april fools

dahil pumatak ang april fools ng maundy thursday,dineklara na lang ng malacañiang na ilipat ito sa may 1 kasabay ng pandaigdigang araw ng manggagawa.nauwi sa malawakang kilos protesta ang nasabing paglilipat mula sa hanay ng manggagawa at militanteng grupo at matapos makipag kasundo na babawasan ng 125 ang sweldo ng lahat ng manggagawa across the board kapalit ng paglilipat ng april fools,pumayag na rin ang malacañiang na ilipat ito sa may 10.isa na naman daw itong tagumpay para sa uring manggagawa ayon sa militanteng grupo at sektor ng paggawa.dahil sa pagkakalipat nito sa may 10,hindi malayong manalo si eddie gil sa pampanguluhang halalan kahit hindi s’ya tumakbo,ganun din si amay bisaya bilang pangalawang pangulo.(gawa-gawa ko lang ang lahat ng sinabi ko at hindi yan ang subject ng post ko.)

sine-celebrate daw kasi ang lahat ng first at para maging ‘in’ yan ang subject ko.(bagamat hindi nyo alam,nakaka isang buwan na ako sa word press!!!)isang buwan na puno ng kabuluhan(yan yung mga comment nyo)at katatawanan(yan yung mga comment ko) at napakaraming bagay sa pagsusulat at pagbabasa ang aking natutunan mula sa karamihan ng nandito.

sasamantalahin ko na rin ang magpasalamat sa mga nakilala at naging kaibigan,sana’y hindi kayo magsawa kahit paulit ulit lang ang mga pinagagagwa ng mga doodles ko.salamat sa mga word of encouragement(hindi ko kadalasang nakukuha ang mga iyan sa inuman) at mga papuring kung magiging tig-pipiso sana,malamang na may piggy bank akong mamasakerin buwan-buwan.

sa mga nagcomment at tumambay,sa mga natambayan at inepalan ko,sa mga nag-gagandahang blog na nabisita at sa karamihan na hindi nagsuplado at nag suplada.maraming salamat.(sinubukan kong magsulat sa f____.com  kaso ‘di ko alam kung bagay ako dun.pakiramdam ko kase mga bathalang putik manunulat ang naroroon.pagnaglagay ka kasi dun ng post,ganitong comment ang matatanggap mo.’galing ah!teka…parang nabasa ko na yan sa…pucha!’di ko sigurado kung lahat sila doon ay nabasa na ang laman ng buong library of congress…hehehe!)nabanggit ko yan dahil kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko dito sa wordpress.(sa kabila ng sariling husay n’yo mababait kayo)

kung nakaramdam man ako ng pagod sa pag-guhit at pag-iisip ng kalakip na akda sa bawat post ko,sulit na sulit naman sa papuri at komentong natanggap ko buhat sa lahat ng narito.sa mga pumayag na makasama sa blogroll(para magmukhang marami akong sinusubaybayan at sumusubaybay)at nagbigay ng espayo para sa akin-maraming maraming salamat!

at sa mga sponsor…universal robina corporation,ang no.1 sa junkfoods fun snacks para sa pagbibigay pagkakataon sa akin na mag-blog maglingkod sa kanilang kompanya,astro ciggarettes para sa malalamok na hating-gabi,kay richard cohen,gary granada at jason mraz para sa libreng illegal download background music habang nag du-doodles ako at sa nanay ko para sa pagtitimpla ng kape na lumalamig lagi dahil nakakalimutan ko.

at para sayo,in case na bati na tayo at naisipan mong tignan kung ano ang aking pinagkaabalahan habang pinapatay ko ang oras,eto lang yun.



