the way it unfolds is yet to be told

kung may bayad ang bawat pagkakataong kasama ka,ako pa rin marahil ang pinakamasayang pulubi na kaiinggitan ng lahat kung sakaling masaid na ang lahat ng bagay na meron ako.kung ako’y anghel na may ginintuang pakpak,hindi ko iluluha ang pagkakabali nito kung iyong hihilingin na manatili akong nakatungtong lamang sa lupang kinatatayuan mo.dahil sa maikling panahon na nakilala kita,bumabagal at bumibilis ang oras sa iyong pagdating at muling pag-alis.ang tag-araw at tag-ulan ay dinidikta ng iyong damdamin.ang amihan at habagat ay mga hagikhik mo’t buntong hininga,kulog ang panunumbat mo’t kidlat ang matatalas na tingin.bahaghari ang ngiti,ulap ang lamlam ng mata at hamog ang bawat patak ng luha.

kung naghihintay ka na gaya ko o masaya lamang sa iyong pag iisa nang datnan kita sa lilim ng punong ito,ang mas mahalaga-kahit ngayon lang,hindi man bukas…naging akin ang espasyong para sa kanya.

100 responses to “the way it unfolds is yet to be told

  1. “kung naghihintay ka na gaya ko o masaya lamang sa iyong pag iisa nang datnan kita sa lilim ng punong ito, ang mas mahalaga-kahit ngayon lang, hindi man bukas…naging akin ang espasyong para sa kanya.”

    very well said, duking. ang ganda naman ng tagpuan nyo..sa lilim ng puno.

    just live the moment na magkasama kayo. maaaring masaya at looking forward din sya sa mga pagkakataong nagtatagpo kayo sa panahon ng pareho ninyong paghihintay. malay mo thankful din sya sa kahit na iilang sandali na naging kanya ang oras at espasyong nilalaan mo sa isang taong hinihintay mo. malay mo masaya din sya na nakakasama ka sa sandaling yun kaysa sa manatiling mag-isa lang.

    malay mo…

    just let destiny unfold itself. madaming dahilan bakit nagtagpo kayo sa lilim ng puno na yan. kung hindi man kayo ang tinadhana, just be thankful for the moment na naging masaya kayo pareho. hindi lahat may chance nang gaya ng sa inyo.

    ang ganda pala nung green background. malamig sa mata. syempre, i like green. at anu ung hawak nung girl? pusong unan ba yun?😀

    magandang araw sa yo.
    great work again, duking.

    • thank you sa comment miss greenbellpepper.

      oo,heart shaped pillow yung hawak nya cause i know she was holding her big heart right there.at yung astronaut naman,been in the deep dark space for so long just simply enjoying all the simple things he’d been missing all the time na pinilit nyang lumayo.yan yung concept nung doodle.

      yung words,i just make it happier than the previous entries.baka kasi ipa-baranggay nyo na ako kung magdadagdag pa ulit ako ng lungkot sa araw nyo.hehehe!

      • kuya., bakit nakabaliktad yung heartpillow ni Miss?

      • ang hirap na kasi ng details kapag sobrang liit na eh.basta kunwari hindi baligtad.hahaha!

      • ang ganda naman ng concept ng doodle mo ngayon. this time, parang may hope and more on moving on. yung mga una mo kasing doodles parang more on regrets and looking back.

        but just the same, magaling ka pa din.
        walang kupas.

        meron din nga pala akong heart shaped pillow. pink nga lang hindi red🙂

      • thank you ulit miss green bell pepper.i am always moved by the overwhelming comments na natatanggap ko,specially yung mga feedback how they want the doodles to be like.

        ba’t kaya ang hihilig nang mga girls sa mga pillows at stuff toy?ah,kase binibigay lang sa kanila.sarap nga namang yakap yakapin ng mga bagay na libre.whahaha!!!

      • nyahh… kahit naman libre o binili, masarap pa din yakapin ang pillows at stuff toys. hindi kasi nang-iiwan. anytime na gusto mo ng kayakap o iiyakan, isang hablot lang, anjan na😀

      • at hinanap ang companionship sa stufftoy.

        bow.

      • may red pillow din ako.. si Lightning mcQuenn..=)

      • hindi heart shaped?

        sa pixar car’s si lightning mcqueen ‘di ba?

