when your phone don’t ring…you’ll know its me!

dear  ms.vegetarian,

wala akong load kaya’t hindi ako nagte-text.bahala ka kung ayaw mong maniwala.napakalayo ng pinakamalapit na tindahan sa taong tinatamad mag-lakad para mangutang.hindi rin totoong ayokong sumama sa’yo sa puerto gallera trip ng kompanya nyo.nagkataon lang na magka-iba ang employer natin kaya’t huwag ka na magtampo.hindi sa nagmamayabang,pero kaya rin mag snorkling ng taong walang pera.huwag mo nang alamin kung papano dahil nakadagdag na ito sa sinasabi mong balon ng aking mga sikreto.

ang laging tapat,walang-bahid kasinungalingan at sa bisyo’y totoo lang,

mr.budgetarian





98 responses to “when your phone don’t ring…you’ll know its me!

  1. awts! astig naman ni mr.budgetarian! haha panalo ang snorkling! weeeeeee!

  2. ahahaha,…panalo ang get up ah… at mas natawa ako sa Mr.Budgetarian.., galing talaga… wala na ko koment.. naubos sa pagtawa ko..

  3. at dhil wla aq mcomment s post u.. balik nlng tau uli s drwing u! hehhe..

    tsk tsk..meron bang naiinlab s drwing?? nyahhhh…
    mukhang ill b d first one!! nyahhhhh..
    (e bkt meron ngang nagpakasal s creation nyang anime gurl sumthin’ db)🙂

    • nakapunta ka na ba sa site ng deviant arts?andun ang pinaka magagaling na freelance and hobbyist sa virtual arts at photography.

      pagtinabi ko ‘to dun…mag mumukhang artwork ng nursery tong gawa ko.

      salamat sa pagdalaw,kayedee!

      • hnd p eh…gnun?? gumagalaw din b?? hehe

        anung dalaw! d2 n nga aq nkatira e! paampon! nyahhhh

      • may mga animations din pero mostly,still pictures and classic arts.basta magaganda talaga.

        lagi ka ba dito?me pagkain sa ref pag nagutom ka.kung nasaan yung ref,di ko nga lang alam.

      • tlga.. ddlawin q nga din minsan.. kso bka makadagdag sa kinaaadikan q! wg nlng kya? plgay u? hahha…

        e wla k nmang atang ref e! aminin u nah!! nyahhh

      • mag e-enjoy ka dun.magaganda talaga yung mga gawa nila.

        okey,aaminin ko na.unan lang ang ari-arian ko.inutang ko pa sa bumbay yung punda.hahaha!!!

      • hahhahh.. ntwa aq dun! wawa nmn pla u unan lng! xge phhramin n rin kta ng kama! nyaahhhhh

  4. ang kulit ng outfit ni mr. budgetarian! haha..
    wow snorkeling… isa yan sa mga paborito ko…lalo naman ako na-excite umuwi..🙂

    • sa outdoor ka ba pinanganak?pakiramdam ko,kung may field trip sa mars,magaganyak kang sumama.

      ingat lang lagi alo sa mga delikadong activities.

      • mas gusto ko field trip sa venus kesa sa mars. hehe.. hindi naman po, ineenjoy ko lang yung mga dapat na-enjoy ko dati pa. at least kahit mejo late na, walang masyadong regrets pagtanda ko o pag di ko na kaya gawin o puntahan yung mga inienjoy ko ngayon.
        sabi nga nila life is short so make the most out of it..

        salamat po. nag-iingat naman lagi..
        ikaw din ingat ka sa pagsnorkel mo jan sa room mo.. hehe..🙂

      • ay oo nga pala,men are from mars,woman are from venus.kaya dapat pa rin pala sa mars ka magpunta.para naman makita mo yung daigdig namin.

        life is short.enjoy the brief moments.

        puro naman pang ibaba ang buhay.hahaha!!!

