and i might sink…and i might drown…

tatalon ako’t lalangoy sa kalakhan mong hindi saklaw ng aking paningin at pang unawa.kakaway at kakawag upang umusad paunti-unti sa mas malalim pang bahagi mo.nakakasawa na rin kasing magtampisaw sa baybayin mong may tiping buhangin at mahinhing mga alon na matagal nang batid ng aking mga paa.

isa pang pagkakataon ulit na maaaring mabigo.isa pang pagtatangka ulit na walang kasiguraduhan.pagbali-baligtarin ko man kasi ang katwiran kong hinding hindi na’ko susubok na maglunoy sa laot mo nang mga pangamba at pag-asa,lagi’t lagi pa rin akong anak ng dagat at pag-ibig.may hasang na hindi malasog-lasog ng kapayapaan ng pag-iisa.lagi’t laging hinahanap ang habagat ng pagsuyo’t mga alon ng pagsinta.asin ang panulat na hindi man makikitaan ng tamis,hindi naman mawawalan ng kabuluhan sa tabang na panlasa ng sinumang makakalambat ng mga talinghaga’t tula.

hintayin mo ako.isang araw,babalik ako para ilahad ang aking muling paglalakbay.

136 responses to “and i might sink…and i might drown…

  1. para kay Lee mi.ingat at goodluck sa muli mong pag-alis!

    • ahahha.. kuya pinasaya mo ako bigla… naghubad ka pa ng salawal… sayang, bakit mo pa kase tinakpan.. kita pwet..wahahha… salamat salamat.. at joke lang na nilangoy ko lang mula manila harbor hanggang doha..
      goodluck sa ting lahat.. ang saya nito kuya.. sana bukas nakaabot na ung langoy mo dito.. wala sanang tumubong halamang dagat sa katawan mo.. tenk kuya.. bangag pa ko kanina pero nawala ang power ng jetlag ko sa post mo na to.. iloveyou too..mmwahhh..=)

      • salamat lee mi.na serve ko yung porpose ng post.yun ang eksakto kong gusto mong maramdaman-ang maging masaya sa muling pag-alis mo.naligalig kasi ako dun sa post mo bago ka umalis.don’t worry…walang katapusan ang pag asa.maghintay ka o hindi,magtatagpo’t magtatagpo kayo ng taong mahal mo kung yun talaga ang kapalarang naghihintay sa’yo.mag iingat ka lagi!

    • hinde…hahaha!ako ang base ng sarili kong post.whahaha!

      aalis kasi si lee mi.para i-wish sya ng goodluck ng lahat.anu pang hinihintay mo…wish her luck!hahaha!

      • wah! basta! basta! base pa din ako! walang basagan ng trip!!๐Ÿ˜€ babasagin ko ang mukah..๐Ÿ˜€ hmp!!

        Leemi!!!

        ingats! lalanguyin mo pala papunta sa dayuhang bansa?…

    • ang totoo.. nakaramdam ako ng lungkot kahit na natatawa ako sa doodles…

      hmn.. ang una kong nabasa yung comment mong panira ng base ko… hehehe..๐Ÿ˜€ biro lang.

      I really hate so longs (i never say goodbyes)…

      siguro personally dahil madami na din ang nag farewell sa akin.. anyways…

      hindi ko maintindihan kung ano ang tono ng post na ito..

      is it hope?…

      are your tongue forging some desperation?…

      is it all about waiting?…

      hmn… basta… maganda yung post…

      Nadidistract lang ako sa bottom exposure nung bata…

      itetext ko si La Guardia for this… (tnt)

  2. ang ganda ng nilalaman kuya duking, isa kang henyo, napakalalim ng mga binitawan mong mga kataga. ang buhay at pag-ibig parang alon ng dagat sa ayaw mo man o hindi ay gagalaw ito, hindi kayang pigilan mapa maliit o malaking alon man ito.

    itutuloy ko nalang koment ko paout na ako sa opis..

    keep it up kuya

    sigurado patok na naman ito.

    • maraming salamat tol mizpah.

      hindi ako henyo beacuse this was about everyone of us.ganun tayo lagi.nagsasawang mag-isa,sumusubok kahit pa masaktan,lahat dahil sa pag-ibig.at syempre,kung tungkol sa pag-ibig ang paksa,hindi ito sa akin lang kundi sa ating lahat.

      nagkataon lang na naipaliwanang ko sya sa paraang nakakalito.hahaha!

      magandang araw.ingat lagi!

