deep down in your love lake where the sweet fish come and go…

paano nga kaya kung wala ka?kung hindi ka nakilala at hindi nasagi ang buhay ko ‘ni minsan?ako kaya’y ako pa rin?makikisabay sa mumunting alon na hindi tiyak kung pahuhupain ng mga pinong buhangin o dudurugin ng mga batuhan ng buhay…

sa hindi bibihirang pagkakataon,sa dalampasigan ng aking lumbay at kawalang katiyakan kung makikita pang muli ang lalim ng dagat ng pag-ibig,lagi pa ring dumarating ang sinag ng bituin mong nagbibigay sa akin nang isa pang pag-asa at pagkakataon.pinapagpag ang dumi ng aking nakaraan at mga alalahanin,masuyong hinahaplos ang aking kakayahang magtiwalang muli at bumubulong nang mga pangako na laging mananatili ang kislap at kulay sa anumang bituin na hindi sumusuko.

minsan tuloy,gusto ko nang maniwala na sa pagitan ng napakagandang langit at kapayapaan ng dagat…maaari ring mabulag ang napakagandang northstar na gaya mo sa mumunting kislap ng pagsuyo na galing sa starfish na gaya ko…



100 responses to “deep down in your love lake where the sweet fish come and go…

  1. omg!! i lyk dis so so much! hang danda!! πŸ™‚
    yipeeee nauna aq 4 d first tym! ahehehhe. apir!

    • haizzzt sobrang mapuso ka duking! en hu’s d lucky gurl?! say hi to her 4 me ok πŸ™‚

      • kukwento ko sana sa’yo kayedee kung hindi lang ako inaantok at kailangang gumising para harapin ang bwisit na lunes na hindi pa mawala-wala sa pisngi ng kalendaryo.whahaha!!!

        tulog na ko.goodnight,kayedee!!!

  2. isa sa paborito kong tanawin at diskriptshun…..kapayapaan ng dagat.

    ganda ng pagkakagawa mo, pero baket auburn ang hair ng gurl?
    type mo ba magdye ng ganyang kulay si Salbe?

  3. ang ganda naman! makulay ulit. ganda din nung girl bagay yung dress nya. isa na namang masterpiece ito, dukingπŸ™‚

    at yung story, as usual malalim ang pinaghugutan. kung nag-e-exist man ang girl na yan from northstar, i’m sure nawiwili din syang pagmasdan mula sa langit ang (green) starfish na gaya mo.

    magandang araw!πŸ™‚

  4. hay naku duking, pwede bang kidnapin nalang kita…haha, galing mo talaga…

    i wonder, if that girl exist, i know she will easily fall for you, just show her what you had been written here.

    aw! ang cute nung girl.

  5. Hi Duking.😳

    Alam mo bang ayaw ko ng starfish? Mahabang paliwanagan ito, pero ayaw ko talaga sa starfish.

    You are my only exception.

    Nakanang English yan!

  6. Bakit mo naman kinumpara sarili mo sa starfish eh walang utak yung mga yon?

    Joke lang Dukingsters. Hindi kase ako makareact sa level ng seriousness mo. Itingala mo lang yan. Ang northstar eh bituin lang din, tayo lang ang nagbigay ng pangalan sa kanya para mag mukhang espesyal. Pwede tayong mamili ng ibang bituin para pangalanan den para may bago na tayong gabay.πŸ˜€

    • hindi ko alam kung sasabihin ko bang madali lang gawin ang payo mo,vaj.sa sobra kasing dami ng nagkikislapan,ang hirap hanapin sa susunod na gabi yung nagustuhan mo sa nakaraang gabi.pero ang northstar,laging gabay…laging naghihintay.parang faith…parang destiny.

      naks!!!although syempre…mahirap umasa sa galaw ng mga bituin at ang dala nilang mga kapalaran.pwera na lang kung ikaw si queen seundok!hahaha!

  7. prinsesamusang

    uy cheesy!

  8. nakupow… usapang pag ibig…

    hehehehe… wag ganun… nadadala ako sa mga kwentong ganito eh… hehe…

    at northstar pa talaga… sosyal..

    • hi yhen…

      inaagos ka rin ba?iwasan mong agusin sa mga batuhan.

      higit kasi ang northstar sa lahat ng bituin.at alam natin lagi kung saan sila makikita kada titingala tayo.

  9. you’re a very romantic person…:)

  10. wehh. ang ganada naman.. firstime na nagbida ang babae dito…(first buh?) wehehehe…
    master duking.. hindi talaga nawawalan ng puso mga post mo dito…
    halatang may pinangagalingan..

    sino kaya nasa puso ni master duking…

    • whaaaa…

      ibig lang sabihin eh first time na naging subject ang babae sa artwork.hindi naman,lagi namang bida ang mga girls sa aming mga lalaki eh.in fact,kami nga ang laging kontra bida.

      cut!!!
      pack up na tayo!!!
      naubusan tayo ng film!