96 responses to “april fools

  1. wala naman ata ako masabi dito kundi WOW. it’s a job well done, duking, 1 month pa lang but your blog has come a long way. Tama ba yung nakikita ko sa me taas #34 top blogs sa arts! galeng naman..

    keep it up. keep doing what you do best. keep pursuing your passion. madaming natutuwa, naaaliw, nauuto (hehe, biro lang) at humahanga sa yo (kasama na ako dun). and i personally thank you for being a friend kahit hindi pa kita nami-meet. sorry makulit/masayahin lang talaga ako.

    teka, april fools’ day nga pala. bahala ka na kung maniwala ka sa comments ko! haha🙂

    ingats..

    • oo…35 kasi kaming may ganyang category.yung no.35…huling update nya 2 years ago.

      salamat at napa ‘wow’ kita kahit alam kong ‘aw’ ang sinabi mo.dahil hindi ako naniniwala basta basta…hindi ako maniniwalang _________ang name mo.hahaha!!!!

    • nyahahaha.. salbahe ka talaga…ilalagay ko din full name mo sa post ko.. sige ka..🙂

      kita mo nga pagkagising ko pa lang kanina umaga inuna ko pa magcomment sa post mo kesa magtoothbrush.. tapos hindi ka maniniwala.. waahhhhh.. hehe..

  2. pa-second base and pa-congratulations muna… then basa…😀

  3. Ay, siyet. Nakuha ako doon ah. Babawi ako sa iba!

    Happy monthsary!

  4. April fools tapos batian portion? Haha.

    Happy mansari. Naeelibs paren ako sa doodles na yan. Naalala ko ang mascot ko sa shadowman na nagtetenkyu. Hihi.

    P.S. Hinihintay ko ang doodle mo saken. Hahahaha.

  5. ‘ang galing’ pa rin ng koment ko.., isang buwan ka pa lang pero parang ilang taon ka na dito, at home nga ako at ‘damo’ na rin..=),
    hmm.., katulad ni Vadjee.., kelan kaya kami magkakadoodles d2.., heheh..

    *sa URC din ako 18months ago.., dumadalaw pa rin ako dun everytime.., 4thflr ng Britania..=)

    • office yun ng EVP ha?whaaaaa….siguro ikaw leemi ang dahilan kaya 5.5% lang ang increase ko last year?

      • marami talaga nanghaharang ng pangarap dun.. lam mo naman..=)

        sa isang dalaw ko dun ulet baka makitan kita pero di ko lam na ikaw yun…=/

      • lee mi,sa cavite plant ako naka assign.from time to time nagpupunta rin ako don para umattend ng meeting o kaya ay masermunan.

        buti na lang pala wala akong pangarap.at least bawas trabaho na ko sa kanila.whahaha!!!!

      • nagbilang kami noon sa cavite.., ang saya naman.., dito pa tau nagkita

        ipapahanap kita kay ranniel minsan..=)

      • nagbilang like yung sa year end inventory?

        whaaaa…huwag mo ko pahana…huwaggg!!!!

      • year end lang naman nakakadalaw sa ibang planta noon.., malabo ring makita kita sa ganung paraan, la na nga ako dun eh..visitor na ID ko pagpunta dun..wala na ung red & white..=)

  6. ang galing..pano mo ba talaga nigagawa yan?

    weee…gusto ko rin ng doodles…wahaha

  7. anojng lugar yung sinulatan mo na mga snob at marurunong mga tao? makasilip nga. haha.🙂

    naks, happy monthsary. isa ka sa mga pinakaastig na bloggers na nakilala ko. ipagpatuloy ang nasimulan at sana ay mas maging makulay ang iyong doodles kasabay ng pagiging makulay ng buhay mo, mabuhay! hahahahaha.🙂

    keep on writing, keep on doodling and keep on inspiring peeps like me.🙂

    Aja!

  8. …at malamang dahil sa doodles na ito ay magbati na kayo hehehe🙂

    dumaan ulit ako don sa Converse shop at nakita ko ulit yung pink chuck taylor pinikturan ko natuwa ako hehehehe

    • yung pink shoes na hanggang bewang pants na rin at the same time yung design kakaloka chuck taylor din sya hehehe

      • anne,hindi nya alam na nag ba-blog ako.hindi nya tinatanong kaya hindi ko rin sinasabi.hehehe!

        nagandahan ka naman sa pink na chuck taylor?bilin mo na!!!!

