winter must be cold for those with no warm memories…

hayaan mong ipunin ko ang mga lumabis kong masasayang ala-ala sa iyong sisidlan-mga barya ng ngiti at yakap,butal na mga halik at tira-tirang pangarap na hindi na niya sa aki’y hinahanap.natutuwa ako na may gaya mong kristal ang kabuuan,sa payak mong kagandahan at palaging naririyan na walang hinihinging halaga o bahagi nang kung anuman ang laman ng buong bulsa ng aking pagkatao.

sapat na sa iyo ang paminsan-minsang hugutin kita at tapunan ng maikling panahon mula sa sulok ng ating lihim na taguan,sandaling hawakan upang sukatin kung gaano pa kaya katagal ang kawalang kasiguraduhang pagtitipon niyong mga makakalansing na samu’t saring barya na hindi pa sapat sa ngayon upang makabili nang aking kapayapaan.sa pagsapit ng panahon na tiyak din na darating,patawarin mo ako kung dudurugin kita’t lilimutin.marahil,ang iyong saysay ay mananatiling buhay sa mukha ng bawat baryang magsasalaysay kung paano mo sila iningatan.

sorry kung minsan kong tinangka na ikaw ay durugin.alam kong higit ka kaysa sa lahat ng kaya kongย  tipunin.



114 responses to “winter must be cold for those with no warm memories…

  1. naiinis ako, kase nakakaiyak ang mga post ninyong lahat….

    nakarelate ako ng sobra. Taragis na Emo mode yan…

    Tae ka duking… masakit na nga ang mata ko sa maghapong pagharap sa PC, pina iyak mo pa ako…

    May interview pa ako bukas.. baka sabihin, nagd drugs ako pag nakitang pula ang mata ko…

    “sorry kung minsan kong tinangka na ikaw ay durugin.alam kong higit ka kaysa sa lahat ng kaya kong tipunin.” -Duking

    Everyone is just more than your eyes could ever see…

    • thats why along the way,i figure out to look beyond my eyes could see…

      at dahil base ka…may libre kang alkansya!paki send na lang ang bank account mo,sa bangko na ko makikipag ugnayan kung saan ang address mo para mapadala ko ang oh,my doodles! base winner prizes.nyahaha!!!

  2. wala na naman ako masabi dito, duking.
    ang ganda ng drawing (litaw na litaw yung kulay) at ang ganda ng paghahalintulad mo sa alkansya bilang sisidlan ng mga masasayang alaala.

    ang galing mo naman.
    pede ba kitang maging kras๐Ÿ˜€

    hahaha๐Ÿ™‚

  3. 3rd party este base. Ako yun!!.. hehe

    pagkatapos ko basahin saka ko pinanood yung doodles.. Kuya..ang lalim siguro ng bulsa mo.. sumagad hanggang siko yung kamay mo sa pagdukot ng ano eh.. ng barya..

  4. nalunod ako sa lalim ng mga salita. nakakalungkot ang bawat salita. parang ang bigat.

    minsan kelangan ding basagin ang alkansya para maging kapakipakinabang ang kanyang laman.๐Ÿ™‚ (if that makes any sense)

    ganda ng drawing, ganda ng kulay. ganda!๐Ÿ™‚

  5. Lalim pare. Sarap basagin. Haha.

    Nacurious ako bigla sa love life mo. Asan ang facebook profile nyang babaeng yan na karibal ni Salbe at pupukpokin ko ng martilyo? Hahaha.

    Ang masasabi ko lang, kung ang purpose ng alkansya eh para matakbuhan mo pag kelangan mo ng pera, wag na tayong magdalawang isip. Ginawa yan para may babasagin ka pag kelangan. Hindi naman ata katalinuhan kung bibili ka ng alkansya na mas mahal pa kesa sa kasyang kaya mong isuksok don.

    In short, pero o emotion, mag invest ka lang pag alam mong kaya mong kunin pag kelangan. Kundi ikaw ren talo.

    Teka, naguluhan ako sa ekspleneyshens ko.

    • dear vaj,

      kung may tira kang matamis na asukal sa garapon,mugmog ng cookies,patak ng cocojam,amoy ng honey,pagkit ng bubblegum,talbos ng kisses,at tunaw na tsokolate…ipagbigay alam mo sa akin.

      titipunin ko lahat para sa tag-ulan.

      ang iyong kaibigan,
      langgam na pula

  6. mabigat na ba at kelangan na basagin ang katahimikan at durugin ang pinundar na emosyon?

