap!

  38. very nice, duking. tulad ng sinabi mo sa sinulat ko noong isang araw, walang makapapantay sa malayang kamalayang nagaanyong pagibig, lalo pa’t ito’y sinabayan ng inosenteng kamusmusan na siya ring dahilan ng malayang pagtuklas sa buhay na hindi nagpapagapi sa kaninuman…

    • thank you miss kaye.

      naging mas madaling unawain ang mga bagay na nakakalito minsan,kahit ako mismo.basta ang iniisip ko,malaya ang damdamin ng taong nagmamahal sa anu mang anyo ng pag-ibig.

      kasing laya ng kamusmusan ng munting mga bata.laging walang bahid ng pagkukunwari.

      kapag ngumingiti sila,alam mong pag-ibig ang kahulugan.

  39. “kinupkop mo ang mga anghel na nagkasalaโ€™t ayaw nang patawarin ng kanilang mga bathala.” -Duking

    Napakaganda ng posteng ito… Duking…

    Hmn, ito marahil ang isa sa mga magagandang posteng naibahagi sa malayang kamalayan ni ginoong kulisap…

    nararamdaman ko kung paano inikot ng iyong diwa ang buo mong katauhan upang mahanap ang lahat ng salitang maaring mong gamitin upang buhayin, hindi lamang ang iyong kamalayan…

    kundi ang mga kamalayan ng lahat ng taong nagbabasa ng artikulo mo…

    mabuhay ka duking…

    • salamat ravy.

      alam kong alam mo ang mga tinutukoy kong pangungusap.matagal ko ring hinalighog ang tunay na pakahulugan ko sa malayang kamalayan.ayoko kasing maging sagot lang sa pasiklaban ang isasalaysay ko.gusto ko kahit tapos na yung pasiklaban,naging makabuluhan yung hamon ni jkul para sa akin.

      pakiramdam ko,nakausap ko yung sarili ko sa post na ‘to.

      maraming maraming salamat sa napakalinaw na pagkaka sipat mo sa mga anggulo ng sinabi ko kahit na naging masalimuot sa nakararami.

  40. flattopsatcurlytops

    dagdag points din yung doodle mo.. very sensual na bumagay sa post mo..๐Ÿ˜‰ hehehehe

  41. Lilinawin ko lamang dear readers, walang kinalaman ang doodle na maganda, guhit o kung ano pa mang pa-epek ninyo sa inyong gawa.
    Dagdag kaartehan lamang ‘yan.

    Hi sa lahat.

    Duking, parang wala ka pang blogger referral sa akin? Tama ba? Sino bang gusto mong ipadalaw sa akin?

    • kakilala mo na lahat.

      dalawin mo na lang muna ang puntod ng lolo ko.

      ah teka,sa pagkaka alam ko,yung site ni miss addicted to green bell pepper,hindi pa yata kita nakitang nakarating doon.ang problema,wala sya sa ngayon.

      ayun sa gilid.ikaw na bahala.di ako marunong mag lagay ng link eh.

      • Ok, naiintindihan ko, ganyan din ako..pag mga senior citizen na talaga, mahirap mangapa sa computer. May SC ID ka na ba? Libre nang manood ng sine sa QC..pag tagaroon ka..basta dala mo ID mo.

        Dalawin ko si Green, hindi pa ba siya nahihinog?

      • kung mahihinog sya.pakitawag ako.sa tagal ng paghihintay ko,sana ako na lang ang makapitas sa kanya.

        ooopsss.hahaha!

  42. padaan po.. napahanga mo ako sa iyong poste.. may malalim na kahulugan..

  43. bakit ang naalala ko si angel during her mulawin days? hehehe

    anyway, i like this line – binusog mo ang tiyan ng mga patay-gutom sa katotohanan.

    ang patay gutom ba sa katotohanan ay talamak sa kamangmangan? hehe

    mabuhay!

    • hi hoshi.

      gusto kong ipakahulugan na ang pagiging patay gutom sa katotohanan ay hindi kahulugan ng kamangmangan kundi ang kawalang tigil sa pagsisikhay ng tunay na kahulugan ng buhay mula sa bawat araw.

      mabuhay ka rin at magandang araw!

  44. bakit pakiramdam ko ay dumugo ang utak ko…

    ang lalim. ang hiwaga.

    ganda nia duking. musta na?

    • salamat sa muling pagdalaw miss echosera.

      malalim at mahiwaga.hindi naman.tulong tulong na lang tayong katasin yung kahulugan….kung magkakaiba iba man,dahil siguro iba ang pakahulugan natin sa pagpapahalaga sa buhay at kalayaan.

      kamusta na rin?may password protection yung bahay mo.hindi na siguro yun para sa gaya ko.

      huhuhu!