  9. hmm, Abril panlampaso o Abril umulol?

  10. weee! naks! ang galing galing naman! mabuhay ang iyong blog!
    medyo baguhan ka palang sa wordpress pero naman ang dami agad sumubaybay sa mga obra mo! kaastig naman kasi eh noh. ang hirap kaya gumawa ng ganyan. tapos isali mo pa ang nakakaarouch na mga mensahe. yun ang pamatay sa lahat!

    arigatou gozaimasu at do itashimashite kuya duking!

    yung drawing! wala na akong komento dun. pare-parehas lang naman sasabihin ko eh… WALANG KUPAS!

    • thank you eloiski.hindi ko ‘to mae-enjoy kung hindi nyo rin naman na enjoy.sulit na sulit talaga ang pagod at pag-iisip ng idea dahil nagugustuhan nyo kase.

      andali kong mauto no?hahaha!!!

      • oo nga. bat ganun? ang dali mo mauto. nadadala ka sa mga salita. tsk tsk tsk.
        madali ka pala mabola. hahaha! peace!

        madali kang mapapasakamay ni ate salbe! yehes nemen!

    • kinausap na ko ni miss salve sa pamamagitan ng mental telepathy.sadya lang daw na mahilig kayong mag pares-pares kaya huwag daw akong magpapa apekto sa mga ligalig na nagaganap sa pali- paligid ko.

      hahaha!!!

  11. wow! happy berdey to you! este happy monthsary! have a meaningful fools day and solemn maundy thursday!😀 ang galing mo talaga… lagi akong naaamaze sa mga drawing mo! hahakot ka ng fans niyan!

    • jowyow…thank you.ikaw lang,sapat nang reason ko para magpatuloy ng pinag gagagawa kong ito.

      naks!!!salamat ng marami sa pagbabasa at pagbisita dito.

  12. happy monthsary duking.wp.com! As always, ibang level ang doodles, ang galing – shempre eto ung piso pang dagdag na ilalagay sa piggy bank mo. hehe

    Happy monthsary po sa e-hws mo! Congrats Duking!

  13. Happy first.🙂 Blooming ka kagad sa 1st month mo. Kudos.😀

  14. nKu hapI monsari idol n duking!! isang buwan n pero til now hnd u p dn aq ndidissapOint! Hahaha
    super tenkful dn nmn kme kc my duking n umaaliw s Amin s pmmgitan ng iyong mga drwings!! sna minsan aq nman ang mdrwing u!!! Nyahahah

  15. huwaw naman, as usual, bongga ang first month.

    ang galing galing. congrats. at sana marami ka pang oras na pwedeng “patayin” para magbigay buhay naman sa maraming magagandang obra.🙂

  16. at para sa ‘yo! CHEERS!!! isang buwan kana pala sa wordpress! ang saya! welcome ka palagi! at sana marami kapang doodles na maguhit at mabigyan ng kwento, isang talent yan na ang hirap gayahin hahays! naiinggit ako sayo hahaha.

    CONGRATS po! welcome uli sa wordpress. CERTIFIED WORDPRESS BABY kana! yihh! 1month old!!

  17. Congrats kuya duking!

  18. congrats sa nakakaaliw na doodles at makabagbag damdaming mensahe.

    asan ba kasi si Salbe…

  19. @boni,kaye,themispah and mtoni:

    katulad ng gasgas na speech ng pulitikong mandarambong,wala akong masasabi kundi salamat at patuloy kong gagawin ang nakakabubuti para sa sambayanang blogger!

    wala bang pork barrel para sa akin?hehehe!!!

  20. Ugh! sumasakit ulo ko sa kababasa, mahina ako pagdating sa mga bagay na topic mo.

  21. wow. natuwa ako sa post na ‘to. ewan kung bakit..

