i hate to see you go but i love to watch you leave…


‘para sa hindi marunong magmahal,ikaw na yata ang kaibig-ibig na nakilala ko…’

hindi ko makakalimutan ang mapait na ngiti,ang huling salita bago ka tuluyang sumakay ng bus at unti-unting tinanggal ang aking kamay sa pagkakahawak sa kamay mo.yun ang unang pagkakataon na hindi ko isiniwalat ang aking depensa sa sinabi mo.hindi ko na nasabi ang itutugon ko sana.

‘para sa aalis na alam kong hindi na babalik…lagi akong maghihintay…’

sisihin ako ng lahat sa iyong paglayo.magiging kasalanan ang pagtawa’t paglilibang kung hindi ka na babalik.mangangalabit ang bawat posteng nagtataka at magtatanong kung bakit hindi na kita kasama.sisitsit at mag-uusisa ang bawat kawaling kakapal sa uling kung bakit ako na ang nagluluto ng almusal sa umaga.bibingihin ako ng alingawngaw ng katahimikan ng kwartong puno dati nang hagikhik mo.tititigan ako ng masama ng TV dahil ikaw dati ang kinasanayan nyang kaharap.bibigtihin ako ng umiitim na kwelyo ng polo ko para parusahan ako sa kakulangan ko ng alam sa paglalabang ikaw dati ang gumagawa.gagawin akong katatawanan ng kape at juice dahil lahat sila’y maglalasang champoy.sasakalin ako ng kurtinang pinakapal ng alikabok at mamamatay din ang pitcher plant sa uhaw kagaya ng unti-unting pagkamatay ko sa iyong pag-alis at higit sa lahat,sino pa ang mapagsasabihin ko na ‘mahilig,ako sa maganda at matalino pero para sa’yo…i’ll make an exception!’?

pero ngayong gabi,naisip kong hindi ka na hintayin…dahil hindi bagay na tumupad sa PROMISE ang ASSHOLE na gaya ko…



109 responses to “i hate to see you go but i love to watch you leave…

  1. napapagod na ko magcomment dito. paulit ulit lang naman nasasabi ko. WOW, ang ganda, ang galeng. kasi lagi naman ganun gawa mo eh. anu pa ba bago? SUPERB! AWESOME! GREAT! hay, paso na yan para sa magaling na artist gaya mo. ay sus napapangiti oh🙂

    pero sige na nga magko-comment na nga ako ng mejo me sense..

    mas gusto ko sya ngayon kasi makulay… malamig sa mata.. at panalo pa din ang story..🙂

    • makulay yan kase kumain ako ng sinabawang gulay kanina at panalo din yung story kahit parang talo yung nag kwento.

      dahil ikaw ang unang nag comment…ang masasabi ko lang bukod sa thank you ay…SUPERB! AWESOME! GREAT!hehehe!

  2. pero ngayong gabi,naisip kong hindi ka na hintayin…dahil hindi bagay na tumupad sa PROMISE ang ASSHOLE na gaya ko…

    hmn.. ang lalim ng pinaghuhugutan nito ah?… hmn…

    copy paste din ang comments ko:

    galing!

  3. for real? nakakaemo naman. sabayan pa ng pangatlong ulit nang pagtugtog ng my heart has a mind of it’s own ni christian bautista sa background. watda~ hahaha!

    oh well basta namiss ko dito. apir duking!😉

  4. di pa mabuo ang art kaya di pa masisira ng paghanga ko sa art mo sa kawalan mo ngayon..,

    hindi lang pala ikaw ang nawalan, sya rin, at ang mga dala nyang alaala ay magpaparusa sa kanyang natapos na ang araw araw na kasama nya ang di binagayan ng marunong tumupad ng promise ang a*sh*le na yun!!

    tanong: may binabagayan ba yung pagtupad sa promise?

    • leemi,bakit mo ako ginaganito?anung kasalanan ko sayo?what did i do wrong to deserve this?whaha!

      walang binabagayan ang pagtupad ng pangako.pero para sa akin,kung tutuparin mo ang pangako,nakakapagdagdag ito ng self respect,kung ang pangako mong tinupad ay para sa ibang tao,nagdadagdag ito sa respeto nila sayo.pero kung nangangako ka naman ng magagandang pangako at hindi mo tutuparin,malamang na isa kang politikong mananalo sa darating na eleksiyon.hehehe!