  3. muntik na din ako malunod sa lalim ng talinhaga mo, duking. at tama si themizpah, isa ka ngang henyo. siguro ang sikreto mo ay pagtalon sa ilog na inaalis ang red shorts… try ko nga yan. baka maging henya din ako gaya mo๐Ÿ™‚

    ingat na lang lagi sa paglangoy mo sa daloy ng buhay..

  4. Dukingness… Hindi ko alam kung nahirapan akong abutin ang mga sinabi mo or talagang na distract ako sa doodles mo. Ang cute… cuteeee cute!

    Newei, kahit ilang beses ka man hampasin ng alon, mahirap yun pigilan. Our life is all about choices and how we make them.

    PS. Happy trip LeeMi, goodluck!

    • salamat teetoinkss… sumaya ako bigla..=)

      • @lee mi: no prob, basta ingat sa pupuntahan ha! Ako din biglang sumaya! ahihihi

        @dukingness: hindi ako sa pwet na distract… bat ba kasi tinakpan? wahhhh…. gusto ko rin mag doodles….. *ingget*

    • tingin ko,na distract ka lang sa pwet nung bata.hahaha!

      at oo,mas masarap pa ring sumubok na makipagsalubungan sa mga alon ng buhay kaysa manatiling ligtas sa kababawan ng dalampasigan ng pag iisa.whahaha.

  5. ang lalim haring “du”! pero higit sa lahat. malalim ba yung tinalonan mo? hehehe. anggaling naman. me poste para ke Bok. gusto ko rin sana. puwede pagaya? try lang. pero siempre. mawawala ba ang comment sa ayos na ayos pa sa olrayt na gif ni haring “du”. ‘eto na. IDOL! hahaha.

    P.S. ang cute nung pagtanggal nung salawal eh nag “ayyyy!” sabay takip. hahah. isa pa. IDOL!๐Ÿ˜‰

    • salamat bok.. nawala yata sakit ng katawan ko.. ang galing nito.. ahaha.. ka-cute ga nga eh!!

      hihintayin ko rin ang pagbalik ko..mmmwah..=)

      • Naks naman, ambilis mo naman. Nanjan ka kagad sa mabungahin mong paraiso. Pinipilit ko pa naman’g gayahin ang likha ni haring “du”. heheh.

        ng galing nito.. ahaha.. ka-cute ga nga eh!! – — siempre si haring “du” ang gumawa eh. sana nga siya na lang ang presidente ng ‘pinas. hehehe

        Maligiyang pagbabalik Bok! mmmwah!

    • eto na naman si chevybo.papatulan na nga kita!

      whooooaaa!IDOL!!!

      ibang klase kang commenter!tumba lahat ng comment nila sa comment mo.basura ang website na hindi mo binibisita.ikaw at ang comment mo ang nagbibigay kahulugan kung maganda ang post o hinde.kaya maraming salamat lagi IDOL dahil approve sa’yo ang mga hamak na gawa ko.salamat salamat!!!!IDOL!!!

      • Walanjo haring “du”! bakit ngayon ko lang nakita na yung “Reply” bat’n pala ay nasa gilid ng petsa. Haist. Nabobo ako sa sarili ko bigla dahil dun ah. Dibale ang importante mahalaga at siempre higit sa bukod sa lahat IDOL! hahah.

        Ikaw lang naman ang humahamak sa gawa mo. At hindi lang naman ako ang bumibilib, humahanga, namamangha, na a-amaze at higit sa lahat napapa nganga sa mga likha mo haring “du”! Basta ito lang , one word is enuf. IDOL! wooohoooh!!

        natats naman daw ako dun sa sinabe mo haring “du”! ilabyu na tuloy. hahaha๐Ÿ˜‰

      • whahaha.hindi ko naman hinahamak yung ginawa ko tol chevibo,katunayan ka,kahit ako namamangha right after natapos kong gawin at i-post ‘to.

        masyado lang akong overwhelmed sa comment mo.don’t appreciate it much.saka na lang kapag may nagawa akong higit pa sa pagsulat lang.

        example:nangailangan ka ng extrang kidney at dinonate ko yung sa akin.hahaha!sa ngayon,huwag muna.until then,hindi ako ppayag na tawagin mo akong idol.maliwanang?clear?good!