  11. naks naman.. starfish ka ba?.. alam mo bang mabaho ang process ng pagpapatuyo nun?.. pero pag nagtagal pang sa wala dagat, namamatay din.. natutuyot..
    ngayon ba’y sinuli ka na nya sa dagat? o part ka na ng malaking aquarium ng artipisyal na pangarap..
    akin ka na lang, malaki ang sanctuary sa isla.. starfish..

  12. Bakit ba pagdating sa mga post mo eh wala ako masabi nasabi mo na ang lahat ng pwedeng sabihinπŸ™‚

    Don Romantiko!

    • hindi pa anne…may sasabihin pa ako…may sasabihin ka pa…walang hanggan ang pwede nating sabihin.kaso lang,limitado minsan ang oras nating mapakinggan.

      kaya ibubulong ko na lang…’shwww…shwww…shww’

  13. ikaw pala ang star fish, akala ko nagwish lang yung babae.

    doon ako sa second paragraph, malaman at may pag-asang nababanaag.

    galing!

    Be blessed!

  14. kala ko palaka.. un pala.. starfish yun..πŸ˜€

  15. wow, girl naman ang bida.πŸ™‚

    ang ganda talaga ng doodles na may kulay, apir!

    siguro, kung hindi mo siya nakilala, hindi ikaw ang ikaw ngayon dahil madami siyang naibahagi sa pagkatao mo (syempre para may masabi lang ako, ehehe).

    nice one. love the colors once again.πŸ™‚

    • pagmay nasasagi tayo at may nakakasagi sa buhay natin,may mga bagay na nag-iiba lagi.ganun yata talaga ang physics.hehehe!

      magandang manang!

      este,magandang araw manang!

  16. huwaw may kulay na at wagi ang ganda…

    naku ako may pilit akong tinitingalang tala sa buhay ko nung nangawit ako nagpahinga ako ayun siya mismo kusang yumuko…πŸ˜€

    • thats good to hear,jowyow.at least may isa nang patunay na totoo yung huli kong paragraph.hehehe…

      siguro nga…lumilipad din ang saranggola sa ulan!yehey!!!!

  17. hi duking.. medyo matunog ang iyong pangalan… hehehe. at matagal ko ng binbasa ang mga post mo… at pinapanood ang mga doodle mo. heheh natutuwa akong panuorin sila.. heheh u should teach me.. hehehe. apir!!!!

    setting aside the doodles., heheh.. ang nagugustuhan ko tlaga ay ang pag susulat mo.. punong puno ng emotion ang bawat linya.. ng mga sanaysay mo.. apir!!!

    napansin ko.. the last time i went here. black & white pa ang screenn.. heheh ngayon de color na.. apir!!! gusto ko yan.

    machongbutiki nga pla mula sa kbilang pahina ng iyong mga pahina…πŸ™‚

  18. salamat sa pagdaan machongbutike at sa pagko komento rin.labis akong nagagalak na nadaragdagan paunti unti ang nakikilala dito sa wordpress.

  19. sa bagal ng innernet ko… mauuna pa ang comment na ito bago ko makita ang starfish…πŸ˜€

    tama ba ang basa ko sa itaas? fictional ito?! napakagaling naman kung ganun…

    limang palakpak out of limang palakpak sa’yo duking!

  20. Aw. This was sweet, Duking. For the first time, di ako masyadong na awa sa girl. LOL.πŸ˜‰ Joke lang. Pero ang sweet at ang colorful! I like it. :p

  21. ang ganda naman nun… haizzz naalala ko tuloy sarili ko sa dagat noon bakasyon wahahaha pero walang hawak na star fish..

    galing mo hahayzz parang gusto ko na uli magmahal kahit star fish pa ahehehe

  22. huwaw! ang galing ng pagkakasalaysay duking!

  23. Tang inumin mo huwag Milo.

    Sensya na pre, hindi ko malasahan ang itinitipa pero palagay ko sa sobrang husay, wala na akong masabi.

  24. miss.dr4g0nfLy

    ay ang kyut.
    ahahays, dudels mo pa lang, panalo na duking.

    mahilig ata si cute girl sa sea shells, ang layo ng pagka hagis ni istarpis eh. haha.

    • ginagawa nyang shuriken ang mga starfish.gusto nya kasing maging ninja balang araw.whahaha!!!

      kung anu ano na lang ang sinasabi ko pero ang totoo…gusto ko lang mag thank you dahil bagay sa mga kyut na gaya nyo ang mga kyut na doodles ko.

      hinde?ok….

      hahaha!!!