  7. Syet lang. Walang halong pag-iimbot at buong katapatan, sa tingin ko talaga ay sweet kang nilalang. Sana mabasa ito ng hindot na babaeng karibal ko, matutuwa sya.

    Nga pala, kung barya lang ang maibibigay nya, malaki pa ang credit card limit ko. Wahahah!

    Hi Duking.๐Ÿ˜ณ

    • hi salve.๐Ÿ˜ณ

      • Hindi rin Salbe.

        Si Duking at ang kaniyang kawangis ay komplikadong nilalang.

        Mapanghalina ang kaniyang salita subalit sa dami ng damdaming umuusbong, baka hindi na rin nito nakikilala ang reyalidad.

        Tama ba Duks?

      • hahaha!!!tamang-tama!

        pero kung hindi pa sapat ang lahat ng kaguluhan sa kanya kanya nating mga buhay,maari ring pagbuhol-buhulin pa natin ang natitirang mga hibla ng katinuan ng ating mga isip at damdamin,sa gayon,baka masakal na nang mga ilusyon ang reyalidad.

        nyahaha!!!o s’ya…tagay pa!!!tagay pa!!!

      • Salbe pengeng pulutan, pakigataan si Vajarl, tanggalin ang ulo, may lason ‘yon, para siyang buteteng-laot.

        hakhak.

        Ano na ngang suhestiyon mo pre?

      • kung suhestiyon na luto kay vajarl,palagay ko,mas mainam na ulingin na lang natin sya at gamitin sa pagluluto ng ibang putahe.

        eto pre,aaminin ko na kay salve.

        salve,kung nasaan ka man…hindi ako sweet at nabubulagan ka lang sa hardin ng mga salita kong bumungad sayo.ang totoo,sa kaunting suot mo pa sa aking hardin,bubulagain ka ng kagubatan.kaya jan ka lang,huwag ka nang humakbang pa papalapit.

        nyahaha!!!

      • Duking, binabasted mo ba ako? Ok.

      • Hi Duking, naka-move on na ako.๐Ÿ˜†

      • sumuko na sya.hahaha!

      • maryopes. di ko na naman to kinaya. ikaw talaga, salbe!!!

    • wahahaha hagalpak naman ako ng tawa seu Salbe. oopss sori Vajee nakialam ako dito.

    • Credit card amp. Pakagat kita sa lamgam na pula na bigay ni Dukingsters eh.

    • @Jakul, Vajee, Mtoni, nabasted ako. Huhuhu.

      Kaya katayin na natin si Vajee. Gawin nating bulalo. Mukhang pinalaki sa gatas si Vajee, masarap ang bones.

      • Boahahahaha! Ang gatas ang lumaki dahil saken! Laking Bear Brand ata to. Mukhang bear. Raaaar.

      • Huwag kang susuko Salbe, mas masarap makipagniig kapag naipanalo mo ang iyong kagustuhan.

        harrrr..grarrrr..ganyan, wawasakin mo ang saplot ni Duking habang nakatali siya sa puno ng akasya at pinagpipistahan ng mga langgam.

        Like mo ang scen Sal?

      • alam ko yang eksena na yan,pre!

        ayan yung papaslangin na ng leon si florante habang nakagapos sa puno ng huegerra,tama ba?

        hehehe!!!masaya yan!

      • Oo pre, tapos iiputan mo kunyari si Salbe, hindi para maging bato, kungdi makabuo ng bebe.

        Ugoy sa duyan na ang kasunod.

      • naging ibong adarna na!!!

        nyahahaha!!!

      • Alam mo naman tayo, panatiko ng pantikang Pilipino.

        Ahahaha.

      • hahaha!tama ka,hilig ko rin yang mga aklat na yan.saka komiks.yan ang humasa sa akin na magbasa.

        gumawa ka na ng bagong usapin,pre.alay sa manggagawa para timely at napapanahon.

        pero teka,hindi ba’t lagi namang napapanahon at timely ang manggagawa?ah,nali-late din pala paminsan-minsan!

      • Meron pre akong nagawa na tungkol sa mga manggagawa, nasa lumang bahay ko.

        Salamat sa suhestiyon.

        Bisitahin ko muna, baka pwede kong bihisan ng bago.

      • subukan mo ring ipasuot ulit jan sa bago.tingin ko babagay pa rin yan sa kayumanggi mong damdamin.hehehe!