      • U did no wrong to me my love. But while your art touch my very soul and your words wake my aching heart, the promises that was gone still proves that maybe one day we’ll make it into life..(aray..dugo utak ko..=)

      • oh how sweet are your words…

        there goes the answer to the sugar crisis!!!whahaha!!!

  5. napsok mo aq s post u na e2 h! ‘mahilig,ako sa maganda at matalino pero para sa’yo…i’ll make an exception!’? gus2 q to! hang swit…

    hindi bagay na tumupad sa PROMISE ang ASSHOLE na gaya ko… ncurious aq bakt bkit bakit?? hmmm ^_*

    • kabaligtaran kayedee…i just used the words bago pa nya magamit sa akin.at least she would hesitate when she already heard it from me.try mong sabihin sa bf mo dali!hehehe!!!

      breaking promises is what an assholes’ do best!

      at least dalawa na kami ni vajarl…whahaha!!!

  6. Atlis marunong ka magluto diba? Ako kase nagpapaluto pa sa lola ko ng almusal. Hehe.

    Pwede magshare? Ako mahilig sa gwapo wala na kong pake kung matalino o hinde. Ayoko lang ng bobo, gusto ko makakasabay sa utak ko. Pero hindi ko gusto ng katalinuhan masyado.

    Apir tayo Duking. Pareho tayong aminado na assholes tayo. Haha. We have to give it to ourselves, not a lot of people are willing to admit to it. There are a lot of pretentious people that would try as hard as they can to sound like a nice person. That just doesn’t work for me.

    At isa pa, ANDYAN NAMAN SI SALBE.

    (Salbe ayan nirereto na kita ah. Libre mo ko bukas.)

  7. hmmmm wala akong masabi sa text

    sa drawing oo, ganda ng color combination. like it!

  8. ayan colorful na ang drawing.🙂 nice.😀

    kaso anlungkot pa din ng text?

    • ok lang yan nars…nabantuan naman ng kulay yung kalungkutan ng text eh.

      magandang araw!

      • hiling ko na sana balang araw maging mas masaya ang mga salita kasama ng mga larawan.🙂

        more colorful doodles to come ha? hehe. (demanding)

        magandang araw!

      • ine explore ko pa kakayahan nung software na mapahiran ng kulay.susubukan ko rin gumamit ng mas masasayang salita.

        salamat ulit manang na nars!

      • at syempre magcocomment pa din ako. hehe. (pinahahaba yung thread?) anyways, no pressure, kung malulungkot talaga ang mga salitang gustong isulat, walang pakialaman, hehe. basta continue to draw and write, kung hindi mawawalan ako ng isa sa madalas tambayan. hehe.🙂

  9. Kung may isang tinedyer na maniningalang pugad sa kaniyang sinisinta, palagay ko nanakawin na ang mga salitang nagmula sa katas ni Duking.

    Da best.

  10. Duking, is there any chance for us to see how you really look like?🙂

    Question lang. Wala lang.🙂

    As usual, ang galing ng art.🙂

    • ‘noo’y hindi pu-pwede…
      sa wordpress ang ‘di pogi
      ngunit naglakas loob syang mag-iba…
      sa taglay na katapangan…
      kay dami ang nabuhayan…
      kung kaya’t kami ngayo’y marami na…

      one word,slaveboi-P-A-N-G-E-T!

  11. sabi nga “you will never miss the water until it’s gone.” mapagtatagumpayan mo iyan kasi nakapagdesisyun ka na!

  12. salamat! you always make me smile evrytime na may bago kang post…
    🙂

  13. duking… kamahalang duking… wala na ako masabi.. pepe na yata ako.. matalino ka talaga… lahat nalang nagagawa mo.. bow..!!!

  14. Tumatanggap ako ng assholes.

    Hi Duking😳

  15. in perness pareho mo ng sapatos ung nakadrowing, pero me kulang….
    ah ayun sa taas si Salbe.