      • kitams! kaw nga eh namangha, hehehe

        /saka na lang kapag may nagawa akong higit pa sa pagsulat lang./ – – – gaya ng pagpapauwe sa mga naapi nating kababayan’g OFWs at pabahay para sa mga mahihirap?

        pero sige, sabi mo eh. siguro naman sakto lang para sa’yo ang pagtawag ko ng /haring “du”/? hehehe.

        pero ulet, kapag napanganga ulet ako sa kamanghamazing na gawa mo. a IDOL ulet ako ha? ok ba yun sa’yo IDOL? wahahahah

        :p

  6. Nga pala, nakalimutan ko eh. pang dag dag epal lang.

    Bok! bilisan mo ang pagbabalik ha!

    Ingat ka at Godbless!

    Haba seyp trip!๐Ÿ˜€

  7. Badtrip. Bakit walang tite? Nasaan ang konsiderasyon mo? Ang katwiran, hustisya, katarungan at pagpupunyagi?

    Hi Duking๐Ÿ˜ณ

    • hahaha.salbehe ka.

      hindi lang ikaw ang tao sa mundo.ginawa kong itago ang bahaging iyon para sa konsiderasyon,katwiran,hustisya,katarungan at pagpupunyagi.

      hahaha!hi,salve.ano?kailangan mo pa ng activities sa work?marami pa kong pwedeng i share!

    • Taragis ka Slabe, balak pa naman kitang asarin dito, kaso sa comment mo palang wala na kong masabe. Nabastos mo na agad si Duking ng di kinailangan ng tulong ko. Hahaha.

  8. honga naman sabi nila seyo kelangan naka boxer short, sukat naghubad.

    nakakaaliw na mga guhit at gumagalaw.

  9. Please don’t vote for Manny Villar. Last night he caused traffic in Tabunok, Talisay City, Cebu.

    Manny Villar Caused Traffic In Cebu South

  10. Kung sisipatin ang lalim ng tubig, uulkot ang itlog ng sinumang magtatangka pero dahil may balsang lilingka-lingka, uusad ng bahagya ang direksyon ng bangkero.

    Suso lamang ang iyong makikita sa tabi at mga talangkang nangunguyapit sa gilid, pero kung papalaot ka may malalaking isda ang pwedeng mabingwit.

    Iwanan ang pangamba, tikman ang alat ng asin.

    Unos ay tiyak na nakamba, pero may layag namang, magwawagayway papunta sa tamang ruta.

    Ewan ko lang kung may sense ito Duks..hahaha.

    • palakpakan, ang ganda nito kuya!

      • may itlog at suso?

        hahaha!ayan din ang kadalasan tanong ko sa sarili ko matapos kong mapindot yung button ng submit.pero ok lang tol,tayong dalawa naman ay madaling nagkakaintindihan.

        hehehe!

      • at ang nagkakaintindihan ay tanda ng pagmamahalan, kagaya ng paglangoy, paghihintay, pagsuong sa tubig, at pagbabalik.

      • ayos tatlo na tayo nila mizpah.hahaha!

        pre,usog ng konti.may bago tayong katagayan.

      • Ay naku Tol, wala tayong panama diyan kay Pong..ang talino niyan, ang bait pa.

        Hahha..di nainom ng tuba ‘yan..gatas lang sa tsupon tinitira niyan.

      • mas malawak naman ang experience ko jan ng kalokohan.dun ko dadalin ang laban.hahaha!

        pag uwi ni mizpah,papainumin ko ‘to ng lambanog tayabas.lasing kung lasing.whahaha!

      • Hahaha. Lambanog tayabas na may nakababad pang pasas.

        Pag hindi naman tayo umuwing may tae sa brip, ewan ko lang.

        pengeng pagkain…bilis.. itinaob ang lamesa, luhaang umalis si Misis, pumalahaw ng iyak si Nene.

        Taragis na buhay ito Oo, duking..tagay pa.

      • @kuya duking and kuya kulisap

        hindi ako naimon eh, softdrinks o kaya juice nalang ang akin pero sasaluhan ko kayo sa kwentuhan. hindi naman ako ganun katalino at may mga pinagtatagumpayan din ako na kahinaan.

        kung magkikita kita tayo paano nga ba? kasi hindi ako umiinom eh, sagot ko nalang bbq at mangga si kuya kulisap ang bagoong sa kanya.

      • uminom ka ng alak dahil sa pagdiriwang.hindi yan masama,tol mizpah.samantalahin mo habang walang kalungkutan na kailangang lunurin.mas malinamnam lagi yan.pero hindi kami mamimilit kung dumating man na magkakaharap harap nga tayo.hehehe.pipilitin ka na lang naming bumili.hahaha!

        tol j.kul,yan ang the best na lason.lambanog tayabas,pansit habhab at adobong itik.samahan pa ng huntahang kahit ano lang.panalong panalo.