  8. Awts parekoy.

    Pagkatapos ng mga panahong inipon ang mga butal na damdamin, sa bandang huli mapipilitang wasakin ang mga dingding na nag-alaga na rin naman bilang o hindi mabilang na pagpintig.
    Sana lang sa pagalpas ng mga inipong damdamin ay may kapupuntahang mabuti kahit na alaala na lamang ang natira sa iyo.

    Sana lang…

    Walang inuman?

  9. Haha magandang araw doodle-king!!!
    Bakit tuwing nagbabasa ako ng iyong akda ay parang tula ang mga ito? Ang galing mo talaga! Wala akong masabi sa iyong mga ginuhit, ang galing ng pagkakagawa. Sana hindi ka magsawa sa pagbabahagi ng iyong angking husay at galing… Ipagpatuloy mo, kaibigan. Saludo ako sa iyo!

  10. Napaka-lalim mong tao kuya duking (malamang kung tatakpan ng buhangin ay mauubos ang sa Porac maging dito sa disyerto).

    “alam kong higit ka kaysa sa lahat ng kaya kong tipunin.”

    —sa muling pagkikita niyo o maging ng kapartner mo malamang makalimutan mo lahat ng inipon mo dahil mas mahalaga ang kanyang pagbabalik, muli niyong pagkikita o first time niyong magkita.

    galing!

    Vote kuya Duking!

    • salamat themizpah.

      what more can i say?overwhelmed lagi ako sa mga comments nyong nagbibigay inspiration pa sa akin na magpatuloy sa pagsusulat.

      • hindi naman papayag ang ‘Sambablog” term yan ni kuya kulisap na hindi ka magpapa—— burger! burger! burger!

        kidding aside, sa mga artics mo kuya duking it reflects how deep and sensible person you are (hindi ito bola).

        God bless!

      • eto bola ‘to.

        sige papa burger ako!

        hahaha!

  11. hayaan mong ipunin ko ang mga lumabis kong masasayang ala-ala, mga butal na mga halik at tira tirang pangarap “duking.

    panalo sa mga letra at salitang binibitiwan๐Ÿ™‚ mabuhay ka Duking!๐Ÿ™‚

  12. This was so sad. Ewan. I think this is the best EVER.

    You really moved me, Duking.๐Ÿ˜ฆ

    • slaveboi,to my surprise…nakakaintindi ka na rin ng tagalog?hahaha!!!

      ang talinghaga’y nanunuot na rin?

      salamat.maraming salamat!

      • Oo no! Hello, kahit effort talagang binasa ko lahat! Hahaha. :p Nahahawa na ako sa mga bloggers, although di pa rin ako makasulat ng maayos! Pero talagang this one touched me.๐Ÿ™‚

      • hahaha!oo nga eh.i was expecting na sasabihin mo na nalunod ka at naguluhan.pero hindi.dahil basic lang din naman na tagalog ang lahat ng narito.at saka malamang na may alkansya ka rin.check mo paminsan minsan kung gumagaan…baka may salbaheng dumudukot ng mga laman.

        hehehe!magandang araw ulit!

  13. love the art that goes with the article. great talent

  14. aw! bakit nalungkot ako?

    bakit hanggang salita lang ang ginagawa mo kapitan hook?

    kung gusto mong sumaya e di go…kung may kelangang alkansyang basagin bakit hinde, basta worthy sya for the risk.

    • nagsisimula pa lang rin akong mag ipon ng mga ala-ala nya,tinkerbell.sa sapat na panahon,pag binasag ko yung alkansya,gusto ko na hindi ko panghihinayangan ang pagsusuma ko ng laman.sa gayon,lagi’t lagi kong maaalala na yung ‘piggy bank’ pa rin higit sa akin ang nag ingat ng mga butal at barya ng mga ala-alang kumakalansing sa aking bulsa.

      at siguro,makabibili na rin ako ng bulaklak,chocolates at card.on sekantot,iinom ko na lang ng beer.hehehe!