  16. heto na naman tayo. ang lungkot na naman. pero ang drawing ang cute pa rin. nakakaasar. naiinggit talaga ako sa drawing. wafakels.

    gusto ko ang last line. ang lakas ng tama eh. wafakels. parang nang-aano lang eh. hakhak

    basta promises are meant to be broken.. pangako lang yan. pero kapag swear na, iba na yan. tuparin na dapat. sumpa na yun eh.

  17. waw, kala ko cheezy. un pala. anu ba? hmmm, cheezy paren. hahah. padaan lang, pero mukhang mapapadalas ;p. ang astig ng mga gif’s mo. idol!

  18. Hi sa lahat pde bang sasali sa clan ninyo…?

    Ito lng muna bcoz im not yet registered in your clan….

    Pa register ako huh….
    😀

    • magandang araw frankie…sa pagkakaalam ko,wala namang clan.makigulo ka lang and i suggest na check mo yung blogsite nung ibang nandito.check mo yung mga nasa crossroad encounters sa gilid.

      the best yung mga anjan!

      • frankie,hindi ako normal…sobra kasi akong romantiko at mapagmahal kumpara sa normal na tao!hahaha!!!!

        kaya ayaw ko rin ka clan yang si green bell pepper na yan.hay gulay!!!

    • hi frankie.. ano na latest sa showbiz?🙂 di na ko nakadalaw sa site mo.. busy-busyhan lang..

      wala pong clan dito.. at hindi ako papayag na ka-clan ko si duking.. normal akong tao.. wehehe🙂

  19. habang binabasa ko naisip ko ang kantang “Kwarto” ng Sugarfree… emo ka na naman duking? (sige, basagan ulet ng pagka-emo)

    napansin ko lang, hindi gumagalaw ang pikyur. Baket?! Pero at least, kulaypul na siya…

  20. isa sa mahirap gawin ay ang maghintay. pero kung tunay kang nagmamahal siguro makakaya naman.

    belib ako sa mga artwork mo. galing.

    • salamat eli.may breaking point din siguro ang paghihintay.pero kung nag text lang sana sya na natraffic lang…kahit 2 years hindi ako aalis sa pagkakaupo ko.hehehe!

      salamat,salamat.

  21. gusto ko ung animated nag paghihintay. galeng ng picture gumagalaw

  22. masarap sana maghintay kung alam mong may hinihintay ka…kahit napaka asshole mu pa, kung mahal mo talaga, hihintayin mo..yun nga lang..hindi na bbalik.bakit hindi mo sundan?

  23. bat parang feel ko sinasabi mo na mas madaming alam na gawin ang girl(s) kesa boy(s). ok, jowk onle.

    ala nmn siguro yun sa “bagay-o-nde” chuva. parang t.v lang ba. may blak en wayt. pero pede din colored. tara, sundan natin sya. haha

    lam mo duking, pakyut ng pakyut ang mga artworks mo. lalo dadami tagahanga mo nyan. weeeee.

    • kala ko pa naman ako na yung pa kyut ng pa kyut!sayang!!!

      para sa inyo ni lust ‘tong paliwanang ko miss tutubi.alam mo kasi,may dalawang klase yung umaalis.meron umaalis para pansamantalang mawala lang sa lugar na kinalalagyan nya.sa ganung paraan,pwede mo siyang sundan gaano man sya kalayo o kalapit.pero ang umaalis para hanapin ang kanilang pangarap,kahit katabi mo lang sya,hinding hindi mo na masusundan.maliban na lang kung ikaw mismo ang kanyang pangarap.

      ‘di ba?’di ba?’di ba?

    • tama si kapatid na tutubi, ang cute talaga nila, pwede ko bang iuwi?…pleaaaase…hahaha

      saka ang pagiging emo ng post mo ang humahatak ng mga mambabasa mo… ang cute ng combination… naiinggit ako… ang galing mo… akin nalang yang lapis mo, bigay ko ang pakpak ko…hehehe, lukring na ako.