      • oo masarap ang pansit habhab na may suka, panis, panis talaga ang iba pa.

        Kitam di nainom si Pongkie…hindi siya si Mizpah..hahaha.

        Lasheng ka na eh…tagay pa, pasuray suray ka na..maling bahay ang napuntahan mo..kila Salbe yan..kakainin ka non

    • magpapa hot towel lang ako tapos tuloy natin mamaya paglabas ko ng bahay nila.hahaha!

      • tao po?!!
        ano mga kuya? kaya pa?
        may Nido akong dala dito kuya Mizpah! basag na ata yung dalawa e, one-on-one na lang tayo.๐Ÿ˜€

        …pasensya na, as usual, latecomer talaga ko pagdating sa mga tagayan. May matutungga pa ba ko jan? tamang-tama pulutan, nilagang sisiw. Dalhin mo si Salbe para may sawsawan.

        mukhang ‘sing lalim ng iyong mensahe ang katubigang nilangoy ng malaswa…este, maharot mong dudel.

        tagay pa…

      • sapat lang tol bert.huwag si salve.hindi sya nababagay sa mga lugar na may mga naglalasing.

        mabuti pa,gawin na lang nating pastillas yang nido mo at ipamahagi natin sa nag gagandahang dilag ng wordpress.

        pero hindi na lang.solohin na lang natin yan!

      • @ Jakul, hindi ko talaga alam bakit nasingit na naman ako sa usapang ito, pero andito na ito, ano pa bang magagawa ko kundi makisawsaw?

        @ bertcontrol, magiging maasim ang sawsawan nyo (ako?), swak na swak sa dala mong Nido.

        @ themizpah, kung hindi ka umiinom, pwedeng sumayaw ka na lang? Para naman maaliw kami sa iyo.

        @ Duking, hi.๐Ÿ˜ณ

      • ‘ta n’yo na?

        napupunding ilaw na naman si salbehe!hahaha!!!

      • Ahahaha, ang daming lasheng.

        Bakit si Salve, sumunod pa dito.

        Wala ka tol, di pa kayo nagsasama sa iisang bubong, Andres ka na tol.

        Papayag ka ba niyan, habang tumumotoma eh, nakabantay si barkadang Salbe mo?

      • asd hgoi0 laidgd’;g’89-0+_(+_7%%^#vjs jkh s.,./siydyyge/; vy…tagaayii mo paii tolllaa…

        …wistswist.

  11. ei, nice site! thnx for the visit! nakikidaan lang..๐Ÿ™‚

  12. hindi ko maarok ang lalim ng nilanguyan mo tol…

    gaano man kalalim o kalayo ang abutin ng paglangoy ko babalik at babalik ako para don sa pulang short sayang eh baka may ibang makakuha๐Ÿ™‚

    • ay,sphere na.

      dapat spear.para astig.para matulis.para nakakatusok.hahaha!

      iniwan yung short dahil mas masarap ang hubad.feeling bagong panganak.malayang malaya.whahaha!

  13. ang cute haha pula pa talaga ang shorts!! ASTIG WAAAAAAAAA! todo todo ingget nako sayo talaga! iniisss bat ang galing galing mong mag doodles! noodles lang kaya ko haha.

    anyways. pede ng gumawa ng book! suportahan ka namin!!

  14. bwahhhhhh. wla tlga aq mssb natwa aq!! ikaw b yan duking ehhehe.. hamishu dukz!๐Ÿ˜‰

  15. ang cuteeeeeeeeeeee!!!!! wahahahaha

    basta! tiningnan ko muna sya ng matagal bago ko simulan ang pagbabasa, ini-expect ko kasi na may something deeper version na katumbas ng doodles mo…

    at di nga ako nagkamali…nalunod ako…hahaha

    ang galing mo kapitan hook!…bow na talaga ako.

  16. wahahahahaaha!!!!!

    syet! anong klasenng doodle yan. parang batang maliit ang bida. wafakels. gusto ko rin lumangoy.

    binasa ko wala na naman akong naintindihan. nakakaasar naman o. hakhak

    basta yung drawing ang kwelaaaaaaaa!