  15. pahiram nga ng martilyo duking, kami na babasag sa alkansiyang yan. haha

    naman kasi eh. (mangulit daw ba)
    panu kapag naisipan mo nang basagin yan tas huli na pala ang lahat? kung nasa puso mo na yung mga alaalang yun, mananatili na yun dun.

    basagin na kasi. isa pa nga, basagin na! haha

    manakaw nga ang alkansiyang yan =)) juk onle duking ha

  16. nahuli ang comment…

    gaya nga ng motto ko, “You have to crack an egg to make omelettes”

    bago may ayusin, kailangang mayrung guluhin…

    pero never pa ako nakapuno ng alkansya… siguro ngayon.. 2 jar na ang napupuno ko ng barya… lahat ng barya kasi nilalagay ko sa jar paguwi ko galing ng kung saan… minsan nagagamit pa… madalas hindi na… ipa-tubog ko kaya itong mga baryang ito… gawa ako ng bling-bling ko? hehe

  17. ahoii duki.

    …di din maiiwasan na magdalawang isip kung panahon na ba o hindi para basagin ang alkansya lalo na kung kakaunti pa ang laman pero mga alaalang di matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera naman ang nilalaman.

    P.S. trip ko yung terno ng damit ng dudel mo. dilaw, blue, green. Sa Toy kingdom ata nagtatrabaho yang dudel mo no? haha

    • hahaha!huwag mong sabihin sa akin na madalas ka pa rin sa toy kingdom?nyahaha!!!

      sa videocity yan nag ta-trabaho.di ba ganyan din yung color combi don?

      • minsan din akong napapadpad sa toyki para busugin lang ang mga mata ko.

        ganon din ba sa video city? impluwensyado ka din ba nila? haha.

  18. un naman pala. alikansyang baboy. pano yung saken gawa sa plastik. haha

    teka,,,

    parang ganto ang naisip ko..

    ipon ka ng ipon, darating ang time na babasagin na ang alikansya, pero

    wala kang plano. wala kang pag gagamitan. diba masmasaklap yun kesa sa kaunting naiipon?

    ay. hehe

    hello kuya duking.. baket gumagalaw ang doodles mo shaks!

    hanep!

    • hello jason.

      check mo yung software na ginagamit ko.it might be useful para sa’yo kase i found out na gumuguhit ka din.

      ang piggybank kase,if you don’t break it prematurely,could help a lot sa panahon na kailangan mo sya.there are times na nate temp tayong basagin pero looking back,we’ll be glad that we save it for the tight days na darating.(sineryoso ko na)

      hahaha!!!salamat.you’re an imaginative writer jason.dadalasan ko ang pagtalon sa bakod mo.

      • huwaw. sige. check ko.๐Ÿ˜€ thanks a many. lol

        gusto ko rin kasi gumalaw sila tutubi. haha!!!

        ay. heheh oo nga, kasi naman nag piggybank ako dati. naka 700pesos na tapos. nanenok pa.

        :((

  19. bakit ang galing mo duking?? taragis, sana naging babae ka na lang hahaha. teka, yong sapatos ko, nahanap mo na ba ang kapares?

    kidding aside pre, astig ng post na ‘to, i like the title, the message, and of course the doodles, PANALO. suot pa ang chucks ko, waaaaah.

  20. Hello! Haring “du”, pasensya ka na’t ngayon lang ako nakadalaw sa kaharian mo. Ayaw kasi akong papasukin ng mga kawal mo eh. hahaha. Hindi, actually kagabi ko pa nabasa tong poste mo. Kaso sa sobrang lalim at ganda ng gif, hindi naka pag comment kagad. Kaya ito, bahala na. May sense man o wala ang importante binasa ko. hahaha. Pansin ko lang haring “du”, o tatanung ko na lang pala. Patungkol ba sa isang babae ang mga poste mo? hehehe.

    Ingat ka lage at Godlbess!

    P.S. Idol ang lufet ng GIF! hahaha.

    • salamat ulit chevy.

      hindi ito patungkol sa isang babae.patungkol ‘to sa alkansya.tungkol ‘to sa pagsi-save ng barya.tungkol ‘to sa kahit anong maisip mo pero hindi sa babae.

      maliwanag?
      ok.good!!!

      again,maraming salamat.natutuwa ako sa sense of humor mo sa mga post mo chevy.mahusay ka rin sa sarili mong paraan.dahil don…IIIIDDDOOOLLLLLLL!!!!!!

      hahaha!!!!

      • Pinangiti mo naman ako sa sinabe mo. Maraming salamat! Pero siyempre ikaw parin ang number 1 idol ko sa mundong ‘to. Pero siyempre sa siyempre din si idol parin ang still#1 sa’ken. Hehehe. Na ipost ko na pala sa page ko yung kanta niya. Sa wakas! hahaha.