      • square yun kuya.. pero mas gusto ko yun.. Pixar baby si mcQueen ko.. pwede ka dun kuya try mo..=)

        galing pala ako kanina sa urc.. hinahanap ko mga taga Accounting kung may kilala silang magaling mag doodles sa caviite.. ang hirap mo hunting kuya..=)

      • ‘di nga?

        does that mean na andito ka na ulit sa bayang magiliw,lupang hinirang?

        people sa work,they don’t even know i exist.hahaha!!!

      • last week po i returned after 15days dun.. lam mo naman ngyari di ba..sa sat balik na ko ulet..

        they dont know u exist?? how??.. okay.. ipapasa ko sa exchange yung site mo na to para kahit sa cagayan de oro, batangas, bulacan, negros at saang panig ng planta, opis at ung saan pa makilala nila kung gaano ka kagaleng.. =)

        ganyan ka ka-believable sa kin..anlakas..=)

      • whaaaaaaaaa!!!

        seriously,huwag mong gagawin yan,lee mi!!!

        thats not part of any of my plan sa pagsusulat/pagdu-doodles.even the closest of my friend sa work,di nila alam na nagsusulat ako.

        if ever i want them to read any of my works….sa access ako magsusulat.hehehe!

      • hehe.. syempre di ko naman gagawin yun without ur consent.. baka edemanda mo ko.. magkita tayo sa court nila Atty..=)

        tsaka wala na rin ako access sa exchange.. deleted na account ko dun..
        sa Access kuya di mag aanimate yung doodles.. pero oks lang din.. galeng mo naman magdraw kaya kung gusto mo nga talaga, may karir ka rin kahit sa art dept.

      • wala akong idea kung ano ang pay grade sa art dept. baka may figure ka,susubukan kong aplayan.hahaha!!!

        kaya ko sigurong mag drowing ng nips.hakhakhak!

  2. hmn, currently inlove? naks. hehe. parang inspired and inlove ka eh. nakanaks talaga.🙂

    bakit nakaspace suit yung lalaki? at ano yung hawak nung babae? slow ba ako dahil hindi ko magets?🙂

    anyways. i really like it that you have more colorful doodles and more inspiring read. naks.🙂 am happy for you.

    • naks naks,manang!

      you had enough of the sad stories na ginawa ko.at dahil birthday mo daw nung nakaraang week,just this one,gumawa naman ako ng masaya!take it as a gift.happy birthday!hehehe!!!

      • wow. i will really take it as a special gift. haha.🙂 thanks! it warmed my heart. salamat. you are the only one who gave me a gift ngayong birthday ko this year (bitterness aside, hahaha). thank you ulit.🙂

      • late na din pero ako lang ang nagbigay?hahaha!!!

        wala na yatang nagmamahal sa’yo manang!tsk tsk!

        regaluhan mo lang yung mga taong ine expect mong magreregalo dapat.tignan mo,for sure na mahihiya ang mga ‘yon.hehehe!!!

  3. Astronaut ka? Maybeyouneedspace.

  4. “ang mas mahalaga-kahit ngayon lang, hindi man bukas.. naging akin ang espasyong para sa kanya.”

    naging akin din ang espasyong ito minsan.. =)

    **ngayon naiba na ang tema ng bahay mo Kuya.. halatang inlove ka.. kanino??

    • i just write it for the sake of writing,lee mi.just like when i write about the side of being sad in love.

      naisipan ko lang magsulat ng story of a possiblity of people being together.besides,it was all in the previous comments.they are looking forward sa masayang kwento.this may not be as happy as really being in love pero at least,this may put me in the right track in writing happy thoughts mula ngayon.

      well,the way it unfolds is yet to be told…

      hehehe!

      • very well..

        just hoping that you’re really happy.. kala ko pa naman nainlove ka kay Miss..
        i also thought that she’s the message in a bottle..

        hmm.. parang gusto ko lang ipagtulakang sana mainlove ka na ulet..=)

      • may ate ka ba?hahaha!