  45. humahalik ang langit sa lupa,lumulutang ang bato sa tubig at walang pader ang hindi kayang tibagin ng pagmamaha …

    galing naman…๐Ÿ™‚ and natutuwa ako sa post mong ito.. lalo na sa “anghel” …๐Ÿ™‚ teka.. may libro ka ba? pwede ka na ata gumawa ng libro eh….๐Ÿ™‚

    have a good day!

    • hi tina.maraming salamat.natutuwa ako sa napaka tamis mong papuri.pwede na akong mag tinda ng magic sugar kapag natuklasan ko kung paanong i convert to physical form ng asukal ang matatamis nyong papuri sa akin.

      no plans for any books.mas maraming magagaling na hindi nababasa,ako pa kayang nagpipilit lang.

      tama na sa akin ang munting pagkakataon na dito sa wordpress magsulat.saka nag eenjoy ako sa pagtanggap ng mga feedback.yun ang dahilan kaya ako patuloy na gumuguhit at nagsusulat.

      muli,maraming maraming salamat!

      • hayaan mo.. baka one day.. magkaroon ako publishing company. i wouldn’t mind having to print your obra’s๐Ÿ˜›

        basta.. keep it up. napapaisip mo rin ako eh.๐Ÿ™‚

        enjoy enjoy!

  46. kelangan ko ng life vest!! ang lalim.. malulunod ako.. hehe..

    namiss ko tong bahay blog mo duking. it’s been a while since i last came here. tapos pag bisita ko dumugo agad ilong ko.. anong nangyari at puro kamalayan ata mga posts ngayon.. para akong nawalan ng malay.. hehe..

    seriously? magaling. ang thoughts, ang artwork, ang lahat.. isa ka talagang henyo, duking..

    magandang gabi๐Ÿ™‚

    • ah,kase munting hamon ‘to ni jkulisap para sa kanyang pagdiriwang ng kaarawan.

      ni-introduce nga pala kita sa kanya.hindi na ko personal na nakapagpaalam kase alam ko naman na mabait ka at mauunawaan mo ang ginawa ko.besides,tingin ko,magkakasundo rin kayo.

      maraming salamat sa muling pagbisita.namiss din kita,miss atbp.

      sa sobrang miss,niyakap ko yung green bell pepper dun sa palengke kahapon.nagulat yung tindera pero nung sinabi ko na ginawa ko yun dahil sa pangungulila sa isang magandang dilag,naunawaan naman nya.binigyan pa nga ako ng buto sabay taboy sa akin.

      nababaliw na daw ako.ayos lang kako kung ikaw ang dahilan.

      naks di ba?hahaha!

      • wow ang cheesy naman, duking.. baka maniwala na ako nyan.. hahaha..

        malamang nalamog yung greenbellpepper na yun sa pagkakaakap mo.. haha..

        ingat lagi lagi.. i will just be around..๐Ÿ™‚

  47. Galing mo talaga Duking, paano ka nakakalikha ng mga ganyang kaisipan… eka pwedeng pahiram ng anghel mo gusto ko rin mapawi ang aking mga kalungkutan hehehe

  48. Ito po ay Entry Number 22. Salamat po

  49. kongratushelesyon! galing!๐Ÿ˜›

  50. congratulations po! proud ako nasa link ko un winner hahaha . sisipsip pa ko dun naman sa isang nanalo din haha๐Ÿ™‚ galing

    • hahaha!salamat geylii!

      ang dami namang magagaling na entry so naniniwala ako na winner lahat nung mga sumali.

      specially ikaw!

    • brush yung pinsel.paint brush to be exact.

      magandang araw sa inyo,say cheese at geylii.i’ll be sharing the honor sa lahat ng sumali.nagkataon lang na nakuha ko sa goons guns and gold yung mga judges.hehhehe!!!

      maraming salamat!

      magandang araw sa inyo!

  51. ahahahahaha sabi sa yo duking, mananalo ka sa pa-contest ni j.kulisap eh.. hehehehehe๐Ÿ˜‰

  52. saludo ako. ang husay mo Igan!!

  53. hi, duking.

    sabi ni aninipot, ito raw pyesa mong ‘to ang nanalo sa patimpalak ni j. kulisap. naman, kasi, ang bangis ng prose mo. malalim ang iyong imahinasyon, bok.

    gusto ko ‘yong, โ€˜hanapin ang munting kaligayahan at kapayapaan sa ligalig na daigdig!โ€™ sana, ganoon ‘yon kadali…

    btw, sino palang mga pinainom mo nang ika’y manalo? he,he, nambalato ka nga baga? :]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s