  24. uu nga, uu nga, uungaaa naman. (haha tunog baka yung huli ah)

    ngayon nage-gets ko na kung baket. sabi nga ng titser ko nung kaleyds, kung ganu daw kaganda yung obra mo nag rereflect din daw yun sa kung sino mang may gawa nito.

    naks! *kindat*kindat*

    (tumatanggap ako ng barya)

    @kapatid Ani ko,

    yung kaliwang pakpak ang ibigay mo, kanan naman yung sa kin. basta hati tayo sa lapis ha😀

    • s’ya sige…kasama na kayo sa bibigyan ko ng slot para sa doodle summer workshop ko na gagawin sa tag-ulan!whahaha!!!

      kung bibigyan nyo ko ng tig-isang pakpak,’di kaya ako na lang ang magkaroon ng kakayahang lumipad?paano na kayo?

  25. weh, naluha daw ako.

    magbabalik ako…’pag okay na. hehe.

  26. huwaw, hehe, makulay ang sining pero malungkot pa din ang nais iparating,

  27. Duking……….. may mga umaalis din naman kasi na nagpapahabol lang! Hayss… sana hinabol mo kesa naghintay ka jan eh isang text nga lang handa ka na agad maghintay ng 2years… sweet though! ^^

    “i hate to see you go but i love to watch you leave…” Masukista ka Duking! ahahaha

    • salamat teetoinks.kaso nga lang talaga,when people walk away to follow their dreams,they will be to places where you can never be.you can’t help but to let go.

      nararamdaman yan ng karamihan minsan.standing in between love and hate,’di ba?whahaha!!!

  28. aaawww…. anlalim naman nun… galing talampakan… hehe

    tamang emo lang yan… hehe…

    nwei, sabi nga nila saying goodbye is the hardest part of a realtionship but moving on is the most painful one… pero cge kaya mo yan… naniniwala akong kaya mo yan…

    kung ako lang gat maari ayoko ng drama sa life, pero un nga parte talaga ng buhay yan… hehe

  29. ang ganda naman ng pagkakasulat…
    yan po ba talaga ang nararamdaman mo ngayon? =(

  30. hi duking pa kiss! malungkot ka ba? ayan dalaw ulit ako .. hmmm ganda ng drawing kuhang kuha yun sapatos.. paturo naman!

    hmmm ramdam kita dito sa mga sinulat mo haizzz… smile lang po… magiging ok ka din.. mwah!

  31. haydol n duking musta musta? long tym no see. i min talk pla hehh.. my fb b u? ehhehe

  32. may kulay na!! haha… talagang career na a.

    sabi ko na nga ba, trademark ng mga dudels mo yung pangungulangot.🙂

    …na-touch ako dun sa mensahe, halos mga limang segundo din ako nagmuni-muni don a.🙂

  33. Dukingster! Hinahanap ka ni Salbe kanina mag sayaw daw kayo ng cha cha cha!

    Ha? Naadik lang. Haha.

  34. dito pala nagumpisa ang colored dudels.

    nakakalungkot naman…pero paumanhin, natawa ako sa sinabi mong “…sino pa ang mapagsasabihin ko na ‘mahilig,ako sa maganda at matalino pero para sa’yo…i’ll make an exception!’?”

    di ka naman nangaasar niyan? hehehe

    namiss ko ang mga dudels mo…na ngayon e colored na. ang galing galing!

  35. ‘mahilig,ako sa maganda at matalino pero para sa’yo…i’ll make an exception!’?
    –this must be love :))

  36. hello, duking!

    i love this post. hindi ito ‘yong usually sentimental na duking, haha. ito ang duking na sumurender at umamin at may kakayanang mag-bounce back, o di ba?

    teka, like ko rin itong comment mo –

    “may dalawang klase yung umaalis.meron umaalis para pansamantalang mawala lang sa lugar na kinalalagyan nya.sa ganung paraan,pwede mo siyang sundan gaano man sya kalayo o kalapit.pero ang umaalis para hanapin ang kanilang pangarap,kahit katabi mo lang sya,hinding hindi mo na masusundan.maliban na lang kung ikaw mismo ang kanyang pangarap.”

    parang may sinabi akong ganyan sa isang friend ko dati. hindi nga lang ganyan katatas ang pagkakasabi ko, hehe. mag-a-abroad kasi sya noon to work at feeling ko, pag-alis nya, hindi na pareho ang friendship namin. marami na syang pupuntahang di ko sya masasamahan. it turned out, tama. medyo ganoon nga.

    kakainis! ang husay mo….🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s