where were you when i was falling in love


ikukulong ko muna ang mga salitang gusto ko sanang sabihin kapag kasama ka.ayoko munang magpati-agos sa sayang nararamdaman ko kung kapiling kita.marahil ang tadhana at palad ng sa tulad natin ay may mumunting larong hindi ko batid at hindi unawa.lumalabo kasi ang dalisay na tubig ng pag-ibig kung nagtatampisaw ang ating mga puso sa saya.hahayaan ko muna ang panahon para pahupain  at pabalikin ang linaw ng aking isipan.

sa ngayon,bulong lamang na ‘di mo maririnig ang pagsasabi kong ‘mahal kita’ sapagkat kung higit pa sa bulong,babasagin muli ito ng nagdaraang ihip ng hangin.

at sa ating maikling paghihiwalay,ang pagbawi’t pisil ko sa iyong kamay ay siyang dalangin ko na sana,kung matagal ko mang ikukulong ang aking tinig,ikaw pa rin ay maghihintay.

at habang humahakbang ka papalayo,ngingiti ang puso ko upang tanungin ka sana…

‘where where you when i was falling in love?’

dapat pala matagal na kitang nakilala…

104 responses to “where were you when i was falling in love

  1. nahulog naman ang puso ko dito, duking..

    “at sa ating maikling paghihiwalay,ang pagbawi’t pisil ko sa iyong kamay ay siyang dalangin ko na sana,kung matagal ko mang ikukulong ang aking tinig,ikaw pa rin ay maghihintay.”

    wala akong masabi…kundi.. hayyyy…

    di na uso ngayon yung sulat sa bote.. i-chat mo na lang sya o i-email. mas mabilis pa.. hehe🙂

    ang galing mo naman🙂

  2. 2nd base?.. hehehe…

    ang lungkot naman niyan.. asan na?… nareceiv ba yung message?…

  3. 3rd base?! hehehe…… Ahay, nakaka in love naman, itu..

    Teka, “‘where where you when i was falling in love? hehehe..😛

  4. 4th base,
    you are really a deep person kuya duking.

    nasaan nga kaya siya? i hope makita niya kung gaano mo siya kamahal.

    ang galing!

    God bless

  5. Haring “du”! ayoko pa sana’ng basagin ang panglalakuwatsa ko. Subalit natukso ako na maging pang-lima dito sa bago mong artikulo.

    Ingat ka lage & Godbless us all!

    P.S. Idol parin sa GIF

  6. where were you when i was falling inlove?! haizzz gusto q din yan sabihin sa sarili ko ahahaha…

    musta dukz? gandang umaga!

    • asan ba ko?

      ah,naglalaro ako ng poker!

      hahaha!!!hi kayedee.kala ko ‘di ka na babalik eh.tama si jkul…tampururot ka lang!

      hehehe!

      • sus! di kana talga nadala! naubos na laht ng ari arian natin nanjan ka pa din sa poker game na yan tumatambay!! ahahha

        wahahha… uu nah tampururot na aq! kaya masanay kana! ahahahaha

    • bad beat.talo na naman ako sa poker.

      saklap!magandang araw kayedee!

      • aysus! sa fb b yan? wla aq nyan e..

        musta duks? nga pla ilng taon kna? shud i col u kuya?

      • pede na din lolo duking, kayedee. matanda na yan si duking. nag-aasta lang bata. wahaha🙂

      • seriously??
        bastos pala aq! ahahha..
        kuya nalng dalwa na lolo ko q e! ehehe

        kuya dukz musta?🙂

      • kuya na lang kayedee.huhulaan ko.around 27 ka?i’m 31 at salamat nga pala sa secretary ko for answering your inquiries ahead.

        busy kasi ako sa pagbabasura this past few days.

        kaya kamusta na lang and always take care.

