if i tip and flip my hat…

ilusyon ang makita ka pero totoong mahika ang pagkakataon na bigla kang sumusulpot mula sa kawalan ng aking pag-iisa.napapatda tuloy ako’t nag-iisip kung itutuloy ko pa ang pagkumpas ng aking lapis dahil baka iyon ang lumilikha sa’yo.natatakot akong baka sa mariin at bigat ng bawat lapat ng talim niya sa papel,hindi na kayanin ng kaakibat na pambura na ituwid ang marka’t burahin ang maaaring maging pagkakamali ko.natatakot akong sa mga pagkakamaling iyon,makasakit ako ng damdamin ng hindi ko sinasadya…


86 responses to “if i tip and flip my hat…

  1. huh! isa kang henyo, mga doodles at kwento sa likod nito kuya duking!

    huwag matakot kuya duking, basta careful ka lang, huwag mo masyadong diinan, gumamit ka muna ng Mongol 3 (yan kasi uso nun sa drafting namin) para mas madaling burahin, bumakas man kokonti lang,. Madalas tayong matuto sa ating mga pagkakamali. Basta kung ano man hawakan ng kamay mo kapag may halong dasal at sikap sigurado yun maganda, hindi man perpekto, maganda parin at hindi lang siya ang makakaappreciate, madami din gaya ng mga doodles mo na may maraming nakatagong hiwaga, kwento at tula.

    galing mo kuya!

  2. sa wakas, tama na yung title nito..hehe.

    lagi naman me risk sa lahat. at kasama na dun yng gawin mo ang isang bagay na maaaring makasakit ng iba. hindi man sinasadya, hindi din maiiwasan yun. gaya nung ikaw din ang masaktan sa hindi sadyang pagkakamali ng iba..

    dati nung college ako natatakot akong hindi maganda yung engineering lettering ko kaya nilalapis ko muna bago ko lapatan ng tech pen. pero naisip ko aksaya sa oras. madami pa ko magagawa kung derecho tech pen ang gamit ko. risky sya pero natututo naman ako sa bawal mali ko hanggang sa nasanay na kong hindi naglalapis. minsan mataas yung grade ko, minsan tama lang. hindi lang naman sa ganda ng pagkakasulat binabase ang grades. nasa sense din ng sinulat. at ang importante sarili kong gawa, sariling diskarte.

    great work, kuya duking.. naki-kuya din ako.. haha.. pinagana mo na naman tong isip kong kagigising lang…ingats!🙂

    • buti ka pa,nag college.

      nalulungkot tuloy ako na hindi ko man lang napagpatuloy ang grade school ko.pinipilit kasi nila akong kumain ng nutri-bun dati dahil nasa ‘nutrition program’ ako.ayoko nga.

      mga kapit-bahay!!!hahaha!!!

  3. ok lang magkamali tol huwag kang matakot malay mo ang pagkakamaling yon ang maging daan papunta sa tama…

    yngat lagi🙂

  4. at naka-ilang type ako ng koment ko..nawawala =(

    **okay lamang ang bawat diin sa indayog ng lapis, doon mo masusukat ang kakayahan ng papel na sumuporta sa bawat mahika ng emosyon mong nalikha ng bawat laman ng puso..=)

    • ganyan din ako minsan eh.nawawala yung koment ko.wala namang lost and found sa dashboard.sayang tuloy.

      napaka supportive mo naman leemi.nahihikayat tuloy akong humawak ng lapis madalas.taynks!!!

  5. wow, ang ganda naman ng pagkakagawa ng post na ito🙂 para bang nagdadalawang isip pa na manligaw😀

    • whahaha…

      salamat at nagandahan ka.random lang na naiisip ko.pero totoo rin na nabubulag ako ng ilusyon at napupukaw ng mahika sa paligid.hehehe!!!

  6. Actually mukhang hindi damdamin ang nasaktan mo. Bat mo tinusok ng lapis yung kyot na kyot na rabbit?😦

  7. As usual, ang galing ng drawing.😉 Cute ng rabbit! Hehe.

    Masasabi ko lang, at least, you feel remorse about “possibly” hurting other people. Ang iba, kahit alam nilang may masasaktan sila, they still do what they want. All I can say is, act responsibly. And whatever the outcome of your actions, have the courage and the decency to face up to them.

    Yun lang naman yun eh.🙂

    • Ay, nakalimutan ko rin pala purihin ang drawing. Pano mo ba yan ginagawa duking? I drawing mo nga ako. Hahaha.

      • Hindi ka kayang idudel ni Duking, asa ka pa.

      • LOLLL. Ba’t may love hate relationship kayo ni Mr. Kulisap, Vajarl? Kayo ha.😉

      • madali lang yang gawin vaj,kadalasan,kinukwenta ko ang pisika ng galaw ng mga bagay,matapos pag aralan ang koordinasyon,grapikong pagsusuri naman ang kasunod.saka ko pa lang lalapatan ng tinta ang manipis na dibuho.

        kalokohan lahat ng una kong binanggit.tignan mo sa likod ng notebook ang totoo.hahaha!!!