        Oo na, iisipin ko na kung anung gusto kong isipin. Masyadu ka depensib. hahahah. Basta yun ang nasa isip ko. Dig mo ba? hahah

        Ingat lage! Godbless!

  21. Hayss.. dukingness isang malungkot na post at ang hirap na naman intindihin, haysss.. minsan gusto ko na magdala ng first aid kit pag nagpupunta ko dito, dinudugo ako! hahaha ^^

    Ok sige eto nalang (sana tama pag intindi ko), ganun naman talaga may mga makikilala tayo at bubuo ng samut saring halaga…. minsan barya lang, kung iipunin natin ang mga yun mahirap din pakawalan. Pero mananatili tayong bilanggo sa isang kasinungalingang hindi kayang ipagsigawan sa mundong ginagalawan… Basagin na ang piggy-bank at magdiwang! Nyehehe

    • wow.thank you teetoinks.

      natutuwa ako kase nabibigyan ng iba’t ibang interpretation yung post.for every different interpretation,i can’t help but be amazed na this was from the experience na hindi ko nakita o naranasan pa.at least,i also get to know a little about other people through here.

      madami pang sanga sanga’t buhol-buhol na salita ang hahayaan kong kalasin nyo.sana hindi ka magsawa at ang lahat ng narito.

      next time,i’ll post something light.yung hindi mo na kailangang sumugod sa ER para sa blood transfussion.hehehe!

  22. as usual. isang magandang pahina na naman ang nadagdag sa pinaghahandaan mong libro! hays ang ganda ng kulay ng suot ni doodles! ^^ ganda ng color combination! astig ng green chuck taylor..

    ganda ng entry yun nga lang malungkot parin. sabi nga din ni teentoinks gusto na nya magdala ng first aid kit. ako inihahanda ko na ang mood ko pag dadalaw ako dito. ayoko ng malungkot na moment pero hindi ko alam bakit palagi akong na tetempt na bumisita dito kahit alam kong malungkot ang mababasa ko.

    “mga barya na alam kong hindi pa sapat sa ngayon upang makabili nang aking kapayapaan”

    hays, panalo sa emo..

    anyway, tanong lang po.. doodles supports noy? (nakadilaw eh) lol

    • walang libro,tol bon.mas plano kong gumawa ng oh,my doodles brief kesa libro.at katulad ng napagkasunduan natin na sobra kang excited na gawin,ikaw ang kukuhanin kong model.

      kaya sa lahat ng narito…abangan nyo yan!!!hahaha!!!

      this are stories of life.minsan malungkot,minsan mas malungkot.hahaha!i’m just playing with this words na naglalaro sa isip ko.pero maniwala ka,masayahin akong nilalang.in fact,kinukuha ako ng warner bros. para sa bago nilang project na batman.ako ang gaganap na joker.

      ang title:

      buttman and joga.

      hindi yan pambata.

  23. Doodleman! Asan na ang doodle ko? Di mo ba ko dudoodle? Haha.

    • vaj,yung next plan ko,pwede kitang kunin na model.plano ko kasing mag animate ng taong nasagasaan ng MRT as future entry dito.ang problema,di ko ma visualize kung paano titilamsik yung mga dugo at kung paano kakalat yung mga buto at laman sa makatotohanang paraan.

      tulungan natin ang isa’t isa.i’ll do the doodle of you pero you have to model for it.kita tayo sa taft avenue station!

      hahaha!!!!

  24. hindi ko ata naranasan magkaroon ng piggy bank sa dalawampu’t isang taong existence ko. *self pity. chos haha) pero alkansya na cylinder marami. pero wala din maxadong laman. hahaha. nice one agen kuya duking๐Ÿ˜€

    • ayos lang tsenn…malamang naman may life savings ka sa bangko.ang galing ng piggy bank mo.laging may security guard na nagbabantay.hehehe!

  25. winter must be cold for those with no warm memories…kaya wag mo nang basagin ang kristal na naglalaman ng mga kumakalansing na barya sapagkat di pa ito sapat upang mabili ang iyong kapayapaan…

    double meaning na naman ang entry…ang galing mo talaga… kaso ang lungkot na naman…

    pano ka ba talaga naging ganyang kagaling?

    • miss kaye,salamat!

      hindi ko din alam.ang huling natatandaan ko ay ang sabi nung doktor na tumingin sa akin nung bata pa ako.malinaw pa rin ang pagkakadinig ko sa bawat salitang binitiwan n’ya:

      ‘authistic po misis ang anak n’yo at hindi basta basta lang mongoloid.’

      yun na!hehehe!