        -kuya duking

  7. since na-correct ka na ng ilang tao sa taas ^, hindi na kita iko-correct.hehe peace, duking…

    ang lungkot naman nito…

    Pero gusto ko ito –>”lumalabo kasi ang dalisay na tubig ng pag-ibig kung nagtatampisaw ang ating mga puso sa saya.hahayaan ko muna ang panahon para pahupain at pabalikin ang linaw ng aking isipan.”

    nakakalungkot, (Optimism, activate!) pero kung panahon ang iniisip mo, wag kang matakot… kung kayo, kayo talaga… hindi hadlang ang panahon at distansya… mahal ka nun, maghihintay yun!

    magaling… magaling!

    • tama MD…salamat for correcting it.honestly,kala ko tama.pero mali pala.buti na lang may keen eye kayo to point it out.

      maraming salamat!

  8. Sa wakas! Nasa taas comment ko.😀

    Hay, nakaka-inlove / iyak. Ganito halos din bago kong post.

    Musta na Duke? Nagbabalik na ako.

    • maligayang pagbabalik tol pseudo.napansin kong ni redecorate mo na naman ang tahanan nyo.pero ok pa rin.malinis tignan.

      cool!!!

      magandang araw ulit!

  9. di ba nga meron nakatakdang panahon para sa lahat ng bagay sa ilalim ng araw.

    san na ba kasi si Salbe.

  10. Pare kapag may pisilan, parang gusto kong baguhin ang dudel, may kasamang pinipisil habang tinatangay ang balsa papunta sa laot.

    Habang mga ungol at impit na tinig ang musika ay naisusulat ng mga magkasuyo ang bawat sandali, hahayaang anurin ang mga pawis na nagsanib at papatak sa tubig upang magkaroon ng alat ang nilililok na pagsinta.

    Para, iba ang hatid ng pisil sa kamay.

  11. HUWAW.makalaglagpuso to ah. akala ko valentine na uli. hehe
    ‘isigaw mo na wag mo ibulong🙂

  12. hahays, nakaka inlove! haha napaka sweet naman.. gusto ko to gusto ko ‘to! =)

    where where you when i was falling in love?

    ang ganda ng bawat salita, nagtutugma silang lahat ang lalim pero intinding intindi ko..

    basta ang ganda tol!! woooooo!!

    • tol bon,dumating na yung mga garter na inorder ko.tuloy na tuloy na yung business natin ng brief.at bilang model/endorser,may libre kang one week supply ng brief.

      ‘oh,my doodles’ brief.malapit na sa market.

      abangan.nyahahaa!!!

  13. malungkot akong hindi ako ang mahal mo ng mga panahong nagmamahal ka
    wala na ring kwenta ang ngayong nasilayan kang huli na..
    hindi na ako ang panahon mo..
    at maghihiwalay tayong may hungkag na dapat sana’y…
    ngunit bakit?
    alam mo namang hindi rin ako naging sa’yo
    at inangkin lang kita sa bawat pangarap ko..
    sayang..
    kaya wag mo na rin sanang marinig..

    • kamusta na lee mi?

      anung binu bulong bulong mo jan?

      hahaha!ingat ka lagi.tutuwa akong lagi kong nagagawang pahimigin ka ng sarili mong mga salita.

  14. yey!!! base!!!

    naawa ako dun sa lalaking nagpapaanod sa laot…

    mag-isa na nga lang, tapos nagsusulat pa ng labletter. gagawin nya ba yong bangkang papel o eroplanong papel?

    aka nga destiny, may right time at place. hindi sa nakaraan, hindi sa ngayon, malamang sa malamang sa hinaharap.. malapit na

    • kawawa nga eh no?

      ‘di bale.kapag nakarating sa tamang lugar yung sulat sa bote,sana hindi pa huli na may magligtas sa kanya.nakalagay kasi dun sa lab letter.

      ‘and2 pa rin me.wer na u?’

      hekhekhek!