  25. parang sa mga napapanood kong anime na pang-umaga ang drawing mo ngayon like gerogie, charlotte and princess sarah

    and in fairness ha, mahirp ang humawak ng star fish. at nakakahalina ang itsura nito.

    • hindi naman sila kasing sakit mang sting ng jellyfish pero dahil hindi tayo araw araw humahawak…medyo awkward ngang hawakan kapag nakakakita tayo nito sa beach.

      magandang araw hikorihoshi!

  26. galing naman… talented one.. awesome!!!

  27. hihi. ang title mo galing sa song ni Don Mclean. Hala duking.. like na kita. pareho tayo ng taste. lul

  28. nice nice, babae naman ang bida sa doodles mu, astig talaga as everπŸ˜›

    panu na lang kami kung wala ka..

    wala kaming doodles na aabangan,:P haypayb!

    • aubu,papano na lang kung wala ka?

      ikaw lang kasi ang nagkokoment ng dalawang ulit at iisang message lang.oo,tinanggal ko na yung isa para naman di na rin ako mahirapang mag comment ng parehas ding comment.whahaha!!!

      i appreciate all the appreciation that you’d been eagerly appreciating to share.whahaha!!!thank you aubu!

  29. Galing!

    Kelan ko ba makikitang masaya yang starfish na yan? Gaya ng sabi mo maganda ang langit at payapa ang dagat, they are different but both beautiful, Everything blooms according to its own nature. (san ko ba toh nabasa?) ^^

    Ciao Duking.. ingats!

  30. bale gusto ko sanang magkomento sa mensahe ng poste kaso masyadong malalim eh. kasing lalim ng dagat. hindi ko mareach. pero marunong naman ako lumangoy. hindi nga lang marunong sumisid. hakhak!

    masyado akong natuwa sa gerl. ang pagkakakuha niya sa starfish tapos pinaikot-ikot lang tapos sabay tapon na parang pinagsawaan. ang solido. feeling ko may lahing ninja itong si gerl eh. ginawa ba namang shuriken ang starfish. at mas pinalupit sana pumulot din siya ng seashell na hugis croissant kung meron man at ihahagis din niya na parang kunai.

    OKAY! ANG LAYO KO NA! NAGPAPAKANINJA na naman. aym sorry.

  31. Kumustasa Dukingsters? Peram naman ako ng sapatos mo, may jojogging lang ako sa circle.

  32. hello haring “du”!πŸ˜€ ou, gaya ng sabe ni eloi. ang lalim ng post na ‘to. pero tingin ko naman dig ko ‘to kahit papa’no. at! nagustuhan ko yung huling paragraph. yung northstar girl at ikaw bilang isang starfish. asteeeg! at ang pinaka astig sa lahat yung gif na gawa mo nanaman siempre! idol!

    magadang araw sa’yo!πŸ˜‰

    • haring ‘du’ ka jan,chevybo.papadakip na talaga kita sa mga kawal ko eh.sinabi nang hindi ako hari eh.ako ang payaso ng hari.whahaha!!!

      salamat tol pero drop mo na yung ‘hari’ at ‘idol’.nahihiya tuloy ako eh.

  33. naks naman me ganun, pa’no yan. nacomment ko na yung haring “du” sa latest post mo, tsaka keri lang naman eh, bagay na bagay.hari ng mga gif’s naks!πŸ˜‰ ang hindi ko lang keri eh, hindi ako makabase kahit isa man lang sa mga post mo. hahaha.

    magandang madaling araw sa’yo!

  34. …idol mo pala ata si patrick the starfish men!

    karaniwan nang maraming naiilang humawak sa lamang-dagat na yon kaya madalas mo lang siyang makikitang nakakalat sa dalampasigan, nagsesenti, nagiinom, emo, naghihintay na minsan sana’y masinagan ng ‘morning star’ at may dumampot at arugain sa isang aquaruim na pinalamutian ng makukulay na pagmamahal…..at kalauna’y isahog sa pakbet.
    πŸ˜† saludo pa din!

  35. flattopsatcurlytops

    alam mo, ang naka-attract sa akin sa post mo na ‘to, yung doodle mo.. favorite ko ang ganyang kulay — blue.. hahahahaha mahilig ka sigurong manood ng spongebob? tapos ang favorite mo si patrick no? hehehehe

    darating ang araw o gabi, babagsak din sa yo ang northstar na hinihintay mo.. wag ka nga lang mainip..πŸ˜‰

  36. helloo. drowing pa lang, ang ganda na. gusto ko ring punta sa dagat, now na!

    “pinapagpag ang dumi ng aking nakaraan at mga alalahanin. ” anak ng tipaklong, pamatay sa pagka-romantic, hi, hi…

    may tanong lang ako – ilang beses ka ba nabasted at nakaipon ka ng sangkaterbang hinagpis?πŸ˜€ whahaha… ang galing!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s