  5. buti na lang hindi ka sumama… i dunno about you, pero may masamang experience ako diyan eh… nagso-snorkling kami tapos bumitaw ako sa tali kasi pinsan ko si Dora the explorer… paglusong ko, tuwang tuwa ako sa mga isda, pag-ahon ko, ayun… malapit pa ako sa bangka… sisid ulet ako… then pagtingin ko sa surface, ayun, mga 20 meters away na ako sa bangka… bigla ako nagsisigaw ng tulong… inanod na pala ako ng malakas na current… Lesson learned: pumunta na lang sa Manila Ocean Park, at least hindi ka pa mababasa…😀

    • hi, runmdrun… yung last na snorkel ko sa puerto galera ganyan din nangyari sa min. di namin namalayan ang layo layo na namin sa bangka. malakas na pala yung current papalayo at iisang tali nalang yun intact sa lifevest namin. ayun hinagisan na lang kami ng tali para makabalik sa bangka. masayang experience pero napagalitan ako ng husto ng mommy ko pag uwi ko sa manila.. hehe.. share ko lang🙂

      • i never had the opportunity mag snorkling diving at kung ano ano pang ganyan.masyado kasing mahal.ilang beses na din akong niyaya ng ilang kaibigang mahilig pero hindi ako nakakasama.

        ganun talaga siguro kapag budgetarian.hehehe!!!

      • @addictedtogreenbellpepper, kamag-anak mo rin si Dora the Explorer?hehe
        Nakakatakot, noh? akala ko aanurin na ako nun tapos mamumuhay na indigenous sa isang isolated na island… bigla kong naisip, wait, hindi ko dala yung toothbrush ko!hehehe

      • @runmdrun… malayong kamag-anak ko po ata si Dora…hehe.. nag-eenjoy lang po.. yung sa snorkeling nun, tawa lang kami ng tawa kasi madami kami nun na halos lasug lasug na yung lifevest pagdating namin sa bangka. nung bumalik na kami sa island saka namin narealize delikado pala yun. kaya next time, ingat na din para di na maulit..
        yung toothbrush pa una mo naisip ah.. hehe..

      • nag snorkling na rin ako dati sa ilog gamit ang tangkay ng dahon ng papaya!

        nung hindi pa uso sa akin ang salitang danger,achtung at delikado.

    • hindi naman po masyado mahal ung ganun, duking. saka paminsan-minsan lang naman. nakow, yayaman ka ng husto sa pagtitipid mo. hehe🙂

      • @runmdrun: castaway ka na sana ngayon.probably living away from all the lifes’ trouble.kumakain ng organic food,humihiwa ng buko gamit ang matalim na tingin at gumagawa ng apoy mula sa init ng ulo.whahaha!!!

        @addictedtogreenbellpepper…can i just address you as ‘atbp.’ for short?hehehe.

        matagal na akong nagtitipid pero mahirap pa rin naman ako.i just have a different idea of fun,isa yun sa mga dahilan kung bakit ayoko rin kahit mas mura sya kaysa sa iniisip ko.

      • @addictedtogreenbellpepper… hindi kasi ako mabubuhay na walang toothbrush… naka-braces pa kasi ako nun… hindi ako kahit kailan nakakatulog na hindi nagtutoothbrush..

        @duking, kung masasali ako sa survivor, isa ako sa pinaka-unang mavo-vote out.. ayoko ng mainit, ayoko ng malamok…😀

  6. haha,hagalpak talaga ako….. nice duking.
    di ko nga na gets first…tapos ng ma-process na ang utak ko, saka ko lang nai-connect ang outfit…hehehe, para na akong lukring dito sa office sa katatawa.

  7. SuperKewl.

    Matipid nga naman, mas maganda kung lumangoy ka mismo sa akwaryum pare.

  8. nyahay! nagiging kulayful na ang gawa natin ah. ayos!
    ganyan talaga magtipid. ang hirap na ng buhay ngayon no.
    pero libre ba? kung libre. sama ka na!
    pero muka namang kawawa yung pic oh.

    • sinubukan kong explore yung colors.pinag aaralan ko pa rin.naisip ko lang na kapag wala ka palang budget para magpunta sa dagat…150 pesos lang ang fish bowl.may kasama nang magkapares na gold fish.

  9. LOL. Alam mo, Duking, if kagaya mo ang partner ko, ewan ko na lang. Hahah.😉 Makulit ka and stubborn pero undeniably cute din. Buti na lang pasensyosa siguro si Mrs. Duking.😉

  10. And ang galing ng bagong header.

    Gusto ko yung ninja! lol.😉

  11. Tipid na snorkeling, hehe.
    Nice posts! add po kita sa blogroll ko ha.
    Looking forward to your posts.
    Thanks!

  12. ang astig ng suit, kuya duking hindi kaya nahihirapan siya sa paghinga? wala kasi siya tubig eh,

    unang snorkling ko sa dive and trek (bauan batangas) mahirap sa simula pero madali na pag natutunan, wala kasing dagat sa pampanga, lahar meron pa eheheheh….

    ang galing mo talaga!

    • whaaa…

      salamat sa paulit ulit na appreciation,themizpah.kung bawat papuri eh nakakapagpayaman,malamang,kahit sa marianas’ trench,pwede akong mag scuba araw araw.