  15. waaaaaaaaaaaaa😥

    lagi nalang tagos sa puso yan mga nababasa ko.. bakit parang naiintindihan ko yan mga sinasabi mo sa blog mo.. pareho kaya tayo ng pinagdaraanan hahahah haaayyy naku…

    sa ngayon,bulong lamang na ‘di mo maririnig ang pagsasabi kong ‘mahal kita’ sapagkat kung higit pa sa bulong,babasagin muli ito ng nagdaraang ihip ng hangin.

    pahiram nito ha??

    • magkaiba yata,adel.

      pero dahil parehas yata tayong nakakaramdam ng pag-ibig sa mga minamahal natin,minsan,nagkakasabay ang tibok ng ating mga puso.

      para sa’yo na yan adel.kahit huwag mo na isoli.hehehe!

  16. oy kapitan hook!

    nalunod ako….

    haays gusto ko ring itanong yan.. where is you when i was falling in love?’…. kaso binitawan ko narin…

    kung kelan bibitaw ka na, yon pa ang pagkakataong lumalapit sya…kaso wala na… iba na ang mundo ko sa mundo nya… sigoro makakaya ko paring liparin pero ayawan na… mas mabuting hanggang tanaw nalang din sya sa aking munting ilaw habang sya ay aking napagmamasdan mula sa malayo.

    mas mabuting manahimik nalang muna.

    • maghihintay lang tayo,tinkerbell.

      darating naman talaga ang panahon para isiwalat ang mga salita’t damdamin na iniipon muna natin.para kapag dumating ang oras na binasag natin ang ating pananahimik,alam natin na malaya na nga tayo at wala nang babalikan kundi pasulong na hakbang na lamang patungo sa ating mahal.

      magandang araw!!!

  17. sa bawat sipol ng hangin sa dalampasigan
    samu’t saring alaala ang nagbabalikan
    mga panahong dating pinagsamahan
    tila yata nalimot na at ako ay naiwan…

    muling nagmahal ang pusong sugatan
    nagbabakasakaling sakit ay maibsan
    umaasang di na muling iiwan
    sa pagdaan ng panahon, kapiling ay ikaw lang…

    • wah ang galing din nito, rovic ah..
      ikaw di ba yung friend ni duking?

      pede ba akong maging friend ninyo para ganito na din ako kagaling? 😀

    • LoLs,vic!

      hindi ko alam na may ganito ka ring kakayahan.kala ko dati puro gitara lang ang alam mo.nagagawa nga naman ng walang ginagawa.tsk tsk tsk.

      teka,konsultahin mo nga yung apat.paki tanong kung pwede bang magsali ng babae sa ‘rocketeers’.

      • @greenbellpepper – salamat po at nagustuhan mo rin ang aking munting pakikisakay sa inyong mga talento kahit halatang nagpupumilit lang akong makibagay hehehe… yup ako po yung friend ni duking, tagal kaming magkasama nyan at saksi ako sa talento nya kahit noon pa man…

        @duking – hehehe, nakikitalent lang ako, iba pa rin ang galing mo, pinakikiramdaman ko pa rin kung pwede akong makisali sa lahat ng nandito…

        at yung tungkol sa pagsali ni greenbellpepper sa ating samahan, napaguusapan naman yan at maaring mabigyan ng pagkakataon basta’t kaya ang ginagawa ng mga rocketeers… hehehehe

      • @rovic -> next time lagyan mo na din ng link sa blog mo ha. i’m sure madami kaming matutuwang magbasa nun.

        at sa pagsali ko sa rocketeers, mukhang supladito si duking, hindi yan papayag na isama ako.. kasi masasapawan sya.. hahaha🙂

      • vic gawa ka nga rin ng blog.wala kasing blog dito na pwede kong pag tripan eh.yung tipong kahit dustahin ko ng sagad to the bones eh hindi man lang magdadamdam.hahaha!