    1 month. wow.🙂 nainspire ako sa blog mo..at sa mga comments mo. malalim palagi ang pinaghuhugutan. ganyan ata talaga tayong mga Kabitenyo? haha. joke.

    kudos Kaibigan! isa ka sa pinakamagagaling na manunulat na nakilala ko dito sa blogosperyo. penge naman chichiria..haha. pampulutan lang.

    • salamat bipolarsisa.dahil jan sa magandang comment mo…may .25centavo kang discount sa susunod mong bili ng chippy!automatic na yun kahit hindi mo sabihin sa tindera.

  22. Happy 1st Blog Monthsary Duking! Hindi nga? One month pa lang? Astig naman. Ibig sabihin madami talagang nagkakagusto sa blog mo, at nagmamahal sa iyo. Isa na ako dun. More power!

  23. ngayun lang ulit ako nakabisita, hehe,

    keep up the gud work!😛

    sana dumami pa ang mga astig na tulad mo!

    mabuhay!

    • sayang…wala ka dito nung isang araw…dumaan dito si manny villar…namigay ng haws en lat…lagi ka dapat dito kase may nagsabing baka daw dumaan dito si noynoy at mamigay naman ng hacienda…hahaha!

      magandang araw aubu!

  24. napatingin ako sa blogroll eh wala naman pala ako. yoko na mag-comment! joke lang. kahit di mo ako ilagay (puero sieepre dapat lagay mo) eh congratz sa iyong first monthsary dito sa wordpress.

    more power! buti na lang pala napadako ka sa wordpress. kasi malamang galong kape pa ang inuman bago mo kami makilala, siempre ikaw din sa amin.

  25. aba’t ambilis ng aksyon dito ah… daig pa an sa munisipyo. hehehe thanks!

    puwede ba mag-request, puwede yong wordpress ko rin.
    http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com
    yan ang orig na hoshilandia. hehehe

    mabuhay!

  26. Isang buwan nang pakikipagsapalaran sa gubat ng mga isip.

    Duking..salamat din sa iyo.

  27. congrats!!!

    pansin ko lang nagungulangot ata yung isang karakter dun sa dudel mo…hehe.

    galing talaga, isang buwan pa lang andami mo na kagad kapitbahay. Ako kahit minsan lang ako mapadaan dito sa bahay mo para manghingi ng kanin-lamig e seryosong isa ako sa mga nagbigyan mo ng inspirasyon. Nung hayskul kasi ako pangarap ko talaga maging animator, ewn ko ba kung epekto lang ng nutribun kung bakit mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagsusulat.

    mahusay talaga!

    P.S.
    * pwede mo din ba kong igawa ng personal dudel? ‘ge na…nabola naman kita e..🙂 joke..🙂 *

    • pangarap ko ring maging animator,tol.kaso nga lang…nung panahon na komiks pa lang ang uso,lahat masisindak kapag sinabi mo yung salitang animator.kaya dati pagtinatanong ako kung ano gusto ko paglaki ko,lagi kong sinasabi sa tatay ko…kahit ano huwag lang katulad mo!hahaha!joke lang !

      • hehe…wala pa siguro sa bokabolaryo nila yung salitang yun noon, baka akala nila ‘engineering’ ang ibig sabihin nun.🙂

        ..magkita na lang tayo sa studio ng Pixar animation.🙂

      • hehe…wala pa siguro sa bokabularyo nila yung salitang yon, baka akala nila ‘engineering’ ibig sabihin non.

        …magkita na lang tayo sa studio ng Walt Disney animation🙂

      • huwag mo ko liyuhin bert…baka sa studio ng porno kauwian ko …hahaha!!!PIXAR ba o Disney?hahaha!!!

      • nagkataon kasi na tinotopak yung net ng mga oras na yun…kaya pati yung nagko-comment tinopak na din😀

  28. sensya duking, medyo na late ako ng komento.. haha! hindi ako naka base.. sayang.. haha!! may mga ilang tao ako hinahangaan dito sa wordpress.. at gusto ko talagang nakaka base sa mga tao na yun…

    isa ka na ron.. hahaha!!!