      • may Ate ako.. kaso.. hmm.. si Ate ko taken na..
        yung little sis nya walang lovelife..

        ehem!!..

        pero makulit lang yun.. maldita rin!l

      • ayun naman pala eh. wag na si ate. si sis na maldita na lang. mukhang malditong makulit din naman yan si duking. hahaha..

        magandang morning sa inyo🙂

      • ate, 6 po kami magkakapatid, kuya, ate, kuya, ako(ehem=), utoy at totoybunso..

        maldita lang yung lil sis ni ate pero sweet yun.. at kung si kuya Duking .. ahhmmm.. ehhh.. ano kase., cge na nga Kuya magDoodles ka lang jan..

      • maka pag doodles na lang talaga.

        paki buzz na lang ako kung sakaling in a very unfortunate event,mag hiwalay ang ate mo at yung alien abductor n’ya,ok?

        whahaha!!!

      • ay..napaka-unfortunate naman ng gusto mong mangayri kuya.. iba na lang gerl.. dami naman jan.. halimbawa’y si ate bellpepper or si ateng adik sa bell pepper or si ateng tirador ng bellpepper.. sino pa ba??

      • nakalimutan ko palang sabihin na ang mag reply dito panget!!!

        sayang!!!

  5. ang mas mahalaga-kahit ngayon lang,hindi man bukas…naging akin ang espasyong para sa kanya.
    by:duking

    ipaalam mo ung space baka naman wala na tlagang nagmamayari nong space na yon🙂

    inlove ka tol?🙂

    • it was all in the pen,sphere!hahaha!!!

      sabihin na lang natin na i got a happy pen.and the happy pen is happily doodling away some colorful things and happy words.

      and just like any pen,i know it will run out of ink or taken away from me by anybody who got plans for it more than i do.

      ayan,complex na naman ang sagot ko sa simpleng tanong mo.hahaha!magandang araw!

      • Hmmm parang hindi lng dahil sa pen parang may something pa din…

        bulong mo sakin mmya ililibre ako ni Nanay ng SPA isasama kita:-) o kya nmn mgddala ako maya ng mraming barya ibibili kita fishball at kikiam jn sa may kanto🙂

      • na inspire lang ako.may nakita kasi akong dalawang bata sa ilalim ng punong mangga along the way sa work.i was thinking kung anu kaya ang ginagawa nila sa lilim ng punong kahoy?

        ah,baka nanunungkit ng mga bituin…ay mangga pala!

      • ahhh o cge paliwanag accepted:-)

  6. in love si kuya duking!
    kaso parang may third party or something.

    sa mga babaeng nang-iwan kay kuya duking hindi namin kayo bati. hindi namin kayo isasama dun sa taas ng puno. behlat! ahahahaha

    serious: iba ang tao kapag in love.

    Be blesssed kuya.

    Galing!

    • magandang araw pong!

      i’m trying to explore kung anu namang impact sa mga friend natin dito kapag may hope and color yung mga characters ng kwento.so far,they all find love in this post.at least this time,baka maka re-shape ako ng mood.hehehe!

  7. Good Morning Duke!

    Hmn… space and time. Aw, bakit nalungkot ako. feeling ko nasa outerspace ako. Gusto ko lalo umuwi ng Pinas. Baka may datnan ako sa ilalim ng puno ng alatiris.😀

    Hay, isa lang ibig sabihin nun… galing mo talaga.

    • yehey ang sagot ko. kasi natutunan ko sa buhay na always give hope and shed a ray of light sa mga taong nakakausap natin. kaya, indeed the post is full of hope.

      @kuya dan ako din po gusto ko ng umuwi sa Pinas. Tama ka parang outerspace sa ibang bansa.

    • salamat bro,baka kailangan mong i send yung love letter na ginawa mo para paniguradong hindtayin ka nya sa puno ng alatiris.hahaha!

      pong,hold still…darating din ang oras na uuwi ka and panigurado,derecho ka sa ilalim ng puno ng kamatis.naghihintay dun yung maganda at mabait mong best friend.hehehe!!!

      • wah natawa ako dito.. naghihintay ung best friend ni themizpah sa lilim ng puno ng kamatis. naimagine ko mala-acacia tree sa laki yung puno ng kamatis na yun .. wahaha… kulet!

    • Pong! One year na lang uuwi na ako. Excited.
      Duke! Di naman love letter yun eh… tsaka di yun para sa tao. hehe…

      Grabe na ‘to. Di mapakali imahinasyon ko dian sa doodle mo… kung ano meron sa pagtatagpo sa ilalim ng puno. Inspiring… napapangiti ako ng sobra.