  26. naalala ko lang bigla.. hindi ako nagpi-piggy bank. kasi madalas nate-tempt akong buksan sya pag short na ko sa pera. but i do keep a small lalagyan ng barya sa room ko. lahat nung mga excess na barya nilalagay ko dun. helpful sya pag naubusan na laman ng card ko pang-bus o MRT. barya na lang gamit ko๐Ÿ˜€

    and i do keep a memory box. nasa pinas yun sa isang sulok sa kwarto ko. andun lahat mga old memories (sulat/cards ng mga manliligaw, pictures nung bata ako, mga small notes/letters nmin nung college ng barkada ko, mga poems at kung ano ano pa). isa yun sa mga binibisita ko pag nauwi ako ng pinas. i spend few hours revisiting and re-reading them again. bumabalik yung mga masasayang memories ng kahapon.๐Ÿ™‚

  27. Pare, anong pulutan natin?

  28. wahahaha. may piggy bank ako. ano yung piggy bank na kulay gold. bale binili ko yun sa intsik. bwena mano pa nga daw ako eh. hakhak!

    siguro sa pag-iipon diyan ako expert. nagugulat na lang ako, ang bigat bigat na ni piggy bank. pero nitong nakaraang buwan lang eh binuksan ko na rin siya kasi puno na eh. tuwang tuwa nga ako eh. kasi nakaisang libo pa ako! wahahaha!

    hindi na ako magcocomment sa drawing. nakakaasar. parehas pa kaming nakakulay tae ngayon ng damit. hakhak!

  29. ay alkansya. trip ko yan kaso yung binibili ko mumurahin lang . yung buy one and take one na mahaba. hehehe

    pero may mga talaga na dapat sa umpisa lang nire-remind mo ang sarili mo na hanggang doon lang yun. lalo kung aware ka talaga.

    hay naalala ko nung iniyakan ko yung alaga naming baboy noong ibenta. pagkatapos mong patabain, kakatayin lang. hehehe

    • hoshi…kamusta?

      sige mag ipon ka lang ng mag-ipon.tapos pa burger ka!

      yun lang muna kase…wala akong masabi!huhuhu!

      naiiyak ako dun sa baboy na pinataba tapos kinatay.hindi mo na sana kinwento yun.huhuhu ulet!

  30. Nice blog. You are so cute. I think I love you.

    PS: Let’s vote for Dick Gordon and Bayani Fernando!

    Check this out:
    Gordon SLAMS Noynoy, Villar, Erap and Gibo

  31. Napaka deep naman ng post entry mo…i “bilib” u toinks! Hehe great duking keep blogging.

  32. base! aheheheh
    akala ko new post na.
    kasi naman 5 hours ang difference natin kaya hindi ako nakakabase, huhuhuhu
    partida naman diyan oh,

  33. meron din ako… meron din akung ganyan.. meron din akung alkansyang baboy.. nyahahaha… kulay blue.. marami na rin pera…

  34. aawwwww๐Ÿ˜ฅ

    sorry kung minsan kong tinangka na ikaw ay durugin.alam kong higit ka kaysa sa lahat ng kaya kong tipunin.

    minsan kailangan mong gawin yun para makapag umpisa uli…

  35. Nice animation! Known you from panyero.net.

  36. “mga barya ng ngiti at yakap,butal na mga halik at tira-tirang pangarap” – ang lakas naman ng loob mong magsabing ‘yan lang ang kaya mong i-offer. desperadong nilalang lang ang papayag sa ganyang arrangement, duking. tapos, nagsasabi ka pang isang araw, babasagin kita – ano ba? “]

    ang ibig sabihin ba nito ay madalas na wala kang naiipon at pag talagang wala na ay kinukuha mo pa ang coins mong natabi para ipambili ng yosi? :c
    duks, criterion na talaga ngayon sa pagpili ng mga babae ang financial
    stability ng lalaki. creativity is good pero dapat, may pambili pa rin ng pampers at purified water, hala…

    tapos, may gana ka pang mambasted sa harap ng publiko. hala, gusto kong marinig ang totoong kwento, haha…๐Ÿ˜€ magbukas ka kaya paminsan-minsan ng email, pareng duking?

    winter is cold, period. warm memories ka dyan… ๐Ÿ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s