  8. hindi mo malalaman kung ano ang magiging epekto sa ng isang bagay o kung pano nito maapektuhan ang buhay hangga’t di mo nisusubukan….. parehas lang yan ng hindi ka matututo kung di mo subuking mag-aral o hindi mo malalaman kung panop maging masaya kung hindi ka muna masasaktan…

    iba ang dating netong post mo na toh… nakarelate ako ng todo… haysssss

  9. elow duking:)
    my pag aalinlangan b ang ibig ung iphiwatig?lalim kc e🙂
    kung tama aq dont afraid 2 take a risk coz datz part of pag-ibig heheh..b gentle lng pra hnd xdo msktan kya ng knattakot u..

    asusual iloveit!!:)

    • yanah…ikaw ang nasa isip ko nang ginawa ko ito.yun ang dahilan kung bakit sobra kang nakaka relate.joke lang.nagkataon lang na puno rin ako ng agam-agam gaya mo.

      kayedee…patawad kung hindi ko magawang simple ang paliwanag kung minsan.ginagawa ko ito sa paraang malilito ang mambabasa dahil gusto ko kayong iligaw.natatakot kasi akong masundan nyo ang daan patungo sa puso’t isipan ko.naks!!!hahaha!!!

      • Hasus kinilig n aq dun oh! Taz biglang bwi heheh..
        sus pti ang sgot lalim p rin hehe

      • binabawi ko na ang pagkakabawi ko.o ayan,ibig sabihin hindi ko na binawi .sinauli ko na.on second thought,binabawi ko na pala ulit yung ginawa kong pagbawi dun sa binawi ko.

        whahaha!!!

  10. Kewl, ang galing, ang husay mo, kanino kang anak.

  11. Ang pag-ibig ay hindi nag-iiwan ng kahit anong marka..

    “Love keeps no record of wrongs…” -1 Corinthian 13:5 (NIV)

    Magaling ang drowing duking.. nakakatuwa..

  12. Para bagang ganito ‘yan.

    Paano malalaman ang isang ilog kung malalim kung hindi ka lalangoy?

    Langoy, langoy….kaya ‘yan.

  13. naalala ko dati may na-encounter akong pilosopo… ganito ang naging usapan namin:

    Ako: Sorry!
    Pilosopong Tasyo: Puro ka sorry… Puro ka sorry… kung pwede na ang sorry, eh di sana hindi na naimbento ang kulungan!
    Ako:

  14. duking, akin nalang yong rabbit, o di kaya yong lapis na lang..hehe, musta na ang panlilgaw syo ni miss salbe?…hahaha

  15. ganda nah.. meron na naman nadagdag si duking…
    maging ka pare ko kaya saludo ako sayo..

  16. salamat sa lahat ng bumisita.salamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang kuro kuro.salamat,salamat.

    wala akong masasabi kundi….*inantok na naman*

    • kuya Duki! naks! kuya…🙂 ayoko ng rabbit, gusto ko yung talento mo, penge naman…

      nakakatuwa naman yung mga nagkokoment dito, lalo na yung manliligaw mong si Salbehe tsaka yung alaskador na si J.kul. Adik!🙂

      akala ko may babaing huhugutin dun sa hat…

      …patambay uli minsan.😀

  17. Astig… pero di ko maiwasan na mahalungkat ang emosyon sa mga sinabi mo. Puno ng emosyon may takot at pag aalinlangan. Just tip and flip.. afraid not!

  18. Hi Duking.😳

    Samalat sa muling pagbisita at pag-iwan ng koment sa site ko. Napasaya mo ako ngayon umaga. Kinilig ako. i LuV u Na p0WH.

    Walang halong malisya ang mga koment ko sa iyo, ewan ba bakit nila binibigyan ng ibang kahulugan.

  19. ano ba talagang tinutukoy mo? ang muse mo???

    anyways, as usual, ang galing mo talagang gumuhit.🙂 wala…wala na kong ibang masabi pa. (speechless mode)

  20. kung gusto mong may bigla na lang sumusulpot,ako gusto ko may bigla na lang mawawala…

    ayus ah,.=)

  21. gusto ko ang drawing. ang cute cute niya oh. kaso kaso kaso hindi ko masyadong magets yung mensahe. may ideya ako kaso di ako sure kung yun ba talaga yun kaya wag na lang kaya… toodooodooot!

  22. @kaye,lust and eloiski

    salamat sa pagdaan.next time babawi ako.lilinawan ko ang mga nais kong iparating para di kayo maguluhan.hehehe!!!

  23. isa talaga ako sa fan ng yong mga artworks at writings. ang galing. malalim ang mga pinaghuhugutan.. isa kang magaling na manunulat Kapatid. hindi ko alam kung pano o bakit pero nakikita ko ang mga himutok ko sa mga sinusulat mo..

    kudos!

    • same here miss bipolar.i love your writing at ang mga matitinding emosyon na kasama nun.i read it from time to time cause it was like looking in the mirror of what i was once and yet i never even tried to be.your courage and spirit inspires me.

      salamat lagi for seeing and appreciating my space.

  24. ang lupit mo talagang gumawa ng mga ganito kuya😀

  25. ang galing ng explanation..gawa mo ba ung animation? =)

  26. hi money online…
    salamat sa pagdaan dito at opo…totoo ang chismis na (bading si ricky martin) ako ang gumawa ng mumunting mga animations.nawa’y nagustuhan mo rin katulad ng ibang (nauto) nakilala ko.

  27. wew! “bow” talaga ako sa mga gawa mo duking. galing!
    ganda nung huling linya…

    “natatakot akong sa mga pagkakamaling iyon,makasakit ako ng damdamin ng hindi ko sinasadya…”

    hmm… tayming sa naiisip ko ngayon. haha

  28. bow ka lang ng bow…
    pa-sing sing ka lang…
    para ikaw ay sumaya!
    hehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s