  17. aba napaka-significant kaya ng asin. pampalasa, pampa-tigas ng yelo sa sorbetes at ginagait pa para sa artificial rain. eddie bongga ang mga asin nitong el nino.

    so paano kung ang love mo eh eddie sweet?
    eddie saltie! nyeknyek

  18. may tanong ako ser duking. di ko alam kung nasagot niyo na at hindi ko lang alam pero..

    wala ka po bang plano na ipublish ung mga works nio? i mean, in print or in web (pero dun ako sa print hehe). wala lang. kasi kung publishing company ako e inisponsoran na kita.๐Ÿ˜€

    • wala tsenn.this is the best place para sa mga doodles ko.right here,sa gitna ng maliit na crowd ng very appreciative people ng wordpress.

      saka at least,hindi maipapambalot ng tinapa yung mga pages.hehehe!

      • waw. natutuwa ako sa humility.
        god bless u more, ser!๐Ÿ˜€

      • it’s part humility,part reality,tsenn.

        no need to adress me as sir,kuya na lang since mas matanda ako sayo ng siguro mga tatlong appearance ng halley’s comet.

        whahaha!!!

  19. ang haba ng doodles ah. ang galing! ahehehe… at ang lalim.

    • malalim nga, beeftapa, muntik na nga din ako malunod.. hehe..

      yaan mo sasagipin ka din daw ni duking.. ala nga lang saplot..๐Ÿ™‚

    • tol beef,42 frames ‘to.

      medyo masakit sa mata at sa kamay.pero ang nakakatuwa sa gif image,parang sirang plaka na walang katapusan ang 5 seconds ng animation.

      @ATGBP:hmp!

    • magaling talaga si kuya.. sa susunod siguro mini series na yung gagawin nya.. =)

      panalo ang tyaga ni kuya.. pag natuklasan k ng pixar.. gawa ka pa rin doodles for us ha..=)

      • masarap sana gumawa ng full lenght animation,lee mi.pero bago ko siguro gawin ang pag gawa nun,kailangan ko munang manalo sa lotto o ‘di kaya’y mang holdap ng bangko.and then,i could forget everything at mag doodles na lang ng mag doodles.until then,short clips na lang muna.

        salamat!

        whahaha!!!

      • hmm.. kung may pera ako.. mag-iinvest ako sa’yo Kuya.. at goodluck sa ngawit ng kilikili mo sa pagdoodles.. =)

        hehe.. ang sarap mangarap para sa karir mo ..

      • hahaha.mas masarap pa rin ang walang pangarap.walang disappoinment at laging may reason para matuwa if ever anything happens more than the usual.

        kaya sige,sayo ko na iaatas ang pangangarap para sa akin.ingat lagi lee mi!

      • wahh.. naatasan pa akong mangarap para sa kanya..

        sabagay..pag walang pangarap..walang hassle.. walang ups and downs.. pag tinamaan ng panahong masaya.. mas masaya ang hindi inaasahan..=)

        sige..hindi na rin ako mangangarap.. hihiga na lang ako sa damuhan at papanoorin ko ang doodles mong may bumabagsak na bulalakaw..=)

      • sige lee mi mag-ipon tayo habang nasa abroad pa tayo para maka invest tayo sa doodles ni duking.. hehehe..

        duking, it’s a deal!! antayin mo kami ni lee mi.. hahaha..

      • ayoko nga.tas kayo magiging boss ko?mag du-doodles na lang ako sa dahon ng saging.hmp!

      • o sige ganito na lang. ikaw na lang ang bossing. turuan mo na lang kami ni lee mi mag-doodles. hehe..๐Ÿ™‚

  20. NSFW na pala tong blog mo Duking.

    Pero salamat. Napangiti ako.๐Ÿ˜‰

    (Kahit hindi to for me. Hehe.)

  21. una na22wa ako sa mga .gif mo. kakaaliw LAHAT.

    paturo mag swim?
    i, now na.๐Ÿ˜†

    • salamat sows.

      and thank you.

      kampay kampay lang.dalawa lang ang mangyayari.magugulat ka na nakakalangoy ka na pala o higit na magugulat lalo kung bigla kang nakalipad.

      basta kampay lang kampay!

  22. Gaano na ba ko katagal hindi nakadalaw dito at di ko napansin agad na colored na pala ang mga doodles mo!

    Grabe! Idol cute nung bata… sarap mag swimming… hehehe

    • ‘sya sige.hubad at humabol ka na anna.

      maraming salamat sa muling pagdalaw sa munti kong lugar.

      natutuwa ako na muli kang napadpad dito,anna.