      • ahahah, mayaman naman po tayo sa kanya kanyang paraan, mayaman po kayo sa kaibigan dito sa blagosphere, mayaman po kayo sa mga taong nag-aapreciate ng mga gawa nyo. talo pa nga ang marianas trench eh. bakit? dahil dito sa blagosphere kalawakan ang na-conquer nyo. ipagpatuloy lamang po. God bless

    • thank you ulit.masyadong appreciative ang mga tao dito.nakikita ko yung mga deep sense sa mga post ng karamihan dito sa blogsphere.like your love poetry,rants,concern sa politics at society…

      wala akong masasabi pa kundi salamat.

      salamat dahil pimatulan nyo ang doodles ko!hehehe!

      • higit sa doodles mo kuya duking ay ang istoryang nakasaad at nasa likod nito ang aming kinagigiliwan. alam kong may punto kang pinaparating sa amin, mapa personal o pangkahalatan. ang nakakatuwa pa, nadadagdagan ang balitaktakan sa mga kumento ng bawat isa na dumadaan at magiliw mong tagasubaybay. at ang balitaktakan at malayang pakikipagtalastasan ay dumadaloy sa pamamagitan ng iyong mga doodles!

        Kaya meron akong isang linya sa iyo: Doodles Rules!

        Be blessed kuya duking!

  13. nakakatuwa naman yung si mr budgetarian at shempre yung drowing… hahahaha

    panalo ang snorkling ni mr budgetarian!

  14. Ahaha! Panalo. Lufet mo ‘tol.
    Hmn. so, may deviantart account ka ba? Silipan kaya kita dun. LOL

    • wala ‘tol…masyadong maganda yung sa deviant.dito ko na lang sasabit tong mga handy-
      CRAP na ‘to.hehehe!

      • nice. handy-crap talaga ah! kaka-elibs nga eh. aanginin ko na lang yang crap na yan kung sakasakali. haha! nga pala, nakita yung isang page mo… try ko nga i-download yung software. gaya-gaya lang.

    • sige…freeware yan.wala nang installation.di ko rin kabisado yung ibang features at madalas sa madalas,nag ka-crash yung software sa hindi malamang dahilan.kaya dapat alisto ka sa save.

  15. at dahil sa wala kang sigawan jan sa tagiliran mo… dito na ko magtatanong…

    tatanong ko lang… sa wordpress ka ba nakatira? =))

    • ibig mo bang sabihin ay:

      a. ba’t lagi akong on-line sa wordpress?
      b. bakit lagi akong updated sa mga post?
      c.bakit parang naging desktop background ko na ang wordpress dashboard?

      yan ba?yan ba?hah?hah?hah?

      • dayshift ka duking? kasi day time ka naman nag-a-update ngayon.. hehe. dati madaling araw..

        siguro bossing ka jan ano.. palibre naman.. nips lang at chippy ha pag uwi ko🙂

      • night shift pa rin ako.nagkataon lang na inayos na ng digitel yung linya ng dsl sa bahay.it takes them about two weeks to replace the stolen cable wire.hooorayyyy!!!!

      • hindi ako bossing dito.tagabuhat lang ako ng harina dito at tagasukat kung puno na yung mga septic tank.pag uwi mo,sige…sasamahan kita sa pinakamalapit na sari sari store.lilibre kita!

      • “sasamahan kita sa pinakamalapit na sari sari store.lilibre kita!”

        sinabi mo yan ha.. madami dami akong namiss kainin mula sa tindahan.. point-and-eat-all-you-can ba ito? hmmm.. exciting.. isasama ko yan sa itinerary ko pag uwi ko ha.. tenkyu🙂

      • katulad ng lahat ng libre,nasasaklaw ito ng rules na

        ‘limited time offer only’ at ‘hurry ’till suplies last’

        whahaha!!!

      • all of the above ahihihihi

  16. like it! wahahaha

  17. hahahaha ayos yan… pwede ko din pala gawin yan, bukod sa wala akong pera hindi ako marunong sumisid kaya gagayahin ko bwahahahaha… ang kulet…
    …mr. budgetarian, hahaha pahingi pa ng tips!🙂

  18. hindi ako naka base.. busy kase.

    natuwa ako sa drowing.. this one makes my day…

  19. “i-click ang larawan kung may nais malaman”

    na click ko ngah: aba! nagulat ako kung saan ako napadpad.,

    waaahhh!!! nauto ako run ah?..