      • tol dahn,ni-off mo pa yung comment ha?hahahaha!!!

        ganyan na ganyan din ang mararamdaman ko…inspired,pangiti-ngiti.

        fools fall in love.tsk tsk!

  8. ayeee..madamdamin ang post na ito.
    hayz..kahit kelan masarap pag-usapan ang pag-ibig.pag-ibig na walang pinipili at laging handang maghintay. .

    • salamat kung nagustuhan mo.

      ang pag-ibig ay pag-ibig.kapag wala na ang lahat,pag ibig na lang ang tanging naiiwan.

      ewan ko din.hahaha!

  9. Magandang Araw!! =) nagsasawa nako sa word ko na “ang gandaaaa” haha wala nakong maisip na salita para sa gawa mo pareng duking! habang tumatagal nagiging mas makulay, mas malakas ang dating at syempre ang walang kupas na mga salita.. mga salitang misteryo padin para sa aming lahat kung saan mo hinuhugot ang mga yan, kaswerte mo talagang nilalang taragis!!

    pag nagkita tayo,pwde ko bang makopya an talento mo!? (parang si Peter Petreli lang ng Heroes) pero kung hindi ko man magaya yan kahit makalapit pako syo, ingat! pwede ring maging si Sylar (ihanda mona ang utak mo para sa isang operasyon haha)

    galing tol!! swing your legs.. swing your legs… ang sweet nung dalawa kahit nagnanakaw lang ng sandali.. =) anyway, sarap talaga pag mahal na mahal mo ang isang tao at nagkaroon ka ng pagkakataon na masabi mo iyon, and what’s more happier than that ay ipahayag din nya na mahal ka rin nya! waaaaa! nakakainlove!!

    • whahaha…ang laki na ng ulo ko,tol.sasabog na konti pang puri mo.’di ko tuloy alam kung paano ako magpapasalamat sa comment mo.

      eto na lang…pag uwi mo,papainom ako.hahaha!!!

      ingat,pre!!!mag doodles ka sa buhanginan jan.sayang ang lawak ng disyerto kung hindi mo mamarkahan ng doodles mo.

      congrats nga pala.nagsisisi si erap kung bakit di ka nya kinuhang endorser.ayon kase sa survey,yung lamang ni noynoy ay dahil sa endorsement na ginawa mo.hahaha!bagsek!!!

  10. magaling ang drawing!
    magaling ang mga salita!
    magaling ka tlga kuya dukz!

  11. akala ko dahil sa kailangan mo ng space kaya naka-astronaut suit si lalake dun sa doodles…

    magaling!

    ang dami mo sigurong spare time hehe

    • kamusta,MD?

      kung alam mo lang md…instead na spare time,i’m using the next day para lang maisingit ‘tong pagpo-post ng doodles at pagsusulat.

      glad na laging may next day para abusuhin.hehehe!

  12. parang pareho nasa isip namin ni Salbe.

    baket mo naman ibinalot lahat sa guy ung panahong nawala sa kanya.

  13. Wala akong magandang nasasabi lagi dito sa bahay mo Duks, wala ng espasyo lagi.

    Kung may bayad ang papuri, mayaman ka na at pwede mo na akong ilibre ng kape.

    Ang mahalaga, nakatayon ang mga paa habang nakasanday sa iniirog. Wala ng hihigit pa.

  14. “kung naghihintay ka na gaya ko o masaya lamang sa iyong pag iisa nang datnan kita sa lilim ng punong ito,ang mas mahalaga-kahit ngayon lang,hindi man bukas…naging akin ang espasyong para sa kanya.”

    Hello Haring “Du”! Belated Happy Mother’s Day sa Mama mo! Ang lupit ng mga salita, may naalala tuloy akong kanta dahil diyan sa mga linyang iyan.

    Kantahin habang tumatalsik ang laway sa pag be-beatbox. nyahahaha

    “Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya”

    inlab ka nga ba talaga haring “du”? hehehe. ang lupit nung Astro. parang lumalangoy lang sa ilalim ng dagat. Siyempre da best paren sa pagdating sa GIF! Idol! hahaha

    P.S. Sa PAG-ASA ka ba nagtratrabaho? hehehe. Curious lang. hehehe

    Ingat at Godbless!