        @greenbellpepper….kaya mo bang mandukot ng token sa arcade machine?kumain ng M&M sa loob ng supermarket?kaya mo bang mang wan tu tri sa jeep?kaya mo bang magbayad lang sa bus ng hanggang cubao kahit sa fairview ka bababa?kaya mo bang magpatay ng escalator ng hindi yumuyuko para pindutin ang button?kaya mo bang mag merienda na free taste lang sa supermarket ang kakainin?’di mo yata kaya e.

        disqualified yan vic.anak mayaman eh.bawal ang peti-burges sa rocketeers.yan ang rule no.1 !

      • duking, yaan mo gagawa rin ako ng blog para sayo hehehe….

        mukhang hindi nga pwede sa rocketeers si greenbellpepper kasi pinanganak na may kutsarang ginto sa bibig, sayang naman…

        @greenbellpepper – ganyan kasi ang gawain ng aming samahan, maraming nagtangka sumali subalit hindi sila nagtagumpay wahahahaha…

        ngayon, kaya mo ba? hehehehe

      • hindi yata nakwento ng nanay ko na may gintong kutsara ako sa bibig nung pinanganak ako. si nanay talaga oh. ito ata yung lihim na gusto nya sabihin sa kin dati pa. wahaha..

  18. wow! ang hirap din ng ginagawa niya ah! hakhak!
    ang lupet!
    habang dinuduyan-duyan ng dagat nakakapagsulat!

    sang dagat na ba siya?

    baka mamaya kapag naliligo ako sa dagat eh may mapulot akong message in a bottle! yehey!

    may bagay na kanta para sa posteng ito eh!

    SINO SA ATIN by ERASERHEADS

    inlab na inlab ako sa kantang yan! nakakapanindig balahibo para sa akin! hakhak! ang cute ehhhhhhhh!

    ekshelli pinapakinggan ko ngayon! waaaaaaaaaah!

    Saan ka nanggaling ba’t
    ngayon lang kita nakilala
    Tila bumibilis ang oras pag
    ikaw ay kasama
    Tinig ay nanginginig bigla na
    lang nanlalamig
    Lumalayo na.
    Anong nangyari dito
    Sino sa atin ang nagbago
    Maglakbay sa simula
    Balikan natin ang dating
    mundo.
    Lumapit-lapit para pagmasdan
    ang iyong bakuran
    Nagunaw ang planeta ng mga
    gintong halaman
    Wala kasing nagdidilig
    bigla na lang umiibig
    Lumalayo na
    Anong nangyari dito
    Sino sa atin ang nagbago
    Maglakbay sa simula
    Balikan natin ang dating
    mundo.
    Lumingon sa umpisa
    Sino sa ating dalawa.

    Hindi naman ako siniapg magsalitype ano! hakhak!

    • ang daming magandang kanta ng eheads.

      partikular kong gusto yung ‘fill her’

      susunod na post ko,yun ang gagamitin kong title.
      apir tayo,eloi!favorite ko rin sila eh.kahit ilang beses nila akong na dis appoint sa concert nilang walang kalatoy latoy at kabuhay buhay.

      yyun lang siguro ang tanging puna ko sa eheads specially nung nasa peak sila ng kanilang karir.

  19. “Where where you when i was falling inlove? ”

    Asan ka nga ba? Disin sanay pusoy hindi nahirapan pa sapagkat sakit ay umabot na sa sukdulan na para bang hindi na kailaman man magmamahal😦

    Asan ka nga ba? Sana nailigtas mo ako😦

  20. Cheesyness Dukingsters. Bat mo pa kase binasted si Salbe, di sana di ka na palutang lutang dyan sa tubig. Haha.

  21. shet….naluluha ako.
    wala akong makoment. teka, punta muna akong lababo. gusto ko humagulgol.

    o aking Brando!!
    bakit mo ako iniwan??!!!

    haha.

  22. But why not grab the chance Duking? Why let the “moment” pass? What are you so scared of?

  23. yihee, hehehe (wala ako masabi) wala ka pa ding kupas, >:)

  24. “Where were you when I was falling in love. ” Paborito kong kanta ito nung 70s.

  25. yung lapis, kaya nya isinilid para may magamit din na panreply sa kanya. yehey!