  23. wahaha natawa ako. akala ko nangangati sa may singit yung bata! gusto ko na sanang isipin na nakagat ng langgam eh. (naku, nag aadik adik na naman utak ko)

    buti ala syang balat sa pwet anu? at trip mo talaga yung mag-isa ka lagi?

    bow pa din ako sa dudels.
    aymyur abid FAN๐Ÿ˜‰ galing!

    • whahaha.hindi ko trip na mag isa lagi.there are times siguro pero not all the time.

      pamahiin lang yung balat sa pwet.kaya kong patotohanan yan kase may kilala akong bata na may balat sa pwet pero he was all luck at sa lahat ng tao sa paligid nya.

      mas badluck pa rin yung mukhang pwet pinanganak.hahaha!

  24. late na ba ko? wahahah. indi ko makita ang doodle mo ngaun. pero mukhang nakaktuwa. apir!! check ko ibang browse. anyways. ang tatag mo sa 42 frames..

  25. Duking, dinudugo ba ang etits mo ng mga panahong yan kaya may naiwang kababalaghan sa tulay? Haha.

    Sayang hindi ako malaglag si Salbe ngayon, hardcore ang comment nya eh.

  26. Ahay! Nakita ang iyong yagbadoodles!

  27. hong gondo lang!!!!!!!! hohoho… doodles alablabyu na hahahah! bakit kasi nagalaw natutuwa ako๐Ÿ˜† kanina pa ko dito nyahaha…

    mejo nalalaliman ako sa mga sinabi mo ang daming interpretation ang nabuo sa utak ko… ganunpaman, ano man yang nilalanguyan mo ngayon alam ko kayang-kaya mo itawid yan.

  28. saludo ako sa mga taong may tapang at lakas ng loob na bumaybay sa malalim na bahagi ng misteryo ng buhay. Hindi kasi ako marunong lumangoy, for one. Dumudugo pa ang ilong at tenga ko sa lalim ng tagalog mo. Hanap lang ako ng blood donor.hehe

    Paumanhin at ngayon lang muli nakabisita… nag-crash ang PC ko… ni-reformat ko pa…

    kamusta na, duking?

    • ayos lang md.ayos na ayos.

      regular din akong mag reformat ng pc.mahilig kasi akong mag install ng mga softwares na tinetesting ko.kaya ayun,pabagal din ng pabagal.

      salamat sa muli mong pagdalaw.

  29. nakita na ba ang pares ng sapatos??

    galing naman ng noodles…doodles hahaha.

  30. Ahehe. Not safe for work po, Duking. Kasi naghuhubad ka na eh.๐Ÿ˜‰ Pero ayos lang if it’s for love, ayon pa kay Lee Mi.๐Ÿ˜‰

  31. Duking, ay lee mi pala, pakoment naman sa poste mo, ay ni duking pala, ang sweet mo naman lee mi, ay duking pala, oo nga umalis ka na ulet duking, ay lee mi pala, good luck sa isang taon ulet ng pagiging bayani. Mabuhay!

  32. Hindi naman pala para sa akin ‘to. makaalis na nga! haha…joke lang. Maganda lalo na yung animation. Pero napakabilis naman yata niyang lumangoy.

  33. kumusta naman ginoong duking?

    wala pa rin bang bagong poste? wala lungs…

  34. minsan nagpaanod na din ako sa napakalinaw na dagat.. napakasarap magpatianod sa bahaging iyon.. subalit ng lumalim na nakalimutan ko hindi pala ako marunong lumangoy… toinks!

    ewan lang kung susubukin ko pa uling magpatianod .. hindi ko alam kung kelan nakakadala kasi.. pero gaya ng sabi sa tula hahanapin ko pa rin ang habagat ng pag suyo at pagsinta .. toinks pa uli

    maiba ako ang galing naman nun talagang naghubad pa eh! haydol๐Ÿ™‚

    • adel,mananatili ang dagat ng pag-ibig,lusungin mo man o masdan lang mula sa safe na bahagi ng kinatatayuan natin.we could always try and fail or never try and never know how close we are to learn how to swim in lifes’ stream.

      hehehe!!!naging sabog na jigsaw puzzle ako sa blog post mo.whaaaaaa!!!!

  35. ang cute naman ng doodles, nakakaaliw. hehe

    hanggang sa muli!๐Ÿ˜€

  36. waaahhhh…. bold! sensored! MTRCB! MTRCB! hahaha..

    nakakaaliw, nakakatawa. astig.๐Ÿ™‚

    parang feeling ko isang buong linggo siyang pinaghirapan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s