    • kamusta chevy?salamat at nagustuhan mo ang ilang piling salita at yung GIF image.

      hindi ko alam,pero wala na akong pwedeng puntahan kundi pagandahin yung GIF dahil pakiramdam ko,ikaw ang unang unang magsasabi na palpak yung gawa ko kapag pumanget.hahaha!!!

      maraming salamat.yung kanta nga pala…wala akong idea kung anu yan.rap ba?kundiman?

      pinakilala mo man lang sana yung artist.

  15. you really are a poet duking!

    the depth of your artistry is reflected in every word you weave. ;D

  16. Naks… as usual ang ganda na naman ng doodle, kuyakoy-kuyakoy! haysss… inget talaga ako! wahhh

    Ang lalim na naman ng mga nasambit na salita, at gusto ko to…

    “kung naghihintay ka na gaya ko o masaya lamang sa iyong pag iisa nang datnan kita sa lilim ng punong ito,ang mas mahalaga-kahit ngayon lang,hindi man bukas…naging akin ang espasyong para sa kanya.”

    kadalasan para tayong mga uod na nagsusumiksik sa kapirasong espasyo, huli na para malaman mo na ang espasyong iyong pinilit na siksikan nag dulot na ng malaking butas… you should know, diba astronaut ka? Remember, there’s a “hole in space”. nyak! ahaha

    • thank you teetoinks.

      wormhole,black hole,vast infinity,star clusters,galaxy,milky way,constilations…

      ang totoo,faster than the speed of light,i can say na wala pa rin palang sasaya pa sa kapirasong espasyong mao-occupy mo kapag katabi mo ang taong special sa’yo.its like seeing everything about the universe in her very eyes.

      hehehe!houston…we have a bigger problem!!!

  17. talaga nga namang hindi maikakahon ang husay ng isang makata lalo pa’t inililipad ng musang iniirog ang plumang tangan. kahit sinong dilag ay mawiwiling sumakay at maglakbay sa kalawakang binuo ng iyong pusong makata.

    sapok pareng duki! haha

  18. hmmm

    sa tingin ko, yung lalaki ang medyo tagilid dito o may problema. astronaut kasi sya, kelangan nya ng space. baket? anong dahilan nya? kelangan nyang magbigay ng sobrang acceptable reason para di naman kawawa yung babae..

    Lalaki: “Astronaut muna ako, I need Space”

    parang ganyan..

    Babae: “Bakit? Anong problema? Ako ba?”

    T_T

    • the concept was other way around,tol jason.

      it goes like this:

      astroboy:i’d been searching the vast emptiness space trying to find a little peace and hapiness all my life,dito ko lang pala matatagpuan sa lilim ng puno habang kasama ka.

      babae:will you just shut up?i didn’t even invite you to come here!will you pack your things and go some place else?

      asroboy:you got to be ‘kidney-ing’ me!matapos kong bitawan ang napaka sweet na salitang ‘yon?

      babae:baka ibig mong sabihin is ‘you got to be kidding me?!’

      astroboy:’kidney-ing’ talaga yung ginamit kong term.kase isa kang bato.matigas at walang emosyon!hmmmp!!!makalayas na nga!!!

      hakhakhak!!!

      • hala sorry naman. ok payn. may kidney-ing talaga napatawa mo ko ang aga aga kuya duking.

        siguro masyado ko lang inilagay ang sarili ko sa kasuotan ng astronaut kaya kung anu-ano ang nasabi ko. lol

        magandang umaga!

  19. May pulubi bang nakakostyum pang astronot? BENTO KA DUKING!

    Hahaha, ang kikay ng babae. May heart pang hawak. Sarap sampalin. Hahaha.

    • kamusta vaj?kamusta ang taong wala man lang pagkakakilanlan kapag nasagasaan ng bullet train o mabagsakan ng UFO?tsk tsk!!!

      eto tip….bili ka na lang ng bag na pang grade 1.yung may gulong na hinihila.meron yung maliit na ID card na pwede mong sulatan ng pangalan mo at address.para naman hindi mahirapan yung mga imbestigador kung saan papadala yung molecules mo kung saka sakaling pulbusin ka ng nagkalat na jejemon at fans ni marian.

      bwahahahaha!!!!

      nyahahahaa!!!!

      • Hahaha. At dahil dyan, KASAMA KA NA SA LIST NG SUSPECTS KO! Boahahahahaha! Humanda ka susugurin ka ng power rangers sa bahay mo, manghihingi ng kotong according sa kulay nila.

