grooving in the dance called life…

hindi ko kayang sayawin ang iyong musika.matatapakan ko lang ang munti mong mga paa,masasaktan ka lang.mapapatid lang ako sa pagpupumilit sa bagay na hindi ko naman talaga kayang gawin.magmumukha lang akong batang nagdadabog o nagtatampisaw.

madali lang sabi mo dahil ang lahat ay may bilang,may sukat,may pagkakasunod-sunod,may ritmo,may direksiyon.para sa’yo,yun ang kabuuan ng sayaw.para sa’yo,yun ang kaaya-ayang sayaw.

hindi ko pala kaya.kabaligtaran ako ng lahat ng naging kapareha mo.hindi ko hahayaang makulong sa musikang sikat na sinasayaw ng lahat.hayaan mo na lamang akong pagmasdan kang umindak,umindayog sa gusto mong tugtog habang kasayaw ng iba.pag natapos ang tugtog,napagod ang mahaharot na ilaw,at nagsawa na ang iyong mga paa,isasayaw kita sa ating pag-uwi,sa sarili kong paraan.

hindi mo lang alam,na kapag hawak ko ang kamay mo ng mahigpit habang sinu-swing ko ito sa ating paglalakad,sumasayaw din ako.walang sukat,walang bilang,walang direksiyon,walang pagkakasunod-sunod,walang ritmo.

malayang katulad ng pag-ibig ko…


87 responses to “grooving in the dance called life…

  1. nice! pa base ah!

  2. galing sumayaw.. ng drowing.. sana nag drowing ka na rin ng kapareha.. la lang.. at least kahit sa drowing.. may kasayaw ka..

  3. aba.. ito pala ang pinagkabusy-busyhan mo. ang mag- tap dance!๐Ÿ™‚

    lahat naman tayo me kanya kanyang version ng sayaw sa buhay. me ibang magaslaw, me iba namang slow. hindi natin kelangan sumabay sa tugtog ng nakararami. sa sarili mong musika at galaw, malaya kang umindak at iindak ang iba.

    o sya sayaw lang.. mapapagod ka din nyan.. hehe.. nice work, duking…

    • been dancing all this years…and doing it in free spirit makes the difference when your ask to dance for some reason other than your own.

      thank you lagi for appreciating the effort i put in sa pagba-blog!ingat ka lagi!

  4. so sweet!.. nag-iisip na tuloy ako kung para kanino ang bawat katagang sinusulat mo…

    hahaha, natuwa naman ako sa doodles mo…tagal ko syang pinagmamasdan…ang cute, may expression pa ang mukha ng nagtatap-dance…haha

  5. Minsan lang ako magkoment ng “Like this”, sana may happy ending itong mga kwento mo kasi feeling ko sweet kang tao.๐Ÿ™‚

  6. Tahimik na mangingibig pero kasing lagablab ng apoy kapag nagningas.
    Mapupugnaw ang pangamba, maglalaho ang takot dahil sa ritmong walang pagkakasunod-sunod na musika..tok..tok..tok.

    Sayaw pag-ibig.

    P.S.
    Dukie, may sulat ako sayo.

  7. Ang husay ah..
    yung akin din magaling sumayaw..kaso ako pareho kaliwa yung paa..hanggang slow dance lang kaya ko..dahil gaya nga ng sinabi mo,

    “walang sukat,walang bilang,walang direksiyon,walang pagkakasunod-sunod,walang ritmo.”

    • mas masaya yung wala lahat.at least,yung mga maling steps,hindi mo masasabing mali.maiisip mo lang,pangit pala.then you make another spontaneous move.

      thank you,lust!

  8. at yan ang isang magandang depinisyon ng pag-ibig kuya duking… samahan mo pa ng panalangin…

    galing mo talaga.

    Be blessed!

  9. Sana sa mga darating pang bukas may isang kamay na aakay sakin para sayawin ang musika na tinatawag ng pagibig…

    ….sa saliw na Careless Whisper๐Ÿ™‚

    Nice One Duking =)

    • meron anne.may mahiyain at kimi na lalaki na maaaring lumapit isang gabing ng iyong pag-iisa,hihingin ang iyong kamay,magsisimula na marahan kang iduyan sa langit ng pag-ibig at sabihin na:

      ‘oh,your so lovely…
      with your eyes so warm
      and your lips so soft…
      there’s nothing left for me
      but to love you…
      just the way you look tonight’

      whahaha!!!yan na lang kantang yan.

      • Hahaha salamat napangiti mo naman ako๐Ÿ™‚

      • nga pala…napalitan mo na pala yung thumbnail pic.yan ba yung ‘doughboy’ dun sa hotcake?kalimutan ko yung brand.hehehe!!!pittsburg yata.ah basta.si marshmallow man din pala sa ghostbuster ganyan.

  10. ambangis mo pala sumayaw Dukie!
    …ethnic๐Ÿ™‚
    sabi nung tindero ng kwek-kwek na madalas ko kakwentuhan, ang sayaw daw ng pagibig ay naiindak sa ritmo ng tibok ng puso.