  26. A blessed mother’s day kay mama mo kuya duking.

    God bless!

  27. Happy Mother’s day sa asawa’t nanay mo!

    haha!

    pakain ako maya a..hehe

  28. happy mothers day sa mommy mo dukz!!

    Godbless olweiz!

  29. habol din ako pagbati ng Happy Mothers day sa mom nyo.

    • happy mothers’ day sa mga mommy at mommy ng mga mommy at mommy ng mga hindi mommy.

      sinung gustong kumain ng mami?

      ayan,quits na tayong lahat dahil nagkapalitan na ng batian.at para lamang ulit ako,advance happy fathers day lahat ng mga tatay at sa mga tatay nyo.

      hehehe!

  30. Dukingness… hindi lang first aid kit baon ko ngayon pati ambulance… yung puso ko… tumalon!

    Where were you when I was falling?

    Panalo sa linya! ^^

    • salamat teetoinks.

      been busy thinking kung nasaan nga ba ako.whahaha!

      so patindi na ng patindi ang traumang inaabot mo everytime na dumadalaw ka sa every post ko.soon enough,manhid ka na at hindi mo na kakailanganin kahit man lang first aid kit.

      masasanay ka din.thank you ulit sa pagdaan!

      • Yoko naman maging manhid.. wala na ko mararamdaman, ok na sakin yung mag baon ng first aid kit at ambulance… sa susunod yung doctor na dadalin ko.

  31. naiyak naman ako. damn. ang ganda. wish I could learn how to write dope things like this.

    • hi,hisatari!

      you’re good in your own way specially dun sa photography.i read your articles too.magaganda naman eh.

      thank you for appreciating.wish i know where to find dope.hahaha!!!

  32. nakaboto ka ba kuya duking?

  33. ang sad naman.😦

    • naks naks ka jan,manang!

      kamusta ka na?namimighati ka pa rin ba sa nalunod mong camera?whahaha!!!sulat ka na ulit!

      • wahahaha, wala pa nga akong balita tungkol sa camera kong nalunod. hehe. tagal na din.

        naks, kasi wala akong masabi. nasabi na ng lahat. magandang komposisyon ng larawan at salita. :)))

  34. nakaboto ka na ba kuya duks?

  35. ang ganda naman ng site mo, astig!

    padaan po. pede pa link?!

    • hi lakwatsera.salamat sa at napalakwatsa ka dito sa munti kong tambayan at salamat for liking the site.

      i’ll be more than happy to exchange link.sige add kita sa crossroad encounter ko later.

      magandang araw!

  36. @pong and jason

    oo nakaboto na ko.si moymoy ang binoto ko.

    moymoy palaboy.at tingin ko mananalo sya.hahaha!

    hindi ako bumoboto mga bro.ayaw akong pabotohin kase ang iitim ng mga kuko ko sa dumi.kala nung BEI nakaboto na ko.tsk tsk tsk.

  37. wuii andanda ng mga blogs mo dito ah :)) kya pla ndi k active sa fb at yahoo i2 pngkakabalahan mo nakanang!

    • whaaaa….hello hanna!

      alam mo namang hindi ako mahilig mag facebook,at halos hindi ko na rin naman kayo mahagilap sa yahoo.

      ingat.kamusta mo ko sa reyna ng mga payatot.paki sabi love ko sya.hahaha!

  38. ngayon ko lang nakita itong post mong ito.

    sorry kuya duking ah, alam ko seryoso ka sa mga sinasabi mo dito. pero hindi ko mapigilang tumawa sa lalaking nasa doodle mo.

    mukha kasi talagang kawawa. parang dinaanan talaga ng matinding dagok ng buhay at biktima ng kalamidad. wala lang yun kasi naisip ko sa gula-gulanit niyang damit at pag-up dyan sa tabla.

    mabuhay! sana nga ay magkahintayan kayo. sakit din na yung hinihintay mo wala na pala. ouch!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s