    “nabanggit ko yan dahil kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko dito sa wordpress.” – duking

    pare parehas lang ang nararamdaman siguro ng mga bloggers dito sa wordpress.. kakaibang pagtanggap.. sobra nanggaling na din ang ak\ing mga poste sa ibat ibang blogging sites.. ngunit dito ko sa wordpress natagpuan ang mga komentong pumapalo sa daan daan..

    nuong una, akala ko ay utu utu lamang at mga mapagpatol ang mga readers…

    pero kinalauanan ay naisip kong matatalino pala silang lahat..

    natuto na din akong mag blog (at mag komento ) ng responsable at hindi lang yung mema lang… (memasabi) …

    napaka gandang ending na pinasalamatan mo ang nanay mo.. hindi lang siguro dapat sa kape.. kundi sa pagbigay sa iyo ng magandang genes kung saan mo namana yung kagalingan mo sa pag guhit..

    haha! nakaka encourage tong post na to.. hehe.. hindi tamang emo.. hehe.. tuloy mo lang…

    encourage encourage encourage…

  29. animse(na isa sa mga maskara):

    personal akong nagpapasalamat sa’yo.in 1 month time,hindi man tuwirang masasabi ko,nagkaroon ako ng mga kaibigang gaya nyo.higit pa sa talino,yung kabaitan at pagtanggap ang aking pinasasalamatan.walang flame wars,walang sukatan ng husay sa isa’t isa.exactly as i want na sana,sa paminsan minsang gulo ng buhay ko,may sulok ng mundo na pwede akong magpahinga sa lilim ng kapayapaan.pwede na rin tong wordpress…at higit pa pala sa pwede nang may nagsimulang maki silong sa tabi ko.

    kung dagat ang thank you,kulang ang buhay ko para sairin ito at pasalamatan kayong lahat.

    naks!

  30. in fairness, nung isang araw, nakikibalita si salbe sa akin tungkol sa blogosperyo dahil wala siyang internet access…at ang nagiisang gusto niyang pakibalitaan e ikaw, duking. so binalita ko sa kanya na 1 month na itong blogsite mo… ang espesyal mo talaga ke salbe!

    (ayan, salbe, inilalakad na kita ke duking)

  31. isang mahusay na isang buwan sayo duking at umagos pa sa walang hanggang dagat ng panahon.

    naks! nakikiusyoso lang sa bahay mo.

    ipagpatuloy mo lang ang magandang nasimulan, binabati kita Duking.

    • andito ka na naman vic…lagyan mo kaya ng silbi ang buhay mo at pasahan mo ako ng chips sa poker?siguro matutuwa ako sayo kahit hindi mo pa sinosoli yung cup ko ng marlboro,animal ka!

      • na sayo na ang marlboro ashtray, gusto mo pa ng tasa? pambihira… pero salamat sa mainit na pagtanggap mo sa akin sayong tahanan at magpainom ng serbesa, kahit bitin dahil sa mga pangyayaring hindi natin maiiwasan, maraming salamat pa rin duking!

      • quits na tayo…yung id na lang at chord nung sinabi kong kanta atraso mo.pucha aksiyunan mo ng mabilisan!

  32. I like the style you took with this subject. It is not every day that you just discover a subject so to the point and enlightening.

  33. ay! late na ito para sa pagbati..pero congrats parin… pareho lang din tayo ako, marami din ang gustong pasalamatan sa blogosperyo..sa pagtanggap bilang isang aninipot…masaya ang kagubatang ito… pero magaling ka talaga..haha

    • makapangyarihan ang magagandang papuri sa kapwa aninipotpot.what if i was rejected the first time.the story of everything will have a different ending siguro.on da sekantot,i won’t just give up the things i enjoy most.

      mababait lang talaga siguro kayo.talagang mababait!salamat…salamat!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s