  11. “hindi mo lang alam,na kapag hawak ko ang kamay mo ng mahigpit habang sinu-swing ko ito sa ating paglalakad,sumasayaw din ako.walang sukat,walang bilang,walang direksiyon,walang pagkakasunod-sunod,walang ritmo.

    malayang katulad ng pag-ibig koโ€ฆ”

    —–hang swiiiiiit naman…. kita mo yung langgam? ayan oh.. dalawa na… o tatlo na pala… shet! apat na! tsk tsk dumadami sila…

    • madali…tumawag ka ng pest control!!!hehehe!!!

      salamat,yanah.ingat ka dahil may hapdi ring dala ang mumunting kagat ng langgam na sumusulpot sa existence ng matatamis na bagay…

      magandang araw!

      • gusto kong dugtungan ang ikinoment back mo, pero nagbago ang isip ko.. baka kasi biglang bumaha ng luha dito sa pahina mo…. kawawa naman itong munting tahanan mo at baka masalanta hehehehe..

        nga pala.. di na tayo magkaNAYON (mgkanayon talaga nyahahahahaha)… ako’y nag-alsabalutan at nilisan na ang cavitete… wala lang nisheyr ko lang hahahaha

  12. Kiniligs ako sa HHWW. Haha.

  13. kinilig naman ako bigla sa sway sway mo.., hmm.. galing talaga.., kelan ba ako di maaamaze sa mga post mo?…

    • may trend lahat ng mga bagay,it comes and goes.sabi ko nga,there are some things na magical pagmasdan pero along the way,you’ll just realize that it’s just as ordinary as it gets.

      gets?ok…hehehe!!!salamat lagi at sana lagi kitang ma amaze para pagtinanong ako kung anung trabaho ko,instead na sagutin ko na ‘ninja po!’ at least sasabihin ko ‘magician po!’

  14. whoah! ang sweet. ahehehe
    masarap sumayaw sa saliw ng tibok ng puso. malaya ka kung anong steps ang gusto mo. bawat galaw base sa nararamdaman.๐Ÿ˜€

    • sino na nakakita rito ng sayaw ng cavite?yun ang pinaka mabagsek na ‘da moves’ na nakita ko.hahaha!!!

    • maluet talaga ang bakte ng cavite, madalas sinasaliwan ng sayaw sa tugtog na “swit tsayl op mayn” heheheh…

      nice one duking the legend

      • vic andito ka na naman…naalala ko tuloy yung the moves dati sa college sa ‘ballroom na PE natin’
        pucha…ikaw talaga ang totoong mister suave.buti na lang naka 2.75 ako sa ballroom hahaha!!!!

  15. naks galing sumayaw harlem! nyahha..
    buti p xa mrunong. papaturo nga aq hahhha..

    ikw duking mrnung kba nyan? hehhhe

  16. pare. ang ganda ng poste mong to. tagos to the bones. wag ganun. nakakakilig pare! hakhak!
    gusto ko ang mga sinabi mo. ang ganda talaga.

  17. ay ang kyut naman. haha. ngayon lang ako nkakita ng nagtatap dance na nka c.t shoes.

    at….

    ang sweet ng post. weeeeee
    (tayming din ang tugtog habang nag co-comment ako)
    sometimes lovers ng america (keleg keleg) haha

  18. hala. marunong din ako mgtap dance.. hehe.

  19. ano’ng eksena to at kumekeme si salbe?hehehe

    dancing…

    dati nagkukunwari akong hindi marunong sumayaw para lang hindi pasayawin… hehe pero da-moves kung da-moves ako…

    tanong ko lang… paano kung nawili siya sa kasayaw niya at hindi na dumating yung araw na mapagod siya at makasayaw mo siya? kailan mo sasabihing, can i take this dance?

  20. Ang sarap basahin ng last line. Shet. Hahaha.๐Ÿ˜‰ Ibang klase.

  21. naku masarap sumayaw kuya. kahit bahala na si batman sa step. hehehe

    go go go

  22. damn your good! napa-wow naman ako.

  23. @slave,hoshi and atari

    can’t say anyhing more kundi thankyou for being here and appreciating this post yet again.

  24. tongenuh. at oo bumalik ako at muling binasa. wala lang natuwa talaga ako pare. lintik. picture pa lang talaga natuwa na ako. tapos nilagyan ng mensahe. ayun! wasak na wapak na sapak!

    wala lang! at muling nagcomment!

  25. anung step ng sayaw yan… kaw pa yata nag pa-uso nyan..
    ibang level ka na talaga..

    wahahaha… balik sapatos nalang may kulay… nagtipid ka na naman ba?

  26. ang sweet mo naman hahaysss nakakamelt ng pusow.. kahit freeze sia ngayon๐Ÿ™‚

  27. kilig naman. next time hahanap na talaga ako ng papa na hindi magaling sumayaw, sila pala yung mga romantic. ahahha!

    pero like love, iba iba rin ang paraan kung pano ine-express yun, tulad ng sa pagsayaw na may bilang man o pwede din namang freestyle. ang mahalaga nae-express mo parin sa paraang alam mo. wag kang mag-alala, maaappreciate nya rin yung ‘sayaw’ mo๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s