  20. budgetarian….ashoo..kuripot ka lang..waha..di joke lang..wala talaga magagawa kung tinatamad ka..nasasayo na yun kung magkukusa ka o maghahanap ng makakakumbinse sayong tumayo at maglakad gamit ang sariling mga paa..

  21. wow naman, siguro mas masaya ka na ngayon kasi mas colorful na mga doodles mo. wala lang.🙂

  22. lufet ng ideya. galing naman.
    as usual, hanga ako sa dudels mo.

    may plano din kaming magkakaibigan, mt. climbing… (nakikita ko na sa utak ko ang itsura ko in case gusto ko din makatipid)

    ngayon pa lang natatawa nko waaaaa😆

  23. kapatid, ang lupet ng animations dito sa blog mo! asteeg! idol ka🙂

  24. @narsmanang: hehehe!!!nilagyan ko lang ng kulay alang alang sa isda.masaya naman ako every other day.whahaha!!!

    @miss tutubi: mountain climbing na tipid tip: kumuha ka ng batya o kaya kahit planggana.itaob mo pabaliktad tapos tungtungan mo sabay hiyaw:i’m the king of the world…ay queen pala!

    @taroogs: salamat for coming here!

  25. Hi Duking… daming excuses ni mr. budgetarian. hehe ^^ pero panalo sa pag snorkling, dahil wala rin akong pera gayahin ko na lang yang nasa animation mo. Hmmm… eh pano yun wala rin pala kami aquarium? hehe

    Napadaan po!

  26. you have humor.🙂 i like the way you write.

    thanks for dropping by mine, by the way.🙂

    love and peace,
    tina

  27. @teetoinks and tina:

    salamat for dropping by.150 petot yung goldfish sa fishbowl sa petshop.libre naman yung isdang kanal kung di pa polluted yung kanal nyo.lagay mo na lang sa garapon ng ladies choice.hahaha!!!

    i wonder if love and peace do exist together?we’re restless when we’re in love….

    biro lang!!!magandang araw sa lahat!

  28. sobrang salamat sa mga post mo napapangiti mo ang puso ko whe hehehehe… kakainlove🙂

  29. naks talaga! umabot na sa pagii-snorkle yung doodles mo a…🙂

    yun na ata pinaka magandang alternative para sa mga nagtitipid ngayong summer.

    andami mo nang housemates duking, may matutulugan pa ba ako dito?🙂

    buti ka pa kahit may work nakakapag doodles ka pa…
    di na kasi ako nakakapagpost sa tambayan ko, tae kasing mga thesis yan e, sumasabay… at yung “parepresyong…” parang gusto ko na lang gawing lab istori ng bayawak at alupihan. gawan mo kaya ng illustration?? hehe…

    • salamat bert…

      nakakatuwa nga,dami kong naharass na sumubaybay.hehehe!

      oo nga eh,weekly tuloy lumalabas yung parapresyong nakaka praning.hahaha!!!huwag mo baguhin yung istorya,ayos yung ganun.twist at twist at twist kabikabila.hahaha!!!

  30. ang kulit.. hehe. naaliw ako.😛

  31. Snorkeling nang walang pera? Hindi ko kaya iyan at butas ang lababo namin at nakakasugat ang batya (lola ng tansan).

  32. wahahah! ang kulit ni mr. budgetarian!
    at nasusundot nya ung halaman sa loob ng aquarium! astig! wahahaha

  33. nawindang ako sa penname.. hahaha. nice🙂

  34. thank you ulit sa lahat ng nag comment!

  35. tahimik ka ata, duking. nakakapanibago.. hehe..
    kumakatok lang.. ala matambayan eh.. hindi pa ko inaantok..🙂

  36. oh anu nasyahan ka naman ba sa paglangoy sa fish bowl mo kasama ang ung dearest gold fish o kung anu man isda un!?

  37. wehhh….. maganda na ung effect ng drawing…
    may kulay na.. naglevel ka na dood….
    wahahaha.. totoo yung malayo ang pinakamalapit na tindahan sa taong tamad…
    medyo tamad din kasi ako…
    medyo lang naman….
    mas tamad ka pa rin… Peace men!!!!!!!!

  38. may promo yung crayola kaya sinamantala ko…whahaha!!!

  39. napapadalas ung daan ko dito ah! hahaha! nakaka elibs talaga ung mga gawa nyong pictures.. at syempre, pati ung kabuuan ng post. ^^ babalik at babalik po ako dito!

    p.s
    hayaan na si ms. vegetarian kung di nya kayang ilibre si mr. budgetarian. ching!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s