        Ready ka na kay Blue Ranger?

  20. nakunaman… ang galing naman nun… napakatalimhaga…

    inlababo… iba talaga kapag may inspirasyon ano kuya? hehe… nwei ito para xau…

    “am i a bad shooter? cause i keep on missing you…”

    wee…

  21. Oh my…. well said duking, ang galing naman talaga, clap, clap, clap!🙂

    napakasaya naman talaga ng sandali kahit sa konting sandali mulang makakasama ang mahal, yun na ang pinakamasayang oras at pwede nading araw sa taong nagmamahal. At kahit sa konting sandali din ng inyung pagkakilala kung talagang mahal mo ang isang tao, parang isang taon o parang matagal mu na sya kilala diba?! hays, nakaka inlove!😀

    • thank you ulit,len.

      you tell it so well.will trade a day for a minute na kasama ang taong mahal natin.hindi mahalalaga yung tagal compare sa happiness na mararamdaman natin kasama sila.

      • nice talaga ng site mo, pano ba ginagawa yung moving na pics?! heheh

      • dun sa page sa taas-, ‘sa likod ng notebook’.

        nag provide ako dun ng info how all this things are animated.andun din yung site kung saan mo pwedeng i-download yung software na ginagamit ko.

        ok,len.mag doodles ka din.kahit hindi muna animated.another way to express how you feel.

      • Ako din gusto ko matuto mgdoodles. Kelan b yung summer workshop mo, Duking? Pde p b mg-enrol?:)

    • Thanks duking sa info. sige pag aarala ko yan.. hehe
      musta naman?!?

      • ok lang,len.

        it’s a good hobby either mahilig kang mag animate or gusto mo lang mag sketch.for sure na matutuwa ka dun sa software but again,nothing beats the basic.notebook lang at lapis,masaya na!

        take care,magandang araw!

  22. ayan.. namangha na naman ako sayo master Duking… jejeje.. baligtad talaga yung heart… well.. wala na akung mahabang sasabihin… kaya consolations… palakpakan… panalo na c noynoy…

    ingats ka lagi master duking..

    • salamat miss broken.

      ingat ka din lagi.kay noynoy ka ba?well,congrats.

      nagkataon kasi na si moymoy palaboy ang bet ko kaya hindi na lang ako bumoto.hehehe!

  23. isa na namang mahusay ng gawa duking…

    sumubok na rin akong gumawa ng bahay, medyo hindi ko pa masyadong kabisado pero pasasaan ba’t makakagamayan ko rin ang bagong bahay ko.

    welcome po kayong lahat mga kaibigan…

    • seryoso ka ba sa ginagawa mo,vic?

      hahaha!!!walang problema.i’ll get you around,let you meet people na na-meet ko dito and maybe you enjoy the pleasure of writing as much as i do.

      anung concept ng blog mo?susubaybayan kita.mula sa pagtubo hanggang sa paglago.saka na kita tatalbusan kapag mayabong ka na.nyahaha!!!

  24. tamaah! mahalaga ng oras kung ano man nangyari kanina at mangyayari mamaya basta mahalaga masaya ka ngayon, hindi dapat malungkot.

    hayyyy makaakyat na nga sa puno namin at mag-helmet. hehehe mabuhay!

  25. Isang klasik ito ng pagpapahayag ng pag-ibig, mula sa isang magandang drawing/doodle na nilapatan ng malaman na mga salita. Maraming maiko-connect talaga sa istorya ng pag-ibig. May kurot sa puso ang sinabi mo na:

    —“…naging akin ang espasyong para sa kanya.”

    isang napakasayang sandali ang naidulot na makapiling at makasama ang isang minamahal…kahit sandali lamang.

  26. flattopsatcurlytops

    alam mo, kung sino man ang mahal mo, napakaswerte n’ya, kasi through blogging, naipapakita mo how special she is to you..😉

  27. hello, duking. nakakatunaw naman ito ng damdamin…

    basta unrecquited love, si duking ang panalo!

    e, ba’t mo naman kasi pinakawalan? tapos, bubuntung-buntong hininga ka sa may ilalim ng puno? hwag kang papayag na pangalawa ka lang – ipaglaban mo, go!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s